Browse stories

Surrogate Mate

Language: fil

Binalalaan na si Heaven na huwag na huwag niyang bubuksan ang pinto sa pangalawang palapag. Lalo na at papalapit na ang kabilogan at eclipse. Pero hindi siya nakinig. Sinunod niya ang nais niya na makasilip sa kuwarto na iyon. She can't move her body. A sharp fang thrust on her skin. Pinagsisihan niya ang pagsaway sa sinabi ng matanda.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"You are worthless child!" Naibato ng aking daddy ang diyaryo na nasa kaniyang mesa, matapos niyang basahin ang laman doon.


Napaikot na lamang ako ng mata, nang marinig ang masasakit na salita na 'yon ng aking daddy. Sanay na ako sa ganitong eksina. Sanay na ako na pinapasok at pinapalabas ang masasakit na salita sa akong teynga na galing sa aking gahamang ama. Hindi na ito bago sa akin, araw-araw naman ata ay galit siya sa akin, na para bang ginawa na niyang maintenance ang pag-inom ng sama ng loob.



Kaya naman pala ay tinawagan niya ako kahit alam niya nagpapakalusta pa ako sa kaniyang pera sa huling pagkakataon. 'Yon tuloy hindi na natapos ang pag-manicure sa aking kuko.


Itinapat ko ang aking tingin sa aking ama nang bumagsak sa tapat ang newspaper na kaniyang binato. Ibinaba ko ang aking tingin sa newspaper na nasa sahig at dinampot.


Nabasa ko na ang laman ng newspaper kaninang umaga. At sa totoo lang ay masaya ako sa naging resulta. Inaasahan ko na makikita agad ang aking magandang mukha ngayong araw. Sinampal ko lang naman ang matandang CEO na ini-reto sa akin ng aking magulang.


Sapat naman siguro para sa kanila na sumipot ang anak nila sa isang date na hindi ko alam kung paano nangyari. Ayaw kong mapahiya sila sa kanilang business partner kaya naman kahit labag sa aking loob ay lumusot ako sa restaurant. Pero ang hindi lang matanggap ay ako na nga iyong nabastos, ako pa itong walang kwenta sa paningin nila.


Ilang beses na nilang nagawa ito sa akin. Ilang beses na rin nila ako sini-set up ng aking magulang para makatagpo ng kung sino-sinong matatandang mayayaman na madaling mamatay para maperahan nila. Pero palagi na lamang humantong iyon sa ganito.


Wala na talaga silang pag-asa para magbago.


Wala na rin akong paki-alam kung dadating man ang panahon na hindi ako bibigyan ng mana nila. Hindi rin sumagi sa aking isip na habulin ang yaman nila, tapos ang kapalit naman ay ang mailagay ka sa panganib.


Mas gugustohin ko pang maglayas at magpunta sa pinakamalayong lugar kumpara sa mapunta sa akin ang mana nila na labag naman sa aking loob ang kapalit.


Sila rin naman ang dahilan kung bakit naging ganito ako. Tapos na ang mga araw na ginamit nila aking kabutihan kaya naman hindi na sila karapat-dapat na pakitaan ng kabutihan galing sa akin.


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit halos i-alay na nila ang kanilang sariling anak para lang sa pera. Na kung tutuosin ay nakakain naman sila tatlong beses sa isang araw. Nagiging masama talaga ang tao kapag nabulag sa pera.

Mabuti na lang talaga at hindi ako nagmana sa kanila.

"Nakikinig ka ba sa akin bata ka!?"

"Makinig ka naman sa amin ng daddy mo, Heaven! Para sa iyo rin itong ginagawa namin," wika ng aking mommy.

Nakatayo sa aking harapan ang aking mga magulang, kumukulobot ang kanilang noo sa inis at nababakas sa kanilang mukha ang pagkadismaya. Mabuti na lang talaga at wala na akong pakialam sa kanilang tingin sa akin.


Mariin akong napapikit nang tumama ang daliri ni daddy sa aking sentido. Malakas iyon kaya naman ramdam ko ang paghilig ng aking ulo, sinabayan na ito ng mga mura galing sa kanilang dalawa.


Hindi na ako nakapagtimpi ay malakas kong binagsak ang aking palad sa mesa. Napaatras naman silang dalawa dahil sa gulat. Kahit kailan ay hindi ako nanlaban sa kaniyang kahit na abot hanggang langit ang kaniyang sungay. Ngayon lang dahil sumusobra na sila.


"Makinig? Hindi ba kayo kinikilabutan sa mga pinagsasabi ninyo? Ikaw?" Tinuro ko si mommy. "Naturingan ka pa namang active sa simbahan at deboto ng kung sino mang tangenang bulto, tapos ganiyan ka kung magmura?"


"Ang lakas ng loob mong banggitin ang pangalan ni lola sa media kahapon. Ikaw? Well-raised daughter and son? Tangena nagbibiro ba kayo? Barado ba mga utak niyo?" Ramdam na ramdam ko ang mapait na bumara sa aking lalamunan, habang inaalala ang pekeng ngiti ni mommy sa harap ng media kahapon.



Kung narito lang sana si lola niya ay sigurado akong kakampihan niya ako at ipagtatanggol mula sa aking mga naturingan na edukadong ama at ina. Aminado akong mabilis na uminit ang aking ulo, pero kahit na ganoon ay tinuroon ako ng aking lola kung paano magtimpi, at magbigay respeto sa aking magulang sa kabila ng kanilang ginawa sa akin noon.


"What a shame!"


Napatigil ako habang napahawak sa aking pisngi. Hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ng aking daddy. Mistulang naging paralisa ang aking pisngi sa lakas na pagkakasampal niya.


Kahit kailan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.


Kahit kailan ay hindi niya ako sinasaktan ng pisikal.


Maging si mommy ay hindi inaasahan na aabot sa ganoon si daddy. Maging siya daddy ay tila nabigla rin sa kaniyang ginawa.


Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking labi. May lasa iyong pait at sakit. Wala na ata ang mas sasakit pa sa araw na ito.


"Huwag na huwag mong pagsasalitan ng ganiyan ang ina mo, Heaven Faith Vertilema!" Sigaw sa akin ni daddy.


Galit na galit na siya dahil buong pangalan ko na ang binaggit niya. Kung dati ay takot na takot ako na marinig ang buo kong pangalan, pero ngayon, pakiramdam ko'y sasabog na ako dahil sa galit.


Hindi ko talaga makuha kung bakit pinaparusahan siya ng ganito ng langit. Ginawa ko naman ang lahat upang makita nila ako bilang anak. Pero bakit hindi pa rin nila makita?



"Kung wala kami, ay wala ka rin. Tandaan mo iyan. Lahat ng datung na meroon ka ay pinaghirapan namin. Sa amin galing!" Dagdag ni daddy.


Tumawa ako ng puno nang panunuya dahil sa binitawan iyon ni daddy. Kahit ang totoo niyan ay halos madurog na aking kalooban. Pakiramdam ko rin ay pinapaso ng masidhi kong damdamin ang buong gilid ng aking mata.


So ngayon isusumbat pa nila ang pagiging magulang nila?


"Ang kakapal naman ng mukha niyo para sabihin iyan!" nakangisi kong wika sa kanila.


"Kung sumbatan lang naman ang ibabato niyo sa akin, bakit hindi natin simulan ito noong nilusta niyo lahat ang pera na para sa kompanya ni lola!?" Bakas sa kanilang mukha ang pagkabilga. Akala siguro nila ay hindi ko alam iyon.


"At ito ba ang sinasabi ninyong pinaghirapan ninyo?" Tinanggal ko ang mamahalin na kwentas, singsing at kung ano pang kumikinig na malalaki ang halaga sa paningin nila. Mariin ko iyon na sinaksak sa kanilang dibdib.


"Ayan. Hinding-hindi ko iyan kailangan!"


"Baka nakakalimutan din ninyo na mukha ko ang pinuhunan upang mabayaran lahat ng utang ninyo sa casino at maisalba ang kompanya ni lola noon!"


Pareho silang hindi kumibo. Akala ba nila ay nakalimutan ko na ang araw na iniwan ako sa mayamang pamilya para maisalba ang kompanya? Dahil desperado at desperada na silang mabawi ang kompanya ay nagawa nilang i set-up ako sa isang matandang lalaking may asawa.



Dahil pa sa kanila kaya nasira ang tahimik ni Mr. Havoc pamilya. Dahil din sa kanila kaya nakulong ang matanda na iyon dahil sa pinalabas nilang balita na binuntis ako ng lalaki na iyon, at makuha ang halos isang bilyong dolyar. Tinakpan lang naman nila ng pera ang issue ng pera, upang hindi na maungkat pa ng korte.


Hindi alam ng lola ko ang pinanggagawa nila na iyon. Huli na niyang nalaman ang lahat noong pinagtapat ko sa kaniya bago siya binawian ng buhay.


Ayaw na ko lang magsalita pa dahil sa tuwing naalala ko iyon ay hindi ko mapigilan sa aking sarili.


Nagamit na nila ako noon, hindi na ako papayag na uulitin pa nila iyon.


Mabibigat ang aking hakbang habang papaalis sa harapan. Nakapaa lamang ako habang binabaybay papunta sa aking kwarto. Pati kasi ang paborito kong takong ay isinaksak ko sa kanilang dibdib. Mabuti na lang din iyon para naman hindi na nila ako sumbatan.


Kagabi ko pa sana balak na lisanin ang lugar na ito bitbit ang maliit na halaga na pera na aking inipon. Pero dahil sa mga gwardya ni mommy, ay hindi ako nakatakas, bagkus ay dinampot nila ako upang ipinadala sa sa isang restaurant kung saan naghihintay ang matandang CEO.


Maganda at matangkad ako, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ginagamit ng magulang ko ang aking mukha upang makahanap ang mga matatandang CEO para perahan.


Bumaba ako na bitbit ang isang maleta at bag. Buo na ang desisyon kong umalis sa lugar na ito at magpakalayo-layo. Harangan man nila ako ngayon ay hindi na nila ako mapipigilan. Sa ginawa nila ngayon ay sapat na iyon upang tapangan ko ang aking loob.

"Heaven!" Umalingawngaw ang galit na boses ni daddy sa buo masion.

"Where do you think you are going?"


Pinihit ko ang aking katawan. Mahigpit na napahawak ako sa aking strap ng bag. May bitbit sina daddy and mommy ng mga gwardya. Subukan lang talaga nilang pigilan ako at tatawag ako pulis upang damputin sila.


"To the place where I cannot see your face, father," sabi ko, at nagpatuloy sa paglakad.

"Oras na tumapak ka palabas ng bahay na ito ay huwag mo na isipin na may ama at ina ka pa!"

Tumawa ako nang malakas. Masakit para sa akin na marinig ang mga kataga na iyon pero kailangan kong panindigan ang aking desisyon.

"Kahit kailan ay hindi niyo naman ako inisip na anak, hindi ba? What's the point staying in this house? You have all the money that I been suffering for how many year. Kaya paalam na sa inyo. Isaksak niyo sa baga iyang pera ninyo!"


Mabibilis ang aking hakbang palayo sa aking ama. Hindi ko rin tinapunan ng tingin ang mansion nang makasakay ako sa taxi.


Tila naging blanko ang aking isip nang makalayo ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon ko na 'to. Ganoon pa man ay wala akong pinagsisihan.



Chapter 2

Agad na nagsalubong ang kilay ko habang bitbit ang isang tray ng order. May bigla na lang kasi na pumalo sa maumbok ko na pang-upo nang dumaan ako sa mesa ng mga kalalakihan.



Ito na ata ang pangatlong beses na ginawa ng mga lalaki na iyon. Kanina pa ako nagtitimpi pero sinasagad talaga nila ang aking pasensya.



Pinihit ko ang katawan ko bago binagsak nang malakas ang tray sa mesa ng lalaking customer. Halos mapaigtad naman sa gulat ang dalawang lalake na kanina lang ay masayang naghahagikhikan matapos nilang gawin ang pambabastos.



Kanina pa umiinit ang ulo ko dahil sa nangyari ngayong araw na ito. Hindi pa lang kasi nag-uumpisa ang araw ay pinatawag na ako sa office ng aking boss. Dahil daw sa pagbulyaw ko sa customer.



Paano ba naman kasi, kahit anong paliwanag ko sa customer na bawal nang ibalik ang coffee na kaniyang inorder once nasimulan na niyang amuyin o tikman ito. Mabuti sana kung isang beses lang niya ginawa iyon, pero hindi. Tatlong beses niyang ginawa iyon at nanghingi pa ng refund matapos kong tanggihan. At dahil doon ay kinaltasan ang sweldo ko.



Pero kahit na ganoon ay pinagalitan pa rin ako ng amo ko. Wala naman akong nakitang mali sa ginawa ko sa pagsagot sa customer. Hindi ako naniniwala sa kasabihan nilang costumer always right.



Kahibangan!



Hindi ako nagtrabaho upang mag-abuno kahit isang daan at limangpu peso pa iyan. Baliw na ata ang tao ang papayag sa ganoon.



Nakuha ko lahat ng atensyon ng mga customer sa loob dahil sa malakas na pwersa na iyon. Lahat sila ay napahinto sa kung ano man ang ginagawa nila at napatingin sa aming gawi.



Hindi ito ang kauna-unahan na may nambastos sa akin. Sa loob ng ilang buwan kong pag-apply sa mga café at store ay ito na ata ang malala. Bawat araw ay panipis nang panipis ang lubid ng aking pasensya.



“Ang babastos niyong mga hinayupak kayo, ah!” galit na sigaw ko.



“Miss nagbibiro lang naman kami—”



“Fuck your biro, moron!”



Makas na hinampas ang mukha no'ng kasamang nambastos sa akin, nang palihim niyang dinaosdos ang kaniyang kamay sa aking pang-upo upang kunwari ay pakalmahin ako. Halos magdugo ang ilong nito nang silipin ko ang mukha niya.



Buti nga sa kaniya 'yon!



"Nagkakamali kayo ng binabastos!" Itinaas ko ulit iyong tray at malakas na pinagsasapak sila.



Nahinto lamang ako nang awatin ako ng iba ko pang katrabaho. Pero kahit anong pigil nila ay wala rin naman silang nagawa dahil halos nabugbog ko na 'yong dalawang lalaki.



Nakita ko ang babaeng amo ko na nakaarko ang kilay habang naglalakad papalapit sa akin. Kalmado lamang siya pero nababasa ko sa kaniyang mata ang kulo sa loob nito na malapit na sumabog.



“Ano ang nangyayari rito, Heaven?” malamig niyang tanong.



“E, itong mga potanginang mga lalaki na ito, binastos ba naman ako,” palaban ko na wika, habang tinuturo ang dalawang lalaki.
  


“Miss, wala naman kaming ginagawa sa iyo ah,” maang ng dalawa.



“Aba’t hindi lang pala kayo mga bastos, mga sunungaling pa!”



“Heaven, apologize to them,” singit ni Stefanie na aking amo.



Awtomatikong napaarko ang kilay ko sa sinabi niya na 'yon. Maging ang mga saksi ay naguguhit ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ng bagong dating.



Ako na nga ang binastos, ako pa ang hihingi ng pasensya?



Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakilala ng mas bobo pa sa lahat ng bobo. At isa doon si Stephanie. Kalokohan.



“Ako? Sila dapat ang humingi ng pasensya.”



“Hindi magagawa iyon ng mga pari na tulad namin na mambastos ng tao. Lalo na at sa babaeng tulad mo,” malumanay na nagpakilalang pari.



Halos malaglag ang aking panga sa biglang pagkabanal ng kanilang boses. Hindi ko inaasahan iyon.



“Kayo? Pari? Ang kakapal naman ng loob niya na tawagin ang sarili niyo na pari.”



Gusto ko atang tumawa sa pagka-epektebong pagganap nila bilang isang BANAL. Wow!



"Mukha niyo pa lang halatang marami na kayong na-rape. Ilan na ba'ng na gang rape niyo?"



“Heaven!” suway ni Stephanie.



Bakas sa kaniyang mukha ang takot nang sabihin ko iyon. Mabilis siyang lumuhod sa harapan ng mga pari 'kuno' at huming ng pasensya.



Maging ang mga customer ay tila ba ay takot na takot at mabilis na umiwas nang tingin. May hindi tama sa lugar na ito.



Pinagmasdan ko ang mga kababaehan sa lugar na ito na tila ba ay takot na takot. Iyong iba ay yakap yakap nila ang kanilang mga sarili habang pilit na inilalabas ang sarili sa lugar na ito.



"Humihingi ako ng pasensya, hinding-hindi na po ito mauulit," pagmamakaawa ni Stephanie.



"Bago lamang siya sa lugar na ito kaya hindi niya po alam na kayo'y taga-simbahan. Pasensya na po talag."



Nakita kong ngumisi naman iyong dalawa, na para bang mga demonyo bago nagsalita. "Ang diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya? Sige na at pinapatawag ko na kayo."



Tumingin sa aking ang isang lalaki bago ibinaba ang tingin sa aking dibdib, hanggang sa aking hita. Binasa niya ang kaniyang labi gamit ang kaniyang dila bago ibinalik ulit ang tingin sa akin.



"Bago ka lang?" Tanong no'ng isa.



Tinaasan ko lang siya ng kilay. Huwag na siyang umasa pa na hihingi ako ng tawad, dahil sa una hindi niya iyon nararapat sa kanila. Natatalastas ko sa kanilang mga maya ang kakaiba nilang pagtingin, na akala mo ay hinuhubaran na nila ako sa kanilang isip.



"Napakabanal ng iyong pangalan. Pero kabaliktaran iyon ng iyong ugali."



Magsasalita pa sana ako nang marahan na pinisil ni Stephanie ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nanatili lamang ang tingin sa lamayo, hanggang sa pag-alis noong dalawang pari.



“To my office now,” mariin na saad sa akin.



Alam ko na agad kung saan patungo ang araw na ito. Hindi nga ako nagkamali at mabilis na tinaggal ako sa trabaho. Bago pa man ako makaalis ay pinabaonan ako ng mga salita ni Stephanie.



Hindi ko alam kung bakit niya ako binalalaan na dapat kong iwasan ang mga pari na iyon, at umalis sa bayan na ito.



Halata naman na may kakaiba sa mga pari na 'yon at sa mga tao na naninirahan dito. Mali man ang manghusga pero may kutob ako na baka may kung ano mang ginawa ang mga hayop na iyon sa mga babaeng nakatira rito.



Bagsak ang balikat na umuwi ako sa maliit na nirerentahan ko na apartment. Gutom at pagod na ang katawan ko dahil sa ilang oras na paglalakad.



Wala na kasi akong pera na natitira pa dahil naibayad ko na iyon sa apartment. Ubos na rin ang natitirang paggakain sa ref at ang tanging naiwan na lamang doon ang isang petchel na malamig na tubig.



Hindi ko na alam pa kung saan na ako manlilimus ng pagkain. Lahat naman ng trinabahuan ko ay napasok ko na pero tila ayaw talaga pumabor sa akin ang tadhana ngayon. Ang masaklap pa doon ay wala naman akong kaibigan na malalapit dito.



Napaupo ako sa higaan na halos pinaglumaan na ng panahon. Naririnig ko na halos ang pagrereklamo ng lumang higaan sa tuwing gumagalaw ako sa ibabaw.



Isang malakas na bugtong hininga ang pinakawalan ko. Napapaisip tuloy ako kung paano na lang ang buhay ko ngayon ay wala na naman akong trabaho.



Kalahating taon na ang nakakalipas noong umalis ako sa mansion. Kalahating taon na rin simula ng matutunan kong mamuhay sa maliit na siyudad ng Bettvook.



Malayo ito sa lugar ng mommy at daddy ko kaya malakas ang loob ko na gawin ang hindi ko nagagawa noon. Hindi ko inaasahan na ganito pala kahirap ang kumita ng pera lalo na at likas na mainitin at manipis pa sa papel ang aking pasensya.



Napahiga ako sa aking kama. Hinahayaan ko na lumipad ang mga alikabok na naiilawan ng sinag ng araw mula sa nakasilip na bintana.



“Paano na lang kaya ako nito?”



Nagulat ako nang bigla na lamang tumunog ang aking cell phone. Isang mensahe ang natanggap ko mula sa hindi naka-rehestrong numero ang tumambad sa akin. Tamad na binuksan ko ang mensahe.



Unang basa ko pa lang ay napabangon na agad ako sa aking kama upang tingnan ng maigi ang letra na nakasulat doon. Wala akong maalala na nagpasa ako ng resume sa isang bar. Isang text pa ang natanggap ko galing sa nag-iisang kontak na naka-save sa cell phone.



Kung nasa bahay lang siguro ako ng aking magulang ay tiyak kanina pa nadurog ang lumang cell phone na ito sa sahig.



Pero dahil wala naman akong pamalit doon ay inilapag ko na lang iyon sa kama ko. Kahit papaano ay natutunan ko na magtimpi lalo na sa mga bagay na alam kong kapag nasira o nawala ay wala akong ipapalit. Pero kung tao lang ito, baka kanina ko pa ningatngat ang anit nito.



Mabilis akong nagtipa upang reply-an siya. Dalawang linggo na rin ang nakakaraan ng makilala ko si Nathalie. At sa kasamaang palad ay naging kahati ko pa ito sa nabubulok na apartment na ito.



Hindi ko naman kaibigan ang babae na 'yon. Kaya nagtataka ako kung paano niya nakuha ang number ko. Hindi kaya ay sa mga resume na inilagay ko sa cabinet?


Umarko ang kilay ko nang makitang wala na doon ang paghuling resume sa cabinet ko. Napatampal ako nang may naalala ako.



Kagabi lang ay nagpaalam si Nathalie na kukuha siya ng bond paper, dahil na rin pagod na pagod ako kagabi ay hinayaan ko na lang siya at natulog. Hindi ko naman akalain na pati pala ang resume ko ay papakialaman niya.



Magagalit na sana ako nang bigla na lang kumalam ang aking sikmura. Napatampal ako sa aking noo. Wala na akong pera at wala na rin akong trabaho. Malapit na rin ang pasukan at kahit na sentimo ay wala pa akong naitatabi.



Binasa ko ulit ang nakalagay na address at pangalan ng Strip club. Length of Adam’s bar.



“Pangalan pa lang ay mukhang nakakabutas na ng pangarap.”



Napailing ako. Hindi ko naisip na hahantong ako sa ganitong trabaho.



Nabitawan ko ang kaniyang cell phone at napahiga. Napatitig ako sa kisame habang iniisip kong kakayanin ko bang sikmurain ang sumayaw sa club?



May ibubuga naman ang katawan ko. Maganda rin ako at madalis ko ring naagaw ang atensyon sa tuwing naglalakad ako sa daan. At isa pa, malambot rin ang aking katawan at mabilis na natuto.



Naisama na rin sa laman ng text ni Nathalie na pwede naman daw akong hindi tumanggap ng customer o iyong makikipag-sex sa iba't-ibang lalaki. Kung baka ay gagawin ko lang ay sumayaw ng walang saplot.



Napatampal na lang ako sa noo ko. Gusto ko na lang ata lumubog dahil sa trabaho na ito. Pero ganoon pa man ay wala na akong iba pang alam na trabaho. Halos lahat na ata ay napasulan ko na, pero wala talaga. Hindi talaga ako nagtatagal.



Bibigyan ko lang ito nang pagkakataon, tapos kapag hindi ko gusto ay aalis na lang ako. Ganoon na lang siguro ang gagawin ko.

Chapter 3

Isang nakakasulasok na amoy ng alak ang agad na nanuot sa aking ilong nang pumasok ako sa sinabing bar ni Nathalie.



Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na gawin ito. Gusto ko na lang ata umatras dahil sa mga nakikita kong mga babaeng sumasayaw sa harap ng stage na walang mga saplot.




Nadismaya ako nang makita ang ilan sa mga babaeng matamlay kung sumayaw. Kung ako lang ang manager nila baka pinalitan ko na ang mga stripper sa lugar na ito. Bukod kasi sa walang buhay nilang performance ay hindi rin papasa sa standard ko ang kanilang mga dibdib. Nauumay na ang mga tao sa mga sumasayaw sa stage. Ang mga galaw nila ay nagsasabi kung gaano ka boring ang lugar na ito, kahit ang totoo ay halos hubad na lahat ng babae sa stage.




Inilibot ko ang tingin ko sa lugar. Madilim ang buong paligid at ang tanging nagpapailaw lamang ay iyong sumasayaw na disco lights na paminsan-minsan ay tumatama sa aking mukha.




Namamangha akong makita na kahit alas dose pa lang ng tanghali ay heto at halos kalahati na ng upuan ay okupado. May ilang boti na ang nakatumba at mga taong nakadukdok ang ulo sa lamesa gawa ng kalasingan.




Mabilis na naglakad papalapit sa akin si Nathalie. Hindi pa lang ako nakapagsalita ay mabilis niyang hinablot ang aking kamay at hinatak papasok sa isang pinto. Hindi ko alam kung pumasok ba kami sa bagong mundo o ano, bigla na lang kasi tumambad sa akin mga makukulay na props at damit. Na sa totoo lang ay sumasakit ang aking mata sa mga matitingkad na kulay.




Kung gaano kadilim sa labas ay siya namang kasing liwanag dito sa loob at kailan pang mag-adjust ang aking mata dahil sa matinding ilaw. Mukhang mabubulag pa ata ako.




May pinasukan pa kami na isa pang pinto kung saan sumalubong ang mga matitingkad na kulay purple na nagpasakit lalo sa aking mata. Bawat lingon ko ay lahat kulay ube. Mula sa mga damit hanggang sa mga maliliit na gamit.




Pinaradahan ko nang tingin ang maliliit na detalyi sa silid na ito, hanggang sa huminto ang aking paningin sa isang larawan. Hindi ko matukoy kung saan nanggaling ang kakaibang kaba sa aking dibdib nang makita ang larawan ng mga pari na nakasagutan ko kaninang umaga. Nasa gitna ng dalawang manyakis na pari na iyon ang matabang bakla. Habang nasa harapan nila ang mga inumin. Bukod pa doon ay may mga yosi silang hawak.




Huminto ang aking tingin sa harap ng matabang lalaki na may suot na feather dress, mahahaba ang fake red nails at may artificial na eyelashes ang ngumiti sa akin. Pumipilantik pa ang pilik mata nito habang parang sinusuri ang buo kong pagkatao.




"Ito na ba ang sinasabi mo, Nat? Sure ka ba na magaling itong sumayaw?"



Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya na 'yon. Hindi naman siguro ako sasabak dito nang hindi bitbit ang bala. Pakiramdam ko ay minamaliit niya ang aking kakayahan.



"Ano ka ba mamang, magaling iyan! Si Heaven pa!"



"Nakita ko na iyan minsan na sumasayaw." Nag thumbs up pa si Nathalie.



Gusto kong palakpakan si Nathalie dahil sa wakas ay may nasabi na rin itong maganda. Hindi pa namin lubos na nakikilala ang isa't-isa at wala rin akong pakialam sa buhay niya. Pero nakakagulat lang dahil hindi ko akalain na binabantayan niya pala ako.



"Kaya mo bang maghubad?" Tanong ng manager.


"Yes," tipid kong tugon. Pinipigilan ko ang aking sarili na sigawan ang mga walang kwentang tanong ng manager na ito.



"Kung ganoon ay mag-uumpisa ka na ngayon."



Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa sinabi na 'yon ng manager. Napapalakpak naman sa tuwa si Nathalie sa gilid.



Hindi pa lang ako naka-recover sa sinabi ng manager ay hinatak na agad ako ni Nathalie papasok papunta sa dressing room.



Laking ginhawa ko nang makaalis sa silid ng manager. Para kasi sinasaksak ang aking mata sa mga kulay ube sa loob ng silid.



Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nakita kong larawan sa loob. Ano ang kinalaman ng mga pari na iyon strip club na 'to?


Napakurap ako nang abutan ako ni Nathalie ng damit. Napangiwi ako nang makita ang design nito. Nakapunta na akong sa mga club na tulad nito at para sa akin, hindi kabilang ang damit ito na may flowers pa sa gitna, sa tease performances.



Mabilis akong umiling noong makita ang sunod niyang inabot sa akin. Napaka-raming glitter at hindi rin papasa sa akin ang damit na ito.



Lahat ng inaabot niya sa akin ay tinanggihan ko. Masakit iyon sa mata at naiinis ako sa mga desinyo nito. Bukod pa doom ay alam kong mahihirapan akong tanggalin iyon kung sakali maghuhubad na ako.



Lumapit ako sa isang closet at nakita doon ang isang kaakit-akit na damit.



Simple lamang iyon pero alam ko na mabilis lang na matatanggal kapag nag-perform na ako sa stage. Bukod pa doon ay hindi masakit sa mata ang kulay itim na kasuotan. Bagay na bagay sa kulay gatas ko na balat.



Mabilis kong sinukat iyon. Inisa-isa kong hinubad ang damit ko hanggang ang itim na bra at panty na lang ang naiwan. Napansin kong lahat ng mga nandoon sa dressing room ay napahinto at napatingin sa akin.


Napairap na lamang ako sa kanila at tiningnan ang mukha sa sarili. Sukat na sukat sa akin ang damit. Inayos ko ang buhok ko. Mula sa pagkakatili nito ay hinaayaan kong bumagsak ang aking buhok hanggang sa aking balikat.


Mas lalong tumingkad ang kulay gatas kong balat dahil sa suot ko. Labis na nagpapasalamat ako sa lahi na aming pinagmulan, dahil sa kulay nyebe kong balat ay mas nagmumukha akong maganda. Lalo na sa suot kong damit. Para iyong costume ni Cat woman.


Ang nakakainis lamang ay hindi ko masarado ang zipper na nasa harap dahil sa tuwing sinusubukan kong iangat ay naiipit ang aking dibdib. Kaya iniwan ko na lamang naka-expose ang kalahati. Dagdag point din iyon sa mga manonood.



"What do you think?" Ipinakita ko kay Nathalie ang soot kong nakita sa closet.



Napansin ko ang paghigpit ng pagkahawak ni Nathalie sa damit na mukhang ipapasuot sa akin. Wala talagang pag-asa ang babae na ito pagdating sa fashion. Masyadong makaluma ang kaniyang estilo, kaya siguro nagiging boring ang lugar na ito.



"Bagay na bagay sa iyo! Nandiyan lang pala iyan. Kanina ko pa iyan hinahanap. Sabi na nga ba at bagay sa 'yo iyan." Nag-thumbs up pa siya pero ramdam ko na nagpapanggap lang ito.



Inirapan ko na lamang siya at tiningnan ang suot ko sa salamin.



Dahil unang araw ko ngayon ay inatasan ako ng manager na painitin ang intablado. Hindi naman mahirap iyon dahil buo ang tiwala ko na magliliyab ang intablado mamaya sa aking pag-akyat.



Ilang minuto na 'ko nag-ayos sa harapan ng salamin. Hindi naman mahirap para sa akin dahil kabisadong-kabido ko na ang make up na nababagay para sa aking magandang mukha. At ang panghuli, naglagay ako ng makapal na pulang lipstick sa aking labi para mas maging kaakit-akit iyon sa lahat ng manonood.



Napatigil ako nang may inilapag si manager na maskara sa aking harapan. "Suotin mo ito upang mananatiling misteryo ang iyong pagkatao. At tandaan mo ng maigi ang mga batas sa club na ito at ang hamon ko sa iyo."



Napangisi ako matapos niyang ipaalala iyon. Tiningnan ko ang sarili ko nang ikabit ko sa aking mukha ang maskara. Ang kauna-unahang batas sa club ay huwag kailan man ibaba ang maskara kapag nasa intablado, pangalawa ay kailangang maghanap ako ng lalaking aking aakitin ngayong gabi bilang panimula. At ang panghuli, bawal makipagtalik sa stage o kahit pagkatapos ng performance. Pinili ko ang magsayaw na nakahubad, kaya kailangan panindigan ko iyan na hindi lumalampas sa limit.


As if naman kaya kong makipag-talik sa harap ng mga tao? May dignidad ako at puri pa naman akong natitira sa aking sarili.

Narinig na ko na ang malamyos na musika mula sa stage hudyat na simula na ang aking performance bilang stripper. Sa huling pagkakataon ay huminga ako ng malalim.



Unti-unti ay umangat ang sahig kung saan maghahatid sa akin sa stage. Unang apak ko pa lang ay sinalubong na ako ng mga nagsisigawan at palakpak na mga customer. Ang kaninang walang buhay na stage ay tila nagliyab sa aking pagdating.



Ang tingin lamang sa akin ng lahat at aking magulang, ay isa lamang akong hamak na party girl na patapon ang buhay, walang ano man na kayang ibuga, pero ang hindi nila alam ay naging active ako sa gymnastics at naging cheerleader din ako noon. Kung saan humakot ang aming team ng maraming parangal. Kaya naman noong nagsimula na ang beat ay automatikong gumiwang at umindak ang buo kong katawan.



The music started to get rough. I was very familiar with the music. I dance it once and I hope I will never fail this time.



Titig na titig ang lahat sa bawat galaw at hampas ng aking latigo. Ang maumbok kong pang-upo at tila nakikisabay sa ritmo ng kanta.



Napahawak ako sa pole na nasa gitna. Ang malamig na metal ng pole ay naghatid sa akin ng pananabik. Pakiramdam ko'y binabalik ako sa mga araw na kung saan hindi mabubuo ang aking araw kapag hindi ko iyon nahahawakan.



Nag-aral ako maging pole dancer noon pero dahil sa aking mga magulang ay pinahinto ako at pilit na pinapasok sa beauty pageant. Sa murang edad na sampung taong gulang ay natutunan ko nang rumampa na suot ang mahahabang heels.



Sa mahabang taon ay ngayon lang ulit ako nakahawak nito. Naluluha ako sa saya. Labis na kagalakan ang pumuno sa aking puso. Dito lang pala matutupad ang aking pangarap na maging isang pole dancer.



Halos hindi maalis ng mga kalalakihan ang mga mata nila lalo na ang lalaking nasa pinakagilid. Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Gawa nang pagtama ng mga sumasayaw na ilaw ay napapansin ko ang gwapo nitong mukha. Hindi ko alam kung bago va siya sa lugar na ito o suki na. Pero ganoon pa man ay kailangan ko na siyang lapitan upang harapin ang hamon ng manager.



Pinaglalaruan niya ang kaniyang baso na may lamang pulang inumin nang maglakad ako papalapit sa kaniya. Agad na nagsigawan ang lahat dahil sa pagbaba ko sa stage.



Kaniyang niluwagan ang pagkakatali ng necktie nang sinimulan ko nang alisin ang saplot, hanggang ang naiwan na lamang ay ang backless bra at ang lingerie ko na panty.



Hindi pa ako tapos at itinabig ko ang mesa at umupo sa kaniyang kandungan. Nababakas sa lalaking ito ang pagliyab sa kaniyang mga mata.



Nakita ko kung paano bumaba ang tingin ng lalaking ito sa aking mayayamang dibdib. Binasa niya ang kaniyang nanunuyong labi gamit ang dila. Sinundan ko ito hanggang sa gumihit ang kaniyang labi nang isang manipis na ngiti.


Nagsimula na kong sumayaw sa kaniyang kandungan. Paminsan-minsan din ay nararamdaman ko ang kaniyang pagkalalaki sa tuwing sinsiksik ko ang aking katawan. Pero nadismaya ako nang hindi ko man lang naramdaman ang kaniya na tumayo.


Hanggang sa sinubukan ko itong hatakin papunta sa stage at pinaupo sa aking harapan. Muling nagsigawan ang lahat lalo na noong namatay ang lahat ng ilaw. Nang bumalik ito ay nakatoon na sa akin ang ilaw.


Mula sa aking likod ay inilagay ko sa kamay ng binata ang posas at ikinabit iyon sa pole. Inilapat ko ang aking bibig sa kaniyang tainga at pabulong na kinanta ang liriko.



Nagsimula na akong sumayaw sa pole. I parted my legs while my hands supporting my weight. Nakita kong lumunok ang binata nang sipatin ko ito.



Mas naging dismiyado ako nang pinikit niya ulit ang mga mata niya. Umalis ako sa pole at umupo sa kaniyang kandungan. Inihampas ko ang aking latigo kasabay ng pagtatapos ng beat.



Para sa huling pagkakataon ay mas idinikit ko pa ang aking katawan sa kaniya. Hinahabol ko ang aking hininga nang mag-abot ang tungki ng aming ilong, ito na ang katapusan ng kanta, at katapusan ng aking performance sa gabi na ito. Pero hindi lang iyon ang nagpapasaya sa akin dahil, naramdaman kong tinayuan ito. Ibig sabihin ay tagumpay ang aking misyon na pag-akit.



Aalis na sana ako sa kaniyang kandungang nang hawakan niya ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya. Ang kaniyang mapupungay na mata ay labis na nagpalakas ng kabog sa aking dibdib.



"Mate."



Iyan lamang ang huli kong narinig dahil sa hiyawan ng mga nanunood. Iyong iba ay naghagis pa ng bulaklak at napuno ang buong paligid ng kanilang palakpak.



Muli kong tiningnan ang binata na ngayon ay nakaupo na sa gilid. Naramdaman kong inihatid niya ako ng tingin hanggang sa backstage.



Mukhang magkakaroon pa ata ako ng crush sa unang gabi ko. Saktong-sakto at wala pa akong stage name. Mate na lang ang ibabansag ko.