Browse stories

One Of My Poisons (Bodyguard Series #1)

Language: fil

She hates the dark but she loves the moon. She wants to be alone but does not want to be lonely. She hates everyone and all of the worst starts from her childhood. Cynth Eira Gray has been sexually assaulted. At first, she just wanted to forget what happened to her before, until she discover that her father is hiding something from her and she wants to know what is the secret of her father and the man who abused her femininity. How could she stand up again if there's a demon trying so hard to tie a chain around her feet? And out of nowhere there's a stranger she hated for slowly…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The author in no way represents the companies, corporations, or brands mentioned in this book. The likeness of historical/famous figures has been used fictitiously; the author does not speak for or represent these people. All opinions expressed in this book are the author's, or fictional.

Warning:

Reading can seriously damage your ignorance!

This novel contains a disturbing scenes and as you can read in the blurb that the protagonist has a serious traumatic experience, and I'll expose a lot of her flashbacks but no worries because I wouldn't let you read vulgar words as much as i can.

People are not perfect and neither are my characters, they have their judgments, beliefs, and sensitivities. My writing is not perfect and I am not a professional writer either. This is a rough draft and there will be a few typos and grammatical errors ahead. So, bear with me please.

Let's finish my story together!

A Filipino novel written by a Filipino author.

Vonria ©️2022 All rights reserved.

Chapter 2

I craned my neck when I saw a bunch of people coming out from the exit of the airport. Sabi ni Dad ilang minuto nalang ay lalabas na iyon, kaya todo taas leeg ako. I can't come inside because it's already Ber months at sobrang daming tao ngayon sa loob and I didn't bring my bodyguard because I fired him yesterday.

I craned my neck one more time even it hurts already. And this time I finally saw him! He's talking on his phone and suddenly gazed his eyes on the crowd.

With his cold eyes, ours met. I guess Dad already told him na ako ang susundo sa kanya. Iniba ko agad ang ekspresyon ko. Dinugtungan ko ang kalamigan ng mga mata nya.

He started to walk towards me, ni hindi man lang sya tumigil kahit nababangga na siya ng mga tao. I bit my lower lip just to stop myself to tremble. His thick brow shut when he dropped his gaze into my lips.

Natigilan lang ako nang may biglang kumapit sa kaliwang braso nya. Ngayon ko lang napansin na hindi pala sya mag isa. Sure I know na hindi siya mag-isa dahil he said na kasama nya ang kanyang nakaba-batang kapatid na babae papuntang ibang bansa pero ibang babae yata itong nakakapit sa kanya.

She looks like her mid-20s and for sure she has a western blood dahil halos magkasing tangkad lang sila ni Yevhen at ang datingan nito ay hindi pang pilipino.

"Kanina ka pa dito?" He asked and wandered his eyes on the waves of people surrounding us. I didn't respond. Napansin nya ang titig ko sa babae kaya hinarangan nya ako sa babaeng katabi nya at tinapunan ako na may diin na tingin.

"let's go, masyadong madaming tao," He said like without a plan to introduce the girl who is already tangled with his arm. Bahagyang bumuka ang bibig ko nang makitang inalalayan niya ang babae at kinuha ang maleta, at parehas pa sila ng damit na pang winter.

Wala kaming imikan habang naglalakad papuntang parking lot, nasa likod nila ako at ang kaninang pag papraktis ko ng pangangamusta sa kanya ay biglang nawala, nawalan ako ng gana. Biglang tumigil si Yevhen sa paglalakad kaya tumama ako sa likod nya at bumaling sa akin.

"Mauna kanang umuwi, ihahatid ko lang muna siya sa condo,"

I glared at him and notice his words, ngayon pa talaga ako pauunahin na wala akong kasamang bodyguard, sana 'di nalang ako nag effort pumunta dito! Tss. At ang babaeng kasama niya ay halos mapunit na ang labi sa kakangiti habang nililibot ng tingin ang lugar.

I introduced myself initiatively. God! How rude is this guy why he did not even introduce this girl to me.

"Oh hi, I'm Cherry nice to meet you, Sin is your name? As in kasalanan?" Parang amerkana nga dahil sa pananalita nya pero marunong naman mag tagalog, nagulat pa sa pangalan ko.

I clenched my jaw, offended at her questions.

"No, I'm Cynth. Sin for short." I smiled sweetly. Tinapunan ko ng masamang tingin ang lalaking bastos sa tabi nya.

"I appreciate your presence here but you need to go home immediately at bakit wala kang kasama? You shouldn't go out without your bodyguards" He looked at me with a deadly serious stare as if I did a sinful deed.

"Pinayagan ako ni Daddy na ako lang mag-isa, 'tsaka iniimbitahan ka nya sa bahay dahil may salo-salo." Mapait akong napayuko at desmayado parin sa kanyang sinabi.

Bumuga ako ng hangin."Sasabay ka sa akin," Matapang kong sinabi, sabay angat ng ulo para tignan siya pero doon ako nagkamali at parang gusto ko nalang bawiin ang sinabi ko dahil titig na titig pala sya sakin at parang hindi nagulat sa sinabi ko. Para akong kuting na yumuko ulit.

Nahihiya kong ibinigay ang susi sa kanya at dumiresto na sa sasakyan. Hindi nakatakas sa akin ang tinatago nyang mapaglarong ngisi.

I'm about to open the front door of my car when Cherry pulled my arms a little bit and open the door herself, I shrieked at her moves.
Sinaway siya ni Yevhen.

"No, it's fine to sit here in the back, so I'm gonna sit here." Inunahan ko na sila para wala ng gulo, pumasok ako sa likod na nakakunot and noo.

"You okay there?" Medyo malakas ang pag kakatanong ni Yevhen non, pero partida halos hindi ko parin siya marinig dahil dada nang dada si Cherry tungkol sa kotse ko at sa mga ibang mas magandang model ng Tesla.

My brow arched and glared at him in the rearview mirror, I know he is serious but it's more than mockery to me. I'm frank so I tell him honestly that I'm not!

This girl giving me headaches, my ear turns red because of her voice. It irritates me so much!

Pero parang nawalan na talaga ako ng pasensya kahit lagi naman talaga akong wala pasensya nang nangi-alam na siya nang stereo ko. At bigla itong tumugtog pati ang locks ng kotse pinakialaman.

"Cherry, stop it." Nakita ko kong paano nya hawakan ang babaeng nasa harapan at gaano ka lambot ang boses nito.

Dalawang taon nga lang siya nawala naka bingwit na ng amerikana.

Well, sa bagay I was not that easy on him at hindi rin maganda ang una naming pagkikita, mas lalo na sa huli naming pakikita bago sya umalis patungong ibang bansa. I've done so many mean things to him, buti na nga lang pinansin nya pa ako kanina e. And we ain't close but I have my remembrance of our moment in this car, and that was my seat when he hold my hand, too.

But I hate him to the core because he is my poison and I should be threatened. He is my poison but he's being my cure. And he is giving me reasons to hate him more.

Chapter 3

"Aalis na po ako." Kasalukoyan kumakain sa isang mapayapang dining area kung saan kumakain ang ama at bigla kong siningitan ang momento niya para mag paalam. My voice is cold as ice so he immediately turns his gaze on me. I guess he already knew who is it.

"Oh, anak kain muna tayo." He said and offered me the chair in front of him, his lips almost tear off because of his force wide smile. I arched my brow. I don't know if it is fake and sarcasm pero hindi nakakainganyo ang ngiti niya. Mas lalo lang akong naiinis. Mas lalong nag iinit ang ulo ko.

"Hindi na, I'm done with that," I said matter at factly, at ayaw ko din talaga siyang kasabay kahit gutom ako, i will just lose my appetite. Malalim niya akong tinignan sa mata tila may gustong makita kaya agad kong binaling sa iba ang aking tingin. Hindi ko na hinintay na maharangan na naman niya ako at pilitin pang sumabay sa kanya, I immediately walked towards our big wooden double door.

Pumasok ako sa kotse ko at sinubokang paandarin pero ganoon parin ito, kahapon pa ito ayaw umandar at hindi ko alam kong anong nangyayari sa pesteng sasakyan na ito. Namula na lang ang kamay ko kakahampas sa manobela dahil ayaw paring umandar hangang ngayon, hindi ko alam kong anong sira nito dahil bago palang akong nagmamaneho ng kotse at matagal na itong inabandona ni ama sa garahe kaya kinuha ko nalang para wala nang mag hatid-sundo sa akin.

I don't have time to fix this dahil ayaw ko naman ipahiya ng proof nang first subject, though that's just my minor subject but the teacher is very strict na ulitimong ilang minuto lang na late ay papalabasin na agad. Hays Bagsak balikat akong lumabas sa kotse at kating kati na sipain ang gulong. Wala akong choice kundi ipapa-ayos ko nalang ito ngayong linggo.

Takbo at lakad ang ginawa ko makapunta lang sa kanto na may waiting shed labas ng exclusive subdivision namin kahit napakalayo, tumitigil din kasi doon ang bus at jeep kapag may mga pasahero nakita.

I craned my neck when I saw a bus coming. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko at ppinigilan ang sariling mag reak sa mga tao dahil napakarami nilang pumapasok at lumalabas. Tila hindi ako makahinga sa dami nila ngunit nag patuloy pa rin ako sa paglakad papasok kahit may nagrereklamo na at nagagalit dahil siguradong maagawan nanaman ako. Huminto ako sa tabi ng driver seat na wala nang driver, siguro lumabas din ito. Tinignan ko ang kabuoan ng mga upoan kong may bakante ba, pero mahina akong napamura nang sunod-sunod inupoan ng mga taong pumapasok ang mga silya at madami pa ang naka pila sa labas.

Pumasok na ang konduktor kasabay ang driver at sumara ang pinto kaya agad ako napaabante. "Nene, bawal standing." Busangot akong tumingin sa kanya. Hindi ako pandak para tawaging Nene! siguro baby face lang talaga ako. But it insults me! Sana Miss nalang!

Tumango nalang ako kahit nairita, nagsimula akong maglakad sa kaisa-isang upoang natira, hindi man malapit sa bintana ay okay na.

Lumipat ang tingin ko sa naka-upo sa may bintana. Natulos ako sa aking kintatayuan at doon parang gumuho ang mundo ng makitang isang...

Isang lalaki.

May namoong butil ng pawis sa aking noo at nanghihina na dahil ngayon ko lang namalayan na hindi na pala ako humihinga, kasabay ng napakalakas na kabog sa puso ko na parang gusto ng lumabas sa rib cage. Sa isang iglap napapikit ako ng mariin nang biglang pumasok ang kakarampot ngunit nakakatakot na mga senaryo sa aking pagkabata parang bumalik ang mga alaala. Hindi ko kaya ito. Tumalikod ako at hinarap ang malaking windshield, akmang lalakad ako palabas noong biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, kunot noong tumingin ako sa kalangitan kong totoo ba talagang umuulan.

Kinalikot ng driver ang radio kaya narinig kong may maglalandfall na bagyo malapit sa Davao del norte. I closed my eyes tightly and let a heavy sigh before I turn my back again, my hands tightened into fists as I looked at the guy and walked towards the seat. I don't wanna risk my life for this, pero kailangan kong pumasok sa paaralan. At tila parang ang mundo ay sinusubukan ako.

Nilagay ko muna ang bag sa harapan ko, bago umupo. I will prove that I'm brave now, stronger than then.

Naglagay na ako ng sumbrero para handa na mamaya at hindi ako medyo mabasa pagkalabas. Sinulyapan ko ng tingin ang ginagawa ng lalaki habang nakapirmi ang ulo ko sa harap. He is reading his resume! Kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang resume na nilagay sa ilalim ng police cclearance at nakalagay lahat sa isang brown envelope. Sinulyapan ko din ang mukha niya and I guess he didn't felt my presence, because he's so busy checking his papers with his furrowed brows.

Police Clearance, huh? Medyo kumalma ako ng kunti, pero hindi dapat makampanti, walang dapat pagkatiwaalan.

Ilang minuto lang ay umayos ako ng pagkakaupo noong nasa harapan ko na ang konduktor, inabot ko sa kanya ang pamasahe ko at ibibigay nya na din sana ang ticket ko pero hindi ko nakuha noong biglang nag preno ang driver kaya na out-of-balance ang konduktor!

Tumili ako at sinubukan ko pang tumayo pero naka harang siya kaya dali-dali ko nalang iPinag-krus agad ang dalawang kamay ko sa aking dibdib, dahil alam kong mababagsak sa akin ang mabigay niyang likod. Hindi ko mapigilang mas tumili at pumikit mariin.

Sa ilang segundo pang pag iintay ngunit wala akong naramdaman na dumagan sakin na katawan. Bumukas ang mata ko at nakita kong nakaayos na siya ng tayo at namumulang umiwas ng tingin sa akin at sa kamay na nasa ere sa harapan ko na may hawak pang envelope.

Nong una ay nagtaka lang ako kung bakit may envelope sa ere ngunit nanlaki ang mata ko nang napagtantong kanino iyon. Agad akong napabaling sa katabi ko, halos lumuwa ang mga mata ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin! Kung hindi lang dahil sa sumbrero ko ay mas mapalapit pa ang mukha niya!

Dumaan ang gulat kanyang mga mata at agad ding nawala noong napatitig siya sa mga mata kong puno ng takot. Wala akong pasabing tinulak siya kaya tumama ang ulo niya sa salamin na naglikha ng ingay kaya napatingin ang lahat bang tao at napapikit naman siya ng mariin.

"Huwag kang lumapit sa akin!" Pinilit kong mag tunog matapang, malakas, at nagawa ko naman pero lintek! Nanginginig ang mga kamay ko! Mas lalo lang akong natakot sa kanya dahil napatitig siya sa kamay ko, bago tumaas sa aking mga mata. Nanginig ang kamay kong sinuntok ang mata nya.

Oh My God!

"What the hell?!" Napahawak siya sa kanyang kaliwang mata at masama akong tinignan. Alam kong lahat sila ay nakatingin sa amin. Sa akin. Dahil kanina pa akong may naririnig na sumisinghap at tumitili pero binalewala ko lahat iyon at agad inayos ang bag ko at nagsimulang lumakad nang mabilis na paraang walang nangyari.

"Dito nalang po ako, m-manong." Napakagat ako ng labi at pinipigilan manginig labi.

Naguguluhan nya kong tinignan pero hininto niya parin ang bus. Alam kong alam niya kong saan ako nag aaral dahil sa ID kong may sikat na unibersidad ang nakatatak, medyo malayo layo pa ang Ateneo, pero binalewala ko nalang iyon. Lumabas ako at inayos ang sumbrero, hindi ako masyadong mababasa nito dahil agaran ring humupa ang ulan.

Mariin akong napapikit at pabulong na nag-sorry. pero hindi ko alam kong kanina dahil I'm not feeling sorry to him, ewan pati siguro utak ko na apektohan sa pagsuntok sa makapal niyang mukha, palihim ko rin tinignan ang namumula kong kamay.

But I'm sure it will give him a mark!