Browse stories

Forgetting my Contracted husband

Language: fil

Married to use and married to be used. Two unacquainted persons who were joint by a purposive contract have almost the same motive. No other than the ultimate objective caused by extreme pain and resentment, the revenge. Yet when the weak was taken down and starts to forget even without having started, that's when the other starts to soften as well. This reflects how a married couple from an agreement will find love and peace with each other in this crafty unpredictable world.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

As Fianna keeps her questioning astounded eyes to him, he nonchalantly grabbed a chair and he sat to the seat leisurely then smirked emitting a sinister atmosphere. He sipped his wine slowly gulping and enjoying while looking at Fianna up and down as if what he's drinking was her, then he mockingly asked, "Are you sure... that I'm not you're husband?" He then swirled his crystal glass playfully. He seems to take the situation an interesting game.

Marami na ang nakapalibot sa kanila lalo na sa mga babaeng nakanganga nang naaakit kay Marcellus habang napapatitig ng matalim na mata kay Fianna. 'Gusto na yata nila akong patayong ah?' Pakalma na biniro ni Fianna sa sarili. Napansin na rin niya ang mga eto.

Samantala, hindi padin tumitigil si Marcellus sa pagtitig sa kanya. Kahit nakaupo na. Gusto na sana niyang umalis dahil parang titigas na siya sa mga nakakahipnotise niyang titig ngunit iniisip niya na masisira ang reputasyon at image niya kung tatakbo lang siya na parang tangang natalo. Hindi naman niya sigurado kung sinu ang lalaking kausap niya kaya mas lalong napapaatanong siya. Ngunit hindi ito ang tamang panahon.Kaya pinunta nalang niya lahat ng pressure at takot na nararamdaman niya sa baso ng wine na hawak habang pinalasalamatan ang baso sa pagdating to the rescue as a backup,saka kalmadong sinumbatan ang tanong ni Marcellus, "Yes. Because I, don't have a husband. Nor have I even married."
Lalong ngumisi pati ang mga mata ni Marcellus na parang inaasahan niya na ganon ang magiging sagot ni Fianna.

"Well then...how about that wedding RING on your RING finger?" He asked challengingly, na lalong linakasan ang pagbigkas sa ring na salita. His amused expression reflects how he is enjoying to play with her.

Napatingin si Fianna sa kanyang kaliwang kamay na nagpatigil ng ilang segundo sa kanyang paghinga. Lumaki na parang matatanggal na ang kanyang bilog sa mata. Maya maya ay nahulog ang baso ng wine sa kamay niya ngunit mabilis iyong sinalo ni Marcellus.

Sinisigawan na parang pinapagalitan na ni Fianna ang sarili at sinisisi ang mga tao sa kanyang utak nang makabalik sa kanyang maayos na pag-iisip. 'Kailan pa nagkaroon ng sariling buhay at nagkasingsing ang kamay ko?! Sa buong buhay o araw na inilagay ang singsing na to eh hindi ko manlang napansin?! Wala manlang nagsabi saakin sa mga nakakita na may kakaibang suot ang kamay ko?! Anong uri ng kalokohan eto?!'

Eh pero kung iisipin naman niya, mula nung bumangon siya sa napakagandang villang na iyon eh ang buong iniisip niya ay ang kanyang paghihigante sa kanyang ama-amahan. At hindi binibigyang pansin ang ibang bagay pati na ang kanyang katawan.
She felt a little disappoinment to herself and just heaved out a sigh after realizing how she became negligent, especially to her own body, 'pero pati ba naman ang mga ganitong panloloko eh nadadamay ak-'

"We even spent our wedding night together... passionately." Dagdag pa na bulong ni Marcellus na nasa likod na ni Fianna. Makikitang lubos na naaaliwan sa mga reaksiyon ni Fianna.

Dahil naman dito, nanginig si Fianna na parang may naramdamang multo na sumakay sa likod niya. Hindi niya alam kung ang iintindihin ba ay ang salita ni Marcellus o ang posisyon nila. Hawak-hawak na kasi ni Marcellus ang beywang ni Fianna habang parang ipinagmamayabang na iniinom ang wine niya. Sa harap ng napakaraming tao.

"Sir, please stop this nonsense! I think you have mistak-"

Chapter 2

Fianna was hazily coming back to her senses when she realized that something's wrong with her current position. Which caused her eyes to instantly open wide.

Nung nakita niya na siya'y nasa hindi pamilyar na lugar, nataranta agad  at napalingun kung saan-saan.  Nanlaki na parang hindi na niya maipipikit pa ang kanyang mga mata nung naharap niya ang isang napakalaki at napakagandang bahay na habang pinagmasdan pa ang paligid ay natuloy na isang villa. Hinalughog ng kanyang mga mata kung saan man siya. At mabilis  niyang napansin kung paano siya nakahandusay sa gilid. Gilid ng harden na kasama ang mga bulaklak at halatang nakatulog ng paupo. Buti nalang at maayos ang kanyang mga damit na pang meeting kung hindi ay baka tuluyan na siyang mawawalan ng malay habang buhay.

She tried to stand but was just in confusion and awe when she felt aches in her body. 

"Ouch. Ang sakit! Bakit napakasakit ng katawan ko! What on Earth happened? " She exclaimingly asked.While trying to calm her head.

Standing slowly, she nearly faint back again but was lucky to have grasp on a big flower cement pot.

Curiously and confusedly, she hardly tried to recall her memories. She remembered that she went somewhere to vent out her anger and frustration from the heinous clandestines that she just found out from those family of monsters that had been only pretending to care for her over more than two decades, she went out for the reason of avoiding her dynamite punch from reaching their face many days ago. 

Pagkatapos naalala ito, tumulo ang kanyang luha ng hindi niya namamalayan. Halos tuloy-tuloy na hindi na niya mapigilan. Hinahaplos nalang niya ang kanyang mga namumulang pisnging dinadaanan ng luha habang sila'y kanyang  sinisisi sa kanyang utak, 'isa talaga silang hayop. Mas masahol pa sa hayop! And buong buhay kong pinaniwalaang ama ay isa lang palang mapagpanggap na tuso at mamamatay-tao? Itinuring ko na isang dakilang ama na pinagkautangan ko ng buong buhay ko ngunit isa lang naman pala akong kasangkapan sa kanyang mga plano.' 

Halos hindi na siya makahinga sa sobrang pagkawasak, kaya pinikit niya ang mga nagsasakitang mata at pinilit na itinigil ang pag-iisip muna sa mga ito. Halos hindi na din siya makakita sa mga luhang bumabalot sa kanyang mga maladugong mata.

Matapos ang ilang minutong pagkakalma, natigil niya ang kanyang mga luha sa pagtulo. Nandilim bigla  ang kanyang mga mata na parang mismong may nasaksihan siya na pagpatay sa kanyang harap, at buong pwersang tinikum ang kamay na para bang meron syang dinudurog.

'Kung gayun, maghintay lang din kayo. Balang araw, maibubunyag ko lahat ang inyong kasamaan. Mabubulok kadin sa kulungan!' Buong tapang at galit niyang isinumpa sa kanyang isip.

Maglalakad na sana siya paalis nung naalala niya bigla, wait! "Asan ang mga gamit ko? My phone, wallet, and my mother's very last memory! Ang kwentas ko!" Napasigaw niyang tanung habang lumilingon sa kanyang likuran, ngunit nanigas nang biglang may tumaginting na boses ng lalaki sa likod niya.

"What are you doing here?.. Where have you been?" Ang nakasimangut na tanung ni Marcellus. Makikita sa kanyang mukha ang pagod at iritasyon, ngunit may nakatagong pag-aalala sa sulok ng kanyang mga magnetikong asul na mata.

Hinanap niya si Fianna dahil hindi siya umuwi sa loob ng villa niya. Sa pagbabalak na kailangan pa niya si Fianna,hinayaan niya ang kanilang kasalukuyang mag-asawang sitwasyon hangang ngayon. Ngunit kung hindi siya magiging kapakipakinabang, idedemanda niya agad ang divorce nila. 

Lalong tumalim and titig ni Fianna nung napalingon kay Marcellus. Kahit na maayos at nakakaakit ang kanyang hitsura, ayaw na ayaw na ni Fianna ang makita ang kagaya niyang mga lalaki. Nagsusuot ng mayayamang damit ngunit mas mabaho pa sa kanal ang kalooban. 

'Pero sino siya? Parang hinahanap ako?' Tanung niya sa isip ngunit hindi nagpakita ng pagtatanong hinarap lang si Marcellus.

Hindi napansin ni Marcellus ang mga titig ni Fianna dahil naagaw agad ng malala at namumulang mukha ni Fianna ang kanyang atensyon. 

Aabutin na niya sana ang kawawang noo ni Fianna para tignan kung may lagnat, habang tinanung,"What happened to yo-" ngunit linayuan agad ni Fianna ang kanyang kamay at pinutol ang pagsasalita. 

"Wag mo kong hawakan." Ang naiinis na utos ni niya.

Kumulubot ang mga kilay ni Marcellus habang inaral ang matalim at hindi pamilyar na titig ni Fianna. Nagtataka siya kung ano ang nangyari sa mga makukulay at magagandang niyang mata. 

Napansin ni Fianna na walang masabi ang lalaki kaya dali-daling nagpaalam, "Excuse me. I need to go." Bago linampasan si Marcellus ng walang pakialam. At tinungo ang gate na natanaw niya.

Gumalaw ang mga kamay ni Marcellus, na para bang gusto siyang pigilan. Ngunit itinago niya nang makita ang secretary at agad na sinenyasan ng bahagyang tango na pumunta sa kanya. 

Nakita eto ni Alex Herman kaya hindi na nagpapatay-patay maglakad. Nakasalubong niya si Fianna at ngumiti bago masayang binati," good morning ma'am." 

Ngunit hindi manlang ngumiti pabalik si Fianna nung tumingin sa kanya. Sa halip, lalong bumilis pa ang lakad niya papalabas ng gate. 

Nabigla si Alex sa naging kilos ni Fianna na kakaiba. Kaya unti-unti nalang niyang inalis ang kanyang nakakalugod na ngiti at tumuloy kay Marcellus.

'Anong nangyari kay ma'am? Nag-away ba sila ni sir? Ngayun ko lang siya nakitang nagalit ng ganon.' Sabay tanung niya.

"Is that how women here behave?" Tanung agad ni Marcellus, na naka tingin sa mahinang katawan ng umaalis niyang asawa. 

Nakuha agad ni Alex ang gustong malaman ng kanyang boss kaya siya'y kanyang sinagot sa mababang tono,"Well, I don't know about your place sir. But if you're talking about how ma'am Fianna has just ignored me, it's absolutely yes. I think it's what they call moody and attitude." 

Hinawakan ni Marcellus ang kanyang baba ng ilang segundo ng narinig ito na parang may pinag-aaralang napakadetalyado. 

"Moody and attitude?.... Is that so?" Ang sagot niya na parang bumukas sa kanyang interes, dahil napangisi pa siya. Na lalong nagpalabas sa kanyang inaangking kagwapuhan.

"Yes sir, especially now that she is married. I heard my brother complaining that his wife became so fierce after they become husband and wife." Dagdag na suporta naman ni Alex.

Ngunit biglang naalala ni Marcellus ang  parang kakaiyak na hitsura ni Fianna kanina kaya nagalit ang kanyang pakiramdam. "Go find where she went and who she met yesterday until this morning."  Utos niya bigla at makikita ang kaseryosohan sa kanyang ekspresyon. 

Nagulat ngunit hindi nagtanong at yumuko bago umalis ang nangangambang si Alex. Hindi niya maintindihan ang sitwasyon ng kanyang mga boss.

Aalis na din sana si Marcellus ng may naapakan siya kaya ito'y kanyang tinignan. Sumimangot ang kanyang mga labi dahil nakita niya na ito ay isang kwentas,na madali niyang pinulot dahil nakita niya na suot-suot eto dati ni Fianna kaya alam niya na pagmamay-ari niya to.

Chapter 3

Nasa labas na ng gate ngunit gulong-gulo padin ang isip ni Fianna. Hindi niya maalala kung anong kinalaman niya sa lugar nato. Pag pinilit niyang ukitin sa kanyang isip, sumasakit  na parang may tumutusok na karayom o kung ano mang matalim na bagay sa utak niya. Pagkatapos ay nagugulo ang mga iniisip niya.

Nagtataka din siya kung bakit parang napakabait at parang close ang mga mangangawa sa kanya. Kasi habang lumalabas siya kanina ay binabati ng nakangiti at tinatanung nila kung saan siya pupunta ng napaka-aga. Ni isa ay walang pamilyar na mukha sa kanya  kaya wala siyang magawa kundi tumahimik nalang at magpapatuloy sa kanyang paglalakad.

Pinabayaan at isinantabi muna niya ang mga ito upang mapakalma ang kanyang kakaibang pagkabalisa. Pagdating sa main gate ay ngumiti na parang nakakita ng anghel at binati ng guard si Fianna. Napakaganda ng ngiti niya na hindi  matanggihan ni Fianna kaya ibinalik ang pagbati sa kanya at pinilit ngumiti ng konti. 

Napatigil nalang siya nang magsalita ulit ang guard,

"Mrs. Morgan saan po kayu pupunta ng napaka-aga. Gusto po ba ninyong ihatid ko kayu?" Magiliw niyang tinanong. 

Si Fianna na narinig ang kakaibang tawag sa kanya ay napatingin sa paligid hangang sa guard na nakataas ang kilay.
Dahil wala silang ibang kasama.

"Manung guard, ano pong sinabi ninyo?" Kanyang itinanung pagkatapos humarap sa kanya. 

Nagtaka ang guard ngunit hindi ipinahalata at sasagutin na sana nung biglang tumunog ang cellphone niya. 
Napansin naman ni Fianna kaya sinenyasan nalang niyang okay lang. 

Hindi na naghintay pa at umalis na si Fianna. Dahil hindi sa mismong highway ang kalsadang linabasan niya, wala siyang nakitang mga sasakyan.

Habang sa kabila, lumingon ang guard sa kinaroroonan ni Fianna kanina. Ngunit nung wala na siya,napabuntong hininga nalang siya at sinabi sa kausap sa cellphone na si Alex "ser, pasesnsiya umalis na po si ma'am nang hindi ko natatanung kung saan pupunta." 

Nagtaka naman sa kabila si Alex dahil hindi manlang gumamit ng sasakyan si Fianna, oh kung hindi ay nagpahatid. Ngunit pinaapaw niya ang dahilan na baka nag-away sila ni Marcellus. Kaya naaawa si Alex sa kanyang ma'am dahil una na niyang nakita bago sila ikasal na may ibang kasamang babae si Marcellus. Ngunit wala siyang magawa dahil baka mawawalan siya ng trabaho habang buhay. 

Pagkatapos ng tawag ay ipinagbigay-alam niya ang mga nakuha niyang impormasyon tungkol sa mga pinuntahan at kinasama ni Fianna kay Marcellus. Nagtataka si Alex dahil ang kasama lang niya ay si Ms. Cynth Lee na kanyang kapatid. At wala silang ibang pinuntahan kundi nanatili sila sa villa. 

'eh bakit hinahanap ni sir si ma'am kagabi?' napatanung sa utak si Alex.
Pero bigla rin niyang naisip ang sagot, 'ay! Baka miss na kasi ni sir si ma'am. Sana mapabago na ni ma'am si sir.' Sabay dasal pa niya habang tinatago ang ngiti sa gilid. 

Hindi umimik si Marcellus sa mga report at napangisi na parang may binabalak na mali tsaka ibinulong,
"How dare you refuse me. If that's how you're going to act, then let's see who's going to give in first." 

Nataranta si Alex na nakatayo sa gilid kaya lumingon sa likod niya kung may iba pa silang kasama. Ngunit sila lang dalawa kaya dahan-dahan niyang tinanong,"sir who are you talking to-" 

Hindi nakikinig si Marcellus at biglang tumingin kay Alex at nagsalita,"let her  avoid me however she wants, she will come back begging me for help maybe even this afternoon." 

'Begging him for help this afternoon?' inulit na tanung ni Alex sa sarili niya. Bago nanlaki ang mga mata at dinagdag, 'may problema nga talaga sila.' 

Samantala, si Fianna na kanina pa naglalakad sa kalsada at papalapit na sa highway ay hindi maalala kung saan ang bahay. Ngunit alam niya na umalis at nag-iba ng tahanan dahil sa nalaman. Ayaw na niyang makasama pa at makita ang pagmumukha ng mamamatay-tao niyang ama-amahan.

After 11 hours of walking and sitting

"Anong big sabihin nito?! Isa na pala akong palaboy? Kailan pa ako nawalan ng bahay?!" Nagagalit at nagtatakang tanung ni Fianna na parang pinilisil ang ulo.

Halos kaninang umaga pa siya naghahanap at nag-iisip kung saan ang bahay ngunit wala pala siya nun. Nakaupo siya ngayun sa isang children's park kaya ang mga nakarinig sa sigaw niya ay magkahalong awa at taka sa kung ano ang nangyayari sa kanya. 

Ngunit walang naglakasloob na lumapit dahil nahihiya o natatakot sila. 

Gutom na si Fianna dahil hindi pa siya kumakain mula umaga hanggang ngayon. Hinanap-hanap din niya sa bulsa at halos maghubad pa sana siya para lang makita kung meron yung wallet at phone niya, lalong-lalo na yung kwentas na huling ala-ala ng kanyang namayapang ina. Halos hilingin niya na kahit yun ay maibalik sana kung may nanghold-up sa kanya,pero wala talaga. Lahat wala,kaya wala siyang ibang mahinuha na ibig-sabihin ng sitwasyon niya kundi, nanakawan nga talaga siya. Pinagdadasal nalang niya na buhay at walang ginawa sa kanya. 

Halos maiyak na sa kaiisip si Fianna kung bakit eto nangyayari sa kanya. Ngunit hindi siya ang babaeng ganun kahina na iiyak lang sa gilid hanggang mapagod. Kaya tumayo siya ng dahan-dahan at tumingin sa papadilim na langit. 

"Nasisira nadin pala ang buhay ko." 

Malungkot na bulong niya. Ngunit ngumiti ng pilit at dinagdag,
"Pero may mga kaibigan at trabaho pa maman ako. Pinaghirapan kong inabot ang aking pagka-abogada, kaya kahit alisin niyo lahat ng ibinigay ninyo saakin, sila ang maiiwan saakin." Maluha-luha ngunit hindi niya hinahayaang tumulo ang mga ito.

Hindi niya sigurado kung alam na ni Chua ang nalaman niyang pagkatao niya. Ngunit ang sigurado niya ay, hinding-hindi na siya babalik pa sa kanila. 

Inayos niya nag kanyang damit saka naglakad papunta sa isa niyang malapit na kaibigan simula pa nung highschool sila. Danae Neville ang pangalan niya na bagay na bagay dahil katulad ni Fianna ay may itsura din siya. Sa katunayan, marami ang nanliligaw sa kanilang dalawa ng sabay pa kung minsan,na parang nagbalak magkasabay ang mga nanliligaw. 

Pero dahil hindi pinapansin at pinapakialaman ni Fianna ay nauunang nawawalan ng pag-asa kaya lumalayo nalang ang mga may gusto sa kanya. 

Iba naman si Danae, dahil sinasagot niya sila kung nagugustuhan niya. Pero sa kalaunan ay hindi sila nagtatagal. 

Pinindot ni Fianna ang doorbell ng bahay nila Danae kaya binuksan ng ama ni Danae na si Villamor. Kilala at tinuturing na rin na anak niya si Fianna kaya dali-dali siyang pinapasok at kinamusta. 

Magiliw naman na sumagot si Fianna kahit masakit na ang tiyan niya. Pagkatapos ay pumasok na sila at tinawag ng ama si Danae. 

"Oh kamusta Fin, masaya ako't nakadalaw ka! Hindi kita makontak-kontak sa mga nagdaang linggo. Akala ko ayaw muna saakin... Oh! lalong gumaganda pero haggard ah! Ganu ka ba kabusy sa trabaho ha?" 

Ang masayang ngunit nag-aalalang bati ni Danae habang bumababa sa hagdanan. Fin ang palayaw nila kay Fianna.