Chasing Trilogy I: Chasing Him
Language: fil
/0/26821/coverbig.jpg?v=4a632ab32c184d6393b874613e2bc653)
There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever since she met Ace. She always teases him and loves seeing his irritated face. She wasn't expecting this to happen, that the day will come that she falls for someone like him. All she knew was that he entered her world, and she felt more alive than she had before, secretly wishing he was feeling the same. But it turns out that he's the new Leader that's…
Available chapters
Chapter 1
TYRONIA'S POV
"Oh?" Walang gana kong tugon.
"Nasaan ka ba? Nandito kaya ako sa inyo, psh!"
Inipit ko sa pagitan ng balikat at tainga ko ang cellphone bago muling maghulog ng token para kuhanin ang stuff toy na gusto ko.
Mayamaya ay napapikit ako sa inis dahil nalaglag na naman iyon. Nagpakawala ako ng mabigat na hangin bago subukan ulit.
"Uy... Ano na?"
Kunot-noo kong inusod ang claw sa puwitan ng stuff toy at tumingin sa gilid para masigurong sasakto kapag bumaba siya.
"Saglit lang," mahinahon kong sabi.
Nang masiguro kong sakto na ay pinindot ko na ang button at hinintay na bumaba iyon.
"Hala siya... sasagutin mo lang ako kung nasaan ka! Walastek na iyan."
Lumaylay ang mga balikat ko ng malaglag na naman siya. Pa-simple ko pang sinipa ang machine at tiningnan ng masama ang stuff toy.
"Magpapahinga lang ako at babalikan ulit kita!" tiim-bagang kong sabi. Dinuro ko pa ang stuff toy bago umalis. Napakamot ako sa ulo dahil ilang beses ko ng tinangkang kuhanin iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha.
"Ha? Ano'ng sabi mo? Bakit ang layo ng sagot mo?"
Tumingin pa ako sa mga naglalaro bago maglakad palabas.
"Nandito ako sa mall."
"Oh... eh bakit hindi ka nagyayaya? Alam mo namang pupunta ako ngayon ah."
Nakangiwi akong naglakad papasok sa isang sikat na store at gumilid para tingnan ang menu.
"Nakalimutan kong pupunta ka pala," kaswal kong sagot. Nang makapili ay tinuro ko sa crew ang order ko at sumenyas na malaking size ang gusto ko.
"Aba't napakagaling mo talaga ano... pagdating talaga sa 'kin ay nakakalimot ka! Parang noong nakaraang linggo ay iniwan mo ako sa HQ! Kagabi naman ay nakalimutan mong kasama mo pala ako at iniwan sa WarPath! Mabuti at hindi mo nakalilimutang huminga ano, bes?"
Kumunot ang noo ko dahil ang dami na niyang sinabi. Nang ibigay sa 'kin ang order ko ay naglakad na ako palabas ng store at naghanap nang mauupuan.
"Tss, sesermunan mo lang ba ako?" Nakangiwi kong sabi.
"Kasi naman... may usapan tayo ngayon hindi ba? Manunuod tayo ng movie! Ang dami ko kayang dinalang pag—"
Bahagya akong napaigtad ng biglang kumidlat ng malakas at panandaliang lumiwanag ang paligid kasabay ng malakas na kulog. Kamuntikan ko pang mabitawan ang iniinom ko.
"Sige na, uuwi na ako mamaya."
"Aba't talaga naman! Hindi pa ako ta—"
Hindi ko na siya pinatapos at basta na lang pinatay ang cellphone at isinilid sa bulsa. Napagpasiyahan ko ring maglibot-libot muna rito sa mall dahil umulan nang malakas.
Nagpalipas lang ako ng oras sa game hall para subukang kuhanin ang gusto kong stuff toy. Pero naka-trentang token na ako ay hindi ko pa rin siya makuha-kuha. Hindi ko na rin alam kung ilang oras na akong nakatayo rito.
Sa huli ay sumuko na ako at inis na naglakad palabas. Sakto namang tumila na rin ang ulan. Naglakad ako papunta sa parking lot at kinuha ang pamunas sa compartment para punasan ang upuan ng motor pati na rin ang helmet.
Pagkatapos kong punasan ay agaran kong sinuot ang helmet at sumakay sa motor. Pinainit ko pa muna ang makina bago umalis. Napagdesisyunan ko ring tumambay muna sa paborito kong lugar dahil ayaw ko pang umuwi.
Walang gaanong sasakyan kaya binilisan ko ang pagpapatakbo. Doon ko napiling dumaan sa matubig na parte para sana malinis kahit papaano ang putik sa gulong ng motor ko. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng kotse sa 'di kalayuan at may lumabas na lalaki.
Agad akong nagpreno pero hindi agad napahinto dahil sa bilis ng patakbo ko kaya natalsikan ko siya ng tubig. Napasinghap ako at napamura dahil sa nangyari. Kulay puti pa man din ang suot-suot niyang uniporme. Nang mahinto ang motor ay kaagad akong lumingon sa kaniya. Nakatayo lang siya at nakapikit, alam kong nagpipigil siya ng galit.
Hinubad ko ang helmet at ipinatong iyon sa tanke, huminga pa muna ako nang malalim bago bumaba at lapitan siya.
"I'm sorry... bigla ka kasing lumabas," sinsero kong sabi habang kamot-kamot ang ulo. Kinuha ko pa ang panyo ko sa bulsa para punasan ang uniporme niya.
"Kasalanan ko pa?! Kasalanan ko pa?!"
Nagitla ako nang bigla siyang sumigaw. Napabuga ako ng hangin at kunot-noo siyang tiningnan.
"Look at me! Ang dumi-dumi ko na and it's all because of you!" Singhal niya habang tinitingnan ang sarili.
Alangang kasalanan ko? Siya itong biglang lumabas! Tss.
Inis akong tumingin sa tubig at nakapamaywang na binaling ang paningin sa kaharap ko.
"Kasalanan nito!" Singhal ko rin at tinuro ang tubig. "Kung wala siya riyan ay hindi ka matatalsikan, kaya sisihin mo ito!"
Pinanliitan ko pa siya ng mata bago hawakan ang uniporme niya at ilapit sa 'kin para mapunasan ko nang maayos.
"A-Ano ba! Huwag mo nga akong hawakan!"
Umawang ang labi ko nang tapikin niya ang kamay kong nakahawak sa uniporme niya.
"At talagang sinisi mo pa ang tubig?" Hindi makapaniwala niyang sabi at tinuro pa ang tubig sa daan.
"Kasalanan naman niya talaga eh!" agad kong tugon. "Pumarine ka at pupunasan kita," dagdag ko at muling hinila ang uniporme niya.
"Bitawan mo sabi ako eh!"
Nakamot ko ang sentido dahil sa inis. Tinapik na naman kasi niya ang kamay ko.
"Huwag mo siyang sinisisi kasi wala siyang kasalanan! Kasalanan mo kasi ang bilis mong magpatakbo!"
Napakurap ako ng duruin niya ako. Gusto kong kagatin ang hintuturo niya dahil sa inis pero hindi ko ginawa dahil baka lalong magkagulo. Lalong nangunot ang noo ko dahil may kamukha siya.
Tinitigan ko siya nang mabuti dahil inisip ko kung sino ba ang kamukha niya. Hindi siya ganoong kaputi, matangos ang ilong niya at kayumanggi ang kulay ng mga mata, mapula ang labi at mayroon siyang cleft chin. Mas matangkad siya sa 'kin nang kaunti at mabilis siyang makaagaw ng atensyon dahil gwapo itong kaharap ko.
Kanina ko pa nga napapansin na pinagtitinginan kami at rinig ko pa ang impit na kilig ng mga babae sa gilid namin. Hindi rin nakatakas sa 'kin ang mabango niyang amoy. Ito ang amoy na nakakahumaling at nakakaadik.
Tumikhim muna ako bago ko siya sagutin.
"Aksidente ang nangyari at hindi ko sinasadya!" Paliwanag ko habang pinupunasan ang braso niyang may putik.
"Ano ba! Lumayo ka sabi!"
Nahinto ako sa ginagawa nang umatras siya.
Napakaarte naman nito... nagmamagandang loob na nga! Mabuti nga at pinunasan ko pa siya, tss!
"Edi iyan! Punasan mo ang sarili mo, napakaarte mong... bading ka!" Pasigaw kong sabi bago ibato sa mukha niya ang panyo. Tiningnan ko pa siya ng masama bago ko siya talikuran.
"Ano'ng sa— hoy! Bumalik ka rito!"
Bumuga ako ng hangin nang marinig ko siyang sumigaw. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Kanina ay pinapalayo mo ako, ngayon naman ay pinapabalik mo ako! Ang lakas ng sapak mo sa ulo!
Nahinto ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko, napaharap pa ako sa kaniya nang hatakin niya ang braso ko papunta sa kaniya. Inis ko siyang tiningnan at bakas ang galit sa mukha niya.
"Ano ba? Huwag mo nga akong hawakan!" Irita kong sabi.
Napabuga siya ng hangin at tiim-bagang na tumingin sa 'kin. "May sinabi na ba akong umalis ka? Hindi pa tayo tapos!"
Napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya. Ramdam ko ring tumalsik ang laway niya sa mukha ko. Inihipan ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko at dahan-dahang pinunasan ang pisngi kong natalsikan ng laway.
"At hindi ako bading!" pahabol niya.
Nagpakawala ako nang mabigat na hangin at nakapamaywang na tumingin sa kalsada.
"May sapak ba ang ulo mo ha? Kakasabi mo lang kanina na lumayo ako at nang lumayo naman ako ay ikaw naman itong lalapit-lapit sa 'kin! Bitaw!" Inis kong sabi. Tinapik ko pa nang malakas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Agad kong hinablot ang panyong hawak niya at gigil na pinunasan ang mukha niyang may putik.
"A-Ano! Ano ba! Masakit!" Reklamo niya at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Hinaan mo nga ang boses mo! Ikaw na nga itong pinupunasan! Umayos ka nang matapos na at naririndi ako sa bunganga mo, para kang babae!"
Tinapik ko ulit ang kamay niya para mabitawan ang kanang kamay ko. Tumingin siya sa gilid at napabuga ng hangin saka sinuklayan ang buhok niya gamit ang kamay bago ako muling hinarap.
"Ikaw na nga ang may kasalanan... may gana ka pang singhalan ako!" Agad niyang rebat.
"Napakaarte mo kasi! Pinupunasan ka na nga... kung ayaw mo, edi punasan mo ang sarili mo, tss... bading!" bulyaw ko at binato ulit sa mukha niya ang panyo.
Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at kumuha ng isang libo. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya at inis na nilagay doon ang pera.
"Ayan ang isang libo para pangbili mo ng bagong damit." Inis kong sabi bago siya talikuran. Naglakad ako papunta sa motor ko at agad na sinuot ang helmet bago sumakay sa motor.
"Hoy! Sinabi nang hindi ako bading! Hindi rin ako nagpapabayad! Bumalik ka rito!"
Hindi ko na siya pinansin at inis na tinadyakan ang kickstart saka humarurot na ng takbo. Sumakit ang ulo ko dahil sa lalaking iyon. Kulang na lang ay mabingi ako dahil sa lakas ng boses niya.
Nalagpasan ko na rin ang malaking bar at kasunod na nito ang talampas na pinupuntahan ko. Nang makarating ay ipinarada ko sa tabi ang motor. Hinubad ko ang helmet at naglakad papunta sa dulo.
Nagpakawala ako ng mabigat na hangin bago pagmasdan ang ulap at ang mga ibong lumilipad. Dinama ko ang hanging dumadampi sa balat ko, at sa muling pagpikit ay siyang pagbalik ng mga alaalang hindi ko malimutan.
Kailan ko nga ba ulit naramdaman ang gaan sa pakiramdam na kapag sasapit na ang umaga, titingin pa lang ako sa bintana ay ikaw na agad ang una kong makikita. Kapag hawak mo ang mga kamay ko ay parang ayaw mo na itong bitawan. Sa sobrang saya natin ay para bang ayaw mo nang matapos ang lahat. Nagsimula na akong umasa sa lahat at nangarap para sa ating dalawa.
Nagplano na rin ako ng kinabukasan natin pero sobrang lupit ng tadhana. Kahit pilit kitang hilahin palapit sa 'kin ay siya namang paghatak ni tadhana sa iyo palayo sa 'kin.
"Kumusta ka na?" Tanong ko habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi ko na napigilang humikbi.
"M-Miss na miss na kita."
Nanatili akong nakatingala at hinayaang tumulo ang mga luha.
"I wish I could go back in time to c-change things. I miss you, and the way things used to be," garagal kong sabi. "The worst part is knowing that those days are long gone and are now only distant memories."
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luha. Hindi ko na namalayan ang oras kaya naisipan ko nang umuwi. Alas-otso na ako nakauwi at naabutan ko pa si Naomi sa sala na nanunuod pa rin hanggang ngayon.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya habang nasa tv pa rin ang paningin.
"Ngayon lang nakauwi eh," tugon ko habang hinuhubad ang jacket at isabit sa rack. "Bakit nandito ka pa?"
Agad naman siyang lumingon sa 'kin. "Parang ayaw mo talaga akong makita ah! Bawal na ba ako rito ha?!"
"Wala akong sinabi." Nakangiwi kong sabi. Kumuha pa muna ako nang pizza sa lamesa bago magtungo sa hardin.
Nang makarating sa hardin ay malamig na hangin kaagad ang sumalubong sa 'kin. Ito ang pinakagusto kong lugar sa mansyon dahil nakikita ko ang paborito kong bulaklak. Kinuha ko ang isang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko at kumuha ng isa, pinakatitigan ko pa iyon bago ko sindihan.
"Bukas na pala ang umpisa ng klase mo, ano?"
Tumabi sa 'kin si Naomi at nagsindi rin ng sigarilyo. Hindi ako nagsalita at tanging pagtango lang ang itinugon ko. Natuto akong manigarilyo dahil kay Zach at gumaya naman sa 'kin si Naomi dahil gusto raw niyang subukan, hanggang sa makasanayan na niya.
"Mmm... m-may balita na ba?" nauutal kong tanong bago ibuga ang usok. Naging matunog pa ang buntong-hininga niya.
"H-Hindi pa rin daw nila matagpuan ang katawan niya."
---
WarPath: Ito ang underground fighting arena na kung saan pinagpupustahan ng iba ang laban ng mga kalahok. Tanging mga gang lang ang pwedeng sumali rito.
Itutuloy...

Chapter 2
ACE POV
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at napapikit ulit dahil sa sinag ng araw na direktang tumatama rito. Nang makabawi ay agad akong bumangon at naglakad papunta sa balkonahe para lumanghap ng sariwang hangin. Nakangiti kong pinagmasdan ang mga ulap at ang pagsayaw ng mga dahon sa sanga.
Nagpakawala ako nang malalim at mahabang buntong-hininga saka tinunghayan ang kulay asul na kalangitan. Ipinikit ko rin ang mga mata dahil sa hangin na dumadampi sa balat ko. Dinama ko lang ito at napangiti dahil masarap sa pakiramdam.
Mayamaya ay idinilat ko ang mga mata nang marinig ang malakas na katok sa pinto.
"Kuya! Let's eat!" Sigaw ng kapatid kong si Aevan.
"Pababa na ako," agad kong tugon.
Pumunta ako sa banyo para magsepilyo at naghilamos na rin bago bumaba. Inayos ko pa ang gulo-gulo kong buhok bago magtungo sa komedor. Agad namang kumalam ang tiyan ko nang maamoy ang luto ni Janice, siya ang kasambahay namin. Naabutan ko rin si Aevan doon na palumbabang kumakain ng ubas.
"Hijo, maupo ka na at nagluto ako ng paborito mo," nakangiting sabi ni Janice nang makita ako. Inabutan niya pa ako ng kape.
Sumimsim muna ako ng kape habang hinihintay kong maluto ang pagkain. "Nasaan sila?"
"Umalis sila kaninang madaling araw at may bibisitahin daw sa Hyogo. Huwag kang mag-alala kasi hindi raw sila magtatagal," tugon niya nang hindi tumitingin sa 'kin.
Nagpakawala ako nang mabigat na hangin at nagsimula nang kumain ng maihain ni Janice ang pagkain. Hanggang ngayon ay abala pa rin sila sa paghahanap sa taong iyon. Gustuhin ko mang sumama sa kanila para tulungan sila pero hindi sila sang-ayon dahil maapektuhan ang pag-aaral ko.
Matapos kong mag-agahan ay pumanhik na ako sa kwarto para maligo. Malaki ang salamin sa banyo kaya kita ang buong katawan ko. Pinagmasdan ko rin ang tattoo kong nasa kaliwang balikat at umabot iyon hanggang sa siko.

Isang taon na rin ang nakalipas simula nang lagyan ako ng simbolo at italagang pinuno ng isang Gang. Ang simbolo na nilagay sa 'kin ay para malaman ng ibang Gang ang posisyon ko sa organisasyon. Samurai Warrior ang simbolo ng Gang namin at tanging mga pinuno lang ang may ganito. Ang mga matataas na ranggo naman na miyembro namin ay Crysanthemum na bulaklak ang simbolo.
Pwede sa paaralan namin ang tattoo dahil hindi naman pisikal na hitsura ang tinitingnan kundi ang academic performance. Sa Hakuo International University ako nag-aaral at nasa ikatlong taon na ako ng hayskul. Narinig ko rin sa balita kanina na ipapatupad na ang K-12 sa taong 2011. Taong 2009 na ngayon kaya hindi kami maabutan.
Sa Osaka Japan kami nakatira dati pero simula nang namayapa ang bunso kong kapatid ay dito na kami tumira sa Pilipinas. Bali magulang ko lang ang pabalik-balik sa Japan para hanapin ang pinuno na trumaydor sa 'min. Noong nakaraang taon ay tumulong kami ng mga miyembro ko sa paghahanap. Natagpuan namin ang isa sa kuta nila pero hindi rin namin naituloy ang paglusob dahil kulang kami sa tauhan.
Nakipag-alyansa rin kami sa ibang Gang na may galit din sa kanila pero ayaw nila kaming tulungan dahil wala raw kaming laban. Ang Gang na trumaydor sa 'min ay ang pinakamalaking Gang sa Japan na may miyembro na walong libo pataas. Marami rin silang kuta sa iba't ibang panig ng Japan at Pilipinas. Hindi rin namin alam kung nasaan sila ngayon dahil nahihirapan kaming kumuha ng impormasyon sa kanila.
Bali-balita rin na nangdudukot sila ng mga bata para ibenta at gawing prostitute. Nagpapautang din sila at naniningil ng napakataas na interes rate. Kapag naman hindi nabayaran sa tamang araw ay buhay ang kapalit o uutusan silang pumatay ng isang indibidwal. Nakokontrol din nila ang mga parak at ibang mga negosyo dahil sinusuhulan nila ito ng malaking halaga.
Ang tanging alam ko ay matalik na magkaibigan ang dating pinuno nila at ang mga magulang ko. Gustuhin ko mang tulungan sila sa paghahanap ngayon pero mapapabayaan ko lang ang pag-aaral ko. Tanging pagpaplano lang ang ginagawa ko para makatulong kahit papaano sa mga magulang ko at bilang bagong pinuno na rin ng organisasyon namin.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at nagtungo sa garahe. Pinainit ko pa muna ang sasakyan bago ako umalis. Nakangiti kong inayos ang buhok ko sa side mirror habang nagmamaneho, susunduin ko kasi ang matagal ko ng gusto na si Yvonne.
Sakto lang ang bilis ng pagmamaneho ko dahil malapit lang ang village nila sa 'min. Wala pang pitong minuto ay nasa may guard house na ako. Malapit lang din sa bukana ang bahay nila at tatlo lang silang nakatira doon ng katulong niya. Hindi ko pa nakikilala ang magulang niya dahil lagi raw wala sa Pilipinas.
Agad akong bumaba at inabangan si Yvonne. Muli ko pang tiningnan ang buhok ko sa side mirror.
"Masyado ka nang gwapo... tama na iyan."
Nagitla ako at napaayos ng tayo. Kamot-ulo akong tumingin sa kaniya at ginawaran siya ng matamis na ngiti.
"Gwapo nga... pero gusto ba ako ng nagugustuhan ko?" Nakanguso kong sabi na siyang kinatawa niya. Hindi na siya nagsalita at tinapik na lang ang balikat ko at nauna nang pumasok sa sasakyan. Nagpakawala ako nang mabigat na hangin bago maglakad sa driver's seat.
Halos mangalay din ang panga ko dahil sa kakangiti. Napagkwentuhan din namin ang nangyari noong nakaraan. Hindi ko na nga namamalayan ang oras kapag nakakausap ko siya, hindi rin siya nagrereklamo kahit sobrang bagal ng patakbo ko. Gusto ko kasing sulitin ang oras na kasama ko siya dahil bihira lang mangyari ito, palagi kasi siyang abala. Para siyang kabute na minsan ko lang makita kaya hindi ako makaporma ng maayos.
Nang makarating kami sa parking lot ng School ay pumarada na ako sa parking space ko. Pagbubuksan ko sana siya ng pinto pero huli na dahil nauna na siyang lumabas ng sasakyan.
"Ihahatid na kita sa room niyo," presenta ko nang makalapit ako sa kaniya. Kinuha ko pa ang bag niya para ako ang magbibitbit.
Nauna na akong maglakad sa kaniya pero natigilan ako nang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako roon at gulat na binaling ang paningin kay Yvonne. Nagtaka pa ako dahil bigla na lang siyang tumawa. Napakasarap talagang pakinggan kapag napapatawa mo ang nagugustuhan mo. Pakiramdam ko tuloy ay gusto na rin niya ako.
"Huwag mong bigyan ng kahulugan... kinuha mo kasi ang bag ko kaya wala na akong bitbit... so ito na lang ang bibitbitin ko."
Napakurap ako sa sinabi niya at prinoseso pa iyon sa isip ko. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot.
"A-Ahh ganon ba," pilit na ngiti kong tugon.
Pinisil-pisil ko ang kamay niya bago kami magpatuloy sa paglalakad papunta sa kabilang building. Sekondarya pa lang kasi si Yvonne at magkahiwalay ang building ng Sophomore sa Junior. Kinakawayan niya pa ang mga kaklase niyang nadadaanan namin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ang impit na kilig ng ilang babaeng nadadaanan namin. Narinig ko pang naiingit sila dahil magkahawak kamay kami.
Nang marating namin ang classroom nila ay nakangiti akong humarap sa kaniya. "Ihahatid kita mamaya ha?"
"Kung hindi nakakaabala sa 'yo ay pwede naman," tugon niya bago bitawan ang kamay ko at ilahad ang isang kamay.
"Hindi ka naman naging abala sa 'kin," nakanguso kong tugon bago ibigay sa kaniya ang bag niya.
Narinig ko siyang bumungisngis at lumapit sa 'kin. Muli akong napakurap nang dampian niya ako ng halik sa pisngi. Hahawakan ko na sana ang pisngi ko pero hindi ko tinuloy dahil ayaw kong mabura ang marka niya roon. Paatras pa siyang naglakad nang sa 'kin pa rin nakatingin. Ginawaran niya pa ako nang matamis na ngiti bago tumalikod at pumasok sa loob ng room.
Napakamot ako sa ulo dahil pinagtitinginan na ako ng mga babae kaya naglakad na ako paalis dala ang halik na pabaon ni Yvonne sa 'kin. Hindi ako basta-basta ngumingiti sa ibang mga babae pero hindi ko mapigilang ngumiti sa kanila dahil sa ginawa ni Yvonne kanina.
Nakangiti pa rin ako habang papasok sa building namin. Dumiretso na muna ako sa locker para ilagay ang ibang mga gamit bago pumunta sa gym. Natanaw ko pa sa hindi kalayuan si Bolt na nakapamulsang naglalakad sa may hallway. Agad kong pinatunog ang dila ko at nakuha ko naman ang atensyon niya.
"Abat talaga naman! Mukhang maganda ang umaga mo ah... sinagot ka na ba?" Nakangisi niyang tanong at inakbayan ako.
Inis kong tinapik ang braso niya sa balikat ko. "Huwag mo nga akong akbayan! Kadiri ka... baka mawala ang mabango kong amoy!"
"Haa?! Eh ikaw nga itong amoy pawis!"
Pinagkunutan ko siya ng noo at palihim na inamoy ang sarili. Pagkatapos ay inambaan ko siya at patakbo naman siyang umilag habang tumatawa.
Nang makarating kami sa room ay ginanahan akong makinig, wala pa man ay nasasabik na akong mag-uwian dahil gusto ko na ulit makasama si Yvonne. Lumipas lang ang oras at dumating ang tanghalian.
Hindi natuloy ang klase sa panghapon dahil may meeting ang mga Teacher namin. Pinatawag pa ni Coach ang mga varsity dahil magpa-practice raw kami. Ang dami pang pinagawa ni Coach at gaputok na pahinga lang din ang binigay niya sa'min. Inabot na rin kami ng hapon sa paglalaro.
"Pack up!" sigaw ni Coach.
"Yes Coach!" tugon naming lahat.
"Dre, tara na... nakita mo si Dave?" tanong ni Bolt habang nagpupunas ng pawis.
"Lumabas kanina eh kaso hindi na bumalik," si Blaze ang tumugon. "Mauna na ako mga repa, sunod na lang kayo roon! Ako na rin ang magsasabi kay Dave na magkita-kita na lang sa bar!"
"Sige susunod kami," tugon ni Bolt.
"Pupuntahan ko muna si Yvonne, ihahatid ko na rin muna... mauna ka na," baling ko kay Bolt.
"Sige... yayain mo na rin at baka gustong sumama."
Nakipag-fist bump pa muna ako sa kaniya bago umalis at tahakin ang building nila Yvonne. Binilisan ko pa ang paglalakad at nang makarating sa room ay dumungaw ako sa loob pero kakaunti na lang ang naroon.
"Excuse me... si Yvonne?" tanong ko sa kaklase niya.
"Kanina pa siya umalis eh."
"A-Ahh, ganoon ba? Sige... salamat," dismayado kong sabi bago umalis.
Nakalimutan yata niya na ihahatid ko siya. Ilang beses na nangyari ito.
Laylay ang balikat kong tinahak ang daan papunta sa parking lot at sumakay sa kotse. Kinuha ko rin ang kaha ng sigarilyo pero wala ng laman iyon kaya nagpasya akong pumunta sa store para bumili.
Matubig pa ang daan dahil umulan nang malakas kanina. Wala rin masyadong sasakyan kaya mabilis akong nakarating sa store. Pagbukas at paglabas ko ng kotse ay natigilan ako nang matalsikan ako ng tubig dahil may humarurot na motor. Napapikit ako sa inis at hindi makagalaw sa pwesto ko.
Lalong uminit ang ulo ko dahil hindi ko na nga nakasabay si Yvonne ay dumagdag pa ito. Tiim-bagang kong hinawakan ang pisngi ko kung saan ako hinalikan ni Yvonne kanina. Napabuga ako ng hangin dahil may nakapa akong putik roon.
Inis kong tiningnan ang babaeng nasa harapan ko. Malakas ang dating niya at hindi siya babaeng-babae kung manamit. Mukhang mas lalaki pa siya kung kumilos sa 'kin. Maputi siya at maganda ang mga mata. Nahinto ako sa pag-iisip nang hilahin niya ang damit ko at punasan.
Kulang na lang ay sumabog ang ulo ko dahil sa galit, may gana pa ang babaeng iyon na tawagin akong bading. Ang masama pa roon ay binigyan niya ako ng isang libo at tinakasan ako. Inis kong niyupi ang pera at masama ang tingin sa daan na tinahak niya.
May araw ka rin sa 'king tibo ka! Huwag ka lang magpapakita sa 'kin.
"What are you looking at?!" singhal ko sa mga taong nakatingin sa 'kin. Agad naman silang nag-iwas ng tingin.
Inis akong tumingin sa likod ko nang maramdaman kong may kumakalabit sa may puwetan ko.
"What are you doing?!" Singhal ko sa bata. Mukhang nagitla siya dahil napaatras siya kaunti. Gulo-gulo ang buhok niya at marumi ang suot na damit.
"Mamamayimos po."
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Inilahad niya pa ang kanang kamay na parang nanghihingi ng pera. Tiningnan ko ang hawak kong pera at naalala na naman ang babaeng iyon.
"Here... umuwi ka na," mahinahon kong sabi bago ibigay ang isang libo. Nginitian niya ako at tiningnan ang hawak niyang pera bago ako talikuran. Itinaas niya pa iyon sa ere at winawagayway.
Nawalan na ako ng ganang bumili kaya dumiretso na ako sa sasakyan at padabog na sinara ang pinto. Pinakalma ko muna ang sarili bago kuhanin ang pamalit kong damit sa backseat. Mabuti na lang ay palagi akong may dalang damit. Nagpalit na muna ako at pinunasan ang mukha bago dumiretso sa bar ni Blaze.
Masama pa rin ang loob ko dahil nabura na ang halik ni Yvonne sa pisngi ko. Kasalanan iyon ng babaeng iyon! Huwag lang talaga siya magpapakita sa 'kin kundi malilintikan siya.
Nang marating ang bar ay kinuha ko ang jacket at sinuot bago lumabas. Hindi pa rin ako makalma kaya nakasimangot akong naglakad papunta sa loob. Nahinto nga lang ako sa paglalakad dahil may yumakap sa 'kin at parang hahalikan pa ako.
Inilagay ko ang hintuturo ko sa noo ng babae at dahan-dahan siyang nilayo sa 'kin. "What the hell! Ang bantot mo!"
Tinawanan niya ako at pasuray-suray na inangat ang mga kamay at pinikit ang isang mata. Umasta pa siyang babarilin ako gamit ang mga daliri niya at inihipan ang tuktok ng daliri pagkatapos.
Hinilamos ko ang palad sa mukha at nagpatuloy sa paglalakad. Pumunta ako sa ikalawang palapag kung nasaan ang studio. Pagkapasok ko sa studio ay pang-asar na mukha agad ni Bolt ang bumungad sa 'kin. Ako na lang ang kulang at nag-uumpisa na silang tumugtog.
"Parang kanina lang ay ma-iistroke ka na sa kakangiti... anyare?" natatawang sabi ni Bolt pagkaupo ko.
"Huwag mo nang itanong, mainit ang ulo ko," agad kong tugon.
"Oh... bakit hindi mo kasama si Yvonne?" Tanong ni Dave.
"Wala siya sa room nila, umalis na raw," nakangiwi kong tugon. Ipinatong ko ang mga paa sa lamesa at pinikit ang mga mata.
"Huh? Nakita ko siya kanina eh... akala ko nga ikaw ang kasama," sabi ni Blaze.
---
Hyogo: Seventh-Largest city in Japan.
Samurai Warrior Tattoo Meaning: The code emphasizes honor, bravery, integrity, and proper execution.
Chrysanthemum Tattoo Meaning: It represents durability, loyalty, and satisfaction.

Chapter 3
TYRONIA'S POV
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at napabuntong-hininga. Maaga sana akong papasok para kuhanin ang registration form pero tinanghali na naman ako ng gising. Agaran akong kumilos para makahabol sa panghapon na klase.
Kinabukasan ko pa makukuha ang uniporme ko kaya naka-muscle tees at ripped jeans ako ngayon. Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili. Hindi ako babaeng-babae kung manamit, nahihirapan kasi akong gumalaw ng maayos kapag ganoon ang sinusuot ko. Mas gusto kong magsuot ng maluluwag na damit kaysa sa hapit.
Hindi rin ako mahilig maglagay ng anumang kolorete sa mukha. Maputi naman ako kaya hindi ko na kailangan ng ganon, tanging petroleum jelly lang ang ginagamit ko para maiwasan ang pagbabalat ng labi ko. Hindi ko na rin tinali ang mahaba at itim kong buhok dahil hindi ko mahanap ang tali ko. Nang matapos ay sinuot ko na ang jacket ko at kinuha ang gamit bago bumaba.
Nahinto pa sa paglalakad si Sebastian nang makita ako, "Aalis ka na?"
Ang pamilya niya ang nag-aasikaso sa akin simula nang manirahan ako rito sa Pilipinas. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. "Ikaw na muna ang bahala sa mga alaga ko."
"Gusto mo bang ipatawag ko si Felix?"
Umiling ako bago tumugon, "Hindi na... kaya ko na."
Si Felix ang family driver namin at dito rin nakatira sa mansyon. Dumiretso ako sa garahe at tinanggal ang cover ng motor. Pinainit ko na rin muna ang makina bago tuluyang umalis. Wala pang kinse minuto ay nasa parking lot na ako ng Monarch International University (MIU). Naghanap pa ako ng slot at doon ko na lang piniling pumarada sa gitna ng magagarang sasakyan. May nakapinta pa na VIP sa semento pero nagkibit-balikat na lang ako at pinarada na roon ang motor ko.
Hinubad ko ang helmet at ipinatong iyon sa tanke ng motor. Inayos ko pa ang buhok ko at kinuha ang salamin na nakasabit sa damit ko para suotin.
Hindi ko alam kung saan ako papasok sa dami ng building na nandito. Tatlong malalaking building ang makikita rito kaya nagpasya na lang akong pumunta sa pangatlong building dahil mas malapit iyon.
Nang makapasok ako sa loob ay ramdam ko kaagad ang lamig. Para pa akong nasa malaking museum dahil sa dami ng painting na nakasabit dito. Malinis at nagkikintaban ang sahig, mayroon pang mga bulaklak sa paligid at may malaking rebulto sa gitna ng lobby.
Naglakad lang ako at nilibot ang paningin. Naagaw ng atensyon ko ang mga speaker na nakalagay sa bawat kanto dahil bigla silang tumugtog. Sakto namang nahagip ng paningin ko ang admission kaya pumunta ako roon.
Pagkapasok ko ay tinanong kaagad ako ng staff kung ano ang kailangan ko. Nang sabihin ko sa kanila ay kinuha nila ang buo kong pangalan at pinaupo muna sa sofa dahil ipiprint pa raw nila iyon. Binigyan pa ako ng juice ng isang staff at biscuits na galing pang Ukraine. Habang naghihintay ay nilibot ko ang paningin. Pinagmasdan ko ang mga painting na nakalagay sa gitnang bahagi ng opisina pati na rin ang mga palamuti. May nakalagay din na speaker sa bawat kanto at kung ano ang pinapatugtog kanina sa hallway ay ganon din ang naririnig dito.
Pagkalipas ng sampung minuto ay inabot na nila sa akin ang student handbook at iba pang papeles ko. Sinabi rin nila sa akin kung saan ang building ng junior kaya alam ko na kung saan ako pupunta. Habang naglalakad palabas ay tiningnan ko ang schedule ko at napangiti dahil mayroon kaming subject na music.
Nang marating ko ang isang building ay naisipan kong maglibot muna dahil may kalahating minuto pa ako bago magsimula ang klase. Wala ring pinagkaiba ang loob ng building na ito sa una kong napuntahan at ganoon din ang tugtog na naririnig ko rito.
Naglakad-lakad lang ako hanggang makarating sa dulo ng building. Canteen na ang nakikita rito at ang malawak na hardin na may naglalakihang mga puno. Puro glass wall ang nakapalibot dito at may mga blinds na nakababa. Malamig din dito dahil sa dami ng aircon. Naglakad ako palabas ng canteen at tinanaw ang hardin. Mukhang pwede ring manigarilyo rito dahil may nakikita akong mga ashtray bin sa tabi ng mga bench.
Nang makuntento sa paglilibot ay nagpahinga na muna ako sa canteen at bumili ng maiinom. ATM Card ang ginagamit dito sa pagbayad at hindi sila tumatanggap ng cash. Pagkatapos ay umupo ako sa may bandang gitna at nakapalumbabang uminom. Tatlo ang labasan dito sa canteen; ang isa ay papunta sa hallway na dinaanan ko kanina, ang isa naman ay papunta sa garden at ang nasa gilid ay hindi ko pa napupuntahan.
Pagkatapos kong magpahinga ay naglakad na ako palabas para hanapin ang classroom ko. Nang makaakyat ako sa ikatlong palapag ay nagtanong ako sa mga studyante na nadaanan ko. May naamoy pa akong pamilyar na pabango na talagang gustong-gusto ko ang amoy kaya napalingon ako at nakita ang dalawang lalaking naglalakad. Nakatalikod sila sa akin kaya napangiwi ako at muling humarap sa kausap ko. Napakamot na lang ako sa ulo dahil nasa likod ko lang pala ang room na hinahanap ko. Sumilip pa muna ako sa klase at mukhang kakaumpisa pa lang nila. Nagpakawala muna ako ng mabigat na hangin bago kumatok at buksan ang pinto.
Naagaw ko ang atensyon nila kaya ginawaran ko sila ng pilit na ngiti. Pansin kong mas lamang ang dami ng lalaki kaysa sa babae. Naglakad naman papunta sa akin ang Teacher at tinanong kung anong kailangan ko. Sinabi ko sa kaniyang isa akong transferee at tatango-tango naman siya. Ibinigay ko rin sa kaniya ang registration form ko at pinapasok naman niya ako sa loob.
Nakaramdam pa ako ng pagkailang dahil may nakikita akong nagbubulong-bulungan at sa akin pa nakatingin. Pakiramdam ko tuloy ay nilalait nila ako. Sinuway sila ng Teacher at sinabing isa ako sa mga transferee. Inutusan niya pa akong magpakilala sa kanila kaya naglakad ako sa gitna.
"Ako si Tyronia... okay lang sa akin kung Tyra ang itawag ninyo sa akin," nakangiti kong sabi bago tumingin sa Teacher senyales na tapos na ako. Nagtaka pa ako ng marinig kong magtawanan ang mga kaklase ko. Hindi raw nila inaasahan ang maikli kong pagpapakilala.
Pinapili pa ako ng Teacher kung saan ko gustong umupo. May dalawang bakanteng upuan sa may likuran kaya napili kong umupo doon malapit sa may bintana. Nginitian pa ako ng mga kaklase ko kaya ganoon din ang ginawa ko. Nagtaka pa ako dahil may bag sa katabi kong upuan pero wala namang nakaupo roon.
Pinagpatuloy naman ng Teacher ang pagtuturo at tungkol sa reproductive system ang topic namin. Ngumiwi ako dahil naituro na sa amin iyan dati, home schooled ako noong nasa Japan ako kaya wala akong masyadong kaibigan at sina Naomi lang din ang nakakasama ko.
Nagpakawala ako ng mabigat na hangin at palumbabang tumingin sa bintana, nakikinig pa rin ako sa sinasabi ng Teacher kahit papaano. Narinig ko pang bumukas ang pinto pero hindi ko tiningnan at baka may magbabanyo lang.
Mayamaya ay naamoy ko na naman ang mabangong pabango. Nagulat pa ako ng biglang may sumipa ng upuan ko. Tumingin pa muna ako sa paanan ng upuan bago ibaling ang paningin sa taong nasa harap ko. Magagalit na sana ako pero naglaho iyon na parang bula. Nasa harap ko kasi ang lalaking nawisikan ko kahapon kaya lumapad ang pagkakangiti ko at palumbaba siyang tiningnan.
Kaya pala ang bango-bango... ikaw pala iyon? Mukhang pinagtagpo tayo pero hindi tinadhana. Pagbibigyan kita ngayon dahil nawisikan kita kahapon.
Ngumiti ako ng nakakaloko, "Sinusundan mo ba ako?" Siniguro kong kami lang ang makakarinig dahil ayaw kong mapagalitan sa unang araw ng pasok ko.
Lalong nangunot ang noo niya at napabuga ng hangin. Nakapamaywang pa siya habang sa akin nakatingin. "Ha! Ang kapal ng mukha mo... anong ginagawa mo rito!" inis niyang sabi bago umupo sa tabing upuan ko.
Naagaw ng atensyon ko ang isang lalaking kumaway sa akin at umupo sa tabi ng lalaking nawisikan ko. Mukha siyang masayahin at babaero.
"Hoy! Ano sabing ginagawa mo rito!"
Inis ko namang tiningnan ang sapatos ng katabi ko dahil muli na naman niyang sinipa ang upuan ko. Tinaasan ko siya ng kilay at nilabanan ang masama niyang titig.
"Tss... malamang nakaupo!"
"Huh?!"
Napakamot ako sa ulo at saglit na tiningnan ang Teacher bago ibaling ang paningin sa katabi ko. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko rito? Nakikita mo ba akong sumasayaw? Lumalangoy? Tumatakbo? Mukha ba akong principal na nag-oobserve rito?"
Halos magsuntukan naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko.
"Tss... nakikita mo na nga ang ginagawa ko pero nagtatanong ka pa! Gusto mo lang siguro talaga akong kausapin eh no?" Nakangisi kong sabi.
Muli siyang napabuga ng hangin at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Parang gusto pa nga akong batukan. "Anak ng! Pilosopo ka rin eh no? At ano ang sabi mo? Gusto kitang kausapin? Ha! Ayos... Ang kapal ng mukha ha!"
"Eh kung nag-iisip ka... isang tingin mo lang sa akin ay alam mo nang estudyante ako at kaklase mo ako! Eh mukhang wala ka ng oras mag-isip kakatitig sa akin!" Nakangiwi kong sabi.
"Anong sa- Ha! Huwag kang feeling! Hindi kita tinititigan!"
"May regla ka ba ngayon?"
"Huh?!"
"May regla ka ba raw ngayon, Dre! Ang bingi mo naman! Ang lapit-lapit na eh." Bahagya akong natawa dahil inulit pa ng kasama niya ang sinabi ko.
"Saglit nga," sabi ko bago kuhanin ang bag ko.
Kumuha ako ng isang napkin at inabot ang kamay niya para ilagay doon. Halos magsuntukan ang kilay niya dahil sa ginawa ko. Pinakatitigan niya pa ang hawak niya at mukhang ngayon lang siya nakakita ng ganon.
"Ano ba ito!"
"Napkin iyan," agad kong tugon.
Napatingin naman ako sa katabi niya dahil bigla siyang tumawa, kahit ang ibang kaklase namin ay nakatingin na rin sa kaniya.
"May nakakatawa ba sa sinusulat ko, Mr. Bolsico?" Kunot noong sabi ng Teacher.
Napaubo pa kunwari ang kaibigan ng katabi ko bago umiling-iling. "N-No, please continue." Napahawak pa siya sa dibdib niya. Sinamaan siya nang tingin ng Teacher bago ipagpatuloy ang sinusulat sa board.
"Ano ako babae?!"
Binaling ko ang paningin sa katabi ko at sakto namang may tumama sa noo ko.
Lakas makaganti ah! Pagbibigyan kita dahil dalawang beses kitang binato ng panyo sa mukha!
Dinampot ko ang napkin at tinago iyon sa bag. "Ang init kasi ng ulo mo eh, baka mamaya ay tagusan ka."
"Nakakailan ka na ah!"
"Binibiro lang eh. Tss... bading talaga!" Bulong ko pero mukhang narinig pa rin niya iyon.
Umigting ang bagang niya dahil sa sinabi ko. Halatang nagpipigil siya ng galit. Hinintay ko ang violent reaction niya pero iniwas na niya ang paningin at naglabas ng notebook. "Manahimik ka na lang, Tiburcio!"
Tiningnan ko siya ng masama dahil narinig ko ang sinabi niya.
"Anong sabi mo?!" Inis kong sabi pero nginisian lang niya ako.
Hanggang sa matapos ang klase ay hindi niya ako pinansin at hindi manlang nagpahiram ng notes, mabuti na lang ay pinahiram ako ng isa kong kaklase na nasa harap ko lng nakaupo. Lumipas ang oras at natapos na rin ang Math at English na subject. Sa kasamaang palad ay katabi ko pa rin ang bading na iyon sa upuan.
Nagsisialisan na rin ang ilan kong mga kaklase sa room dahil uwian na kaya naisipan kong puntahan ang isa pang daan na hindi ko pa napupuntahan kanina. May nakita akong hanging signboard at may nakasulat doon na music room, nakaturo iyon sa may kaliwang bahagi ng hallway kaya nakangiti kong tinahak iyon. Naglakad ako papunta roon at liliko na sana nang may mabangga ako, may naramdaman pa akong matigas na bagay na sumagi sa may dibdib ko.
Napasinghap ako dahil Tablet pala iyon at nabitawan niya pa. Sasaluhin ko na sana pero nagkauntugan kami ng lalaki kaya tuluyan nang bumagsak iyon. Sabay pa kaming napahawak sa noo at napatingin sa isa't isa.
Umawang ang bibig ko ng bigla siyang tumawa. "Ayos ka lang?"
Hindi na ako nagsalita at tugon na lang ang ginawa. Umatras din ako dahil ang lapit namin masyado.
"I'm sorry... my bad," kamot-ulo niyang sabi.
Sa sobrang puti ng ngipin niya ay gusto kong magsuot ng salamin dahil nakakasilaw na. Ang cool niya tingnan dahil na rin siguro sa kilay niyang may hiwa. Maputi siya at abo ang kulay ng mga mata. Malinis siyang tingnan at mas matangkad pa sa akin ng kaunti. Nakamot ko ang batok at ngumiti ng pilit, "No... it's my fault."
Tiningnan ko ang Tablet na nasa sahig at dinampot iyon. Napapikit ako sa inis dahil basag ang LCD.
"H-Hala... sorry nabasag. P-Papalitan ko na lang," nauutal kong sabi bago iabot sa kaniya ang Tablet.
"Ahh hindi na... okay lang," nakangiti niyang sabi bago ilagay sa bag ang Tablet.
"I insist! Ako naman ang may kasalanan kasi bigla akong lumiko. Ibigay mo na lang sa akin ang number mo para tatawagan kita kapag ibibigay ko na," seryoso kong sabi.
Napakamot siya sa ulo at sinabing huwag ko nang palitan pero wala siyang nagawa dahil mas makulit ako sa kaniya. Sa huli ay may inabot siya sa akin na calling card. Pagkatapos ng insidente na iyon ay laylay ang balikat kong naglakad papunta sa music room.
Kumatok muna ako bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Nang masiguro kong walang tao ay saka ako pumasok. Namangha ako dahil para akong nasa rehearsal room ng isang orchestra. Mayroong malaking piano sa gitna ng entablado at kulay itim iyon. Marami ring upuan sa dulo at theater seating arrangement siya. Para ka lang nasa sinehan at matatanaw mo nang maayos kahit nasa dulo ka.
Umakyat ako sa entablado at pinuntahan ang malaking piano. Napangiti ako nang maalala siya at kung paano niya ako kantahan saka kulitin. Nagpakawala ako ng mabigat na hangin dahil ang daming ganap ngayon. Hindi pa rin ako nasasanay dahil ngayon lang ako nakikihalubilo sa iba. Mabuti na lang at friendly ang mga kaklase ko maliban sa bading na iyon.
Pagkatapos kong tumambay sa music room ay napagdesisyunan kong umuwi na kaya tinahak ko na ang daan papunta sa parking lot. Pinainit ko na muna ang makina bago isuot ang helmet.
Mayamaya ay may nakita akong grupo ng kalalakihan na papunta sa gawi ko. Bumomba muna ako ng tatlong beses bago paandarin ang motor. Habang papalapit sa kanila ay nangunot ang noo ko dahil si bading pala iyon. Kasama rin niya ang lalaking nabunggo ko kanina at nakatingin sila sa akin.