Browse stories

The Billionaire’s Unexpected Twins

Language: fil

Zreinessa Nerillano, a simple woman who was deprived of living her life to the fullest because of a past tragedy. She has an older sister who pursued her to do a favor- to have s*x with her older sister's boyfriend. Despite of the principles Zreinessa had, she still agreed to the plan of her sister. Because of too much guilt she was feeling after executing the plan, Zreinessa decided to detached herself from anyone, even her sister, until she gave birth to her child. Is she going to live in tranquility hiding with her child?

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Baby?" kinakabahang tawag ko nang makabalik sa pwestong pinanggalingan ko kanina, pero wala akong nadatnan doon.

 "Where are you, baby?" Luminga-linga pa ako para matingnan ang mga tao sa isang restaurant ng mall kung nasaan kami ngayon.

Nasaan na ba siya?

 Kinakabahang lumabas ako ng restaurant at mas tinalasan ang mga mata na inilibot ang paningin sa dagat ng mga tao.

 "Baby? Where are you? Come back here. This is not a good joke," sunod-sunod na sabi ko habang naglalakad sa harap ng restaurant.

Hindi ako maaaring umalis na lang dito dahil baka bumalik siya rito at magkasalisihan kami. Mas mahihirapan ako sa paghahanap sa kaniya.

 "Nasaan ka na ba?" bulong ko sa sarili at gusto ko nang maiyak pero pinigilan ko ang emosyon, at patuloy na naghanap sa paligid malapit sa restaurant.

 Sa gitna ng paglalakad ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang isang napakapamilyar na lalaki na magiting na naglalakad patungo sa puwesto ko. Umusbong ang kaba sa aking dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Bakit siya nandito? Ano ang ginagawa niya rito? Sinundan niya ba ako rito? Pinahanap? Paano niya ako nahanap?

Malapit na siya sa kinatatayuan ko pero nagmistulang estatwa ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ako makagalaw. Gustong-gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Mas lalong nadepina at lumawak ang kaniyang pangangatawan sa limang taon na hindi ko siya nakita. Mas lalong nagsusumigaw sa kaniyang ang karangyaan. Mas lalong nakaka-intimidate ang kaniyang presensiya.


 "Mommy! Mommy!"

Napapikit ako nang marinig ang boses na 'yon. Bakit dito pa?

Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan nang magtama ang mga paningin namin. Ang kaniyang malalamig na titig na nagbibigay pa rin ng kung anong epekto sa akin.

 "Mommy!" Napakurap-kurap ako at bumagsak ang aking paningin sa anak kong hinihila ang laylayan ng dress ko.

 "Yes, baby?" Nag-squat ako sa kaniyang harapan at sinapo ang malalambot niyang pisngi.

“Where have you been, Zeirode?" Agad naman siyang ngumuso at niyakap ako. Napangiti naman ako dahil doon.

 "I'm sorry, Mommy! I saw a mascot outside that's why I left..." pagkwento niya.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang makita ang malungkot na mukha ng napakagwapo kong anak. "It's okay. Just don't do that again, okay? You should wait for me next time," paalala ko.

Lumiwanag naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "You're not mad at Zeirode?" inosenteng tanong niya sa akin.

 Umiling ako. "Of course not, my baby."

Napahinto ako sa pakikipag-usap sa anak ko nang makarinig ng isang malakas na tikhim mula sa aking likuran.

“Who is he, Mommy?" masungit na tanong ng anak ko. Gusto kong matawa sa paraan ng pagtanong niya. Para siyang hindi limang taon na bata.

 "I don't know, baby. Let me handle this, okay?" malambing na sabi ko sa kaniya.

"Alright. Make it fast, Mom," aniya. Napailing na lang ako.

Alam ko na kung kanino nagmana ang anak kong 'to. Napatigil muli ako nang may tumikhim na naman sa aking likuran at bumalik ang kaba sa dibdib ko.

 "Uh... what can I do for you, Sir?" pormal na tanong ko kahit sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Napataas naman ang kilay ko dahil doon. Anong problema niya sa itinanong ko?

 "Zreinessa Nerillano." Ang pagbanggit niya sa pangalan ko ay para bang may kung anong kuryente na dumaloy sa pagkatao ko. "It's been years." Napalunok ako.

 "Sir Tredore Reverio, yes, it's been years. It's nice seeing you here."

Bahagya siyang tumawa. "Who's with you?"

Mas lalong umalpas ang kabog sa dibdib ko dahil sa tanong niya pero buong tapang ko siyang sinagot. "Zeirode Nerillano, my son," pagpapakilala ko sa anak ko.

“It's not nice meeting you. You may now leave us," malamig na sabi ng anak ko.

 Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon at agad na sinaway ang anak ko. "Rode," tawag ko sa kaniya.

Umangat naman ang masungit na tingin niya sa akin. "Are you not yet done talking? You said that you don't know him, right? And you also said, that 'Don't talk to strangers.'"

Halos mapanganga ako sa haba ng sinabi niya.

Limang taon lang ba talaga 'tong anak ko? Pilit akong ngumiti kay Tredore. "Don't mind my son. I'm sorry for that..."

 Kinabahan ako nang makitang nasa anak ko ang kaniyang atensyon. Hindi... Hindi niya maaaring malaman...

 Ayoko nang magkaroon ulit ng koneksyon sa kaniya... sa kanila...

Hinding-hindi pwede ang anak ko...

Kahit ikaw pa ang ama niya, hindi pwede...

DESIREDINK

Chapter 2

"Mahal kong kapatid, kailangan ko talaga ng tulong mo..." Mahigpit na hinawakan ni Ate ang dalawang kamay ko at pinipisil iyon habang nakanguso ang mga labi niya.

 Nandito kami ngayon sa kwarto ko at paulit-ulit na humihingi ng tulong sa akin si Ate Cray tungkol sa problema niya.

 "Ate Cray naman..." maingat na reklamo ko. "Masyadong mahirap kasi 'yong pinapagawa mo..."

Napabuntonghininga si Ate Cray at bahagyang yumuko. Nanatili pa rin ang mahigpit na pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko na para bang ayaw niya talagang mawalan ng pag-asa sa pangungulit sa akin.

 "Zrei, pangako, huling pabor na 'tong hinihiling ko." Sinalubong niya ulit ang mga mata ko. Bakas pa rin ang pagmamakaawa niya. "Pagbigyan mo lang ang gusto ko, hmm?"

Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga. Hindi talaga ako sang-ayon sa gustong ipagawa niya sa akin. Kahit saang anggulo tingnan, hindi talaga ako sang-ayon, pero kahit na anong sabi ko no'n kay Ate Cray ay hindi niya pinakikinggan. Ipinagpipilitan niya pa rin ang gustong mangyari.

 "Mahal na mahal ko si Tredore... ayokong mawala siya sa 'kin, Zrei. Parang awa mo na tulungan mo 'ko..." naiiyak na sabi niya. Kulang na lang ay lumuhod din siya sa harap ko para lang pumayag ako sa gusto niya.

 "Ate... alam mong hindi ako sang-ayon sa gusto mong mangyari," sabi ko.

 "Zrei, hindi ko naman 'to ipapagawa sa 'yo kung pwede akong mabuntis..." mahinang sabi niya at nag-unahan na sa pagbagsak ang mga luha sa kaniyang pisngi.

Kumirot ang dibdib ko dahil do'n. Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang malaman namin ang sitwasyon ni Ate Cray. Ayon sa doktor na pinuntahan namin, may komplikasyon sa bato si Ate at malabong mabuntis siya. Sobrang nasaktan si Ate Cray dahil do'n. Walang gabi na hindi siya umiiyak dahil do'n. Nai-kwento niya na rin sa 'kin na ilang beses na raw may nangyari sa kanila ni Tredore pero hindi man lang daw siya nabubuntis kaya naisipan niya nang magpatingin.

 "Ate..." tanging sambit ko. Nakayuko na siya at patuloy na umiiyak. Nasasaktan ako para sa kalagayan ni Ate.

Wala man lang akong magawa para maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya. Ito na ba ang hudyat para pumayag ako sa gusto niyang mangyari? Kahinaan ko kapag nakikita kong nasasaktan at nahihirapan ang mga importantent tao sa akin.

 "Zrei... nagmamakaawa ako. Kapag nalaman ni Tredore na hindi ako maaaring mabuntis... iiwanan niya ako!" palahaw niya.

"Hindi pa rin 'to tama, Ate..." naninimbang na sabi ko.

Umiling siya. "Zrei naman. Iisipin mo pa rin ba 'yang mga prinsipyo mo? Ayaw mo ba akong matulungan man lang?" umiiyak na sabi niya.

 "Hindi naman sa gano'n, Ate..." depensa ko.

"Ipinararamdam mo sa 'kin na ayaw mo akong tulungan, Zrei..." puno ng hinanakit na sabi niya.

"Hindi, Ate," agap ko. "Iniisip ko lang na baka mayroon pang ibang paraan."

Sinalubong niya ang mga mata ko. "Sabihin mo, Zrei, may iba pa bang paraan? Gusto mong sa ibang babae ko ipagawa 'tong hinihiling ko sa 'yo?" Natahimik ako. "Masakit na nga para sa 'kin na sa 'yo ko ipapaubaya 'to 'tapos gusto mong sa ibang babae ko pa ipagawa?!" Tumaas ang boses niya kaya napapitlag ako.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Ngayon lang ako nasigawan ni Ate Cray. Sa buong pagsasama namin ay malapit talaga kami at bilang lang sa aming mga daliri ang mga panahon na may hindi kaming napagkakaunawaan.

"Sorry... hindi ko sinasadyang masigawan ka, Zrei..." sinserong sabi niya.

Mariin akong napalunok. Malapit na akong pumayag sa gusto niyang ipagawa sa akin, pero napapaisip ako sa kung ano ang maaaring mangyari sa akin kapag tuluyan akong pumayag. Alam kong sa sandali na ibigay ko ang sagot na inaasahan niya ay wala na akong kawala. Malalagay rin ako sa alanganin. Magiging walang kasiguraduhan ang lahat ng mga susunod na mangyayari sa buhay ko.

Malalim akong bumuntonghininga at mahigpit na humawak sa mga kamay ni Ate na nakahawak pa rin sa mga kamay ko.

"Pumapayag na 'ko," pigil hiningang sabi ko.

"Totoo, Zrei?" Lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko.

 "Oo, Ate Cray, basta para sa 'yo," sabi ko at malumanay na ngumiti sa kaniya.

Tumayo siya mula sa kaniyang pagkaka-squat sa aking harapan at mahigpit akong niyakap.

"Thank you, Zrei! Tatanawin kong malaking utang na loob 'to..." malambing na sabi niya.

Tahimik lang akong tumango at hinagod-hagod ang kaniyang likod para kumalma siya sa kaniyang pag-iyak.

 "Pag-usapan na natin 'yong gagawin ko, Ate," tanging sabi ko.

Nang mahimigan ko ang pagkaantok ni Ate Cray ay ipinagpabukas ko na lang ang magiging pag-uusap naming dalawa tungkol sa gusto niyang ipagawa sa akin. Alam kong mali dahil makakasakit kami ng tao. Higit sa lahat, hindi rin ako marunong magsinungaling kaya hindi talaga ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari.

Bumuntonghininga ako. Wala na akong magagawa pa, pumayag na ako sa gusto niyang mangyari. Nakatulog na lang ako na hindi naaalis sa isipan ko ang mga maaaring mangyari.

"GOOD morning, Dad." Humalik ako sa kanang pisngi niya nang makarating ako sa dining table para mag-almusal.

 "Good morning, hon," bati niya pabalik. Napangiti naman ako at tahimik na umupo sa bakanteng upuan.

Kaming dalawa lang ang nasa hapag pero maraming pagkain ang nakahain. Nagkibit-balikat na lang ako dahil hindi naman na bago ito sa akin.

 "Where's Ate?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

 "She left this morning. Pupunta raw kay Tredore." Nagkibit-balikat si Daddy.

 Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain.

 "By the way, substitute teacher muna ang magtuturo sa 'yo ngayon," biglang sabi ni Daddy.

 "Po? But why?" kunot noong tanong ko.

"May emergency raw si Mr. Gresena," sagot ni daddy.

 "Do you know who will be my substitute teacher?" tanong ko pa.

 "Well, Mr. Gresena said that he's his most trusted friend naman, kaya no need to worry, hon." Ngumiti sa akin si Daddy.

 "Okay," tanging sabi ko at nagkibit-balikat.

Homeschool na ang pag-aaral ko simula pa noong elementary ako. And now, two months na lang ay makaka-graduate na ako ng college with a business degree. Naalala ko pa kung bakit naging ganito ang sitwasyon ko. Kindergarten pa lang ako no'n. Kahit napakatagal na panahon ay malinaw pa rin sa alaala ko ang nangyari dahil hindi ko talaga malilimutan ang araw na iyon. Sinundo ako no'n ni mommy sa school na talagang nakasanayan ko na. Hindi ko alam na iyon na pala ang magiging huling pagsundo niya sa akin. May nagtangkang mag-kidnap sa akin pero nanlaban si Mommy at ayaw niya akong ibigay sa mga kidnappers, kaya binaril siya sa mismong harapan ko at iniwan kami.

Napabuntonghininga ako nang maalala na naman ang mapait na nakaraan. Namatay si Mommy nang araw na 'yon. Simula no'n ay hindi na ako hinahayaan ni daddy na makalabas ng mansyon nang mag-isa.

 "You okay, hon?" nag-aalalang tanong ni Daddy.

"Yes, Dad." Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang ayos lang ako.

Kaya simula no'n ay napagdesisyonan ni Daddy na mag-homeschool na lang ako. Hotel chains ang pinagkakakitaan ng pamilya ko kaya hindi imposible na may magtangka talaga sa mga buhay namin dahil angat ang hotel sa bansa maging sa labas ng Pilipinas.

Nang makabalik ako sa kuwarto ay inayos ko lang ang sarili bago nagtungo sa study room para hintayin ang substitute teacher na sinasabi ni Daddy. Sana nga lang ay hindi masungit ang substitute teacher ko ngayon. Wala pa rin si Ate, kaya paniguradong mamayang gabi pa kami makapag-uusap tungkol sa ipapagawa niya sa akin.

 "Miss Zreinessa Nerillano." Nanindig ang mga buhok ko sa batok nang makarinig ng isang baritonong boses mula sa aking likuran.

 Mariin akong napalunok bago dahan-dahan na lumingon sa isang lalaki na nakatayo sa entrance ng study room. Nakasuot siya ng navy blue button-down long sleeves na naka-tucked in sa itim na slacks niya. Ang sleeves ng polo niya ay nakatupi hanggang sa kaniyang siko kaya litaw na litaw ang muscles at mga ugat sa kaniyang braso. Nakabukas din ang unang tatlong butones ng kaniyang damit kaya mas lalo akong napalunok.

Sino 'to? Ang perfect naman niya yata? Siya na ba ang substitute teacher ko?

Nang magtama ang mga paningin namin ay parang huminto ang paligid. Sinalubong ako nang malalim at malamig niyang titig sa akin. Makapal ang kilay niya, matangos ang ilong, mapula at mamasa-masa ang kaniyang labi. At ang kaniyang mga panga... nag-igting iyon kaya mas lalong nadepina ang perpekto niyang mukha.

 Shit! Nagkakasala na ako rito!

 "How do I look, Miss Zreinessa Nerillano?" malamig na tanong niya at tumindig na naman ang mga buhok ko sa batok maging sa mga braso ko.

Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Uh... kayo na po ba 'yong substitute teacher na ni-refer ni Sir Gresena?" Mas pinili ko na lang na hindi sagutin ang tanong niya at magbukas ng panibagong topic.

Baka may kung ano pa akong masabi kapag sumagot pa ako sa kaniya.

"About that, yes," sagot niya.

"Okay," tanging sabi ko at pumunta sa may study table para buksan ang laptop ko.

Nakaupo na ako sa aking swivel chair pero nanatiling nakatayo naman ang substitute teacher ko sa may pintuan. Napakunot ang noo ko dahil doon.

"Uh, Sir? Bakit hindi pa po kayo pumapasok?" maingat na tanong ko.

 "I don't want to be accused of trespassing, Miss Zreinessa Nerillano," sagot niya.

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko ang aking sarili. Trespassing pa siyang nalalaman, eh, nasa loob na nga siya ng pamamahay namin, 'di ba?

 "Sorry about that. Pwede ka nang pumasok, Sir," nakangiting sabi ko na lang.

Tahimik lang siyang pumasok at agad na nagtungo sa study table ko. May nakalaan naman na isang swivel chair sa tabi ko para kay Sir Gresena, pero siya muna ang pansamantala na gagamit no'n ngayon,

Maingat niyang inilapag sa malawak na study table ang isang ataché case na dala niya at mula roon, inilabas niya ang kaniyang laptop. Iniwas ko na lang ang atensyon ko sa kaniya at itinuon ang paningin sa sariling laptop.

"Shall we start?" tanong niya.

 "Yes, sir," pormal na sagot ko naman.

Sa ilang oras na pagtuturo niya sa akin ay wala naman akong naging reklamo. Hindi nga nagkamali si Sir Gresena sa pagpili sa kaniya bilang substitute teacher ko. Naipaliwanag niya nang maayos at malinaw sa akin ang mga topics namin ngayon. Magaling din naman magturo si Sir Gresena pero 'di ko lang maiwasan isipin na mabilis kong naintindihan ang mga paliwanag ng substitute teacher ko ngayon.

 "Sir, I'll go downstairs po. Magpapaakyat lang po ako ng lunch," sabi ko nang mapansing malapit na mag-alas dose ng tanghali.

"Alright," tanging sagot niya at nanatiling nakatingin sa laptop ang kaniyang mga mata.

Napanguso ako sa hindi malamang dahilan. Tahimik akong tumayo at kung minamalas nga naman ako ay sumabit ang takong ng heels ko sa paanan ng swivel chair!

 "Shit!" kinakabang sigaw ko at hinihintay ang pagbagsak ko sa malamig na tiles ng study room pero hindi iyon nangyari.

Nanatili akong nakapikit pero ramdam ko ang mainit na bisig na nakayakap sa akin. Matindi ang naging paglunok ko bago idilat ang aking mga mata. Hindi magkamayaw ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalaking mga matang napatingin ako kay Sir nang mapagtanto ang posisyon namin ngayon!

Bumagsak ako sa kandungan niya at nakapulupot sa baywang ko ang mga braso niya! Ramdam ko ang pag-apoy ng aking mga pisngi pero hindi ko magawang maialis ang titig ko sa lalaking nasa harapan ko. Ang malalim at malamig niyang mga mata ay para bang hinihigop ang kaluluwa ko.

 "S-Sorry, Sir... pasensya na po," nauutal na sabi ko at akmang aalis na sa kandungan niya nang pigilan niya ako.

"Stay still," aniya sa malamig na boses.

Napalunok ulit ako at napakurap-kurap. Bahagyang nakabuka ang aking mga labi pero wala akong maisip na tamang salita na puwedeng sabihin sa mga sandaling 'to.

 "H-Ha?" lutang na tanong ko. "Stay fucking still, Zreinessa."

Napapitlag ako nang maramdaman ang hininga niyang tumama sa balat ng leeg ko.

DESIREDINK

Chapter 3

"Naiintindihan mo naman ang lahat ng sinabi ko, 'di ba?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Ate Cray.

 "Uh, oo, walang problema," sagot ko at tipid na ngumiti sa kaniya.  

 "Buti naman, Zrei. Aasahan kita bukas. Sabay na tayong pupunta sa office ni Tredore para isagawa 'yong plano, okay?" nakangiting sabi niya sa akin.  

Tumango ako. "Pero, Ate... kinakabahan pa rin ako sa gusto mong ipagawa."

Bumuntonghininga siya. "Don't be, okay? Nandito naman ako. Hindi naman kita pababayaan kapag naging successful ang plano natin."  

Siguradong-sigurado siya na magtatagumpay ang gusto niya.

  "Alright," tanging sagot ko na lang.

  "By the way, hindi mo pa nakikita ang mukha ni Tredore, right?" nakangiting tanong ng kapatid ko.

  "Hindi pa," sagot ko.

Nakangiti niyang inilabas ang kaniyang cell phone at nagsimulang magpindot-pindot doon. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi kaya wala sa sariling napangiti rin ako.

 Tama lang siguro na pumayag ako sa mga plano niya dahil isa naman iyon sa ikakasaya niya. Sino ba naman ako para ipagkait ang kasiyahan niya, 'di ba?

  "Here." Inilapit niya sa akin ang kaniyang cell phone at may picture iyon ng isang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo.  

Malalim akong napalunok at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon!

 "Siya si T-Tredore?" utal na tanong ko at pilit na itinatago ang matinding pagkagulat.

Nag-umpisa na ring manginig ang aking mga kalamnan at pati mga kamay ko, pero pinigilan ko iyon para hindi makahalata si Ate Cray.

  "Yes!" kinikilig na sabi niya. "Ang guwapo niya, 'di ba?"  

Sunod-sunod ang naging paglunok ko at itinuon ulit ang atensyon sa picture na nasa cell phone ni Ate. Nanunuyo na lang ang lalamunan ko dahil sa labis na kaba at pakiramdam ko ay gusto ko na lang maglaho bigla. Ano 'tong pinasok ko?!  

"Ayos ka lang, Zrei?" nag-aalalang tanong ni Ate Cray. "You look pale."  

Pilit akong tumawa at umiling. "A-Ayos lang ako, Ate."  

Ibinalik ko sa kaniya ang cell phone niya. HIndi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Si Tredore na sinasabi ni Ate ay siya ring substitute teacher ko kanina! Damn! Gusto ko na lang talaga maglaho sa hangin!

 "Bukas, Zrei, ah. Sabay tayo papuntang office ni Tredore." Kumindat pa siya sa akin bago magiliw na lumabas ng kwarto ko.  

Nanatili naman akong nakatulala dahil hindi pa matanggap ng sistema ko ang nakita ko ngayon-ngayong lang. Bakit siya pa? Bakit siya pa si Tredore? Bakit hindi ko man lang alam na si Tredore na pala ang kasama ko kanina study room? Bakit... Argh! Malaki na agad ang kasalanan ko kay Ate...  

Nang dahil doon ay sumagi na naman sa isip ko ang mga nangyari sa study room kanina.  

"Stay fucking still, Zreinessa." Napapitlag ako nang maramdaman ang hininga niyang tumama sa balat ng leeg ko.

 "S-Sir, anong ginagawa mo? Uhmm..." Hindi ko na napigilan ang pagiging mas malambing ng boses ko nang maramdaman ang paglapat ng mga labi ni Sir sa leeg ko.  Sobrang bago ito sa pakiramdam ko. Hindi ko alam pero para na akong nag-aapoy sa mga oras na 'to. Wala akong experience sa mga ganitong karanasan dahil halos nasa bahay lang ako.

  "Damn..." mahinang sabi ni Sir. "I'm sorry..."

Napadilat ako nang tumigil siya sa kaniyang paghalik sa leeg ko. Nagtama ang mga paningin namin. Ang mga mata niyang namumungay at parang lasing na nakatitig sa akin. Nakabuka pa ang kaniyang bibig.

Bumagsak ang tingin ko ro'n nang basain niya iyon gamit ang kaniyang dila. Para akong inaakit ng mga labi niya kaya naging sunod-sunod ang paglunok ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin at hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Nakaramdam ako ng kung anong kuryente na dumaloy sa sistema ko nang mailapat ko ang aking kamay sa kaniyang pisngi. Nakita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya dahil sa ginawa ko.

"Bakit ganito, Sir...?" kinakabahang tanong ko. Hinahagod-hagod ko gamit ang aking hinlalaking daliri ang kaniyang pisngi at siya naman ay napapikit na tila ba dinadama ang haplos na ibinibigay ko sa kaniya.  

"Hmm?" tanging usal niya.  Napalunok ulit ako. "Ang bilis ng tibok ng puso ko..."

 Nag-igting ang kaniyang panga at marahas na idinilat ang mga mata niya. Muling nagtama ang mga paningin namin. Ang mga titig niya na parang pinapasok maging ang kaluluwa ko. Ano itong ginagawa niya sa akin? Ang init ng pakiramdam ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tama ba 'tong ginawa namin?

Napabalik ako sa huwisyo dahil doon. Agad na inalis ko ang aking kamay sa kaniyang pisngi na para bang napaso ako roon. Nagsalubong naman ang mga kilay niya at naging matindi ang pagkakakunot ng kaniyang noo.

 Mali ito! Ano bang nangyayari sa akin?! Teacher ko siya! Ano'ng pumasok sa isip ko at napunta kami sa ganitong sitwasyon?

 Aalis na sana ako mula sa pagkakaupo ko sa kaniyang kandungan nang muli niyang higpitan ang kapit niya sa aking baywang. Hinapit niya ako palapit sa kaniya kaya bumagsak ang katawan ko sa matipuno niyang dibdib.  

"S-Sir..." kinakabahang sabi ko.  Gusto kong matigil ito dahil mali, pero mayroon sa kaloob-looban ko na parang gustong ipagpatuloy ito.  

"You can make me really crazy... effortless, Zreinessa," aniya.  

Napatili ako nang bahagya niya akong inangat at pinirmi sa kaniyang kandungan. Pinaghiwalay niya ang dalawang hita ko na ngayon ay nakapulupot sa magkabilang baywang niya. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na para bang mawawasak na ang ribcage ko ano mang oras.

 "Zreinessa, look at me." Malambing ang boses niya na mas lalong nagpausbong sa kung anong sensasyon na nararamdaman ko ngayon.

 "Sir..." mahinang tugon ko. Wala na rin akong mabigkas na tamang salita sa mga oras na 'to. Nagtatalo rin ang kaloob-looban ko kung ano ang nararapat na gawin.

 "Can I kiss you?" tanong niya.  Bahagya akong napanganga dahil sa tanong niya.

Shit! Mali ito pero bakit parang gusto ko mangyari 'yon? Hindi ko alam na may pagkahalay pala ang utak ko!  

Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang mamasa-masang mga labi. Nakakapang-akit iyon at hindi ko na lang namalayan ang sarili na hinahalikan ko na siya. Napaungol ako nang maging malalim ang halikang pinagsasaluhan namin. Ang mga braso ko ay pumulupot sa kaniyang batok at mas lalo kong idiin ang sarili sa kaniyang katawan.

 "Uhmm..." Hindi ko akalain na mas may ilalambing pa ang boses ko dahil sa nangyayari ngayon. Ni halos hindi ko na makilala na boses ko pala 'yon.

 Mas lalong naging malalim ang aming paghahalikan nang matagpuan ng kaniyang dila ang loob ng aking bibig. Nagmistulang mga espada ang aming mga dila at ninamnam ang bawat isa.

 "Fuck!" ungol ni Sir.  Gusto kong matawa dahil hindi ko man lang pala alam ang pangalan ni Sir.

Napatingala ako nang bumaba ang halik niya sa aking leeg. Mas lalong nag-init ang kung anong sensasyon na lumulukob sa sistema ko. Nawawala ako sa ulirat.  Naramdaman ko ang isang kamay ni Sir na bumagsak sa hita ko. Tanging floral dress lang ang suot ko at bahagya pang naangat iyon dahil sa pagkakaupo ko sa kaniyang kandungan. Dahan-dahan ang kaniyang paghaplos doon. May kung ano naman sa loob ko na para bang hindi makuntento sa haplos na ibinibigay niya.

  "Touch me, Sir..." paos na sabi ko.

 "Damn, baby. Your sexy moans and pleas sound music to my ears..." nang-aakit na bulong niya.  

Napasinghap ako nang bahagya niyang ibaba ang suot kong floral dress sa may bandang dibdib. Ibinaba niya iyon at tanging itaas na bahagi ng dibdib ko lang ang nakikita. Bumaba ang halik niya roon at napaungol ako nang sipsipin niya ang balat ko sa bahaging iyon. Ang sarap sa pakiramdam ng mga labi niya sa balat ko. Hindi ko na rin maipaliwanag ang mga nagiging kilos ko, basta ang alam ko lang ay nakakadala ang mga halik at haplos niya sa aking balat.

 Napabalik ako sa ulirat nang makarinig ng pagkatok sa pinto ng aking kuwarto. Nawala ang mga ala-alang kanina lang nangyari.

  "Madam, dinner na raw po!" Narinig ko ang boses ng kasambahay namin sa labas ng kuwarto.

 "Susunod na po!" magalang sa sigaw ko pabalik.

Bumuntonghininga ako at pilit na iwinawaksi ang pangyayaring iyon. Hindi tama 'yon at napakalaking kasalanan no'n kay Ate Cray.

Bakit ba kasi hindi ko muna inalam ang pangalan ng substitute teacher ko? Alam ba ni Daddy na si Tredore ang naging substitute teacher ko ngayon?

Sa ideyang iyon ay pakiramdam ko ay parang nawalan ng kulay ang mukha ko.  Mas maigi na lang yata na hindi alam ni Daddy dahil baka mabanggit niya pa kay Ate Cray. Alam na alam pa naman nila kung nagsisinungaling ako sa mga salitang sinasabi ko o hindi.  

Napabuntonghininga na lang ulit ako at lumabas ng kwarto para sa dinner.

KINABUKASAN, gaya nang sinabi ni Ate Cray ay sabay kaming pumunta sa opisina ni Tredore. Hindi pa rin nawawala ang mga bodyguards na nakabuntot sa amin kapag kasama ako ni Ate na lumalabas ng mansyon. Hindi na ako nabigla nang makarating kami sa kompanya nila Sir Tredore.

Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si Ate sa lalaki.  Si Sir Tredore Reverio lang naman ang CEO ng Reverio Corporations. One of the most richest family ang mga Reverio at sobrang lago ng company nila. Hindi na ako nagulat pa dahil halata naman sa karangyaan si Sir Tredore kahapon na sumisigaw ng pagka-bilyonaryo ang buong pagkatao, at marami naman talaga ang nagkakandarapa sa kaniya sa pagkakaalam ko.

Social media was really a big use today. Kahit nasa bahay lang ay alam ko pa rin ang ibang issues sa business industry. Speaking of, nakahinga talaga ako nang maluwag kagabi nang malamang hindi naabutan ni Daddy ang pagdating ni Sir Tredore sa mansyon, dahil umalis na rin agad siya papuntang The Neri, ang hotel namin.  

Nag-umpisang manlamig ang mga kamay ko nang pumasok kami sa mataas na gusali ng Reverio Corporations. Taas noo namang naglakad si Ate Cray sa loob habang ako ay nakabuntot lang sa likod niya at nakayuko.

Hindi ako sanay sa titig ng mga tao na ibinibigay sa akin. Alam kong curious sila sa pagkatao ko dahil bihira lang ako lumabas— ang isang anak ni Zeino Nerillano.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagsunod kay Ate Cray hanggang sa makasakay kami ng elevator. Napabuntonghininga ako.

 "You okay, li'l sis?" tanong sa akin ni Ate Cray.

  "Yes. ayos lang ako," sagot ko at ngumiti sa kaniya. Pinakalma ko ang aking sarili at inayos ang pananamit ko.  

"Ako na ang bahala na maglagay ng drug sa inumin niya. Papasok ka ng opisina kapag lumabas ako, okay?" ilang ulit na habilin niya.

Wala naman akong nagawa kung 'di ang tumango sa gusto niyang mangyari. Kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sang-ayon tungkol doon, pero pumayag na ako. Lalagyan niya ng drug ang inumin ni Sir Tredore. Kapag nagkaroon na raw ng epekto ang drug sa kaniya ay saka niya ako papapasukin at gagawin ang gusto niyang mangyari. Ang makipag-sex ako kay Sir Tredore at kapag nabuntis ako ay mapupunta kay Ate Cray ang batang nasa sinapupunan ko, dahil wala siyang kakayahan na magkaanak.

  Humigpit ang pagkakahawak ko sa hand bag na dala ko. Tama ba 'tong pinasok ko?Para naman sa kasiyahan ito ni Ate kaya sa tingin ko ay wala namang mali sa naging desisyon ko.

Napabuntonghininga na lang ako at umupo sa waiting area sa labas ng opisina ni Sir Tredore kung saan pumasok na si Ate Cray, at isinasagawa ang gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko ba 'to o hindi...

DESIREDINK