Browse stories

Wrath Of A Monster

Language: fil

(This is a pure tagalog story) The world have change, a murderer in the past have resurrected as a monster, and now they are populate the world with curses. They are a monster who once reincarnated as a human being and not used the life of being human, there no humanity in their heart and they love the smell of blood bleed in their victims wound. That's when the reincarnated human who once an immortal soul, who once succeeded to end the population of the monster, is back with a grand scheme to end the wrath of monsters. They have an idea of what to do, but unknown to them, the reason…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1



“Kinakabahan ako!” rinig kong pagdahilan ng kaibigan ko, pinipilit ko kasing samahan niya ako para sa proyekto namin sa art. Tiningnan niya pa ako at nang hindi ko siya pinansin ay napasigaw na siya, “kinakabahan talaga ako! Bakit b ayaw mong maniwala?” tanong pa niya na parang sigurado na hindi nga ako naniniwala.

“Alam kong kinakabahan ka.”

“Alam mo?” halata ang bigla sa tinig niya nang biglang nagsalita.

Doon ako natigil sa pagbagtas sa masukal na daan at nabaling sa nahihiwagaang kaibigan.
Agad akong naghanap ng dahilan na para bang may masama sa pahayag ko, “I mean... halata sa tinig mo,” sabi ko at kinunotan siya ng noo, “ano bang naiisip mo?”

Para siyang nasindak na agad nagpaliwanag, “e, wala naman. Bakit pa kasi kailangan ko pang sumama sa'yo?”

“Ayaw mo'kong samahan, gano'n?” may himig ng pagtatampo sa boses ko. Hindi ko lang malaman kung bakit hindi simpleng kaba lamang ang nararamdaman ko sa kaniya. Rinig ko pa ang malakas na kabog ng dibdib niya.

“Hindi naman sa gano'n-” hindi na siya gumagalaw nang may biglang kaluskos ang namayani sa paligid, hindi na rin niya natapos ang sasabihin at agad napalapit sa akin.

“Ano bang kinakatakot mo?” tanong ko, kahit sa sarili ay nahihiwagaan sa kinikilos niya. Sabihin nang manhid ako at weirdo dahil kailanman ay wala lamang sa akin ang kung anuman ang kinatatakotan ng mga nakapaligid sa akin. Ngunit aware ako sa bagay na kinatatakutan nila, hindi ko lang mapuwersa ang sarili upang matakot sa bagay na hindi ko pa naman nakikita.

Nang may biglang ligaw na kuneho ang tumakbo paalis sa pinanggalingan ng kaluskos ay napabuntong hininga na lamang siya at nagsabing, “hindi ko lang...malimot ang nangyari rito.”

Muli ay nahiwagaan ako. “Nangyari rito?”

Seryoso siyang napatitig sa akin, sinasabi ng kaniyang mga mata kung bakit ba wala akong kaalam-alam. Kahit pa wala akong pakialam sa takot nila, hindi ko makuhang ipagsawalang bahala ang misteryo sa mga salita ng kaibigan ko, at lungkot na bumabakas sa mga mata niya, na parang naranasan niya 'yon in person.

“Tell me.”

Napabuntong hininga lamang siya at parang nawala ang kaba sa dibdib nang nasa harap ko na siya. Ngunit nang nagsimula siyang mag-kuwento ay muling nagparamdam ang takot sa kaniyang mga tinig. At tulad ng narinig niya na, patungkol na naman ito sa kahindik-hindik na pangyayari. Sinasabing isang halimaw ang may-gawa at pumapatay sa bawat sanggol na sinisilang. 

Kalaunan ay sinabi niya ang saloobin bilang kaibigan, “Hindi ko alam kung bakit dito mo naisip pumunta,” naramdaman ko ang nanginginig niyang palad na humahaplos sa mga kamay ko, “pero hindi kita masisisi. Alam kong ilag ang lahat sa'yo dahil sa,” Nag-alinlangan pa siya ngunit nagpatuloy, “weirdo ka raw at walang pakiramdam. Pero 'wag mo 'yong isipin, hindi nila alam ang sinasabi nila!”

Napangiti na lamang ako. “Hindi ko naman iniisip,” sabi ko.

“Tama 'yan,” ngumiti rin siya, ngunit may pahabol, “kaya kung puwede babalik na tayo? Please...”

Wala akong nagawa kundi ang bumalik, hindi dahil sinabi niya. Kundi dahil bigla ko na lamang naramdaman ang kakaibang mga matang nanlilisik at nagpapatayo sa balahibo ko sa katawan. Hindi ko 'yon pinahahalata sa kaibigan habang nagpatuloy siya sa pag-kuwento. Kung totoong may halimaw man na gumagambala sa mamamayan, malalaman ko rin 'yon. Alam kong nariyan lamang sila kung totoo man ang mga kuwento ng taumbayan, nakatanaw at naghihintay sa mabibiktima.

Nang makabalik ay sinalubong ang kaibigan ko ng pag-aalala ni Lola,
“Saan ba kayo galing at hapong-hapo ka, Melissa?” Nang tumingin ang matanda sa akin ay napabuntong hininga lamang ito. Nagtanong, “Wala ka bang sasabihin?”

“Lola!” pigil ni Mel sa pang-usisisa ni Lola. Mel ang tawag ko sa kaibigan, short for Melissa. Mas close sila ni Lola at kung magsalita ay parang sila pa ang mag-lola, “huwag naman kayong ganiyan sa kaibigan ko.”

“Ano ba ako?” baling ni lola kay Mel, akala niya masisindak ang kaibigan ko. “Wala naman akong ginawa diyan.”

Hinampas lamang siya ni Mel. “Ikaw talaga, lola,” sinenyasan pa niya ako na pumasok na, “kahit kailan ang sungit mo sa apo mo. Don't tell me...ampon mo lang siya?” biro 'yon ngunit napaubo si lola, “at ako talaga 'yong tunay mong apo?”

“A-anong pinagsasabi mo?”

“Joke lang.” Nag-peace sign pa siya at natawa sa kuno ay joke niya.

Habang ako ay hindi na nag-aksaya ng panahong mang-usisa. Kahit hindi sabihin, may mga bagay na alam ko at nararamdaman ko. Ngunit kahit gano'n, hindi ko basta-basta nilalayo ang mga posibilidad. Maaring mali ako o tama, nasa dalawang pagpipilian lamang 'yon.

Nakatanaw ako sa bintana nang nagdilim na ang paligid, umalis na ang kaibigan ko matapos kaming maghapunan habang himbing na himbing na ang matanda sa pagkakataong 'to. Kahit madilim ang paligid ay hindi ang langit, ang mga bituin ay sumisilaw sa mga mata ko lalo na ang buwang pilit kong iniiwasang tingalain. Ngunit hindi ko mapigilang mahiwagaan, kung bakit kumikirot ang puso ko bawat gabi. Dahil ba nagpapaalala 'yon na naiiba ako sa karamihan?

Umalis na lamang ako sa bintana at sinarado 'yon. Lumalamig na rin kasi ang simoy ng hangin. Ngunit hindi ako naiidlip nang napatabi na ako sa matanda. Hindi ko siya maunawaan, hindi ko siya mahingan ng kasagotan.

Mga kalukskos sa labas ang nagpabangon sa akin. Hindi ko namalayang naidlip katabi ng matanda. Nais ko lang sanang titigan ito at analisanin. Nagtaka ako nang wala na siya sa aking tabi, hindi ko mahanap kahit sa labis ng silid niya. Bumaba ako at rinig na rinig ang bawat hakbang ko sa hagdan.

“Lola?” Sa unang pagkakataon ay bumangon ang pangamba sa loob ko para sa matanda. Saan ba ito nagpupunta sa ganitong oras?

Hinanap ko siya ngunit wala sa baba, at nang mapansin ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng malamig na hangin ay binalot ako ng kakaibang pakiramdam. Lalo na at narinig ko na naman ang kaluskos, lumalakas sa pagkatigil ko at lalong pagtahimik ng paligid. Nakakabingi ngunit ang kaluskos ay naghahari sa paligid.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ako ganito. Bakit tumatambol ang puso ko sa walang kasiguraduhan? Talaga bang nagpapaniwala ako sa mga halimaw na isa lamang kathang-isip?

“Apo?” Isang tinig mula sa itaas ang naunigan ko, “anong ginagawa mo sa baba? Bakit nakabukas ang pintuan?” tanong na hindi ko mahanapan ng kasagutan.

“Lola...”

Nagbago na lamang ang ekspresyon sa mukha ni Lola, nasisibdak at hindi makapagsalita. Nangunot na lamang ang noo ko at tiningnan ang tinitigan niya. Parang bumuhos sa akin ang nagyeyelong tubig, sa lamig na dumatay sa buo kong katawan. Ang namumulang mata na parang sa nagbabagang buwan ang sumalubong sa akin. Nasisilaw ako ngunit hindi ko mapikit ang mga mata. Gusto kong humiyaw ngunit hindi ko maibuka ang bibig. Ano bang nangyayari at nagkaganito ako? Dahil ba totoo sila? Nasa harapan ko na nga ang isa..

Nanlilisik ang mga mata nitong bumaling kay Lola na ngayon ay pababa at nilalayo ako sa halimaw. Ang sabog na sabog nitong buhok ay nagpadagdag sa kahindik-hindik nitong itsura, umaagos pa ang dugo sa labi nito na may kasamang lagkit ng laway. Halos masuka ako ngunit hindi ko kayang ilabas kung anuman ang nasa loob ko.

Ang nanghahaba nitong pangil ay biglang nagpakita, may sinasambit ito ngunit hindi ko maunawaan. Ngunit nasa akin na ang mga tingin nitong nanlilisik, habang pilit naman akong nilalayo ni Lola. Gusto siyang awatin at hilain na rin ngunit nagmamatigas ang matanda. Lalo akong nanlalamig, hindi ko alam ang gagawin. Paano kung bigla na lamang aatake ang nababaliw na panauhin?

“Lola...”

“Run.” Utos 'yon mula kay Lola ngunit hindi ko kayang sundin. To be exact, hindi ko magawa. Kahit pa gusto kong hilain si Lola at tumakbo kasabay niya, natutuod lamang ang paa ko sa kinatatayuan. “I said run-”

“Lola!”

Huli na, hindi na niya natapos ang sasabihin, ang utos niyang para sa akin ay makasarili. Hindi ko kayang iwan siya ngunit naging pabigat pa pala ako. Sa biglang pagtalas ng kuko ng hindi maintindihang nilalang, ang para sana sa akin ay nasalo ng matanda. Wakwak ang puso nito at lupaypay na tinapon na lamang sa isang tabi na parang basahan.

Nanghihina akong napahakbang. “Lola...no,” napigil ko ang hininga at ang halos bumaliktad na sikmura, masama kong tiningnan ang nababaliw na nilalang, o isang halimaw, “what have you done...what have you done?” hindi ko naiwasang lumakas ang tinig.

Ngunit hindi siya nakinig, ang halimaw ay walang pakialam sa nararamdaman ko. Tulad ng ginawa niya sa matanda, bumaon ang matalas na kuko at deritso sa puso ko.

Naramdaman ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko at pagtakas ng pait sa mga mata ko. May sinasambit ang halimaw ngunit hindi nabibingi na ako sa katahimikan.

Nabaling ang tingin ko sa matanda. Tanging nasambit ko ay ang kaniyang pangalan, na kahit nawawalan ng hininga ay nagmamakaawa ang tinig kong muling idilat ang kaniyang mga mata, “Lola...”

Ngumisi pa ang halimaw at tuluyang hinugot ang tumitibok-tibok ko pang puso.

Napahiyaw na lamang ako at nabigla sa pagbangon. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mga mata niya. “Lola!”

Parang hinugot ang puso ko sa hukay. Dahan-dahan ko 'yong hinawakan at napikit ang mata nang mapagtantong, “panaginip.”

Ngunit ang pag-alala sa mga mata ng matanda ay hindi maalis sa isip ko. Lalo na ang pagtutok nito sa nakabukas na bintana at ang bigla kong pagpikit nang masalubong ang nagbabagang buwan. Hindi ko maunawan ngunit halos tumigil ang puso ko sa pangamba niya, “Nalalapit na naman...ang madugo nilang pagbabalik!”

Chapter 2


“Wala si sir Ramos,” sabi ng kaklase ko sa katabi nito, sa tinig na hindi makapaniwala ngunit nagagalak. “Ibig sabihin no'n, uwian na!” Nasa unahan ko lang sila kaya rinig na rinig ko. Hindi naman siya pinansin ng katabi matapos sabihing, “Walang himala, Gwen. At nalimot mo ba? May Arts pa.”

Hindi ko na rin sana pansinin ngunit natigil ako nang mapagtanto ang mahalagang bagay:  ang proyekto ko sa Arts!

“Bakit?” Takang tanong ni Mel nang bumaling ako sa kaniya, busy siya na ngayon ko lang napansin kung bakit. Napansin niya ang tinitingnan ko at parang nababasa ang iniisip ko na nag-explain, “Ah, ito? Proyekto ko sa arts,” sabi niya na parang walang kaalam-alam na nalimot kong bumalik sa masukal na kagubatan. Binandara niya ang proyekto niya sa mukha ko at nagsabing, “Ayos ba?” Isa 'yong imahe ng lumang simbahan na sa pagkakaalam ko ay ilang dekada ng misteryo.

Napatango lamang ako at bumuntong hininga. Kaya bago pumasok si Miss Cueva, teacher namin sa Arts ay palihim akong lumabas. Dinahilan ko pa kay Mel na mag-banyo lang ako, sinigaw niya lang, “Bilisan mo, a!”

Ngunit hindi 'yon ang ginawa ko, hindi ko binilisan ang lakad ko. Natulala na lamang ako habang paulit-ulit bumabalik sa isip ang panaginip na 'yon. Sobrang nakakapanindig balahibo. Ngayon lang ako natakot ng ganito, pakiramdam ko talaga ay tumigil ang tibok ng puso ko. Ramdam ko pa nga ang pagtusok ng matalim na kuko sa puso. Sobrang sakit ng pakiramdam na hindi ko mawari kung katotohanan ba o isa lamang bangungot na hindi ko malimot-limot.

Nawala tuloy sa isip ko ang proyekto sa arts. Hindi ko rin ma-share sa kaibigan. Paano ko ba naman kasi sasabihing nawala sa isip ko? Ka-simple-simple lang naman nang pinagagawa: capture the mystery in a creative way. Kung bakit ba naman kasi naisipan ni Miss Cueva ang magpa-project at patungkol pa sa mga misteryo.

Tahimik ang Campus, lalo na ang pasilyong nilalakbay ko, class hour kasi. Ngunit kahit Class hours ay wala naman talagang dumadaan sa pasilyong 'to maliban sa mga naging Janitor ng school na ito. Naalala ko tuloy ang dating janitor, ang huling alaala ko sa kaniya ay hindi ko maunawaan kung bakit nagpanindig ng balahibo sa katawan ko. Ang sinabi niya bago 'yon, “You have not to remember what will going to happen, but what happen before everything.” Habang sinasabi niya 'yon ay biglang namumula ang mga mata niya.

Ngunit hindi ako sigurado kung pagkakatiwalaan ko ba ang mga alaala ko. May mga bagay na lumalabo kaysa mga panaginip ko at 'yon ang mga alaala. Tulad ng panaginip ko, napaka-detelyado na inakala kong parte ng reyalidad. Kung hindi lamang iyon katanggap-tanggap ay pinaniniwalaan ko na ang mga 'yon. Ngunit halimaw?

Gusto ko na lamang ilingan ang sarili ngunit may parte sa akin ang gusto lamang mag-ingat. May mga bagay na dapat unawain bago tuluyang paniwalaan ngunit ang pag-iingat ang kasunod no'n.

Plano ko pa sanang mag-stay sa may malaking balete ng school ngunit natigil ako sa paghakbang. Bigla ko na lamang naramdaman ang kakaibang presensiya roon. Hindi pangkaraniwan. At lalong hindi ko nararamdaman dati.

“Anong ginagawa mo at narito ka?”

Napasigaw na lamang ako sa biglang tinig sa likuran ko. “Ano ba?” Sapo ko ang dibdib na hinarap ang salarin, ang bagong janitor pala ng school. Nahiya naman ako sa reaksiyon ko. Napaiwas na lamang ako ng tingin habang habol-habol pa rin ang hininga. “Kailan ka pa natotong manggulat?”

“Sensiya naman,” sabi niya habang nakataas ang mga kamay sa ere. Natuon roon ang tingin ko nang mapansing para siyang nate-tense, nangingig at panay ang pagbaba-taas ng adams apple niya. Nang mapansin ang paninitig ko ay nagtanong siya, “Ano palang ginagawa mo rito? Wala klase?”

Naghanap agad ako ng idadahilan, suwerte namang gumagana pa ang utak ko nang maalala ang pinag-usapan ng mga kaklase. “Ah, wala si sir Ramos!” Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil sa pagsisinungaling. Kilala pa naman ang mga Janitor ngayon bilang espiya ng Principal, baka ma-guidance pa ako pag-nalamang nag-cutting. Ngunit napansin ko ang pagkatigil niya, “Bakit po?”

Napailing siya at para pang nagulat pagkakita sa akin na nakatutok na ang mga mata sa kaniya, tingin ko nga ay panay ang singhot niya sa hangin na parang may inaamoy na hindi ko maunawaan. Naalala ko tuloy kung paano siya iwasan ng mga estudyante dahil roon. At tulad sa dating Janitor, naging dahilan 'yon upang naisin kung mapalapit rito. Ngunit palaisipan sa akin kung para saan ba ang rason kung 'yon. Ano naman kung magalit sila sa mga mag-aaral?

Namalayan ko na lamang nang nagpaalam na siya, marahil dahil sa pagkatulala ko sa ilang segundo. “Sige, maglilinis pa ako ng banyo,” sabi niya ngunit bago tuluyang tumalikod ag napansin ko pa ang pulang mansa sa gilid ng kaniyang kuwelyo.

Nang nawala siya sa paningin ko, doon ko lamang muli napagtanto ang isang bagay, ang biglang pagkawala ng presensiya na inakala kong nanggaling sa Balete. Ngunit hindi ko mapaniwalaan ang tumatakbo sa isip ko. Coincidence lang bang naglaho ang presensiya pagkawala nang pagkawala ng bagong Janitor sa pasilyo?

“That can't be,” sabi ko ngunit nanginginig ang bibig na napasulyap sa daang tinatahak ng Janitor. “There's no way...”

Wala akong nagawa kundi ang tumakbo na lamang palabas ng school, nawawala na talaga ako sa katinuan at kung ano-ano na lamang ang tumatakbo sa isipan ko. Bakit ba pumasok sa isip kong nasa malapit ko lamang ang mga halimaw?

At bakit nga ba paniwalang-paniwala ako? Dahil ba sa biglang napanaginipan?

Kahit ang buhos ng hangin ay lalong nagpapalamig sa aking pakiramdam nang walang kasagotang dumating sa pang-unawa ko. Buti na lamang ay wala si sir Ramos at nagawa kung i-excuse sa Guard upang makalabas lang ng school, may iba rin kasing lumabas sa parehong dahilan. Ngunit ang tunay na dahilan ko ay dahil sa paninikip ng dibdib, na para bang ang katotohanan sa mga halimaw ay isang malaking pasanin sa akin.

Ngunit sapat na ba ang paglabas sa school upang maiwasan ang dapat iwasan? May ilang buwan pa upang makaalis ako sa bayan ngunit upang magawa 'yon, kailangan kong makapagtapos.

Sumagi sa isip ko ang proyekto sa arts.
“Kailangan kong maipasa ang dapat ipasa.”

Naka-plano sa una pa lamang ang pagpasa ko sa mga proyekto, at sa puntong 'to, hindi ko napagtagumpayan ang arts. Sa lalong madaling panahon, bago pa lumala ang kahibangang iniisip ko. Ngunit natatanging nagpakuha ng interes ko ay ang masukal na gubat na 'yon.

“'Yun lang ba talaga ang misteryo para sa akin?”

Ngunit sadyang dumagdag ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko, muli na namang nagpaparamdam ang pangyayari sa panaginip ko.

Napapadyak na lamang ako, “Buwisit na mga halimaw na 'yan!” Kahit hindi sila totoo ay hindi ko na alam.

Kaya wala akong nagawa kundi ang maglibot sa bayan. Naghahanap ako ng maaaring gawing proyekto. Maraming makalumang gusali at inabandonang kabahayan ang nakikita ko nang nagawi ako sa pinabayaang bahagi ng bayan. Para sa iba ay laman ng iba't-ibang klaseng misteryo ang pinabayaang bahagi ngunit hindi ko maunawaan. Ang ihakbang ang mga paa ko ay hindi ko magagawa, namimigat ang dibdib ko sa tuwing makikita ang gano'ng tanawin. Namalayan ko na lamang ang sariling matulala at may iba't-ibang nanlalabong imahe ang dadaan sa isip ko. Minsan inakala kong de javu lamang 'yon na gawa mg
imahinasyon. Ngunit ang sigaw ng galit at hinanagpis ay nagpapapigil sa akin. Para akong ilang ulit na sinasaksak sa dibdib.

Wala akong nagawa kundi ang panandaliang limutin ang mga pangyayaring hindi ko tulyang maunawaan. Walang makakapagsabi sa akin kung 'yon ba ay katotohanan. Ngunit malaki ang posibilidad, dahil sa pakiramdam na ang mga 'yon ay dulot ng pagiging weird ko. Ang sigaw ng hinanagpis at galit ay marahil parte ng kakaibang tinging pinupukol ng taumbayan sa akin.

Sa bilis ng pagtakbo ko ay nahanap ko na lamang ang sariling nilusob ng kuryosidad sa napansing pinagkakagulohan ng Taumbayan. Wala sa sarili akong lumapit roon, at parang tumigil ang puso ko sa napagtanto.

“Kawawa naman,” komento ng aleng dumaan sa harap ko. Sinegundahan 'yon ng kasama nito na saglit pang napatingin sa akin, “Kakilabot ka'mo!”

Hindi ko pinansin ang pagsinghot nito sa hangin, parang ewan lang. O dahil sanay na ako? Hindi ko maunawaan, bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nangyari sa pasilyo.

“Tingin mo anong dahilan at nangyari 'yon sa lalaki?” dagdag na tanong. Napatingin pa ang babae sa tinitingnan ng kasama nito at nawe-weirduhan nang matanto ang pakikinig ko. Tinaasan niya pa ako ng kilay ngunit hindi ako natinag, nahiya lamang siyang nag-iwas ng tingin nang mapagtanto ang pagtataray.

“Halika na nga,” hila niya sa pasinghot-singhot lamang na kasama. Kung hindi pa siguro niya 'yon ginawa ay hindi pa nito lulubayan ng tingin ang kinaroroonan ko at ang patuloy na ginagawang pagsimhot.

Ngunit bago makalayo, narinig ko pa itong sinagot ang katanongan ng babaeng nagtataray, na parang ayos nga lang talaga ito at hindi nababaliw. “Ano pa, e, halimaw lang naman ang kayang gumawa niyan! Wakwak buong katawan, wala na ngang puso, eh!”

Bumalik sa isip ko ang napanaginipan, ang lupaypay na katawan ng matanda at pagsabog ng puso ko sa kahuli-hulihang sandali. Kinalibotan na lamang ako sa isiping totoong may gano'n ngang halimaw na walang awang pumapatay.

Napapikit na lamang ako, upang sana palinawin ang isip ngunit bigla kong narinig ang pagtagaka sa babaeng nagtataray. “Paano mo naman nalaman ang bagay na 'yon? Pumasok ka ba sa crime scene?”

Hindi ko na narinig ang sagot ng nababaliw na kasama nito, natabunan nang biglang pag-pito ng isang Pulis sa mga pasaway na nagbabalak pumasok sa Crime Scene.

Napalunok ako sa samut-saring reaksiyong pumaloob sa pandinig ko at namulat ang mga mata nang masagi ng mga nakikusyoso.

Imbes na abalahin ang sarili sa pagsaway sa mga bumabangga sa akin ay nabaling ang mga mata ko sa kahina-hinalang lalaking nakatingin sa kinaroroonan ko. Hindi ko siya maunawaan ngunit lumakas ang kabog ng dibdib ko.  Paano kung isa siyang halimaw?

Naalala ko ang pahayag ng matanda, na hanggang ngayon ay palaisip sa akin: “Muli naamoy ang presensiya mo, ang kaluluwa mo...”

Hindi ko 'yon kayang ipagsawalang bahala. Paano kung isa nga siyang halimaw at nalaman niyang may kakaiba sa akin? Tumalikod na lamang ako bigla, ayoko mang maghusga na lang bigla ngunit hindi ko mapigilan. Gusto ko lang mag-ingat at hindi magtiwala...

Hindi ko mapapatawad ang sarili kung pati ang matanda ay mapapahamak dahil sa akin.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay napansin ko ang pagtalikod nang lalaki nang muli ko siyang tiningnan. At lalong nagpakaba sa puso ko ay ang pagsunod niya sa dalawang babae. Nakilala ko ang dalawa at kung nagawa nga nila akong ma-curious kanina sa nangyari sa biktima, what's more ang lalaking may pagdududa akong may gawa niyon.

Nahanap ko ang sariling sinundan ang lalaki. Kung bakit nangingialam ako ay hindi ko maunawaan sa sarili. Marahil dahil seryoso 'to, at maaring mangyari sa matanda o sa kaibigan ko. Hindi ko maunawaan kung bakit binabagtas ng dalawa ang kakahoyan ngunit nagpatuloy lamang akong nakamanman sa lalaki. Kumakabog ang dibdib ko nang bigla siyang humarap, ngunit agad rin akong nakatago. Pakiramdam ko tuloy ay alam niyang may naka-sunod sa kaniya. Ang pagsunod ko sa kaniya.

Ngunit nang muli akong tumingin sa unahan ay nawala na lamang ang mga ito. Nalibot ko na lamang ang paligid at tanging sumalubong sa paningin ko ay ang naglalakihang mga puno at damong nagpapahirap upang makita ko ang hinanahanap ko. Nang may biglang sigaw akong narinig ay nanlaki na lamang ang mga mata ko. Ewan ko ba, dapat ay bumalik na ako sa pinanggalingan ko dahil sa nakabibinging katahimikang sumunod sa sigaw na 'yon. Naghihirap at nangingilabot, sapat na upang maunawaan ko ang hatid ng sigaw na 'yon.

Napatakbo ako sa pakiramdam ko ay pinanggalingan ng tinig. Ngunit nang nasa gubat na ako ay napagtanto kong isa lamang 'yong echo at ang totoong pinanggalingan ng boses ay nasa kabilang dako. Hindi ko na pinansin ang humaharang sa daan ko at pagsugat-sugat ng binti at braso ko, kahit ang pisngi ko ay hindi pinagpala nang matasok sa tinig ng patay na halaman. Ngunit hindi 'yon ang inaalala ko, dahil muling napasigaw ang babae, sa pagkakataong 'to ay hinang-hina na.

Wala akong balak na iligtas kung nasa panganib man ang dalawang babae, ang akin lang ay malaman ko ang salarin at kung isa nga ba siyang halimaw na dapat kong pigilan. Ngunit nang mapansin ko ang nanlilisik na mata, pulang-pula na nakatingin sa akin, doon na nanlamig ang buo kong katawan.

“No...”

Hindi ko maunawaan, kung paanong katulad na katulad siya ng halimaw sa panaginip ko.

“You, you!” Hindi ito makapaniwala at parang nababaliw na sinisinghot-singhot ang hangin. “You smell...good.”

Kinilabotan ako doon, bigla na lamang akong napaatras. Ano ba kasing naisip ko at sumuong ako sa laban nang walang kaplano-plano? Nanginginig kong iniwas ang tingin sa halimaw, nagbabalat-kayong simpleng babae, simpleng asusira ng bayan.

Naalala ko tuloy ang tugon nito kanina at kung paanong alam niya ang bagay na hindi alam ng babaeng kausap nito na ngayo'y nakahandusay at duguan: “Ano pa, e, halimaw lang naman ang kayang gumawa niyan! Wakwak buong katawan, wala na ngang puso, eh!” Hindi ko man lang napansin ang boses niya, mapanlinlang.

Sa may kalayuan naman ay napansin ko nakahandusay ang nababalot sa dugo na lalaki. Napasinghap pa ako, inakalang wala nang buhay ito. Halos mawalan na ako ng pag-asa, sising-sisi ako sa maling akala at desisyong pabigla-bigla.
Ngunit nang dahan-dahan itong tumayo at palihim na lumalapit sa halimaw ay naghanap na ako ng paraan upang kahit papaano ay may pakinabang.

Kahit nagkasugat-sugat ang lalaki, matuwid pa rin itong napatayo. Naramdaman 'yon ng halimaw na para bang mas naghahari ang panganib kaysa sa kabaliwanan ng pagsinghot nito sa hangin.

Wala akong ibang naisip kundi ang alam kung isa ring kabaliwan. Sumigaw ako, “Hoy, halimaw! Halimaw!” Nag-uunahan ang kabog ng puso ko sa kahibangang ito, kung totoo man ang mga halimaw, pakiramdam ko ay nabuhay ako para pigilan ang kanilang paghahasik sa mundo.

Chapter 3

Hindi 'yon nagustohan ng lalaki, ang pagsigaw ko. Paki ko ba sa opinyon niya? Pero hindi mawala sa isip ko, ang mga galaw niyang kaybilis at sa isang iglap hawak-hawak na ang halimaw sa leeg.

“Huwag mong uulitin ang ginawa mo,” seryoso ang boses niya, “huwag mong i-trigger ang kanilang galit, hindi mo sila kilala.”

Nangilabot ako dahil roon. Pakiramdam ko nasagot ang mga katanongan ko. Gustohin ko mang hindi paniwalaan ang natuklasan ay hindi ko magawang pigilang isipin ng paulit-ulit ang nangyari.

Napailing ako nang mapansin ang seryoso pa ring mukha ng lalaki. Hinarap ko siya ng may nakataas na kilay. “Ano bang pakialam mo? Atsaka hindi ko sila gustong makilala,” sabi ko ngunit natigilan nang nay tumutulong dugo sa kaniyang noo.

“May dugo ka!” Napaisip naman ako sa sinabi ko, parang ang ewan lang na agad binawi, “I mean...ayos ka lang ba?” Naiwas ko ang tingin, ano ba sa akin kung ayos ba siya o hindi?

Pinahid niya lang ang dugong tinitukoy ko bago sinabing, “Alam ko.”

Halos bumagal ang ikot ng mundo. “Alam mo?”

“I mean,” humina ang boses niya ngunit rinig ko ang kadugtong ng pahayag niyon, “ayos lang ako.”

Napakurapkurap ako, hindi mapaniwalaan ang narinig. “Ano?” Nabingi lang ba ako? Hindi ko 'yon inaasahan sa kaniya.

“Diyan ka lang ba?” tanong niya kalaunan. Doon ko lang namalayang natulala na pala ako. Nanakot pa siya, “Napurohan ko lang ang halimaw, alam mo ba 'yon?”

“Hindi mo siya...napatay?” Kumabog ang dibdib ko at napalingon-lingon sa paligid.

“Huwag kang mag-alala,” seryoso na naman siya, “hindi iyon basta-basta magpapakita...at mambibiktima.”

Ang totoo ay bigla na lamang naglaho ang halimaw, bagay na hindi ko inasahan. Inakala ko na lamang na wala na ito, na nagtagumpay ang lalaki. Ngunit buti na nga lang ba na sinabi niya ang mahalagang bagay na 'yon sa akin?

Pinakita ko na lamang na ayos lang ako nang nangunot ang noo niya, baka kung ano-ano pang maisip niya. At sa tagal ko sa bayang 'to, bakit ngayon pa maging katotohanan ang mga halimaw?

Gusto ko na lamang isipin na isa na naman itong masamang bangungot.

“Tara?” Ako na ang nag-aya, saglit napasulyap sa walang malay na babae. Akala ko nga nang una ay hindi na humihinga. “Ayos lang ba talaga 'yan?” tukoy ko sa babaeng pinasan na niya.

Nangunot lamang ang noo niya. “Ganiyan ka ba? Walang pakialam,” sabi niyang nagpatigil sa mga hakbang ko.

Hindi ko 'yon masagot, hindi dahil walang kasagotan. Hindi ko alam, dapat nga wala akong pakialam sa sinabi niyang 'yon. Dapat ay hindi ko 'yon dinamdam.

Ngunit huli na, nasabi ko nang, “Oo, wala akong pakialam! Pero nag-aalala ako, may pakialam ako para sa sarili ko,” pinagdiinan ko 'yong salitang sarili, para damang-dama, na tama siya, ang impresiyon niya sa akin. Makasarili!

At siguro kong may pakialam man ako para sa kaligtasan ng babae, 'yun ay dahil ayaw kong maging Suspect o kaya witness ng pagpatay.

Naisip ko ngang iwan na lamang siya kung sakaling biglang may dumating na mga Pulis o may nakaalam ng pangyayaring kinasasangkotan ko.

Dahil sa panahong ito, batas ang hindi ko gugustohing makalaban. Lalo na at napagtanto ko ang kahibangan, na marahil ang mga halimaw ay matagal ng nasa kapaligiran.

***

Pagdating ko sa bahay ay agad akong naghilamos, nilinis ang mansa ng dugo sa mukha ko. Ngayon lang nagparamdam ang kirot lalo nang mapansin sa salamin ang mga sugat roon. Hindi ko na pinagtakhan na wala ang matanda, ngayon ko lang rin naalalang nag-cutting nga pala ako kaya pala pakiramdam ko kulang ang mga sandali. Wala ang kaibigan upang magsasabi ng mga bagay na dapat ay nililihim lamang nito, ang kung anong nararamdaman nito.

Pakiramdam ko ay maraming nangyari na kahit ang isipin ang dapat ay iniisip ko ay hindi ko na nagawa. Mahalaga ang pag-aaral sa akin dahil nga ilang buwan na lang ay ga-graduate na ako ng highschool. Ibig lang niyong sabihin ay may dahilan na ako upang umalis sa kinukubling bayang nababalot ng iba't-ibang misteryo.

At ngayon...dumagdag pa ang mga halimaw.

Kung kailan pa sila palihim na namumuhay sa bayang 'to ay hindi ko mahanapan ng kasagutan. Dahil roon ay naalala ko bigla ang lalaki, ang misteryong nakabalot rito at sa pagkatao nito ay ang naglalaro sa isipan ko. “Sino kaya siya?”

Namalayan kong napangiti ang imahe sa Salamin. Hindi ko napigilang mang-usisa nang mapagtanto kong nakita niya rin ang nangyari kanina. “Tingin mo, may alam siya?”

Hindi man sumagot ang repleksiyon ko ay alam ng isip ko, sumasabay sa daloy ng mga ideyang naglalaro sa akin ay ang impormasyong mayroon siya, ang repleksiyon na may kung anong kinukubling babala sa isipan ko.

“Ang kasagotan mo,” tugon niyang lumawak ang ngiti sa labi, “ay kasagotan ko.”

May sinabi pa siyang kaisang-isang salitang naghatid ng misteryo sa pagkatao ko, ngunit hindi ko maalala. Kay bilis ng mga pangyayari, nawala na ako sa sarili nang pinapakita niya ang pinabayaan na ng panahon at pinupugaran ng mga misteryong tanawin.

***

Malayo pa man ay nagsisigaw na ang kaibigan ko, bakas ang pagsusungit pagkakita sa akin. “Ikaw na nagbabanyo lang!” hapo-hapo ito at may tumakas pang luha sa gilid ng mga mata. Ngunit halos isumpa niya ako, “Ba't bigla kang nawala sa school?”

Nangunot ang noo ko nang mabatid na totoo ang luhang umaagos sa mga mata niya. “Anong nangyari sa'yo?” Bumangon ang kaba sa dibdib ko. “Sinong baliw ang umaway sa'yo, ha?” Minsan na itong inaway sa daan, hindi na sana ako mag-isip ng iba pa sa naramdaman niya ngunit hindi ko mapigilan.

“Bakit 'di ka man lang nagpaalam?” patuloy niya. “Bakit hinayaan mo 'kong mag-isip ng kung ano-ano buong hapon?”

“Ano ba kasing nangyari?” hindi ko na napigilan. “May nangyari ba?”

Doon siya natigilan at pinakatitigan ako ng mabuti. “Bakit pakiramdam ko...may gusto kang tukoyin sa tanong mo?” May pagdududa sa mga titig niya, kahit sa boses niyang saglit na sumeryoso.

“Wala-”

“May ginawa kang kalokohan, ano?”

“Ha?” Napakurap-kurap ako, 'yon ba ang ibig niyang sabihin sa tanong niya? “'Ah, baka lang naman may nasagap kang tsismis sa tabi-tabi”

Nangunot ang noo niya. “Bakit ba ang weird mo ngayon?”

“Matagal na akong weird!” saad ko na kinatigil niya. Sa nakikita ko, mukhang ayos lang naman siya, mukha namang walang nangyari sa school upang magdamdam siya sa pagkawala ko bigla. Ngunit para saan ang luhang tumutulo sa kaniyang mga mata?

Pinahid niya ang luha nang mapansin ang pag-alala ko. “Ikaw kasi,” paninisi niya, “alam mo namang ayokong mag-isa. Natatakot akong umuwi...na wala ka na.”

“Ano bang pinagsasabi mo?” Natawa na lang ako sa kaseryosohan niya. Minsan lang ako matawa ngunit pinalampas lang niya. May nangyari bang hindi niya masabi-sabi sa akin?

“Ayos ka lang ba talaga?” tanong ko.

Ngumiti lang siya. “Ako nga ang dapat magtanong,” para siyang bumalik sa dati at nagtaray, “anong dahilan mo at nag-cutting?”

At sa kamalas-malasan, nadinig ni Lola ang tanong na 'yon ni Mel. Kadadating niya lang ngunit halos mag-bulkang taal siya sa harapan ko, bulkang nagbabadiyang sumabog at maghasik ng delubyo.

“Akala ko ba may mga pangarap ka?” tanong niya ngunit hindi ko maunawaan ang kasunod niyon, “akala ko ba iiwasan mo sila hangga't naririto ka pa?”

“Lola!” pigil ni Mel maya-maya rito, natawa pa upang alisin ang bumibigat sa paligid. “Ano na namang sinasabi mo? Kilala mo naman ang kaibigan kong 'yan,” tumingin pa siya sa akin, may nangungusap na mga mata, “alam niya ang ginagawa niya.”

Napayoko na lamang ako. Alam ko nga ba ang ginagawa ko? Dapat ay nagpokus ako para sa pag-alis sa bayang 'to ngunit... pinangungunahan na naman ako ng mga kuryosidad.

“Para sa atin-” Patuloy ni Mel, nakatotok ang tingin sa akin na para bang may gustong tumpokin. “-hindi niya ilalagay ang sarili sa kapahamakan.”

Sumisikip ang dibdib ko. Paano ko nga ba ilalayo ang sarili sa kaapahamakan? Kung sana hindi sila totoo, kung sana tanging mamamayan lamang ang iiwasan ko!

Wala akong nagawa kundi ang talikuran sila, nagsimulang gumuhit ang pait sa dibdib ko, naalala ang hindi na kayang panindigan,

“Pangako,” sabi kong sigurado, “hangga't maari, iiwasan ko...ang maging salarin sa mga misteryo.”

Hindi ko gustong maglihim ngunit kailangan. Ano na lang ang sasabihin ni Lola at ng kaibigan ko? Na ang simpleng pangako ko sa kanila ay hindi ko pa magawa? Na nakakaya ng kuryosidad kong isantabi ang dapat ginagawa ko?

Hindi pa ba ako nagtanda? Hindi pa ba sapat ang nawala ko?

Naalala ko pa ang naging tugon ni Lola matapos kong mangako: “Dapat lang,” sabi niyang walang ka-emosyon ang mukha. “Hindi ko kayang mawala ka, mababaliw ako kung muli...kukunin ka nila.”

Paano ko ba makalimutan ang kakaibang himig sa tinig niya? Kahit na walang ka-emosyon ang mga mata, himig niya ay parang nangungulila. Ngunit kahit lumalabo ang mga alaala, hindi ko malilimutan ang mga salitang binitawan ko. Dahil ang pangakong aalis sa bayan ang tumatak sa isip ko.

“Darating ang panahon,” sabi ko habang nababalot ng malansang likido ang katawan. Halos madurog na ang kalamnan ko ngunit ang agapay ng dalawa ang nagpapalakas sa akin upang hindi tuluyang bumigay. “Makakaalis rin ako...sa gapos ng mapang-abusong bayan.”