Browse stories

INTO HIS WORLD

Language: fil

Sierra Avegail Buencamino is a daughter of a wealthy man. She has a well-off life and everything she wants, she gets. She is proud and arrogant because she is beautiful and wealthy, but she lacks in good manners and intelligence. She's a brat and the number one bully at school. She looked down at those people who had a low status in life. But, in just a minute, her life was totally changed and turned like hell when a suspicious app took her to another world that she didn't know even existed. She time-traveled way back in 2018, 4 years ago, and she just found herself stuck in an arranged…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Here comes the Queen!"

Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong unibersidad ng Philadelphia. Ang anunsyong ito ay magandang balita sa iba at babala naman para sa iba.

Mabilis na humawi ang mga studyante upang magbigay daan para sa kan'ya. Dadaan ang reyna.

She is Sierra Avegail Buencamino, anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. She has a lot of money which made her think that she has every right to treat others like nothing but a garbage. Siya ang nag-iisang reyna ng mga spoiled brat. Tinagurian siyang si Aphrodite ng university, sapagkat may angking ganda siya na nagpapahumaling sa mga kalalakihan, pero kung gaano kaganda ang mukha niya ay kabaliktaran naman nito ang ugali niya. Kung para sa mga lalaki ay isa siyang Goddess, sa mga kababaihan naman, isa siyang demonyita. Hindi lang siya ikinukumpara kay Satanas kundi tinatawag nila siyang little lucifer dahil sa sama ng ugali niya.

Kung akademiya naman ang pag-uusapan, walang papantay sa bagsak niyang grado. Kung meron mang maipipintas sa kan'ya, iyon ay ang mahina siya pagdating sa klase.

Sa pagdaan niya kasama ang dalawa niyang alipores sa likod, nagkalat ang mga papuri at masasamang salita sa paligid tungkol sa kan'ya but she doesn't give any care. Hindi siya magsasayang ni isang segundo para sa mga taong wala namang ambag sa buhay niya. She just flips her hair and walks confidently like she is a star na tinitingala ng maraming tao.

"Mas mahirap na ba kayo sa daga kaya hindi mo nagawang kumuha ng private place para sa confession mo?" aniya matapos tumigil sa harap ng isang babae at lalake. Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses at tinitigan ang babae na ngayon ay kababakasan ng takot sa mga mata. Tumungo ito ng ulo.

The girl was Alexa, her classmate and her best target. Kung may maituturing man siyang hobby, 'yon ay ang i-bully ang kawawang babae. Inaalipusta at ipinapahiya niya ito, kung minsan nga ay sinasaktan niya pa.

"Hand me that garbage you're holding right now," utos niya sabay lahad ng kamay. She was talking about the love letter that Alexa is holding. Wala pang limang segundo ay masama na ang tingin niya sa dalaga kasi hindi pa nito inaabot sa kan'ya ang papel. "Ibibigay mo ba sa'kin 'yan o hihintayin mo pang ako mismo ang kumuha niyan sa'yo?" inis niyang tanong na may halong pagbabanta sa tono ng boses.

Alam ni Alexa kung ano ang maaaring mangyari sa kan'ya kung sakaling magmatigas pa siya kaya kahit labag sa loob niya ay ibinigay niya ang love letter na ginawa kagabe. Pinaghirapan niya ito at ibinuhos niya lahat rito ang lahat ng lakas ng loob at nararamdaman niya. Importante ito sa kan'ya dahil hindi lamang pagmamahal niya para sa lalake ang naroon kundi pati ang sarili niya. Dahil sa trato sa kan'ya ni Sierra ay bumaba na ang tingin niya sa sarili, hindi siya sumubok na gawin ang mga bagay na gusto niya kasi natatakot siya na baka pagtawanan lang siya gaya ng trato sa kan'ya ng karamihan pero kagabe, sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon ay nagkaroon siya tiwala sa sarili at lakas ng loob na gawin ang gusto niya at iyon ay ang magtapat ng pag-ibig sa lalakeng matagal na niyang gusto. It was Jef, the man standing in front of her. Kasama na sa lahat ng lakas ng loob niya ay ang katotohanang malaki ang posibilidad na hindi siya nito magustuhan pero ganu'n pa man ay wala na sa kan'ya iyon, ang importante ay sumubok siya.

Binuksan ni Sierra ang love letter dahilan para subukin ni Alexa na agawin sa kan'ya ang love letter nito pero hindi ito nagtagumpay kasi mabilis niya itong itinulak at napaupo ito sa pathway. "Ang ayoko sa lahat ay iyong pinapakialaman ako sa gusto kong gawin!" mariing wika niya rito kaya walang nagawa ang dalaga kundi ang tumungo at inihanda ang sarili sa kahihiyan. She looked at Jef and started reciting Alexa's love letter at ng matapos ay malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong paligid, even Jef lauged. Nanatiling nakatungo si Alexa habang tahimik na umiiyak. Hindi nito magawang i-angat ang ulo dahil sa kahihiyan.

"I already did you a favor, ako na ang nagbasa ng sinulat mong love letter para sa lalakeng gusto mo," she said then looked at Jef. "So what do think? Did her love letter touched your heart or does it boils your blood instead?" Nagtawanan ang ibang naroon dahil sa tanong niya and even laughed at Jef when he answered boils your blood. Alam niyang hindi gusto ni Jef si Alexa cause Jef's first love is her at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nanliligaw sa kan'ya. Hindi sa gusto niya ang lalake kaya hindi niya ito binu-busted, masaya lang siyang paglaruan ito lalo pa't alam niya na may gusto rito si Alexa.

Sierra bent down her body closely to Alexa and whisper, "See? Like what I said, no one will like a loser like you." She, then, smiled bago niya isampal sa mukha ng kawawang dalaga ang love letter nito.

She sighed as she straightened her body, "Aren't you going to thank me for wasting my time for making you realize how useless you are?" She crossed her arms and looked at her while her eyebrows raised.

It took seconds before she heard the word she wants to hear from Alexa.

"T-thank you," nauutal at garalgal ang boses na sabi nito which is like a music to her ear. Ganito niya alipustahin ang kawawang dalaga. Matapos niyang ipahiya ito sa harap ng maraming tao ay ito pa ang magpapasalamat sa kan'ya.

She feels bored at naiirita siyang patuloy na tingnan ang pangit na mukha ng babae kaya nagpasya siyang umalis pero bago 'yon ay tinapakan niya muna ang love letter nito na nasa semento.

"Disgusting shit!" aniya habang nagpapahid ng alcohol sa kamay. Sobrang nandidiri talaga siya kapag hinahawakan niya ang babaeng iyon.

Bigla naman siyang natigil sa ginagawa ng marinig niyang tumawa ang dalawa niyang kasama na sina Jenica and Alyssa.

Tumingin siya rito, "What's funny?" taas kilay niyang tanong. "Are you both stupid?" dugtong niya pa kaya napahinto ang mga ito sa pagtawa tapos ay umiling. Inirapan niya ito bago niya ibalik ang alcohol sa loob ng bag niya.

Just as always, no one tried to help Alexa. No one attempted cause everyone is afraid that they might ended up like her.





"Hays! I'm really bored. Why don't he just quit teaching?" Kanina pa panay reklamo si Sierra tungkol sa subject teacher nila. Kanina pa rin niya ito pinagsasalitaan ng masama, kesyo daw ang pangit na nga nito, bobo pa. Naririnig siya ng kan'yang mga kaklase pero walang nagbabalak na magsumbong.

Tumalungko siya, nagpangalumbaba, pero hindi pa rin siya kontento kaya kahit hindi pa tapos ang klase ay lumabas na siya. Madalas niyang gawin ito lalo na pag hindi niya gusto ang subject teacher at boring ang klase. Narinig niyang tinawag siya nila Jennica at Alyssa pero hindi siya nag-atubiling lumingon. Dumeretso lang siya ng lakad hanggang sa makarating siya kung saan naka-park ang kotse niya. Sumakay siya sa kotse niya and drove her car to the park where Elea was waiting for her. She's her cousin, her closest cousin to be exact.

"Angel!" tawag nito sa pangalan niya habang nakangiti at kumakaway sa kan'ya. Nakaupo ito sa isang upuan rito sa park. Among all the people around her, she is the only one who calls her Angel, and she's the only one whose happy to see her. Ito lang ang nag-iisang tao na tanggap siya at mabait pa rin sa kan'ya kahit pinagsasalitaan na niya ito ng hindi maganda. More importantly, she's the only one she trusts.

"I told you to stop calling me Angel, didn't I?" puna niya rito pagkalapit.

"Why? Do you want me to call you Devil as well?" sagot nito while tapping the space beside her at senenyasan siya nitong maupo.

"Do you want me to sit in that rusty chair?" nakangiwing tanong niya habang tinuturo ang upuan kung saan nakaupo si Elea.

"Ano ka ba?! Malinis to kahit mukhang hindi," sagot nito at ti-nap uli ang upuan.

She shook her head, "No. I would never ever sit in that kind of seat!" giit niya.

"Edi wag!" nakangusong sabi ng pinsan niya tapos ay tumingin sa harapan kung saan maraming kabataan ang naglalaro.

"Ang saya nila," Elea said while looking at the children playing at the ground. "Ang sarap bumalik sa pagiging bata, 'yong tipong kahit mababaw lang na dahilan ay masaya ka na." She looked at her then smiled.

"You know what? Ang drama mo! Kung nag-eenjoy ka sa pagiging bata, sana pinigilan mo ang sarili mong lumaki, duh!" She crossed her arms at inirapan ito. "At isa pa, you can be happy if you choose to. Hindi lang mga bata ang masaya. Look at me." dugtong niya.

Napatingin ito sa kan'ya."Di lang halata," pabulong nitong sabi pero rinig na rinig naman niya.

"You're saying something?" usisang tanong niya pero mabilis itong umiling kaya napa-whatever nalang siya. She heard her sighed then smiled.

"Alam mo couz, excited na akong pumasok sa school. Tapos magpapanggap akong nerd. Tapos mababangga ko ang anak ng may ari ng school. Tapos ibubully niya ako. Tapos mafa-fall kami sa isa't isa. Tapos-"

"Tapos sasampalin kita para matauhan ka sa pantasya mo." putol niya sa mga sinasabi ng pinsang si Elea. There she is again with her fantasy. Elea is a romantic person which she hates the most. Naniniwala kasi ito sa mga story na nababasa nito sa Wattpad.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita, hindi na naman bago rito ang pambabara niya. "Tapos icocorner niya ako sa locker." muli ay dugtong nito na puno ng pantasya.

"Tumigil ka nga! Sa public ka mag-aaral, walang locker doon!" sita niya rito. "Kaka-wattpad mo yan eh." dugtong niya pa sabay irap.

"Palibhasa puno ng pait 'yang katawan mo. Sabihin mo nga, ilang ampalaya ba ang pinaglihi sa'yo?" sita ni Elea sa kan'ya.

"Hindi ako bitter, it's just that I know how to separate reality from fantasy," she answered. "At isa pa, there's nothing special about that thing called love. Masasaktan ka lang."

Napa-smirk si Elea tapos ay tinitigan siya ng matiim sabay crossed arms. "Kaya ba wala kang seneseryoso sa mga naging karelasyon mo dahil takot kang masaktan?" tanong nito na tila ba isang pulis na nagpapaamin sa kriminal pero irap lang ang naging sagot niya sabay tingin sa ibang direksyon. "Wala namang tao ang gustong masaktan pero do you think tama ang ginagawa mo? Dahil sa ayaw mong masaktan ay nanakit ka ng iba, just like what you did to Ryan. He agreed to his dad na sa Amerika na siya mag-aral kahit hindi niya gusto para lang iwasan ka." dagdag pa nito but her words doesn't affect her.

She bent towards her ear.

"It's not my fault to be born gorgeous," she whispered tapos ay marahang tinapik ito sa pisngi sabay ngisi.

"Didn't you really believe in love?" tanong nito sa kan'ya at umiling naman siya bilang sagot. She didn't really believe in love cause if love truly exists, then what had happened to her parents? "How about fate or destiny?" isa pang tanong ni Elea sa kan'ya.

"I do, only if he's handsome," walang kalatoy-latoy na sagot niya.

"Wala ka na talagang pag-asa," umiiling-iling na sabi nito habang nakatingin sa kan'ya. "Didn't you know that love is the most beautiful and wonderful thing in the world? It's the best feeling you could ever feel." paliwanag nito.

"Beautiful and wonderful my foot, dangerous kamo!" She opposed. "Romeo died for Juliet, Jack died for Rose and they all died because of love," giit niya pa. She paused for a while and continue talking. "Kaya kung gusto mo pang mabuhay, quit talking and believing in love." pangaral niya sa pinsan pero napangiwi lang siya at nagtatakang napatingin kay Elea ng makita niyang kinikilig ito. Nakatingin ito sa taas habang magka-daop ang mga palad at nakangiti ng malapad.

"Sila ang dahilan kung bakit naniniwala ako sa pag-ibig," para itong nanalo sa lotto na ngayon ay lumulutang sa alapaap sa sobrang saya. In short, baliw! "Alam mo ba ang tawag sa mga kagaya nil-"

"Tanga! Tanga ang tawag sa kanila!" she immediately answered pertaining to what Elea was about to say. Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita. "If they are not stupid, why would they risk their lives for the sake of others and for that so called love? Are they in their right mind?" She definitely disagree! Sino nga bang matino ang isasakripisyo ang buhay niya para sa ibang tao?

"Ang bitter na kagaya mo ay hindi maiintindihan ang nararamdaman ng kagaya ko. For me, they are the true definition of true love," wika nito. Para naman itong nananaginip ng gising.

"You know what, I wouldn't be shocked if one day, you'll end up like Romeo and Juliet or either Jack and Rose," she said while her right eyebrow raised.

"Grabe ka naman! Bakit? Ayaw mo ba nang ganoong storya ng buhay mo?" tanong nito sa kan'ya.

"Iyong mamamatay din ako? Of course no! Kung siya ang mamamatay puwede pa," kaagad niyang sagot. Hindi siya tanga para isakripisyo ang sarili niya para sa iba. Nahirapan siyang makipagsapalaran sa loob ng tiyan ng mommy niya para mabuhay tapos tatapusin niya lang ang buhay niya dahil sa ibang tao? "Duh! I'm too gorgeous for that sacrificing thing!" mariing wika niya na ikinatawa ni Elea kaya pinukulan niya ito ng masamang tingin.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, iyong para bang sa Wattpad," pagtatama nito.

"I prefer reality than fantasy. Why would I dream for that kind of love story if I already know to myself that it is impossible?" giit niyang payahag bilang sagot. "Iyong lalaking hihintayin ka ng ilang taon na hindi naghahanap ng iba, hindi nag-eexist 'yon." She paused for a while then continue. "Iyong engineer na may umiigting na panga, 'yong hot na architect at lawyer, at iyong may malaki at maugat---" napahinto siya sa pagsasalita at masamang napatingin kay Elea nang bigla na lang itong tumawa nang malakas. "Stop laughing, I know what you are thinking," saway niya rito. Kahit hindi niya itanong ay alam niyang iba ang nasa isip nito sa huling mga salita na sinabi niya. Ang gusto niya naman kasing sabihin ay malaki ang katawan at maugat na kamay.

"Tigilan mo na kasi 'yang kaka-wattpad mo lalong-lalo na 'yong pagbabasa ng possessive series, kita mo naman nagiging dirty minded ka na." Matagal na niyang pinapayuhan ang pinsan na wag na itong magbabasa ng Wattpad pero palagi lang siya nitong sinasagot ng 'wattpad is my life'.

"Sa katulad naming mga anak ni Cecelib, hindi dirty minded ang tawag sa'min, it's open minded," depensa nito habang binibigyang diin ang bawat pagbigkas ng dirty at open minded.

"You don't need to explain, alam ko namang makalikasan talaga 'yang utak mo," giit niya.

"So ano, wanna make a deal? Lahat ng da-"

"Ayoko! Hindi na ulit ako papayag sa kalokohan mo!" mariing putol niya sa sinasabi nito. Bigla niya kasing naalala 'yong huling beses na pumunta sila ditong dalawa. Pumayag siya sa deal nito at ng natalo siya ay kung anong kalokohan ang inutos nito sa kan'ya. Inutusan lang naman siya nitong sumigaw ng 'pakihubad ng panty ko please' sa harap ng lalakeng hindi niya kilala.

Siguro'y naalala nito ang eksinang iyon dahil bigla nalang itong tumawa habang nakatingin sa kan'ya.

"Ang galing mo n'on Angel. Hindi lang ako ang napabilib mo kundi lahat ng tao noon dito sa park," natatawang sabi nito habang naka-thumbs up pa.

Hiyang-hiya talaga siya ng oras na iyon kaya sinisigurado niyang hinding-hindi na mangyayari ulit 'yon.

Sinamaan niya lang ng tingin ang pinsan niya tapos ay tumalikod na siya ng walang paalam. Sanay na naman si Elea sa palagi niyang nag-wawalk out kaya hindi na ito nag-abala pang tanungin siya kung saan siya pupunta. Ito nga ang nagbansag sa kan'yang Queen of walk out eh.

She immediately stepped in her car and drove away.

Chapter 2

8:17 pm at Marxiano Club

"Hi Sierra," nakangiting bati sa kan'ya ng isang kakalapit lang na lalake at kahit malabo na ang paningin niya dahil sa may tama na siya ay nakikilala niya pa rin ito. It's Harriz, ang lalakeng hindi sa pagmamayabang ay patay na patay sa kan'ya. Hindi lang tatlo kundi maraming beses na niya itong binusted pero hindi pa rin siya nito tinitigilan kasi ang akala nito ay nagpapakipot lang siya.

Kahit pa silang dalawa nalang ang natitirang tao sa mundo ay hinding-hindi siya papatol rito kasi aside na mayabang ito, gumagamit din ito ng drugs. At higit sa lahat, she doesn't deserve him. "Palagi nalang tayong nagkikita sa ganitong lugar ah, don't you think it's fate?" dagdag pa nito.

Tama ito, palagi silang nagkikita sa tuwing gigimik siya kaya minsan nga ay iniisip niyang hindi coincidence ang pagkikita nila kundi sinusundan siya nito.

"I totally disagree!" tugon niya bago lumagok ng wine. "Stop with your dreams kasi kahit kailan ay hindi ako papatol sa isang kagaya mong pangit na nga, loser pa!" mariing dugtong niya while looking directly in his eyes at muling lumagok ng wine pagkatapos. Biglang umigting ang panga nito sa inis at maya-maya ay bigla na lang itong tumawa nang malakas. Rinig na rinig niya ito sa kabila ng malakas na tugtog at hiyawan sa loob ng club.

Napaigtad siya at gulat na napatingin rito ng bigla nalang siya nitong hawakan sa braso nang mahigpit. It's hurt but she tried to be calm. Sinalubong niya ng masamang titig ang galit na mga mata nito. What she wanted to say is all written in her eyes. She is waiting for him to let go of her hand immediately bago pa siya sumabog sa galit.

She started counting in her head at sa oras na matapos iyon ay sigurado siyang magkakagulo sa loob ng club.

When she's about to finish her counting ay siya namang pagbitaw ng kamay nito pagkakahawak sa braso niya pero hindi dahil sa kusa itong bumitaw kundi dahil may biglang bumato sa kamay nito. Rumihestro sa mukha nito ang sakit. She tries to look kung sino ang bumato but same as Harriz, hindi niya ito nahanap.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras sa lalake at tumayo na siya sa stall at pumunta sa gitna ng dance floor. She enjoyed her time dancing which was her real purpose in coming to that place.

Mag aalala-una na ng madaling araw ng matapos silang gumimik nila Jennica at Alyssa. Ngayon ay nasa gilid siya ng kalsada sa tapat ng club house naghihintay sa pagdating ng sundo niya. Hindi niya magagamit ang kotse niya ngayon kasi may kung sinong sira ulo ang bumutas sa gulong ng kotse niya.


Ding! Tunog na galing sa notification niya ang umagaw sa atensyon niya mula sa pagkakatalungko sa gilid ng kalsada. Umiikot man ang paningin ay binasa niya ito sa pag-aakalang galing sa driver niya ang mensahe.

"A-app download complete," basa niya. "Ano to?" tanong niya sa sarili. Ngayon niya lang nakita ang app na ito at sigurado din siyang hindi niya ito dinownload. "Another world?" kunot-noong basa niya pa. Anong klaseng app to at bakit naman siya magdo-download ng walang kwentang app? Napailing na lamang siya then rolled her eyes. Hays! Mga siraulo, pinakialaman na naman ang cellphone nya.

She was about to turn off her phone when the app open without her clicking it. Isang pinto ang tumambad at may nakalagay doon na "Please click here to enter". She finds the app weird but curiosity hits her kaya pinindot niya ito at isang parang meteor shower ang bumungad sa kan'ya. It was beautiful.

Naaliw siya kakanood sa meteor shower kaya huli na ng mapansin niya ang paparating na kotse sa harap niya. Too late for her to avoid it.




"Ouch! My back," nakapikit na daing ni Seirra habang hawak ang likod niya. Nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa lakas ng impact ng pagkakahulog niya mula sa kama niya patungong sahig. She just woke up lying in the floor below her bed dahil nanaginip siya na muntik na siyang masagasaan at ayon bigla nalang siyang tumilapon.

Habang nakapikit pa ang mga mata niya ay tumayo siya at muling nahiga sa kama. There! She feel comfortable now.

She grabs Michiko, her human size teddy bear and hug her but she feel something strange. She runs her hands through Michiko's body and it's really strange. Michiko's body is soft but the one she is holding right now is hard and seems like a man's chest.

Her eyes are still close kaya hindi makita ang nasa harap niya ngayon. She runs her hand down again and now it seems like she's holding a man's belly. Weird!

Finally, her hand descended to its final destination but this one is more strange and weirder. What's this? She tried to think. Below the man's chest is belly and below the belly is his manhood. Of course she knows it, but wait? Did she say manhood? Agad siyang napamulat ng mata at gano'n na lang ang gulat niya nang tumambad sa kan'ya ang dalawang pares ng mata ng lalakeng nakatitig sa kan'ya ngayon, huli na para bawiin niya pa ang kamay niyang nakahawak sa ano nito.

She slowly looks down to where her hand is and her eyes widen.


"Ahhhhhhhhhh!"

Chapter 3

"Ahhhhhhhhhh---"

Malakas na sigaw ni Sierra sabay sipa sa lalake nang malakas dahilan para mahulog ito sa kama. Narinig niya pa ang daing nito pero wala siyang pakialam.

Nagmamadali siyang bumaba sa kama at kinuha ang cellphone niya sa ibabaw ng side-table. Samantala, kunot ang noo ng lalake ng tumayo ito at tiningnan siya ng masama habang hawak ang baywang.

"Who are you?" she asked habang nakataas ang kamay niyang may hawak na cellphone para kung sakaling magtangka man itong lumapit ay ibabato niya ito sa lalake.

"What are you doing in my room?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay binato lang siya nito ng isa pang tanong. Kumukunot ang mukha nito kapag dumadaing sa sakit.

Hindi niya naman maiwasang hindi mapatingin sa half-naked nitong katawan. Hindi niya ito bet, nadi-distract lang siya kasi pangit ang katawan nito.

"Anong sa'yo? FYI, this room is mine!" she exclaimed. Tumingin siya sa paligid ng kwarto, "Look-" subalit napahinto siya sa pagsasalita ng mapansing hindi niya nga ito kwarto. The designs of the room was not her tastes. From the bed, ceiling and the design of the wall, it was so ugly.

Napatingin siya sa lalake. So ibig sabihin-? Napatutop siya sa bibig niya. Kung hindi sa kan'ya ang kwartong ito, bakit siya narito? Hindi kaya kinidnap siya?

Mabilis niyang hinawakan ang katawan niya para i-check kung may kulang ba sa body parts niya. Okay naman, kompleto pa naman ang mga kamay at paa niya at wala din siyang tahi which means na walang nawala sa organs niya. So hindi siya kinuha ng puting van. At maayos din ang damit niya. Teka! Paanong iba na ang damit niya? Wala siyang matandaan na nagpalit siya ng damit ah?

"Who are you and where am I? Bakit iba na ang damit ko? Bakit magkatabi tayo? What did you do to my sexy, beautiful and fresh body?" mariing tanong niya at pinag-cross niya pa ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng dibdib niya habang matiim na nakatingin sa lalake. "I will sue you and charge you with rape!" dagdag niya pa sa nagbabantang tono.

Napatawa ito ng pagak. "Are you throwing a joke?" Anito. Bakit? Mukha ba siyang nagpapatawa? "Akala mo ba tatalab sa'kin 'yang pambabanta mo? You already did it before kaya nga nakuha mo na ngayon ang gusto mo. Hindi lang 'yan, you're even capable of getting sympathy from others through acting as a victim," dugtong pa nito na nagpakunot ng noo niya. Sinasabi nito? Tinatanong lang naman niya kung sino ito at nasaan siya pero isang issue naman ang sinagot sa kan'ya.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo. What I am asking is kung sino ka at nasaan ako?" giit niya.

"I know! Alam kong wala ka naman talagang pakialam sa iba kasi sarili mo lang ang iniisip mo." Bahagyang napaatras ang ulo niya habang naka-kunot ang noo. Parang tanga. Ano bang issue ang meron ang lalakeng 'to? "And will you stop pretending that you have an amnesia para lang palabasin na wala kang alam sa plano mong ito? I am not stupid para paniwalaan 'yang pagpapanggap mo. I know-"

"Sshh!" She immediately put her pointing finger in his lips to stop him from talking.

Nakita niyang nagsalubong ang dalawang kilay nito but she didn't mind. Dahan-dahan niyang tinanggal ang hintuturo niya sa ibabaw ng labi nito at marahang pinahid iyon sa suot nitong short.

"Your lips are dry and ugly," komento niya dahilan para manlaki ang mga mata nito. Gusto sana nitong magsalita pero muli niyang tinakpan ang bibig nito. "Tumigil ka nga! Ano bang pinagsasabi mo? Kaninong issue ba 'yan at bakit ba apektado ka masyado?" dugtong niyang tanong at naguluhan siya nang bigla na lang itong pumalakpak habang natatawa ng pagak.

"You know what? You are such a great actress. Sa sobrang galing mo ngang umarte talo mo lahat ng mga artista eh. To the highest level kasi 'yang acting mo, pasok nga sa MMFF," sarcastic na sabi nito. Hindi niya alam kung ano ba ang issue nito pero hindi na siya natutuwa sa mga pinagsasabi nito sa kan'ya.

"Talaga?" aniya habang pilit na nakangiti. "Do you think you know me?" giit niya pa. Hindi siya matalino but she know how to differentiate appreciation from sarcastic one.

"Yes! I know you and the things that you are capable of," he answered while looking directly in her eyes. "You are a desperate woman who will do everything for the sake of money kahit pa gamitin mo na ang katawan mo just like what you did last night. But I'm sorry to disappoint you pero I'm not stupid para pumatol sa isang kagaya mo," giit pa nito.

Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo niya sa ulo niya dahil sa sinabi nito, kaya dahil sa inis ay mabilis niyang tinakbo ang pagitan nilang dalawa at dumaan siya sa ibabaw ng kama. Tumalon siya mula sa kama papunta sa lalake at binigyan ito ng isang flying kick. Kasabay ng pagtapak ng mga paa niya sa sahig ay ang pagbagsak ng walang malay nitong katawan.

Tiningnan niya ito ng matiim. "Ayoko sanang aksayahin sa'yo 'tong skill na pinaghirapan ko pero hindi ako basta-basta tumatanggap ng masasamang salita ng walang kapalit," mariing wika niya rito. She never accepts judgment and whoever tries to talk bad words to her will going to pay.

Yuyuko na sana siya para i-check kung humihinga pa ito kaso di pa man niya nagagawa iyon ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang gulat na gulat na matandang babae. Napatingin siya rito at sa kasunod nitong babae at lalake na hula niya ay ka-edad niya lang. Ang reaksyon ng mga ito ay pareho sa matandang babae.

"Ay jusko!" bulalas ng matandang babae at nagmamadaling lumapit sa nakahandusay na katawan ng binata. "Anong nangyari kay sir Kirby?" tanong nito sa kan'ya pero nagkibit-balikat lang siya.

"Ewan. Nahimatay ata nang makita ako," pagsisinungaling niya at bored na tumingin sa tinatawag nilang Kirby.

Walang umimik ni isa sa tatlo kaya nakataas ang dalawang kilay na napatingin siya sa mga ito.

"Oh? Bakit parang kasalanan ko?" tanong niya habang tinuturo ang sarili. "It's not me!" giit niya pa at mukha namang nakumbinsi niya ang mga ito.

"Sir Kirby! Oh my gad, buhay pa ba siya?" mangiyak-ngiyak na tanong ng babaeng nasa likod. Nagmamadali itong lumapit at lumuhod at hinawakan ang mukha ng tinatawag nitong sir Kirby. Inuga nito ang lalake pero hindi nagising kaya ayon, hindi lang ito umiiyak kundi ngumangawa na.

Kunot ang noong napatingin siya rito. Ang oa naman nito.

"Psst oy! Wag ka ngang oa diyan, di pa patay 'yan, baka nga mauna ka pa eh," saway niya rito dahilan para tingnan siya nito nang masama na sinalubong niya rin ng masamang tingin.

"Alam mo, kasalanan mo ito eh. Sigurado akong ikaw ang may kagagawan kung bakit nawalan ng malay si sir Kirby. Kahit kailan malas ka talaga!" bulyaw nito sa kan'ya at ang kapal lang ng mukha nitong sabihan siyang malas.

Balak na sana niyang sugurin ito kaso bigla namang may humawak sa kan'ya. Ito 'yong lalakeng kasama nila. Their eyes meet at ang mga mata nito ay nangungusap na tila ba sinasabing tama na kaya wala siyang nagawa kundi ang magpigil.

Lumapit ito sa nakahandusay na binata at chineck ang pulso nito. "It's nothing serious. Maya-maya ay magigising na din siya," komento nito habang nakatingin sa dalawang babae na alalang-alala. At syempre hindi siya kasama dun.

Pinagtalungan ng mga ito na itayo ang walang malay na binata at inihiga ito sa kama. Samantalang siya, nakanguso lang na nanood sa mga ito.

"Sino ba kayo?" mula sa likod ay tanong niya. Kanina niya pa ito gustong itanong. Nagtataka siya sa biglaang pagsulpot ng mga ito sa harap niya at mukhang kilala siya ng mga ito.

Natigil ang mga ito sa ginagawa at nagtatakang napatingin sa kan'ya, especially the old woman and the man.

"Did you know me?" isa pang tanong niya. Normal lang naman magtanong siya lalo pa't ni isa sa mga ito ay hindi niya kilala.

"Nagbibiro ka ba? Syempre naman," tugon sa kan'ya ng matanda.

"How? I mean, bakit hindi ko kayo kilala?" naguguluhang tanong niya. "Sino ba kayo at nasaan ba ako?" The place is unfamiliar and so they are.

Kagaya niya ay naguguluhan din ang mga itong nakatingin sa kan'ya.

"Anong hindi eh halos araw-araw nga tayong magkakasama. Dalawang linggo na mula nang magsimula kang magtrabaho rito bilang isang katulong," pahayag ng matanda.

Tila nabingi naman siya sa huling sinabi nito.

"What?" she asked habang di makapaniwalang nakatingin sa matandang babae. "Did I hear it right? Did you really say that I am a katulong?" mariing tanong niya pa habang tinuturo ang sarili at tumango naman ang matandang babae.

Bigla siyang natawa ng pagak habang nakatingin sa kesame. Hindi siya makapaniwalang sinabihan siya na katulong.

"What's wrong? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ng lalake sa kan'ya ng mapansin nitong humawak siya sa batok niya pero hindi niya ito pinansin.

"Excuse me Nanny, but I think you made a really big mistake," paglilinaw niya. "FYI, my family is one of the richest people in the world kaya how can a rich kid like me become a maid? Isa akong amo, hindi katulong!" Pinagdiinan niya pa ang salitang richest at amo.

"Tigilan mo nga ang pagloloko bata ka. Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Kilala ko ang mga magulang mo at dahil sa hirap ng buhay niyo kaya sila nawala," kwento ng matanda sa kan'ya.

"Baka nababaliw na siya dahil sa pagkakabundol niya kahapon," rinig niyang sabat ng oa'ng babae sa likod.

"Baka ikaw ang baliw! Kayo! Kayo ang nababaliw. In my whole life, I never experienced being poor and how can you say that my parents are already dead?" malakas na sabi niya. Hindi siya nagbibiro at mas lalong hindi siya nakikipaglokohan. She's dead serious.

"Sierra," malumanay na tawag ng lalake sa pangalan niya dahil hindi ito makapaniwala sa inaasta niya pero gaya kanina ay hindi niya ito pinansin.

"Totoo ang sinasabi ko sa'yo hija, kaibigan ko ang mama mo at hinabilin ka niya sa'kin bago siya nawala noong nakaraang buwan. Ako na ang nag-aalaga sa'yo ngayon at ako rin ang nagrekomenda sa'yo sa pamilyang ito para maging katulong ka rito," the old woman said. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya ngayon kaya napanganga siya pero maya-maya ay bigla nalang siyang natawa ng malakas.

"Okay! I know what is this. This is a prank right?" aniya. "So tell me, where's the camera?" Nagpalinga-linga siya sa paligid upang hanapin ang sinasabi niyang camera pero wala siyang nakita. Mukhang walang balak ang mga ito na kunin ang cellphone kahit bistado na sila kaya hinayaan niya nalang.

"Alright, papalagpasin ko na muna itong ginawa niyo sa'kin but next time, I will make sure na makukulong na kayo." She crossed her arms at inilahad ang isa niyang kamay sa harap ng mga ito. "Give me my phone," utos niya. "I'm going to call dad and asked him to pick me up here. By the way, what is this place again?" She asked.

Walang umimik ni isa sa mga ito kahit pa nga noong pinitik niya ang daliri niya sa harap ng mga ito ay wala pa rin.

"Oh ano na? Tutunganga nalang ba kayo? I said give me my phone," pag-uulit niya sa sinabi.

"Wala kang cellphone hija," tugon sa kan'ya ng matandang babae. "Nag-iipon ka palang ng pambili."

Tiningnan niya ito habang natatawa.

"That's stupid! I have a lot of phones! I even have the latest unit of iPhone in my room, the iPhone pro Max which I'm sure hindi niyo kayang bilhin," giit niyang wika. Pansamantalang tumahimik ang paligid.

"Mukhang nababaliw ka na nga. Gano'n ka na ba kadesperada na magkaroon ng cellphone kaya gumagawa ka nalang ng sarili mong cellphone unit? Anong iPhone pro max ang sinasabi mo?" natatawang sabat ng dalaga.

"Baka ikaw ang nababaliw. Dahil ba sa pulubi ka kaya hindi mo alam ang iPhone pro Max? O baka naman palagi kang tulog kaya napag-iiwanan ka? Gising na oy, 2022 na! Nagkakagulo na ang lahat dahil sa Covid pero ikaw, mukhang literal na nagkakagulo 'yang utak mo," banat niya sa dalaga at sinabayan niya pa ito ng pitik ng kamay para gisingin ito sa realidad.

"Abat-"

"Teka! Ulitin mo nga 'yong sinabi mo?" Utos sa kaniya ng matandang babae.

"Yung alin? 'Yong pulubi siya?" wika niya at tumingin sa dalaga.

"Hindi, 'yong taong binanggit mo. 2022 ba kamo ang sinabi mo?" naninigurong tanong pa ng matanda. Imbes na sumagot at tiningnan niya lang ito.

"Kung ako napag-iwanan, ikaw naman nagmamadali. May lakad ka ba? 2018 pa lang ngayon, hindi pa 2022," muli ay sabat ng dalaga kaya naman bigla tuloy siyang natawa. Mukha namang may sayad kasi 'tong kausap niya.

"Totoo ang sinasabi niya hija, 2018 palang ngayon. July 25, 2018." Bigla siyang napahinto sa pagtawa at seryosong tumingin sa mga taong nasa harap niya ngayon. Hindi siya natigil dahil naniniwala siya sa sinabi nito, kundi dahil hindi niya inaasahan na maririnig niya ang pinakaayaw niyang araw sa buong buhay niya.

Napatingin siya sa isang maliit na stand calendar sa ibabaw ng bedside table at doon niya nakita ang taon na nakasulat roon. It's July sa taon ng 2018. And the worst is, it is the exact day, month and year kung kailan nagsimulang masira ang buhay niya. Ito ang araw sa buong buhay niya na pinangako niyang hindi niya na babalikan kahit kailan.

Pagkatapos niyang titigan ang kalendaryo ay naguguluhan at di makapaniwalang napatingin siya sa mga taong nasa harap niya.

This is not happening!