Browse stories

Unbreak My Heart (LIS#2)

Language: fil

Tatiana and Drystan has a strong and healthy relationship not until they met Cristha, a flirty girl who likes Drystan. It was fine at first until Drystan started on being cold to Tatiana. Tatiana can't bear it. One day, she saw Drystan with Cristha. Why is he with her? What's the reason behind their meeting? Tatiana was super hurt that time but she decided not to confront him that night. Tatiana decided to go home, but when she's on her way home, an accident happened. How would that accident affect Tatiana in the future? Also, a big problem arises. Tatiana's life is being threatened. What…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any names, characters, places and events are part of the author's wide imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, and events are purely coincidental.
This story contains typographical and grammatical errors. If you encountered one of this errors,
feel free to correct me in a mannerful way. My story is open for critique.

Have a nice day people!

I'm just new and this is my first time writing a story. I'm not that good in writing stories but I'll try my best. I'm still improving myself.

Thank you for being here. I hope you read this 'til the end.






THIS STORY IS NOT EDITED. IF MAY TIME AKO IEDIT , I WILL. PERO BUSY E SO PASENSYA HEHEHE.
_________________________________________
"They're all here, the worst batch ever," he said and kissed my cheeks. I immediately wiped my cheeks with the back of my hand and gave him a irritated look.

"What the fuck are you doing!?" I asked him with a high tone.

"So maarte, are you ready?" he asked me and attempting to kiss my cheeks again pero mabilis kong pinitik ang noo n'ya.

"Ouch," he uttered and glared but I just gave him a smirk.

"I won't be here if I'm not," I answered and stared at the main door. It's been a long time....

I started walking, I can hear the sound of my Red Stelittos Heels.

"Are you ready to face him then?" I stopped walking because of his question. I gave him a fierce look before giving him a sweet smile.

"I'm ready since then," I replied then he laughed, that made me frown.

"What's funny?" I asked him, I'm seriously irritated.

"You ready to face him without falling in love?" he asked me with a smile but his eyes seems so serious. I sighed. I held his hand and gave him a smile with assurance. Why can't I answer?

"Let's go" salamat naman at binasag n'ya ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. He started walking as so I am. I smiled when I noticed that he didn't let go of my hand.
We reached the main door and 2 guards approached us.

"Hello Ma'am and Sir." I smiled as the guards greeted us. They opened the main door at bumungad sa 'min ang maingay na paligid.

"Nakakarindi," bulong ng kasama ko so I immediately glared at him.

The people literally stopped as so as the music. They're all in shock. Are they shocked because it's their first time to see a beautiful woman wearing red evening gown and red stelittos heels? My short hair is curled and my hair's color is pure black. My lipstick is also red. I love red to be exact, it makes me glow. I gently flipped my hair atsaka napangisi.

"Do I need to introduce myself here?" nilakasan ko ang boses ko, para sure na marinig nilang lahat. Also, I tried not to sound sarcastic. Doon ay nagsimula silang magbulong-bulungan.

"Isn't that Tatiana?"
"Omg! si Tatiana!"
"w-why is she here? Isn't she....."
"Tatiana Ramos? and she's with... Omg!"

"Dude, am I too beautiful? They can't stop theirselves to stare at me," I sarcastically asked this man beside me.

"You're freaking scary, look at their reactions." Inirapan ko lang siya because there's no sense on talking to him. He's not freaking normal. I looked around and look at their faces. Gulat na gulat? I keep on looking to them until I found someone I badly want to see....

Lumapit ako sakanya atsaka inilahad ang kamay ko

"You caught my attention, mind if I ask what's your name?" I gave him a sweet smile pero hindi n'ya parin naalis ang tingin sa 'kin.

"I'm Tatiana Ramos, nice meeting you" nakakairita lang dahil parang wala parin s'ya sa sarili n'ya so I grabbed his hand and held it.

"Oops, your hand is kinda cold," I said and tried to sound happy because I'm talking to him.

"Nice meeting you,, Handsome," I uttered atsaka s'ya kinindatan at nakipagshake hands.

"You should be introducing yourself as Tatiana Nacpil, did you already forget?" and there he is , nasa tabi ko na pala s'ya. I boringly looked at him.

"Yeah, Tatiana Nacpil," I said at humarap sa lalaking nilapitan ko.

"Tatiana Nacpil," maikli kong pagpapakilala atsaka hinawakan muli ang kamay n'ya. That time, this man beside me pulled me closer to him at pinaghiwalay ang kamay namin ng lalaking nilapitan ko.

"What's wrong with you? Are you doing this to hold his hand?" he asked with low but irritated tone.

"What's this fuss all about? Who are those---" here she comes. She wasn't able to finish her question when she saw me.

"What's up, Cristha?" as I look into her eyes, I saw fear. And now you fear the one you attempted to kill? Dumbass.
_________________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!

Votes and comments are highly appreciated!

Thank you!

-LadyEscritora

Chapter 2

Tatiana Ramos' POV.
    I can feel someone following me around pero hindi ko na masyadong pinansin 'yon. Binilisan ko nalang ang paglalakad para makarating akong agad sa paaralan.

Pabilis nang pabilis ang lakad ko at ang tingin ko ay nasa baba lang.

"Ouch!" napasigaw ako bigla dahil bigla nalang akong nabunggo! Hinawakan ko ang ulo ko na nabangga.

"Hey, are you alright?" nag-angat ako ng tingin dahil may nagsalita. Namatay ba 'ko kaninang nabunggo ako? Parang tumitingin ako sa isang anghel--- i mean. he's so handsome and innocent.

Really, Tatiana? You stared on a man right at this moment?

"Hey, get up" sabi ng lalaking nasa harapan ko atsaka ako inalalayang tumayo.

"Sorry, nabunggo kita" tanging nasabi ko dahil hindi ako makatingin nang diretso sakanya. I'm shy. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na natignan ang dinadaanan ko.

"It's alright, it looks like you're in hurry" sabi nito pero hindi ko parin s'ya tinitignan.

"Ahh hahaha oo, nagmamadali nga ako kaya pwede na ba 'kong umalis? Sorry ulit" hindi ko na s'ya hinayaang magsalita at umalis na 'ko kaagad.

What's wrong with me?

Kinakabahan na 'ko kanina dahil ramdam kong may sumusunod sa 'kin, at lalong nadagdagan 'yon dahil sa lalaking 'yon. Maayos na akong naglakad pagtapos dahil nakakahiya naman kung mababangga ako ulit diba?

Nasa harapan na 'ko ng school kaya naman medyo nabawasan ang kaba ko.

"Tatianaaaa!!" napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang boses. It's my friend Angelica.

"Oh?" bungad ko sakanya ng makalapit siya.

"Grabe ka ah, inantay kita dito nang matagal tapos 'yan lang sasabihin mo?" hinihingal n'yang tanong dahil patakbo siyang lumapit sa 'kin.

"Baliw, tara na nga" nakangiting anyaya ko sakanya at agad na umakbay sakanya. She's like a little sister to me. She's my bestfriend since we were a child.

Magkaklase kami at sabay na pumapasok. Kung sino man ang mauna ay mag-aantay, makasabay lang pumasok ang isa't isa.

As I entered the classroom, another bad aura ang nafeel ko. They're all looking at my bestfriend Angelica na ngayon ay halos magtago na sa likod ko.

Did I missed something???

"What's wrong?" bulong ko kay Lica ng makaupo kami.

"A-ano e...." I don't know if I'm right but I know this is something about her ex-boyfriend John. I immediately glared sa mga classmate namin na tumitingin-tingin sa kanya dahilan para mapaiwas sila ng tingin.

"What's wrong? Tinarantado ka nanaman ba ng tarantadong 'yon?" I asked her and my voice is kinda high. Sinenyasan n'ya 'ko na tumahimik pero hindi ko siya pinansin. Tumuro s'ya sa may pintuan at nakita kong papasok si John. Yes, classmate namin si John and I don't care kung marinig n'ya pang tinatawag ko siyang tarantado. That suits him.

"Oh, e ano naman? E sa tarantado naman talaga 'yang animal na 'yan" mas malakas ang boses ko kumpara sa kanina dahilan para mapatigil si John sa pagbabalak n'yang umupo at nagsitinginan ang mga kaklase namin.

"Excuse me? Are you trying to insult my boyfriend?" nagsalita ang isa naming kaklase na si Ria. Iyong model naming kaklase. So, she's in relationship with John huh?

"I didn't even know you have a boyfriend" pamamrangka ko sakanya kaya nagbulong-bulungan sa klase. I don't care kahit mayaman pa 'to at isa s'yang model. Hindi 'yon nakapagpapaangat sakanya.

"I'm referring to my boyfriend John"  mayabang na sabi nito kaya naman napaamang ako.

"I didn't even mention his name. How did you know that I was referring to him? Oh, not unless you see your boyfriend as tarantado" sagot ko at sobrang nang-aasar ang tono, epektibo naman dahil kitang kita ko ang inis sa mukha n'ya.

"Enough" narinig kong sabi ni John at lumapit kay Ria.

"Enough pala e, edi pagsabihan mo 'yang girlfriend mong tanga?" sabi ko sakanya at kitang-kita ko sa mukha n'ya ang pagka-asar sa mukha n'ya. Nginisihan ko lang siya, lalong nang-aasar.

My bestfriend and John were in relationship, 2 years na. Sa loob ng 2 years na 'yan ay nakailang babae iyang hayop na John na 'yan. Minsan nga ay nahuli n'yang may babae sa kandungan si John pero nagbulag-bulagan s'ya.

Kaya ayokong ma-inlove e.

Nanahimik ang lahat ng dumating ang teacher namin.

"Class President" tawag n'ya sa President namin na agad namang tumayo. She's our class president, her name is Cristine.

"There will be 2 transferees. Kindly assist them and I'll give you the activities na kailangan ninyong tapusin. May meeting kasi kaming teachers ngayon. Baka maaga ang uwi ninyo" agad namang nagsiyahan ang mga kaklase namin dahil sa magandang balitang 'yon.

Habang ineexplain ni Ma'am kay Cristine ang mga gagawin ay napatingin ako sa labas at may nakita akong lalaki.

Nando'n din 'yong nabangga ko kanina.

Oh, so he's one of our transferee.

I saw him looked at me kaya naman agad kong iniiwas ang tingin ko.

He's handsome as always.

Binura ko kaagad 'yon sa isipan ko dahil hindi nakakatuwa. Nagagwapuhan lang naman ako. 'Yon lang 'yon, okay?

Nakita kong lumabas si Cristine at tinawag ang dalawang transferee. Nang makapasok sila ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko. Lalo na ng mga babae. Tss.

Nang makapasok sila ay doon ko sila nakita nang maayos. Kinausap sila ni Ma'am kaya naman pati ngipin nila ay napansin ko. Parehas silang matangkad. Ang isa ay moreno at ang isa ay ubod ng puti. Iyong moreno ay bilugan ang mata, matangos ang ilong, manipis ang mapupulang labi at pantay-pantay ang mapuputingin ngipin. Iyong maputi naman ay medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at pantay-pantay rin ang mapuputing ngipin base sa nakita ko kanina. Parehas silang may dating.

Iyong maputi ang nakabangga ko kanina.

Ang moreno ay inosenteng nagtitingin-tingin sa paligid at panay ang linga. Ang cute n'ya sa totoo lang. Para siyang batang namamangha pa sa room. Ang maputi naman ay blangko ang tingin, hindi nagpapakita ng ano mang emosyon. Pacold yarn, beh?

"Pakilala na kayo" dinig kong sabi ni Cristine sa dalawa. Lumabas na si Ma'am sa room.

Agad na umayos ng tayo ang moreno at nagsalita.

"I'm Ralph Nacpil" pakilala nito. Tinanong pa s'ya ni Cristine kung may nais pa siyang idagdag pero ngumiti lang ito at umiling.

"Drystan Frasco" pakilala naman ng maputi atsaka tinignan si Cristine na natulala pa nang kaunti. May tinanong pa si Drystan kay Cristine at isinenyas ang upuan sa tabi ko. Nasa dulo kasi ako at may dalawa pa 'kong bakanteng upuan na katabi.

Bago sila makaupo ro'n ay dadaanan muna nila 'ko. Napansin ko ang pagtingin sa 'kin ni Ralph kaya naman tinaasan ko s'ya ng kilay dahilan para umiwas ito ng tingin.

Tingin ka pa ha.

Si Drystan naman ay hindi nagtapon ng tingin kahit kanino. Nang madaanan nila 'ko ay agad na umalisawsaw ang mabango nilang pabango.

Sana all. Ako maliligo nalang tinatamad pa.

Si Drystan ang naupo sa tabi ko at sa tabi naman n'ya ay si Ralph.

Lica - Ako - Drystan - Ralph.

Ganyan ang pwesto namin.

Himala at walang kumikibo sa klase.

May dumaang anghel yarn?

Ang dalawang transferee ay hindi rin nagsasalita. Nagpapaligsahan ata sila, pabauhan ng hininga. Char!

Kapansin-pansin ang kalandian ni Ria at John dahil naka-kandong pa si Ria kay John.

Boi, nasa school ka.

Ang sarap ikick-out.

"Is he your ex?" napa-igtad ako ng may magsalita sa tabi ng tenga ko.

Agad akong napatingin kay Drystan dahil alam kong siya 'yon. I can't talk. Masyado siyang malapit sa 'kin, naiilang ako.

"I think you're too close, dude" narinig kong sabi ni Ralph kaya naman napalayo si Drystan.

"Oh, I'm sorry" pagsosorry n'ya atsaka umupo nang maayos.

"It's okay. To answer your question earlier, he's not my ex" sagot ko at nakatingin ako nang diretso sa mga mata n'ya. Siya naman ang nakitaan ko ng pagkailang.

"I thought he's your ex. You look mad while you're looking at them" sabi nito at napa tango naman ako.

"I look mad? So you're looking at me pala" pagbibiro ko sakanya kaya naman tinignan n'ya ako at binigyan ng expression na para bang nagugulat.

"Can I go outside? There's too much air here" bwelta n'ya sa biro ko dahilan upang matawa ako.

Close yern?

Nakita kong tumayo si Cristine ar pumunta sa harapan. Mukhang natapos na n'ya ang gagawin n'ya at ready na s'ya magbigay ng sakit ng ulo---- activities hehe.

It's a group activity. 4 members ang kailangan. Obviously, si Angelica ang isa kong kagroup. We're just waiting for 2 person to join us.

Lumapit sa 'min si Cristine kaya naman pinagtaasan ko s'ya ng kilay.

"Nakaka-kaba naman tingin mo, Tiana" sabi nito kaya naman sarkastikong tawa ang ibinigay ko.

"Tingin palang kinakabahan ka na. So, anong gusto mo?" tanong ko sakanya. Hindi magaan ang loob ko sakanya dahil kaibigan s'ya ni Ria at isa s'ya mga taong tinitignan ang kaibigan ko nang may panghuhusga. I hate that.

"Hmm, gusto ko lang sana makipag-group sainyo" agad naman akong napatingin kay Ria dahil sa sinabi n'ya. Inirapan siya ni Ria but Cristine didn't give a damn.

"Su---" I was going to say 'sure' when my seatmate interrupted me.

"But we're already 4" sabi ni Drystan dahilan para mapatingin ako sakanya.

4 huh?

I was about to disagree with Drystan ng biglang nagsalita si Ralph.

"Uhm, yeah. He's right" napatingin ako kay Ralph dahil doon. Are they close or what? Wala akong magawa dahil ang dalawang lalaking 'to ay nakatingin na sa 'kin.

"Yeah. Our group is full. Why don't you join your bestfriend?" naroon nanaman ang tinig kong nang-iinis dahilan para sumama ang mukha ni Cristine.

"Malandi" narinig kong bulong ni Ria kaya naman nginisihan ko s'ya.

"Let's go to the library, Lica, Drys and Ralph" nang-aasar ang tono ko rito, sinabi ko ito nang nakatingin mismo kay Ria. Kitang-kita ko ang inis n'ya at hindi nakaligtas sa 'kin ang talim ng tingin ni John sakanya.

I smell break up.

Sino ba namang boyfriend ang hindi maiinis? His girlfriend looks jealous dahil kami ang nakagrupo ng dalawang transferee na 'to.

I flipped my long straight hair ng madaanan ko si Ria.

Bwisit na babae 'to. Pinanganak ka lang ba sa mundo para inisin ako?

Sumunod naman sa 'kin ang tatlo sa library.

"Get the books that will help us on our research. Read and understand, we'll combine our ideas later" Iyon lang sinabi ko at nagpauna ng maghanap. Sinunod naman nila ang gusto ko.

After an hour, nagsama-sama na kami sa iisang table at nagcombine ng ideas for our research.

"So, this is all, I guess?" tanong ko at tumayo na.

"Are you in hurry again, Tiana?" Drystan asked kaya naman natawa ako nang kaunti.

"Not really. Sadyang feeling ko ay okay na? So... let's separate our ways" I immediately turned my back dahil parang kumirot ang puso ko sa sinabi kong iyon.

Why did I said that? What for?

Kusa lang siyang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam bakit gano'n, maybe because gano'n talaga ang gagawin?

Napahawak ako sa mukha ko dahil kusang bumagsak ang luha ko. What's wrong with me?

Nang makalabas ako ay parang gusto kong bumalik sa loob. May gusto akong balikan...

You already did what you have to, Tatiana. What's wrong with you?

Tumingin pa ako bago sa loob. Doon ko naaninag si Drystan na nakatingin din sa akin. I looked away and turn my back because of it.

Hindi ko alam pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Naiiyak ako. Maybe nasstress ako huh?

Bigla kong naramdaman na para bang nangyari na 'to.

Okay, stop, Tatiana.

Kaysa mag-emote at kung ano-ano pa ang isipin ay dumiretso nalang ako sa room. Nang makarating ako ro'n ay walang tao.

Mag-isa ako.

Am I getting a little bit weird? I mean... e ano naman kung mag-isa ako ngayon? I don't know but I feel a little bit sad.

Umupo na ako sa pwesto ko at inaantay ko nalang sila. Dumukdok ako sa desk dahil pakiramdam ko ay pagod ako.

"Tatiana" napaigtad ako ng may tumawag sa 'kin. Napatingin ako sa paligid at...

wala parin sila?

Pero kakaiba ngayon. Pati bag nila wala! Napatingin ako sa relo ko kung anong oras na.

7pm? Wtf?

Napatingin ako sa kung sino ang tumawag sa 'kin.

Drystan...

"T-teka... Asan sila? B-bakit tayong dalawa nalang dito?" nagtataka kong tanong habang patuloy sa paglinga. Magsasalita sana ako ulit pero may naunang magsalita sa 'kin

"Mukha kang tanga" napatingin ako kaagad sa pintuan at nandoon si Ralph na nakasandal na sa pintuan.

"Tanginamo ah, close ba tayo?" mataray kong tanong dito.

Feeling close ampota.

Narinig ko ang pagtikhim ni Drystan kaya napatingin ako sa kanya.

"They all left. Baka uwian na" walang emosyong sabi nito atsaka dire-diretsong lumabas.

Saltik ampota.

Tumingin ako kay Ralph na nagkibit--balikat lang atsaka ko ito inirapan. Lumabas na rin ako at nang madaanan ko si Ralph sa may pintuan ay narinig ko pa itong bumulong.

"Sungit amp" siniko ko pa s'ya sa may tyan kaya naman napadaing ito pero tumatawa s'ya. Napangiti naman ako dahil do'n.

Isa nanamang siraulo.

Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa makarating ako sa gate. Wala na talagang mga estudyante! Langya! Alas syete na kasi. Naalala ko kanina, dumukdok lang naman ako sa desk e. Nakatulog na pala ako at ang mga 'yon ay hindi man lang nag-abalang gisingin ako. Buti nalang at may natitira pang bait sa katawan 'tong dalawang 'to at inantay ako.

"Tiana, hatid na kita" napatingin ako kay Ralph dahil sa sinabi n'ya.

"Tanginamo ah, kanina ka pa. Hindi nga tayo close e. Malay ko pa sa gusto mong gawin" sabi ko sakanya atsaka tinapik ang kamay n'yang nakahawak sa bag ko.

"Kala mo naman kanasa-nasa ka e 'no? Tigilan mo 'ko sa kaartehan mo, panget" agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi n'ya.

"Aray ah, nakakadalawa kana" muli ko sana s'yang babatukan pero agad siyang tumakbo paalis. Hinabol ko naman s'ya at nakakainis dahil ang bilis n'ya tumakbo, nililingon lingon pa n'ya ako at bumebelat belat.

Sisipain ko siya.

Patuloy ako sa pagtakbo pero bumagal ako dahil sa may napansin akong pulang laser na sumusunod sa kanya. Nagstop ako at ganoon din s'ya. Doon ko naaninag nang maayos, naka stop ang pulang laser sa may puso n'ya!

Ano 'yon?

Sinundan ko ng tingin ang pulang laser at nakita kong nasa mataas na building 'yon! Totoo ba 'tong nakikita ko?

S-sniper....?

Pero bakit!?

TO BE CONTINUED...
_________________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!

Votes and comments are highly appreciated!

Thank you!

@LadyEscritora

Chapter 3

Tatiana's POV.

"R-RALPH...." malakas ang boses ko sa pagtawag ng pangalan n'ya dahil hindi ako mapakali.

"Oh? Pagod kana?" nang-aasar ang tinig n'ya pero parang may pilit siyang pinapaintindi. Muli itong nag-aattempt na tumakbo.

Kung tatakbo s'ya ay malilito ang sniper.

Hindi na 'ko nagpa-petiks petiks pa, muli akong tumakbo upang habulin s'ya at maalis sa pwestong 'yon.

Buti nalang at nagets ko. Nalito nga ang sniper at halos hindi na tumatama ang red laser kay Ralph. Sobrang kinakabahan ako.

Nagkunwari akong natumba dahil hindi kami matitigil sa paghahabulan kung patuloy ko s'yang hahabulin. Agad naman siyang lumapit sa 'kin at inalalayan akong tumayo.

"Okay ka lang?" tanong nito. Napatingin ako sa kanya at parang hindi ako makahinga sa sobrang takot dahil ang pulang laser ay nasa ulo na n'ya.

Tangina netong sniper na 'to ah, ang galing naman n'ya. Hindi ba s'ya nahihilo ampota.

Wala na 'kong salitang binitawan pa. Itinulak ko si Ralph atsaka tumingin doon sa sniper!

"Hoy tangina mo, sino ka ba?!" halatang nagulat ang sniper dahil sinigawan ko s'ya! Tangina neto. Halatang halata yung laser n'ya, so hindi n'ya alam na kanina ko pa siya nakikita?

Gulat na napatingin sa 'kin si Ralph dahil sa ginawa ko.

"Fuck!" sigaw n'ya atsaka hinawakan ang kamay ko. Nagulat pa 'ko dahil doon pero hinayaan ko nalang. Tumakbo s'ya dahilan upang mapatakbo rin ako. Napansin ko pang may sumusunod sa 'min pero nawala rin 'yon ng makalayo layo kami.

"Tangina. Hiningal ako ro'n" hingal na sabi ko atsaka napaupo sa sahig.

Kakatransfer mo lang, gulo na agad binigay mo sa 'kin shuta ka. Ni hindi nga tayo friends, tanginang 'to.

Napatingin ako kay Ralph na titig na titig sa 'kin.

"Oh?" tanginang nasabi ko dahil talagang hinihingal ako. Ambilis n'ya kaya tumakbo! At dahil kailangan kong makasabay do'n ay sobrang bilis ko na rin.

"Why did you do that? Do you know how dangerous is it?" mahinahon ang boses n'ya pero parang naiinis s'ya na nag-aalala.

"Ah? Alin don?" inosente kong tanong dahil marami naman akong ginawa. Alin ba ro'n?

"Did you just shout on a sniper? Really, Tia?" inis na tanong nito. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil do'n.

"Hoy ikaw tangina ka, niligtas na nga kitang hayop ka umaatungal ka pa? E anong gusto mong gawin ko? Hayaan kitang ma-headshot sa harapan ko? Hoy! Baka ako pa ang masisi at kargo pa kita kapag napahamak ka! Ulul!" sigaw ko sakanya. Nakita ko naman siyang napabuntong-hininga.

Ginawa ko 'yon dahil mapapahamak ka. Kung hindi ko gagawin 'yon ay mamamatay ka. Engot naman neto.

Hindi na siya kumibo at gano'n na rin ako. Umupo rin siya sa kalsada kagaya ng ginawa ko.

"I'm sorry for shouting. Thank you for saving me" nakangiting sabi nito kaya naman inirapan ko siya.

"Wala 'kong pake sa 'yo, timang" sabi ko kaya naman natawa s'ya. Maya-maya pa ay may bumusina kaya napatingin kami sa sasakyan.

Istorbo naman 'to. Sarap ng upo ko sa gitna ng kalsada e.

Tumigil ang kotse dahil kung hindi ay masasagasaan kami. Maya-maya pa ay bumaba ang driver.

Drystan?

Si Drystan nga! Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatayo at lumapit sakanya.

"Drys!" sabi ko pero nakakapagtakang hindi ito kumikibo at nakatingin lang siya sa 'kin.

Ang blangko niyang tingin ay lumalalim. Pagtapos ay bumuntong-hininga siya at napatingin sa kamay n'ya. Napatingin naman ako doon.

Inangyan.

Nakahawak ako sa kamay n'ya! Wtf!?

Natutuliro kong inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay n'ya.

"S-sorry...hindi ko sadya ha? A-ano kasi... hahaha n-near death experience s'ya..." pahina nang pahina ang pagsasalita ko habang bahagya pang tinuro si Ralph.

"What happened?" blangko ang mukha ni Drystan ng tanungin 'yon.

"S-si Ralph kasi---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may humawak sa braso ko. Nang tignan ko iyon ay nakita ko si Ralph.

"It's nothing" hindi ko maintindihan pero ang seryoso masyado ng mukha n'ya. Maybe, wala naman kasing nakakatawa? Tsh! Ang pangit naman siguro tignan kung bigla siyang tumatawa.

"Oh, okay" sagot lang ni Drystan atsaka bumalik sa kotse n'ya. Pagsakay n'ya ay bumusina pa muna ito at umalis na.

"Huy, anong nangyayari sa 'yo?" tanong ko kay Ralph dahil katulad ni Drystan ay blangko rin ang mukha n'ya.

"Wala naman. Hatid na kita sa inyo" napatingin naman ako sa mukha n'ya. Ang weird lang.

Nagpauna s'yang maglakad pabalik sa school. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil napakagentleman ng hayop na 'to.

Nagpauna talaga siyang maglakad. Hindi man lang ako inantay ampota. Paano kung ako bigla ang maheadshot dito?

Dahil sa naisip ko ay dali-dali akong tumakbo at tumabi kay Ralph. Napatingin ako sa mukha n'ya at sobrang seryoso n'ya. Nakatingin lang siya sa sahig at parang may iniisip.

"Okay ka lang?" tanong ko sakanya habang sinisilip pa ang mukha n'ya. Hindi s'ya kumibo. Mukhang 'di n'ya 'ko narinig.

Malapit na kami sa school at hindi ko napansin yung tangang bato dahilan para matapilok ako!

Tanginang bato 'to! Napakatanga!

"Aray!" biglang sigaw ko. Doon naman napatingin sa 'kin 'tong hangin kong kasama!

"Oh? Ilang isda nahuli mo?" tatawa tawang tanong niya kaya naman hinubad ko ang sapatos ko at binato siya!

Boom! Nailigtas kita sa sniper pero ako ang manghiheadshot sa 'yo, ulol!

Kita ko kung pa'no siya dumaing dahil sa lakas ng pagkakabato ko pero tawang-tawa parin siya. Pagtapos ay patakbo siyang lumapit sa 'kin at tinulungan akong tumayo.

Inamo ah. Inuna pa tawa amp.

"Oh, sabihin mo sa mama mo nakahuli ka ng tilapia hahaha" nang-aasar na sabi n'ya atsaka ipinasuot sa 'kin ang sapatos ko. Oo, teh, ipinasuot n'ya. Gentleman yarn?

Nang makatayo na 'ko ay pa ika-ika pa 'ko kung maglakad pero kalaunan ay naging ayos din. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating din kami sa school.

"Can you wait me here?" sabi nito habang nasa may gate kami kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit? Kapag ba sinabi kong hindi ay hindi ka aalis? Pinapairal mo nanaman katimangan mo" sabi ko sakanya at napangiti naman siya.

Umalis na s'ya kaya naman tumunganga ako ro'n nang ilang segundo. Maya-maya ay may bumusina kaya tinignan ko iyon.

"Yo, miss! Wanna ride?" maangas na tanong ng kinginang 'to. Sino pa nga ba? Si Ralph! Nakasakay siya sa kotse ngayon! Tsk!

"Ayoko e" sagot ko habang palapit sa kotse niya at sumakay.

"Hatid na kita sainyo" sabi n'ya kaya naman sarkastiko akong tumawa.

"Malamang. Alangan namang ihatid mo 'ko sa inyo. Bobo" sabi ko at tinawanan lang niya. Bet na bet ata neto na naiinsulto e.

Noong una ay walang kumikibo sa 'min. Pero nang mapatingin ako sa kanya ay may itatanong pala 'ko.

"Anyare pala kanina? Bakit wala na sila sa room?" tanong ko kaya bahagya pa siyang napatingin sa 'kin tapos ay itinutok sa daan ang paningin.

"Ahh... nakatulog ka kasi. Hindi ka na namin ginising dahil mukhang masarap tulog mo. Tinry ka kasi gisingin nong katabi mo--- na kaibigan mo ata pero walang epekto. Kaya ayun, binantayan ka nong Drystan" sabi n'ya kaya napatango tango naman ako. Pero teka...

"Binantayan ako ni Drys? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Ewan. Close mo ba 'yon? Kaya nga hindi rin ako tumuloy sa pag-alis at inantay nalang din kita kahit nada labas lang ako. Baka kasi kung anong mangyari sa 'yo" sabi nito at aaminin kong natouch ako sa sinabi n'ya.

"Hindi ko close 'yon. At hindi rin naman kita kaclose ah? Tangina mo, kinareer mo na ah? Pero salamat. Akalain mo 'yon? May itinatago ka palang bait?" pang-aasar ko sakanya kaya naman nginisihan n'ya ako. Muling natahimik ang byahe pero may tanong ako ulit hehehe.

"Nga pala, bakit naman may sniper doon at gusto kang barilin?" nagtataka kong tanong. Naging seryoso ang mukha n'ya dahil doon.

"Huwag mo ng uulitin yung ginawa mo kanina, Tia. Baka ikaw mapag-initan non at mapahamak ka pa. Hindi ko rin alam bakit may gustong bumaril sa 'kin" sabi n'ya. Nakaramdam naman ako ng kaba atsaka napatingin sa may bintana ng kotse niya.

"Sure ka bang hindi kayo close nong Drystan?" ulit niyang tanong kaya naman inis ko siyang hinarap

"Baka po transferee kayo diba? Tangina ka" sabi ko sakanya at ngumiti naman siya.

"Bakit mo nga pala natanong?" muli kong tanong sakanya.

"Hmmm... I just wonder what is he doing there that time?" napatingin naman ako sakanya. Iniiwasan n'ya ang pagiging sarkastiko. Problema nito?

"Ahh, diba kasabay natin siya kanina? Duh! Malamang uuwi palang s'ya non!" masungit kong sagot sakanya at ngumiti naman siya.

"Tama" sagot n'ya pero ang weird lang talaga.

Ralph's POV.
I know that Tatiana thinks that I'm getting weird. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi mapag-iba iba ang emosyon ko.

I'm happy to see you this close, Tia.

Kapag nakatingin s'ya sa bintana ay tinitignan ko s'ya. Kapag naman haharap sa 'kin ay nagkukunwari akong nagfofocus sa pagmamaneho.

That innocent face of yours.

Napabuntong-hininga ako. Buti nalang at napigilan ko siya kanina sa pagsasabi kay Drystan.

I still wonder, what is he doing there at that time? I know na pare-parehas lang kaming galing sa room.

Pero nauna siyang lumabas.

Kung tutuusin ay sa paglabas namin ay hindi na dapat namin siya abutan. Unless, may ginawa pa siyang iba.

Paglabas palang namin sa gate ay may ramdam na 'kong kakaiba. Nang habulin ako ni Tia ay alam kong may kakaiba talaga dahil sa tingin n'ya.

Nagawa na naming tumakbo ni Tia, umupo sa kalsada. Ilang minuto na rin 'yon. Pagtapos ay susulpot siya na para bang pauwi palang siya?

Nong mga oras na nawala ang sniper ay sumulpot s'ya.

Kakaiba talaga ang pakiramdam ko. I looked at Tia at doon ako nakaramdam ng kaba. Paano kung sakanya may mangyaring masama? Hell no! Ngayon ko nalang ulit siya nakita... gusto ko na siyang mayakap.

Saglit ko pa siyang tinitigan bago tumingin sa daan.

I miss you, Tia.

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil hindi kami parehas ng nararamdaman. Hindi n'ya ako namimiss.

Dahil hindi naman n'ya ako kilala. Hindi n'ya ako matandaan. At hindi n'ya expect na ako 'yon. But I swear, I'll protect you no matter what happens. I won't let someone break you and your heart. I'll do anything for you, even if it will cost my life.

Tatiana's POV.
Nararamdaman ko ang tingin sa 'kin ni Ralph tuwing titingin ako sa bintana pero hinahayaan ko lang s'ya. Ano nanaman? kayang ganap o eksena netong karabaw na 'to?

Maya-maya pa ay malapit na kami sa 'min. Nang makarating kami ay napatingin ako kay Ralph. Saktong pagtingin ko sa mga mata n'ya ay nakabasa ako ng lungkot.

Nalungkot din ako. Weird.

"Ingat ka sa pag-uwi" nakangiting sabi ko sakanya atsaka bumaba. Nang maisarado ko na ang pinto ng kotse n'ya ay inaabangan ko sana siyang umalis bago pumasok. Pero hindi s'ya umalis, bagkus ay lumabas ito ng kotse atsaka lumapit sa 'kin.

Wala s'yang salitang sinabi. Pero nagulat ako ng hawakan n'ya ang magkabila kong pisngi atsaka ako hinalikan sa noo.

W-what was that for?

I want to ask him that pero parang napipi ako. Pumasok na ito sa kotse n'ya atsaka bumusina muna ng tatlong beses bago tuluyang umalis.

I can't move. I can't wave my hand at him.

Napahawak ako sa noo ko. What was that kiss for? Bakit niya 'ko hinalikan sa noo? Something is off! Baliw talaga yung lalaking 'yon!

Tumalikod na ako atsaka nagsimulang maglakad palapit sa pinto. I was about to open the door pero napatigil ako.

Damn!

Agad akong napatingin sa dinaanan ni Ralph at talagang nakaalis na siya! Fuck!

HOW DID HE KNOW WHERE I LIVE?

Napupuno ng tanong ang utak ko! Naaalala ko na hindi ko naman sinabi sakanya kung saan ako nakatira! Hindi rin naman siya nagtanong for directions kaya hindi ko ibinigay.

HOW DID HE KNOW? AND WHO THE HELL ARE YOU, RALPH NACPIL? WHAT THE FUCK DO YOU WANT FROM ME?

Pinakalma ko ang sarili ko dahil doon. I'll save those questions for tomorrow.

Anong kailangan n'ya sa 'kin? At sino ba siya?

TO BE CONTINUED...
_________________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!

Votes and comments are highly appreciated!

Thank you!

-LadyEscritora