The Ivory Warrior
Language: fil
/0/26904/coverbig.jpg?v=4d6ad110ea794eed9507f4ddecb590bf)
Faith was just an ordinary student at a public school when she discovered that something inside her is not normal. She's extraordinary. There is something inside her that makes her special. But that thing inside her will be the reason for her life to be in danger. Everything in her life will change when she finds out that everything about her is just all a lie. When she meets the mysterious, alluring Val, her life the takes a thrilling and terrifying turn. Together they went to a magical place and discovered her true identity and where she really came from.
Available chapters
Chapter 1
Nagdadabog si Faith habang nagbibihis ng uniform. Ayaw niya sanang pumasok ngayon pero pinilit siya
ng Nanay niya. Napabuntong-hininga naman siya. Matagal na dapat siyang umalis dito sa bahay nito pero hindi niya magawa dahil mahal niya ang mga kapatid niya. Hindi nga siya sigurado kung tunay ba niyang mga kapatid ‘yon e.
Napairap nalang si Faith sa kanyang mga mata. Naririnig na naman kasi niyang nagbabangayan ang mga magulang niya. Araw-araw naman nangyayari ‘to pero hindi pa rin siya nasasanay sa mga sigawan nila. Mas lalo lang siyang naiirita sa tuwing naririnig niya silang nagsisigawan. “Konti nalang talaga, mapupunp na ako sa kanilang lahat,” sambit ni Faithbsa sarili niya.
Nang matapos sa pagbibihis ay agad na lumabas si Faith sa kanyang kwarto. Hindi na siya nag-abala pang kumain ng almusal dahil kapag kumain naman siya doon ay mawawalan siya mg gana agad dahil sa bangayan ng mga magulang niya.
Hindi na siya nagpaalam pa sa mga magulang niya na patuloy na nag-aaway at tsaka siya lumabas ng kanilang bahay. Sinalubong naman kaagad si Faith ng mga kapatid niya na naglalaro sa labas. “Oh, ang aga-aga pa pero grabe na ang pawis niyo. Mapapagalitan kayo ni Mama kapag nakita niya kayong pawis na pawis,” napailing na sabi ni Faith sa mga kapatid niya. Nagpakamot nalang sa kanilang mga ulo ang kanyang kapatid dahil tama ang sinabi ni Faith. Sigurado silang papagalitan sila ng kanilang Nanay.
Nagsitakbuhan na ang kanyang mga kapatid kaya napatanaw nalang si Faith sa kanila. “Sana naging bata nalang ulit ako,” mahinang bulong ni Faith sa kanyang sarili. Ipinilig niya ang kanyang ulo at tsaka nagsimulang maglakad patungo sa kanyang paaralan.
Parang gusto nalang niyang ‘wag pumasok dahil ayaw niya sa mga kaklase niya. Sigurado rin naman siyang ayaw ng mga kaklase niya sa kanya. Squammy daw kasi. Kung tutuusin ay hindi naman niya gustong pumasok sa paaralan, pinilit lang siya ng Mama niya dahil siya raw kasi ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.
Sinubukang sabihin ni Faith sa kanyang Mama na gusto na niyang huminto sa pag-aaral, pero sinumbatan lang siya nito kaya wala na siyang nagawa kung hindi makinig sa Nanay niya. Sang-ayon naman ang Tatay niya sa desisyon niya na huminto sa pag-aaral. Gusto rin ng Tatay niya na tumulong siya sa pangangalakal nito. Pero ayaw niya mangalakal. Hindi dahil nag-iinarte siya kung hindi ay may mas magandang—hindi mas madaling trabaho ang inialok sa kanya.
Ilegal ito pero mas madali ang pera. Mas madali siyang yumaman.
Ilang minuto ang lumipas ay nakaratng si Faith sa kanilang paaralan. Napapairap nalang siya dahil sa tuwing may madadaanan siyang estudyante ay napapatakip ang mga ito sa kanilang ilong. Noon ay nahihiya pa si Faith kapag may gumagawa nito sa tuwing dadaanan siya pero hindi kalaunan ay nasanay din siya sa mga ‘to.
Wala rin siyang kaibigan sa paaraalan dahil wala namang gustong kumaibigan sa kagaya niya. Ayaw niya rin magkaroon mg kaibigan dahil mawawala rin naman ang mga ‘to.
“Ano ba ‘yan hindi naliligo,” narinig niyang sabi ng isang estudyante na napadaan sa gilid niya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Kahit namna ano ang sabihin nila ay hindi na magbabago ang kanyang amoy. Kahit anong gawing ligo niya ay ganoon pa rin ang amoy niya. Hindi naman niya alam kung ano talagang klaseng amoy ang tinutukoy ng mga nakaamoy sa kanya dahil hindi naman nila sinasabi.
Sinubukan namang amuyin ni Faith abg sarili niya pero wala naman siyang naamoy. Hindi naman maamoy ang mga kapatid niya, siya lang daw ang may amoy sa kanila sabi pa ng ibang kapit-bahay nila na minsan niyang narinig na pinag-uusapan siya.
Nakarating na si Faith sa classroom niya kaya agad niyang hinanap ang kanyang upuan. Minsan kasi ay nalilipat ito sa ibang pwesto dahil hindi inaayos ng mga cleaners ang mga upuan. May iilan na rin siyang kaklase na nasa loob ng classroom pero halos busy ang mga ito sa kanilang ginagawa.
Naglibot-libot si Faith sa loob ng classroom at hinanap ang kanyang upuan. Nakita naman niya kaagad ito ngunit merong nakaupo. Hindi alam ni Faith kung papaalisin ba niya ang nakaupo sa upuan niya o hahayaan nalang niya. Pero sigurado naman siyang kapag inupuan niya ang upuan doon sa pwesto niya ay mandidiri na naman ang may-ari.
Si Chelvea pa naman ‘yon. ‘Yung malakas mam-bully sa kanya. Napahinga nalang si Faith ng malalim. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang kamay sa balikat ni Andrew. Busy ito sa paglalaro sa kanyang cellphone kaya hindi nito namalayan si Faith na papalapit sa kanya. Kahit na nagdadalawang-isip sa kanyang gagawin ay nilakasan nalang ni Faith ang loob niya at inilapit ang kamay sa balikat ni Andrew.
**
Maagang umuwi si Faith sa kanyang bahay. Pagkauwi niya ay sinalubong kaagad siya ng sermon ng kanyang Nanay. Inilabas nalang niya sa kabilang tenga ang ang mga sermon ng Nanay niya. Wala sa mood si Faith para makinig doon. Kaya nga umuwi siya sa bahay nila dahil sa mga masasamang sinasabi ng mga kaklase niya pero pati rin pala dito sa bahay ay ganoon pa rin ang maririnig niya.
“Ikaw Faith ha, naririnig ko jan sa kapitbahay natin na may plano kang huminto para gumawa ng ilegal? Ilsw kapag tinuloy mo ‘yan ay matutuluyan ka talaga sa akin,” matalim na sabi ng Nanay niya. Napairal nalang si Faith. “Sino na naman kayang gunggong ang nagpakalat sa balitang ‘yan?” bulong ni Faith sa kanyang sarili.
“May sinasabi ka ba?” sigaw naman ng Nanay niya sa labas. “Wala po!” sagot pabalik ni Faith.
Nagulat naman si Faith ng biglang pumasok ang Nanay niya sa kanyang kwarto. “Ikaw, umayos ka sa buhay mo, hindi kita kinupkop dito para magbulakbol. Magpasalamat ka at—saan ka pupunta?!” hindi na niya pinatapos ang Nanay niya sa pagsasalita dahil lumabas siya ng kwarto niya.
Nagdesisyon si Faith na umalis nalang sa bahay nila. Tutal ganoon nalang din naman ang paningin ng Nanay niya sa kanya, itutuloy nalang niya. Titigil na siya sa kanyang pag-aaral. Hindi naman para sa kanya ‘yon. Naniniwala si Faith na may mas magandang bagay na nakasalalay sa kanya, at iyon ang hahanapin niya.

Chapter 2
Nakatunganga si Faith sa daan. Huli na para bumalik siya sa bahay nila. At isa pa, ayaw na niyang bumalik doon, maiirita lang siya kapag nakikita niya ang kuya. Sinet niya sa airplane mode and cellphone niya dahil kanina pa tumatawag ang mama at papa niya. Nalulungkot din naman siya dahil alam niyang nag-aalala ang mga magulang niya ngunit ayaw niya naman makita ang kuya niya. Matagal na siyang nagtitiis sa ugali nito ngunit napuno na siya ngayon. Kaya ang nakaisip siya ng effective ngunit ingenious na plano.
Ang maglayas.
Bumuntong-hininga si Faith at nagsimula ng maglakad dala-dala ang isang bagahe at bag. 5000 ang dala niyang pera at hindi niya alam kung ilang araw aabot ang dala niyang pera.
Babalik naman siguro ako sa bahay sa susunod na araw' isip ni Faith.
Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone 8:10 PM.
Hindi niya namalayan ang oras, kaya pala kumukulo na ang tiyan niya.
Binagtas ni Faith ang malapit na fast food sa lugar.
Pagkarating doon ay agad siyang um-order at naghanap ng mauupuan.
***
Sa kabilang banda naman, nagkakagulo sa palasyo ng mgs engkanto.
"Alam nating lahat na hindi nararapat magsama ang isang engkantado at isang mababang uri, ngunit nilabag ito ng isa sa ating mga kasamahan. Para sa akin, nararapat lamang na bigyan siya mg parusa. Ang kamatayan." Wika ng isang matandang engkantado sa hari.
Sumang-ayon naman ang mga kalahi nito ngunit sumenyas ang hari na sila'y tumahimik na kanila namang sinunod.
"Nararapat nga na bigyan siya ng parusa," nagsimulang magbulungan ang mga engkanto.
"Ngunit, hindi kamatayan ang parusang igagawad ko sa kanya." Mas dumami ang ingay ng mga engkanto kaya itinaas ng hari ang kanyang kamay hudyat na kailangamg tumahimik ng kanyang mga kalahi na sinunod naman ng mga ito.
"Ipapadala ko siys sa mundo ng mga tao, at doon matututunan niya ang kasalanang kanyang ginawa."
Pagkatapos ito sabihin ay agad na naglaho ang hari at naiwang tahimik ang bulwagan.
Hindi sila makapaniwala at hindi nila maintindihan ang sinabi ng hari.
Bakit ipapadala ng hari ang kanilang kalahi sa lugar kung saan ito nagkasala? Ano kaya ang plano nito?
Nakahinga ng maluwag si Val. Muntik na siyang ipapatay kanina. Mabutinalang at mabait ang hari. Ngunit siya rin ay nagtataka sa parusa ng hari. Malalim na nag-iisip si Val ngunit kahit ni isang sagot ay wala siyang makuha. Ano kaya ang plano ng kanilang hari sa kanya?
***
Natapos na kumain si Faith Mas doble ang bilis niya sa pagkain ngayon. Naiilang siya dahik kanina pa nakatitig sa kanya ang pulubing mag-ina habang nakalahad ang kamay na parang nanghihingi.
Agad siyang tumayo at lumabas. Nadatnan niya ang dalawa na nakatingin pa din sa bintana kaya dali-dali siyang lumapit sa mga ito.
Napansin ng pulubing ina ang paglapit ni Faith kaya nabaling ang kanyang atensyon dito. Nakatitig lang siya kay Faith at naghihintay sa kanyang gagawin.
Inilahad ni Faith ang ibinalot niyang mga pagkain. Agad itong hinablot ng pulubing ina at naupo sa gilid.
Hindi na nito nagawa pang magpasalamat dahil agad nitong nilantakan ang pagkaing kanyang binigay. Agad na lumisan si Faith ngunit hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Ilang minuto ang lumipas at bigla siyang napahinto. May nakatitig sa kanya. Kanina pa niya ito nararamdaman magmula noong umalis siya pagkatapos bigyan ng pagkain ang mag-inang pulubi.
Ilang oras pa lang siya nasa labas ngunit nanganganib na agad ang buhay niya.
'Holdapper ba 'to o kidnapper?' tanong niya sa kanyang sarili.
Hindi pinahalata ni Faith na naramdaman niya ang presensiya sa likod niya. Normal lang siyangnaglalakad.
Inobserbahan ni Faith ang kanyang paligid. Marami-rami pa ang mgs tao dahil nasa syudad siya at alas diyes palang. Naisip ni Faith na hindi naman siguro siya aatakihin ng sumusunod sa kanya dahil maraming mga tao.
Minabuti ni Faith na 'wag lumayo, paikot-ikot lang siya sa isang malaking puno. Minsang naman umuupo siya sa mga bench. Nararamdaman niya pa rin na may sumusunod sa kanya.
'Ano ba kasing plano nito?' Napakamot sa ulo si Faith. Kung kanina natatakot siya ngayon naman natatawa siya.
'Duwag pala e. Ba't hindi niya 'ko gawing hostage?'
Huminto na sa kakaikot si Faith at umupo nalang. Marami pa naman tao kaya kampante lang siya.
Nakiramdam si Faith sa paligid.
'Nandito pa siya.'
Isang ideya ang pumasok sa isipan niya.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at nagkunwaring nagseselfie. Inunat ni Faith ang kamay niya at nagpeace sign. Kinlick ni Faith ang button at agad tiningnan ang resulta. Tinitigan niyang maigi ang kanyang kuha.
Apat ang salarin niya: una, si Lola na may bandana sa ulo. Nakatitig ito sa camera. Pangalawa, isang buntis, nakatitig din ito, ngunit hindi sa camera kundi sa kaniya. Pangatlo, isang binatilyo, ngunit mas matanda sa kanya ng ilang taon. Pag-apat, si tatang na naninigarilyo.
Tinitigan niya ng maigi kung sino ang kahina-hinala. Imposibleng si Lola at ang buntis. Habang paikot-ikot siya kanina, nasa kanilang pwesto lang ang dalawa. Maaaring nasa dalawang lalaki.
Agad na tumayo si Faith at nilisan ang lugar.
'Bahala na kayo jan sumunod'
Nagsimula siyang maglakad at sa pagkakataong iyon. Hindi na niya nararamdaman na may sumusunod sa kanya.
'Sumuko na siguro'
Lingid sa kaniyang kaalaman, nakatingin ang dalawang pares ng mata sa kaniya. Hindi na ito sumunod dahil alam niyang naramdaman siya ng babae kanina habang sinusundan niya ito.
'Sayang. Jackpot na sana ako doon. Dalaga, makinis at mukhang madaming pera'
Hinintay niyang makalayo ang babae agad din siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan at sinundan ito.
***
Sa kabilang banda naman, nakatingin ang lalaki sa nilalang na naglalakad papalayo.
'Bakit ganun?'
Nagkibit-balikat nalang siya ngunit naagaw ng kanyang pansin ang isang nilalang na nagtatago sa isang malaking kahoy. Nasa gilid siya nito kaya kitang-kita niya kung sino ang tinitingnan nito.
Ang babaeng naglalakad palayo!
Nararamdaman niyang may masamang binabalak ang nilalang na ito laban sa babae. Nagdadalawang-isip siya kung susundan ba niya babae sakaling may mangyaring masama dito ngunit ayaw niyang makialam sa buhay ng iba. Pero hindi din kaya ng konsensiya niya ang hayaan ang babae na mapahamak.
'Para san pa 'tong kakayahan ko kung hindi ko naman gagamitin?'
Agad siyang tumayo at pinagpagan ang sarili. Nagsimula na siyang maglakad upang palihim na sundan ang babae.

Chapter 3
Habang naglalakad, nakiramdam si Faith sa paligid.
'Mukhang tumigil na ata siya kakasunod sa 'kin.'
Lumingon si Faith sa likod. Wala nga. Siya lang mag-isa. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Ngunit isang bagay ang pumasok sa isip niya.
Hindi niya kabisado ang bahay ng kaibigan niya!
"Tanga!" Kinuha niya ang cellphone sa bag. Wala man siyang load, sigurado naman siyang may signal dito. Balak niyang i-message nalang ang kanyang kaibigan sa messenger.
**
Sa likod ng isang malaking basurahan, palihim na tiningnan ng isang lalaki ang babaeng kanina pa niya sinusundan.
Kabisado na niya ang mga ganitong biktima bukod sa may dala itong madaling bag at bata pa ito, mukhang kagagaling kang nito sa pag-iyak.
At ang ganitong klase ng tao, madali lang targetin.
Inapakan niya ang upos na sigarilyo at nagsimula ng maglakad patungo sa babae.
Napakamot naman sa ulo si Angela. Akala niya may signal sa lugar ngunit wala pala.
"Miss, kailangan mo ng tulong?" Nagulat siya sa biglang pagsalita ng isang lalake. Nilingon niya ito, ito iyong lalaki kanina, isa ito sa mga suspek niya. Kumunot naman ang noo ni Faith.
"Sabi ko kailangan mo ba ng tulong?" pag-uulit niya. Agad namang umiling si Faith. Naisip niya, bakit naman niya kailangan ng tulong? Mukha ba siyang nangangailangan ng tulong mula sa iba? Agad na tumalikod si Faith at nagsimulang maglakad.
Ngunit napahinto si Faith ng bigla siyang hawakan sa braso ng lalake. Napatingin naman kaagad si Faith sa kamay nito na nakalagay sa balikat niya.
Pagkatapos ay nabaling ang kanyang paningin sa mukha ng lalake. "Alisin mo nga ang kamay mo sa balikat ko," mataray na sambit ni Faith. Ngunit hindi nakanig ang lalake sa kanya, bagkus ay mas lalo pang hinigpitan ang pagkakakahawak sa kanya.
"Alisin mo nga ang kamay mo sa balikat ko, pwede kitang ireklamo sa mga pulis dahil sa paghawak mo sa akin," sambit ni Faith habang nakatingin sa kamay ng lalake na nakapatong sa balikat niya.
"Oo na sige, aalisin na o. Pero samahan mo nalang ako saglit doon banda," sabi ng lalake sabay turo sa isang makahoy na lugar. Napakunot naman ang noo ni Faith sabay irap.
Marami naman talagang rapist na gumagala dito sa lugar nila. At sobrang minalas siya ngayon dahil nakatagpo pa siya ng isa.
Halos lahat na nga ata ng kababaihan dito ay marunong na ng self-defense dahil sa mga pagala-galang mga gunggong.
"Ayoko, nagmamadali ako," sabi ni Faith at agad na tumalikod. Hindi pa siua nakunteto at mabilis na tumakbo. Lumingon naman siya sa likuran niya at nakitang tumatakbo rin patungo sa kanya ang lalake.
Nataranta siya ng konti. Ikaw ba namang habulin ng isang estranghero na mukhang rapist.
Dinoblehan ni Faith ang bilis niya ngunit paglingon niya sa kanyang likuran ay nakita niyang nakakahabol sa kanya ang lalake. "Naka-drugs ba siya?" hingal na sabi ni Faith habang patuloy na tumatakbo.
Madilim na ang paligid. Kinuha ni Faith ang opurtunidad na ito para lumiko sa isang eskinita. Hindi alam ni Faith kung bakit pero mas nakakakita siya ng maigi sa dilim. Huminto si Faith sa pagtakbo at naghanap ng mapagtataguan. Nakakita naman kaagad siya ng isang basurahan. Agad siyang nagtungo rito at nagtago. Nakiramdam si Faith sa paligid. Matalas rin ang pakiramdam ni Faith. Isa sa mga bagay na nagpapaniwala sa kanya na espesyal siya.
“Miss, asan ka ba? ‘Wag mo naman akong pahirapan o,” narinig na sabi ni Faith ng lalake. Ngunit hindi uto-uto si Faith. Nanatili siyang nakatago sa basurahan. Napatakip naman si Faith sa ilong niya dahil sa naamoy niya. Mukhang nanggagaling ito sa basurahan.
Hindi kinaya ni Faith ang amoy kaya dahan-dahan siyang umatras papalayo sa basurahan, ngunit hindi niya namalayan ang isang bote na nasa likuran niya. Naapakan niya ito kaya gumawa ito ng tunog. Napapikit nalang si Faith sa mga mata niya. “Tanga,” mahinang bigkas niya. Dahan-dahan naman siyang tumayo, umaasa na hindi iyon narinig ng lalakeng sumusunod sa kanya. Ngunit ng biglang tumayo si Faith ay nagulat siya dahil nasa harapan na niya ang lalake.
“Huli ka!” sigaw nito dahilan para mapatilo si Faith. Nagulat kasi siya dahil mukha nito ang bumungad kaagad sa kanya. Hindi sinadyang nasuntok ni Faith sa mukha ang lalake. Pati si Faith ay nagulat sa ginawa niya pero kinuha niya ang oportunidad na ito para tumakbo.
Ngunit sadyang matigas ang mukha ng lalake dahil hindi man lang ito natinag. Parang dumugo lang ata ang ilong. “’Wag ka na kasing tumakbo. Samahan mo nalang ako sa ospital dahil ikaw naman ang nagpadugo ng ilong ko,” narinig na sabi ni Faith ng lalake. Hindi ito pinansin ni Faith at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.
“Miss ‘wag ka maarte! Hindi ka naman mabango!” sigaw ng lalake sa kanya. Doon ay napahinto si Faith. Amoy na niya naman ang piangdidiskitahan. Nauumay na si Faith marinig ‘yon kaya huminto siya.
“Ano’ng sinabi mo?” iritang tanong ni Faith sa lalake. Kahit na madilim ay kitang-kita ni Faith na papalapit ang lalake sa kanya. Hindi gumalaw si Faith sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatayo, hinihintay ang lalake. Nakangisi namang lumapit sa kanya ang lalake.
“Sabi ko, ‘wag kang maarte dahil hindi ka maamoy. Maganda ka lang pero sobrang baho mo,” pang-aasar na sabi ng lalake. Halata namang nang-aasar lang ito. Pero madaling maasar si Faith.
Nang tuluyang makakapit ang lalake sa kanya ay agad na sinuntok ito ni Faith. Hindi agad nakabawi ang lalake dahil sa sobrang gulat kaya itinuloy ni Faith ang kanyang pag-atake. Lahat ng galit niya ay ibinuhos niya doon sa katawan ng lalake.
Ngunit dahil sa galit niya ay doon din siya nawalan ng pokus. Nakakita agad ng pagkakataon ang lalake na kasalukuyang nakahiga na gumanti dahil nakita niyang hindi nakapokus ang mga mata ni Faith sa kanya. Nang akmang susuntukin siya ng dalaga ay agad niyang sinalubong ang dalawang kamay nito. “Huli ka,” nakangising sabi ng lalake. Parang nagising naman kaagad si Faith ng mahuli ng lalake ang kamay niya.
Nagpupumilit siyang makatakas ngunit mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. “Ngayong sinira mo ang mukha ko, gagawin ko rin ang ginawa mo sa akin. Sa ganoong paraan, wala ng magkakagusto sa ‘yo,” sambit ng lalake, paglatapos ay iniganda ang kamao na may singsing. Ngunit hindi ito ordinaryong singsing. May mga matatalas na bagay ang nakadisenyo sa singsing. Paniguradong kapag tumama ‘yon sa kanya ay masusugatan kaagad ang mukha niya.
Ipinikit ni Faith ang dalawang mata niya ng akmang isusuntok na ng lalake ang kamao niya. Ngunit imbes na suntok amg maramdaman ni Faith ay isnag katawan ang bumangga sa kanya, dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba.
Napabuklat naman si Faith sa mga mata niya at nagulat ng makita ang lalake kanina na walang malay habang nakadagan sa kanya. Sinubukan niya itong yugyugin pero hindi ito nagising.
Napatingin naman kaagad si Faith sa gilid niya ng makaramdam ng isang presensiya. Dali-dali siyang umalis sa pagkakahiga niya at inihanda ang kanyang sarili sakaling atakihin din siya. Hindi niya nakita ang nangyari dahil nakapikit ang mga mata niya. Hindi niya rin naramdaman ang presensiya nito ng papalapit ito sa kanila kaya nagtataka si Faith. Sino kaya ‘yon?