Browse stories

CARRYING THE CEO'S CHILD

Language: fil

Growing up in a broken family makes Kiara's life miserable and unlivable. Living with his father's new family forced her to do everything, just to be a good daughter in his eyes. She chose to be a home-school girl just to prove herself and to fit in with her father's family. Not until her stepmother framed her for sleeping with a random guy. Afraid and confused, she ran away, without knowing who the guy was she slept with. But all of the sacrifices and the image she built slowly crumple when she finds out that she's pregnant with someone else's baby. What will happen if she finds…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Kiara ano ba!? Bilisan mo nga? Masyado kang makupad! " Halos magkandarapa ako sa pagbihis, hindi ko na nga naayos ang buhok ko sa pagmamadali at agad nang bumaba.


"S-sandali lang p-po!"


"Nakakapamura ka talagang bwisit ka! Bilisan mo! " Tinulak ako nito palabas na halos kamuntikan ko nang ikadapa, ngunit hindi ako nagreklamo at parang asong sumunod sa kagustuhan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, ang alam ko makikipag dinner kami sa isang matalik niyang kaibigan, wala si Dad dahil masyado itong abala sa kaniyang negosyo, palaging si tita Alexis ang nakakasama ko.


"Huwag kang patanga-tanga mamaya naiintindihan mo ba?! Kung hindi paglalakarin kita pauwi!" Banta niya sa akin, kaya agad akong natakot at napatango na lang.



"O-opo," hindi ko alam kung bakit pa niya kasi ako isasama, napakarami ko pang tatapusin na plates.


Ngunit wala naman akong magagawa kung hindi sundin siya dahil hawak-hawak niya ako sa leeg. I can't tell dad, dahil sa t'wing susubukan ko, pinagbabantaan ako ni Tita Alexis. Mabuti na lang at wala si Chona, dahil kung hindi doble-doble na ang sakit ng katawan at ulo ko dahil sa mag-inang 'to na madalas akong pagtulungan, pero hindi ko magawang makalaban. Nakarating kami sa isang hotel, may nag assist sa amin papasok sa restaurant nito hanggang sa makaabot kami sa loob ng VIP room.


"Smile Kiara, kung hindi malilintikan ka sa 'kin," pinilit ko ang sarili kong ngumiti nang marinig ang banta ni Tita. "Hello, Friend how are you?"


"I'm fine, I'm fine have a seat," nakipag beso sila sa isa't-isa habang ako'y parang tangang nakangiti.



"Oh! Is she your daughter?" Pekeng ngumiti si Tita na akala mo talagang totoo, marahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako na para bang mahal na mahal niya ako. Napakaplastik at mapagpanggap!


"No dear, she's my step-daughter but! Don't mind it, I love this girl."

"Wow! I like the bond ha, come on hija sit down," nagulat ako nang makitang may mga alak sa harapan namin. Hindi ako umiinom, pero pinagsalin ako ni Tita at ngumiti sa akin. "Let's eat first, don't be shy hija? What's your name again?"


"I'm Kiara po," magalang na sabi ko, habang may ngiti sa mga labi. " I love your name, beautiful like you."


"T-Thanks po," nahiya ako bigla sa kaniya, she seems too classy and kind nakakahiyang makipagusap sa mga katulad niya.


"Anyway friend, gaano ka na katagal dito?"



"Oh, kararating ko lang actually kasama ko 'yong anak ko, 'yong isa ko namang anak na babae naiwan sa Germany."


"Your son is already here?! Sayang naman wala pa ang Chona ko," Humalakhak ang magandang ginang sa harapan ko, she's very graceful.

"It's okay, pwede pa naman sila magkakilala sa susunod, we will stay here for the mean time."



"Aba'y dapat lang, bagay na bagay sila ng anak ko 'no? Sana sila ang magkatuluyan."



"Well, let see dear---matatanda na sila, kaya na nilang mag desisyon ng hindi ako nangingialam," sana lahat ng ina katulad niya, hindi hinihigpitan ang anak niya sa taong magugustuhan nito. Tahimik akong kumain at nakikinig sa kanila. "So, Kiara dear? Ano nga ulit course mo?"


"Architecture po," Nanlaki ang mata niya.


"So you're going to be an architect too?!"


"Yes p-po."


"Wow! My daughter is an architecture student too. She's currently studying in Germany," natigilan ako and somehow, I remembered Mavis. Namimiss ko na siya, sa t'wing naiisip ko siya naiiyak na lang ako. Gusto ko na siyang makita ulit at makasama pero, hindi ko alam kung babalik pa ba siya? Magkikita pa ba kami? Matapos kasi ng insidente na nangyari pinadala na siya ng kuya niyang si Meast sa Germany.


"Really?"



"Yes and she's really great, kaya naman I really have a soft heart for architecture students."




"Yeah, and my daughter is an architecture student too," napaangat ang tingin ko kay tiya at nagtataka itong tiningnan.




Hindi naipasa ni Chona ang prelim sa architecture kaya nag shift siya ng course, business ang kinuha niyang sunod kaya 'yon ang pinagaaralan niya at hindi architecture.


Anong sinasabi ni tita? Nang lingunin ako nito'y pasimple niya akong sinamaan ng tingin. I get it, she lied to make her daughter great.




Natahimik na lang ulit ako at nagpatuloy hanggang sa napagpasyahan nilang mag-inuman na. Nanunood lang ako when Tita Alexis gave me a shot. "Come on my dear you're old enough, 22 ka na."



Nanginginig ang kamay na tinanggap ko 'yon, napuno ng kwentuhan nila ang VIP room habang paminsan minsang nagtatawanan at madalas din akong abutan ni tita ng basong may laman na alak, agad ko namang iniinom sa takot na magalit siya. Hilong-hilo na ako, unang beses kong uminom at talaga namang napakahina ko sa bagay na 'to, ganito ba talaga ang epekto ng alak?


"Oh, wash room lang ako ah," nagpaalam ang ginang na kasama namin at naiwan kami ni tita. Nakasandal na ako sa couch at hindi na gaanong kalinaw ang paningin ko. Nahihilo na ako at parang gusto ko na lang matulog. Mayamaya ay biglang may pumasok na natitiyak ko'y isang crew.



"Are you sure, lalaki ang nasa room na 'to?"


"Yes po ma'am."


"Nandon na ba siya ngayon?"


"Opo, nakusap ko na rin po and he's expecting na rin po na may babaeng darating... Mukha rin naman pong mahilig sa babae, at isa rin po siya sa VIP guest ng hotel, kaya akala niya regalo ang babae for him."


"Good, pakialalayan siya paakyat sa floor kung saan naka reserve for her. Give her the card."


"Sige po ma'am," Hindi ko na maintindihan ang pinaguusapan nila, hanggang sa maramdaman ko na lang na may umalalay sa 'kin patayo at sinamahan ako kung saan. I am just groaning with my eyes shut.


"Dito na lang po ako ma'am, swipe niyo na po dyan 'yong card niyo nang makapagpahinga na kayo."




Agad niya akong binitawan kaya mabilis akong napalapit sa pintuang nasa harapan ko. With my eyes half open I swiped the card, hanggang sa bumukas iyon. Muntik na ako matumba ng makapasok, mabuti na lang ay may mga kamay na sumalo sa akin. I groaned as I wrap my hands around his body.



"What the fuck? Why is this woman, drunk?" He cursed. The sounds of his voice was so fucking hot and sexy. Binuhay nito ang kung anong pakiramdam sa loob ko. I feel so hot. And this is odd. Bakit ako nakakaramdam ng ganito? It was kind of heat unfamiliar to me.





Nahihilo na ako, nanlalabo na rin ang paningin ko, I am trying to look at him to see his face but I couldn't. I smiled unconsciously, before trying to reach for his lips when he stopped me by embracing me. Mabilis niya akong itinulak sa kama habang nakaibabaw siya at tinititigan ako, habang tanging pagpikit lang ang nagawa ko at napayakap sa kaniya.


"Y-you're handsome right?" I laughed drunkly. Inaaninag ko ang buhok niya, na nasisinagan ng konting liwanag mula sa lampshade. Hindi ko masyadong makita dahil medyo madilim ngunit natitiyak kong hindi 'yon itim.



"And sexy." I laughed again before biting my lip.


"Who are you? Why do I feel like you're not... " He trailed off. His voice once again lingers in my ears. Malalim, namamaos at nakakapanindig balahibo.



"I-I'm..." hindi ko masabi, until I felt his breath against my lips. Mabilis kong tinakpan ang labi ko gamit ang likod ng aking kamay na agad naman niyang kinatigil, hinalikan niya ang palad ko kaya unti-unting dumulas ang kamay ko pababa, hinanap iyon ng mga kamay niya at unti-unting pinagsalikop bago niya tuluyang nasakop ang mga labi ko.




His warmth, the softness of his lips, makes me want more of him. Unti-unti akong bumibigay sa kagustuhan niya. He introduces me to a very unfamiliar feeling. He kisses me so gently and expertly. His tongue runs over my skin. He looked at my body with admiration. Clothes left our skin and I gripped onto the softness of his hair. I moan. He curses, slowly filling me with that thing pulsating inside of me.



I cried in scorching pain. He stopped. I can feel his body tense up. I don't know if he was shocked or what, ngunit kahit masakit ay gusto ko pa ring ituloy niya.

"F-Fuck, woman... You've never been... Y-You're a virgin!"



"Y-Yeah... but I want it... Please." I said, completely losing myself.


"No, no." He was about to move away, but I encircled my legs around his body to keep him inside me.

"Please... I want you."


"Damn it! " defeated, he kisses me, as if trying to soothe the pain. He was kneading my mound, slowly moving to achieve what we both wanted, and we fell asleep in our sweet exhaustion.







Napabalikwas ako ng bangon at agad na dumaing ng makaramdam ng sakit sa buong katawan, maging sa pagitan ng mga hita ko. Tears began escape my eyes when realization hits me. Fuck! I'm doomed! Mabilis akong nagbihis ng hindi na tiningnan pa ang lalaking katabi ko saka nagmadaling tumakbo palabas. Only I saw before I left was the color of his hair. Blue. And his bare back.




How did I get in there? Dapat ay kasama ako ni tita pauwi. 'Di alintana ang itsura ko, I asked the girl in the front desk after I turned over the card I have.


"Miss, may nag check-in bang Alexis Jeronimo rito?" Agad niyang tiningnan sa records.




"Wala po ma'am e." fuck! Patay talaga ako. Mabilis akong nagpasalamat at sumakay pauwi. Mabuti na lang may nadala akong pera, sapat para sa pamasahe ko pauwi.Nagmadali akong pumasok sa bahay at isang malakas na sampal ang sumalubong sa 'kin. Napaiyak na lang ako sapo ang pisngi ko habang takot na takot na tiningnan si Tita Alexis.



"Where have you been Kiara?!" galit na galit niyang tanong.

"T-Tita h-hindi ko p-po alam, patawad p-po."



"Natututo ka ng maglagalag?! Nagpaalam ka sa 'kin kagabi na mag w-wash room ka lang tapos hindi ka na nakabalik!? Saan ka nagpunta?! Saan ka natulog?! Sumagot ka?!"




"S-Sorry p-po, hindi k-ko po t-talaga alam nagising na lang ako nasa isang kwarto na ako sa hotel n-na 'yon." Umiiyak na sabi ko at hindi matuloy-tuloy.




"Tapos?! Magsabi ka ng totoong deputa ka!"


"T-tapos, tapos may lalaki---"

"What?!" Mabilis niyang hinablot ang buhok ko para maitayo ako na mas kinaiyak ko naman.



"Napakalandi mo! Nagawa mo pa talagang makipagsiping sa lalaking hindi mo kilala?!"



"What's that again? Is that true?" agad akong nanigas ng isang malalim na boses ang umalingawngaw sa buong bahay, galit at nakakatakot.



"D-Dad."


"Is that true?" umiyak lang ako pero hindi ako nakasagot. "Answer me Kiara is that true?!" Mas lumakas ang iyak ko at marahang napatango hanggang sa isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya na dahilan ng pagbagsak kong muli sa sahig.


"D-Dad I'm s-sorry, h-hindi ko po talaga alam." Pagmamakaawa ko habang malakas na umiiyak at nakaluhod sa harapan ni dad. Pasimple lamang na nakangisi si Tita Alexis habang pinanonood kami na tila nasisiyahan sa kaniyang nakikita.

"Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa 'yo! Binibigay ko naman lahat sa 'yo hindi ba?!"


"D-Dad hindi----hindi gano'n, maniwala ka po sa akin."

"You're so ungrateful! Pinakikisamahan ka na nga ng maayos ng Tita Alexis mo, ganito pa ang isusukli mo sa amin!? Hindi ka pa man din tapos sa college!"



"D-dad... "

"You're not going to leave this house. Kapag umalis ka pa rito, 'wag na 'wag ka nang babalik naiintindihan mo?!" Naiwan ako roon na umiiyak. God knows I didn't know what really happened, sakit lang ng ulo ang nararamdaman ko pero halos wala akong maalala. Nanghihina akong tumayo at naglakad papasok sa kwarto ko. I was so damn, wasted. Someone took my virginity and I just let him, nalaman ni dad ang nangyari at ako nanaman ang nasisi. Palagi namang ganito hindi siya naniniwala sa lahat ng pagpapaliwanag ko. Wala akong kakayahang depensahan ang sarili ko, dahil wala namang nakikinig at balak maniwala. All my life, since mom left, I never had a chance to be happy. Palaging pakiramdam ko'y pinipilit ko lamang ang sarili kong makibagay at manatili sa lugar na hindi na para sa 'kin. I am trying to fit in with this family. I am trying to find love and happiness in the same place where I've lost it.



Unti-unti akong pinapahina ng lahat ng sakit at paghihirap na tinamo ko sa ilang taong nanatili ako rito. I chose to sleep, trying to heal from the pain they caused me. At the very least, I was hoping that when I woke up, everything would be all right.



But I'm wrong.



What I find out just fuels the pain.



Ilang linggo pa ang lumipas na nanatili ako sa bahay, hindi makalabas hindi makapasok sa school at hindi magawa ang gusto. Para akong nakakulong sa hawla, parang isang ibon na hindi makalaya.


Mabilis akong napabangon kinaumagahan sa pakiramdam na bumabaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako sa loob ng cr at saka dumuwal sa sink hanggang sa wala na akong mailabas. Tumulo ang luha ko dahil sa panghihina at sunod-sunod na pagduduwal. I washed my pale face as I stares at my reflection. Para akong nahihilo sa panghihina until I heard knocks from my door. Marahan ko iyong nilapitan at binuksan. Bumulaga sa akin si yaya Emma, ang kaisa-isang yaya na nag-alaga sa 'kin.




"Hija kumain ka na, buong araw at magdamag kang hindi kumain," Nanghihina akong naupo at tinitigan ang pagkain na inilapag niya. Titigan ko palamang iyon ay hindi ko na agad nagustuhan ang amoy. "Hija ayos ka lang ba?"




"Nandyan po ba sila daddy, Yaya?"



"Wala ang daddy mo, pero ang Tita Alexis at si Chona nasa baba." Tumango ako at tinitigan siya.


"Bakit hija?"

"Pupunta po ba kayo sa grocery?"


"Oo at maraming kailangang bilhin, may pagkain ka bang ipabibili o gustong ipabili?" Umiling ako.



"Iba po ang ipapabili ko sana," Mataman niya akong tinitigan.


"Pwede niyo po ba akong ibili ng dalawang pregnancy test?" Nagulat siya sa sinabi ko ngunit agad siyang tumango.



"Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin."


"Salamat po." Agad na siyang umalis at iniwan ako saka ang pagkain na hindi ko magawang tikman, tanging 'yong prutas at tinapay lang ang kinain ko saka ininom ang gatas, dahil iyon lang ang kayang tanggapin ng tiyan ko. Ilang oras akong naghintay hanggang sa bumalik si yaya dala ang PT. Bumaba rin siya pagkatapos kaya agad na akong pumasok sa cr at ginawa ang proseso hanggang sa makita ko ang resulta na kinasikip ng dibdib ko. Gusto kong maging masaya, pero pinangunahan ako ng takot at pangamba.

Positive, Buntis ako.



Paano ko siya bubuhayin gayong hindi ko alam kung paano ko pa bubuhayin ang sarili ko? Napaiyak na lang ako at napahawak sa tiyan ko. I am so fucked up! Mapapatay ako ni dad kapag nalaman niya 'to. Or worst baka... baka ipatanggal niya ito.




I can't lose my child.


Wala siyang kasalanan, pero paano ko siya bubuhayin? Ilang araw at Linggo pa akong nagtitiis, still thinking how to deal with this all alone. Muli kong kinuha ang box na pinaglagyan ko ng dalawang PT na ginamit ko, until now it was my and yaya's secret. I was lost in choosing what to do when the door opened, pumasok doon si Tita at Chona. Nakita nila ang hawak ko at huli na para maitago ko iyon.

"Buntis ka?!"

"Napakalandi mo talaga!" Malakas akong sinampal ni Tita.


"T-Tita please tama na p-po!" Pilit kong sinasangga ang bawat sampal niya takot na mapahamak ang anak ko. I'd rather took all the pain just to save my baby. Siya na lang ang meron ako ngayon.

"Napakalandi mo talaga Kiara! Mommy naman kasi bakit pinapatuloy mo pa 'yang malandi na 'yan dito!?"


"Ngayon hindi na! Lumayas ka na rito! Napakalandi mo! I'm sure palalayasin ka rin ng daddy mo kaya pinapalayas na kita! Lumayas ka na at 'wag ka nang babalik! Hindi ka nababagay dito naiintindihan mo?! Layas!" Kinaladkad niya ako palabas ng kwarto ko still crying, wala man lang akong nadala sa gamit ko ni isa. Kahit man lang sapin sa paa ay wala.


Hila-hila ako ni tita sa buhok hanggang sa makarating kami sa baba, maids are just watching, they can't do anything to help me, sinubukan ni yaya Emma na tulungan ako pero pinagbantaan siya ni Tita.


I was begging for her to let me go, ang sakit-sakit na ng ulo ko. It was raining outside, hanggang sa makalabas kami ng gate ay hila-hila niya ako at tinulak bago pinagsarahan.


"Tita! Tita no! Please! Buksan niyo 'to! Please parang awa niyo na, kahit para sa baby ko lang parang awa niyo na!" I cried, begging for them to open the gate for me. Sobrang lakas ng ulan at halos mamaos na ako kakasigaw at kakakalampag sa gate. Nanghihina na ang mga tuhod ko, I can feel my lips bleeding because of her slaps. Sumasakit na rin ang ulo ko at ang mga mata ko kaiiyak.



'Di 'ko magawang tumahan, I started to walk without any direction. Hinang -hina, umiiyak at 'di na alam ang gagawin hanggang sa mapaupo na lang ako, dahil kahit ang humakbang ay naging mahirap na para sa akin.


'Baby, kapit ka lang kay mommy ha? Hahanap si mommy ng paraan anak. Bubuhayin kita, 'bibigay ko sa 'yo lahat ng bagay na hindi ko kailanman nakuha. Just please hold on, 'wag mo akong iiwan.'


I was crying the whole time, sumasabay ang ulan sa nararamdaman ko, sa bawat patak ng luha ko'y siya ring patak ng ulan sa katawan ko. And when I was so confused about how to live, a pair of shoes appeared in front of me, and the rain stopped because of the umbrella he was holding. Nang mag adjust ang mata ko ng sandaling umangat ang tingin ko sa mukha niya, ay unti-unti akong pinanlakihan ng mata.




"What the fuck?! Magpapakamatay ka ba ha!?" I can't speak. Naiwan akong nakatulala sa mukha niyang napakatagal kong hindi nakita.


"Get up woman, you're blocking the way." Ma-authoridad na sabi niya, kaya marahan akong tumayo habang titig na titig pa rin sa kaniya.


"M-Meast?" hindi ako pwedeng magkamali, hindi ko makakalimutan ang mukha niyang kinabaliwan ko noon. Isama mo pa ang buhok niyang asul. Asul? Asul na buhok? At that moment, bumalik ang alaala ko noong umagang iyon... That can't be. Hindi siya 'yon Kiara! Mabilis kong inalis sa isip iyon. Hindi ako sigurado, maraming lalaki ang asul ang buhok dito sa mundo, hindi ako nakakasiguro na ang lalaking 'yon, at si Meast na matagal ko ng gusto ay iisa.



"Do I know you?" hindi niya ako matandaan, malamang sa ilang taong hindi kami nagkita. Hindi naman niya ako gano'n kakilala. Muli na sana akong magsasalita ng tuluyan akong mahilo at unti-unting nilalamon ng kawalan. Ang huli ko na lang natandaan, ay bumagsak ako sa katawan niya.


Maybe that's how this one-sided love story started. A one-sided love that he will never reciprocate.

Chapter 2

Nakatulala lang ako sa napakagandang kwarto kung saan ako nando'n. Kanina pa ako nagising ng mabigat ang pakiramdam pero hindi ko magawang kumilos. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ang katawan ko, maraming parte ang sumasakit at parang ito lamang ang unang beses na nakapagpahinga ako.


Hindi pa man ako nakakaayos ay may pumasok na agad na isang katulong, may bitbit itong tray ng pagkain, gatas at ilang mga hiniwang prutas.



"Hija, kumain ka na muna."




"S-Si Meast po?"




"Nasa trabaho, maagang umaalis si Sir t'wing weekdays, namamalagi lang siya rito ng buong araw t'wing Sabado at Linggo."




Sa pagkakaalam ko'y isang leader ng mafia si Meast, isang mafia organization na nagpapatumba sa mga mafia organization din. Isa iyon sa sekreto niyang nalaman ko noon,  bukod pa do'n ay kilala siyang isa sa successful na business man sa buong Asia. His name was very known in business industry, alone with himself he built a kingdom he wanted. He's much powerful than you could ever imagine. Hindi biro ang impluwensiya at connections niya. Kaya marami rin ang takot na kalabanin siya sa kahit anong larangan, even my dad is afraid of him.



He's a billionaire CEO of Schneider Real state and housing group of companies. Marami pa siyang business bukod doon na hindi ko na magawang banggitin. Madalas ko siyang makita sa mga magazine, may isa pang magazine na halos siya lang ang naka-feature.


Hindi ako makapaniwalang nasa lugar niya ako ngayon.


"Ano bang nangyari sa 'yo? No'ng iuwi ka rito ni sir kagabi basang basa ka't putlang-putla, napakarami mo ring sugat at pasa."


"Nagkaroon lang po ng aksidente, sa bahay, saka---" hindi ko alam ang sasabihin, kung itatanggi ko'y hindi ko alam kung saan ako pupulutin.


"Saka?"



"P-Pinalayas po ako sa 'min."


"Jusko paano kung hindi ka natagpuan ni Sir? E! baka napahamak ka na."



"Laking pasalamat ko nga po no'ng dumating siya," nangingiting sabi ko habang inaalala ang kung paano ko siya nakita at kung paano ko siya nakilala noon.


"Oh hala't kumain ka na muna," napansin ko ang braso kong may ilang band aid, malamang ay para sa mga galos ko mula sa kuko ni tita Alexis na tumama noong sampalin niya ako ng ilang beses. Habang kumakain ay hindi mawala sa isip ko ang pagaalala tungkol sa batang dinadala ko.


"Maiwan na muna kita hija."

"S-sige po, maraming salamat po rito."

"Walang anuman kapag tapos ka na tawagin mo lang ako," Tumango lang ako at marahang tumango sa kaniya. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto kaya unti-unti ring nawala ang ngiti ko at natulala sa kawalan. Hindi ko maaaring sabihin sa kanila kung ano ang meron sa akin.

I need shelter, food, clothes, money and protection. Hindi ako makakapayag na makawala rito. I need to stay, and Meast could help me.

Titiisin ko lahat ng posibleng mangyari basta ang mahalaga manatili ako rito. I won't tell Meast about my pregnancy, kahit ilang buwan lang habang hindi pa ako makaipon kailangan ko siya. Kahit maging katulong niya lang ay papayag ako at kapag nakaipon na ako, ay magpapakalayo-layo na ako sa lugar na ito at ipagpapatuloy ang pagbubuntis ko. Nang makatapos ay pumasok muna ako sa bathroom at nagulat ako ng matitigan ang sarili ko.


Halos tumulo na lang ang luha ko ng makita kung gaano kamiserable ang naging buhay ko sa puder nila.





I have bruises on the sides of my lips, may cuts din do'n at ilang galos sa pisngi kong namumutla na. Isama mo pa ang pamamaga ng mga mata ko sa kakaiyak at pangingitim ng ilalim no'n na nagmistulang mata ng panda. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang inaalala lahat ng pinagdaanan mula noon. Ito ang unang beses na nakawala ako at kailanman wala na akong balak pang bumalik.



Iisa na lang ang mayroon ako at iyon ang anak ko, tawagin na akong manggagamit o gold digger pero kung kinakailangang kumapit ako sa patalim kakapit ako para mabuhay kaming pareho. Nag tooth brush lamang ako at piniling bumaba, suot pa rin ang pajama na medyo malaki, natitiyak kong panglalaki iyon at isipin ko pa lang na kay Meast iyon ay nasisiyahan na ako.



Marahan ang ginawa kong pagtapak sa marmol na sahig, wala akong sapin sa paa na hindi ko na inalintana. Nagulat pa ang katulong na nagdala ng pagkain sa akin kanina.



"Naku! sabi ko naman sa 'yo tawagin mo na lang ako."

"Hindi na po kaya ko naman nang bumaba."



"Kiara?" nanigas ako bigla sa narinig na boses. Tila bumagal ang lahat at unti-unti kong nilingon ang matandang titig na titig sa akin ngayon. Tulad ng dati'y nakasalamin pa rin ito at ayon nanaman ang pagkakapulupot ng medyo gray na niyang buhok, mukha siyang isang terror na professor sa ayos niya ngunit mabait naman siya ng sobra.


"Tiya Ysabella?" hindi pa rin ako makapaniwala. Agad akong naglakad
papalapit sa kaniya at niyakap siya.

"D'yos ko! Ikaw na bata ka anong nangyari sa 'yo ha?"

"H-hindi ko p-po kayang sabihin, pero masaya po akong m-makita kayo ulit."

"Ako rin naman, ilang taon din kitang hindi nakita."


"Si Mavis po ba? Nandito rin po ba siya?" umiiyak na tanong ko.


"Nagpaiwan si Mavis sa Germany, tanging kami lamang ng kapatid niyang si Meast ang umuwi," Unti-unti akong nanlumo.

"Aunt, I told you stop doing the---" biglang nawala sa pandinig ko ang malamig at makamandag na boses na iyon na kilala ko kung sino ang nagmamay-ari.


Unti-unti ko siyang sinilip at nagtama ang paningin naming dalawa. Plantsado ang mukha nito at walang kakunot-kunot ang noo, wala ka rin mababakas na emosyon at isang tingin mo lang sa mukha niya ay alam mong napakasungit na. Tulad pa rin talaga siya ng dati.



"Hayaan mo na ako hijo, ito lang naman ang magagawa ko rito sa bahay mo para makatulong."


"Fine but if Mavis finds out, she will curse me."


"Hayaan mo siya, hanggang gano'n lang naman ang kapatid mo sa 'yo."


"How you feeling?" baling nito sa akin na kinalaki ng mata ko sa gulat.


"O-okay naman na."

"Follow me on my office," Sumenyas si Tiya na sumunod na ako, kaya natataranta akong napahabol sa nakapamulsang Meast, pilit ko siyang pinapantayan at inaaninag ang mukha ngunit nanatiling deretso ang tingin niya ng hindi man lang ako pinapansin.


"What happened?" iyon ang bungad niya sa akin ng makapasok kami sa library niya. Sumandal siya sa kanyang table at nakapamulsang tinitigan ako.


Napahinto ako at napayuko while playing with my fingers. Inabutan ako ng kaba,pagdating talaga sa kaniya feeling ko nagmumukha akong tanga.  

"A-Ano kasi p-pinalayas ako s-sa bahay."


"Where did you get that bruises?"

"N-nagalit kasi sa 'kin step mother ko."

"Madalas ka nilang sinasaktan?" Umiling ako.

"Go home," napaangat ako ng tingin at muling nagtama ang paningin namin. Marahan akong naglakad palapit sa kaniya at huminto sa harapan niya habang umiiwas ng tingin.


He's intimidating, hindi ko matagalan ang klase ng mga mata niyang sobrang lamig, bagay sa kaniya ang asul na buhok niya.


"A-Ayoko nang u-umuwi."


"Why?" Umiling ako habang naiiyak na.


"Huwag mo na akong p-pabalikin, promise! Promise lahat gagawin ko, lahat ng gusto mo. Wala na rin kasi akong mapuntahan, I-I can be one of your maid---anything, just please let m-me stay?" Alam ko marami naman akong matitirahan na boarding house. Makakapag apply ako ng trabaho, pero hindi ako safe sa labas.


Naramdaman ko ang mariin niyang pagtitig na tila pinoproseso ang sinabi ko at nag-iisip kung tatanggapin niya ang hiling ko.



"Let's have a deal then."


"A-Ano 'yon?"


"Be my personal maid, you'll do everything what I want you to do, you'll make me my breakfast and dinner, you'll wake me up in the morning, you'll wash my clothes and clean my room, plus the extra services of course when I need you to come with me." Tumango-tango ako.



"O-Okay lang sige gagawin ko," mukha na siguro akong desperada pero malaking opportunidad na ito. "In return, I'll pay you 10,000 a week and everything here is free for you. You can also take that room and plus 20,000 for extra services, is that okay?"

"O-okay na okay, ngayon na ba ako magsisimula?" Excited na tanong ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.



"I just have one rule for you."


"Ano 'yon?"

"You're not allowed to ask me about my personal life, deal?"


"Deal," Nakangiti kong sagot sa kaniya habang siya'y nanatiling walang emosyon habang nakatingin sa 'kin.

Chapter 3

Ngingiti-ngiti akong nakatayo sa gilid ni Meast, habang abala ito sa pag t-trabaho. Grabe ang gwapo-gwapo niya! Especially when he's stretching his neck, at bahagyang nagugulo ang midnight blue niyang buhok.

Napaawang ang bibig ko ng bumaba ang tingin ko sa mga labi niya, bahagya iyon na magkahiwalay habang tutok na tutok ang mata niya sa kanyang laptop.


"My phone... " napansin ko ang kamay niyang nakalahad sa akin, kaya naman namumungay ang mata habang nakangiting nilapat ko roon ang kamay ko, at bahagya niya iyong nahawakan bago ako nilingon ng kunot ang noo. Tiningnan niya ang kamay naming magkahawak. Agad niya 'yong binitawan at kunot-noo akong tiningnan.


"Cellphone ko Kia, cellphone ko at hindi kamay mo," Napaayos ako ng tayo sa masungit niyang pagsalita, natatarantang kinuha ko ang phone niyang nasa kabilang nightstand pala saka 'yon nahihiyang inabot sa kaniya. Aish! Nakakahiya, ano ka ba naman Kia?!


Pinilit kong hindi siya titigan pero hindi ko maiwasan. Hands on na hands on siya sa pag t-trabaho.


"Sir, gusto niyo po ba ng snack? Igagawa ko kayo."



"Go on." tipid na sagot niya na agaran kong sinunod. Bumaba ako sa kitchen at naabutan si Tiya Ysabella na abala sa pagluluto.


"Oh Kiara, may iniuutos ba si Meast?"


"Nag volunteer po akong igawa siya ng meryendahan," kumalam ang tiyan ko sa gutom, lalo na ng maamoy ang niluluto ni Tiya. Baby gutom ka na ba?


"Gusto mo bang kumain muna?"


"P-po? Pero baka ho kasi magalitan ako ni Sir."


"Masyadong busy iyon, bilisan mo na lang ng kain."


"S-sige po," feeling ko kasi kapag hindi ako kumain, maglalaway lang ako kaya pumayag na rin ako, hindi pwedeng magutom ang baby ko. Pinaghain ako ni tiya ng niluto niyang pasta, mayroon din siyang inihain na peach mango pie at iginawa na rin niya ako ng coffee frappe kaya talagang tuwang-tuwa ang tiyan ko.


Halos lumobo ang magkabilang pisngi ko sa rami ng sinusubo ko, dahil na rin sa pagmamadali ng biglaan na lang may pumasok sa kitchen. Nabitawan ko ang kutsara at naiwan ang kakasubo ko pa lang na pasta sa bibig ko, dahilan para lumobo ang pisngi ko habang nakatingin sa lalaking salubong na salubong ang kilay habang nakatingin sa akin.


Fuck!


"I thought you're going to prepare my snack?" Nalunok ko ng wala sa oras ang 'di ko pa nangunguyang pasta sa kaba.

"N-nagutom po kasi ako, s-sorry."


"Ay hayaan mo na hijo si Kia at masipag naman 'yan, oh eto sabay na kayong kumain," Salubong pa rin ang kilay ni Meast nang umupo ito sa harapan ko at pinakatitigan ako.

"Next time, don't make me wait understood?"

"O-opo." 'Di na ito nagsalita at tahimik na lang na kumain. Medyo nahiya na ako kaya konti na lang ang sinusubo ko. Kunwari mahinhin kasi nasa harap si crush. Baka kung ano isipin niya sa akin.

Hindi naman na ako nito tiningnan at derederetso lang kumain, bago tumayo saka uminom ng juice at agad na umalis ng walang sabi-sabi.


"Pagpasensyahan mo na hija, masungit talaga ang batang iyon. Lalo na sa mga babaeng 'di niya type." Aray! Grabe naman itong si Tiya mapanakit.

"E! Ano po bang type niya?"

"Hindi ko rin alam, wala naman 'yang sineseryoso. Pero sigurado akong hindi katulad mo." another ouch!

But, really? Tama pala 'yong naririnig ko dati sa kaniya, marami siyang nakaka one night stand na babae, at nagiging fling pero wala siyang sineryoso. Napakapihikan daw kasi pagdating sa babae at ang hirap abutin ng standard.


Oh e'di siya na, akala mo naman perfect siya! Pero ang gwapo niya! Sana kung lalaki si baby ko maging kamukha niya. Napangiti ako sa kagagahan ko. Pag kaya siya ang pinaglihihan ko, maging kamukha kaya ni baby ko?


Fuck it Kia ano bang iniisip mo?


Matapos kumain ay agad akong umakyat para silipin ang suplado kong boss at nahuli ako nito agad na siya namang kinakaba ko. May kausap ito sa phone ngunit nanatiling salubong ang kilay habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at marahang pumasok.



Mayamaya lang ay tapos na niya ang pakikipagusap kaya agad niya akong nilingon.

"I need your help."


"Ano po 'yon?" Mabilis akong lumapit sa gilid niya at tiningnan ang kung anong ituturo niya.

"See these documents?"

"Yes sir." Tumango ako ng ilang beses  habang sinasabi iyon at nakatutok sa screen ng laptop niya.


"I want you to check it words by words, siguro naman kaya mo 'yon 'di ba?"


"Yes Sir! Nag-aaral po ako ng architecture e!" Kumunot ang noo niya ng sabihin ko iyon kaya awkward akong napangiti na hindi naman niya pinansin at inabot na ang laptop niya. Naalala na kaya niya ako?

Ako 'to Meast! Si Kia! Bestfriend ako ni Mavis... 'di ba?


"If you encountered errors, you can edit it."


"Yes sir."


Hindi na siya sumagot pa kaya agad akong dumeretso sa side kung nasaan ang couch at coffee table. Tutok na tutok ako sa ginagawa habang madalas na humahakay, hanggang sa makaramdam ako ng antok ngunit pilit kong tinatapos iyon.


"Kia," konti pa Kia, malapit na 'wag ka aantukin.



"Kiara!"

"Ay gwapo!" halos tumalon ang puso ko sa gulat at nanlaki bahagya ang mata niya, na agad nawala at napalitan ng kunot niyang noo. Sapo ang dibdib na nilingon ko si Meast at awkward na ngumiti.



"Sorry Sir, bakit po?"

"Done?"

"K-konti pa po Sir, kailangan mo na po ba ngayon? Bibilisan ko na po."

"It's already lunch, get my lunch first... " Mabilis akong tumayo.


"Sige po, a minute Sir promise babalik ako agad," Sumaludo ako sa kaniya na hindi naman niya pinansin, kaya agad na akong bumaba. Hindi ko roon naabutan si tiya kaya si Yaya Emma ang nakatulong ko. Makalipas ang ilang minuto ay agad akong umakyat bitbit ang tray at akma na sanang papasok ng makarinig ng usapan mula sa loob.


"Meast please! Tayo na lang ulit please!"



"Can you tell me why we had an affair?" puno ng lamig ang boses ni Meast, na natitiyak kong napakasakit sa part no'ng babae. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.


"I---I asked for it."

"Yeah exactly, you asked for it, anong tinatahol mo d'yan? It wasn't my idea. You're not even my type, So leave."

"Please Meast! Kahit slave mo na lang, papayag ako---gagawin ko kahit ano just please! Take me back!" The girl was crying, hindi ko alam kung maiinis ako sa kaniya o maaawa.



"Hindi ako mahilig gumamit pa ulit ng mga bagay na nagamit ko na. Dahil para sa 'kin ang tulad mo wala ng kwenta," He's indeed a very cold-hearted guy, as I've ever met. Aksidente kong naitulak ang pinto dahilan para mapalingon sila sa akin, bumaling ang tingin ko kay Meast na napalingon sa akin at buong akala ko'y magagalit siya kaya alangan akong napangiti.

"W-Who's that g-girl?" Ako? Bebe niyang iniiyakan mo, char! Ang harot!


Natahimik ako at 'di alam ang sasabihin, gusto ko sanang sabihin na maid ako ni Meast pero naunahan na ako nito nang palapitin niya ako, kaya nilapag ko ang tray ng pagkaing dala ko at marahang lumapit sa kaniya. Pinanood naman ng babaeng lumuluha pa rin. Mukha naman siyang mayaman, actually para siyang modelo pero bakit pinipilit niya ang sarili niya sa lalaking ayaw na sa kaniya?


Magtatanong pa sana ako kay Meast kung bakit, nang mabilis niya akong hilahin paupo sa kaniya na agad kong kinayakap sa balikat at leeg niya sa gulat, with my eyes widened and staring at his face.


"She's my girlfriend now." Marahan kong nilingon ang babae, habang gulat na gulat pa rin sa sinabi ni Meast. A-Ano raw? G-Girlfriend? Bakit parang pinamulahan ako sa narinig?  Lutang pa rin ako at pilit pinoproseso ang nangyayari? Mukhang gulat din ang babae sa narinig, kaya napatingin ito sa akin na tila kinikilatis ako.

"S-Siya?! Girlfriend mo?! Meast is that a joke? Meast naman! I won't believe you, ni hindi man lang niya naabot ang standard mo. I know she's not your kind of girl!" Naramdaman ko ang isang kamay ni Meast na umabot sa pisngi ko. He cupped it using just his one hand making my lips a lil bit pouted. Kinabahan ako sa tila binabalak niyang gawin pero hindi ako makagalaw.

"You want me to prove you that she's my kind of girl now?" Walang mabakas na emosyon sa mukha ni Meast at titig na titig ako roon dahil hindi mo talaga malalaman kung totoo ang sinasabi niya o hindi.  It was like slow motion when he slowly looked down on me as he stared at my lips.



When he said, "Part your lips," my eyes became uneasy. Hindi ko alam kung saan ako titingin at nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa niyang mata habang lumalapit ang mukha niya, and when our lips were almost touching, that's when we heard the violent sound of the door closing.




Mabilis niyang binitiwan ang bewang ko dahilan kung bakit muntik na akong matumba, buti na lang ay napayakap ako agad sa leeg niya.  Bumagsak ang tingin niya sa akin, with his brows shut and pursed lips.





"Get up," Mabilis akong napatayo sa sinabi niya, at agad na lumayo na animo'y biglaang nakuryente. Hindi na ako nito pinansin at mabilis na binalik ang tingin sa laptop niya.





"S-Sir." hindi niya ako pinansin.




"Sir!" Mas malakas na tawag ko.



"That's extra service, don't worry deal is a deal," nagulat ako sa sinabi niya bago niya ako nilingon kaya bahagya akong napaatras.




"What is it?"




"Iyong lunch niyo po, baka lumamig," Tumango lang siya sa akin.





"You can go for now. I'll just call you if I need you," Mabilis akong tumango at ngumiti bago naglakad palabas, sapo ang dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.



Kia, get a hold of yourself. You can't feel anything towards him. Accidentally, my hand find it's way on my tummy.


You can't Kiara, you're carrying someone's baby.