Pretty Colors; A Girl, Triplets, And One Other Guy
Language: fil
/0/26908/coverbig.jpg?v=064ad64148de4ffbbe9dea3895f4648f)
Si Amber ay lumaki nang hindi buo ang pamilya. Bata pa lamang siya ay hindi na niya nakita ang Ama. Alam naman niyang patay na ito dahil iyon ang sinabi ng nag-iisa niyang karamay sa buhay at kinikilala niyang ina. Unang araw ng pasukan niya sa baitang labing-dalawa, saka lang nalaman ng kaniyang ina kung saan at ano ang pangalan ng paaralang papasukan niya. Sa una ay nagalit pa ito ngunit wala na rin namang nagawa kaya hinayaan na lang. Umpisa pa lang, sinabi na ng kaniyang ina na ayaw niyang mag-aral siya roon. Hindi naman niya malaman ang dahilan dahil hindi iyon sinasabi sa kaniya ng…
Available chapters
Chapter 1
"Hoy, gising na, aba! Anong oras na, Amber! Baka ma-late ka pa. Unang araw pa naman ng pagpasok mo sa eskuwelahan ngayon."
Napaungol na lamang ako sa aking paggising nang marinig ko si Mama na nagsasalita habang ginagalaw-galaw ang aking paa. Hindi ko pa naididilat ang aking mga mata, muli na namang inulit ni Mama ang paggising sa akin. Kaya naman, wala na akong magawa kun'di ang sundin ang kaniyang sinasabi. Pagkadilat ko, napakurap-kurap pa ako at sunod na nagtanggal ng muta mula sa aking mga mata. Nauna nang bumaba si Mama, lumabas ng aking kwarto. Bago ako sumunod sa kaniya, napa-stretch ako sa sariling katawan at saka na bumaba.
"Oh, kain na! Nakahanda na ang lahat para minamahal kong anak. Oh!"
Hindi pa man din ako tuluyang nakauupo sa upuan, sinimulan na akong sandukan nito ng makakain. Sinangag na kanin, itlog at iilang hatdog ang nakahain sa lamesa. Habang nasa gilid naman nito ay ang dalawang tasa na naglalaman ng maiinit na kape. Pagkaupo ko, sabay kaming nagdasal. At nang matapos ay saka lang nagsimulang sumubo. Umaga na. Nakatalikod ako sa bukas na pintuan dahilan para may magkorteng anino ko sa aking harapan. Ilang saglit na binalot ang aming pagitan, may kaniya-kaniyang mundo.
Maya-maya, kung kailan ilang subo na lang ay mauubos ko na ang laman ng aking plato, saka lang nagsimulang magsalita at magbigay ng ilang katanungan si Mama. Tahimik lang ako sa unang salitang iginawad niya sa akin.
"Ikaw, ayusin mo ang pag-aral mo, huh? Naku, sinasabi ko talaga sa'yo. Huwag na 'wag kang gagaya sa akin, hirap akong maghanap ng trabaho ng dahil diyan. Hmm… Alam mo naman, 'di ba? Hindi ako nakapagtapos kaya kahit ikaw na lang, huh? Baby ko, halika nga rito! Damulag ka na talaga!" usal sa akin ni Mama.
"O-oh!"
Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para mapahinto ang sa pagkain. Napangiti na lamang ako at niyakap siya sa kaniyang kamay na nakabalot sa aking bandang leeg. Nanatili lang akong tahimik. Hindi naman nagtagal ang paglalambing sa akin ni Mama. Bumalik siya sa mula sa pagkakaupo at saka ipinagpatuloy ang pagkain. Ilang saglit lang ay tumayo na ako nang matapos mabusog habang bitbit ang pinagkainan. Iniwan ko iyon sa lababo at sunod na bumalik sa kwarto. Inihanda ko ang aking damit na susuotin, pagkatapos ay pumasok na ako sa kubeta ng sariling kwarto upang maligo. Hindi rin naman ako nagtagal dito at mabilis lang na natapos. Pagkalabas ko ay agad kong isinuot ang damit saka sunod na nag-ayos sa sarili.
Nang matapos na ang lahat ng klaseng paghahanda ko sa sarili, sunod ko namang inayos ang loob ng aking gagamiting bag. Isinilid ko ang lahat ng bagay na sigurado namang aking gagamitin. Makaraan ang mahigit limang minuto, naisipan ko nang lumabas mula sa kwarto. Pababa pa lamang ako ng hagdan, nasilayan mulin ng aking mata si Mama na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pagkain dahil sa pagiging busy nito sa kaniyang hawak na gadget.
Bago lumabas… "Ma!" Tawag ko ng kaniyang atensyon. "Papasok na po ako!" Paalam ko. "Nga pala, ma, hindi talaga ako nag-enroll sa sinasabi mong paaralan, s-sa Campo Alli ako mag-aara--"
"A-ano?! Talaga 'tong batang 'to!"
Tumakbo na ako palabas ng bahay bago pa man ako nito mahaabutan. Mabilis at malalawak ang aking hakbang dahilan para mabilis akong makalayo sa kaniya. Kabado ako sa kaniyang naging reaksyon. Naisip ko kung may uuwian pa ba akong bahay mamayang uwian. Nang masiguro ko na ang aking malayong distansya mula sa kaniya, lumingon ako. Hindi ko masyadong makita ng malinaw ang kaniyang mukha ngunit nakikita ko naman kung paano ang naging postura nito. Parehong nakadikwatro ang magkabilaan niyang mga kamay sa kaniyang beywang. Kumaway pa ako bago ako tuluyang makaliko ng daan.
Hindi ko na masyadong inisip ang aking dadanasin mamaya sa aking pag-uwi. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa sakayan at babaan ng mga sasakyan. Hindi ako nagtagal sa pag-aantay. Ilang saglit lang ay nakasakay na agad ako kasama ang ilang mga pasaherong nakasabay ko rin sa pag-aantay. Agad kong sinabi kung saan niya ako maaaring ihatid.
Naging tahimik naman ang buong byahe dahil hindi naman kami magkakakilala ng mga ito dahilan para walang makausap. Napasandal na lamang ang aking uluhan pati na rin ang aking likuran sa may kalambutan na upuan. Makaraan ang ilang minuto, paunti-unti na kaming nababawasan hanggang sa maya-maya nga lang ay ako na ang sumunod na bumaba. Nagbayad ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Napatingala ako, nakatingin sa itaas ng malaking gate ng paaralang aking papasukan. Makikita rito ang pangalan ng eskuwelahang ito. Napangiti ngunit agad lang ding nawala nang biglang mapaisip.
Campo Alli Matapang Agoncillo, National School. Bakit kaya ayaw ni Mama na rito ako mag-aral?
Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip na tanong. Napatingin ako sa aking harapan at sunod na binagtas ang daan. Pagpasok ko sa malaking gate ng eskuwelahang ito, halos manlaki ang aking mga mata at mapayakap sa sarili ng madama ko ang lamig ng sariwang hangin. Nagpalinga-linga ako, binibigyan ng tig-iilang segundong tingin ang bawat sulok na makikita rito sa loob. Hindi ko maiwasang mapamangha sa ganda ng loob nito. Malawak ang daanan sa gitna at mahaba. Sa gilid nito ay may mga silid, taas at baba. Sa kabila naman ay may makikita pang malawak na daanan kung saan sa gilid pa nito ay may malalaking silid din na magkapatong. Hindi naman nakapagtataka kung bakit ganoon na lang ang lamig ng hangin dahil sa unahan pa lamang nito ay may makikita nang iilang mga puno pati na ang marami-raming mga halaman.
Napahinto ako sa mabagal na paglalakad. Naisipan kong singhutin ang sariwang hangin na siya namang naging dahilan ng aking pagkalma. Pakiramdam ko ay gaganahan akong pumasok sa araw-araw kung ganito palagi ang aking madadatnan. Lumawak ang aking mga ngiti sa aking labi at akmang magbibigay na ng isang hakbang ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon…
"Aray! Hindi kasi tumitingin sa daanan, eh!"
Una ay napakunot ang buo kung mukha sa kaunting kirot na naramdaman kasabay ang pagsapo sa kanang balikat kung saan ako nabangga. Napalingon ako sa aking gilid nang may marinig na pamilyar na tono ng papanalita.
Ha…
"O-oh, teka. Amber? Ikaw na ba 'yan?" Ngumiti ito nang nakakainis at sunod na inikutan ng tingin ang aking kabuuan. "Hmm… okay, okay. Nakakakita naman ako ng kaunting pagbabago sa'yo. Hindi ka na tulad ng dati na nagmumukha kang matanda sa pananamit mo, pero… okay. Approved!"
"S-salama--"
"Huwag kang magpasalamat, hindi kita pinupuri. Anyways." Maarteng pagkakasabi nito. "Magpapakilala ako ulit since matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita. Hello! I'm Sandee Cuevas. I can ruin your day if i want to. Ikaw naman." Nanatili akong tahimik dahilan para mapansin ko ang pagkainip nito. "Ano ba, ikaw naman sabi, eh!"
"A-ako si A-amber. Amber E-escaño." Nauutal kong pagkakasabi.
"Hanggang ngayon pala may pagkamasunurin ka pa rin pala, ano? Hays, anong oras na ba?" Napatingin ito sa kaniyang hawak na cellphone. "Okay, sige. Basta 'wag kang mag-e-expect na wala akong inihandang bagay para sa'yo. Do you still remember what i've said before? I am always ready. Kaya dapat ikaw rin. Sige na, babush!"
Ano ka ba naman, Amber! Kumilos ka! Magsalita ka! Hindi ba ipinangako mo sa sarili mong hindi ka na makakaranas ng ganoong klase ng trato kailanman? Ano na? Bili! Magsalita ka!
"S-sandali!"
"Huh? Tinawag mo ba ako?" Nagtatakang tanong nito.
Nanlaki ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng aking dugo patungo sa aking utak. Naging kabado ako sa aking nasabi. Hindi ko aakalain na magagawa ko ang aking naiisip. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at para bang hindi ko na maramdaman ang sarili dahilan para hindi ako makagalaw.
"A-ah, w-wala."
Hindi ito nagsalita. Tumalikod ito at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Napanood ko pa itong makalayo mula sa aking pwesto. Nang mawala na ito sa aking paningin, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Marahan akong naglakad palapit sa isang mahabang upuan na makikita sa gilid ng daan. Umupo ako roon habang nakahawak sa dibdib. Saglit akong napatulala. Napasabunot ako ng mahina sa sariling buhok dahil sa naramdamang inis.
Ano ba naman kasing iniisip mo, Amber! Sinasabi ko naman sa'yo na 'wag kang feeling bida sa isang palabas! Akala mo siguro na may hihila sa'yo palayo sa sitwasyong iyon? Aishh! Tumigil ka nga, Amber!
Matapos ang ilang saglit na pakikipag-usap sa sarili, naisipan ko nang tumayo at maglakad-lakad para hanapin ang aking silid. Gaya ng kanina, habang binabagtas ko ang daan, nagpalinga-linga ako, tinitingnan ang mga palatandaan papunta sa aking building. Nagtagal ako sa paghahanap ng halos kalahating oras. Late na ako. Kaya naman, mas lalo ko pang binilisan ang mga sumunod na hakbang.
Pagkaakyat ko papuntang second floor ng building na ito, alam ko na kung saan ang aking silid. Nakita kong nagtatawanan ang lahat ng nasa loob nito. Sa palagay ko ay nagsimula na ang kanilang klase. Kita ko na rin sa harap ng pisara ang isang may itsurang lalaking guro na nagsasalita habang may suot na malalawak na ngiti. Nagkukuwentuhan sila kaya naman kinakabahan ako kung ako na lang mag-isa ang pipigil sa kanilang masayang pagkukwentuhan. Bago pumasok, gusto ko maging magalang. Kaya naman, naisipan ko munang kumatok bilang pagpapaalam. Naghanap ako saglit ng mauupuan pagkapasok at saka umupo nang may makita na.
"Hmm, new student?" tanong ng guro.
Napahinto ang lahat sa pag-iingay at sabay-sabay na napatingin sa akin dahilan para ako ay manginig. "A-ah, o-opo." sagot ko.
"Oh, relax ka lang! 'Wag kang kabahan, ako lang 'to!" usal niya na siya namang naging dahilan ng malakas na tawanan ng mga kaklase ko. "Anong pangalan mo? Para kasing… wala na akong makita rito, eh,"
"A-amber Escaño po,"
Diretso itong napatingin sa akin habang may seryosong mukha. Agad niyang inalis ang ganoong klaseng reaksyon at mabilis na pinalitan ng matamis na ngiti. Muli siyang humarap sa hawak niyang attendance notebook at sunod na hinanap muli ang aking pangalan.
"A-ah, nandito lang pala. Okay, class! Bukas na ako magsisimulang magbigay ng lesson, sa ngayon kasi puro pagkilala lang sa mga magaganda't mga gwapo kong mag-aaral lang muna ang aking gagawin. So, uulitin ko, sa mga hindi pa nakakarinig! My name is Jed Dalton, ayan." Turo niya sa pisara kung saan nakasulat ang kaniyang pangalan. "So, i guess, that will be all for today, goodbye!" Paalam niya.
Bago pa man din ito tuluyang makalabas ng silid, nagpaalam ang lahat sa kaniya pati na ako. Wala pa namang ilang saglit ay may sumunod na agad na guro. Unang araw ng klase ay nagpasulat siya. At nang matapos, may panibago na namang muling guro ang pumasok. Nagpakilala ito at agad na nag-discuss.
Maya-maya, breaktime na. Marami-rami na ang nakalabas. Ako naman ay nagdadalawang-isip pa. Nang dahil nga sa babaeng iyon ay nangangamba akong gumawa siya ng gulo kapag nakita niya ako.
"H-hello! Pwede bang m-magpabili?" tanong ko.
Tiningnan ako nito ng paulit-ulit mula ulo hanggang paa ng mabilis dahilan para mas lalo akong makaramdam ng hiya. Mabilis na nagbago ang kaniyang mukha, ngumiti ito sa akin at saka sunod na inilahad ang kaniyang kamay. Natuwa naman ako sa kaniya at mabilis na nawala ang hiya. Agad kong ibinigay sa kaniya ang pera pambili at saka sinabi kung anong pagkain ang aking gusto.
Napaupo naman ako sa sariling upuan nang siya ay makaalis. Ngayon ay ako lang mag-isa sa malaking silid na ito. Nagpalibot-libot ang aking tingin sa kabuuan nito. Sa aking gilid, makikita mo na ang likod ng building na ito dahil sa malaking bintana. Makikita rin sa bandang unahan na hindi naman kalayuan sa aking pwesto ang maraming books na nakaayos na ang lagay sa lalagyanan. Bukod pa rito, simple lang ang silid. Wala masiyadong disenyo ngunit malinis at maaliwalas tingnan. May sariling aircon ang silid na ito ngunit hindi nakabukas. Kahit naman hindi ito gamitin ay mararamdaman pa rin ang lamig ng hangin. At dahil nga ito sa maraming mga punong nakapaligid dito.
"Oh, eto na! Sige, alis na 'ko, ha. Pupuntahan ko pa ang bunso kong kapatid!" Nakangiti nitong pagkakasabi.
Hindi naman na ako sumagot. Sa halip ay binigyan na lang siya ng matamis na ngiti at walang halong plastik. Ngayong umalis na siya, mag-isa na naman ako ngunit hindi naman ako malungkot dahil kung tutuusin, mas gusto ko ang ganito. Matapos naman ang ilang saglit, binuksan ko na ang aking pagkain at akmang susubo ngunit hindi natuloy nang may biglang pumasok.
Mabilis itong umupo sa isang upuan at may kung anong ginawa mula roon. Hindi ko na ito naisipan pang guluhin. Sa halip ay itinuloy ko na lang ang aking pagkain kahit na nakakaramdam na naman ako ng kaunting pagkahiya.

Chapter 2
Hindi nagtagal, nagkaroon ako ng pagka-interest sa kaniyang ginagawa. Saglit ko iyong nasilip. Nakita kong may iginuguhit ito sa isang maputing papel gamit ang isang ballpen. Magkalayo ang aming distansiya sa isa't isa ngunit magkatapat lang ng nauupuan dahilan para hindi ko maiiwas ang aking paningin sa kaniya. Ilang saglit pa, mabagal akong tumayo hawak ang may kagat kong tinapay habang ngumuya. Kami lang naman dalawa rito, kaya naman 'di ko rin napigilan ang sarili. Marahan akong lumapit hanggang sa malinaw ko nang nakikita ang laman ng puting papel na ito.
Halos mapanganga ako sa pagkamangha nang makita ang kaniyang likha. Pakiramdam ko ay kumikinang ang aking mga mata sa sobrang ganda ng mga nakikita. Hindi ito pangkaraniwan. Sa tingin ko ay mahilig din siyang maglaro ng mga drawing sa papel. Gumuhit siya ng mga magagandang halimaw sa sketchpad. Sobra pa ito sa lima. Magkakasama at magkakadikit. Matagal-tagal akong napatitig doon hanggang sa…
"Maganda ba?"
"E-eh?"
Napaatras ang aking mukha palayo sa kaniya nang humarap ito sa akin. Saka ko lang napagtanto na sobrang lapit na pala ng aking mukha sa kaniya. Napangiti ako nang nahihiya. Hindi ako makapagsalita. Nahihirapan akong iiwas ang aking mga mata sa kaniyang gwapong mukha. Iwinawagayway niya ang kaniyang kamay para sa akin dahilan para makabalik ako sa katauhan.
"A-ah, oo, m-maganda!" usal ko.
Hindi ko nakita ang kaniyang naging reaksyon dahil nakatalikod ito sa akin. Pansin kong patuloy pa rin ito sa kaniyang pagguhit. Kaya naman, hindi na ko na naisipan pang muli itong istorbihin. Sa palagay ko ay hilig niya ito dahil hindi ito nag-abalang magpakilala sa akin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Matapos ang ilang saglit na pagkatulala, bumalik na ako sa aking upuan at doon naman ipinagpatuloy ang pagkain. Sinubukan kong tumingin-tingin sa iba pang maaari kong mapagtuonan ng pansin. Kahit naman papaano ay naiiwasan kong isipin gwapong mukha ng lalaking ito.
Hindi pa man din nakaaabot ng isang oras ay bigla na lang akong napatingin sa unahang pinto banda sa harap ng pisara nang may marinig akong pumasok mula roon. Nasilayan ng aking mga mata ang isang magandang babaeng ito. Mahaba ang itim na itim na buhok, mayroong maputing kutis at maysuot na maputi ring salamin na siyang mas lalong nakapagpapaganda sa kaniya. Nagmukha itong matalino dahil doon. Pinanood ko siyang mataray na lumapit sa lalaking nakausap ko kani-kanina lang. Umupo siya sa tabi nito at tiningnan gamit ang magaganda niyang mga mata. Tila ay nagpapa-cute ito sa kaniya.
Nais ko pa sanang marinig ang kanilang pag-uusap ngunit sumunod naman na pumasok ang iilang mga kaklase namin sunod-sunod hanggang sa rumami. Nawalan na ako ng pag-asang mapakinggan ang kanilang pag-uusap. Kaya naman ay inubos ko na lang ang kanina ko pang nginunguyang tinapay. Uminom ako ng malamig na tubig pagkatapos.
Maya-maya, sa palagay ko naman ay kumpleto na ang lahat. Ilang saglit lang ay pumasok na ang sumunod na guro. Tahimik ang lahat habang kinokopya ang kaniyang idinikit na manila paper sa pisara. Nagbabantay ito sa amin habang mabilis na nagpapaypay sa kaniyang sarili. Matapos naman ang kaniyang oras, lumabas ito dala ang kaniyang gamit. Agad na pumasok naman ang ilan pang mga guro. Para sa akin ay masyadong mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Ilang saglit lang ay napagtanto kong huling subject na ang ngayon na nagtuturong guro. Nakakaramdam ako ng antok kahit na malakas at matapang ang boses nito.
Hah!
Napadilat ako dahil sa pagkagulat kasabay ang pagtayo. Napatingin ang lahat sa katabi kong babae na siya ring nautusan ko kaninang breaktime. Malakas ang pag-ubo nito, sunod-sunod at tila'y parang nabubulunan. Nilapitan ko ito at tinanong kung ano ang nangyayari sa kaniya ngunit hindi ito sumagot. Sinubukan kong kunin ang kaniyang tubigan para sana ay ipainom sa kaniya ngunit wala naman akong makita.
"Excuse me! Anong nangyaya-- Miss! Miss…"
"M-martinez po, a-allergic--" tuloy nito habang patuloy pa rin sa pag-ubo.
"Dalhin niyo siya sa clinic! Ngayon din, bilis!"
Nagpresenta ako. Wala namang ibang dahilan para hindi pumayag ang guro. Mabilis kong iniakay ang babaeng ito palabas ng silid. Hindi pa man din kami nakalalayo ay may naramdaman na akong sumunod sa amin. Ang kaninang lalaki kasunod ang babaen kanina lang din ay nakita kong nagpapa-cute sa kaniya. Hinawakan ng babae ang aking balikat kasabay ang pagpapakita sa akin ng mukha niyang nag-aalala sa babaeng dadalhin ko sana sa clinic ng mag-isa. Sinabihan ako nito na sila na lang daw ang maghahatid kaya dapat ay bumalik na lang daw ako. Pumayag naman ako. Marahan kong ipinasa ang babaeng ito sa nakahanda nang likod ng lalaking kaklase namin. Akmang tatalikod na sana ako upang magsimulang humakbang pabalik ngunit hindi ko ito nagawang ituloy nang pahintuin ako ng kasabay ng lalaki.
"Ada, mas mabuti siguro kung ikaw na lang ang bumalik, please. Kami na lang." sambit ng lalaking ito.
Inosenteng napataas ang aking kilay at nagtaka sa ikinikilos ng dalawa. Sa palagay ko ay mag-on sila at mayroong hindi pagkakaintindihan sa mga oras na ito. Naalala ko rin kung paano siya balewalain ng lalaking ito habang nagpapa-cute siya mismo sa kaniyang harapan.
Nagitla ako sa kawalan dahilan para magbalik katauhan ako. Mas lalong lumakas ang pag-ubo ng babaeng ito kaya naman ay wala na akong choice kun'di ang tumulong. Nauna na ako sa kanilang maglakad upang alamin kung saan ang daanan ng papuntang clinic. Napalingon pa ako dahilan naman para makita kong nakaupo pa rin ang lalaki habang sinusubukang tumayo, pasan ang kaklase namin sa kaniyang likod. Saka ko lang naisip ang dapat kong gawin. Agad akong naglakad palapit sa kanila at tinulungan itong tumayo. Sa kabutihang palad ay nakatayo ito. Bago magsimula ay inayos pa niya munang ipasan ang babae sa likod sa pamamagitan ng mahinang pagtalon. At nang maayos na ang lahat, muli akong naglakad pauna sa kanila para magsilbing gabay sa kanila sa pagpuntang clinic.
Maya-maya, unti-unti na kaming makalayo sa aming silid, napapansin kong pahina rin nang pahina ang pag-ubo ng babaeng ito dahilan para mapaisip ako ng malalim. Napakunot naman ang ulo ko nang biglang mapatawa ang babaeng nakapasan sa likod nito. Ganoon na lang din ang pagtataka ng pumapasan sa kaniya. Ilang saglit ay ibinaba na niya ito.
Tawa nang tawa ang babae bago pa ito makapagsalita. "Ayos, ah? Mukha bang totoo?" tanong niya dahilan para mas lalo kaming magtaka.
"H-huh? Anong ibig nitong sabihin?" tanong ko naman.
"Tama ang iniisip niyo. Ang boring kasi, eh. Kaya naisipan kong magpapansin,"
"Eh, papaano na 'yu--"
"Sus! Ayon? Hayaan mo na sila roon, excempted naman tayo, eh." Nakangiti niyang pagkakasabi. "Sige na! Pwede niyo na akong iwan. Mag-isip na lang kayo ng magiging dahilan niyo." Pagpapaalis niya sa amin.
Makaraan ang maraming minuto…
"Oo nga, eh. Pero ito talaga ang nakakatakot. Sa mga oras na ito, nakakarinig ako ng mga malalayong tunog. Nakakarinig ako ng mga bulungan, hiyawan, bungisngisan." saad niya dahilan para matahimik ako at makaramdam ng takot. "Boom!" Gulat niya sa'kin at sunod na napatawa muli ng malakas.
Nandito kami ngayon nakatambay sa halos tambayan ng lahat. Sa pinakamalaking puno sa loob ng paaralang ito. Tamang-tama ang lugar na ito para sa lahat. Nakapalibot kasi ang batong upuan na hugis bilog na nakapalibot din sa malaking punong ito. Kanina pa kami rito nagkukwentuhan ni Fat na siyang nagsinungaling na allergic, habang si Landrix naman na tumulong sa akin ay nakangiti at tahimik lang habang nakikinig. Tawanan, biruan at mahihinang hampasan lang ang aming nagawa. Pakiramdam ko ay nabuhayan ako dahil sa ingay ng bunganga ni Fat. Halos hindi ito maubusan ng kwento. Palaging nakangiti habang nagkukwento.
Ilang saglit pa, napansin naming dumarami na ang mga naglalakad na mga estudyante. Nalaman ni Landrix ang oras kaya naman ay sabay-sabay kaming nagpunta sa aming silid. Kinuha namin ang kaniya-kaniya naming mga gamit at saka sabay-sabay ring naglakad papalapit sa labasan. Ngunit hindi pa man kami nakaaabot doon, may nakaabang nang sasakyan para kay Fat. Nagpaalam siya sa amin bago tuluyang umalis. Ako naman ay nagpaalam na rin kay Landrix bago pa man magsimula muling maglakad palaba, ngunit hindi agad ako natuloy nang makita ko itong nagpunta sa isang direksyon kung saan makikita ang maraming magagandang naka-parking na sasakyan.
"Gusto mong sumabay?" tanong niya nang pasigaw dahil may kalayuan ang distansya sa pagitan naming dalawa.
Umiling lang ako saka ito pumasok sa kulay na itim nitong sasakyan. Hindi ko na siya inantay pa at nauna nang magtungo palabas. Bago ko pa man ito masilayang makalabas, nakasakay na ako ng taxi kasabay ang ilang mga estudyanteng nauna pa sa aking mag-antay. Sinabi ko ang lugar na aking pagbababaan. At nang nagsimula na ang byahe, nagsarili na ako ng mundo. Nakinig ako ng music mula sa aking cellphone gamit ang sinuot na earphone. Napapikit pa ako ngunit pinatili ko ang aking loob na gising. Napakunot ang aking noo nang may biglang maalala.
Ha…
Para akong naalingpungatan nang biglang mapadilat. Nagising ako dahil sa driver. Ginigising niya ako sa pamamagitan ng malalakas na tugtog. Napasilip ako sa labas ng bintana. Napagtanto kong madilim na pala. Napagtanto ko ring nakatulog ako sa maikling oras. Napalinga ako sa kabuuan ng sasakyan. Nakaramdam ako ng kaba nang mapansing kaming dalawa na lang ng driver ang natitirang tao sa loob ng minamaneho niyang sasakyan. Saglit akong kinabahan. Nagtagal ako ng ilang segundo, maya-maya lamang ay nagawa kong pagkalmahin ang aking sarili.
"Manong, nasaan na po tayo?" tanong ko. Nag-antay ako ng ilang segundo ngunit wala itong naisagot. Tahimik ito at seryosong nagmamaneho ng sasakyan. "M-manong!"
"Ha?" Inihinto niya ang malakas na tugtog at saka inosenteng napatanong sa akin. "Ay, Ineng! Buti naman at gising ka na. Kanina pa kita ginigising, eh. Nakailang sakay na ako hindi ka pa rin nakabababa. Pasensya na, ha? Nawala kasi sa isip ko ang lugar na pagbababaan mo,"
"A-ah, ganoon po ba? Sige po…" usal ko at saka sunod na sinabing muli ang lugar na aking pagbababaan.
Nag-antay pa ako ng mahabang minuto. Napasandal na lamang ang aking ulo sa gilid ng bintana. Binaba ko iyon ng kaunti dahilan para humampas sa akin ang malakas at sariwang hangin. Napangiti ako habang pinanonood ang mabilis na pagdaan namin sa mga maliliwanag na bahay. Nagtaka naman ako nang biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Napahawak ako sa aking buong mukha, sinubukang takpan ang mga mata nang sa 'di inaasahan ay may maraanan kaming naaksidente. Kakaunti lang ang nakapalibot dito dahil madilim din ang daan na siyang naging dahilan naman para hindi ko ito maiwasang tingnan. Kahit na mariin na akong nakapikit, hindi pa rin mawala sa aking isipan ang itsura ng taong walang buhay habang may nakapalibot sa kaniyang dugo.
Sumunod ang ilang oras, may naraanan kaming dalawang lamay dahilan para ako ay kabahan. Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papaano nang makita ko na ang palatandaan ko sa aming kalsada. Nagsabi ako kay Manong saka ito huminto. Nagbayad din ako bago pa bumaba. Hindi ko na naman ito inantay pang makalayo. Sa halip ay nagpasalamat ako. Akmang sisimulan ko na nga sana ang paglalakad papasok ng street ngunit napahinto ako nang agawin ng driver ang aking atensyon. Napalingon ako sa kaniya.
"Ineng, magpagpag ka." sambit niya dahilan para ako naman ay kabahan.
"A-ah, sige po. Kayo rin, ho. M-magpagpag din po kayo. S-salamat po ulit." Nauutal kong pagkakasabi.
Sa oras na ito, hinantay ko na muna itong makalayo. Nagsimula naman na akong humakbang papasok ng street namin. Pero bago iyon, naisil ko ang sinabi ng driver. Kaya naman, binilisan ko ang aking paglakad papunta sa malapit na tindahan. Maituturung ko ang aking sarili na swerte dahil malayo pa lamang ako ay wala na akong nakikitang mga lasing gerong nakatambay roon. Pagkalapit ko, bumili ako ng dalawang sitserya at saka isang malamig na inumin. Mabagal ko iyong nginuya-nguya dahilan para manibago sa aking ang tindera. Uminom ako ng malamig na softdrinks. Hindi ko pa man din ito nauubos, hindi na nakapagpigil ang timdera at tinanong na ako.
"Aba! Ang laki ng tiyan, ah! May laman ba 'yang bata?" tanong nito dahilan para mapakunot ang aking noo. "Biro lang." bawi nito saka sunod na nagparinig ng malakas na tawa. "Saan ka ba nanggaling, At bakit ginabi ka na? Siguro nakipagkita ka na naman sa shota mo, 'no?"
Inalis ko ang natitirang reaksyon mula sa aking mukha. Walang gana akong tumingin diretso sa kaniyang mga mata. Huminga ako ng malalim bago pa magbitiw ng salita. "Hindi po, natagal ako sa byahe dahil nakatulog ako. Eh, ayon na nga po… may ilan kaming nadaanang mga lamay kaya narito ako sa tindahan niyo nagpapagpa--"
"Aba't-- Lumayas ka nga rito! Bata ka!"
Mabilis akong tumakbo papalayo sa kaniyang tindahan. Narinig ko pa ang ilan niyang mga isinigaw ngunit hindi na ako nag-abala pang lingunin siya at sagutin. Nang makatapat ako sa aming bahay ay agad akong pumasok. Nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa nagulat dahil sa biglaan kong pagsulpot.

Chapter 3
Napahikab at napa-stretch na lamang ako sa sariling katawan sa paglabas sa aking kwarto. Pababa pa lamang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang bawat pagputok ng mga mantika. Sa tingin ko ay nagpiprito si Mama ng kung anong uulamin naming ngayong umaga. Pagtapak ko sa sahig, nanlamig ako dahil sa malamig na tyles. Nagsuot ako ng tsinelas na panloob at saka nagsimulang humakbang. Nagtungo ako sa kusina upang makita at malaman ko kung ano ang iniluluto nito. Naramdaman ako ni Mama kaya naman nauna na itong bumati sa akin. Binati ko rin siya pabalik at saka sunod na napahiga sa sofa.
Saglit akong umidlip hanggang nagising ako nang marinig ko na ang paanyaya ni Mama. Agad ako tumayo at saka umupo sa upuan sa harap ng lamesa. Napapakamot pa ako sa sariling mata, nagtatanggal ng muta. Ilang saglit lang ay nagsimula na kaming kumain matapos ang saglitang dasal. Katulad ng kaganapan kahapon, sa una ay naging tahimik ang panig naming dalawa ngunit may kaunting pagkakaiba. Malapit na akong matapos ngunit hindi man lang ito nagbigay ng kahit na isang katanungan at ni hindi man lang nagbigay ng kahit isang salita.
"Ma, bakit ba ayaw mo 'kong pag-aralin do'n? Pagpasok ko, okay naman po, ah?"
Hindi nito sinagot ang aking tanong. Sa halip ay nauna na itong tumayo sa akin habang bitbit ang kaniyang pinagkainan. Alam kong narinig niya ako ngunit nagpanggap itong bingi. Hindi ko na ito inantay pang lumabas ng kusina. Iniwan ko ang aking pinagkainan nang mapagtanto kong malapit na pala akong ma-late. Dali-dali akong umakyat patungo sa aking kwarto. Hindi ko na nagawa pang maligo. Mabilis akong nakapagpalit ng damit pang-alis. Sunod akong mabilis ding nag-ayos sa sarili. At nang matapos, agad akong lumabas. Nagpaalam pa ako at hindi na inantay pa itong magpaalam din sa akin pabalik.
Matapos ang ilang minuto, agad akong nakasakay ng sasakyan. Hindi lang ako, mayroon akong nakasabay na lalaki na ngayon ay katabi ko lang ding nakaupo. May katagalan ang pagbyahe kung papansinin dahil na rin siguro sa mahaba at mabagal na daloy ng trapiko. maya-maya nga lang ay napansin kong malapit-lapit na akong mahuli sa unang klase. Nag-isip ako, namimili kung ano ang susunod kong gagawin.
Tatakbuhin o aantayin?
Magtatatlong minuto na akong nag-iisip ngunit natigil ito nang biglang may tumawag sa cellphone ng katabi kong lalaki. Paulit-ulit itong tumatawag sa kaniya ngunit paulit-ulit lang din niya itong pinapatayan. Nagtagal pa ito hanggang sa mainis na ako dahil hindi ako makapag-decide kung tatakbo ba ako, o, mag-aantay hanggang sa makarating doon. Iritadong napakamot ako sa aking ulo at sunod na gigil na kinuha ang kaniyang cellphone mula sa nakabukas nitong bag na nakapatong naman sa kaniyang hita. Sinagot ko ang kanina pang tumatawag doon at pinagsabihan ng kung ano para lang mapatigil iyon sa pagtawag.
Ilang saglit pa, muli akong nag-isip at finally! Napagdesisyunan ko nang tumakbo na lang. Pero bago iyon, tinanong ko muna kung magkano na lang ang babayaran ko dahil hindi naman niya ako naihatid sa school. Sinabi naman niya kung magkano saka ako nagbayad. Pagbaba ko, agad akong tumakbo. Segundo pa bago ko mapagtantong malapit na lang pala ako sa eskuwelahan. Parang gusto ko na lang hampasin ang sarili ko dahil sa ngayon ko lang iyon napagtanto.
Mabilis akong nagtungo papasok at saka binagtas ang daan papunta sa aming silid. Napatingin pa ako sa oras mula sa aking cellphone, may iilan pa akong minuto. Kaya naman ay mas lalo kong binilisan ang paglalakad hanggang sa makapasok ako. Wala pa namang guro kaya nakahinga ako ng maluwag. Saglit kaming nagkuwentuhan ng katabi kong si Fat at saka lang napatigil nang may pumasok nang guro.
Nag-discuss ito at ganoon din ang sumunod na guro sa kaniya. Maya-maya, nalaman naming vaccant sa time ng pangatlong guro. Napag-alaman naming may emergency na pinuntahan ang gurong iyon. Hindi iyon nag-iwan ng gawain kaya naman napagdesisyunan naming lumabas ni Fat. Kampante naman kami dahil hindi lang kami ang lumabas. Lumabas kami at hindi na naisipang makapagpaalam sa nakataas sa loob ng aming silid. Naggala-gala kami ni Fat. Nagtungo kaming dalawa sa napagtambayan namin kahapon.
Dito kami nagpahangin, nagkuwentuhan at nagtawanan. Nawili kami hanggang sa nagtagal, hindi na namin napansin ang oras dahilan para ay may kaunting minuto na lang kami upang makabalik. Nauna na akong tumayo sa kaniya saka siya sumunod. Nagsimula kaming maglakad ngunit hindi pa man din kami nakalalayo sa pinagtambayan, hindi ko naman naiwasang mapasapo sa aking ulo nang makaramdam ako ng matigas na bagay na tumama rito. Napalingon ako sa aming likod na siyang naging dahilan naman ng pagtataka ni Fat.
"Bakit? Ano nangyari?" tanong niya.
"May bumato sa ulo ko. A-aishh!" sambit ko.
Sinubukan niyang tingnan ang parte kung saan ako natamaan. Pagkatapos no'n ay naghanap iyon ng taong posibleng gumawa sa akin noon. Nagpalinga-linga siya habang mayroong suot na seryosong mukha. Nagtagal kami sa ganitong sitwasyon nang ilang minuto. Ni isa ay wala siyang nakita kaya naman ay napagdesisyunan na naming bumalik na lamang sa aming silid.
Pagbalik namin, parehong nanlaki ang aming mga mata. Maraming estudyante sa labas ng aming silid ang nakatayo lamang habang bitbit ang kaniya-kaniya nilang mga bag. Nagtagal ng ilang segundo bago pa naming mapagtantong kaklase namin sila. Sinubukan naming sumingit ni Fat patungo sa unahan. Nakita naming pareho ang dalawa naming bag na nakatumba na sa sahig dahilan para nabahan kami at makaramdam ng hiya. Hindi pa man din kami nagtatanong ay may nauna nang sumagot sa dapat sana ay aming itatanong pa lamang.
"Nasa labas ang bag natin kasi wala tayo sa loob nang pumasok si Ma'am Bev para magturo."
Sabay kaming napalingon ni Fat sa aming bandang likuran. Nakita namin si Landrix katabi ang president sa room na iniisip naming girlfriend niya na si Adaline. Pansin naming nasa kanila na rin ang kanilang bag dahilan naman para mapaisip ako. Muli akong nagtanong sa kanila kung bakit pati sila ay nasa labas din.
"Hinanap kasi namin kayong mga lumabas para pabalikin kaya pati kaming nagmamalasakit lang sa inyo ay nadamay." sagot ni Adaline.
Narinig ko ang bulong ni Fat. Sa tingin ko ay hindi siya natuwa sa naisagot nito. Hindi naman na ako muling nagbigay pa ng katanungan. Sa halip ay naging tahimik na lang ako gaya ni Fat. Ang ilan sa mga kaklase namin ay mahinang nagdadaldalan ngunit sa tingin ko naman ay sinusubukan silang sawayan ni Adaline.
Makaraan ang ilang minuto, natapos na rin ang klase ni Ma'am Bev. Nagsikuhan ang bawat isa, senyas para mapatigil ang ilan sa amin na nagkukwentuhan. Paglabas ni Ma'am Bev, diretso itong naglakad palapit sa amin. Napayuko na lamang ako dahil naramdamang hiya.
"Sa susunod na wala pa rin kayo sa pagpasok ko, asahan niyon makararating na 'to sa mga magulang niyo."
Nagpaalam ang ilan sa amin bago pa man siya tuluyang makalayo. Kami naman ni Fat ay ganoon din at saka sabay na pumasok sa aming silid. Ngayon ay oras na ng breaktime ngunit bago pa man din kami makalabas, nag-utos ang president sa loob ng silid na ito na isarado na muna ang dalawang pinto, sa harap at sa likod. Tahimik ang lahat at nakaupo habang nakikinig sa mga pinagsasabi ni Adaline na siyang mag-isa lang na nakatayo sa harap ng pisara. Nagsesermon ito sa aming lahat. Pansin ko ang iba kong kaklase na nalulungkot habang ang bilang naman ay naka-nap lang sa kanilang desk.
"Kayo diyan! Kita niyong nagsasalita ako rito sa harap, hindi kayo nakikinig! Mga wala talagang-- Aishh!" Halata sa kaniyanh mukha ang inis. "Please lang, sana ay hindi na ito maulit pa. Maawa kayo sa mga guro natin na nagsasayang ng laway para lang maturuan tayo, please lang!"
Para pa itong maiiyak sa kaniyang mga sinabi. Ngunit sa tingin ko naman ay walang pakialam sa kaniya ang karamihan sa amin. Si Fat naman ay walang maipakitang reaksyon habang diretso lang na nakatingin kay Adaline na halos lalagpas na ng limang minuto sa kaniyang speech.
"Sige na, pwede niyo nang buksan ang pinto--"
Hindi pa man din ito natatapos sa kaniyang sinasabi ay agad nang tumayo ang ilan sa mga kilalan pasaway sa aking mga kaklase. Binuksan na nila ang dalawang pintuan at makulit na nag-aya ng ilan pa naming kaklase na lumabas. Nainis pa rito si Ada ngunit wala na rin namang nagawa.
Ako naman ay kinuha na muna ang aking naiwang wallet sa bag pati na ang aking cellphone. Ganoon din si Fat. Malumanay naman kaming lumabas ng silid hanggang sa makababa at makalayo sa aming building.
Habang naglalakad papuntang canteen, napahinto ako nang mapahinto ito. Tiningnan ko ang direksyon na kaniyang tinitingnan. Hindi ko matukoy kung sino ang tinitingnan niya. Kung ang lalaking may katangkaran na may kasamang babae sa tabi ba o ang iilang nakababatang kamag-aral?
Hindi naman ito nagtagal. Hinawakan niya ang aking kamay at mabilis na naglakad papasok ng canteen. Hindi ko na nagawang magtanong dahil mukha namang walang problema. Nakita ko ang mukha nito na nakangiti nang paupuin niya ako sa napili niyang pwesto. Siya na rin ang nagpresenta na bumili ng pagkaing aming kakainin. Mabilis lang siyang natapos. Bumalik siya at saka kami nagsimulang kumain.
Kalagitnaan ng aming sabay na pagnguya, kinuha ko ang pagkakataong magtanong sa kaniya patungkol sa biglaan niyang paghinto kanina noong kami ay naglalakad. Hinawa niya ang kaniyang buhok at ngumiti. Iniba niya ang usapan dahilan para mapaisip ako. Hindi ko naman na siya muling tinanong doon dahil naisip kong baka ayaw niya iyong pag-usapan. Kaya naman naisip kong ako na lang ang magkuwento para sa kaniya.
Maya-maya, nauna na ako sa kaniyang matapos makaubos ng pagkain. Hinantay ko siya saka kami nagsimula muling naglakad. Mahaba pa naman ang oras namin. Kaya nagsabi ako sa kaniya na kung pwede ay igala niya ako sa kabuun ng paaralang ito, tutal, matagal na rin naman siyang nag-aaral dito. Agad naman siyang pumayag na mas lalo kong ikinangiti. Nilibot niya ako sa kung saan-saan. Nagbigay pa siya ng mga pangyayaring naranasan niya sa bawat lugar o sulok. Nakuwentuhan kami habang naglalakad at masayang nagbibiruan.
Nagtagal kami rito hanggang sa pareho na kaming magdesisyon na bumalik na sa classroom. Pagbalik namin ay agad na sumunod na pumasok ang susunod na guro. Nagklase ito at ganoon din ang sumunod pang mga guro. Gaya ng nauna, tahimik ang lahat sa pakikinig at iba naman ay maraming nagtataas ng kamay upang sumagot.
"That all for today. Thank you class for cooperating, goodbye!" paalam ng guro saka sunod na lumabas.
Nagpaalam ang lahat sa kaniya bago pa man ito makalayo. Nagsimula namang mag-ayos ng kaniya-kaniyang mga gamit ang lahat. Ang iba ay nauna nang nakapaghanda ng gamit kaya nauna na rin ang mga itong lumabas. Si Fat naman ay ganoon din. Nagpaalam sa akin. Katulad ng kahapon ay ganoon din ang naging dahilan niya. Pupuntahan pa raw niya ang kaniyang bunsong kapatid sa kabilang building para sunduin. Nagpaalam ako sa kaniya pabalik. Napanood ko pa itong humakbang papalayo. Ilang saglit akong nakatingin sa direksyon niya hanggang sa hindi ko na ito makita, saka ko lang ibinalik ang aking atensyon sa pag-aayos ko ng gamit. Ipinasok ko ang ilang kong mga libro sa loob ng aking bag. Inihanda ko ang lahat kahit na ang aking sarili ay inayos ko kahit papaano. Mabilis kong sinuklay ang aking buhok gamit ang aking kamay. At nang matapos, isinuot ko na ang bag sa aking likod at akmang magmamadali nang lumabas dahil napansin kong ako na lang pala ang mag-isa sa silid na ito, ngunit agad akong napabalik sa aking pwesto at agad na tumalikod.
Humarap ako sa aking likod sa bandang unahan kung saan makikita ang mga librong maayos na nakalagay sa lalagyanan. Nagkunwari akong inaayos iyon habang nananaig sa aking loob ang pagiging kabado. Naisip kong gawin ito, nagbabakasakaling matakasan ko ang babaeng ito.
"Excuse me?"
Hindi ko naiwasang ang sariling mapatingkayad sa gulat. Alam ko sa aking sarili na ako ang kaniyang tinutukoy. Nagtagal ito ng ilang segundo bago ito umulot sa pag-agaw sa aking atensyon.
"Excuse me, miss?" mataray na pagkakasabi nito.
Bago ako magsalita, napa-clear throat ako. "A-ahh, sino ba hinahanap niyo? Sorry, iilan pa lang kasi kilala ko sa mga kaklase ko, eh," saad ko sa ibang boses.
"Ahh, gano'n ba? Sige."
Nagpaalam ang isa sa akin saka ko sila narinig na nagsimula muling maglakad papalayo dahilan naman para makahinga ako ng maluwag.
"Uhm, wait. I think i know you…"