Browse stories

Myoujin Aki's Prisoner

Language: fil

Warning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. Lihim siyang nagkaanak sa babaeng itinuring niyang slave noong high school pa lamang sila. Nabuntis ni Myoujin si Yuffie noong high school sila. Subalit tumakas ang dalaga sa kamay ng mapanakit at mapagmanipulang kamay ng binata. Malalaman ba ni Myoujin kaya't tumakas si Yuffie dahil nabuntis siya noong kabataan nila? Patuloy rin bang…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Prologue


"Is that you, Master Myoujin?" ani ni Sofia na kaniyang pinsan.


"Yes, I am back!" pabalik na tugon nito kay Sofia.


"How's your trip insan at kumusta ka sa Japan? 6 years na pala noong huli tayong magkita."


"Heto I am still killer and may illegal business pa rin. How's my business here?"


"It is still good and fine. Mabuti bumalik ka na?"


"Alam mo naman ang dahilan kaya bumalik ako rito sa Pilipinas."


"I know, it is about your company?!"


"You are wrong Sofia, alam mo na naman ang nangyari 6 years ago na ang nakakaraan."


"It is because kay Yuffie? Pero high school pa lang kayo noon hindi ba? and you have a long time relationship with Megumi."


"I don't care about Megumi. Yuffie is mine at ang akala niya makakatakas siya sa'kin, she is wrong. Kaya bumalik ako para makapaghiganti sa ginawa niya sa'kin!"


Hindi makaimik si Sofia sa isinaad ng kaniyang pinsan dahil sa nakaraan ni Myoujin at 6 years ago na ang nakakaraan.Sa ngayon ay 22 years old na si Myoujin at siya ang nagmamay-ari ng mga sikat na kumpanya ng alak sa bansang Japan at Pilipinas. Mayroon din siyang sariling restaurant at sa ngayon isa siyang head ng Yakuza na kapalit ng kaniyang lolo na si Hiro Aki.


Chapter 1: Myoujin Waldstein Ferrer- Aki




“Myoujin, umuwi ka rito sa Pilipinas dahil kailangan ka ng daddy mo rito,” wika ni Daniela na nanay ni Myoujin habang kausap niya ito sa telepono.
Sa ngayon ay nasa Shinjuku City si Myoujin at kasama nito ang kaniyang lolong si Hiro Aki. Sila ay ang nagmamay- ari ng Sochu Whiskey Company na pinakasikat na kumpanyang alak sa iba’t- ibang bansa. Napakayamang pamilya ng mga Aki kaya’t laki sa laway si Myoujin sa kanilang pamilya. Nag-iisang anak siya nina Daniela Ferrer na isang Filipina at Nishimura Aki at nag- iisang apo siya ni Hiro Aki. Nagpaiwan sa bansang Japan si Myoujin sa kadahilanang mas gusto niyang makasama ang kaniyang lolo Hiro. Nag-aaral sa ngayon si Myoujin sa pinakasikat na eskuwelahan sa Japan, ang Hotsuma International School Tokyo. Pinakasikat din siya sa kanilang eskuwelahan at presidente siya sa Student Council Community. Sikat din siya sa mga kababaihan subalit hindi niya masyadong pinapansin ang mga ito.
“O- genki desu ka? Myoujin- san? (Kumusta ka na, Myoujin?),” pasulyap na wika ng babaeng kaniyang kamag-aral habang naglalakad si Myoujin patungo sa kaniyang classroom.
Hindi niya kinibo ang babae at patuloy lamang ito sa paglalakad patungo sa kaniyang classroom. Mayroong itong matalik na kaibigan na isang kalahating dugong Hapones din, siya ay si Maki Kamado. Galing din ito sa napakayamang pamilya at vice-president naman ito sa Student Council Community. Tulad ni Myoujin, sikat din ito sa paaralan at matalik na magkaibigan ang dalawa.
“Oh, oh, Myoujin-san, anata wa sou josei ni hijou ni shitsurei desu! (Napakasungit mo naman Myoujin!),” tumatawang saad ni Maki sa kaniya.
“Puwede ba Maki, mag-usap tayo ng normal. Dalawa lang tayong magkatabi rito, mag-tagalog muna tayo,” seryosong wika naman ni Myoujin sa kaniya.
“Sige na nga, ano ba ang problema mo kung bakit mo sinungitan ang babae kanina? Lumalapit na nga ang pain tinanggihan mo pa ang grasya.”
“Hindi ako interesado sa mga babae rito sa ating eskuwelahan.”
“Napaka-cute no’ng babaeng kausap mo kanina, nasa Senior High School na iyon.”
“Wala akong pakialam, Maki, bakit hindi na lang ikaw ang kumausap sa kaniya.”
“Napakasungit mo naman, iba talaga kapag sikat no!”
“Hindi ako sikat, ayoko lang talaga sa kanila.”
“Maiba ako, balita ko ay pinapauwi ka na ng mommy mo sa Pilipinas?”
“Parang ayoko pa, Maki. Hindi ko maiiwanan ang Akihabara, alam mo naman naaadik ako sa lugar na iyon.”
“Naku, iyan na naman tayo mga anime na naman. May bagong limited edition na Demon Slayer at Naruto Figure na bagong labas ng Toei Anime Company.”
“Nagsawa na ako sa mga anime Maki. Tsaka hindi sila galing sa Toei Anime Company, Ufotable Studio sila samantalang ang Naruto sa Pierott Company sila.”
“Edi ikaw na ang magaling sa mga ganyan, Myoujin. Hapon na pala naghihintay na ang sundo mo sa labas tiyak na naghihintay na sa pinto ang inyong napakarami ni’yong kasambahay. Mahal na prinsepe.”
Tumawa nang malakas si Maki at sinapok siya ni Myoujin.
Hinimas ni Maki ang kaniyang ulo dahil nasaktan ito sa pagkakasapok ni Myoujin sa kaniya.
“Aray, kahit kailan talaga tunay kang mapanakit na kaibigan.”
“Wala akong sundo ngayon dala ko ang kotse ko.”
“Ano ang dinadala mong kotse?”
“Yung Lexus 2021 IS.”
“May bago na naman, ako dalawa lang sasakyan ko.”
Alam ni Maki na seryosong tao ang kaniyang matalik na kaibigan.
“Sige, mauna na ako. Ja-ne,” wika ni Myoujin at lumabas na ito ng classroom.
“Ki-wo tsukete, tomodachi- san, (mag-ingat ka, kaibigan),” saad naman ni Maki sa kaniya.
“Mas mag- ingat ka Maki, ingat sila sa iyo,” pabirong sambit naman ni Myoujin sa kaniya.
Sumakay na si Myoujin sa kaniyang sariling sasakyan at pagkarating niya sa napakalaking mansyong ng kaniyang lolo. Sinalubong naman siya ng kaniyang mga battler at mga kasambahay sa labas ng mansyon. Kinuha ng isang kasambahay ang kaniyang bag at pumasok na si Myoujin sa kaniyang kuwarto. Ilang sandali lamang ay tumatawag na naman ang kaniyang mommy at sinagot nito ang kaniyang tawag sa telepono.


“Myoujin, anak, pumayag na ang lolo mong umuwi ka na ng Pilipinas. Dapat next week narito ka na,” mahinahon na saad ng kaniyang mommy sa kabilang linya.
“Mommy, alam mo naman na ayokong pang umuwi. Pinag- usapan na po natin ito!” pagalit na tugon nito sa kaniyang ina.
“There’s nothing you can do, is that clear? I’ll wait for you until next week!”
Pinatay at pabagsak nitong ibinaba ang telepono at humiga ito sa kaniyang higaan kasabay nito ang pagkuyom ng kaniyang kamao.
“Damn, bakit kailangan ko pang umuwi ayokong makasama si daddy!” pagalit na saad nito sa kaniyang sarili.
Ilang sandali lamang ay pumasok ang kaniyang personal na yaya, si Aling Cossang. Si Aling Cossang ang tagapag- alaga ni Myoujin simula bata pa ito at itinuring na niya itong tunay na nanay.
“Myoujin, maaari ba kitang makausap?” mahinahong tanong ni Aling Cossang sa kaniya at pumasok na ito sa kaniyang silid.
Biglang tumayo si Myoujin mula sa kaniyang pagkakahiga.
“I-ikaw pala yaya,” gulat na saad nito kay Aling Cossang.
Umupo si Aling Cossang sa kaniyang tabi at ngumiti ang matandang babae sa kaniya.
“Ano ang problema mo Master Myoujin, tila nag-away na naman yata kayo ng mommy mo?’’
“Opo, yaya, dahil alam mo naman ayokong iwan si Oji-san dito sa mansyon.”
“Naiintindihan na ni Oji-sama mo iyon, master. Sa pagkakataong ito, ang mga magulang mo na naman ang dapat mong sundin.”
“Kung uuwi ba ako, yaya, sasama ka ba? Hindi ba’t matagal mo nang inaasam na umuwi sa inyo?”
“Oo, matagal na pero mas kailangan ng pamilya ko ang pera upang makapag-aral ang nag-iisa kong anak na si Yuffie.”
Biglang nalungkot ang mukha ni Aling Cossang subalit pinilit pa rin nitong ngumiti at humarap siya kay Myoujin.
“May anak ka pala yaya?”
“Oo, master, may anak ako at matanda ka ng isang taon sa kaniya.”
“Pero ang sabi mo noon sa akin ay wala kang asawa?”
“Bago ko pa kayo nakilala, nasa bansang Tsina ako at nakilala ko ang ama ng aking anak.”
“Pero bakit kayo naghiwalay?”
“May asawa ito at naging babae niya ako. Nang umuwi ako ng Pilipinas nabigla ang nanay ko dahil nabuntis ako sa pagkadalaga. Nanganak ako at wala akong magawa kung hindi pumunta rito sa Japan at ikaw ang aking naging unang amo. Tanda ko pa noong nasa anim na taong gulang ka pa lamang. Ilan taon na ako rito, labing- isang taon na pala magmula nang makasama kita. Kaya’t sa wakas ay uuwi na rin ako.”
Ipinakita ni Aling Cossang ang ipinadalang larawan ng kaniyang anak sa kaniya. Bagama’t hindi nakakasama ni Aling Cossang ang kaniyang anak, patuloy lamang ang kanilang komunikasyon nilang mag-ina.
“Heto ang aking anak master.”
Tiningnan ni Myoujin ang larawan na ipinakita ni Aling Cossang sa kaniya at namangha ito sa kagandahan ng babae sa larawan.
“Parang isa siyang buhay na manika, yaya. Mukha siyang 3d anime, kamukha niya si Tifa Heartlock sa Final Fantasy.”
Tumawa nang malakas si Aling Cossang.
“Oo, kinukuha siyang modelo pero tumatanggi siya at lagi siyang muse sa paaralan. Tawag sa kaniya ay miss anime o buhay na manika.”
Tumawa lamang si Myoujin dahil para sa kaniya ay mas maganda ito kumpara sa mga babaeng nakikita niya sa kaniyang paaralan.
“Promise mo iyan, yaya, kasabay kitang uuwi ng Pilipinas.”
Hinimas sa ulo ni Aling Cossang si Myoujin.
“Binata na nga ang alaga ko, oo sasama ako s aiyo master.”
Lumipas na ang isang Linggo at umuwi na sila sa bansang Pilipinas. Nakasakay si Myoujin sa kanilang Private Plane at kasama niya ni Aling Cossang. Sinalubong siya ng kanilang mga tagapagsilbi at ang kanilang sariling battler. Sinalubong siya ng kaniyang personal na battler na si Manong Rolando.
“Master, maligayang pagdating,” nakangiting wika ni Manong Ronaldo sa kaniya.
“Nasaan sina mommy at daddy?” seryosong tanong nito sa kaniya.
“N-naghihintay po siya sa loob ng mansyon at hinihintay ka nila.’'
Naglakad na ito patungo sa kanilang mansyon at sinalubong siya ng kanilang mga tagapagsilbi.
“Maligayang pagdating, Master Myoujin Aki!” Sabay- sabay nilang pagbati kay Myoujin.
“Napakaguwapo pala ng ating master,” nakangiting wika ng bago nilang kasambahay.
“Mukha siyang prinsepe,” namumulang tugon naman nito ng kaniyang kasama.
Sinalubong siya ng kaniyang mommy at daddy sa loob ng kanilang mansyon.
“Welcome home, my son,” nakangiting saad naman ng kaniyang amang si Nishimura.
“How’s your trip?” tanong naman kaniyang mommy sa kaniya.
Niyakap naman ng mag-asawa ang kanilang anak na kadarating galing sa Japan.
“I’m tired and I want to rest first. Excuse me,” seryosong tugon nito sa kaniyang magulang.
“Aren’t you going to eat? Nagpaluto pa man kami ng food para sa iyo,” dagdag na saad muli ng kaniyang ina sa kaniya habang papunta na ito sa kaniyang silid.
“Thanks, mommy, but I’m still full,” sagot nito sa kaniyang mommy Daniela.
“Wait, may pag-uusapan tayo. Saisho no ikku (makinig ka muna),” seryosong wika naman ng kaniyang daddy sa kaniya.
“Nani? (ano?)” Tanong nito atsaka tumigil siya sa paglalakad.
“Tungkol sa paglipat mo sa bago mong paaralan, Myoujin,” seryosong saad naman ng kaniyang mommy Daniela.
“But I still don’t want to go to school, mommy,” pagrereklamong wika nito sa kaniyang mommy.
“You have to go to our school,” sambit naman ng kaniyang daddy.
“I’m not used to living here!” pagalit na sigaw nito sa kaniyang mga magulang.
“Anata wa koko ni sumu koto ni nare masu, Myoujin! (masasanay ka rin mamumuhay rito, Myoujin!),” pagalit naman saad ng kaniyang daddy sa kaniya.
Kinuyom ni Myoujin ang kaniyang kamao at nagsalita.
“Masasanay akong mamuhay rito? Pinilit ni’yo lang akong umuwi rito mom and dad!”
Sinampal ni Daniela ang kaniyang anak at tumawa lamang si Myoujin sa kanilang harapan.
“Ano ang gusto mong gawin sa Japan? Manggulo at sakit ng ulo ng iyong lolo mo roon?!” pagalit na wika ni Daniela sa kaniya.
“Sumimasen, netai desu, (excuse me, inaantok na ako),” mahinahon na saad ni Myoujin sa kanila at naglakad na ito papunta sa kaniyang kuwarto.
“I’m still talking to you, don’t turn your back on me!”
Inakbayan na lamang ni Nishimura ang kaniyang asawa at umakyat na si Myoujin sa kaniyang kuwarto.
“Hayaan mo muna siya, masasanay rin siya rito,” malungkot na saad ni Nishimura sa kaniyang asawa.
Kinabukasan, maagang nagising si Myoujin at nakahanda na ang kanilang almusal. Umupo na ito sa kanilang napakalaking mesa. Nadatnan niya ang kaniyang mommy at daddy at kinausap niya sila.
“Mom, dad, I am ready to go to school,” nahihiyang saad nito sa kanila.
“Hontou ni (really?), masaya ako sa desisyon mo. Ako na ang maghahatid sa’yo sa school,” nakangiting wika ng kaniyang ama.
“Don’t worry anak, babantayan ka ng iyong sariling battler at magiging personal na maid at driver mo siya,” saad naman ng kaniyang mommy.
“Arigatou gozaimashita (Thank you), mom and dad. Maliligo na ako.”

Chapter 2

Myoujin’s POV

Umuwi ako sa bansang Pilipinas kasama ko ang aking personal na yaya, si Aling Cossang. Tatlong taon na ang nakakaraan nang napagdesisyunan ng aking mga magulang na lumipat sila sa Pilipinas. Ang habilin ng aking lolo sa kanila upang hawakan nila ang isa naming kumpanya ng alak na ipinatayo sa bayan ng aking mommy. Matanda na ang aking lolo at ang kaniyang katuwang sa negosyo rito sa Japan ay ang aking Oba-kun na si Asahina Aki. Siya ay kapatid ng aking daddy at mas pinili nitong huwag nang mag-asawa pa. Magkasundo naman kami ng aking Oba-kun at lagi niya rin akong sinusundo sa paaralan upang pumunta sa Akihabara. Namimili kami ng mga anime items o naglalaro kami ng mga Video Games dahil iyon lamang ang aming libangan. Kaya’t nalungkot siya nang nabalitaan nitong ipinauwi ako ng aking Oji-san dito sa Pilipinas. Ngayong nasa Pilipinas na ako, malaki man ang aming mansyon nakakainip pa rin pala rito. Isinama ako ng aking daddy sa aming pinamamahalaang naming eskuwelahan at malaki naman ito pero parang iba pa rin sa paaralang aking nakasanayan.
“Heto na ang bago mong eskuwelahan Myoujin, matuto ka sanang makisama,” pagbabantang saad sa akin ng aking daddy.


“Bakit naman ako makikisama, dad, sa atin ang paaralang ito. Dapat sila nga ang makisama sa akin,” seryosong wika ko sa kaniya.


“Hindi tama iyan anak, hindi Japan ito at ikaw ang bago, dapat ikaw ang makisama!”


“Naze dame desu ka?! (Bakit hindi?!)”


“Pag-aralan mo na rin magsalita ng tagalog sa lahat ng oras. Huwag mo muna akong kausapin ng Japanese dahil sinasanay ko na rin ang sarili ko.”


Tumawa ako nang malakas dahil natatawa ako sa pagkakabigkas ng aking daddy sa tuwing nagtatagalog siya. Sa totoo lang sanay naman akong magtagalog kaya’t hindi ako hirap sa pagsasalita. Ginagamit ko lagi ang salitang tagalog sa tuwing kasama ko si Maki. Hindi pala ako nakapagpaalam sa kaniya at tiyak na nagcha-chat na iyon sa aking cellphone. Hindi naman kasi ako active sa Social Media.


“Anong tinatawa- tawa mo Myoujin? May nakakatawa ba?” Seryosong saad sa akin ni daddy.


“Ie, jyoudan desu, (Wala nagbibiro lang ako),” tumatawang wika ko sa kaniya.


Nakarating na kami sa paaralan at sinalubong ako ng aking personal na battler na si Manong Rolando. Lahat ng mag-aaral at guro sa Waldstein Academy ay nagtipon- tipon upang salubungin kami sa gate. Habang naglalakad kami papasok sa paaralan lahat ay yumuko upang magbigay- galang sila sa amin. Tiningnan ko ang kanilang uniporme parang katulad din ng uniporme ko sa aking dating pinapasukang paaralan. Sa ngayon ay nasa Grade 9 na ako at idinala ako sa pinakamataas na section. Unang pagpasok ko ngayong araw sa paaralan ngunit hindi ako pumasok at nanatili muna ako sa aking personal room. Umuwi na ang aking daddy at nakasama ko lang ang aking battler dito sa aming paaralan.


“Hindi ka ba papasok Master Myoujin sa classroom mo?” tanong sa akin ng aking battler.


“Tinatamad ako, what’s the point kung papasok ako? Kahit hindi ako pumasok alam ko na ang pinag-aaralan nila, “ saad ko sa kaniya.


Umupo ako malapit sa bintana at uminom ako ng kalahating baso ng tsaa. Ang aking battler ay siya rin ang personal maid ko rito sa aming paaralan. Sa pagdungaw ko sa bintana may nakita akong estudyanteng nagmamadali at tila late na ito sa pagpasok. Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha at nakasakay lamang ito sa tricycle. Natawa ako dahil ang pagkakaalam ko puro mayayaman ang mga nag-aaral dito sa aming paaralan. Buong araw akong hindi pumasok at umuwi na kami ng aking battler sa mansyon. Sa unang araw ko pa lang lumabas sa aming mansyon tila gusto ko na rin umuwi sa Japan. Mabuti na lamang at nariyan si Aling Cossang upang maalalayan ako nito.


“Kumusta ka na, Aling Cossang? Nakauwi ka na ba sa inyo?” tanong ko sa kaniya.


“Opo, Master Myoujin, nakauwi na ako. Salamat po pala sa ibinigay ni’yong pera sa akin dahil nakadagdag ito sa allowance ni Yuffie,” nakangiting tugon nito sa akin.


“Walang anuman, Aling Cossang,” nakangiting saad ko sa kaniya.


Biglang dumating si mommy at kinausap niya si Aling Cossang.


“Thank you po ma’am sa pagtulong mo sa amin ng aking anak,” nakayukong sambit ni Aling Cossang sa aking mommy.


“Don’t mention it, manang, ang importante makakapag-aral na ang iyong anak. By the way, aalis muna kami dahil may business trip kami ng iyong daddy.”


Atsaka na ito umalis kasama ni daddy dahil pupunta raw sila ng Dubai at dalawang araw pala sila roon.


“Saan pinag-aral ni mommy ang iyong anak?” pagtatakang tanong ko sa kaniya.


“Sa inyong pagmamay-aring eskuwelahan, Master Myoujin. Ayaw nga niya sanang mag-aral doon dahil hindi raw siya bagay sa inyong paaralan,” tugon nito sa akin.


Makalipas ang limang araw ay roon pa lamang ako pumasok sa aking silid-aralan, pati ang aking guro ay ginagalang ako. Nabagot na kasi ako sa aking personal na silid at lagi ko na lamang kasama si Rolando. Halos lahat ng aking kaklaseng babae ay nagpapakilala sila sa akin subalit hindi ko sila kinakausap. Trenta minutos na ang nakakaraan na inilalagi ko sa clasrrom, may biglang dumating na babae sa aming silid-aralan. Pawis na pawis ito at humihingal dahil siguro ay nagmamadali siyang pumapasok dito sa aming classroom.


“Miss Yuffie Gonzales, late ka na naman!” pagalit na wika ng aming guro sa kaniya.


“Sorry po, Miss Soliman,” pakiusap nito sa aming guro.


“You are always late. Alright come in. Next time, I hope you come early.”


“Thank you, miss.”


Namumula siyang dumaan sa aming harapan at tiyak akong siya ang anak ni Aling Cossang. Napakaganda nito at kamukha nga talaga niya si Tifa, pati ang kaniyang katawan ay sadyang napakaganda.


“Class, may gaganaping program dito sa ating paaralan. Pero ang program na ito ay tungkol sa kompetisyong pagandahan, dapat ay may representasyon tayo rito sa ating section,” pag-aanunsyo ng aming guro sa amin.
“Maybe, I’ll be the one to choose,” wika ng kaklase kong babae at kasabay nito ang paghawi ng kaniyang sariling buhok.


“Magkakaroon pa ba tayo ng botohan?” tanong ng aming guro sa amin.


Tumayo ang lahat ng kaklasi naming mga lalaki at sabay- sabay na itinuro nila si Yuffie.


“Siya ang ilalaban natin dahil may pag-asa pa tayong manalo!” sambit ng aking isang kamag-aral.


Tumayo ang isa naming kaklasing babae.


“Bakit kayo lamang ba ang karapatang mamili? Hindi puwedeng sumali ang Janitress dito!” pagalit na saad naman nito sa aming kaklase.


Biglang tumayo si Yuffie habang nanginginig ang kaniyang tuhod.


“H-hello po, p-pasensiya na kayo dahil hindi po ako puwedeng sumali.”


“B-bakit naman Yuffie, ikaw na sana ang pipiliin ko,” sambit naman ng aming guro.


“D-dahil po baka magtagal po ang program at matanggal po ako sa aking part-time job,” nahihiyang wika naman nito sa aming guro.


“I understand you miss Gonzales. Okay, si miss Freya na lang ang ating isasali.”


Bumusangot ang babaeng nagngangalang Freya at nagsalita.


“So, second choice lang ako ganoon ba? But I will accept it,” nakangiting saad naman nito.


Nakikita ko siya na naglilinis sa pasilyo o kaya sa aming hagdan. Minsan ay naglilinis ito sa aking personal room at napapatigil ako sa tuwing nakikita at nasisilayan ko siya. Subalit hindi ko siya makausap dahil sa tuwing nakikita ko siya kumakabog ang aking dibdib. Minsan ay dumadaan ako sa hagdan at narinig kong pinag-uusapan siya ng mga kalalakihan.Sa tingin ko ang isa sa kanila ay matindi ang pagnanasa sa kaniya.


“Did you see the new student here?” Tanong ng lalaki sa kaniyang kasamahan.


“Who?” Pagtatakang tanong ng kaniyang kaklase sa kaniya.


“Iyong babaeng nasa Grade 9 section A.”


“Ah, yo’ng cute at sexy na babae?”


“Yes, iyon nga. She is very beautiful.”


Tumawa ang kaniyang kaklase at nagsalita.


“She is a Janitress in our school. Pero siya na yata ang nakita kong hot babe dito.”


“Do you know her name?”


“Yes, she is Yuffie Gonzales.”


“Oh, bagay sa kaniya ang pangalan niya. Makukuha ko rin siya dahil pera lang naman ang katapat niya.”


“What does she look like when naked.”


“Hey, she’s mine. No one can get her!”


“Okay, sa iyo na siya Axton. Wala ka namang hindi nakukuha. You are very popular in other girls.”


“I don’t care about them. Yuffie is just mine.”


Atsaka na ako umalis at pumasok na ako sa aking classroom. Nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang upuan at wala siyang kaibigan. Subalit kinakausap siya ng aming kaklaseng lalaki at nakayuko ito habang kinakausap nila. Tumingin ako sa kanila at nananahimik sila kasabay nito ang pag-upo nila sa kaniya- kaniya nilang silya. Kinuha nito ang kaniyang panyo at nagsimula na siyang lumuha. Iniisip ko kung ano ba ang sinabi nila sa kaniya subalit hindi ko na lamang sila pinansin. Dumating na ang aming teacher sa History at nagsimula na itong magturo. Napansin kong lagi niyang tinatawag si Yuffie upang mag-recite at napansin kong matalino rin pala siya.


“Miss Yuffie, I have a question for you,” saad ng aming guro sa kaniya.


Tumayo ito at nagsalita.


“Yes sir,” namumulang wika nito sa kaniya.


“What is the full name of our national hero?”


“Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.”


“Very good Miss Yuffie, take your sit.”


“Who want to answer this question? The question is.. what is the birthday and place of birth of our national hero?”


Tumayo ako at nagsalita dahil bagot na bagot na ako sa aming subject. Nagulat ang aming guro dahil nahihiya siyang tawagin ako.


“His birthday is June 19, 1861 and his place of birth is at Calamba, Laguna. Can I leave now, Mr. Gozum?” sarkastikong sagot ko sa kaniya.


“Y-Yes, Master Myoujin. You can leave now,” nauutal na saad nito sa akin.


Lumabas ako ng classroom at pumunta na ako sa aking personal room. Nadatnan ko si Manong Rolando habang nagbabasa ito ng dyaryo.


“Siguro nainip ka na naman sa iyong subject master?” Tanong nito sa akin.


“I’m bored, I want to go home,” tugon ko sa kaniya atsaka ako umupo sa couch.


“Kung gusto mo master, puntahan natin si Aling Cossang.”


“Huwag na, nasa bahay iyon at alam kong nagluluto siya ng aming dinner.”


“Maiba ako master, hindi ba’t anak ni Aling Cossang iyong babae kanina na naglinis dito sa personal room mo?”


“Yes, she is. Why?”


“Kasi napakaganda nito, ayokong maniwala na anak siya ni Aling Cossang. Parang nakakakita ako ng artista o modelo kapag nakikita ko siya.”


“She is a half- Chinese. Kaya ganoon ang itsura niya. Well, ayokong pag-usapan siya. Uuwi na ako, ibang-iba talaga rito kumpara sa Japan. Can you please give me my cigarette?”


Kinuha ni Manong Rolando ang aking sigarilyo at uminom ako ng kakaunting alak. Kahit nasa labing-pitong gulang pa lamang ako, marunong na akong manigarilyo at uminom ng alak. Hinahayaan lamang ako ng aking battler pero hindi ko maintindihan kung bakit lagi kong naiisip si Yuffie. Pumunta si Mr. Ferdinand Valencia at kinausap niya ako. Nakita nitong naninigarilyo ako at yumuko siya sa aking harapan.


“Yes, Mr. Valencia why are you here?” sarkastikong tanong ko sa kaniya.


“I just want to talk to you, Master Myoujin,” sagot nito sa akin.


Ilang minuto rin kaming nag-uusap at inaaya niya akong maging presidente ng isang Sports Club pumayag ako. Binigyan niya ako ng VIP room for club at nakilala ko na ang mga miyembro. Lalaki kaming lahat at sa tingin ko ay magiging kasundo ko sila. Sila ay anak din ng mga mayayamang business man at mayor sa lugar na ito. Walo sila at kaugali nila si Maki at ang kuwartong pinasukan ko ay para lamang sa mga exclusive na tao rito sa aming paaralan.


End of POV

Chapter 3

Nagpa-part time job si Yuffie bilang janitress sa kanilang paaralan at madalas siyang pagtawanan. Subalit hindi na lamang pinapansin ang panunukso ng kaniyang mga kamag-aral. Maraming humahanga sa kaniyang kalalakihan at hindi niya pinapansin ang mga gustong manligaw sa kaniya. Minsan ay may lumapit sa kaniyang Grade 10 student at anak siya ng isang may-ari ng sikat na restaurant sa kanilang lugar. Guwapo rin ito at presidente siya ng Team Brigade Club. Habang dala- dala ni Yuffie ang timba at mop nilapitan siya ng lalaki.


“Hi, miss-“ wika nito kay Yuffie.


“Yes po?” tugon nito sa kaniya.


“Parang bago ka pa lang dito sa aming paaralan. Anong gagawin mo sa timba at mop na iyan?”


“Maglalampaso po ako.”


“M-maglalampaso? I think anak ka ng may-ari ng Martha Clothing Company, am I right?”


“N-naku po sir, hindi po. Si Miss Freya po iyon.”


“So, ano ang trabaho ng mga magulang mo?”


“N-naku, kasambahay lang po ang mama ko. Nakapag-aral lang po ako dahil pinag-aaral lang po ako ng amo niya.”


Nabigla ang kausap nito at nagtaka siya kung totoong anak lang ba siya ng kasambahay.


“Sorry, nabigla ako dahil wala sa itsura mo ang pagiging anak ng isang kasambahay.”


“Okay lang po iyon.”


“By the way, I am Axton Ashford. President of Team Brigade Club.”


Nakikipagkamay sa kaniya si Axton pero hindi niya ito kinamayan ni Yuffie dahil nahihiya siya sa kaniya.


“Naku, sorry po, sir Axton. Marumi po kasi ang kamay ko.”


“No, it’s okay. Don’t call me sir, Axton na lang dahil kamag-aral naman kita. Kanino pala nagtatrabaho ang nanay mo?”


“Kasambahay po siya ng mga Aki Family.”


“You mean kina Master Myoujin?”


“Opo, nagtatrabaho po siya roon.”


“So, kilala mo si Master Myoujin?”


“H-hindi po dahil ko pa po siyang nakikita sa personal.”


“Okay, sige, nice to meet you Yuffie. Sabay ka na umuwi sa akin pagkatapos mo riyan.”


“Hindi po sir, may sundo po ako.”


“S-sino ang sundo mo?’’


“Boyfriend ko po.”


“Y-You already have a boyfriend. Nag-aaral ba siya rito?”


“H-Hindi po, nag-aaral po siya sa O'Donnell High School.”


“P-Public School?”


“Opo, bakit po?”


Naging seryoso ang mukha ni Axton at bigla niyang hinila si Yuffie kasabay nito, binulungan niya ang dalaga sa kaniyang tainga.


“Someday, you will be mine!”


Nabigla si Yuffie at nahulog nito ang hinahawakan niyang timba at mop. Habang papalayo si Axton sa kaniyang harapan, natulala na lamang siya sa ibinulong sa kaniya ng binata.


“Let’s meet tomorrow. I will pick you up kapag lalabas ka ng iyong classroom.”


Natakot ang dalaga sa ikinikilos ni Axton at nanginginig niyang pinulot ang nahulog nitong timba at mop. Samantala, sa labas ng gate naghihintay ang best friend ni Yuffie. Siya ay si Claire Santos at kausap niya si Axton. Nabigla si Yuffie at nagtataka ito kung bakit kausap ni Axton ang kaniyang best friend.


“Yuffie nariyan ka na pala!” nabiglang wika ni Claire sa kaniya.


“You said your boyfriend will pick you up,” sarkastikong saad ni Axton sa kaniya.


Hindi makapagsalita si Yuffie sa harapan ni Axton.


“Kailan ka pa nagka-boyfriend Yuffie? Nakakabigla naman,” pagtatakang sambit ni Claire sa kaniya.
“Wala ka naman pa lang boyfriend. Basta sabay tayong mag-lunch bukas, Miss Yuffie Gonzales,” nakangiting wika ni Axton sa kaniya.


Lumayo na si Axton sa kaniya at biglang nagsalita ang driver nito.


“Sir Axton, halika na po. Hinihintay ka ng mommy mo sa inyong restaurant.”


“Sige, sasakay na ako. See you, Yuffie.”


Atsaka na sumakay si Axton sa kaniyang sasakyan at kinindatan niya si Yuffie habang papalayo ang sinasakyan nitong sasakyan.


“Mukha siyang prinsepe, Yuffie, napakaguwapo niya talaga,” namumula at kinikilig na sambit ni Claire sa kaniya.


“Tara na Claire, uwi na tayo. Hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan.”


Umuwi na si Yuffie sa kanilang bahay at hindi pa niya nadatnan ang kaniyang ina sa kanilang tahanan. Gabi na kung umuwi si Aling Cossang at laking pasasalamat nito sa kaniyang anak dahil lumalaki itong napakabuting anak.


“Kumusta ang pag-aaral mo sa Academy?” Tanong ni Aling Cossang sa kaniyang anak habang umiinom ito ng kape.


“Masaya naman po, mama,” tugon naman nito sa kaniyang ina.


“May kaibigan ka na ba sa mga kaklase mo?”


“W-wala po mama dahil hindi naman nilang gustong kaibiganin ako.”


“Bakit naman anak? Maganda ka naman.”


“Basta mama, siguro hindi muna sa ngayon dahil bago pa lamang ako.”


“Anak, tatandaan mo ito kahit medyo sumisikat ka sa bago mong paaralan. Huwag ka munang magbo-boyfriend.”


“Alam ko naman po iyon, mama. Uunahin ko po ang pag-aaral ko kasi gusto kong maging isang lawyer balang- araw.”


Ngumiti ito sa kaniyang anak at niyakap niya ito. Kinabukasan, maagang pumasok si Yuffie sa paaralan at nagtaka ito kung bakit nakapila ang lahat ng guro at mga prinsipal sa gilid ng pinto habang sila ay nakayuko. Hinila siya ni Freya at pinayuko siya nito. Nakita nitong bumaba ng napakagarang sasakyan ang isang estudyanteng katulad nila.


“Maagang umaga, Master Myoujin,” sabay-sabay na pagbati nilang lahat.
Patuloy lamang sa paglalakad ang binatang si Myoujin papasok sa loob ng kanilang building.


“Siya ba si Master Myoujin?” Tanong ni Yuffie sa kaniyang kaklasing si Freya.


“Oo, hindi mo ba alam na kaklasi natin siya? Napakaguwapo niya, no? Iba talaga kapag galing sa super yaman na pamilya,” nakangiting saad ni Freya sa kaniya.


“Ikaw pala si Yuffie. Bakit ka pala nagpa-part time? Hindi ba’t napakayaman ni’yo?” tanong ni Freya sa kaniya.


“N-naku Miss Freya hindi kami mayaman,” tugon naman ni Yuffie sa kaniya.


“Sabi mo eh,” nakangiting sambit naman nito sa kaniya.


Sabay silang pumasok sa kanilang classroom at matalim na naman ang tingin nila kay Yuffie ng kaniyang mga kaklasi. Makalipas ang dalawang oras, tumunog na ang bell hudyat na ito na break time na nila. Biglang tumayo si Myoujin at nagtungo ito sa rooftop. Hindi naglinis ng hall way si Yuffie dahil tila medyo masakit ang kaniyang pakiramdam. Walang baong dala si Yufie kaya’t umakyat na lamang ito sa rooftop. Tinitingnan niya ang mga tao sa ibaba habang nakatayo ito. Si Myoujin naman ay nagbabasa lamang ito ng aklat at nakita niya si Yuffie subalit hindi niya ito kinausap. Biglang dumating si Axton at nilapitan niya si Yuffie.


“Narito ka lang pala kanina pa kita hinahanap,” wika ni Axton sa kaniya.


“P-Pasensiya ka na, hindi ko po alam na hinahanap mo ako,” tugon naman ni Yuffie sa kaniya.


Niyakap ni Axton si Yuffie at pinagtangkaan niya itong halikan sa kaniyang mga labi. Itinulak naman ni Yuffie si Axton at tila nainsulto ito sa ginawa ng dalaga.


“You are too brave to push me. Who do you think you are? Isa ka lang naman basahan. Pasalamat ka at nilalapitan pa kita kahit nakakadiri ka kung titingnan!” pang- iinsulto at pagalit na saad nito kay Yuffie.


Takot na takot naman ang dalaga sa ginawa ni Axton sa kaniya. Ibinato naman ni Myoujin ang kaniyang hawak na aklat at natamaan naman si Axton sa kaniyang ulo.


“SINO IYON!!!!!” pagalit na wika ni Axton dahil natamaan ang kaniyang ulo ng libro.
Humarap ito at nakita niya si Myoujin sa kaniyang harapan.


“M-Master Myoujin,” kinakabahang saad ni Axton sa harapan ni Myoujin.


Patakbong umalis si Axton dahil sa takot nito kay Myoujin. Bigla nang tumunog ang bell at nagpasalamat si Yuffie sa kaniya. Yumuko si Yuffie sa harapan ng binatang nagtanggol sa kaniya.


“M-Marami pong salamat, Master Myoujin,” gumagaralgal na sambit ni Yuffie sa kaniya.
Hindi kinibo ng binatang si Myoujin ang dalaga at tumalim ang tingin nito kay Yuffie. Bumaba na ito patungo sa kanilang classroom kasabay nito ang palihim na ngiti ni Myoujin para sa dalaga. Sinalubong naman siya ng kaniyang ka-team sa hagdan. Sinulyapan nila si Yuffie at dali-dali naman bumaba itong bumaba sa hagdan. Ang mga mayayamang ka-team ni Myoujin ay sina Ryuu, Kieffer, Cairo, Harry, Ji-Hoon, Xu Kai, Yan Wei at Jin.


“Sekushii, sore wa dare desu ka, Myoujin-sama? (Sexy, sino siya Master Myoujin?)” Pasulyap na tanong ni Ryuu kay Myoujin.


“Kaklase ko siya, huwag ni’yo na siyang pansinin,” pagsusungit niya sa kanila.


“Come on, let’s party!” pabirong wika naman ni Xu kai sa kanila.


“Tara na, ayoko rin naman pumasok. May alak na riyan?” Tanong naman ni Jin sa kanila.


“Si Myoujin pa ba?” Nakangiting saad naman ni Yan Wei sa kanila.


Pumunta na sila sa kanilang VIP room at sinimulan na nilang magsaya.