Browse stories

Ground Zero

Language: fil

Welcome to Ground Zero! Choose your weapons wisely, Be as clever as you can be. Where the faint hearted Is unqualified, And only the almighty Can ride with the tide. Fasten your seat belt, And let the wheels pelt. Here comes your worst nightmare, They can be anywhere. Time is ticking, And blood is running. With glory and fame, Comes with gore And shame. **** When half of the world’s population was plagued by a virus caused by a mutated leech, those who are infected tend to go feral and crave for human flesh. As carnage began destroying the country of Astraeus, the…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Trinity’s Point Of View



The rays of sun delicately enveloped my tan skin, as I opened the broken window in my room. Mabilis akong bumaba sa tahimik na palapag at saka dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang ref ko at gano’n na lamang ang ka-dismaya nang makitang wala na itong laman.



May isang ideya na pumasok sa aking isipan at saka nagmadaling pumunta sa stand kung sa’n naka-sabit ang aking jacket. Kinuha ko sa may compartment ang susi ng truck ni papa.



Binuksan ko ang garahe at pinagmasdan ito, tila abandunado na ang lugar dahil sa mga sapot at dumi na pumapailanlang sa malamig na semento at lamesa.



Pumasok ako sa loob ng truck at saka binuhay ang makina nito, mga ilang beses ako sumubok bago pa ito tuluyang gumana. Napangisi ako nang isang malakas na tunog ang idinulot nito sa pagtapak ko ng acceleration.



Binuksan ko ang radyo at saka nagpatugtog. Lumabas na ako sa garahe, at nagmaneho papunta sa pinaka-malapit na supermarket. Ang kalsada ay tahimik at nagmistulang ghost town dahil sa kakulangan ng ingay at presensya ng mga tao.



Paglinga ko sa bawat kanto ay hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin at lumunok. Tila may bumara sa aking lalamunan, pinipigilan akong lumunok. Ang mga kalapit na bahay sa subdivision ay sira na at nagmukhang dinaanan ng isang sakuna. May mga katawan na nagkalat at duguan.



Paglabas ko sa subdivision ay may mga sira-sirang plaka at signage ang nagkalat, pansamantala akong bumaba sa truck upang lumabas at saka alisin ang mga nakaharang sa daan at saka muling nagpatuloy.



Day 56, this is Paxon. This is where I was left behind all by myself. Noong panahon na dumating ang mga rescue team, naiwan ako sa subdivision kasama ang mga infected. Hindi kami iniligtas ng mga otoridad at hinayaan pang ma-infect nalang sa loob, sa kadahilanan na mas inuna nila ang mga mamamayan na nasa labas ng subdivision.



Ang akala nila sa subvision namin nag-umpisa kumalat ang sakit kaya pati mga inosenteng tao na tulad ko isinama nila sa hindi pag-rescue. Masakit mang isipin ngunit kung ano na lamang ang malaman ng tao ay ayon na ang kanilang paniniwalaan.



Explanation has no room on their closed minds. Paxon is the second largest district of Hymneah. First to Paxon is Phyroah.



Paxon and Phyroah is called as twin city. It was named after the both two greatest scientists who discovered the cure for the most lethal cancer.



Tiningala sila ng marami dahil sa kanilang malaking iniambag sa mga pasyente na nilalabanan ang pinaka-malalang cancer. Even after death, their names were never forgotten.



Nang pumutok ang balita na mayro’ng virus na kumalat sa kalapit na kontinente, naging masyadong kampante ang buong Hymneah at tila isinawalang bahala ang sinabing balita.



And here’s the price for their ineffective security. Maraming na-infect, maraming namatay, maraming nagsakripisyo na tao upang maprotektahan lamang ang mga sibilyan.



At isa na roon ang aking ama at ina. My mother is one of the persons I admired a lot. Because she’s been curing people, and spreading news at the same time. While my father trained under the government to protect the city against the virus.



Ngunit hindi katanggap-tanggap ang ikinapatay nila. Sinubukan pigilan ni papa ang gobyerno sa pagpatay ng mga sibil na na-infect ng virus, dahil naniniwala ang ama ko na baka mayro’n pang lunas sa sakit na ‘to.



Hindi sila nakinig sa suhestiyon ng aking ama, ngunit si ina ay sinuportahan pa rin ang desisyon ng aking ama. Dahil dito, isinama sila ng gobyerno sa Phyroa upang magligtas ng tao. Pero sa pagpasok nila sa Phyroa ay hindi na sila isinama ng mga convoy pabalik sa Paxon.



Hinayaan nila ang mga magulang ko doon na ma-infect, like the rest. At gano’n din ang ginawa nila sa akin. . . sa amin, hindi nila kami iniligtas. Simula sa araw na iyon ay isinumpa ko ang gobyerno, ipinangako ko na ipapamukha ko sa kanila na mali sila ng hindi pagtitiwala sa aking ama at ina.



Mali sila ng hindi pagligtas sa amin sa loob ng subdivision noon.



Humugot ako ng malalim na hininga nang mapansing nasa pamilihan na ako. Pinatay ko ang radyo at makina. Pumikit ako at taimtim na pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik. Mas nakakatakot.



Nagmulat ako ng mata saka kinuha ang balisong ni papa na nasa dashboard bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Isinuksok ko iyon sa likuran ng pantalon pero nanatiling hawak iyon ng kamay ko. In case na may bigla na lang lumitaw at salakayin ako.



Habang naglalakad ay nakaamoy ako ng masangsang. Na parang nabubulok na laman ng hayop. . . o tao. Habang papalapit nang papalapit sa supermarket ay tumambad sa akin ang driveway na may bahid pa ng mga natuyong dugo at mga nagkalat na laman. Hindi ko napigilang takpan ng neckline ng damit ko ang aking ilong dahil sa baho. Nakakasuka. Nakakasulasok. Kaya pala ganoon ang amoy. Napakarami palang bangkay dito. Iyong iba ay kulang-kulang ng parte ng katawan.



Napaka-brutal. Hindi makatao.



Tumingala na lang ako para hindi ko na makita pa ang kalunos-lunos na karahasan sa paligid. Sira na ang lahat.



Pati ang buhay ko.



Sa loob ng pamilihan ay tumambad sa akin ang mga natumbang estante at mga pagkain na nasa sahig. Naging maingat ako sa bawat pagkilos ko. The lights are switching to on and off. Even the tiny droplets of water from broken pipes can be heard audibly.



Naglibot ako sa loob upang humanap ng matinong pagkain. Perks of this catastrophe. Everything is free. That is, ironically, paid by million of lives.



Nakarating ako sa estante ng mga de-lata at tumingin ng pu-puwede pa. Sa tuwing nakakakita ako ng mapapakinabangan ay kaagad ko iyong isinisilid sa dala kong backpack. Mas marami, mas maganda. Pagkain at tubig ang pinakakailangan ko. Hindi naman puwedeng magtago lang ako buong panahon. Nakaligtas nga sa infection, namatay naman nang dilat dahil sa gutom.



Habang nagsisilid ng tinapay sa bag ay bigla akong nakarinig ng kaluskos mula sa pinakadulo ng mga estante. Patay-sindi ang mga ilaw pero sa parteng iyon ay parang pinagkaitan na ng bumbilya sa dilim.



Nagpatay-malisya na lang ako at nagpatuloy sa paglalagay ng supplies pero may kakaiba talaga. Parang hindi na lang iyon simpleng kaluskos. Nakakarinig na ako ng mahihinang angil at parang mga pinupunit na laman.



Isinukbit ko ang bag at kaagad na hinawakan ang balisong na nakasipit sa likod ng pantalon ko habang paatras na naglalakad patungo sa pintuan. Magagaan ang bawat hakbang ko. Nag-iingat na makagawa ng anumang ingay na makaka-distract sa kung ano mang nandoon.



Ilang metro na lang ang layo ko sa labasan pero parang pinaglalaruan rin ako ng kamalasan. Dahil kung swerte ‘yon, hindi ko sana masasagi ang rack ng mga toothbrush at matutumba sa sahig,



“Nalintikan na.” Bulong ko at tuluyan nang kinuha ang balisong saka eskpertong itinupi ang hawakan upang ilabas ang patalim.

Chapter 2

Nawala ang ingay sa madilim na parte ng supermarket na parang narinig ang nagawa kong gulo at hinahanap kung saan iyong nanggaling.



Patuloy akong umatras. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mabibigat na yabag. Hinigpitan ko ang hawak sa balisong at itinutok iyon sa direksyon kung saan ko naririnig ang kaluskos. Habang tumatagal ay bumibilis rin ang hakbang noon na parang tumatakbo na kaya binilisan ko rin ang paglakad paatras. Malapit na ako sa pinto, lalabas na lang, pero kung sinusuwerte rin naman nga ako ay bigla na lamang lumitaw mula sa dilim ang isang duguang lalaki. Natatabunan ng dugo ang mukha at katawan nito, lalo na ang bibig nito na maitim na may umaagos na dugo na pinagsama ng laway.



Mabilis itong tumatakbo pero iika-ika. Parang tanga,



“Run fast, bitch!” Ani ko sa sarili at kumaripas na ng takbo palabas. Pagkalagpas sa pinto ay dali-dali kong itinumba ang mga magkakapatong na cart sa tabi ng pinto para kahit papaano ay maharangan iyon. Mula sa siwang ng pinto ay napatili na lang ako nang kalampagin ng Hirudo ang glass door.



Wala na akong inhibisyon sa katawan habang tumatakas sa posibleng brutal na kamatayan. It’s either memeryendahin niya ako o gagawin ring Hirudo katulad ng mga kauri niya. Habang tumatakbo ay nililingon ko kung nasundan ako, at oo, nasa likuran ko siya. Tumatakbo ng mabilis.



Nagpaliko-liko ako ng daan, time to time ay sinisilip ko kung nailigaw ko na ba. Pero tangina, mas lalo silang dumami!



Wala pa naman silang sampu pero sa bilang nilang ‘yon ay kayang-kaya na nila akong pagpira-pirasuhin.



Ang mithiin kong makaligtas at makauwi ng buhay ay otomatikong naglaho nang makasalubong ang isang pack ng naglalakad na Hirudo.



Kaagad akong huminto sa pagtakbo at nagpalinga-linga sa paligid—naghahanap ng maaaring malusutan pero dead end na. Isang diretsong eskinita ito na ang tanging meron ay mga nagkalat na bangkay at mga nakaparkeng sasakyan—TAMA!



Hindi na ako pwedeng bumalik dahil makakasalubong ko naman ang mga humahabol sa akin. Pati iyong mga nasa kabilang dulo ng kalsada ay nakikihabol na. I’m stuck in between.



Wala na akong ibang choice kundi tumakbo patungo sa pinakamalapit na truck at umakyat sa bubong noon. Nahawakan pa ng isa ang paa ko kaya malakas akong tumili. Pinagtutulungan nilang hilahin ako pababa at wala na akong ibang nagawa kundi isakripisyo ang ipinunta ko dito.



“Tangina niyo ha!” Bulyaw ko at hinubad ang bag saka ito ipinaghahampas sa mga humihila sa akin. Ilang hapmas rin ang ginawa ko sa mga iyon para bitiwan ako. Ang iba ay lukot na ang ulo dahil sa paghampas ko. Dahil na rin siguro sa de-latang laman nito.



Hindi naman sila mamamatay sa hampas kaya umakyat na lang ako sa tuktok ng truck at tumayo sa gitna. Pinanood ko sila habang sinusubukan akong abutin. Ang iba ay pilit na niyayakapan ang mga kasama para makarating sa akin.



Kahit nanginginig ang kamay sa takot ay pinilit ko pa ring iwasiwas ang hawak kong balisong. Kahit alam kong hindi naman sila tinatalaban ng takot.



Napaiyak na ako sa desperasyong mabuhay. Hindi ko akalain na dito magtatapos ang buhay ko. Sa ganito kabrutal na paraan. Pero wala naman akong kakayahan na takasan ang kamatayan, e. Narito nga’t napakaraming naghahabol—no, umaabot sa akin.



Tumingala na lang ako at naluluhang pumikit. If it’s my end, I’m willing to face it. At least, makakasama ko na sina Mom kung nasaan man sila,



“Oh shit!” Napamura na lang ako dahil sa malakas na pagsabog na siyang ikinayanig ng paligid. Muntik pa akong mawalan ng balanse at mahulog kung hindi lang ako agad na nakakapit ng mahigpit sa metal grip.



Luminga ako sa paligid na napuno na ng usok. Ilang beses akong umubo habang pinapasingkit ang mga mata para makita ang nangyayari sa likod ng makapal na usok. Pero wala.



“Anong—” Napabulalas na lang ako nang mapuno ng magkakasunod na putok ng baril ang paligid kasunod ng mga bagay na nahuhulog sa lupa na parang mga katawan. Bigla akong nanlamig. Anong nangyayari?



Bigla akong natigilan at parang natulos sa kinatatayuan nang maramdaman ang malakas na hangin na nagmumula sa itaas ko. Dahan-dahan akong tumingala at napamaang nang makakita ng aircraft ilang metro ang taas mula sa akin.



Mayroong lalaking unipormado ng pang-militar na kasuotan na nakatungtong sa labas ng sasakyang panghimpapawid. May nakasukbit sa likod nito na isang mahaba at mukhang mapaminsalang baril. Bumababa ang aircraft palapit sa akin at inilahad naman ng lalaki sa gawi ko ang kanyang kamay na parang sinasabing abutin ko iyon at sumama sa kanya.



Nagbaba ako ng tingin at napaluha nang makita ang mga Hirudo na nakahandusay sa kalsada. Sabog ang mga ulo at nagkalat sa paligid ang mga parte ng bungo at utak.



Sa hindi kalayuan ay naroon ang isang tropa ng mga unipormado ring sundalo habang hawak ang mga baril na ginamit upang paslangin ang mga Hirudo. Naiyukom ko na lang ang kamao ko dahil sa pinaghalong takot at pagkamuhi.



Mga mamamatay tao!



Oo at infected ang mga Hirudo at wala sa sari-sariling diwa, pero hindi naman makatao na paslangin sila na parang mga insekto lang!



Virus lang ito, at lahat ng sakit may lunas! Hindi kamatayan ang sagot!



“Chief, may isang dalagita dito sa itaas ng truck. Mukhang hindi infected, dadalhin ba natin sa headquarters?”



Rinig kong saad ng isang sundalo sa kanyang radyo. Nakatingin ito sa akin habang ang iba ay nagmamasid sa paligid.



Gusto kong ipaghiganti ang mga magulang ko at lahat ng biktima ng gobyerno. Hindi ko alam kung paano. Pero kung makakalapit ako sa mismong sentro ng mga ito ay mas mapapadali ang kagustuhan kong bigyan ng katarungan ang lahat. Mas malapit sa target, mas mainam.



“Sigurado ka bang hindi infected ‘yan?”



Rinig ko ang usapan ng mga sundalo na nasa unahan ko. Sinuotan nila ako ng handcuff, iyong makapal na umaabot hanggang sa kalahati ng palapusuhan ko.



Sakay kami sa military truck. Nasa walong sundalo ang kasama ko. Dalawa sa magkabila kong gilid at ang iba ay nasa unahan na,



“Malalaman ‘yan pagdating sa Phyxon. Kung gumawa ng karahasan, barilin ninyo agad.”



Utos ng isa pang sundalo na nasa tabi ng driver. Gumaya pa ang tingin nito sa rearview mirror at sinalubong ang tingin ko. Maagap kong iniyuko ang ulo ko at halos ay bumaon na sa palad ang aking kuko dahil sa pagkakayukom

Chapter 3

Parang tinakasan na sila ng pagkatao.



I stared at the blue sky. Iniwas ko ang tingin sa mga bangkay na nadadaan namin. Kung gaano kapayapa at kaasul ang langit ay s’yang kinasalungat ng nasa ilalim nito, red and disastrous. I realized more how this pandemic created great havoc in each one’s life.



Higit dalawampung minuto narin kaming nagbabiyahe. Sa pagkakaalam ko’y limang oras ang biyahe patungong Phyxon galing sa kinaroroonan ko.



Biglang bumabagal ang sinasakyan naming military truck kaya napadapo ang tingin ko sa tinitignan ng mga sundalo. Isang batang lalaki na nasa sampung metro nalang ang layo sa sinasakyan namin,



“Bata umalis ka diyan masasagasaan ka.”



One of the soldiers voiced out inside the military truck



Hindi ba nila ito tutulungan?



Anger arises deep within me as I analysed the situation. Porke’t ba madungis at mukhang gusgusin ito kaya hindi na nila tutulungan? Napakuyom ang mga kamao ko sa hindi makatarungan nilang desisyon. Noon pa man ay hindi na pantay at patas ang pakikitungo nila sa mga tao.



Nakita kong pa ika-ika sa paglakad ang bata. Nasaan ang mga magulang niya? Humugot ako ng isang buntong hinga sa iniisip. Tingin ko’y isa narin ang mga ito sa kanila. Kay bata pa niya upang maging ulila. He looks like 10 years old.



Gamit ang na ipon kong tapang ay nagsalita ako,



“Please help him.”



Ngunit nakatanggap lamang ako ng isang nakakairitang halakhak galing sa kanila. How dare them? Napaka walang puso nila. They supposed to protect all human kind ngunit ano ang ginagawa nilang ito?



Ang kawawang batang paika-ika ay agad na natumba. Ngunit bago paman ito tuluyang natumba ay nag abot ang mata namin. His eyes with tears and full of sorrow seems like asking for help,



“Boss sagasaan mo nalang nagmamadali tayo.”



Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa narinig. Napakawalang kuwenta talaga nila. Ang kaninang nagbabaga pa lamang na galit ay ngayo’y pakiramdam ko’y umaapoy na,



“Napakasama niyo! Napakawalang kuwenta!”



I want to shed a tear pero alam ko na masasayang lamang ito dahil sa mga demonyong ito.



The driver was about to execute the plan when I suddenly made my way to the edge of the truck and jump.



I heard the soldiers uttered a curse.



Dahil sa nakaposas ang dalawa kong kamay kaya nawalan ako ng balanse. Sumalubong sa akin ang magaspang at matigas na semento. Nahulog ako patagilid at naitukod ko ang gilid ng aking balikat at braso.



Tumama din bahagya ang kaliwa kong pisngi. Namilipit ako sa sakit na nararamdaman sa tingin ko’y nabalian ako ng buto. Makikita rin ang pagkagasgas ng aking balat. Ngunit hindi ito ang panahon para unahin ko ito. The child needs my help the most. Kaya kahit nasasaktan ay pinilit ko na tumayo.



Paika-ika akong naglakad papalapit sa bata nang hawakan ng isa sa mga sundalo ang balikat ko.



“Stop right there.”



Gusto ko mang manlaban ay hindi kakayanin ng katawan ko.



“Buhatin mo na yang batang yan at iligay sa gilid, para maka alis na tayo.”



Agad namang sinunod ng isa pang sundalo ang utos ng kasamahan niya.



“Hoy bata!”



Ngunit hindi ito umimik. Sana ay hindi pa ito patay.



Akmang bubuhatin na ito ng sundalo ay agad itong nanginig. Nakita kung namumutla ang mukha nito at tumitirik ang mata. Veins started getting visible by every minute on its face. At may kung anong putting likidong tumutulo sa bibig nito. It’s infected.



Buong lakas na binuhat ng sundalo ang bata at agad tinapon sa gilid. Napatikom na lamang ang bibig ko habang nangingisay sa nasaksihan. Yet I stood still.



“Isakay niyo na ang babaeng yan.”



Hindi na ako nanlaban at sumunod sa utos nila. Hindi pa man ako tuluyang nakaka-akyat ay narinig ko ang sigaw ng sundalong bumuhat kanina. Ang batang lalaki na kakina lamang ay hindi na halos makatayo ay naging masigla habang nakatarak ang ngipin sa braso ng sundalo.



I muttered a curse pati narin ang mga kasamahan nitong mga sundalo. Ang sundalong kaninang nakahawak sa aking balikat ay agad akong inangat ng buong lakas upang maka-akyat ako ng madali. Tsaka siya sumunod sa pag-akyat na inalalayan naman ng kasamahan niya. Pagka akyat ay agad agad pinatakbo ng nagmamaneho ang military truck.



Siguro ay namumutla na ako ngayon sa aking nasaksihan. Hinahabol ang aking hininga habang hawak-hawak ang aking dibdib.



“The next time you meddle with our business, we will surely left you kasama ng mga infected na iyon. Do you understand?”



Ani ng sundalo na tumulong sa’kin na may diin at galit. Habang tagaktak ang pawis,



“Yes.” Nanginginig na sabi ko.



I pressed my lips together. I felt guilty for the soldier’s death. Kasalanan ko talaga iyon. Kung hindi ako nagpumilit na bumaba maaring kasama pa namin ito. Ninais ko lang naman tulungan ang bata. Malinis ang intensyon ko. I didn’t know that his body was already invaded by the virus.



Ngunit hindi ito ang tamang oras upang sisihin ko ang aking sarili. Sa ganitong epidemya dapat ay lakasan ko ang loob ko dahil anumang oras ay maaring malagay ako sa panganib. The virus invaded the place right before my eyes. Wala akong ibang magagawa kundi umiwas sa kapahamakan at iligtas ang aking sarili.



Nanatili akong tahimik buong biyahe habang namasid sa mga bangkay na nadadaanan namin. The gore things that I used to see in movies are right in front of me. Halos di ako makapaniwala sa nasasaksihan ko. I can’t even call them corpses because of their situation, they are undead!



Halos di na makilala ang iilan dahil mayroong pinunit na ang mukha. Hindi ko naiwasang malanghap ang nakakasulasok na amoy mula sa mga inaagnas na katawan. Nanuot sa ilong ko ang amoy. Halos masuka ako sa amoy ngunit pinipigilan ko na lamang ang aking sarili.



Natigil ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumigil ang sinasakyan naming truck. Nakita kong bumaba ang mga sundalo mula sa aming sinasakyan. May isang lumapit sa akin kaya’t agad ko itong tinanong,



“S-Saan tayo pupunta?” I muttered.



He gave me an assuring smile and held one of my hands.



“Pupunta tayo sa scanning room para masiguradong wala ni isa sa atin ang naapektuhan ng virus.”



Tinulungan niya akong bumaba at sinamahan papunta sa scanning room. While we head towards the scanning room I heard multiple groans. Alam kong narinig din iyon ng mga kasama ko. I frozed for a second before turning my head. Hindi nga ako nagkakamali mga zombies sila at iyon ang sundalo at bata.



Maaring nasundan nila kami habang papunta kami rito. Paika-ika silang lumapit sa’kin. I gulped while stepping backwards. Hindi sila ganoon kalayo sa akin at anumang oras ay maari nila akong kagatin.



Halos maestatwa ako sa kinatatayuan sa kinatatayuan ko. I thought it was the end of me until I heard two thundering gunshots. Biglang humadusay ang kanilang katawan sa harapan ko.



I covered my mouth because of shock. Nangingisay silang dalawa sa lupa dahil sa mga tamang tinamo nila. I can still hear their groans but it is not as loud as before. I feel like they are still clinging to life yet they’re no longer alive.



“We are still not sure if they are permanently dead. May posibilidad na mabuhay muli sila kaya tara na,bago pa nila tayo makain.”