Browse stories

Conquering the Pirate Lord

Language: fil

Simple lang ang plano ni Jeremie sa pagsama sa cruise. Ang mag-relax bago siya bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga responsibilidad niya sa pamilya niya. Hanggang mapanalunan niya sa isang game ang isang date kasama si Lucian Montecillo, who was also known as the Pirate Lord. He owned Asia’s most promising cruise ship. Guwapo sana ito pero suplado at parang may allergy sa mga babae. Ayaw nito sa kanya and the feeling was mutual. Iginigiit nito na kagaya siya ng ibang babae na naghahabol dito na gusto itong akitin at siluin sa kasal. Sa gitna ng paglilitanya nito, she walked out on him.…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

“Pasensiya na po, Ma’am Jeremie. Hanggang ngayon hindi pa rin po bumabalik si Ma’am Abbie mula sa bakasyon nila.”
Humawak siya sa railing ng verandah ng suite ng kuwartong inookupa niya sa cruise ship at anumang oras ay aalis na sila sa international port ng Hong Kong para ikutin ang iba’t ibang mga bansa sa Southeast Asia. Pero wala pa rin doon ang isipan niya dahil inaalala pa rin niya ang nakababatang kapatid na si Abbie na nasa Pilipinas.
“Kailan ba ang balik nila ni Monty?” tanong niya.
“Hindi po sinabi, Ma’am. Mukha nga pong nag-enjoy sila doon sa Bukidnon. Sariwa po kasi ang hangin doon.”
Parang ayaw niyang maniwala na mae-enjoy ng half-brother niyang si Monty o ng asawa nito na si Dara ang pagbabakasyon sa probinsiya. They were city slickers. Hindi mabubuhay ang mga ito nang di nakakalanghap ng polluted na hangin. At di rin niya alam kung bakit isinama ng mga ito si Abbie. Her sister was just thirteen. Di nito kasundo ang half-bother niya at ang asawa nito. Kaya nag-aalala siya kung bakit isinama pa ng mga ito si Abbie. Masisira ang pag-e-enjoy ng mga ito kung may karay-karay na bata. Isipin pa ng mga ito na pabigat si Abbie.
“Okay lang ba si Abbie? Wala ba siyang sakit?” paniniyak niya.
Nang huli silang magkita ni Abbie nang graduation niya sa Michigan ay namumutla ito at parang laging sumasakit ang ulo. Ang sabi nito ay baka dahil lang sa period nito dahil nagdadalaga na ito. Pero iba ang hinala niya. Di niya maiiwasang mag-alala dahil malapit silang magkapatid sa isa’t isa at malayo pa siya dito. Nakiusap siya kay Monty na ipa-check up ito pero ang sabi ay wala naman daw sakit si Abbie.
Oras na umuwi siya ng PIlipinas ay ipapa-check up agad niya si Abbie. Kundi lang marami pa siyang inayos na papeles bago siya nakauwi ng Pilipinas ay marami ay naharap na sana agad niya ang kapatid niya.
“W-Wala po, Ma’am,” tanggi ng katulong.
Huminga siya nang marahan. “Sige. Basta kapag dumating na sila, tawagan or i-text mo lang ako.” At iniwan niya ang roaming number niya dito. “Huwag mong kalimutan o wala kang pasalubong sa akin.”
“Opo, Ma’am.”
“At kung anuman ang mangyari diyan, ipaalam mo sa akin.”
Mahabang sandali niyang tinitigan ang malawak na dagat. Gustong-gusto na niyang makita ang nakababatang kapatid. Malapit siya dito kahit nine years ang gap nilang dalawa. Pangarap nitong maging ballerina. Subalit nang mamatay ang Mama niya noong edad katorse siya ay ipinadala siya sa boarding school. Kaya sinusulit niya ang bawat bakasyon para makasama niya ito. masama ang loob niya sa Papa niya dahil sa malayo siya pinag-aral samantalang kailangan siya ni Abbie. Ihinahanda siya nito sa pagtulong sa pamamalakad ng Essence Textile.
Nilabanan niya ang pangungulila dahil alam niyang para sa pamilya din nila ang ginagawa niya. Mas mabilis siyang makakatapos ng pag-aaral at mas mabilis niyang makakasama si Abbie.
Tiniis din niyang tumigil sa pag-aaral kahit nang mamatay ang Papa nila nang nakaraang taon. Isang taon na lang naman at ga-graduate na siya. At ngayong graduate na siya, iikot na sa Pilipinas ang buong buhay niya. Di na siya malalayo pa sa kapatid niya. Kailangan lang niyang tapusin ang cruise na iyon.
Pagpasok niya ng kuwarto ay nagulantang siya nang makita kung gaano kagulo ang paligid. Naghambalang ang mga damit kung saan-saan ay nag-aagawan sa isang pirasong nightgown ang kambal na sina Kae at Katie.
“Sa akin ‘to! Ito ang isusuot ko sa welcome party!” wika ni Kae.
“Ako ang magsusuot nito. Di na ito kasya sa iyo dahil tumaba ka na,” kontra naman ni Katie.
“Ikaw ang tumaba. Di dahil kambal tayo, pakiramdam mo babagayan ka na ng damit na ‘to. Akin ‘to! Akin!”
“Bitiwan nga ninyo iyan!” saway niya sa dalawa. “Damit lang pinag-aawayan pa ninyo. Parang mga bata! Madami naman kayong damit.” Isa-isa niyang dinampot ang damit na nalaglag sa sahig. “Umayos nga kayo.”
Kaklase niya ang mga ito sa boarding school. Ipinatapon doon ng amang Congressman para daw maturuan ng grace, poise at tamang asal. Ilang beses nang naparusahan ang mga kambal noong nasa boarding school dahil sa pakikipag-away. Subalit kahit ayaw sa mga ito ng ilang kaklase niya ay nakasundo niya ang mga ito. They were a breathe of fresh air. Kaya kahit na maka-graduate sila sa boarding school at nagpatuloy ng pag-aaral sa magkakaibang unibersidad ay di nawala ang komunikasyon niya sa mga ito. And she treasured them as her friends no matter how insane they are.
Noong isang buwan na ang nakakaraan nang i-set ng mga ito ang cruise na iyon. Ayaw sana niya dahil gusto niyang sa Pilipinas na dumirekta para masimulan na ang pagtatrabaho sa kompanya. Di lang siya makatanggi dahil ang mga ito na ang nagbayad para sa kanya. Hindi naman niya pwedeng tanggihan ang magandang gesture ng mga kaibigan na gusto lang siyang makasama.
“Sino ang mas bagay sa amin na magsuot nito?” tanong ni Kae habang pareho pa ring di pinapakawalan ang damit.
“Wala! Walang pagbabagayan niyan. Pag di kayo titigil, di na ako sasama dito. Tutuloy na ako ng Pilipinas,” banta niya.
Sabay na binitiwan ng mga ito ang damit at saka pinag-aayos ang kalat ng mga ito. “Aayos na po,” sabi ni Kate. “Ano bang problema mo at parang nasa kabilang dagat ang isip mo?”
“Hindi ko pa rin ma-contact si Monty. Hindi daw alam sa bahay kung kailan siya babalik. Gusto ko lang naman makausap si Abbie.”
“Masyado kang maraming iniisip,” sabi ni Kae. “Kuya mo na mismo ang nagsabi na magbakasyon ka muna at mag-relax. Hayaan mong gawin din iyon ni Abbie. So let’s enjoy and have fun. Meet the boys.”
“Boys,” usal niya kasabay ng buntong-hininga. Wala sa plano niya na manlalaki sa trip na iyon. Relax maybe but boys were not part of her plans.
“Oo kailangan mo ng spice sa boring mong buhay. Ni minsan hindi ka pa nagka-crush man lang. Wala ka nang inisip kundi ang kompanya ninyo. I am sure hindi mo pinangarap na pakasalan ang kompanya ninyo,” sermon ni Kate.
Iwinaksi niya ang kamay. “Naku! Sige na mamili lang kayo ng damit diyan. Huwag na ninyo akong intindihin.”
Nagkatinginan ang dalawa at ngumisi. “Mukhang alam na namin kung kanino babagay ang dress na pinag-aawayan namin kanina,” sabi ni Kae at sa kanya natuon ang pansin ng dalawa.
Umugong ang sigaw niya nang daluhungin siya ng dalawa.

Chapter 2

GUSTO nang burahin ni Jeremie ang mukha niya nang makita ang sarili sa harap ng salamin. Pagkakapal-kapal ng make up niya. Ni hindi na nga niya makilala ang sarili niya. At ang maikling dress niya ay handang mang-akit ng kahit sinong lalaking makakita sa kanya. Gusto na niyang hubarin.
“Let’s go, Jeremie! Perfect ka na!” tawag ni Kae sa kanya na nasa pinto na.
Nanlalaki ang mata niya itong hinarap. “You can’t expect me to parade outside looking like a harlot.” Ipinadyak niya ang paa. “Baka ma-pick up ako ng lalaki.”
Pumalakpak si Katie. “Good! Iyon naman talaga ang purpos ng damit na iyan. Huwag ka ngang pa-virgin. Di ka magmamadre. At huwag mong bulukin ang kagandahan mo. Magmumukha kang yaya namin. Gusto mo iyon?”
Napilitan siyang sumunod sa mga ito. Mas gusto niyang lumabas nang balot ng damit as if it was her armor. Gusto niyang maging kapita-pitagan na businesswoman balang-araw. At walang puwang ang mga lalaki at pakikipag-date maging pakikipagnobyo sa buhay niya. Priority niya ang pamilya niya at ang negosyo nila. Nakita niya kung paanong isuko ng Mama niya ang sarili para pamahalaan ng papa niya ang negosyo nito. Nawalan ng boses ang Mama niya. Nauwi ito sa pagiging plain housewife. Hindi iyon mangyayari sa kanya.
Naghihintay ang lahat sa paglalayag ng Pearl of the Orient Seas. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa panahon ng Kastila kung saan namamayani sa mga karagatan ang Spanish Galleons. The ship was classy and elegant. Mas maa-appreciate sana niya iyon nang walang mga mata ng kalalakihan na nakasunod sa kanya at pinagnanasaan siya. Wala siyang ginawa kundi ibaba ang dulo ng palda niya na umaangat tuwing humahangin.
“Sino ba ang pipiliin kong ka-date para sa welcome party mamaya? Si Matt o si Gerald?” tanong ni Kae. Di pa sila naglalayag ay may prospect na ang mga ito.
“Iyan din ang tanong ko. Sino sa kanila ang ide-date ko?” Kumislap ang mata ng dalawa at may iginigisa na namang plano ang mga ito.
“Gusto ninyong mag-switch mamaya, no?” panghuhuli niya.
Humalakhak ang mga ito. “Not bad, right? Hindi kami mahihirapang mamili sa kanilang dalawa. Mae-experience pa naming maka-date sila,” katwiran ni Kae.
“That’s one of the privileges of having a twin sister. May napili ka na bang ka-date? Brad is handsome,” tukoy ni Katie sa Irish na kalapit lang nila ang cabin.
“I don’t like blondes,” sagot naman niya.
“Marton perhaps?” suhestiyon ni Kae.
“Pareho lang silang mas maputi sa akin. Pareho lang silang blonde. Gusto ko munang i-enjoy ang barko kaysa sa mga lalaki okay?” Nalulunod na siya sa hangin sa deck. Naiingayan na rin siya sa dami Mukhang walang balak na mag-ikot ang mga kasama niya. Nakita niya sa brochure kung gaano kaganda ang barko. It would be a waste to spend it oggling men. “Pupunta muna ako sa mini museum.”
“Bahala ka. Boring do’n,” sabi ni Katie na di siya pinansin at kinawayan ang isang grupo ng mga kalalakihan sa kabilang table.
Nagkibit-balikat lang siya at iniwan ang mga ito. Pasimple lang niyang nginitian ang mga kasalubong niya habang papunta sa mini museum. Mas relaxed ang atmosphere sa ibang parte ng barko kaysa sa deck kung saan humahangos ang lahat ng mga tao para hintayin ang pag-alis ng barko sa harbor.
She was really impressed by the interior of the ship. Naintriga din siya sa mga paintings na nakasabit sa mga hallway. Each painting was more interesting than the first one. Nakalimutan na niya ang mini museum dahil mga paintings ang sinundan niya. She would ask regarding the artist at the reception later on. Gusto rin niya para kay Abbie. Sa batang edad ay interesado din sa art ang kapatid niya.
Pinagmamasdan niya ang isang watercolor painting nang mabulabog ang katahimikan niya sa iyak ng isang babae at sigaw ng isang lalaki.
Mula sa dulo ng hallway ay lumabas ang isang galit na galit na lalaki. Kasunod nito ang babae na magulo ang buhok at pinagsusumikapan na ayusin ang pagkakabutones ng damit nito.
“Sir, please don’t do this to me. Baka po pwede nating pag-usapan ito,” lumuluhang pakiusap ng babae.
“Wala na tayong pag-uusapan. I said you are fired!” mariing sigaw ng lalaki. Kumunot ang noo niya. Ano bang klaseng lalaki ito? Kailangan pa ba nitong iladlad sa harap ng ibang tao ang pagpapalayas nito sa empleyado nito? Ni hindi man lang nito binigyan ng kahihiyan ang kaawa-awang babae.
“You are unprofessional. Isang linggo ka pa lang sa akin but you nearly cost me a deal. Schedule ko hindi mo mailagay nang tama. And what? Sinigawan mo pa ang pinsan ko at sinabihang huwag nang tatawag sa akin.”
His voice was smooth yet authoritative. Gusto niyang makisimpatya sa babae pero hindi niya alam kung bakit naaakit siya sa boses ng lalaki. Nang lumingon siya ay nakita niya ang profile nito. His features were assertive. Matangkad ito at kung dalhin nito ang sarili ay parang pag-aari nito ang mundo. Bagay na bagay dito ang suot na light brown business suit. Na-emphasize ang magandang nitong balikat. Matangkad ito, matangos ang ilong at may maiitim na mata. Kahit na mahaba ang buhok nito na nakapusod sa likuran ay makisig pa rin itong tingnan. Ruggedly handsome and dangerous.
Humikbi ang babae. “A-Akala ko po kasi isa siya sa mga babaeng naghahabol sa inyo. Sinubukan ko lang kayong protektahan, Sir.”
“Protektahan? Or you want me for yourself?”
Napahagulgol ang babae. “Kasalanan ko bang mahalin kayo? Ayokong malayo sa inyo, Sir Lucian.” Lumuhod pa ang babae. “Gagawin ko ang lahat para sa inyo. Huwag lang ninyo akong sesantehin.” Yumukod ito. “Kung gusto ninyong halikan ko ang sapatos ninyo. Gagawin ko.”
Nahigit niya ang hininga. Baliw ba ang babaeng ito? Bakit kailangan nitong magpakababa? No way! Kahit para sa pag-ibig ay di niya gagawin ang lumuhod o ang halikan ang sapatos ng isang tao.
Nanindig ang balahibo niya nang dahan-dahang lumapit ang labi ng babae sa sapatos ng lalaki. Nanlaki ang mata niya. The nerve of the man. Bakit nito hahayaan ang isang babae na halikan ang sapatos nito?
That was unacceptable. Masyado itong malupit. Hindi niya ito papayagan.
“Huwag! Huwag mong gawin iyan!”

Chapter 3

Gulat na nilingon si Jeremie ng dalawa. Parang noon lang napansin ng mga ito na may ibang tao sa lugar. It was the hallway. Paanong di mapapansin ng mga ito? Sinamantala niya ang pagkatigagal ng mga ito at itinayo ang babae.
“Miss, hindi mo dapat ginagawa ‘to. Bakit ka nagpapakababa ng husto para sa lalaking iyan? No man is worth it!” sabi niya at hinawakan ito sa balikat at inilayo sa lalaki.
Naguluhan ang babae. “Miss, ano bang…”
Tumayo siya sa pagitan ng lalaki at ng babae. Naalala niya ang pangalan nito. Lucian. Parang mas bagay dito ang Lucifer. Well, he was a handsome devil. No he looked more like a pirate. Dark and looming over her. Pero hindi siya natatakot lalo na’t ito ang wala sa katwiran.
“Mister, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Sinesante mo na nga siya, gusto mo pang halikan ang sapatos mo. Masyado kang malupit!” Dinuro niya ito sa dibdib. “Wala kang puso.”
Inaasahan niyang magagalit ito pero tinitigan lang siya nito sa malalamig na mga mata. “Thanks for the comment, Miss. Now if you’ll excuse me…”
Nagulat siya. Inaasahan niyang dedepensahan nito ang sarili nito o kaya ay itataboy siya. Anything else. Huwag lang ang pagkikibit-balikat nito na parang walang kwenta ang mga sinabi niya dito. Naglakad lang ito palayo na parang wala itong narinig.
“Hey! Iyan lang ba ang sasabihin mo? Hindi pa ako tapos sa iyo!” sigaw niya at tangkang hahabulin ito pero naunahan na siya ng babae.
Humawak ito sa kamay ni Lucian at umiiyak. “Sir, please! Bigyan pa ninyo ako ng isang chance. I will be good. Iisipin ko nang mabuti ang trabaho ko. Huwag lang ninyo akong hayaang lumayo sa inyo. Mahal ko kayo. Pagsisilbihan ko kayo. Kahit po hindi ninyo ako bayaran...”
Sinapo niya ang noo. Ano bang kabaliwan ang sinasabi ng babaeng ito? Kahit tinatrato ito nang di maganda ay mahal pa rin nito ang lalaki. She was crazy!
“It is useless, Miss Santos. What I need is a secretary who can perform well. Not a starry-eyed woman who wants to be my slave. Magpapadala ako ng tutulong sa iyo para iempake ang mga gamit mo. You have twenty minutes to embark this ship. May tao na sa airport na magbibigay ng ticket mo pabalik ng Pilipinas. Kunin mo sa opisina bukas din ang two weeks severance pay mo.” He waved his hand. “Goodbye, Miss Santos!”
“Sir!” palahaw ni Miss Santos at sumalampak sa carpeted na hallway. Pinagmasdan lang nitong palayo ang lalaking sumisante dito at bumigo sa puso nito.
“Miss, okay ka lang?” tanong niya at inalalayang tumayo ang babae. Nakaimbi niyang tiningnan ang lalaki na pumasok sa kuwarto sa dulo ng hallway. “Ang yabang ng lalaking iyon. Akala mo kung sino.”
“Ikaw ang akala mo kung sino!” singhal ng babae sa kanya.
Nagulat siya dahil sa kanya nito ibinabaling ang galit. “Anong...”
“Si Lucian Montecillo ang sinagot-sagot mo kanina.”
“Sino ba siya?” tanong niya. “Artista ba siya? Importanteng tao?” Bakit naman siya mangingiming sagutin ang Lucian Montecillo na iyon? Kahit sinong tao ay walang apihin o ipahiya ang kapwa nito. “Kung umasta siya parang pag-aari niya ang lugar na ‘to.”
Tumayo ang babae at pinagpag ang damit. “Pag-aari niya ang barkong ‘to, Miss.”
“Oh!” nausal niya. That explains it. The man was gorgeous and ultra-rich as well. Kaya pala madali lang dito na ipagtabuyan ang isang ordinaryong sekretarya. “Pero hindi ka niya dapat tratuhin na parang basahan.”
“Mas gusto ko nang tratuhin niya ako na parang basahan kaysa mawala ako sa buhay niya.” Kinuyom nito ang palad at inilagay sa dibdib. “Mahal ko siya nang unang beses pa lang kaming nagkita. At kahit na temporary secretary lang niya ako, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Masaya na akong ipagtimpla siya ng kape at tawagin niya ang pangalan ko. Kahit na galit siya, tatanggapin ko lahat.”
“You don’t deserve that kind of man. Parang wala sa itsura niya ang kayang magmahal. Makakahanap ka pa ng bagong trabaho. Makakahanap ka pa ng lalaking magmamahal sa iyo. Hindi mo kailangang magpakahibang sa kanya!”
Hindi niya maiwasang maawa dito. Hindi man lang naibalik ang pag-ibig nito, wala pa itong trabaho. Parang babae na lang ang laging talo pagdating sa pag-ibig. At ang tanging maitutulong lang niya ay kung matatauhan ito na hindi si Lucian Montecillo ang lalaking dapat pag-aksayahan ng panahon.
Nagulat siya nang bigla siyang tabigin nito. “Tumahimik ka! Si Lucian ang gusto ko! At kasalanan mo ang lahat. Kundi ka sana nakialam, sana pinakinggan pa ni Sir Lucian ang pakiusap ko. Sana bibigyan pa niya ako ng pagkakataon para mahalin siya. Wala na iyon! Wala!”