Finding Carrot Man 3: Mine From the Start
Language: fil
/0/26926/coverbig.jpg?v=7f491ca602e74f6f8efdc4aa964da0ea)
Matagal nang may lihim na pagtingin si Beliza sa bestfriend niyang si Jeyrick. Nang sumabog sa internet ang picture nito bilang guwapong Carrot Man, dumami bigla ang karibal niya. Napilitang magtago ang lalaki upang makaiwas sa media. Kailangan niyang maging overprotective sa binata lalo na’t nagbabalik ang babaeng minsan nitong minahal at nanakit dito. But wait, there’s more. Dahil kasama din sa nag-I shall return ang impakto niyang ex-boyfriend na nanakit sa kanya, napilitan siyang ipagkalat sa lahat na siya ang girlfriend ni Carrot Man. Tutal ay doon din naman sila mauuwi ng binata.…
Available chapters
Chapter 1
“Anong nangyari sa iyo? Akala ko masaya ka dahil tuloy-tuloy ang pag-aaral mo sa Baguio. Scholar ka pa at dean’s lister,” nagtatakang tanong ng pinsan ni Beliza na si Gaylee sabay inom ng rice wine na tapuy. “Bakit ka malungkot?”
Nasa Lake Tufub sila at sinusulit ang bakasyon bago magsimula ang pasukan. Overnight silang magbo-bonding na magpipinsan bago bumalik sa kanya-kanyang bayan. Ang Auntie Lourdes niya ang nakapag-asawa ng taga-Barlig. Siya naman ay nagmula sa bayan ng Bauko sa Mountain Province. Habang ang iba pa niyang pinsan ay mula sa Besao at Sadanga.
Celebration ito dahil isa sa mga pinsan niya ay ikakasal na sa isang buwan at ang pinsang si Vernie ay pupunta na sa abroad para magtrabaho bilng nurse.
Malungkot na inangat ni Beliza ang mga mata sa pinsan si Vernie na katapat niya sa bonfire. “Wala. Mami-miss ko lang si Ading Vernie,” aniya sabay inom ng tapuy. At wala nang dahilan para sa Maynila pa siya mag-aral.
Wala namang dapat na ipagdiwang para sa kanya dahil durog na durog ang puso niya. Naghiwalay na sila ng secret boyfriend na si Cardo.
Nagkakilala sila ni Cardo sa Lang-ay Festival na ipinagdiriwang ng lahat ng bayan sa Mountain Province. Nanalo din siyang Miss Lang-Ay at nangangahulugan na siya ang pinakamaganda sa buong lalawigan. Isang turistang taga-Maynila ang nambastos sa kanya at ipinagtanggol siya ng lalaki. Para sa kanya ay love at first sight iyon. Di pa man ito nagpapakilala sa kanya ay nakuha na nito ang puso niya.
Dahil na rin sa responsibilidad niya bilang Miss Lang-ay ay nakarating siya sa pamayanan ng binata - ang Lias sa bayan ng Barlig. Naging kasa-kasama pa niya ang lalaki sa pictorials niya at pamamasyal. Nakilala niya ang pamilya nito. Pasekreto siya nitong niligawan. Di siya pumayag kahit na gusto nitong pormal na umakyat ng ligaw sa pamilya niya. Bata pa siya at ayaw niyang madismaya ang magulang niya kapag maaga siyang nakipagnobyo o nagpaligaw. Saka na lang niya sasabihin ang tungkol sa kanila ni Cardo kapag nasa tamang edad na siya.
Isang paaralan lang ang pinasukan nila noong college. First year college siya sa Saint Louist University sa kursong Accontancy habang Civil Engineering naman ang kurso ng lalaki sa second year. Supportive ito sa pag-aaral niya at nakabakod sa mga nagtatangkang makipag-date sa kanya. Di lang niya feel ang kaibigan nitong si Glenda na masyadong close dito. Alam niyang kaibigan lang ang turing ni Cardo dito pero ang ayaw niya sa babae ay ine-encourage nito si Cardo na pumasok sa Philippine National Police Academy.
Tinututulan niya iyon dahil bukod sa ayaw niya kay Glenda, ayaw niya na maging pulis si Cardo. May ama siyang pulis at masakit lang ang alaalang ibinigay nito sa pamilya nila. Iniwan sila at ipinagpalit sa ibang babae.
Kahit nang namatay ito at nag-asawa ang nanay niya ng simpleng magsasaka ay di pa rin nabubura ang pilat na iniwan ng ama sa kanya. Alam ni Cardo kung ano ang issue niya sa ama pero ipinilit nito ang pagpupulis. Ipinagmalaki pa nito na mataas ang grade nito sa entrance exam. Sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite na ito mag-aaral. Na-shock siya. Habang binubuo nila ang pangarap na magtutulungan sila sa pag-aaral habang nasa Baguio, nagpaplano na pala itong iwan siya
Sinubukan ni Beliza na baguhin ang isipan nito. Pero naroon ang kontrabidang bestfriend nito na si Glenda. Ito mismo ang nagsabi na mas pinili ni Cardo ang pagpupulis kaysa sa kapritso ng isang babae. Parang sinabi na rin ni Glenda na ito ang pinili ni Cardo kaysa sa kanya. Kahit na sinabi ni Cardo na kaibigan lang nito si Glenda, hindi pa rin iyon ang punto. Pinili nito ang pagpupulis. Pinili nito ang propesyon na sumira sa pamilya niya. Pinili nitong iwan siya gaya ng ginawa ng tatay niya.
“Baka naman boy problems iyan?” nakataas ang kilay na tanong ni Vernie. “Um! Ayaw nila tita ng ganyan.”
“Hayaan na ninyo siya,” saway ni Shan-ye na pinakamalapit sa kanya. “Scholar pa rin ang pinsan natin. Kung may crush man siya, ano ang masama? Normal lang naman iyon sa teenagers.”
“Okay lang ang crush basta huwag dibdibin. H uwag na munang mag-boyfriend. Bata ka pa. Marami pang dadating na magagandang opportunities sa iyo. Makakapaghintay ang love,” sermon naman ng Ate Badette niya na may anak na agad pagka-graduate ng high school. Ni hindi na ito nakatuntong ng kolehiyo.
Sumang-ayon naman ang ibang pinsan ni Belisa. Puro tango lang ang ginawa ng dalaga. Huli na. Na-in love na siya. Hindi niya alam kung kailan maghihilom ang sugat sa kanyang puso. Pero makikita ng Cardo na iyan. Hindi lang ito ang lalaki sa mundo.
Maya maya pa ay naglaro ng Spin the Bottle ang mga pinsan. Sinusubukan niyang makitawa kahit wala siyang naiintindihan sa sinasabi ng mga ito o ang nangyayari. Nagsisimula na rin siyang mahilo dahil sa nainom na rice wine.
Nagulat pa siya nang bigla na lang sumigaw ang pinsang si Vernie. “Si Beliza naman!”
Namumungay ang mata niyang inikot ang paningin sa mga pinsan. “Huwag na ako.”
“Huwag kang killjoy. Kami nga ginawa namin ang lahat ng consequence tapos ikaw hindi?” angal ni Gaylee. “Makipagkilala ka sa lalaking naggigitara at mag-request ka ng kanta. Kapag hindi mo nagawa, kailangan mong maligo sa lake.”
Malamig ang tubig sa lawa at malay niya kung ano ang naroon lalo na sa kadiliman ng gabi. Duwag siya sa
“Naku! Suplado ang isang iyan. Di nga ako pinansin kaninang nakikipagkilala ako,” nakaismid na sabi ni Vernie. “Maghanda ka nang maligo sa lake.”
Nakasimangot na nilingon ni Beliza ang kabilang grupo ng mga kalalakihan. Nabanggit sa kanya na taga-Kadaclan daw ang mga ito at ine-enjoy din ang huling mga araw ng bakasyon. Tumutok ang mata niya sa naggigitara sa grupo. Parang may sarili itong mundo habang nauapo sa bato sa likuran ng mga kasamahan. Masaya na itong tumugtog. May kahabaan ang buhok ng lalaki at madilim sa pwesto nito kaya hindi niya gaanong makita ang itsura nito. Pero sa palagay niya ay kaedad lang niya ang lalaki.
Kung tutuusin ay napakagaan lang ng task niya. Kailangan lang niyang makipagkilala sa lalaki at mag-request ng kanta.
Dahan-dahan siyang tumayo. “Miss Lang-ay ako last year. Kaya ko iyan.”
Puno ng kompiyansang naglakad si Beliza patungo sa grupo. Tumayo siya ilang metro mula sa lalaking target niya. Kumakanta ito ng country music. Maganda ang boses nito at napansin niya na bagamat magulo ang mahaba nitong buhok ay nakadagdag sa karisma nito. Malamlam ang mga mata at kitang-kita ang malalim nitong dimples.
“H-Hi!”
Walang interes siyang tiningnan ng lalaki pero tumigil naman ito sa paggigitara. Bigla siyang nahamon. Ang isang pusong sugatan gaya niya ay may kailangang patunayan. Kahit pa sabihin na tumanggi sa kanya si Cardo, di ibig sabihin lahat ng lalaki ay tatanggi sa kanya, kahit gaano pa kasuplado. Naging Miss Lang-ay pa rin siya. Kahit pa nga parang hinahalukay ang sikmura niya at gusto niyang ilabas ang laman. Saka na. Saka na kapag nagawa na niya ang misyon niya. Kaya niya ito.
Inilahad ng dalaga ang palad. I am Bel. Anong panga....” Pagbuka ng bibig niya ay bigla na lang niyang nasukahan ang lalaki.

Chapter 2
”Good morning, Barlig!” bati ni Beliza pagbukas ng bintana ng kuwarto niya sa Seaworld Inn sa Barlig, Mountain Province.
Unang bumati sa kanya ang malamig na hangin. Kumakaway sa kanya ang bulubundukin ng Cordillera subalit ang pinakatampok ay ang Bundok ng Amuyao na pangsiyam sa pinakamataas na bundok sa bansa. Anino pa lamang iyon noong una subalit sa paglipas ng sandali ay unti-unti nang sumabog ang liwanag sa kalangitan. Naaaninag na rin niya ang luntiang Barlig Rice Terraces at ang bahayan sa baba. Mataas ang kinalalagyan ng inn sa mismong poblacion ng bayan ng Barlig, Mountain Province at para sa kanya ay may pinakamagandang vantage point sa lugar na iyon. At iyon ang magiging tanawin niya para sa pagre-review sa board exam sa pagiging Certified Public Accountant. Hindi pa kasi sila aani sa bukid kaya wala pa siyang pang-review. But she didn’t mind. Mas makakapasok ang nire-review niya sa utak niya kung maganda ang tanawin at sariwa ang hangin.
Kailangan niya ng katahimikan sa pagre-review na hindi niya makukuha sa bahay ng magulang niya sa Bauko. Naroon ang makukulit niyang mga pamangkin na hindi siya lulubayan dahil malambing ang mga ito sa kanya. And she had a marshmallow heart. Di siya makakatanggi kapag naglambing ang pamangkin niyang dalawang taon at apat na taon. Di gaya sa Barlig kung saan may privacy siya at higit sa lahat ay naroon ang inspirasyon niya.
“Speaking of inspirasyon,” usal niya at dinampot ang cellphone na magdamag na naka-charge nang nagdaang gabi. Tinawagan agad niya ang inspirasyon niya. “Good morning, Jeyrick! Nandito na ako sa Barlig.”
“Good morning,” bati naman nito at narinig niyang humikab ito.
“Parang kagigising mo pa lang. Huwag mong sabihing nasa Ogo-og ka pa?”
Nasa dulo pa ng bayan ng Barlig ang Ogo-og kung saan nakatira si Jeyrick. Dalawang oras pa iyon kung bibiyahe sa kotse hanggang sa sentro ng komunidad ng Kadaclan - ang Chupac at may humigit-kumulang isang oras na maglalakad sa bundok at rice terraces hanggang makarating sa baranggay ng Ogo-og.
“Nasaan ba ako dapat?” inosenteng tanong nito.
Nanghaba ang nguso ni Beliza. “Akala ko sabay tayong mag-aagahan. Sabi ko naman sa iyo gabi pa lang nandito na ako sa sentro. Humabol ako sa last trip.”
Nakakainis! Habang excited na excited siya sa muli nilang pagkikita, si Jeyrick naman ay parang balewala ang effort niya. Naiiyak na talaga siya.
Si Jeyrick ang bestfriend niya at ang lalaking lihim niyang mahal. Dumating ito sa punto ng buhay niya kung saan wasak na wasak ang puso niya dahil sa ex-boyfriend niyang si Cardo. Ito ang lalaking inutos sa kanya ng mga pinsan niya na kuhanin niya ang name at phone number nang nasa Lake Tufub sila. Sa kasamaang-palad ay nasukahan niya ito at hinimatay siya sa malaking kahihiyan.
Akala niya ay lalayuan siya ng lalaki. Paggising niya kinabukasan ay nasa labas ito ng tent at nag-alok ng tsaa at sabaw para daw mas gumaan ang pakiramdam niya. Naging masaya ang bakasyon niya dahil dito. Kasama niya itong namasyal sa Barlig at dumami din ang kaibigan niya. At sa pagpasok niya sa kolehiyo ay naging mas masaya siya dahil pareho silang sa Baguio nag-aral.
Di agad nawala ang sakit dahil sa pagkabigo niya pero mas tanggap na niya ang pagbabago ng plano sa buhay niya. Mas mabilis siyang nakapag-move on.
Hanggang lumipas ang mga taon at na-realize na lang niya na nai-in love na siya kay Jeyrick. Hindi niya masabi dito ang nararamdaman niya dahil natatakot siya na baka magkailangan sila. At lagi rin nitong ibinibilin sa kanya na kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral at saka na siya magpaligaw. Gusto niya kapag sinabi niyang gusto niya ito ay wala na itong ikokontra pa sa kanya.
“Di yata ako makakapunta diyan ngayon,” malungkot na sabi nito.
“Iiyak na ako! Hindi kita kakausapin ng isang buwan!” banta niya dito.
As if naman kaya niyang tumagal ng isang araw na di ito nate-text man lang. Mababaliw siya.
Isang halakhak ang pinakawalan ng lalaki. “O! Iiyak ka naman agad.” Narinig niya ang ugong ng sasakyan sa background nito.
“Nasaan ka ba talaga?” tanong ni Beliza sa mataas na tono.
“Nasa Lias na. Masyado ka namang high blood. Nakisakay ako kay Vice Mayor papunta sa sentro. Isang oras na lang nandiyan na kami.”
Suminghot siya at umupo sa kama. “Nakakainis ka!”
“Ano ba talaga ang gusto mo? Kaninang akala mo nasa Ogo-og ako, naiinis ka sa akin. Ngayong nasa malapit na ako, naiinis ka pa rin. Ano ba talaga?”
“Basta pumunta ka na dito.”
“Sabay tayong mag-agahan. Ipagluto mo ako. Sarapan mo. Brocolli at carrots na may corned beef ang gusto ko.”
“Opo, Kamahalan,” sagot naman niya.
“At may importante akong sasabihin sa iyo mamaya,” anito sa seryosong boses.
Kinabahan siya bigla. Di siya sanay na marinig na seryoso si Jeyrick. “Ano iyon?”
“Mamaya na lang. Ipagluto mo muna ako. Saka ipapakilala kita sa pinsan ko.”
“Pinsan mo?”
“Oo. Nandiyan siya sa Barlig ngayon.” Narinig niya ang pagrerebolusyon ng sasakyan. “Sige. Bibiyahe na kami. Sarapan mo ang luto mo.”
“Oo na. Malakas ka sa akin e!”
May ipapakilala itong pinsan sa kanya. Parang meet the family. May ideya na siya kung ano ang sasabihin nito sa kanya mamaya. Siguro ay manliligaw na si Jeyrick sa kanya sa wakas. Matagal na siya nitong gusto pero pinipigilan lang nito ang sarili dahil kailangan niyang mag-focus siya sa pag-aaral. Ngayong graduate na siya ay pwede na siyang magpaligaw. Di nga lang muna niya pwedeng sagutin agad si Jeyrick dahil kailangan muna niyang maging certified public accountant. Pero di naman mabibigo ang lalaki sa kanya. Yes na yes ang sagot niya dito. Lalo tuloy siyang na-inspire.

Chapter 3
Bumaba siya sa tindahan at dining area ng inn at naabutan ang tiyahin na si Lourdes na naglilinis ng pinagkainan ng ibang guest. “Good morning, Auntie.”
“Anong gusto mong kainin?”
“Ako na po ang magluluto. Dadating po si Jeyrick at ang pinsan niya. Ipapakilala daw po sa akin. Kaya dapat po sarapan ko ang luto ko.”
“Kaya ka ba kinikilig dahil ipapakilala sa iyo ni Jeyrick ang pinsan niya? Baka ‘yung bagong pulis. Guwapo iyon,” anang tiyahin niya.
“Guwapo din naman po si Jeyrick.” Sasarapan niya ang luto para magpa-impress sa pinsan ng kaibigan. “Siya pa rin ang pinakaguwapo dito sa buong Mountain Province.”
“Dahil kaibigan mo o gusto mo siya?” nang-iintrigang tanong ng tiyahin.
“Secret, Auntie,” nakangisi niyang sabi dito.
“Huwag ka munang manligaw. Pumasa ka muna sa board exam.”
“Ako po talaga ang manliligaw?” bulalas niya at humalakhak.
“Di pa manliligaw si Jeyrick siguro. Anim ang kapatid na pinag-aaral niya. May high school at college pa.”
“Willing naman po akong maghintay,” mahina niyang usal. Nauunawaan naman niya na maraming responsibilidad si Jeyrick at kailangan nito ng pamilya nito. Parang pamilya na rin niya ang mga Sigmaton. Di ba iba ang mga ito sa kanya.
Pumalahaw ng iyak ang apo ni Manang Lourdes. “Ikaw na muna ang bahala dito, anak. Gising na si Monique.”
Mag-isa lang ang tiyahin dahil di pa dumadating ang tagapag-alaga ng bata at may inasikaso sa Banaue ang tiyuhin niya. Ang Ate Shan-ye niya at asawa nito ay nagtatrabaho sa Baguio kaya naiwan si Monique sa tiyahin.
“Ako na po ang bahala dito sa tindahan,” pahabol niya sa tiyahin.
Kumukuha siya ng itlog at gulay sa ref nang may kumatok. Nakasara ang tindahan sa labas dahil walang magbabantay kaya lahat ng bibili ay sa tindahan sa loob at sa kainan tumutuloy. “Manang Lourdes,” tawag ng boses ng isang lalaki kasabay ng pagtuktok sa kahoy na pasimano sa tindahan.
“Ano iyon?” tanong niya.
“Ipapaluto ko sana ‘yung manok na ipinatabi ko noong nakaraan, Miss.”
Bakit parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon? Sinilip niya ang bumibili sa pinto ng kusina at nakita niya na nakasuot ito ng uniporme ng pulis. Hindi ito katangkaran pero matikas ang pangangatawan. And he had a nice butt. Nice butt nga. Baka naman hindi kaguwapuhan. May lalaki na sana minsan naging butt na lang.
Nanlaki ang mata niya nang pumaling ang lalaki habang namimili ng paninda. Hindi ito mukhang butt. He was handsome. Kaya nitong kompitensiyahin si Jeyrick sa paguwapuhan kahit wala itong dimples.
Isa lang ang problema dito. He was Cardo - her ex-boyfriend.
ANONG ginagawa ni Cardo dito sa Barlig?
Stupid question! Siyempre taga-Barlig ito. Pero bakit nandoon ito? Sinusundan ba siya nito? Alam ba nitong nasa Barlig din siya? Gusto ba siya nitong makita ulit?
Natigilan si Beliza. Si Cardo ang nang-iwan sa kanya. Mas pinili nito ang pagpupulis at ang bestfriend kuno nitong si Glenna na may pagnanasa dito. Nakaka-bitter na naman kapag naaalala niya ang nakaraan.
Nakakainis! Bakit hindi ito pumangit na lang o kaya ay lumaki-laki ang tiyan ? He looked fit. Huwag kang tanga, Beliza. Niloko ka niya at iniwan. May Jeyrick ka na. Si Jeyrick na hindi ka iniwan.
Si Jeyrick. Paparating na ito ngayon. Kailangan ay hindi magpang-abot sina Jeyrick at Cardo. Kailangan ay maitaboy niya ang huli bago dumating ang kaibigan at ang lalaking mahal niya. Gusto niya na wala siyang aalalahaning Cardo kapag moment na nila ng binata.
“Tao po! Sino po ba ang nandiyan? Manang!” tawag ng lalaki. “Pakiprito na lang po sana ng manok. Hihintayin ko na lang po.”
Sumandal siya sa pinto ng kusina. Hindi siya nito makikita mula doon. “Walang manok sa ref. Baka lumipad na.”
“Ano? Paanong walang manok? Lumipad na? Patay na iyon.”
Muntik nang batukan ni Beliza ang sarili. Malamang ay kinatay na ang manok. Di naman magpapaluto ng manok na buhay pa. Accountancy graduate ka, Beliza. Anong nangyari sa common sense mo?
“Ano... Itinapon na. May bird flu kasi ngayon,” palusot ng dalaga at pinagkrus ang mga daliri. Sana naman ay tanggapin na ng kumag niyang ex ang paliwanag niya.
“Paano nagka-bird flu sa Pilipinas? Wala naman no’n sa atin. Saka di naman migratory bird ang manok na iyan.”
“Baka nakipag-interact sa mga dumadaang migratory bird. Mabuti nang ligtas kaysa magkasakit ka, Sir.” Wag ka nang kumontra na di panahon ng migration ng ibon ngayon. Please lang, Cardo. Huwag masyadong maraming alam. Nauubusan na ako ng palusot para maitaboy ka. Di ko pa naipagluluto ng agahan si Jeyrick.
“Sige. Iba na lang ang ipapaluto mo,” sabi ni Cardo.
“Di ako pwedeng magluto. Ano... Sarado ang tindahan. Sa iba ka na lang magpaluto,” pagtataboy niya sa lalaki.
Magpasalamat ka na lang na hindi ako ang magluluto ng agahan mo. Baka mamaya lagyan ko pa ng Tide Powder ang pagkain mo para bumula ang bibig mo. Dapat lang iyon sa mga katulad mo. Paasa!
“Sandali. Sino ba ang nandiyan?” tanong ng lalaki at narinig niya ang papalapit nitong yabag sa kusina. “Bago ka lang bang bantay dito sa tindahan. Pwedeng makausap ka sandali?”
“Huwag! Huwag kang lalapit. Tatawag ako ng pulis,” banta niya.
“Pulis ako, Miss. Hindi naman kita sasaktan. Gusto lang kitang makausap. Kasi mukhang may malaki kang problema. Baka makatulong ako,” malumanay na tanong ng lalaki habang siya naman ay parang mababaliw sa kaba.
Ito nga ang problema niya. “Huwag ka dito sabi. Umalis ka na.”
Subalit huli na dahil bumukas na ang pinto ng pinto bago pa siya nakalayo doon. Tumili siya nang nabuwal siya at pakiramdam niya ay tatama siya sa sahig. Nakita niya ang nanlalaking mata ni Cardo habang nakatingin sa kanya.
Napapikit na lang ang dalaga. Wala na siyang dignidad kapag nagkataon. Pwede bang mag-collapse na lang siya at paggising niya ay panaginip lang ang lahat.
Subalit hindi ang matigas na semento ang kinabagsakan niya ay naramdaman niya ang matatag na bisig na sumalo sa kanya.