I Remember the Boy: Carrot Man
Language: fil
/0/26929/coverbig.jpg?v=68f3a9cf3a99476abdb4fa91ae4fcf69)
Nagbabantang ma-suspend si Paloma sa university matapos siyang masangkot sa pang-aaway ng kaibigan niya sa apo ng governor ng Mountain Province. Ang masaklap ay nilait-lait ng kaibigan niya ang mga Igorot dahilan para mas mabigat ang maging sa kanila. At para di sila magkaroon ng pangit na record ng kaibigan sa university ay kailangan nilang sumama sa cultural immersion sa Kadaclan - isang community sa Mountain Province. At si Jeyrick ang mag-a-assist sa kanya - ang kaklase niya na itinuturing na outcast ng grupo nila at nabu-bully ng mga ito. Nakasalalay dito kung makakagawa siya ng…
Available chapters
Chapter 1
Excited si Paloma sa gig niya sa bar kinabukasan. Sa wakas ay pinayagan siya ng kaibigang si Fatima para hayaan siyang mag-perform ng original niyang kanta. Sa mismong bar na daw siyang mag-practice dahil gusto daw nitong marinig ang original piece niya. At excited na rin daw ang mga fans niya at ilan sa patron ng bar nito na marinig ang bago niyang piyesa.
Idinulot sa kanya ng waiter na naka-duty nang umagang iyon ang carrot juice. “Sabi daw po ni Ma’am Fatima, naipit po siya sa traffic. Ito daw po munang ang I-serve ko sa inyo. Iyan po ang paborito ninyo ‘di ba?”
“Salamat, Paul. Alam na talaga ninyo ang paborito ko,” aniya at natawa.
“Totoo ba na original mong piyesa ang tutugtugin mo mamaya?”
Excited na tumango ang dalaga at sumimsim ng carrot juice. “Oo. Dati kasi puro cover lang ang pine-perform ko pero ngayon sa wakas makakapag-perform na ako ng original na kanta. Sa wakas.”
Anim na taon na si Paloma sa entertainment industry. She was a singer who became a finalist in a singing competition. Naging artista din siya.
Showbiz was a tough world. Kung gusto niyang tumagal ay kailangan niyang gamitin ang lahat ng talento niya. At ang pagko-compose ng musika ang isang aspeto na hindi pa niya naipapakita sa marami. Ilang beses na siyang ni-reject pati ng mismong recording company. Hindi daw marketable ang composition niya. Mag-cover na lang daw siya o mag-revive ng kanta. It was heartbreaking. Ilang beses na siyang muntik na sumuko.
Maswerte siya na may kaibigan siya na nagtiwala sa kanya para iparinig sa lahat ang kanta niya. She just wanted her soul to be heard. At last.
Luminga si Paul sa paligid. “Ma’am, tungkol ba sa break up ninyo ni Thirdy Concepcion ang kanta mo?” may kahinaang tanong nito.
Magaang natawa ang dalaga. “Itutulad mo pa ako kay Taylor Swift?”
“Iyon naman kasi ang uso, Ma’am. Tiyak na bebenta kayo at pag-uusapan ng mga tao. Bibili din ako no’n.”
Kontrobersiya. Kasikatan. Maraming salapi. Iyan ang kaakibat ng relasyon nila ni Thirdy Concepcion. Tatlong taon din niyang naging boyfriend ang sikat na leading man at host. They looked perfect together. Akala din ng mga tao ay perpekto ang buhay niya kasama ito.
Walang ideya ang mga tao na ang perpektong buhay niya ay hindi totoo. Nagpapanggap lang siya. Gaya ng mahal siya ng dating nobyo na si Thirdy pero ang totoo ay palabas lang ang relasyon para pagtakpan ang tunay na preference nito at ang relasyon nito sa boyfriend nito.
But she wanted out. Kahit magdusa ang career niya. Kahit na hindi na siya maging kasing sikat nang dati. Gusto na niyang maging malaya. Ang maging totoong siya. She wanted to own back her life.
Di gaya ni Aling Taylor na nakakasulat ng kanta tungkol sa mga ex-boyfriend nito at ina-album pagkatapos, di siya ganoon ka-inspired pagdating kay Thirdy. Mananatiling lihim ang sekreto nito. Kung maibubulgar man iyon, tinitiyak niyang hindi manggagaling sa kanya. Gusto lang niyang mawala na ito sa buhay niya at di niya hahayaang pati sa musika niya ay magiging bahagi pa ito. Her music was the real her. Walang puwang ang pagpapanggap.
“My songs will be about my once young self, my little adventures, and my dreams,” usal niya at pumikit. About her young love. A forbidden young love. A love she had lost before it even began.
Dumilat siya nang marinig ang boses ng isa pang waiter. “Pare, nakita mo na ba itong si Carrot Man? ‘Yung kargador ng carrot. Baliw na baliw ‘yung mga babae sa kanya. Samantalang tagabuhat lang naman ng carrot at magsasaka sa bukid sa Mountain Province.”
Nangalumbaba si Paloma. “Ano naman kung magsasaka lang siya at tagabuhat ng carrots? Baka guwapo naman talaga siya.”
“Mas guwapo pa sa akin, Ma’am?” tanong ng waiter na si Nico at nag-pogi pose. “Igorot lang naman iyon.”
Ngumisi ang dalaga. “Huwag ninyong minamaliit ang Igorot lalo na ang mga taga-Mountain Province. Magaganda talaga ang lahi nila at mas makinis pa sa akin ang mga balat pati na ang mga lalaki. Mababait din sila at masisipag. Kapag napag-aralan ninyo ang buhay nila, hahanga kayo sa kanila katulad ni Carrot Man.”
“Parang ang dami ninyong alam tungkol sa mga Igorot, Ma’am,” sabi ni Paul.
“Sa Baguio ako nag-first year college. Doon din ako nag-audition sa You’re A Star bago ako nag-settle dito sa Manila. Doon rin ako nag-compose ng pinakauna kong kanta. Di man ako Igorot pero mataas ko ang respeto sa kanila.”
“E baka na-in love kayo sa Igorot, Ma’am,” sabi ni Nico.
Isang lihim na ngiti ang sumilay sa labi niya. Inilahad niya ang kamay. “Pwede ko bang makita ang Carrot Man na iyan?”
Inabot ni Nico ang cellphone sa kanya. “Heto po.”
Isang lalaki na nakasuot ng gray hoodie ang may sunong ng gray hoodie. Sunong nito ang isang kaing na carrot. Nakayuko ito at natatakpan ng mahabang wavy na buhok ang gilid ng mukha nito. Pero pumitlag ang puso niya nang makita ang pamilyar na tangos ng ilong nito.
A guy in a gray hoodie. Someone very familiar and close to her heart. “Carrot Man,” usal ni Paloma. Jeyrick?
“Paloma, I’m sorry to keep you waiting,” sabi ng kaibigan niya.
Tumayo siya at ibinalik sa waiter ang cellphone nito. “Okay lang.” At hinalikan sa pisngi ang kaibigan.
“Doon tayo sa office ko,” sabi ng babae.
Sumunod siya sa babae pero nasa isip pa rin niya ang lalaking may mahabang buhok na natatakpan ng hoodie ang mukha. Carrot Man. He reminded her so much of the man who made her heart sing.

Chapter 2
NAHIHILO na si Paloma sa magkahalong letra at numero na nakasulat sa blackboard. Algebra. She really hated that subject. Kahit noong high school pa lang siya ay isinusuka na niya ang subject na iyon. Wala talaga siyang maintindihan. At ngayong nasa first year college na siya ay hate pa rin nila ang isa’t isa.
“Kung pwede lang I-drop ang subject na ito,” usal ng dalaga habang pinagpapawisan nang malamig at isinusulat ang equation sa yellow pad.
Di naman siya ganoon kahina sa Math pero hindi niya iyon paborito. Tourism ang kinukuha niyang sa University of Cordilleras sa Baguio. Sa ayaw at gusto niya, kailangan niyang igapang ang subject na iyon.
Huwag po sana akong tawagin sa recitation. Huwag po sana akong tawagin. Nakakahiya talaga kapag tinawag siya at wala siyang maisagot. Promise po kapag di ninyo ako tinawag, susubukan ko pang mag-review na mabuti. Hindi ako matutulog kung kinakailangan.
Napaungol ang dalaga. Masarap pa mandin matulog. Kalilipat lang nila sa Baguio apat na buwan na ang nakakaraan mula sa Maynila. Sanay siya sa mainit na panahon kaya naman di pa siya nakakapag-adjust sa bed weather sa City of Pines. Pati yata utak niya ay nag-a-adjust pa rin.
Unti-unti nang napipikit ang mata niya nang makarinig siya ng mahinang paghihilik sa likuran niya. Lumingon siya sa likuran at nakita ang isang kaklase nila na nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan habang nakanganga. Nakasuot pa ito ng gray jacket na may hood para di siguro mahalata ang pagtulog nito.
Una niyang napansin sa lalaki ay ang matangos nitong ilong. Parang noon lang niya ito nakita sa klase o baka hindi lang niya napapansin.
Muli itong humagok ng tulog dahilan para magtawanan ang iba pa nilang kaklase. Nakitawa din ang kaibigan niyang si Jimarah.
“Class, what’s funny?” tanong ng professor nila at humarap. Istrikto ito at kinatatakutan ng lahat. Kahit ang mga tamad at aantok-antok sa klase nila ay gising sa subject ng professor nila na iyon.
“Nothing, Sir,” sagot agad ni Paloma.
Hindi alam ng dalaga kung bakit pinoprotektahan niya ang kaklase samantalang di naman niya ito kilala. O siguro ay natakot lang siya na harapin nito ang galit ng professor nila.
“Kung nagagawa ninyong magtawanan sa klase ko, tiyakin lang ninyo na alam ninyong sagutin ang equation sa board,” sabi nito at itinuloy ang pagsusulat.
Ibinalik ulit ni Paloma ang atensiyon sa isinusulat sa papel nang marinig niya ang pagkarayod ng upuan sa sahig. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatayo na ang lalaki na kanina ay natutulog. “Sino ang bumato sa akin?” naaalimpungatan pa nitong tanong. Nakababa na ang hoodie nito at kita na ang mukha nito. He was mesmerizing. He was handsome in a rugged way, considering na pupungas-pungas pa ito.
“Yes, young man?” tanong ng professor nila. “Do you volunteer to answer the equation on the board?”
“Ah eh, pwede naman po,” sabi ng lalaki na parang napilitan lang na lumapit sa professor nila.
“How baduy naman his outfit,” komento ni Jimarah. “Lakas pa ng loob na matulog sa klase ni Prof Castillo.”
“Shhh! Huwag ka ngang manlait diyan,” saway niya sa kaibigan.
“Whatever! He is an eyesore.” Nangalumbaba si Jimarah. “Tayo nga na super fab hindi natutulog sa klase. Di makakasagot iyan. Tayo ngang gising hindi alam ang gagawin. Siya pa kaya?”
Nakatayo lang ang kaklase niyang si Mr. Hoodie habang nakatitig sa blackboard. Parang wala itong ideya kung paano iso-solve ang equation.
“Tulog ka na lang ulit,” kantiyaw ng kaklase nilang si Gordon.
“Silence!” Binigyan din ng chalk ng guro nila si Gordon. “Bakit hindi mo rin sagutan ang equation para di ka tatawa-tawa lang diyan?”
“Sure, Sir,” puno ng kompiyansang sabi ni Gordon at kinuha ang chalk sa professor nila.
Nag-cheer pa ang ibang mga kaklase nila para kay Gordon dahil ito ang class escort. Walang pumapansin sa isa nilang kaklase na si Mr. Hoodie. Walang makukuhang suporta ang mga gaya nito sa klase nila kung hindi ito popular o maporma. And it must be sad. Na walang nagtsi-cheer sa iyo o walang kumakampi. Nakakababa ng self-esteem. And she didn’t want any body to feel that way.
Pinagsalikop ni Paloma ang mga palad. “Kayanin mo iyan. Kahit konti lang sagutan mo iyan,” mahinang usal niya ng dasal. There was something vulnerable about the man. Maybe she was rooting for the underdog.
“Hoodie, kaya mo iyan!” biglang nanulas sa labi ni Paloma.
Tumingin sa kanya ang lahat. Puno ng pagtataka ang mukha ng mga ito dahil hindi si Gordon ang tsini-cheer niya. Maang na nakatingin sa kanya si Mr. Hoodie. Nakangiti niyang itinaas ang kamao sa direksyon nito para bigyan ito ng lakas ng loob.
Ngumiti ito at lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Cute. Saka ito humarap sa blackboard at sinimulang sagutan ang equation. There was confidence and ease. Sinubukan niyang sundan ang sagot nito sa equation. Pero sobrang bilis nitong sumagot habang loading siya. Napansin niya si Gordon na palingon-lingon dito, tinitingnan kung pareho ng sagot ang mga ito.
Naunang natapos si Hoodie. Pinagpag pa nito ang palad. “Tapos na po, Sir.”
“Tch! Tama naman kaya iyan?” iiling-iling na usal ni Gordon at nagpatuloy sa pagsagot.
Malakas ang kaba ni Paloma nang I-check ng professor nila ang sagot ng dalawa. Nakayuko lang si Mr. Hoodie habang ngingisi-ngisi si Gordon. Kampante ito sa sagot.
Nilagyan ng check ni Mr. Castillo ang sagot ni Mr. Hoodie. Nagulat ang lahat. “You got the correct answer, Mister…”
Nanlaki ang mata ng lalaki. “A-Ako po, Sir? Tama ang sagot ko?”
“Yes.”
“Sigmaton, Sir. Jeyrick Sigmaton,” excited nitong sagot.
“Very good, Sigmaton.” Bumaling ito kay Gordon. “And as for you, young man, the correct answer is zero. You can’t divide zero. Basic rule.”
Umungol si Gordon. “Oh, man!” At padabog na inilapag ang chalk sa desk ng guro.
“You may now take your seat, Mr. Sigmaton. Pero di dahil alam mo ang lesson ay tutulugan mo ulit ang klase natin.”
“Sorry po, Sir. Di na po mauulit.” Nakayukong naglakad pabalik sa likuran ng klase si Jeyrick. “Salamat,” sabi nito pagdaan sa tabi niya.

Chapter 3
“Welcome,” tipid niyang sagot sa lalaki at ngumiti. Masaya siya dahil tumama ang sagot nito at hindi napagalitan ng professor nila.
“Shocks! May dimples siya. Soooo cute,” kinikilig na sabi ng isa pa niyang kaibigan na si Lauraida.
“Whatever. He is still dugyot and baduy. He is in not in our league. Gusto mo bang isipin nila na wala kang taste? You are Lauraida Sanders. You are the Miss Teen Baguio last year,” anang si Jimarah.
“Ano ang masama sa cute na dimples? Cute naman talaga,” protesta niya sa inis sa kaibigan. “Di ba pwedeng I-appreciate?”
“Isa ka pa,” saway nito sa kanya. “This is not so you. Kaya kita naging friend because I thought you have class. You are more than this.”
What the heck! She has taste, of course. Pero hindi naman siya matapobre. Iyon ba ang tingin sa kanya ng kaibigan? Na porke’t maayos siyang manamit at nakakasabay sa uso ay dapat maging laitera na rin siya?
Itatama sana niya ang kaibigan nang makitang palapit sa kanila si Mr. Castillo. “Ah! Mukhang excited na sagutin ng pinakamagaganda kong estudyante ang equation number four and five?”
“Sir naman. It is so hard kaya,” angal ni Jimarah at dumabog.
Tahimik na inabot ni Paloma ang chalk at pumunta sa black board. Parang gusto niyang tanungin ang lalaki kung pano ito na-solve ang equation samantalang tutulog-tulog ito sa klase. Naghihilik pa nga. Kung pwede lang matulog siya at paggising niya ay alam na niya ang sagot.
“PAANO ba ito? Paano ba ito?”
Halos sabunutan na ni Paloma ang sarili habang ginagawa ang assignment na iniwan sa kanila ng professor niya sa Algebra. Nakakangilo. Five pages ang sasagutan nila sa workbook samantalang isang item pa nga lang ay parang dudugo na ang utak niya. Mahabaging langit, anong gagawin ko? Bakit ba naimbento ang Algebra?
“Paloma, gusto mo bang magsine mamaya?”
Nakatayo si Gordon sa harap niya nang iangat niya ang tingin. “May gagawin pa akong assignment. Saka may report pa ako sa English…”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Come on. Chill. Tatanda ka agad niyan kapag masyado kang seryoso. Let’s have fun.”
Pasimple niyang binawi ang kamay mula dito. “Fun? Hindi fun kapag bumagsak ako. Ikaw ba walang assignment na dapat asikasuhin at uunahin mo pang magsine?”
“Basta para sa iyo may oras ako. Kalilimutan ko lahat para sa iyo,” anito at inilapit pa ang mukha sa kanya.
“Dami mong time ‘no? Nakakainggit ka naman,” sarkastikong sabi niya sa lalaki.
Mula pa lang nang nagkakilala sila ni Gordon ay hindi na nito itinago ang interes sa kanya. Lagi siya nitong niyaya ng date. Di ito nakakakuha ng clue na di siya interesado dito at mas gusto niyang mag-focus sa pag-aaral.
Hindi bale sana kung makakatulong ito sa assignment niya sa Algebra. Pero isa rin naman itong palpak sa Algebra. Ang masaklap ay tamad pa itong mag-aral. Puro barkada at gala lang ang alam. Hindi siya interesado sa lalaking walang pagpapahalaga sa edukasyon at sa pinaghirapan ng magulang nito. Galing siya sa hirap kaya iba ang pananaw niya sa mundo. Di niya dapat sayangin ang pagkakataong ibinibigay sa kanya.
“Ako hindi busy,” prisinta ni Lauraida at kinagat ang dulo ng ballpen. “Available akong magsine. Wala akong report. Saka sa isang araw pa naman ang pasahan ng assignment natin sa Algebra. Hayaan mo na si Paloma. Killjoy naman iyan.”
“Sure. Meet you later after Intro to Business?” sabi ni Gordon.
Sunud-sunod na tango naman ang isinagot ni Lauraida dito at parang maiiyak sa sobrang saya. “Oo. Hindi ako uurong.”
Ngumisi lang sa kanya si Gordon. “Pwede ka pang humabol kung magbabago ang isip mo.”
“Salamat na lang,” sabi niya at ibinalik ang atensyon sa nire-review.
Nagtitili sa kilig si Lauraida. “It’s a date. Gosh! I am so maganda talaga.”
“Isama mo ang ate mo para sure na safe ka,” suhestiyon niya sa kaibigan.
Nanghaba ang nguso nito. “Killjoy naman.” Pero napilitan pa rin itong mag-text sa kapatid. Menor de edad pa rin sila. Di pwedeng basta na lang itongmanood ng sine nang walang kasamang nakatatanda dito.
Siniko siya ni Jimarah. “Naman. Sobrang choosy mo, friend. Guwapo na ni Gordon, pinakawalan mo pa. Kay Lauraida tuloy napunta.”
“Aanhin mo naman ang guwapo kung walang plano sa buhay?”
“At sino naman ang gusto mo? ‘Yung katulad ni Mr. Hoodie na mukhang dugyutin?” anito at ngumuso sa bandang bintana ng kuwarto.
Nagbabasa ang lalaki ng libro si Jeyrick. Inangat nito ang tingin nang maramdaman marahil na may nakatingin dito. Dali-daling pumihit si Paloma. “Sira! Napag-initan mo na naman ‘yung taong nananahimik. Wala namang ginagawa sa iyo.”
“E kasi kanina pa patingin-tingin. Lakas ng loob, ha? Si Gordon nga binasted mo. Siya pa kayang dugyutin lang ang papansinin mo?”
“Stop calling him dugyutin. Hindi lang siya nagsusuklay pero maayos naman ang damit niya kahit na…”
“Galing sa ukay-ukay?” dugtong ng kaibigan.
“Ano ngayon kung galing sa ukay-ukay? Bagay naman sa kanya ‘yung hoodie. Di maganda ‘yang mapanlait. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao sa iyo.”
Tumirik ang mata nito. “Fine. But he is not an elite like us. Huwag na siyang mag-ambisyon.”
Hindi naman siya elite. Di naman siya mayaman. Mukha lang mayaman ang dating dahil nakatira sila sa isang mansion at may bar ang tiyahin niya. Si Tita Bevz ang nag-alaga sa kanya nang iwan siya ng ina at nangibang-bansa para magtrabaho noong sampung taon siya. Di na siya nito binalikan. Ni hindi na nagparamdam sa kanya.
Gusto lang ng tiyahin niya na maganda ang porma niya para daw maganda ang impresyon sa kanya ng tao. Mataas ang pangarap nito sa kanya. At ito rin ang namimili ng kakaibiganin niya. Di naman laking Maynila sina Jimarah at Raine pero feeling elite ang mga ito dahil may kaya ang pamilya sa Baguio. Hindi siya komportable doon.
Alam niya ang pakiramdam ng walang-wala. Kahit na ano pa ang isuot niya ngayon, kahit nakatira siya sa magarang bahay o sa private university nag-aaral, di niya nakakalimutan kung sino talaga siya.
She just couldn’t tell her friend about her sob story. Kasama iyon sa imahe ng tiyahin niya na gusto nitong ipakita niya sa lahat. Baka daw iwan siya ng mga kaibigang gaya ni Jimarah na may freight forwarder company ang ama at si Lauraida na may mga townhouse na pinauupahan ang pamilya.
Ito ang buhay niya.