My Lock of Love Cannot Be Broken
Language: fil
/0/26933/coverbig.jpg?v=a276e346f5074c348380119f4d8366c4)
Kaela was broken and shattered after her ex- boyfriend betrayed her. Sa sobrang kabiguan ay umakyat siya ng Penang Hill para wasakin ang Locks of Love kung saan nakalagay ang pangako nila ng dating nobyo sa isa’t isa. Sa malas naman ay agaw-eksena siya sa pagwawala niya. Mabuti na lang at nandoon ang guwapong host na si Braydon Reolonda para i-comfort siya. Naging permanenteng parte na ng buhay niya ang lalaki na di daw siya iiwan hangga’t hindi siya nakaka-recover. Hindi naman malabong matulungan siyang maka-recover ng binata sa kabiguan niya. Pero di kaya mas matinding heartbreak ang…
Available chapters
Chapter 1
Di mawala-wala ang ngiti sa labi ni Kaela nang i-zipper ang maleta niya. “I am all set,” deklara niya.
Nakahalukipkip habang nakasandal sa pinto ng kuwarto niya ang kaibigan at kasama sa apartment na si Kathryn sa Tampines, Singapore. “Sigurado ka na ba sa plano mo? Nag-resign ka na lang at di sa Pilipinas ka magtatrabaho? Hindi ka na magre-renew?”
“Oo,” aniya at tumango. Mula college ay magkaibigan na sila at ito din ang nagsama sa kanya sa pagtatrabaho sa Singapore bilang nurse sa ospital sa naturang bansa. Limang na taon na sila sa Singapore at biruan nga nila ay di sila mapaghihiwalay.
“Pag-isipan mo muna habang nasa bakasyon pa kayo ni Gardo sa Malaysia. Pwede mo pa namang bawiin ang resignation mo. Mas maganda pa rin naman ang kita dito kaysa sa Pilipinas,” anang kaibigan niya.
Umupo siya sa kama at tipid na ngumiti. “Ito na ang sorpresa ko kay Gardo. Sabi niya maganda naman ang takbo ng restaurant niya sa amin sa Tarlac dahil madaming turista. Gusto kong malaman niya na handa na akong magsimula ng bagong buhay kasama siya. Alam mo naman na pangarap talaga namin na sa Pilipinas bumuo ng pamilya.”
Ilang beses na siyang inuungutan ng nobyong si Gardo na umuwi na ng bansa. Magkababata sila pero nang pareho na silang nagtatrabaho sa abroad ay saka siya nito niligawan. Kada buwan ay nagpupunta ito sa Singapore para lang makasama siya. Dalawang taon na silang magkasintahan at nang isang taon lang ay natapos na ang kontrata nito sa Malaysia. Umuwi ito magtayo ng restaurant sa Pilipinas. Niyaya siya nitong umuwi sa Pilipinas pero gusto pa niyang makapag-ipon para sa pamilya niya. Siya ang breadwinner at pinatapos pa niya ng pag-aaral ang bunso niyang kapatid na si Mavy.
“Naku! Ang hirap naman kapag kalaban ang pag-ibig,” nanghahaba ang ngusong sabi ng kaibigan.
“Naipa-package ko na ang mga gamit ko. Parating na rin ang bagong makakasama mo dito sa apartment. You will be okay. Oras na para makahanap ka na rin ng love life,” patukso niyang sabi dito.
“Ikaw ba sigurado sa desisyon mo? Iiwan mo na talaga ang buhay mo dito sa Singapore?” tanong ulit ng kaibigan nang papasok sila sa Changi Airport kung saan may flight na siya patungong Penang, Malaysia kung saan sila magkikita ni Gardo.
“Hindi naman na ako bumabata, Kat. Nasa Pilipinas na ang buhay ni Gardo. Saka sa palagay ko magpo-propose na siya sa akin kaya sa Penang niya ako niyayang magbakasyon. Hindi ba doon ko siya sinagot?” aniya at hinawakan ang mga kamay ng kaibigan. “Excited na talaga akong pumunta doon.”
“Kung saan ka masaya. Basta maid of honor ako, ha?”
“Siyempre naman. Mami-miss kita,” sabi nito at niyakap ang kaibigan. Madami na silang pinagsamahan at ngayon lang sila magkakahiwalay.
“At kapag oras na para isuko ang Bataan, tawag ka lang sa akin para mabigyan kita ng tip,” sabi nito at kinindatan siya.
“Baliw ka talaga. Di ko naman kailangan ng tip.” Hindi ko isusuko ang Bataan hangga’t di pa kami kasal ni Gardo. Pangarap kong maging virgin bride.”
Noon pa man ay gusto na ni Gardo na may mangyari sa kanila pero matigas ang tanggi niya. Sa huli ay nirespeto iyon ng kasintahan niya. Kaya naman alam niyang si Gardo talaga ang lalaki para sa kanya.
“Oo na. Ikaw na ang matimtimang birhen sa isip, salita at sa gawa,” sabi nito at bahagya siyang itinulak. “Pasok ka na. Baka maiwan ka pa ng flight mo.”
Sa sobrang excitement ni Kaela ay hindi siya nakaidlip man lang sa isang oras na biyahe papuntang Penang, Malaysia. Sa isang hotel sa Georgetown sila tutuloy ni Gardo na malapit lang sa heritage sites at wall paintings. Isang linggo silang magbabakasyon doon. Wala itong kaide-ideya na uuwi na siya kasama nito sa Pilipinas matapos iyon.
She was excited. Miss na miss na niya ang nobyo. At higit sa lahat, gusto niyang balikan nila nang magkasama ang Penang Hill. Isang iyong popular na tourist spot sa isla. Sa tuktok kasi ng burol niya ito sinagot. Nasa tuktok din ng burol ang patunay sa walang hanggan nilang pag-iibigan – ang Locks of Love. Sa Locks of Love ay isinusi sila ang pangako nila sa isa’t isa. Hangga’t di nawawala ang padlock na naglalaman ng mga pangalan nila ay di mawawala ang pag-iibigan nila. Gusto niyang balik-balikan ang lugar na iyon. At lalong magiging espesyal ang lugar na iyon oras na mag-propose ito sa kanya. Malapit na rin siyang maging Mrs. Gardo Cerdan.
Pagdating ng airport ay Penang ay tinawagan agad niya ang nobyo.
“Gardo, hello! Nasa Penang na ako. Nandito ka na rin ba?” tanong niya at luminga sa paligid.

Chapter 2
Ang alam niya ay mas mauuna ang flight nito sa kanya. Nangako ito na susunduin siya sa airport at sabay silang pupunta ng hotel.
“Nasa Manila pa rin ako.”
“Oh! Bakit? Delayed na naman ba ang flight diyan? Hindi bale. Pupunta na lang ako sa hotel ngayon at sumunod ka na lang pagdating mo. Gusto mo bang mag-request na lang ako ng shuttle ng hotel para sunduin ka?”
“I am sorry, Kaela. Hindi na ako makakarating. May nangyari kasi dito na hindi inaasahan. Hindi kasi sinasadya na… Ahmmm… Hoy!” narinig niyang sigaw ng nobyo. “Magkausap pa kami…”
“Gardo, anong nangyari?” tanong niya.
Sa halip ay boses ng kapatid niyang si Mavy ang narinig niya. “Hello, Ate.”
Si Mavy ang bunso niyang kapatid. Matapos siyang ipanganak ay sinabi ng magulang niya na mahihirapan nang magbuntis ang ina niya kaya naman may anim na taong gap sa pagitan nila. Kaga-graduate lang nito ng kolehiyo pero pakiramdam niya minsan ay di ito beinte dos. Mas madalas kasi itong umakto na parang menor de edad. May kakulitan at may pagka-spoiled. Matigas din ang ulo at madalas siyang sermunan ni Gardo na huwag laging sundin ang gusto nito. Kaya naman madalas mag-away ang dalawa. Himala nga na mapagsasama ang mga ito sa isang lugar.
“Mavy, magkasama kayo ni Gardo?” Bigla siyang kinabahan. “May nangyari bang masama diyan? Sila Nanay at Tatay ba?”
“Relax. Walang masamang nangyari dito. Ang totoo nga puro magaganda ang nangyayari dito ngayon. Perfect lahat,” anito sa excited na boses.
Bahagyang nakahinga nang maluwag si Kaela. “Kung okay naman pala diyan lahat, bakit hindi makakasunod si Gardo dito?”
“Inaasikaso kasi namin ang kasal kaya busy siya.”
“Kasal? Kasal nino?” tanong ni Kaela.
“Ni Gardo mismo. Gusto na kasi niyang magpakasal sa lalong madaling panahon.”
Naestatwa siya habang nakatayo sa gitna ng airport. Shocks! This was better than she expected. Di lang ito basta magpo-propose. Ihinahanda na rin ng lalaki ang kasal nila. Parang sigurado ito na di niya ito tatanggihan. At bago pa siguro magbago ang isip niya ay nakahanda na rin ang kasal nila. How romantic.
Gusto siguro siyang isorpresa ni Gardo kundi lang ito ibinuko ng kapatid niya. Ganoon naman si Mavy kahit na kailan. Laging spoiler. Kaya naman sirang-sira ang suspense dahil dito.
Nagiging emotional si Kaela. Lumunok siya para hamigin ang sarili. She must be composed. Magkukunwari na lang siya na kunyari ay joke lang iyon ng kapatid. Sa kabilang linya ay naririnig niyang nagtatalo sina Gardo at Mavy.
“Huwag kang makialam dito, Mavy. Ako na ang magsasabi,” angil ni Gardo dito.
“Hindi. Ako na ang magsasabi dahil alam ko na walang mangyayari kung ikaw pa ang aasahan ko,” palabang sagot ni Mavy.
“Ako na ang bahala. Iyon ang usapan natin,” kontra naman ng nobyo niya.
“Kung ayaw mong may masamang mangyari sa amin, hayaan mo ako sa gusto ko dahil wala naman akong maaasahan sa iyo,” singhal ng kapatid niya sa lalaki dahilan para matahimik ang huli. Nagtaka tuloy siya.
“Mavy, ano bang nangyayari diyan?” nag-aalalang tanong ni Kaela. “May masamang mangyayari kanino? Baka naman pinagti-trip-an lang ninyo ako ni Gardo. Baka nandito lang din kayo sa Penang at nagtatago para sorpresahin ako, ha?” saka siya nakangiting luminga sa paligid. Lalo lang siyang pinapa-excite ng mga ito.
“Ate, hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. Hindi makakarating si Gardo diyan. Nandito pa siya sa Bulacan kasama ko. Wala nang dahilan para pumunta pa siya sa Malaysia at makita ka dahil buntis ako at siya ang ama.”
Namanhid ang buong katawan ni Kaela. Pakiramdam niya ay may isang ten-wheeler truck na basta na lang rumagasa at binangga siya. Sina Gardo at si Mavy? Mabubuntis ng nobyo niya ang kapatid niya?
“I-Imposible ang sinasabi mo,” mahinang usal ni Kaela habang parang lumalaki ang ulo niya.
Mahal siya ni Gardo. Hindi nga ito tumitingin sa ibang babae. Siya lang ang mahal nito mula pagkabata nila. Hindi ito nagka-girlfriend ng iba. Hindi ito nanligaw ng iba. At bakit naman nito papatulan ang kapatid niya samantalang parang kapatid na rin nito si Mavy? Lagi pa ngang magkaaway ang dalawa. Pinaglalaruan lang siya ng mga ito.
“Hindi ito magandang biro,” anang si Kaela habang lutang ang pakiramdam. Ano ba ang dapat isagot sa ganoon kasamang biro? Tatawa ba siya o pagagalitan ang mga ito?
“Ikakasal na kami. Kung ayaw mong maniwala, maghintay ka diyan sa Malaysia sa wala dahil walang Gardong dadating sa iyo…”
Naputol ang sinasabi ng kapatid niya at boses muli ni Gardo ang narinig niya. “Kae, I am sorry.”
Doon na unti-unting tumagos sa buong pagkatao ni Kaela ang realidad. Hindi nagbibiro si Mavy kanina. Nasa himig ng nanginginig at malungkot na boses ni Gardo na nangyari ang bagay na ni sa hinagap niya ay mangyayari. “M-May nangyari sa inyo ng kapatid ko? B-Buntis siya? Siya ang pakakasalan mo at hindi ako?”

Chapter 3
“Hindi ko sinasadya. Lasing ako noon. D-Di ko alam kung anong nangyari. Nang magising na lang ako… I am sorry. Hindi ko nasabi sa iyo dahil ayokong mag-alala ka. Sabi naman niya wala lang ang nangyari. Sabi niya safe siya. Tapos kahapon lang sinabi niya sa akin na buntis siya. Nalaman na rin ng mga magulang namin at nai-set agad ang kasal.”
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kaela. She felt betrayed. Mukha siyang tanga na nagpaplano ng bakasyon nila ni Gardo. Akala niya ay magpo-propose na ito ng kasal. Akala niya ay sisimulan na nilang buuin ang kanilang pamilya. Pero lahat ng pangarap niya ay pumutok na parang bula. Nawala nang lahat.
“Sa dinami-dami ng babae, kapatid ko pa!” naghihinanakit niyang sabi.
“Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako, Kaela. Ikaw ang mahal ko. Ginagawa ko ito para sa magiging anak ko.”
“Na magiging pamangkin ko,” mapait niyang usal.
Lahat ng pangarap niya para sa kanila ng nobyo ay matutupad na sa ibang babae. Sa mismong kapatid niya na iningatan niya. Impit siyang umiyak at napaupo sa malapit na bench doon. Masakit. Parang may nagbukas ng dibdib niya at pinana nang isang batalyong archer ang puso niya.
Isang malaking katraidoran ito ng dalawang taong mahal niya. At si Mavy, parang wala man lang siyang mahimigan na pagsisisi sa ginawa nito sa kanya. Magkapatid sila. Maiintindihan niya kung aksidente ang nangyari sa mga ito. Pero sa tono ng pananalita nito kanina pa, parang masaya ito na saktan siya. Naging masama ba siyang kapatid dito kahit na minsan? Wala naman siyang ipinakita dito kundi kabutihan. Kaya nga nagtitiis siya sa pagtatrabaho sa ibang bansa para makatapos ito ng pag-aaral. Kahit nakailang palit ito ng course ay wala itong narinig sa kanya. Basta ang gusto lang niya ay makatapos ito. Ano pa bang kulang sa ginawa niya? Bakit nagagawa siya nitong saktan?
“Huwag kang mag-alala, Ate. Aalagaan kong mabuti ang boyfriend mo. Oppps! Future husband ko pala. Magiging mabuti akong asawa sa kanya at magiging mabuting ina sa magiging pamangkin mo. I hope you will be happy for us. Imbitado ka sa kasal namin. Bye!” masayang sabi ni Mavy at naputol na ang tawag.
Hindi alam ni Kaela kung gaano siya katagal na nakaupo sa bench na iyon sa airport. Tumigil ang oras para sa kanya habang nagmamadali ang mga tao na naglalakad sa harapan niya. May reunion para sa nagkikita-kitang magkakakilala at mga turista na sinusundo ng guide ng mga ito. Habang siya ay mag-isa lang. Mag-isa. She had never felt so alone her whole life. Parang pinagtaksilan siya ng buong mundo.
Saan siya pupunta? Babalik ba siya sa Singapore para makasama ang kaibigang si Kathryn? Wala na siyang babalikang trabaho doon at nakahanap na rin ito ng makakasama sa apartment. Di na niya ito mababalikan dahil magugulo na naman ang buhay nito. O uuwi siya sa Pilipinas para komprontahin ang dating nobyo niya at ang kapatid?
Hindi ko kayang gumalaw man lang dito. Ayoko silang makita. Para saan pa? Wala naman na akong hahabulin. Wala na akong ipaglalaban.
Kung si Gardo lang sana ang nagtaksil, baka kaya pa niyang patawarin. Kaya pa niyang ayusin ang relasyon nila ng kapatid niya. Mapapatawad pa niya ang mga ito. Pero may bata nang involved. Nagbunga ang pagkakamali ng mga ito.
Hindi pa ako handang makita sila. Hindi ko kayang magpanggap na okay lang ako o dumalo sa kasal nila. Hindi ko kaya.
Pero kaya ba niyang manatili sa Penang? Kaya ba niyang manatili sa isang lugar kung saan naroon ang maraming alaala nila ni Gardo? Pero may pagpipilian ba siya?
“Miss, are you okay?” tanong sa kanya ng babaeng airport officer.
Tiningala niya ito. Pwede ba niyang sabihin ang problema niya sa isang estranghero? Iyon ba ang tamang tao o doon ba ang tamang lugar para i-share ang kasawian niya sa buhay?
“No,” usal niya at umiling. Pinahid niya ang pisngi at natuyo na ang luha niya. “I am okay. I am… going.”
Parang zombie si Kaela nang naglakad palabas ng airport at pumara ng taxi. Sinabi niya kung saan ang hotel niya at itiningin ang mata sa nadaadanang tanawin sa labas. Wala naman siyang ibang pupuntahan. At ang hotel ang tanging lugar na pwede niyang maging kanlungan nang mga oras na iyon.
Hindi niya alam kung ano ang naghihintay na bukas sa kanya. Parang isang pisara ang buhay niya na puno ng mga plano at magagandang pangarap para sa kanila ni Gardo. Pero napalitan ng pangalan ang nagmamay-ari ng pangarap na iyon. Hindi na siya kundi si Mavy na ang magsisimula ng bagong buhay dito.
Nang mga oras na iyon ay namatay ang puso niya. Walang kwenta ang pag-ibig. Walang kwenta ang mga pangakong di kayang tuparin.