You're The One For Me
Language: fil
/0/26937/coverbig.jpg?v=e08f4852d6e441ec893a7102206541f2)
Hindi makakalimutan ni Sandy ang huling gabi niya sa Seoul bago siya umuwi ng Pilipinas para pakasalan ang lalaking pinili ng lolo niya para sa kanya. Nag-uwi siya ng lasing na lalaki sa apartment niya. And that guy stripped infront of her. Nang muli silang magkaharap ay nalaman niyang ito ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. He was Ares Manrique, heir to Pearl of the Orient Bank. At di magandang impression ang iniwan niya dito. Pinalalabas nito na sinamantala niya ang kalasingan nito at babae siya na walang moral at nag-uuwi ng kung sinu-sinong lalaki. Kung ayaw nito sa kanya, mas…
Available chapters
Chapter 1
Pumailanlang ang malamyos na musika mula sa violin sa maliit na function room na iyon sa isang hotel sa Seoul, South Korea. The classical Broadway song Music of the Night was mesmerizing. Everyone was captivated by the music created by Timothy Cerrudo, a musical genius. At kahit na ilang beses nang narinig ni Ares na tumugtog ang kaibigan ay di pa rin niya mapigilang humanga dito. Nakikita niya kung paanong matulala ang lahat ng tao sa loob ng silid.
Pero wala kay Timothy ang atensiyon niya nang mga oras na iyon kundi sa babaeng nasa mesa sa di kalayuan. The only girl who captivated his heart - Krystianna Agustin. Sampung taon na niya itong hindi nakita nang ganito kalapit. Gaya ng ibang bisita sa okasyong iyon ay nakatitig din ito sa pagtugtog ni Timothy na parang nahipnotismo ito. Ni hindi man lang nito napansin na naroon siya.
He knew she would be here. Nilakasan talaga niya ang loob na pumunta sa birthday celebration na iyon ni Timothy para makita si Krystianna. Matagal na panahon niyang hinintay ang pagkakataong iyon. Panahon na para maitama niya ang mga pagkakamali niya. Ito na ang huling pagkakataon niya para kaligayahan naman niya ang isipan niya. Para ipaglaban si Krystianna.
Kinapa niya ang kahita sa bulsa niya. An engagement ring. Para sa nag-iisang babaeng gusto niyang pakasalan. Alam niyang siya pa rin ang mahal nito dahil wala pa itong ibang nobyo. Wala itong ginawa kundi magtrabaho para iahon ang pamilya nito sa kahirapan. Ngayon ay matagumpay na sila pareho. Siguro ay maitatama na nila ang lahat. Makakapagsimula silang muli. Maipagpapatuloy na nila ang pagmamahalan nila at handa na siyang ipaglaban ito. Ito na lang ang paniniwalaan niya at wala nang iba.
Bumukas ang ilaw at nagpalakpakan ang mga tao. Nagulat pa siya nang may tumapik sa balikat niya. "Ares, sabi na nga ba't ikaw iyan."
"Dalton," nakangiti niyang bati sa kaibigan at niyakap ito. "Ano? Ilang daang babae na ba ang pinaiyak mo?"
Tumingala ito sa kisame na parang nagbibilang. "Ninety-eight pa lang. Short pa ako ng dalawa para one hundred."
"Ninety-eight official girlfriend. Wala pa diyan ang unofficial," nakangisi niyang sabi.
Babaero pa rin ang kaibigan niya. Isa itong fashion photographer kaya naman iba't ibang lugar na ang napuntahan nito at iba't ibang babae na rin ang nakarelasyon. He had that seductive look that girls of all ages couldn't resist.
Nagulat siya nang may humalik sa pisngi niya. "Hi, Pogi! Miss mo na ako?"
Ihinanda na niya ang suntok nang marinig na boses iyon ng isang lalaki. Natigilan siya sa pagsuntok nang makita ang nakangising mukha ng kaibigan niyang si Princeton na nakangisi sa kanya. "Princeton! Puro ka talaga kalokohan!"
Kinawit niya ang leeg nito ng braso niya at saka ito magaang kinutusan. Nakalimutan niya nang mga oras na iyon na nasa isang formal gathering siya at siya si Ares Manrique na Chief Operating Officer ng Pearl of the Orient Bank na isang matatag na commercial bank sa Asya. Kapag kasama niya ang mga kaibigan. And he never felt this way for a long time. Di siya pwedeng umaktong bata sa harap ng maraming tao lalo na't nakasalalay sa kanya ang kabuhayan ng maraming tao.
"Joke lang iyon," anang si Princeton na isang painter at mahilig sa mas matured na babae. "Tagal mo kasing di nagpakita. Masyado kang busy sa bangko mo. Akala namin iyon na ang pinakasalan mo."
"Mabuti naman di mo ako ipinagpalit sa bangko," singit ni Timothy.
"Happy Birthday," bati niya at kinamayan ito saka tinapik sa likod. "Di ko alam kung anong ireregalo sa iyo.
"You are here. Kumpleto na ang birthday ko. I can say that this is a miracle," anito at pagak na tumawa. "I miss you, cousin."
Nang mga oras na iyon ay alam niyang natawid na nila ang guwang sa pagitan ng pagkakaibigan nila. Sa loob ng ilang taon ay tinikis niya ito dahil pakiramdam niya ay tinraidor siya nito.
Nang maghiwalay sila ni Krystianna ay inaasahan niyang kakampihan siya ng mga kaibigan niya. Siya ang nadehado at niloko. Sa halip na iwasan si Krystianna ay kinupkop pa nito at binigyan ng trabaho bilang assistant ng lolo nito. It was devastating on his part. Si Timothy ang pinakamalapit sa kanya. Inaasahan niya na ito ang unang dadamay sa kanya. Sa halip ay pinili nitong tulungan ang babaeng nanakit sa kanya.
Alam niyang may pagka-santo si Timothy. Ito na yata ang pinakamabait na taong nakilala niya. Pero sa dinami-dami naman ng tutulungan nito ay si Krystianna pa. Kaya lumayo siya dito. Kahit anong gawin ng mga kaibigan nila na pag-ayusin sila o kahit anong paliwanag nito ay di siya nakinig.
And he was thankful for that. Hindi naputol ang koneksiyon nila ni Krystianna dahil dito. Ang kabutihan nito ang muling maglalapit sa kanila. And he was sure that Timothy would vouch for him.

Chapter 2
"Mukhang magkasundo na kayong dalawa," wika ni Lolo Teodicio.
Nagmano siya sa matanda. Eighty years old na ito pero matikas pa rin. Naging music maestro sa Seoul University si Lolo Teodicio. Subalit nang mag-retiro ay pinili nitong i-train si Timothy. Minsan sa isang taon ay pumupunta si Timothy sa Korea para mag-perform. Subalit mas madalas itong naglalakbay sa iba't ibang bahagi ng mundo.
"Lolo, kailangan na ninyong inumin ang gamot ninyo," sabi ni Krystianna na nag-aalala na. "Sabi ninyo kapag tapos na ang Music of the Night, iinom na kayo ng gamot. Gusto ba ninyong patulugin kayo agad?"
Napailing na lang si Lolo Teodicio at napipilitang uminom ng gamot. "Nakalimutan ko, hija. Pasensiya na."
"Tinakasan ninyo ako," nakapamaywang na sabi ni Krystianna.
She looked different now. Simple lang ang ganda nito. But she was full of confidence now. Di tulad dati na parang isa itong bulaklak na sa kaunting pagaspas ng hangin ay pwedeng masugatan. Marami itong hirap na pinagdaanan noon at alam niyang isa siya sa matitinding pagsubok na iyon. He was glad that she was okay now. Naging mabuting kaibigan dito si Timothy. Now she bloomed into a lovely woman
"Kinumusta ko lang si Ares. Matagal din kayong di nakita, di ba?" wika ni Lolo Teodicio
Parang nagulat pa si Krystianna nang makita siya. "Hi!" simpleng bati nito.
Tumango siya. "Hi!"
Iyon lang ang nasabi niya sa babaeng mahal niya. Drat! Marami siyang gustong sabihin dito kapag nagkita sila. Bakit "Hi" lang ang lumabas sa bibig niya?
Hindi kasi niya alam kung anong dapat sabihin dito. Gusto niyang humingi ng tawad. Gusto niyang tanungin kung may pag-asa pa para sa kanila. At gusto niyang sabihin dito na handa siyang pakasalan ito kahit saan at kahit kailan.
Ngumiti ito sa kanya na parang dati siyang kaibigan. Di ang lalaking nanakit dito. "Ares, kumain ka na ba? Parang di ka pa kumakain. Siguro habang papunta dito puro ka pa rin trabaho."
"Paano mo nalaman?" gulat niyang tanong.
Humawak ito sa braso ni Timothy. "Timothy told me. I am glad that you turned into a more responsible man now, Ares."
Gumaan ang puso niya sa papuri nito. Madalas sabihin sa kanya ni Krystianna na may pagka-immature siya. Parang bata siya na lahat ng gusto ay nasusunod. A brat. Palibhasa mula siya sa mayamang angkan. Busy lagi sa negosyo ang mga magulang niya kaya ang paraan para makabawi ang mga ito sa kanya ay ibigay ang lahat ng materyal na pangangailangan niya.
Habang si Krystianna ay lumaki sa hirap. Scholar ito sa university na pinapasukan niya. Nagtatrabaho ito habang nag-aaral. Lahat ng bagay bago nito makuha ay pinaghihirapan nito. Ito ang inspirasyon niya para magsumikap. Sa paghaharap nila ay gusto niyang makita nito na di na siya ang brat na nang-iwan dito. Na ang ego niya ay mas malaki kaysa sa pagmamahal dito. He wished that she would see the man he had become.
"Thank you," pasasalamat niya. Kumunot ang noo niya nang may mapansing kumislap sa daliri nito.
Hinawakan ni Princeton ang kamay nito. "Wow! Diamond ring."
"Tunay ‘yan?" tanong ni Dalton habang nanlalaki ang mata.
Binawi ni Timothy ang kamay mula kay Princeton. "Of course it is real."
Sumalsal ang kaba sa dibdib niya. He was missing something. Di nagsusuot ng alahas si Krystianna. Pero para magsuot ito ng totoong diamond ring…a diamond engagement ring.
"We are engaged," nagniningning ang matang anunsiyo ni Krystianna.
Parang binagsakan siya ng bomba sa kinatatayuan. Engaged? Diamond ring? Ikakasal na ang mga ito? P-Paanong nangyari iyon?
Nagpapalit-palit lang ang tingin niya kina Timothy at Krystianna. Magkaibigan lang ang mga ito. Nothing more than that. Iba ang babaeng gusto ni Timothy. At si Krystianna… siya ang mahal ni Krystianna. Siya ang dapat pakasalan nito. Singsing niya ang dapat na suot nito. Hindi yata tama.
"Ha? Kailan pa?" tanong ni Princeton. "Kailan pa naging kayo?"
"Dati pa naman nagpapaturo ng diskarte si Timothy para mag-propose sa isang babae. Was it five years ago?" napapaisip na wika ni Dalton. "Ewan ko paanong proposal ang ginawa niyan. Pustahan tayo si Krystianna ang nag-propose sa iyo, no?"
Pasimple itong sinipa ni Krystianna. "Shut up!"
Tumawa si Lolo Teodicio. "Siyempre si Timothy ang nag-propose. Namasyal sila sa Seoul Tower. Romantic kasi ang spring dito sa Korea. He popped the question. Mukhang bumawi ang apo ko sa pagkatorpe niya. Doon pa lang niya mismo sinabi na mahal niya si Krystianna. At nang sabihin din ni Krystianna na mahal din siya, inalok na agad niya ng kasal. At di daw sila bababa ng tower hanggga't hindi umo-oo si Krystianna."
"Wow! Di na nagpakipot," kantiyaw ni Dalton.
"If it's Timothy, hindi ko na kailangang pahirapan." Puno ng pagmamahal na pinagmasdan ni Krystianna si Timothy. "Matagal ko na siyang mahal. Matagal na matagal na."
It seemed surreal. Everything was like a bad dream. Nakikita niyang masaya ang mga ito pero parang umalis ang kaluluwa niya sa katawan niya. Di siya parte ng kasiyahang naroon. Ikakasal na ang babaeng mahal niya sa kaibigan niya?
Parang kahapon lang ang ilang taong lumipas. Hindi niya inaasahan ang maaabutan niya. Ibang lalaki na ang inaalayan ni Krystianna ng pagmamahal nito. Si Timothy na ang kapag tiningnan nito ay puno ng pagmamahal.

Chapter 3
"Ares, do you mind?" tanong ni Timothy. "I am sorry. Siguro dapat kinausap muna kita tungkol dito pero lagi mong tinatanggihan ang mga tawag ko at ayaw rin ng sekretarya mo na bigyan ako ng appointment."
Naramdaman niya ang tensiyon sa buong katawan niya. "No. It is okay."
Ano ba ang dapat niyang isagot? Dapat ba siyang magalit? May karapatan ba siya? Kung hihindi ba siya, may mababago ba?
"Ares won't mind," maagap na sabi ni Krystianna at ngumiti sa kanya. "Matagal na kaming hiwalay. I am sure masaya siya para sa atin."
Ilang taon na siyang nawala. Iniwan niya sina Krystianna at Timothy. Wala siyang karapatan na umangal. Hangal lang siya na isipin na titigil ang mundo ni Krystianna. Na kapag binalikan niya ito ay siya pa rin ang mahal nito.
Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Masyado na ba siyang nababad sa mundo ng negosyo at usaping pera kaya wala na siyang panghahawakang realidad sa mundong puno ng emosyon? That was silly. Really.
"Of course," nausal na lang niya. "Congratulations."
Manhid ang buong katawan niya nang kamayan ang dalawa. Parang nagmistulang yelo ang himaymay ng laman niya nang maramdaman ang diamante ng singsing ni Krystianna nang kamayan niya ito. Kumagat iyon sa laman niya at parang hinihiwa siya hanggang sa puso niya.
"Thank you, Ares." Hinalikan siya nito sa pisngi at pagkatapos ay sina Princeton at Dalton naman ang niyakap nito. Nagpasalamat ito. Nagpasalamat ito dahil tinanggap niyang isa siyang talunan. Na hinahayaan na niya itong maging masaya sa lalaking mahal nito -sa matalik niyang kaibigan.
"I-announce na ninyo sa ibang bisita," wika ni Princeton. "Share your happiness with everyone."
"I will do the honors," sabi ni Lolo Teodicio na naglakad patungo sa entablado.
Humagikgik pa si Krystianna na parang excited na excited itong malaman ng lahat ng tao ang pagpapakasal nito at ni Timothy. Only a girl in love would do that.
Parang lumalaki ang ulo niya habang ina-anunsiyo ni Lolo Teodicio ang engagement nila Timothy at Krystianna. It should be his ring on her finger, not Timothy's. Animo'y may baga ang kahita sa bulsa niya at dahan-dahang sumusunog sa pantaloon niya. Dahil sa harapan niya ay parang nasusunog na rin ang pangarap niya.
Nakangiting hinawakan ni Timothy ang kamay ni Krystianna at kinintalan ito ng halik sa noo. Hindi siya ang lalaking may hawak ng kamay ni Krystianna. Hawak nito ang kamay ng lalaking sumalo dito nang itaboy niya ito at di paniwalaan sa kasinungalingan ng mga taong gusto ay maghiwalay sila. Yakap ito ng lalaking naniwala dito at di umalis sa tabi nito. Ang lalaking pumahid sa luha nito habang siya naman ang nagdulot ng luha dito.
Parang may kumurot sa puso niya nang makita kung gaano ito kasaya kay Timothy. Hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon na ngitian nito na puno ng pagmamahal. Pumikit siya. Parte na lang siya ng nakaraan ni Krystianna.
Bumalik siya para itama ang pagkakamali sa buhay nito. Pero wala na siyang tama dahil tama na ang lahat. Hindi na niya kailangan pang pawiin ang sakit dahil masaya na ito. Matagal nang napawi ang sakit sa puso nito dahil sa kanya.
Hindi na siya nito hinintay dahil iba na ang may hawak sa puso nito.
Tinalikuran niya ang masayang okasyon at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na siya kailangan pa doon.
"Ares, saan ka pupunta?" tanong ni Princeton.
"Sa labas. I just need to make a few calls."
Pumalatak si Dalton. "Trabaho na naman. Paano ka makakakilala ng babae kung ganyan ka? Bumalik ka agad."
Kumaway lang siya pero di nilingon ang mga kaibigan. Di na rin siya babalik pa sa loob ng ballroom.
Huli na ang pagdating niya. Kasalanan din naman niya ang lahat. Itinaboy niya ang babaeng mahal niya. Kung kailan handa na siyang tanggapin ang lahat, saka naman may iba nang magmamahal dito. Higit pa sa pagmamahal niya.
Wala sa sarili siyang nagpalakad-lakad sa kalsada ng Seoul. Naririnig niya ang ugong ng mga sasakyan at nakasasalubong niya ang mga tao pero parang lumilipad ang isip niya. Wala siyang maramdaman. Ang tanging nararamdaman niya ay pagkagat ng malamig na hangin na mistulang may yelo sa balat niya.
Maybe he was destined to be alone. Maybe he was not destined to be loved.
Kung wala na siyang ipaglalaban pa, wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang tadhana niya. Ang pakasalan ang babaeng pinili ng Mama niya kahit na wala siyang nararamdaman para dito.
Then it's goodbye to love.
"Cheers!" sabay-sabay na wika ng mga regular customers sa Korean restaurant kung saan nagtrabaho si Sandy dalawang buwan. Traditional Korean restaurant iyon at puro low tables ang gamit nila kaya kailangang sumalampak.
Despedida party niya iyon at kailangan na niyang umuwi ng Pilipinas bukas ng gabi. Ine-enjoy lang niya ang huling araw niya sa Seoul. Ang huling araw ng kalayaan niya.
"Go bek!" aniya at tinungga ang baso ng suju.