Browse stories

Sweet Seduction (Tagalog)

Language: fil

Hindi inaakala ni Kamille na mahuhulog siya sa kanilang gwapong hardinero. Nasanay man siya na lahat ng gusto niya'y kaniyang nakukuha pero mukhang mahihirapan siya pagdating sa lalaking ito. Masyado itong mailap sa kaniya, at kahit halos ibandera na niya rito ang buong katawan niya ay hindi man lang siya magawang tapunan nito kahit kapirasong pagnanasa. Mapapainit ba niya ang damdamin nito para sa kaniya? O mabibigo siya sa unang pagkakataon pagdating sa isang lalaki? Posible bang mapansin siya nito? Paano kung hindi na lang pala basta pagkuha ng atensyon nito ang gusto niya? Paano kung…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Napabalikwas ng bangon si Kamille nang marinig nya ang boses ng kanyang Yaya Hilda. Alas-otso na pala at late na naman sya sa eskwela.
Mabilis syang bumangon at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa sampayan. Magulo pa ang kwarto nya dahil hindi pa nya ito nagagawang harapin para ayusin.
21 na sya at graduating na sa kursong Tourism Management. Ito talaga ang pangarap nya noon pa at ngayon ay halos abot-kamay na nya ito.
"Naku, ikaw na bata ka, para saan pa ang alarm clock mo sa kwarto? Kung hindi pa kita ginising malamang na hanggang ngayon ay gumagawa ka pa ng mapa," sermon sa kanya ni Yaya Hilda.
Napakamot sya sa buhok at daling bumaba para kumain muna ng almusal.
"Yaya naman wag mo na po akong sermunan, halika kumain na lang tayo," nakangiting sabi nya sa kanilang katulong.
15 years na itong nagtatrabaho sa kanila at halos ito na ang nagpalaki sa kanya. Ito kasi ang palagi nyang kasama dahil madalas na wala naman sa Pilipinas ang mga magulang nya. Abala ito sa pagpapatakbo ng kompanyang iniwan ng lolo nya.
"Tapos na ako. Hala! Dalian mong kumain at late ka naman sa eskwela," paalala nito sa kanya
Tumango-tango na lang sya sa matandang katulong, sanay na sya sa mga sermon nito minsan dahil parang nanay na rin ang turing nya dito. Nginitian nya na lang ito habang kagat-kagat ang sandwich sa bibig nya.
Nagmadali na syang kumain at nagdiretso na sa banyo upang maligo, binilisan na lang din nya ang paggayak upang hindi na makapagsayang pa ng mga natitirang oras. Kahit na nga ba nag-aayos na lang sya ng mga dapat ayusin para sa nalalapit nyang graduation ay hindi dapat sya nagpapapetiks-petiks lang.
"Ya, alis na ako!" paalam nya at patakbong lumabas ng pintuan.
Sinundan lang sya ng tingin ng matanda, muntikan pa syang matapilok sa pagmamadali. Medyo mataas kasi ang takong ng sapatos nya.
"Ay sus maryosep kang bata ka!"
Dinig pa nya ang huling sinabi ng matanda, napangisi sya.
Natutuwa talaga sya sa Yaya nya, sa kabila ng pagiging busy ng mga magulang nya sa trabaho ay ito naman ang pumupunan ng mga pagkukulang para lang hindi nya maramdaman na mag-isa sya.
Paglabas nya ng pintuan ay naabutan nya ang driver nila na may kinakausap sa garden, hindi ito pamilyar sa kanya. Nakatagilid ito at sa tantya nya ay bagong mukha, kailan lang kasi ay pumanaw ang hardinero nilang si Mang Isko. Siguro ay ito ang bagong hardinero nila.
Lumapit sya upang tawagin ang driver dahil kailangan na nyang maihatid sa eskwela.
Nag-uusap ang mga ito at tila naabala sa pagdating nya.
"Ma'am Kamille, nandiyan ka na pala. Pasensya na at kinakausap ko lang itong bagong hardinero nyo. Ibinilin kasi sya sa akin ng Daddy mo," sabi ng driver nila.
Tiningnan nya ang lalaking kausap nito, matangkad ito at moreno. Hindi nya alam pero kusang napako ang tingin nya sa lalaki, ni hindi man lang sya nito tinapunan kahit isang tingin, hindi man lang ba sya babatiin nito?
Kakaiba yata ito sa lahat. Sa lugar nila ay sya lagi ang pinagpapansinan ng mga lalaki, pero itong lalaking nasa harap nya ngayon ay kabaligtaran naman niyon. Ramdam na ramdam nya ang pagkailang nito sa kanya.
"Franco, si Ma'am Kamille, nag-iisang anak nila Sir Ricky at Madam Verna," pakilala nung driver nila.
Noon lang ito tumingin sa kanya, sya naman ay inaaninag ng mabuti ang mukha nito, gwapo at matangos ang ilong, parang may lahi itong mexicano.
Bahagya lang itong yumuko matapos tanggalin ang malapad na sumbrerong suot-suot nito.
"Hello Franco. Nice to meet you. Pagbutihin mo ang trabaho mo dito ha, sana ay makasundo kita." Nginitian nya ito pero wala man lang itong kaimik-imik, napapasong iniwasan sya nito ng tingin.
Anong problema ng lalaking ito?
"Tara na Ma'am ihahatid ko na kayo," pukaw sa kanya ni Art.
Kinuha na nito ang gamit nya at naglakad na ito papuntang sasakyan, sya naman ay nawiwirdohan sa bagong hardinero nila. Gwapo pa naman sana ito. At infairness kahit na moreno ang balat nito eh parang ang bango-bango tingnan. Kaya lang ay parang may tililing yata. Hindi man lang makipag eye to eye contact. May lahi yatang aswang.
Natawa sya sa sarili pero mabilis din nyang pinawi 'yon. Kung ano-ano ang sinasabi ng utak nya. Umaarangkada na naman ang pagkahibang nya. Pero naguguluhan din sya sa sarili kung bakit tila apektado sya sa ikinilos nito. Siguro ay dahil hindi lang sya sanay. Nakaramdam kasi sya ng pagkapahiya sa sarili.
Sa huling pagkakataon ay tinapunan nya ulit ng tingin ang lalaki bago tumalikod. Hindi nya mabasa ang emosyong nakalarawan sa mukha nito. Sumunod na sya sa driver nila upang ihatid sya sa eskwela.
Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin maalis sa isipan nya ang bagong hardinero nila. May bahagi ng pagkatao nya ang naiinis dahil hindi sya sanay aktuhan ng ganoon, lalo na ng lalaki.
"Kuya Art, ganoon ba talaga yun?" inis na tanong nya sa driver.
"Ha? Ano po yun Ma'am?" hindi yata sya naintindihan nito.
"Yung bagong hardinero. Ang weird nya ha?" napairap sya sa inis.
Tumawa lang yung driver nila.
"Naku Ma'am pasensya ka na kung hindi ka sanay sa ganoon. Pero sadyang tahimik lang talaga yun si Franco," paliwanag nito.
"Saan ba sya nakuha ni Daddy? Matagal mo na syang kilala?" parang bigla naman syang naging interesado.
"Apo sya ni Mang Isko, at oo matagal ko na syang kilala, kaya lang ay laging nasa bayan dahil doon nagmemekanino," anito.
Ah kaya naman pala. Hindi naman pala ito iba sa dating hardinero nila. Napatango-tango na lang sya, pero nagngingitngit pa rin ang kalooban nya dahil medyo nadismaya sya kanina.
Tiningnan nya ang sarili sa salamin. Feel nya tuloy ang pangit nya dahil sa inakto ng Franco na 'yun pero hindi yata sya papayag na aktuhan lamang ng ganoon ng isang lalaki, hindi sya sanay at hindi nya matatanggap.
Napataas ang isang kilay nya at kapagkuwan ay bumuntong-hininga.
Ano kaya kung akitin nya ang lalaking iyon?
Sinisigurado nyang hindi sya nito matatanggihan kapag pinairal nya ang kapilyahan.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nya dahil sa mga planong bigla na lang pumasok sa utak nya.
"Tingnan lang natin kung hindi makuha ng alindog ko ang atensyon mo Franco," bulong nya sa sarili.

Chapter 2

"Hi Kamille!"
Napalingon sya sa lalaking bumati sa kanya habang naglalakad sya sa hallway. Kadarating lamang nya sa iskwelahan at itong mukha agad ni Max ang bumungad sa kanya. Well kung hindi nyo naitatanong eh isa ito sa mga lalaking naging biktima lang ng paghahanap nya ng thrill sa buhay. Aminado naman syang may pagkamaharot sya pagdating sa lalaking natitipuhan nya sa umpisa ngunit kapag nagsawa na sya ay iniiwan na lang nya ito ng basta.
"Oh Hi there Max," wari ay bati nya rin dito.
Nakasunod ito sa kanya habang naglalakad sya. Mayaman ang lalaking ito at isa sa mga sikat na estudyante sa kanilang iskwelahan, lolo kasi nito ang nagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na restaurant sa lugar nila. Nag-iisa itong apo kaya naman sunod sa luho. Masasabi nyang magandang lalaki talaga ito, matangkad at maputi, may pagkasingkit at mapula ang labi. Natural iyon sa isang meztisong kagaya nito.
Bagay na bagay nga daw sila sabi ng karamihan. Halos parehas kasi sila ng estado ng pamumuhay. Sya kasi ay kilala rin ang pamilya nya dahil sa yaman nila at sa lawak ng lupaing pagmamay-ari ng kanyang magulang. Hacienda, Bukirin, Rancho at may kompanya pa na syang pinamamahalaan ng kanyang ama.
Pero hindi naman sya naging seryoso kay Max. Hindi naman nya ito minahal at parang naging palipas oras lamang nya ito.
"Sabay tayong maglunch mamaya?" pangungulit nito sa kanya,
Nilingon nya ito, umangat ang isang sulok ng labi nya.
"I'm sorry Max, hindi ba't malinaw na satin ang lahat? Tapos na tayo right? So para saan ang lunch?" nakataas ang isang kilay nya.
Pansin nyang nalaglag ang balikat nito.
"Kahit ngayong araw lang. Huli na ito promise," pagmamakaawa nito.
Hindi pa ba ito maka-move on sa kanya? Samantalang para sa kanya ay balewala lang ang lahat. Naging boyfriend nya ito ng halos dalawang buwan. Wala lang trip lang nyang makipagrelasyon dito at pagkatapos na magsawa ay ganoon lang nya kadaling iiwan.
Saglit na nag-isip sya bago tumango sa lalaki. Para na rin matigil na ang kakulitan nito sa kanya.
"Fine," pinilit nyang tumango dito, kita naman nya ang pagsilay ng malawak na ngiti sa labi nito.
"Dadaanan kita mamaya," Hahalik sana ito sa pisngi nya pero mabilis syang umiwas.
"Ooops!" sambit nya at tumalikod na dito, iniwan nya itong nakatanga sa hangin.
Bago pa mag alas dose ay dumating na nga si Max, tanaw nya itong naghihintay sa labas ng room nya. Ang ibang babae ay pinagtitinginan ito, sino ba namang hindi mapapatingin sa lalaking ito? Gwapo ito pero wala lang sa kanya. Wala syang maramdaman dito.
Nagpahid lang sya ng bahagyang foundation sa mukha bago lumabas at sinalubong sya nito,
Napakalawak ng ngiti nito.
"Tayo na?" sabi nya at nakangiting inalalayan sya nito.
Lumabas sila at tumambad sa kanya ang mamahaling sasakyan ng binata, hindi nakapagtataka, barya lang para dito ang halaga ng mustang na iyon kahit para sa kanya ay nakakalula na ang presyo. Binuksan nito ang pintuan para sa kanya.
"Thanks!" sabi nya bago pumasok sa loob.
Sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nito sila huminto, syempre ito ang pinakasikat na kainan sa lugar nila kaya hindi na nakapagtatakang dito sila hihinto. Palagi naman syang dinadala nito dito kahit noong sila pa, at aaminin nyang masarap talaga ang mga pagkain dito. Naiimpluwensyahan nga ang isip nya na magtayo din restaurant balang araw. Mahilig kasi sya magluto.
Binuksan muli nito ang pintuan para sa kanya at pumasok na sa loob. Napakaganda ng lugar at talagang hindi basta-basta ang mga pumapasok dito.
Umorder sila sa waiter at napangiti pa ito ng makita ulit silang magkasama. Ginantihan na lamang nya ito ng ngiti. Si Max na ang umorder para sa kanilang dalawa.
"Kamusta ka?" tanong nito habang nakangiti sa kanya. Akala mo naman ay napakatagal nilang hindi nagkita.
"I'm okay. Ikaw kamusta ka na?" balik nya.
"Ito, hindi ko pa rin magawang harapin ang bukas para tanggapin na wala na tayo"
Naging seryoso ang mukha nito at pagkuwan ay mapait na ngumiti,
"Pero unti unti ko ng tinatanggap," dagdag nito, halatang binawi lang ang sinabi.
Bumuntong hininga sya at hinawakan ang kamay nito,
"You know Max, maraming babae dyan na mas karapat-dapat para sayo. And I'm sorry dahil hindi ako 'yun. Masasaktan lang kita. You don't deserve me," aniya.
"Bakit ba kasi hindi pwede? Bakit bigla ka nalang umayaw? Bakit bigla iiwan mo na lang ako? Anong dahilan?"
Pinisil nito ang kamay nya.
"Pwede kang magalit sakin Max at tatanggapin ko iyon, ang totoo ginamit lang kita at wala akong nararamdaman sayo, ayokong pilitin ang damdamin ko dahil wala talaga," pagtatapat nya, nakagat nya ang ibabang labi ng sambitin nya ang mga salitang iyon.
Ilang saglit na katahimikan bago ito muling nagsalita,
"And it didn't work? Sana man lang pala nahulog ka sakin sa mga panahong ginamit mo ko, mukang sa mga libro na lang talaga nangyayari ang ganun," natawa ito. Nakaramdam sya ng awa para dito. Nakukunsensya na tuloy sya dahil sa kabila ng mga ginawa nya ay hindi makuhang magalit nito para sa kanya. Napakabait nito.
"Mapagbiro ka talaga. Kumain na lang tayo," pag-iiba nya ng usapan.
Hinatid din sya kaagad ni Max sa room nya pagkatapos nya itong pagbigyan sa lunch kanina. Wala na syang klase. May mga inaayos nalang syang papel kaya paunti-unti na lang ang oras nya sa iskwela.
Tinawagan na nya ang driver nila at halos kinse minutos syang naghintay dito bago nya natanaw ang sasakyan nila.
"Ang aga nyo ngayon Ma'am," puna ni Art sa kanya. Mga nasa trenta pataas na ang edad ng driver nilang ito.
"Ah oo, hindi ko nasabi sayo kaninang hanggang alas dose lang ako," sabi nya bago pumasok sa loob.
"Tayo na,"
Tumango naman ito sa kanya at pinaandar na ang sasakyan.
Natanaw nya kaagad ang malawak na hacienda nila pagkatapos ng kinse minutos na byahe, walang masyadong tao ngayon dahil malamang na kumakain ang ibang mga tauhan nila. Ang garden na kanina lang ay napakakalat ngayon ay napakasarap ng pagmasdan dahil sa linis nito. Mukang mahusay ang bagong hardinero nila. Bumaba sya ng sasakyan at nakita nya ang bahay kubo kung saan nagpapahinga ang mga tauhan ng hacienda nila. Nagkakainan ang mga ito at kumaway sa kanya ang mga ito nang makita sya. Gumanti sya ng ngiti sa mga ito, liban sa nag iisang lalaking hindi na naman sya tinapunan ng tingin.
Lumapit sya sa mga ito,
"Ma'am Kamille halina po kayo at sabayan nyo kaming kumain," anyaya sa kanya ni aling Eba. Isa din ito sa matagal ng katiwala sa kanilang Hacienda. Kasama nito ang iba pang mga katiwala nila.
"Ma'am Kamille, hindi mo na yata dinadala dito ang nobyo mong si Sir Max? Hindi na namin sya nakikitang dumadalaw dito," sabi ni Mang Nestor, nagpapaypay ito gamit ang malapad na sumbrero.
Napatingin sya kay Franco na noon ay nasamid, hindi nya alam kung bakit bigla na lang itong nasamid.
Pero hindi naman sya nilingon nito kahit kanina pa nya hinihintay na sulyapan man lang sya nito, tahimik lang itong kumakain habang nakakamay at pagkatapos ay tumayo na at lumayo.
Anong problema ng lalaking yun?
Nakaramdam na naman sya ng inis.
"Wala na ba kayo ni Sir Max?" pang uusisa pa ng mga katiwala at tauhan nila. Kaclose nya ang mga ito at alam nya kung gaano sya kamahal ng mga ito bilang nag-iisang senyorita ng Hacienda Monreal. Wala naman syang pinakitang kagaspangan ng ugali sa mga ito, kung tutuusin ay parang mga nanay at tatay na rin ang turing nya sa mga ito at anak naman sya kung itrato.
"Wala na po kami ni Max," sagot nya sa mga ito.
"Ha? Bakit naman? Sinaktan ka ba nya Senyorita? Mukhang kailangan mahasa ang aking gulok," pagbibiro ni Mang Nestor.
"Ikaw naman Nestor, wag mo naman takutin ang bata," saway ni aling Eba. Nagtawanan lamang ang mga ito. Ngumiti na lang sya at hindi pinansin ang tanong ng mga ito.
"Oo nga pala, kilala mo na ba si Franco? Sya ang bagong katiwala at Hardinero ninyo, apo sya ni Mang Isko,"
Napansin yata ng mga ito na sinundan nya ito ng tingin habang nakaupo at nagpapahinga sa silong ng malaking punong mangga.
"Ganun ba talaga sya?" tanong nya sa mga ito.
"Sino? Si Franco? Naku ganyan talaga ang isang yan. Parang may sariling mundo. Pero mabait at masipag na bata yan," sagot ni Aling Eba. Napasimangot sya.
"Hindi yata sya nagagandahan sakin. Kanina pa nya ako hindi pinapansin," biro nya.
"Haha! Naku napakaswerte naman pala nitong si Franco. Akalain mong naghihintay pala ang senyorita natin na mapansin nya," si Elmer, halos kaedad lamang nya ito.
"Senyorita ako araw-araw kitang napapansin. Di mo na kailangan pang magpapansin," dagdag pa nito. Siniko ito ni James. Isa din sa mga tauhan. Ngumisi lang ito kay James.
"Ikaw talaga Elmer. Magtigil ka nga at kilabutan," pang aasar ni James.
"Bakit? Kung mayaman lamang ako. Hindi ako magdadalawang-isip na magpursigi para ligawan si Senyorita," ngumiti ito sa kanya.
"Alam mo Elmer di mo naman kailangan maging mayaman para magustuhan ako. Hindi lamang kita type,"
Narinig nya ang malakas na tawanan ng mga ito.
"Aray ko. Ang talim naman nun Senyorita!" tila nasasaktang sabi nito at humawak pa sa dibdib. Umismid lang sya.
Sanay na syang makipagbiruan dito.
Muli nyang tinapunan ng tingin ang lalaking tahimik na nagpapahinga sa ilalim ng puno.
Mukhang kailangan na nyang kumilos. Tila hinahamon sya ng lalaking ito at ayaw nyang napapahiya sa sarili. Hindi sya papayag.

Chapter 3

Hapon na nang mapagpasyahan ni Kamille na lumabas ng kwarto. Nakaidlip na pala sya at naabutan nya ang isa pang katulong nila na nagluluto ng miryenda para sa mga tauhan ng hacienda.
“Ma’am gising na pala kayo, hali po kayo’t magmiryenda muna,” anyaya nito.
Bigla syang natigilan nang makita ang miryendang hinahanda nito.
“Yaya Luring dadalhin mo ba yan sa mga tauhan natin?” tanong nya.
“Oo Senyorita, oras na ng miryenda nila,” sagot naman nito habang inaayos ang pagkakalagay ng mga iyon.
Napangiti sya at naisip na magprisinta upang dalhin iyon sa mga tao.
“Ah, Yaya Luring pwede bang ako na lang ang maghatid nyang miryenda sa kanila?”
Sana ay nandoon pa si Franco, gusto nyang mapalapit sa lalaki. Parang gusto nya tuloy na magpapansin sa binata dahil sa pagiging suplado nito. Hindi kasi talaga sya maka-move on sa pang-iisnob nito sa kanya.
“Sigurado po ba kayo Ma’am Kamille? Kayo na po ang magdadala? Mainit po sa labas Senyorita,” pag-aalala nito.
Ngumiti sya at tumango.
“Kaya ko po, saka gusto ko rin na ako ang magdala para sa kanila,” sagot nya sa matanda. Pumayag naman ito kahit nag-aalangan pa sa gusto nyang gawin. Wala na itong nagawa kundi ang hayaan na lamang sya.
Dala ang miryendang niluto ng Yaya Luring nya ay dali dali nyang pinuntahan ang kubo kung saan nagpapahinga ang mga tauhan kapag oras na ng miryenda. Halos humaba na ang leeg nya sa kakahanap kay Franco pero wala ito doon.
“Wow senyorita, ikaw ang nagluto nyan?” tanong nang makulit na si Elmer.
“Paborito ko yan banana cue!” dagdag ni James pero hindi nya pansin ang mga ito dahil may hinahanap ang mga mata nya.
Tumikhim ang mga ito nang mapagtanto kung sino ang hinahanap nya.
“Wala si Franco Ma’am Kamille. Sinundo sya ng kasintahan nya kanina. Mukang may lakad yata sila eh,” sabi ni Elmer. Siniko ito ni James.
Bigla syang natigilan dahil sa sinabi ni Elmer.
“Mayroon syang nobya?” gulat na tanong nya, parang biglang nawalan sya ng gana sa sinabi nito lalo na nung tumango ito sa tanong nya.
“Oo naman, si Paula. Matagal na nyang kasintahan ‘yon. Akala ko nga noon magpapakasal na sila pero hindi naman natuloy,” paliwanag pa ni Elmer.
Ibinaba nya ang dalang tray ng miryenda,
“Aalis na kayo Senyorita?” habol nito.
“Ah oo, sumama kasi ang pakiramdam ko e. Kain lang kayo dyan,” pilit syang ngumiti sa mga ito bago tumalikod.

-

Alas syete ng gabi nang mapagpasyahan nyang gumimik, naiinip na sya. Wala naman syang magawa kundi ang magkulong lang sa kwarto, ang mga magulang nya ay sa isang linggo pa makakauwi.
“Aalis ka Senyorita?”
Nasalubong nya ang Yaya Hilda nya.
“Magpapalamig lang ho Yaya. Hindi naman ako aabutin ng gabi,” sagot nya dito.
“Sino ang maghahatid sayo? Wala si Art. Tinawagan sya sa kanila dahil nilalagnat ang anak nya,” sabi ng matanda.
“Ho? Ibig nyo pong sabihin wala tayong driver ngayon?”
Nalaglag ang balikat nya. Kahit naman marunong syang magmaneho ay hindi sya papayagan ng Yaya Hilda nya lalo na kapag gabi.
Tumango ito.
Paano sya makakaalis ngayon? Wala pala si Art.
“Si Franco na lang ang paghahatirin ko sayo. Tutal ay sanay naman din iyon magmaneho,”
Biglang nagliwanag ang mga mata nya dahil sa narinig.
“Nandyan pa ho si Franco?” wari naman ay pagsisiguro nya.
Tuwang tuwa ang kalooban nya dahil sa sinabi ng Yaya Hilda nya.
“Oo nandyan sya sa likod. Sandali at tatawagin ko lang,”
Tumalikod na ito at iniwan sya saglit.
Impit syang napatili sa sarili, nakaramdam sya ng excitement
Hindi magkamayaw ang mga bagay na pumapasok sa isipan nya. Si Franco ang maghahatid sa sa kanya. Sa wakas ay mukang macocorner na nya ang binata.
Napangisi sya.
Maya-maya ay dumating na si Yaya Hilda at kasama na nga nito si Franco. Saglit syang napatigil nang tumambad sa kanya ang hubad na katawan nito.
Para itong isang modelo dahil sa ganda ng katawan nito. Palibhasa ay binat sa trabaho dagdag pa ang pagiging matangkad at moreno nito. Napakalakas ng dating nito para sa kanya.
Napakagat sya sa ibabang labi.
“Franco ihatid mo si Senyorita, mag iingat kayo ha, gabi na,” paalala ng matanda.
Tumalikod muna si Franco at sinuot ang kulay itim nitong t-shirt na nakasampay sa balikat nito. Nalanghap nya pa ang amoy nito. Bagong paligo.
“Tayo na Franco,” sabi nya sa binata at hinila ang kamay nito.
Sa wakas ay tiningnan sya nito sa mga mata, pero saglit lamang iyon at agad na binitawan nito ang kamay nya.
Biglang bumalik sa isipan nya ang sinabi ni Elmer na may kasintahan na daw ito.
Naupo na sya sa tabi ng driver’s seat, hindi man lang sya pinagbuksan ng pinto ng binata.
Tahimik lamang sila sa loob at wala itong kaimik-imik.
Nilingon nya ito sa gilid nya.
“Bakit ang tahimik mo?” tanong nya.
Hindi ito nagsalita at diretso lamang ang tingin sa dinadaanan nila.
“Franco. May girlfriend ka na ba?” muli ay tanong nya, hinaplos nya ang kamay nito.
Kunot ang kilay na napatingin ito sa kamay nyang nakahawak sa isang kamay nito.
“Franco…”
Sinadya nyang lamyusan ang tinig upang makita kung ano ang magiging reaksyon nito.
Lumapit sya sa binata at hinagip ang labi nito, hinalikan nya iyon. Marahan.
Naramdaman nya ang pag-iwas nito sa halik nya pero itinuloy lang nya ang nasimulan.
“Pwede mo naman ihinto muna ang sasakyan Franco,” anas nya nang maghiwalay ang labi nila.
Hindi sya pinansin nito.
Muli nyang hinagip ang labi nito at sa oras na iyon ay naramdaman nyang tinigil nito ang sasakyan sa isang gilid.
Napangiti sya, akala nya kasi ay nagtagumpay na sya ngunit nagulat sya reaksyon nito.
“Ano bang ginagawa mo?”
Sa wakas ay nagsalita din ito. Napakalamig ng boses nito at lalaking-lalaki ang dating.
“H-huh? Ayaw mo ba ng kiss? Bakit ba ang ilap ilap mo sakin?” di makapaniwalang tanong nya.
Tinitigan sya nito sa mata.
“Kung gusto mong mamatay, wag ka mandamay. Tigilan mo ang ginagawa mo,” seryosong sabi nito.
Pero hindi sya nagpatinag, mas lalo nyang gustong gawin iyon.
Hindi nya alam kung anong nag-utos sa kanya upang hagilapin muli ang labi nito. This time mas malalim iyon at ikinawit nya ang dalawang kamay sa batok nito.
Hindi ito gumaganti at maya-maya ay tinulak sya nito.
“What’s your problem?!”
Nainis sya sa ginawa nitong pagtulak sa kanya.
“Ikaw, anong problema mo? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?”
Natigilan sya sa sinabi nito. Galit ang tinig nito at tila ba nadismaya ito dahil sa kanya.
“Bakit mo ba ko tinatanggihan?” di pa din sya makapaniwala sa pagiging bato nito sa kanya.
Hindi ito nagsalita at madilim pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.
“Tigilan mo na to,” malamig na sabi nito at pagkatapos ay muling pinaandar ang sasakyan.
Nainis sya at nakaramdam ng hiya sa sarili dahil sa ginawang pagtanggi nito sa kanya. Talagang napakailap nito.
Hininto sya nito sa isang bar.
Nagtama ang paningin nila bago sya bumaba.
“Di pa tayo tapos Franco. Sa mga susunod na araw ay sigurado akong hindi mo na magagawa sakin ito,” banta nya bago isinara ang pintuan ng sasakyan. Tinapunan nya ito ng nakakalokong ngiti bago lumayo.