Browse stories

Wildest Dreams

Language: fil

Independent woman at career-oriented si Evony Lorenzo, wala na siyang mahihiling pa bilang isang stable chef sa Black Sala na isang five star restaurant at nariyan ang nobyo niyang si Markian. Isa rin naman ang dalaga sa nangangarap ng perpektong kasal ngunit hindi niya pinangarap na magkaroon ng anak o maging ina dahil sa trauma ng kanyang nakaraan. Ngunit mapaglaro ang tadhana nang makilala niya ang estrangherong binata sa isang party sa bar nang dahil sa kalasingan, hindi na alam ni Evony ang nangyari nang magising siya katabi niya ang binata sa kama at parehas nakatago ang hubad…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Chapter 1
ISANG malakas na palakpakan at hiyawan ang nangingibabaw sa buong function hall galing sa mga bisita. May ilang sumisipol at ilang sumisigaw ng ‘congratulation’ para sa bagong kasal nang makapasok sa function hall na puno ng mga white and violet flowers, na ilan ay nakalambitin mula sa ceilings kasama ng malaking chandeliers. Sa isang gilid naka-display ang three layered white cakes at nakapalibot ang mga table para sa bisita. Nag-umpisa ang mabagal na tugtugin kaya nag-umpisang maging emosyunal ang bride.
Hindi maiwasang mahawa ang ilan sa saya at pagiging emosyunal ng bride sa gabing iyon. Napapangiti na lamang si Evony, ang dalagang isa sa mga invited sa kasal at kakilala ng bride na isang college mate noong nag-aaral sila at isa rin sa gumawa ng pastries sa kasal na iyon.
Napasulyap si Evony sa binatang humapit ng bewang niya, ang two years na niyang boyfriend na si Markian. Binigyan siya nito ng halik sa noo saka siya yinakap mula sa likod habang sumasabay sa saliw ng mabagal na tugtug na para bang sila yung kinakasal.
She’s imagining herself na siya yung kinakasal sa nobyo niyang si Markian, wala nang hihilingin pa si Evony, may stable job siya bilang chef sa five star restaurant, meron siyang supportive boyfriend and loving family kahit pa hindi perpekto ang pamilya niya. Nangako siya sa kanyang sarili simula nang mamulat siya noon na hinding-hindi niya gagayahin ang ina niya, hindi niya sisirain ang pamilyang gusto niyang buuin kasama si Markian.
Noong una hindi payag ang pamilya ni Markian sa kanya dahil galing ito sa mayamang pamilya at tingin ng pamilya nito na pera lang ang habol niya sa binata. Sabi nga ni Evony sa sarili na hindi niya kailangan ng lalaki para lang buhayin siya.
Even though two years pa lang sila ni Markian madalas na nilang napapag-usapan ang tungkol sa kasal, pero never pang pumasok sa kanyang isipan ang pagkakaroon ng anak, hindi niya nakikita ang sarili bilang ina. Isang dahilan na magkaroon siya ng trauma noong maghiwalay ang mga magulang niya, palagi pa rin niyang dinadala ang mapait na nakaraan na iyon.
***
Sampung taon pa lamang si Evony nang mamulat na siya sa madalas na pag-aaway ng kanyang mga magulang hanggang sa dumating ang araw na hindi niya inaasahan, ang akala niya normal lang ang lahat. Sa limang taon na puro away ang mga magulang niya, mas nakikita pa niya ang ama na nagmamakaawa sa ina niya na huwag silang iwan. Nawawala rin ang loob niya sa ina lalo na nong mapagdesisyunan nitong makipaghiwalay sa ama niya.
“Hindi ko na kaya, hindi ko kaya sa buhay na ganito! Mas magandang maghiwalay na lang tayo, bahala ka na sa anak natin.”
Rinig ni Evony ang boses ng ina mula sa silid niya, hindi niya matapos ang assignment na ipapasa niya kinabukasan dahil sa ingay. Doon unti-unting tumulo ang luha niya at namumuong galit sa puso.
‘Anong kasalanan ko, bakit ako may ganitong pamilya?’ tanong ni Evony sa kanyang isip.
Isang lagabag ng pinto ang nagpabalik sa kanya sa realidad, binitawan niya ang ballpen at agad na lumabas ng silid. Nakita niya ang ina na may hila-hilang maletang itim. Naroon lang ang ama niya na nakatingin sa pag-alis ng ina niya.
‘Anong klaseng ina siya para iwan niya kami?’
Nang mapansin siya ng kanyang ama agad itong lumapit kahit pa namumugto ang mga mata at namumula dahil sa pag-iyak. Pilit na ngumiti ang ama niya sa kanya at hinaplos-haplos ang buhok niya.
“Matulog ka na, gabi na, anak, huwag kang mag-alala babalik din ang mama mo, may pupuntahan lang iyon,” sabi ng kanyang ama.
Doon din nag-umpisang mamuo ang inis sa kanyang ama, pakiramdam niya wala itong nagawa para maging kompleto sila, matalinong bata si Evony kaya nagtataka siya kung bakit kailangan pang magsinungaling ng kanyang ama para lang pagtakpan nito ang ina.
Habang tumatagal ang mga araw mas lalong bumibigat, pakiramdam ni Evony may kung anong mabigat sa dibdib niya na hindi niya mawari kung ano. Naging mailap siya sa mga kaibigan at madalas na inggit niya sa mga batang may kompletong pamilya. Mas lalong hindi niya nakaya nang makitang unti-unting nasisira ng kalungkutan ang ama niya at hindi na rin siya naasikaso nito lalo na sa kanyang pag-aaral ngunit pinilit pa rin ni Evony sa murang edad na ilaban ang pag-aaral niya kahit wala siyang kasiguraduhan.
Pumapasok siyang walang laman ang sikmura, nagigising na lang siya sa umaga na lasing at nakahilata pa rin ang ama sa silid nito. Minsan pumapasok siyang walang baon at unti-unti nang nababaon ang ama niya sa utang.
Isang araw habang kumakain nang biscuit ang batang si Evony, may kung sinong kamay na lang ang tumulak ang kamay niya kaya nalaglag sa lupa ang biscuit na siyang pinaghinayangan niya dahil iyon lamang ang tanghalian niya.
Agad siyang napasulyap sa batang kaharap at sinamaan nang tingin. “Ikaw, kunin mo nga yung mama mo at nilalandi niya ang papa ko! Malandi ang mama mo! Siguro malandi ka rin! Pinapaiyak niya ang mama ko,” bigla na lang din umiyak ang batang lalaki sa harapan niya na para bang nagsusumbong.
Nabigla si Evony sa kinatatayuan at hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Dahan-dahan kumilos ang mga paa niya at tumakbo para umalis doon. Iyon lang ang magagawa niya ang tumakbo sa kahihiyang hatid ng ina niya. Mas lalong nadagdagan ang galit niya sa ina.
‘Bakit kailangan niyang gawin ito?’ nadagdagan na naman ang tanong sa kanyang isipan. ‘Hindi ba siya nahihiya?’
Habang tumatagal mas naiintindihan ni Evony kung bakit nakipaghiwalay ang ina niya sa kanyang ama. Nakita niya sa bayan ang ina na may kasamang lalaki sa loob ng kotse, dahil sa bukas ang bintana, nakita niya kung paano nito binigyan ng malambing na halik sa labi ang matandang lalaki na kaseng edad ng ama niya. Nanatili siyang nakatayo roon nang umalis ang kotse, doon niya napagtanto na ang ina niya talaga ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay at kung bakit nasira ang pamilya nila.
Sa batang edad nangako siya sa kanyang sarili. ‘Hindi ako magiging katulad ng ina ko.’

Chapter 2

Chapter 2
HINDI na tinapos pa nila Evony at ni Markian ang celebration ng kasal nang magpaalam na silang umuwi dahil may flight pa ang nobyo nito kinaumagahan kaya kailangan na nilang umuwi para makapagpahinga. “Ingat ka sa biyahe mo bukas,” wika ni Evony sa may passenger seat habang nasa driver seat naman si Markian na nag-drive ng kotse.
Gamit ang isang kamay sa manibela at isang kamay naman ay nakahawak kay Evony para bang hindi sila mapaghihiwalay. “Yup, boss, huwag kang mag-alala pagkauwi ko galing Cebu with the clients dadalhin kita ng pasalubong.”
“Utot mo,” pabirong wika ng dalaga at hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi.
Napabuntong-hininga si Markian bago muling magsalita. “Ang ganda ng kasal nila and magkaka-baby pa agad…”
Mabilis na nagbago ang mood ng dalaga pagdating sa usapang baby o pagkakaroon ng anak. Hindi niya iyon naitago sa nobyo at ramdam ni Markian ang bigla niyang pagtahimik.
“Hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo?”
“Alam mo naman diba, can we stop there? Ayokong pag-usapan iyan,” tama si Evony lahat ata ng buhay niya isinabi na niya kay Markian, para malaman ng dalaga kung talagang magugustuhan siya ng binata pero minahal naman siya nito at nagkaintindihan na ayaw niya nang anak. Pero pansin ni Evony na lately madalas na ang pag-topic ni Markian tungkol sa anak, ayos lang sa kanya ang kasal pero ibang usapan na ang pagkakaroon ng bata.
“Baka malay mo phase lang ang lahat kung bakit ayaw mo nang bata? Nagbabago naman lahat ang lahat diba, Eve,” may lungkot sa boses ng binata. “Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga magulang ko at pamilya ko na ayaw mo nang anak? Ako maiintindihan ko, paano yung mga tao na hindi makakaintindi sa atin, na ayaw mong magkaroon ng anak sa akin? Gusto ko rin namang may magdadala ng pangalan ko, mini me natin---”
Hindi natapos ang sasabihin ni Markian nang bumitaw sa kanyang kamay ang dalaga sa kanya.
Suddenly, Evony feel pressure sa mga sinabi ng binata. “Pwede ba?” gusto na niyang huwag nang pag-usapan iyon. “Ayoko sabi, you’re not a less man at ganu’n din sa akin kung wala tayong anak.”
Mas lalong nagbago ang mood kaya pinarada ni Markian ang kotse sa gilid ng kalsada at humarap kay Evony na nakatanaw sa labas ng bintana. “Look at me,” pilit niyang pinapatingin sa kanya ang dalaga ngunit ayaw humarap ni Evony. “Please.”
Napansin ni Evony ang lungkot sa boses ng binata, hindi niya kayang tiisin ang binata kaya humarap siya rito. Tinignan niya sa mga mata nitong nangungusap.
“I want a family with you, Evony.”
“Gusto ko rin naman eh, pero pamilya pa rin namang matuturing kung wala tayong anak, I mean tayong dalawa lang, we can marry tomorrow kahit wala nang proposal basta ayoko ng bata,” desperada si Evony na ipaintindi muli kay Markian ang nararamdaman niya.
Evony remembered kung paano rin siya naghirap na tulungan ang step mother niya na bantayan ang dalawa niyang kapatid sa pangalawang asawa ng ama niya, tinanggap niya iyon, para sa kanya tama na iyon na maranasan niyang maging ina sa murang edad pero hindi na niya pinangarap pang magkaroon ng bata galing sa kanya. Pakiramdam niya pag nagkaroon siya ng anak baka matulad lang siya ina niya, baka makagawa siya ng bagay at iwan niya ang anak niya. Iyon ang ayaw niyang mangyari, ayaw niyang gumaya sa ina niya.
“Takot ka ba? Kung takot ka sa panganganak, we will seek help, tutulungan kita---”
Hindi na pinatapos ni Evony ang nobyo.
“Hindi ako takot manganak ang ayoko lang magkaroon ng bata, ayokong magkaanak o umampon, mas gusto kong mag-focus sa career ko, Markian, sana gets mo iyon. Wala siya sa plano ko.”
Napatitig si Markian sa kanya na walang nagawa para mabago ang isip. Isang nakakabinging katahimikan bago basagin ng binata nang magsalita ito. “You are selfish, Evony,” pabulong nito.
May kung anong tumusok sa puso ni Evony nang marinig niyang pagsalitan siya ng ganu’n ng binata. “Do you think so, Markian? I am selfish na ayoko lang ng bata, there so many neglected children in the world at ayoko nang dagdagan pa iyon.”
Napapikit ang binata saka isinandal ang sarili upuan. Huminga ng malalim at hinihilot-hilot ang sintido. “We should break na muna, Evony.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga at hindi niya akalain na aabot sila sa ganu’ng punto. Para sa kanya perfect silang dalawa pati ang relasyon nila, ang dami niyang inisip na posibilidad, pakiramdam niya wala siyang kakampi at kahit ang binata’y kalaban niya.
“Seriously, Markian?”
“Yes, mag-usap na lang tayo pag-uwi ko galing Cebu, pag-isipan mo muna yang desisyon mo kung gusto mong ma-save itong relationship natin.”
“Are you threatening me, really?” mas lalong nadagdagan ang inis niya sa binata.
“What do you think, Evony? Hindi mo rin naman ako naiintindihan, gusto ko ng anak, I’m always here understanding you, bakit ka pa nakipagrelasyon kung ayaw mo ng bata?”
“Because I want you not a baby, pero kung gusto mo ng break? Okay, fine ibibigay ko sa ‘yo,” mabilis na tinanggal ni Evony ang belt at kinuha ang bag niya sa backseat.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Markian nang mapansing lalabas si Evony.
“Uuwi ako mag-isa, sabi mo break diba, huwag mo muna akong kausapin,” sabi ng dalaga sabay labas ng kotse ng binata. Nang maisara niya ang pinto agad namang umandar ang makina nang kotse at mabilis na umalis para iwan siya.
Gustong tapangan ni Evony ang sarili ngunit tumulo ang mga luha niya. Ayaw niyang mawala si Markian sa kanya pero ayaw niya ring magkaroon ng bata. Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto siyang tulalang nakatayo roon, nanlalamig sa simoy ng hangin nang disyembre at idagdag pang nakasuot siya ng beige sleeveless below the knee dress.
Saka niya pinunasan ang luha saka siya nag-umpisang maglakad patungo sa bus stop na malapit para makauwi sa apartment niya, dahil simula nang magkaroon siya ng trabaho nag-umpisa na rin siyang bumukod sa pamilya niya pero minsan nauwi pa rin siya roon pag may free time siya.
Habang naglalakad tumunog ang cell phone at nakitang rumehistro ang pangalan ng kaibigan sa phone screen. Wala siyang ideya kung anong kailangan ng kaibigan na si Allison ngunit sinagot pa rin niya.
[“Party tayo!”] bungad nang kaibigan niya nang itapat niya sa tenga ang phone niya.

Chapter 3

Chapter 3
UMIIKOT ang paligid ni Evony, pinagpapawisan ngunit wala siyang pakialam, gusto niyang mawala ang kalungkutan niya ngunit lalo lang siyang nangungulila kay Markian. Muli niyang tinungga ang baso ng alak at hinayaan na malasahan patungo sa kanyang lalamunan ang pait nito. Sanay si Evony sa mga alak at kaya niyang tumagal sa inuman ngunit sa pagkakataon na ito madali siyang natamaan dahil na rin sa pagod at antok mula sa kasal na pinuntahan.
Hindi nga rin niya akalain na napapayag siya ng kaibigan si Allison na pumunta sa party nito dahil celebration ito ng dalaga sa pagkakapasa sa pagka-veterinary, ayaw naman niyang mawala sa importanteng araw ng kaibigan kaya sumama na siya at makalimutan ang pagtatalo nila ng nobyo.
Doon nakita na lamang niya ang sarili na nilulunod ang sarili sa alak. Hindi na rin niya maintindihan ang paligid sa ingay at malikot nitong ilaw sa loob ng private bar kung saan niya pinuntahan ang kaibigan.
“Okay ka lang, V, umayos ka huwag kang susuka rito masasapak kita!” pabirong sigaw ni Allison sa kanya na nakakailang bote lang ng beer. “Sabi ko celebrate lang hindi ko sinabing maglalasing tayo.”
“Gusto ko, bakit?” bilang sinok ni Evony.
Iika-ika siyang tumayo at binitawan ang bag sa upuan niya.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Allison sa kanya nang naglakad ito paalis sa puwesto nila.
“Sasayaw, sasayawan kita,” sabay tawa ni Evony at naglakad patungo sa dance floor.
Kung sino-sino na ang nakabungo niya roon hanggang sa kamuntik na siyang matalisod nang may humapit sa kanyang bewang at kamuntik na rin siyang sumuka dahil naipit ang kanyang sikmura. Mabilis siyang naitayo nang nakasalo sa kanya at pagharap niya halos manlabo na ang kanyang paningin.
“Miss, okay ka lang?” pasampal-sampal na gising sa kanya.
Saka lang niya nakita nang malinaw ang mukha ng binata na sobrang lapit sa kanya, nabigla siyang nang makitang si Markian ito. Agad siyang naging emosyunal at napayakap sa binata na para bang natatakot itong mawala sa kanya.
“Huwag mo kong iwan, please, usap tayo, sana maintindihan mo rin ako pero huwag mo kong iwan,” parang batang nag-iiyak habang yakap ang binata.
NANG mapadilat si Evony bumungad sa kanya ang makulay na kisame ng silid, naramdaman din niya ang lamig at doon lang niya napagtanto na nakahubad siya sa ilalim ng kumot na puti. Napasulyap siya sa tabi niya nang maramdaman niyang may gumalaw, isang likod ng lalaki ang bumungad sa kanya, nanlaki ang mga mata niya at napaatras hanggang sa malaglag siya sa sahig hila ang kumot.
“Takte!” sigaw ni Evony nang malaglag siya at pakiramdam niya nabalian siya ng likod sa pagkakalaglag, mabilis siyang bumangon. Litong-lito siya sa kanyang nakita na nakahubad din ang lalaking hindi niya maaninag ang mukha ngunit alam niyang hindi si Markian iyon. “Tangina!” lalong nagising ang diwa niya sa sakit nang ulo, hindi siya tanga para hindi isiping walang nangyari sa kanila nang estrangherong lalaki sa kama, ramdam din niya ang pananakit ng katawan at pribadong parte sa pagitan ng mga legs niya.
“Ang tanga mo!” mahina niyang hinampas ang mukha gamit ang kanang kamay sa inis sa sarili.
Alam niyang hindi na siya birhen dahil nakuha na ni Markian iyon dahil sigurado siyang si Markian ang makakatuluyan at papakasalan nito sa altar ngunit hindi niya akalain na magagawa niya ang bagay na iyon sa ibang lalaki. Bago pa man magising ang lalaki, wala na siyang balak alamin kung sino iyon agad siyang nagbihis ng damit at saka na lang niya problemahin kung paano siya napunta roon.
Nang makabihis siya’y agad siyang umalis at nalaman niyang nasa isang five star hotel siya malapit sa isang bar na pinuntahan niya kagabi. Hindi rin siya makatingin sa mga mata ng kanyang nakakasalubong dahil pakiramdam niya napakalaki ng nagawa niyang kasalanan at nakikita ito sa kanyang mga mata. Dahil sa pagmamadali at hiya dahil sa mga tingin sa kanya ng mga tao roon nagmadali siyang pumara ng taxi pauwi sa kanyang apartment.
***
Nang makauwi siya sa apartment agad siyang naligo doon niya nakita na may isa siyang kissed mark sa itaas ng dibdib niya. Inaalala pa rin niya ang mga nangyari nang may mga sumasagi sa kanya ngunit hindi buo.
Pagkatapos niyang maligo agad niyang tinawagan si Allison. Nakailang contact siya sa kaibigan bago siya nito sagutin.
[Hello, na saan ka?] bungad niya sa kaibigan.
[Sa bahay, nagpapahinga, girl, bigla ka na lang nawala kagabi nang may inasikaso lang ako sandali sa labas ng bar, saan ka ba nagpunta?] halata ang pagkainis sa boses ni Allison sa kabilang linya.
[What! Ikaw itong nawala.] kinabahan lalo si Evony dahil baka kung ano ang nagawa niya kagabi maliban pa roon na hindi niya maalala.
[Nong sumayaw ka kagabi pinuntahan kita sa dance floor bigla ka na lang nawala tapos lumabas ako ng bar kasi may inaatake, bilang doktor ng mga hayop eh wala namang ibang tutulong sa tao kaya ako na yung nagbigay ng tulong pagbalik ko sa loob hindi na talaga kita nahanap, did you check your phone? Ang dami kong missed call sa ‘yo, hinintay pa kita, girl, kaya umuwi na ako kasi alam ko namang kaya mo na ang sarili mo kahit lasing ka, ano bang problema?]
Pinatayan ni Evony si Allison dahil pakiramdam niya siya ang may kasalanan kung bakit ito nangyayari sa kanya. She even make it na humabol sa flight ni Markian para lang magpaalam, nawalan siya ng gana na pumasok kahit alam niyang kailangan siya sa trabaho niya, nag-iisip na siya ng dahilan paani siya liliban sa trabaho nang makatanggap siya ng tawag.
Ang akala niya’y si Allison ngunit rumehistro ang pangalan ni Mr. Sy na kitchen manager nila, nakatitig lang siya roon hanggang sa mamatay ang tawag at saka naman siya nakatanggap ng mensahe galing sa manager nila.
Kahit late na siya sa trabaho agad na nag-asikaso si Evony ngunit hindi pa rin mawala ang kaba at pag-aalala niya. Madalas na sa likod ng restaurant ang daanan nilang mga kitchen staff, sa parking lot pa lang nong araw na iyon marami nang nakaparada, disyembre 24 na isa sa importanteng araw at isa sa mga araw na mas maraming customer.
Pagkabukas pa lang niya ng pinto naroon na ang tsinay nilang kitchen manager na halos kaseng edad lang niya na nakataas pa ang kilay nang makita siya. “Importanteng-importante tapos late ka, mag-uusap tayo pagkatapos ng trabaho bilisin mo ang kilos,” panenermon nito sa kanya.
Wala siyang naisagot kundi. “Opo, ma’am,” saka nagmadaling pumasok sa loob ng kusina ang dalaga para magbihis ng uniporme niyang chef’s white.