Browse stories

My Beast Boss Love

Language: fil

Marsha had a simple life. But the fact that she had a past life with a man who captured her heart - her whirlpool life suddenly turns into a tragic incident which makes her world turn to forget her past. But suddenly she met again that person - making her life change and making her recall her past. Logan Figueroa owns the company of Empire State Corporation. Until one day, his hard-hearted man also turns into melting ice when he found the girl that he actually looking for - for so long - his treasure. His longing heart aroused again, pounding many times because of his love for that girl…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

|| Marsha Sandoval ||

Hays. Baka tumanda akong maganda sa ka-kawalis. Ayan! Sana kumintab na yung sahig sa maganda kong walis.

Kung may vacuum lang talaga ako kanina ko pa na-murder 'tong sahig eh.

Halos hindi pa rin ako tapos sa pag-lilinis sa bahay dahil sa mag-isa lang kasi ako dito ngayon at wala si Dwayne na kasama ko sanang maglinis. Kahit medyo nakakapagod ay nag-eenjoy naman ako dahil masarap rin naman kasing maglinis lalo na kung walang magulo.

Speaking dito, buti nalang talaga nasa school sa Dwayne dahil baka nagkataon ay dumaan na ang isang linggo, hindi pa rin ako tapos sa paglilinis dito sa bahay.

Sandali ay, napatigil ako sa pag-wawalis sa sahig ng maisipan kong sabayan ng kanta.

I cleared my throat. Itinapat ko sa bibig ko yung walis tambo na hawak ko sabay kumanta ako.

"Oh mamimiss kita, o aking sinta. Mahirap man ito o tanggapin 'pagkat ak--"

"Atehhh!!!!"

Napatigil ako sa pagkanta at ipinagpatuloy ang pagwawalis ng napansin kong nandiyan na pala si Dwayne, naglalakad na ngayon papunta sa pwesto ko kaya tumigil muna ako sa pag-wawalis.

Sana lang hindi niya narinig yung concert ko kanina.

"Ate Marsha! May good news ako sayo!” excited niyang sabi habang pinagmamasdan ko siya.

“Oh, ano naman yun?” may halong pagtataka kong sabi. Parang ang saya-saya ata niya?

“Diba nag-hahanap ka ng trabaho?" masayang tanong sa akin ni Dwayne. Halatang mas excited pa siya sa’kin.

Siya ba magta-trabaho?

"Oh, bakit? Bibigyan mo ako?" may pagka-mataray kong sabi. Sabay nag-cross arms pa ako.

"Gaga. Tagapagbalita lang ako..” inirolyo niya ang kanyang mata. “Basahin mo nalang kasi! Bilis!" nakita kong may inabot siya sa aking dyaryo at tinignan ko lang.

"Anong gagawin ko jan?" pilosopo kong tanong. Ina-assure ko lang.

Napasapo nalang siya sabay bumuntong-hininga. "Alam mo ate, ang slow mo. Basahin mo kaya ‘to..” tinuro niya sa akin iyong tinutukoy niya nang halos magkanda-duling duling na ako dahil ang lapit-lapit na sa mukha ko. Sinaway ko naman siya pero tumawa lang ang gaga.

“Naghahanap sila ng babae for secretary..” binasa ko naman yung tinuro niya.

"Logan Figueroa Empire State Corporation (LFESC). In need of cursory hiring for an executive assistant. With or without experience. Preferably for a Female. at least 25-30 yrs. old and with a pleasing personality."

"Aaplayan mo ba ‘yan?" naka cross arms niyang tanong matapos kong basahin iyon at inalis ang dyaryo sa harap ko.

Napa-isip naman ako sandali.

Paano kaya kung mag-apply ako?

Siguro aplayan ko nga. Wala na rin kasi akong pinapasukan ngayon.

Speaking dito - pinasara na kasi ni Mr. Hwang yung coffee shop nitong nakaraan lang. Matagal ko na kasing pinapasukan iyon at halos magdadalawang taon na rin ako sa trabaho ko bilang cashier doon. Kaya simula nang magsara iyon ay wala na akong pinapasukan na trabaho. Umaasa na lang muna ako sa perang naisuweldo ko sa trabaho ko na ‘yon. Si Dwayne ay nag-aaply nalang rin ng trabaho bilang serbidora sa isang fast food chain.

Tungkol dito, patay na ang mama ko at si papa naman ay may ibang pamilya na, pero hindi ko alam kung nasaan na si papa ngayon. Hindi man lang siya nagpaparamdam sa amin ni Dwayne.

Tungkol naman kay mama, nalaman ko na namatay siya dahil sa sakit sa puso nang sabihin iyon sa akin ni Dwayne at pati ang tungkol kay papa. Dahil sa totoo lang, wala talaga kasi akong maalala na ganun ang sinapit ni mama at pati kay papa. Wala akong natatandaan at pilit ko mang isipin at alamin, naguguluhan lang ako.

Sa totoo lang, iyon kasi minsan ay bumagabag sa’kin dahil gusto kong maalala iyon at kung bakit wala akong maalala.

Isinantabi ko muna iyon nang lumapit ako kay Dwayne at niyakap ko siya.

Pagdaka’y nagbitiw ako ng salita. "Oo naman!” masaya kong sabi, sabay muli akong nagsalita.

“Saka promise, kapag natanggap ako sa trabaho na ‘to, hindi ka na dapat mag-trabaho at mag-aaral ka nalang? Okay?" humiwalay na muna kami sa pagka kayakap, napa-tingin naman siya ng seryoso sa akin.

“Pero..” medyo nakabusangot ang kanyang mukha.

“I-promise mo sa akin Dwayne. Gusto kong pagpokusan mo muna ang pag-aaral mo. Okay?” hinawakan ko ang mga kamay niya.

“Sige ka. Hindi ka, wala ka ng Jollibee sa akin..” nakataas ang kilay ko nang sinabi ko sa kanya iyon na may halong pagbabanta. Sabay binitiwan ko na ang pagkaka-hawak ko sa kanya ng magcross-arms ako.

Napansin kong ang kaninang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng malaking ngiti sa kanyang labi. Nakita kong nagniningning rin ang mga mata niya.

Loka-loka talaga. Mukha talaga siyang Jollibee. Sa susunod, ‘don ko na siya patirahin katabi ni Jollibee na walang kapaguran sa pagtayo araw-araw.

"T-talaga?" halatang hindi siya makapaniwala.

"Oo naman, syempre!" itinaas ko pa ang kamay ko sa harap niya.

"Yehey!" halos mag-tatalon na siya sa tuwa at napapa-pakpak pa.

Hays. Loka-loka! Napailing ako.

Naisipan kong ipagpatuloy na yung ginagawa ko, kaya kinuha ko na yung walis tambo at saka nag-patuloy ako uling mag-walis.

Grabe, wala na bang katapusan ‘yung dumi dito sa sahig. Napapagod na ang ganda ko huh!

"Pero ate, what if hindi ka tanggapin?"

“Eh, di wala kang jollibee!” nakita ko napa-pout na lang siya at mukhang animo’y nadismaya.

“Hays. Bala ka na nga jan. Panget mo!” nakuha pa niya akong belatan saka siya tumakbo papunta sa kuwarto niya. Narinig ko tinawanan pa niya ako.

Aba’t bastos na bata. Tinawanan pa ako.

Saka ano? Panget daw ako? Isampal ko kaya sa kanya yung maganda kong mukha?

Napailing-iling nalang ako at napatawa ng marahan.

Abnormal talaga siya.

*********

Halos tatlong oras ako sa laptop ko kagabi dahil gumawa ako ng application letter. Nakaka-stress ang beauty ko dahil sa damn application letter na iyon.

First and foremost, ayoko talagang i-stress ang beauty ko. Kahit na ang kumpanyang iyon ay napakapili - napakaraming tanong at nangangailangan ng maraming papeles para sa pag-aaplay, wala akong anumang paraan upang maghanap ng iba pang mga trabaho dahil iyon lamang ang trabaho na nakikita ko sa ngayon na akma para sa akin.

At lalo na, I mind for Dwayne's sake kasi nag-aaral pa siya. At ayokong huminto sa pag-aaral niya. So I grab it kasi nalaman ko na mataas ang sahod ng company na ranges from 20 to 50 thousands with incentives.

Alam ko, lahat ng trabaho dito sa mundo mahirap makuha agad. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na kailangan mong magsumikap para anumang hirap mo sa buhay ay makakamit mo ang tagumpay sa dulo.

Ang drama ko.

I just forced myself to smile even though I felt my eyes wanted to close dahil sa tinapos kong asikasuhin ang requirement sa papasukan ko at lalo na ang gawain dito sa bahay na nagdagdag pa sa akin para mapagod ako lalo.

Oo, sabado na nang ihatid sa akin ni Dwayne ang balitang iyon tungkol ‘don sa kompanyang iyon na naghahanap ng empleyado noong huwebes pa.

Speaking to this, they want me to interview as early as possible kasi in-demand sa company nila at kulang sila sa mga empleyado. Ugh!




Sa totoo lang, excited ako na kabado sa maaaring maging resulta. Pero kailangan kong maging positive lang!




After a few minutes, naligo muna ako at saka nagbihis ng suit at flare dress at ballet flat shoes. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

And my Ghad! Nakakataas talaga ng standard ng exotic beauty ko!

Ngumisi ako na parang baliw.

"Anyway. I need to go to my school, sis. Good luck sa iyo. Sana matanggap ka!" sabi ni Dwayne pag-kalabas ko sa aking kwarto.

"Siya nga pala, don't forget what I said to you, huh! No boyfriend first! Study first! I don't want you to get pregnant at this early stage of your life. Okay?" muntik na akong magsermon sa kanya. Pero tumawa lang siya.

Lokong Dwayne. Napa-iling nalang ako at medyo napatawa sa kabaduyan ko sa english.

"Hey sissy.." napatigil siya saglit, parang gusto niya akong pagsabihan." I know your concern for my sake but don't be, OA. I manage everything, ok?" she put emphasis at the end, tapos tumawa lang siya ng nakakainis. Abnormal.




I almost pressed her cheeks, pero pinigilan niya agad ako sabay tumigil din siya sa pagtawa.




"I won't allow you to do that to me, nadala lang ako.." sabi nya tapos tumawa pa sya tapos tinaasan sya ng kilay. "Pero paano kung sa iyo nangyari? Paano kung pumasok ka sa trabaho mo at biglang mahal mo ang boss mo? Baka sabihin ko-- "




Tinakpan ko na kaagad yung bibig niya at tinulak palayo ng bahay, para maka-pasok na siya ngayon sa school niya. Tinitigan ko pa kasi siya ng masama.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilan ko ang sarili kong hindi tumawa dahil iniisip ko na baka hindi na ako mukhang anghel kundi isang masamang nilalang na maganda ngayon dahil sa naging tugon ko sa kanya.

Natatawa nalang ako habang naglalakad siya papunta sa sasakyan niya medyo malapit sa kinatatayuan ko.

I saw she pouted when she squinted on me as my eyes were following her steps.

Ganun din, I just gave her eye-to-eye look while crossing my arms. And still, it was her facial reaction hanggang sa makapasok siya sa isang pampublikong sasakyan, at hanggang sa papalayo na ngayon ang sinasak ito sa akin.

I know she got me. Mag-hahanda na lang ako para sa rematch namin mamaya.

Natatawa na lang ako sa kalokohan ko Kay Dwayne.

Pumasok ako bigla sa loob at kinuha ang mga papel ko at kung anu-ano pang gamit na dadalhin ko sa pag-aaplyan ko.

Saglit akong naghihintay ng taxi nang makalabas na ako sa bahay, at ni-lock ang pinto 'yong gate.

Pagpasok ko sa loob ng taxi ay agad akong sumakay. Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako sa'king destinasyon.

Inabot ko ang bayad ko sa taxi driver, bumaba na ako at saka ito umalis.

Pagtingin ko sa building sa harap ko, napa-mangha ako at napauwang ang bibig.

I wonder kung gaano kayaman ang nagmamay-ari ng building na ito. Sa tingin ko, ang gusaling ito ay hanggang sa ika-40 palapag.

Nilapitan ko yung isang personnel na nakatayo dun sa gitna ng glass door na nagbabantay dito para tanungin siya.

"Good morning kuya. Dito po ba yung naghi-hire ng trabaho para sa PA?" magalang kong tanong. May edad na rin si manong dahil sa medyo kulubot na ang balat, maging sa kanyang noo. May katangkaran onti at mukhang mabait naman ng lapitan ko siya at kinausap.

Mukhang naistarstruck ata sandali si manong sa ganda ko at saka naman siya nagsalita.

"A-ahh sorry po miss. Lalaki po yung hinahanap hindi po babae." sabay napa-kamot ng ulo si manong.

Anong pinag-sasabi nitong si manong? Sabagay may edad na rin kaya mahirap na rin kapag nakakalimot na.

Tinapat ko kay manong yung hawak kong dyaryo na binigay sakin ni Dwayne, medyo nagulat naman si manong sa ginawa ko.

"Ayan ho manong. Paki-basa nalang baka sakaling maalala niyo." pag-utas ko kay manong. Mukhang hindi pa siya naniniwala sa patunay ko.

Napabuntong-hininga ako.

Akala siguro ni manong, makikipag-laro ako sa kanya ng ‘Guess Who’ gamit ang Diyaryo! Haist!

Napakamot ulit sa ulo si manong at saka nagsalita. "Sorry talaga miss, pero hindi talaga babae ang hinahanap. Lalaki po talaga. Saka ‘wag na po kayong umasa na makakapasok kayo kasi hindi po kayo ang hinahanap." pag-mamatigas ni manong. Mukhang naiirita na ata siya sa akin.

Aba't ako pa ngayon ang nagkamali? Saka ako? Hindi mahi-hire?

Nagkamali akong mabait siya. Hindi pala! Masungit!

Nako! Ini-stress niya ako. Baka kumulubot nalang bigla yung balat ko sa kanya.

Jusko! Kasalanan na ng kompanya ‘yong kung ipagpilitan ko makapasok kahit na sabihing desperada ako, pinaglalaban ko lang ang side ko lalo na may proof ako dahil babae talaga ang hinahanap niya. Suminghal ako.

Sinulyapan ko yung hawak ko at binasa ko naman uli iyon ng maigi kung ano ang nakasulat dun, at FEMALE nga talaga ang naka-sulat.

Sadyang niloloko lang ata ako nito ni manong eh! Oh baka gusto niya magdamag lang ako dito nakatayo sa harap niya habang tinitigan ako? Kaloka si manong.

Haist. Matatanda talaga oh! Or baka baguhan pa lang siya? Kaya hindi siya aware?

Bumuntong-hininga muna ako saka nagsalita. "Manong may ipis!" agad naman niyang nilingon yung balikat niya na tinuro kong kunwaring may ipis at saka nagmadali akong pumasok sa loob.

"H-hoy! Miss!!! Teka lang! Bawal kayo dito! Magagalit po yung boss ko!" rinig kong sigaw ni manong at hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako sa loob ng elevator.

"Mi--"

Hindi ko na narinig pa yung huling sinabi ni manong dahil agad namang nag-sara yung pinto ng elevator.

Woshhhh!

Napa-pahid ako sa pawis ko sa noo ko at saka ako nag-stand straight ng tayo.

Lokong manong na 'yon. Pinagod pa ako!

Sandaling nahagip ng mata ko yung reflection ko sa makintab na pinto ng elevator. Nilapit ko pa ng kaunti yung mukha ko para kitang-kita ko yung maganda kong mukha at pak na pak talaga.

Exotic talaga ang ganda! Napatawa nalang sako sandali sa kalokohan ko.

Pero sandali, tinitigan ko nang mabuti yung repleksyon na tumatama sa makintab na elevator ng mapa-dapo ang tingin ko doon. Napa-ayos rin ako kaagad sa pagka-katayo ko.

I took a deep sighed at dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko.

"H-hello po sa inyo mga kuya.." nag-peace sign pa ako sabay nag bow pa ako ng dalawang beses sa kanila. At binaling ko na ulit sa harapan ko yung atensyon ko.

Parang feel ko, namamamawis na ako.

And F na F talaga. Puro lalaki ang kasama ko sa loob ng elevator na 'to!

Dahan-dahan kong sinuri yung ayos ko ngayon, mula paa, bewang, boobs..

Well, masasabi ko na ang ganda ko talaga.

Naknang! Baka mahalay talaga ako dito ng di-oras eh.

Hudyat namang tumunog yung elevator at napagdesisyunan kong lumabas na dito. Inayos ko ulit yung sarili ko hanggang sa nakalabas na ako ng elevator.

Saan kaya ako pupunta ngayon?

Napasapo ako sa’king noo.

Baka mapagkamalan pa ako nitong magandang magnanakaw dito eh.

Bakit hindi ko kasi kausap yung manong guard sa halip na takbuhan siya?

Hays. Umiling nalang ako.

May nakita akong lalaki na saktong kalalabas lang nang opisina ata at agad ko siyang nilapitan.

"Excuse po kuya. Saan po ba yung opisina ng applic--"

Bastos si kuya pinutol ba naman yung sasabihin ko. Di pa nga ako tapos e.

"In my heart. I mean dito." tinuro niya iyon gamit ang kanyang kamay. Tumango-tango pa ako at akala niya hindi ko narinig yung una niyang sinabi huh.

Nagandahan ata sakin si kuya. Ibang-iba talaga yung beauty ko, perfect na perfect!

"Salamat kuya" napansin kong hanggang ngayon tulala pa rin si kuya sa ganda ko este sakin.

“By the way, are you here to apply for a job? anong aaplayan mo dito? Puro lalaki kasi ang mga nagta-trabaho dito and if I’m not mistaken, hiring sila for a man?” sunod-sunod niyang sabi.

“U-uhh, ‘yun nga, pero babae kasi ang nakita ko. Saka hindi ako mag-aaply dito ng trabaho ‘no kung lalaki..” pagtatama ko. Ginugulo lang nila yung isip ko. Mali-mali pang impormasyon binibigay.

Napatango nalang sabay napakamot sa ulo. Nag-goodluck sa’kin at saka siya umalis dahil naalala niyang may aasikasuhin pa pala siya.

Nakita kong bumungad sakin ang isa pang kalahi ko. Aba't bakit ba bigla akong dumami? Alam ko, kami lang ni Dwayne ang maganda eh.

Hays. Ang bilis namang mag-bago ng ihip ng mundo oh. Nakaramdam tuloy ako ng panginginig sa tuhod ko at sabay kinabahan tuloy ako bigla.

"What can I help you miss?" maamong pagbati nung babae sakin habang nakangiti siya ng sinasambit niya iyon.

Chapter 2

"Uhm, mag-aapply po sana ako ng trabaho bilang assistant executive. May bakante pa po ba para sa’kin?" direkta kong tanong. Napansin kong napa-halakhak siya ng marahan ng sambitin ko iyon.

May mali ba sa sinabi ko?

"Uhh. Yes yes. Come here. Take a sit first." madali kong tinungo yung upuan at sabay umayos ako ng upo.

Tumigil muna siya sandali sa paghalakhak niya ng nagsalita siya. "Well, actually, we're looking for it. And in fact, M--"

"Ma'am! Lalaki po ba talaga ang hinahanap? Bakit kasi babae nakalagay sa job description kung lalaki?” sinubukan kong medyo mag pout at mag-taray onti baka kasi maging effective.

“Pero naniniwala talaga ako ng babae. Ayan po oh!" sabay nilapag ko sa table niya yung diyaryo at nakita kong tinignan lang niya.

"See? Babae po talaga ang hinahanap! Saka okay na okay ako ma’am! Hindi lang ako maganda, masipag pa. Asahan niyo pa ‘yan..” napa-tigil siya sandali nang tingnan niya nang ako nang diretso.

“Wait, kayo po ba ang magiging amo ko? Edi maganda! Kaya tanggapin niyo na po ako. Siguradong hindi niyo ako pagsisihan na ialok yang trabaho sakin. At saka, ayaw niyo po yun, mag-iistunning ang beauty natin. Pero mas malaki nga lang po ang standards ng akin." sabay kindat ko kay maam beauty. Mukhang magkasing-edad lang ata kami sa palagay ko.

Sinuri ko muna ng maigi yung si maam beauty at, check na check. Makinis at maputing balat, slim body, brown eyes, blondeng buhok.

Sige. Full packaged na talaga siya!

Napansin kong hindi na nagsasalita si ateng beauty at blanko lang ang ekspresyon ng maganda niyang mukha.

Winave ko sa kanya yung kamay ko ng dalawang beses dahil hindi pa rin siya nagsasalita. Ang dami dami ko kayang sinabi. Napagod rin ang beauty ko dun ha!

“Wala ba kayong sasabih--”

I heard her cough for a while. The she spoke. "You're hired." natigilan ako sa pangungulit ng matauhan ako sa sinabi ni ateng maganda.

Talaga ba!? Hired na talaga ako!? Pero, ano pang-silbi ng application letter ko? Kaya pala hindi na nila binanggit dun sa diyaryo kung may natapos ba ako? Ano basehan lang ganda ang pagiging madaldal?

Pinigilan ko nalang ang sarili kong hindi matawa. Halos mapakurap-kurap pa ako sa harap niya.

"You're hired miss, congrats" napa mannequin tuloy ako na titig style dahil hindi pa rin nag-sisink sa utak ko kung hired na ba talaga ako.

"Are you okay? Oh, I forgot, may I see your application letter?" napukaw ang atensyon ko ng banggitin niya 'yon sakin.

"Ahh. Akala ko po katulad niyo rin si manong. Eto po. Swak na swak! walang labis, walang kulang po yung laman niyan." nakangiti kong sabi sabay iniabot sa kanya yung folder. Napansin kong nakangiti siya habang binabasa niya yung resume ko. Sabay sinarado na niya yung folder at lumingon naman siya sakin.

"Okay. As I've done reading your resume, you'll now proceed to the 25th floor. Your boss is now waiting there. Good luck" nakangiti niyang sambit.

Huh? Akala ko siya yung boss ko? Eh di, ma-seseparate tuloy yung ganda namin. Ay hindi pala, exotic yung akin ordinary lang yung kanya. Kaya, pwede na rin siguro.

Kinuha ko yung folder ko nang iabot niya sakin pabalik at saka ako tumayo at tumungo sa pintuan. Pagdaka’y nagpaalam na ako sa dun sa babae ng maka-labas na ako para tunguhin yung office nung magiging ‘boss’ ko daw.

Napaisip naman ako sandali. Ano kaya siya ng magiging boss ko? Baka siya yung secretary niya ngayon at magreresign na? At ako ang papalit?

Napakibit-balikat nalang ako.

Bago pa ako maka-pasok sa elevator, binalikan ko ulit yung babae.

"Ateng maganda, anong floor po ito? Tsaka anong floor po ulit 'yong susunod na pupuntahan ko?" Nakalimutan kong sambit. Napakamot nalang ako sa ulo at ngumiti na naman si ateng maganda. Sige na. Maganda na talaga siya. Magiging diyosa na siya kapag ngumiti pa siya ulit sakin. Matatalo yung beauty ko sa kanya eh.

Napatawa ng bahagya si ateng maganda at saka nagsalita. "This is the 20th floor. You'll proceed to the 25th floor. You'll just find his office if you reach that floor. And by the way, don't say ‘po’ and ate to me. I'm just 24 years old. Just call me na lang Roxie."

Grabe medyo na nonose-bleed na ako sa ka-eenglish niya.

Napa kibit-balikat nalang ako. Sabagay, bagay naman sa kanya mag english kasi maganda siya. At speaking ng sinabi niyang 'yon, isang taon lang pala ang agwat namin sa edad. Pero, mukha pa siyang 20 yrs. old sa itsura niya. At napansin kong ang bait pa. At, Roxie pala ang pangalan niya. Bagay na bagay rin sa kanya kaya.

"Ahh. Sorry po, este, salamat ulit." sabay nag-bow pa ako sa kanya parang korean style lang. At saka lumabas na ako sa opisina niya.

Napagisip-isip ko na malaki rin pala itong building ‘to. At mukhang mayaman talaga ang may-ari ng kompanyang ito.

Anyway, naka-pasok na ako sa loob ng elevator patungo sa 25th floor. Sinubukan kong suriin ulit ang sarili ko mula ulo hanggang paa, at nang napagtanto kong mukhang okay naman na.

Sakto namang tumunog ang elevator hudyat na nasa 25th floor na ako ng matanaw ko ito sa button.

Kampante ako ng naglalakad patungo sa office ‘nong magiging boss ko.

Nang makita ko nang maayos na yung sarili ko ng tignan ko ulit sa makintab na repleksyon ng pinto ng elevator, ay sabay lumabas na kaagad ako at hinagilap ko agad yung opisina na papasahan ko pa uli ng resume ko.

Eto na ba yun? ‘Logan Figueroa Office’ nakita kong nakalagay dun sa itaas ng glass door sa harapan ko.

Ayos rin pala. Mukhang sound proof yung office na 'to ha. Plastered yung dingding ng glass at kakaiba.

Nakita ko na naman tuloy yung sarili ko sa makinis at makintab na dingding ng napansin ko.

Huminga muna ko ng malalim at saka huminga ako palabas. Inhaled exhaled ulit. Bigla kasi akong kinabahan eh.

Pero, carry lang yan! Maganda ako kaya maglalaway sigurado yung boss ko dahil sa napakaganda ko at siguradong tanggap na tanggap na rin niya ako kaagad at mawawala na yung kaba ko.

Fine. Ang assuming ko na.

Saka kahit paano medyo kampante rin ako na ma-aaprove ako ng boss ko lalo na back-up ko si Roxie, saka sa ganda ‘kong ‘to, impossible na hindi pa niya ako tanggapin? Saka hindi ko siya bibiguin kapag ganoon dahil mapapatunayan ko sa kanya na masipag rin ako ‘no. Smirk.

Malakas kong kinatok yung glass door at walang bumubukas. Kinatok ko ulit yung pinto ng ilang beses at wala pa ring epek yung katok ko.

Baka tulog ang boss ko sa loob? O baka nag-cocencert?

Sabagay, sound proof nga pala 'to. Pero, mas okay sana kung ako ang nasa lugar niya ngayon kung nag-coconcert siya jan sa loob.

Aba! Talented kaya ako sa pagkanta. Naalala ko tuloy yung nag-wawalis ako, dumating lang kasi nun si Dwayne eh, kaya hindi ko na natuloy yung concert ko.

Nilapit ko yung tenga ko sa pintuan para pakinggan kung may nangyayari ba talagang concert niya sa loob. Hindi ko pa masyadong nadidikit sa pintuan yung kanang tenga ko ng bigla namang bumukas yung pinto.

"What the--"

Bigla tuloy akong na-out balance at buti nalang at hindi ako naka-sandals. Hanggang sa napagtanto ko na sinalo ako ng gwapong nilalang na tumambad sa akin pagbukas niya ng pinto.

"How did you get here?! Get out of my office before I'll call a guard to drag you outside!"

Sandali, napatitig ako sa kanya sandali. Halos mapa-tikom ako dahil napansin ko na ang perfect ng broad shoulders niya, yung physiques niya, yung brown eyes at tangos ng ilong niya.

I made a gulped. I can almost say na nasa kanya na lahat halos ang hinahanap ng mga babae.

Bigla naman niya akong binitiwan kaya ang sunod kong bagsak, sa sahig. Pero, buti nalang at may malambot na carpet siya at medyo hindi nasaktan yung puwet ko.

Ang sama niya! Binagsak niya ang magandang tulad ko sa sahig! medyo naka-pout kong bulong sa sarili.

Masungit pala ‘tong lalaki na ‘to. Oo, aaminin ko na guwapo siya. At akala ko pa naman, mabait!

Bumuntong-hininga ako. Mala-halimaw ang ugali!

Huminga muna ulit ako ng malalim at saka ako nagsalita. I tried to sob. "Excuse me po sir. Bakit niyo naman po ako kaagad pinapalayas? Grabe naman po kayo. Mag-aapply pa sana ako sa inyo bilang assistant executive pero mukhang fired na kagad ako. Namasahe pa ako ng singkwenta pesos papunta dito 'tapos hindi niyo man lang ako i-hihire..”

Sabay kinurot ko pa yung siko ko para halatang umiiyak talaga ako. Paraan ko kasi 'yon para lumabas talaga yung luha ko. Gwapo sana kaso halimaw talaga!

Pinahid ko yung tumulong luha ko sa pisngi at saka tinignan ko naman yung reaksyon nung gwapong nilalang na 'to.

Napansin kong mukhang naiirita na ata siya at halos gusto na niya akong umalis sa opisina niya dahil sa kasungitan niya.

Fine, akala ko pa naman gagana yung kadramahan ko. Mukhang nakarma pa ata.

"Do you think I'll be carried out by your dramatic ugly? Tsk. And excuse me, MISS-WHOEVER-YOU ARE, I'm hiring for a MALE not FEMALE. So, better just leave now."

Medyo na hurt ako dun sa sinabi niya huh. Parang nawalan tuloy ako ng guts ko. Pero hindi pa rin ako mag-papatalo.

Saka wait, why am I doing this ba? Pwede naman ako maghanap ng iba kaysa sa i-force ang sarili ko na i-hire ng halimaw na lalaking ‘to.

Nilapitan ko siya at pinahawak ko sa kanya yung diyaryo, yung folder ko at yung purse ko.

"What the--"

"Watch and learn. Ipapakita ko sayo na karapat-dapat mong i-hire ang magandang tulad ko at hindi lalaki..."

Pinakita kong bahagya sa kanya yung balikat ko at nanlaki yung mata niya.

"W-what the hell are you doing!?" halos takpan na siya ang mukha niya dahil malamang sa kabaliwan ko.

Alam ko mukhang OA na ako pero pinapatunayan ko lang sa kanya yung magagawa ko. Evil laughs.

"Eto pa. Kaya rin kitang masahiin. Kaya ko ring hilutin. San ba masakit? Sa ulo mo? Sa batok? Kayang-kaya ko po lahat sir. Hindi lang ako basta one in all, All in all po ako." halos napagod rin ako dun ha sa kalokohan ko.

Napapahid naman ako ng kaunti tagaktak ng pawis ko sa noo at pagkatapos ay kinuha ko na sa kanya yung purse, folder at dyaryo na pinahawak ko sa kanya.

"A-ano sir? Hired na po ba ako? Oh. Eto po yung resume ko, paki check nalang para siguradong sigurado na rin po yung desisyon niyo." sabay pa-cute ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

Pero sandali, ba't ganun? Biglang kumabog yung puso ko? Hinawakan ko at biglang bumilis? Hala! Hindi kaya..

"I'M NOT INTERESTED TO HIRE YOU. GET OUT OR ELSE, I'LL DRAG YOU NOW!"

Grabe. Nag-mukha na tuloy siyang lucifer na gwapo sa ka-sungitan niya. Mas lalo tuloy akong na-gaganahan sa kanya.

Nag-cross arms ako at inirapan ko lang siya. "Paano kung ayaw ko?"

Kakaladkarin ba niya ako in mala-prinsesa? O kaya ibang kaladkad yung sinasabi niya?

Hindi kaya..

Nakita kong binuhat niya ako na parang ikakasal at halatang umuusok at namumula na yung dalawang tenga niya sa galit at kasungitan niya. Napangiti lang ako at mukhang enjoy na enjoy ko pa yung buhat niya ha. Mukhang hindi naman siya nabibigatan sakin?

"Enjoying huh!” galit niyang sabi.

Ngayon ko lang napansin na bagay rin pala sa kanya ang kasungitan niya. Mas lalo pa siyang gumagwapo. Pero ganun ulit? Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko? I can imagine myself na nagtititili sa loob ko dahil sa nararamdaman ko.


Na-abnormal na ata 'to. Naku, wag naman sana. May pangarap pa ako. Tsaka, paano na si Suzanne? Whaaa!! Wag naman po sana lord.

"Logan?" napatingin ako dun sa nagsalita at nakita ko na naman yung magandang mukha ni Roxie. Ang ganda niya talaga.

Pangatlo na 'to ha.

Binitiwan na naman niya ako kaya ang bagsak, ang sakit na naman ng puwet ko. Tumama kasi sa sahig, pero buti nalang at tiles yung sahig. Kaya hindi naman masyadong masakit.

Sandali, napa-tingin naman ako dun sa babaeng ‘yon nagsalita. Nakita ko naman si Roxie na nakatayo sa harap namin at nagbitiw ng salita habang iniinda ko parin yung sakit.

"What did you do to her Logan?" tanong ni Roxie.

"What? The hell she's worth it and she's ruining me. And the hell sh--"

Hindi pa man ako nakakatayo ng makita kong binatukan siya ni Roxie sa ulo.

"You're really out of your mind Logan. Well, I'll hire her as your secretary an--"

"What!?" gulat na sabi ni Logan.

"Why? Are you complaining? Well, I will never change my mind. And that's final. Period."

Nabigla ako ng bigla nalang akong hinila ni Roxie at dinala niya ako sa loob ng opisina ni Logan. Habang naiwan naman dun si Logan na tulala at mukhang hindi makapaniwala sa naging desisyon ni Roxie.

Medyo nacurious naman ako dahil mukhang close silang dalawa. Magkapatid kaya sila? Bakit ganon nalang kung maka-asta si Roxie kay Logan? Napakibit-balikat nalang ako habang iniisip ang mga bagay na yaon.

Chapter 3

Ang ganda pala ng opisinang 'to. Mukhang museum lang pala yung peg! Haha. Yung floor ay wooden..yung wall ay glass style, 'tas may mga vases na nakalagay sa gilid.

Tss, pero mukhang tig-isang daan lang yan sa divisoria eh. Marami kaya kami sa bahay niyan.

"By the way, I'm sorry about a while ago. He's just my stupid brother and just forget about him."

Napasulyap ako ng tingin kay Roxie ng sambitin niya iyon ng nakangiti.

Kung gayon, magkapatid pala sila? Bakit hindi ko agad napansin 'yon? Sabagay mukhang halimaw kasi si L-langaw ba pangalan nun? Longanisa? Lo...basta lo yung una nun eh..Loga?

Ayy, ewan!

"Okay lang po 'yon. Saka, ang ganda po pala ng office na 'to. Pwede po bang maglibot dito?" Excited kong tanong with matching puppy face at nakita kong natawa lang ng marahan si Roxie.

"Sure. But just be careful."

"Ehh, hehe..salamat po." tuwang-tuwa kong sabi. Napa-uwang ang kanyang bibig at mukhang may sasabihin pa ata siya pero hindi ko na pinakinggan dahil sinimulan ko nang libutin ang loob.

Grabe! nalilibang talaga ako sa kakatanaw at kaka-tingin sa kabuuan nito. Ngayon ko lang napagtanto na ang lawak pala nito. Parang bahay ko na nga 'to eh. Hindi ko alam kung ilang lapad o haba 'to pero, ganito rin kasi kalaki yung bahay namin.

"Marsha! Can we abcdefghijk.."

Narinig kong tinawag ni Roxie yung pangalan ko pero hindi ko na masyadong narinig yung sumunod niyang sinabi dahil nakatuon kasi ang atensyon ko sa paglilibot at pagtingin sa mga posters at kung ano ano pang mga nakapaskil at naka-display dito.

Ang ganda nga talaga eh, simple lang yung office at maaliwas at malinis pang tingnan. Buti nalang at hindi nag-wawala yung halimaw na 'yon dito, sayang kasi yung ganda ng office niya kapag ganun ang nangyari eh.

Ngiti. Pag ako naging secretary niya talaga, hangga’t maari, ipapatanggal ko yung ibang panirang naka-display dito at tatadtarin ko ng mga nakaw na litrato sakin ni Dwayne at mga magaganda kong pictures at ididikit ko sa lahat ng pader dito.

I laughed. Pag-paplanuhan ko iyon ng mabuti.

"Mars--"

Hindi na natuloy yung sasambitin sana ni Roxie ng bigla kong nakabig yung vase na nasa likuran ko at nahulog sa sahig at nabasag ito.

Napa-baling ako ng tingin dun sa pintuan ng bigla namang bumukas ito at iniluwal si Loga.

Hays. Ano ba kasing pangalan niya ulit? Logaw? Oh Loga talaga?

Napasapo ako. Naiiistress ako na naaaning.

Sige, halimaw na lang. Bagay naman sa kanya na masungit at mukhang bugnutin. Patago naman akong napatawa.

Pero sandali, na-pukaw ang ulirat ko ng nabasag ko pala yung vase. Sandali’y bigla namang kumabog yung dibdib ko sa kaba.

Pero, ano naman? Tsaka mukhang cheap naman yang vase na yan eh. Baka presyong palengke lang ‘yan. Dalhin ko pa siya doon sa bilihan niyan para mapalitan ko. Tsss.

Nakita kong napabaling siya ng tingin sa pwesto ko at nanlaki ang mga mata niya ng makita niya siguro yung vase na nabasag. Napansin kong bigla na namang nagbago yung aura niya at naging halimaw na naman yung ekspresyon niya na anumang oras siguro ay lalamon na siya ng tao.

"WHAT THE--WHAT DID YOU DO IN MY VASE! DON'T YOU KNOW HOW IT COST?!!" galit na galit niyang sabi, sabay halos mapasabunot pa siya sa buhok niya.

Natatawa lang ako sa itsura niya ngayon. Hindi nga ako kinakabahan sa halimaw niyang mukha eh, natutuwa pa nga ako.

Napailing nalang ako. Kaya sabi nga ng iba, smiles are contagious. Happy lang kasi.

"Hindi po? Bakit, magkano po ba 'yan? Tsaka, sa palagay ko. One hundred pesos lang naman 'yan sa divisoria eh. Papalitan ko nalang po ng bago. Tsaka yung moder--"

"Shut your fvcking mouth or I'll kill you now!” he deeply exhaled. He massaged his temple marahil sa inis sa’kin.

“Ugh! hindi mo ba alam na mahal yang antique na yan? Ugh! it's more expensive than your fvcking life!"

Wow. Mahal pa pala yan sa buhay ko? Bakit? Tao ba ‘yan katulad ko? Vase lang naman ‘yan big deal sa kanya. Kung mayaman lang siguro ako baka natapal ko na sa pagmumukha niya yung vase na ipang-palit ko jan.

Kaloka. Halimaw talaga!

Sinubukan kong babaan ang temper ko dahil halos below to the belt yung pagkokompara niya ng vase niya sa buhay ko ‘no.

Ganun talaga siguro ‘pag mayaman, parang langgam lang ang tingin nila sayo kaya, kaya ka nila tapak-tapakan.

Kinalma ko ang sarili ko at maayos akong nagbitiw ng salita. "Ahh, ganun po ba--."

Napakamot nalang ako sa ulo ng putulin niya yung sasabihin ko.

"GET OUT NOW BEFORE I CAN LOSE MY TEMPER AT BAKA KUNG ANO PANG MAGAWA KO SAYO!"

P-pinapaalis na niya ako?

Sige. Hindi ko na rin mapapalitan yung antique niya daw na vase. Mas maganda pa kaya yung vases sa divisoria. Ang ga-ganda pa ng designs. Bibili nga ako nun 'pag may pera ako.

"Marsha. I'm sorry for his bad attitude. Just don't mind him and stay there." sambit ni Roxie sakin pagka-lapit niya sa pwesto ko.

Bakit ba ang bait bait niya sakin? Tsaka, parang close na siya sakin kagad kahit na hindi pa naman kami magkakilala talaga. Pero sige, stay daw kaya, susundin ko nalang.

"Stupid. I said get o-"

"I don't agree. I hired him as your secretary so she would not leave. Kung gusto mo, ikaw nalang umalis at ako nalang ang mag-iinterview sa kanya para sayo.." matapang na sabi ni Roxie habang naka-cross arms pa siya at nakatingin ng masama kay Lo--loga. Basta loga. Ayokong halimaw, nag-bago na isip ko e.

Tsaka, it sounds good. I laughed like crazy.

"Roxie! What the hell are you talking about?" sa halip na pakinggan pa siya ni Roxie ay pina-upo ako ni Roxie sa harap ng table ni Loga ata at saka nakita kong lumapit siya kay Loga.

Ano kaya pinag-uusapan nila?

Napansin kong nagiging halimaw pa lalo yung ekspresyon ng mukha ni Loga at sinusungitan lang siya ni Roxie pero mukhang hindi siya makapalag sa kapatid niya.

Medyo hindi ko naririnig yung usapan nila kaya hinintay ko lang sila matapos mag-usap.

Nakita kong napabuntong-hininga si Loga at mukhang wala siyang magawa kundi sundin ang utos ng kapatid niya nang magbago yung ekspresyon ng mukha niya. Kapagdaka’y saka siya tumungo sa swivel chair niya sa harapan ko.

Pero sandali, hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko na tignan siya nang matagal. Lahat ng angulo sa mukha niya at pak na pak ang gwapo at tinitigan ko pa ito ng mabuti. Bigla na namang bumilis yung pintig ng puso ko.

Bakit ganun? Nag-kakasakit na ba ako? Mamamatay na ba talaga ako?

Napa-hawak nalang ako sa dibdib ko dahil mas lalo pang bumibilis yung pintig nito. Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa libro.

‘Overthinking will lead to sadness.’

Erase. Hindi ako malulungkot noh! Tsaka, wala namang dapat akong ikalungkot? Alam kong hindi pa ako mamamatay.

Naku! Mag-papacheck up nga ako kapag may pera na talaga ako.

Tinitigan ko nalang ulit si Loga at hindi pa rin siya matapos sa kababasa ng application letter ko. Pansin ko pa nga na parang mapapamura na siya na ewan sa reaksyon niya ngayon. Nagiging halimaw na naman kasi e.




Binalingan ko na kaagad ng tingin si Roxie na naka-cross arms pa rin at ang lapad ng ngiti niya. Baka kasi isipin niya na mayroon akong pagnanasa sa kapatid niya kaya ko siya tinitignan.

Buti nalang at inayos ko kaagad ang sarili ko.

Pero sandali, tungkol sa pinag-usapan nila, bakit kaya? Tsaka, ano bang pinag-usapan nila ni Loga? Hays.

Narinig ko ang pag-ubo ni Loga kaya napalingon ako sa kanya. "So, where is your application letter?" kalmadong sabi ni Loga.

Ang gwapo pala niya pag-malapitan. Hindi halatang lucifer siya sa harap ko ngayon dahil mukha siyang nag-aaddict sa porma niya.




Napansin kong seryoso siya sa pagbasa ng application letter ko at hindi niya napansin na nakapanga-lumbaba lang ako sa harapan niya habang pinag-mamasdan lang siya.

Muntikan nang masalubsob yung mukha ko sa table ng marinig kong bigla namang napa-ubo si Roxie na nasa likuran ko lang hindi kalayuan sa pwesto ko at nakita kong nakangiti lang siyang nakatingin rin sakin.

"I'll just go outside. I feel I'm out of place here of both stupid lovers here inside."

Ano yung sinabi niya sa huli? Humina kasi yung boses niya sa bandang dulo e. Na-iintriga ang beauty ko sa sinabi niya huh.

Tch. Malalaman ko rin 'yon.

Hmm, baka pinag-titripan ako ng dalawang ‘to? Malamang siguro.

Nako! Nako! ‘Wag nila akong subukan.




Binaling ko nalang agad yung tingin ko kay Loga ng makalabas na si Roxie. Sabay nangalum-baba ulit ako at tinitigan ko siya ulit.

"Tch." narinig kong sinambit ni Loga. Sabay nakita kong binaling niya ulit ng tingin yung application letter ko.

"Tch. Are you done checking me out?"

Umayos ako ng upo at saka ngumiti ako.

"Opo sir. Kayo po? Tapos niyo na po bang basahin ang application letter ko o hindi pa?"

"Pft. Stupid!"

"Alam niyo po sir halimaw este, Loga ay est--"

"Such of stupid! I'm Logan Figueroa and don't you insult my name. Tsk!"

"Ahh, hehe.” napakamot ako sandali sa ulo ko. “Sorry po sir L-logan." buti nalang at binanggit niya pangalan niya. Baka kasi sa susunod, iba nang pangalan ang itawag ko sa kanya.

Speaking dito, Logan pala ang pangalan niya. Wala talaga akong pictographic view. Pero maganda naman. I smiled ng palihim.

Napansin kong tapos na siyang basahin iyon ng isinira na niya yung folder. Kaya, umayos na ako sa pag-upo at nakangiting hinarap ko siya ng maayos.

"Well, I d--"

Pinutol ko iyon ng may sasabihin na sana sya nang nagkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita kasi naeexcite akong tanungin siya.

"Ano sir? Hired na po ba ako? Kung ganun dapat, sinabi niyo na kagad! Hindi yung nambibitin pa kayo! Naku sir h---"

"No." napabagsak ang balikat ko ng sambitin niya iyon.

"P-pero, nagkukunwari lang po kayo diba s-sir? K-kailangang-kailangan ko pong magtrabaho B-baka, wala kaming makain ng kap--"

Naawat naman yung iyakan drama ko ng magsalita siya.

"Tsk! Don't you dare show your dramatic ugly face in front of me. It does not suit you.”

"Hehe, joke lang po 'yon syempre sir! Okay lang po 'yon." sabay tumayo na ako at kinuha ko na yung mga gamit ko.

Pero hindi pa man ako nakaka-alis, lumingon ulit ako sa kanya at nakita kong blanko lang ang ekspresyon niya.

"Ayy, oo nga po pala sir. Babayaran ko nalang po yung naba--"

"Then pay for it. It's Php 500,000.00 thousand. I don't want cheques, I want cash." napa-nganga ako ng banggitin niya ang halaga ng perang 'yon.

Grabe, kaya pala mas mahal pa yung vase na yun sa buhay ko ng sambitin niya kanina.

Pero paano naman naging mas mahalaga 'yon kesa sakin eh galing divisoria lang naman ata yun? Pinagloloko ata ako ng halimaw na ‘to.




"Eh. Wala po akong ganung kalaking pera. Papalitan ko nalang po? Pwede ba?”

"Tsk. I know. Fine. You'll replace it better than that broken vase if I hired you."

H-hired? Ano daw? Hired na daw ako?

Halos magtalon-talon ako sa tuwa dahil aminado akong ihi-hired niya akobase sa sinabi niya. Halos nabitawan ko na nga yung mga bitbit kong gamit habang napa-palakpak naman na animo’y parang bata sa tuwa.

"Did I say that you're hired?" napatigil ako sa ginagawa ko ng sambitin niya iyon. Parang nasiraan naman ako ng loob ng sabihin niya iyon.

"H-hindi pa ba sir? Nako! Huwag ka nang magpaligoy-ligoy sir. Iyon rin namang ang magiging final decision mo.." hindi ko talaga alam at mayroon akong lakas ng loob na magmukhang tanga sa harap niya. Pero, dahil sa sinabi niya, hindi na rin ako aatras.

"Tsk. I want you to be here tomorrow at exactly 6 o'clock in the morning. Don't be late or I'll fire you immediately."

Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasambit niya iyon at hindi pa rin nag-sisink in sa utak ko hanggang ngayon yung sinabi niya.

Pero kung gayon nga, napakasaya ko. I heaved sighed with a smile on my lips.

Dami ko pang kalokohang pinaggagawa, iha-hired rin pala ako. Hays.

"S-salamat po sa pag-hired sakin ha? Hayaan niyo po bukas, gusto niyo 5 o'clock nandito na po ako? Ano sa palagay niyo sir?”

"Tsk." tipid niyang sabi. Sabay nag-salute nalang ako sa kanya at madali kong tinungo yung pintuan at saka ko pinihit ito. Pero hindi pa man ako nakakalabas ay lumingon ulit ako sa kanya at napansin kong nakangisi siya.

Bagay rin pala sa kanya ang ngumisi, ang gwapong halimaw niya talaga.

Tignan mo 'tong puso ko, tumitibok na naman. Hays. Kailangan ko na talagang magpa-check up.

"Uhm, sir Logan, s-salamat po uli--”

“Why makes you decided to apply here? How do you find this company?” sunod-sunod niyang tanong ng putulin niya yung sasabihin ko. Napataka naman ako na medyo napatawa.

“H-hmm, eto kasi yung trabahong fit sa’kin. Saka kailangan ko nang trabaho para sa kapatid ko. Siya kasi nag-suggest sa’kin nito ng makita niya sa dyaryo na hiring yung kompanyang to, saka nawalan na rin ako ng trabaho kaya naisipan kong ma-” hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng putulin na naman niya yung sasabihin ko.

“No more? That’s all?” napansin ko na parang bakas sa mukha niya ang bahagyang lungkot at parang may hinahanap pa siya na gusto niyang mapakinggan sa isasagot ko.

Bahagya naman akong napatango. “O-oo. Bakit? Saka mukhang may inaasahan ka pang isasagot ko? Meron b--”

“It’s none of your business. I’m just asking, nothing more. Understand?” masungit niyang sabi sabay tumalikod siya sa’kin at puma-mulsa.

Ano kayang problema ng halimaw na ‘to? Baka siguro may pinagdadaanan siya kaya siya talaga ganyan? Bulong ko sa sarili.

“If you don't have something to say important, you may go. My time is precious and I don’t wanna waste it especially to you now that I met you, Marsha.” saad niya na may pagdidiin sa pangalan ko habang naka-talikod pa rin siya sa akin.

Sinubukan ko siyang lakihan nang mata at saka binelatan ko siya habang nakatalikod siya sa’kin.

Pagdaka’y malakas kong sinarado ang pinto. Narinig ko pa nga yung paborito niyang line na 'what the' pagkasara ko.

Halimaw talaga. Sana lang dumugo bibig niya sa sinabi niya sa’kin na mukhang wala akong kwenta dahil ayaw niyang sayangin ang oras niya sa’kin.

Tsk! Sana si Roxie nalang ang boss ko simula bukas. Baka mai-stress lang ang beauty ko sa kanya. Bulong ko sa sarili.

----------


"Manong dito na lang po." utas ko kay manong driver at ihinto naman niya yung taxi sa harap ng bahay.

Kinapa ko yung pang-ibabang dress ko at naalala kong wala palang bulsa 'to. Kinapa ko rin yung upuan baka nakapatong lang yung pitaka ko.

At what the--nagagaya ko na tuloy yung linya ni halimaw. Wala akong nakita ni-isang piso manlang.

"Miss. Hindi pa po ba kayo bababa?"

‘Eh paano po ako bababa, nawawala po yung pitaka ko.’ gusto ko sanang sambitin 'yan kay manong driver kaso lang, baka hindi niya na ako pababain at baka ma-rape pa ako dito ng di-oras.

Naku talaga! Kung kailan ang saya-saya ko dahil tanggap na ako sa bago kong trabaho, tsaka naman nakikisabay 'tong pitaka ko oh!

Hays. Nako!!

"A-ahh, bababa na po ako." kinakabahan kong sabi. Wala kasi akong ibang maisip kundi ang bumaba.

Bago pa ako makalabas ng taxi, pinigilan ako ni manong.

"Yung bayad niyo po miss. Nakalimutan niyo po."

Naknang! Nane-nerbyos ang beauty ko kay manong eh.

Hindi ko muna sinagot si manong dahil nilibot ko muna ang mata ko sa labas baka nandyan lang si Dwayne at thank you God! Nakita ko siyang naglalakad patungo sa bahay at may kasama siyang lalaki. Nagtatawanan pa nga sila eh, kitang-kita ng maganda kong mata.

Binalingan ko muna si manong driver ng atensyon at mukhang naiinip na ata sa kahihintay ng bayad ko.

"Manong, pwedeng paki-hintay po ninyo ako saglit dito?"

"A-ahh. Okay lang po miss, basta maganda at mabait, okay lang.." nakangiti pang wagas na sabi ni manong ng iikot niya ang ulo ko para makatingin sa akin.

Naknang! Si manong oh! Ang tanda-tanda na. Pero natuwa ako sa sinabi niya huh. Haha! Maganda daw ako? Kinontrol ko ang sarili ko na hindi tumawa.

"Salamat po..” dali-dali akong lumabas sa loob ng taxi at tinungo ko kagad yung pwesto ni Dwayne na halatang hindi pa ako napansin kaagad. Kaya, nagulat naman siya ng makita niya ako.

"A-ateh Marsh.."

Nilayo ko muna si Dwayne dun sa lalaking kasama niya at sabay may binulong ako sa tenga niya.

"May isang-daan ka ba?” napatingin muna sakin saglit si Dwayne at mukhang nagtataka. Pero, napansin kong kinakabahan siya ng hawakan ko siya sa braso.

"W-wala akong isang-daan. B-bente nalang ang pera ko." utal niyang sabi. Parang may something sa kanya. Okay lang ba siya? Hindi naman ako mangangain.

Anyways, hays. Paktay ako nito kay manong. Nauto ko na nga siya sa ganda ko, pero hindi sa pamasahe ko. Wala akong maipam-babayad sa kay manong.

Nag-isip muna ako saglit ng paraan kung paano ko ba matatakasan si manong.

Joke lang 'yon syempre! At di-sinasadyang nahagip ng mata ko yung kasama ni Dwayne na lalaki. Mukhang galante siya, mayaman, at pansin kong gwapo pala ng titigan ko.

Nilapit ko yung mukha ko sa tenga ni Dwayne at bumulong ako sa kanya. "Baka may isang-daan yung lalaking kasama mo. Hingan mo nga. Bilis."

Mukhang nagulat pa si Dwayne ng ibulong ko sa kanya 'yon. "P-pero ate.."

Pinandilatan ko lang siya ng nakakatakot gamit ang magaganda kong mata pero, paraan ko lang 'yon kay Dwayne minsan para sumunod siya sakin.

Pilit kong hindi tumawa. Hanggang sa nakita kong nilapitan niya agad yung gwapong kasama niya.

Teka nga, bakit pala may kasama siyang lalaki? Bakit mukhang mayroon silang pinag-uusapan?

Aba! malaman ko lang na may tinatago silang dalawa sakin, kakalbuhin ko ‘tong si Dwayne.

"Oh, eto ate. Bayaran mo yan huh! Tsaka, kani--"

Hindi ko na pinakinggan yung sasabihin pa sana niya dahil kumaripas kagad ako ng lakad papunta kay manong driver.

"Manong. Pasensiya na po kung pinag-hintay ko kayo huh. Eto po yung bayad ko sa pamasahe ko." Sabay inabot ko kagad kay manong yung bayad.

"Okay lang, walang problem ms. ganda. Sige, ba-byahe pa ako." nakangiting sambit ni manong at nakita kong saka niya pinaharurot kagad ng takbo yung taxi.

Naknang! manong 'yon oh. Ang lakas mangbola.

Pero sabagay, totoo naman. Napailing ako.

Nilapitan ko kagad si Dwayne at nakita kong kinakawayan niya ngayon yung lalaking iyon na naglalakad na paalis.

"Dwayne!"

"Ayy! Aswang ka!" sambit niya at halos mapatalon siya sa gulat sandali habang nakikipag-usap siya sa lalaking kausap niya.

"Sinong aswang? Ako ba 'yon huh? Ang ganda ko kaya."

"Oo, este. Ate naman e. Ginulat mo ako." halos magirap-irap pa siya sa akin at nakuha pag mag-cross arms.

"Huh? Nakakagulat ba ‘yun?” napailing nalang ako sa sinabi niya at binabalik-balik ang tingin sa kanya at sa lalaking kasama niya. Napabuntong-hininga nalang siya.


"Btw, bakit mo nga pala ako hinihingian ng isang daan? Eh, alam mo namang bente lang kaya ang binibigay mong baon sakin. Kaloka ka ate!" sabay pulupot niya ng kamay niya sa braso ko na animo’y parang ahas.

Palusot lang niya yan e. Alam niya kasi na matatadtad ko siya tungkol sa kasama niyang lalaki.

No way, highway!

"Nawala kasi yung pitaka ko eh. Nakita mo ba yung pitaka ko?" napatanggal siya ng pag-pulupot niya sa braso ko ng makita kong nag-cross arms siya at sabay humarap sakin.

"Hindi huh! San mo ba kasi nilagay? Tsaka, diba umalis ka kanina? so, dapat dala mo 'yon. Oh, baka naiwan mo dun sa pinag-applyan mo ng trabaho?"

Napaisip ako. Naiwan ko ba talaga dun? Iniisip ko kung naiwan ko ba dun, dahil wala naman kasi dun sa taxi.

Pero, wala naman akong naalala. Dahil, pumasok sa isip ko na nagugutom na ako nang naramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko.

"Tsss. Wag mo nalang alalahanin ate. Wala ka rin namang maaalala." sabagay. Tama rin si Dwayne. Nakalimutan ko talaga siguro.

Pero, saan ko nga ba naiwan 'yon?

"Ikain mo nalang yan muna ate para maalala mo." pang-aasar pa niya. Halos mapakamot pa siya sa ulo niya, habang napansin kong bahagyang nakayuko lang yung lalaking kasama niya.

Oh. Naiisip niya talaga ang naiisip ko.

May kapangyarihan ba 'tong si Dwayne? Sige nga, itatanong ko nga sa kanya kung saan ko iniwan ang pitaka ko mamaya. Baka sakaling mahulaan niya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Hays. Tara na nga sa loob!" sabay hinaltak na niya ako papasok sa loob ng bahay. Mukhang nagpa-alam naman na ata siya sa lalaki ng unti-unti ay naglalakad na siya paalis.

Speaking dito, ilang oras na rin pala kami nandito. Medyo malamig na rin sa labas at baka mahamugan pa kami.