Browse stories

The Mafia Lord is Obsessed with the Famous Ballerina

Language: fil

There was a famous Ballerina whom performed to the big and elegant theater. But little did she knows.. someone's staring at her with a playful smirk in his lips. It turned out that he's literally obsessed with her since the day they've met. Is she gonna give him a chance to prove his love to her? Is she gonna love him the way he loved her? Come read and find out!! ;>

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Chapter 1: "Be careful, Darling."

Hannah's POV:

Napamulat ako bigla dahil sa tunog na nang-gagaling sa aking cellphone. Agad ko naman itong kinuha mula sa mini table malapit sa kama ko.

"H-hello?" Sagot ko sa tawag kasabay ng paghikab.

[Hannah! Where are you na ba?! Kanina pa kami nagaantay dito sa Mall.] May inis na sabi sa kabilang linya.

Naguluhan ako sa sinabi pero kalaunay ay natauhan ako agad.

'Patay..' pabulong kong sabi.

"A-ah ano ahm.. Mauna na kayo Mary,  k-kasi may emergency sa bahay. Sunod nalang ako." Sagot ko

Narinig ko pa ang buntong hininga nito. Tingin ko ay alam niyang kagigising ko lang hehehe.

[Tsk! Fine! Just hurry up, girl. Kdrama pa more late ka tuloy hmp!] Panenermon niya sa akin.

"He.he.he, sorry na Mary ang ganda kasi nung pinanood ko eh. Bibilisan ko talaga promise! Bye." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Shet naman kasi eh! Kasalanan 'to nung Kdrama na 'yon!

Pero kasalanan ko bang nakaka-inlove yung pagmumukha ni Park Seojun kaya ako napuyat kagabi? Hindi naman eh, tsk.

Napa-pout nalang ako sa naisip ko at dali-daling tumayo para maligo. Wala pang 20 minutes ay natapos agad ako saka nagmamadaling nag-commute papuntang Mall.

Pumunta ako sa restaurant na sinabi ni Mary.

Hindi naman ako nagkamali at nakita ko sila sa may pinaka-dulo.

Nagmukha tuloy silang mga tanga dahil palinga-linga at mga naka shade's at facemask pa.

Pinuntahan ko naman ang pwesto nila.

"Hoy! Mukha kayong ewan." Panimula kong sabi sa kanila.

"Shit"

"Ay palaka!"

"Tanginamo Paulo!"

"Tanginamo mo din pre." Bawi ni Paulo.

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa mga reaction nila, lalo na sa sinabi ni Paulo.

"Si Hannah kasi eh! Bakit ka ba nanggugulat huh?!" Inis na sabi ni Mary.

"S-sorry na HAHAHAHAHA. Mukha kasi kayong ewan na palinga-linga at tagong-tago yung mga mukha." Tugon at tumawa pa ng mahina.

Umirap naman siya sakin kaya inirapan ko din siya. Hmp! Kala niya siya lang marunong umirap ah!

"Upo kana Hannah Montana." Biro ni Jessie sakin.

"Eto na uupo na po Jessie J." Biro ko din sa kanya.

Kala niya magpapatalo ako ha! Neknek nila, hmp!

"Nga pala bakit tago yang mga mukha niyo? Baka gusto niyong tanggalin?" Pagtatanong ko.

Agad naman nilang tinanggal isa-isa ang mga nakalagay at nakaharang sa mga mukha nila.

Oh diba! Perfect. Magaganda at Gwapo ang mga bestfriends ko 'no!

"Ang cute niyo naman." Naka-pout kong sabi.

Napangiti sila sa sinabi ko.

"Pero mas cute ako." Dagdag ko pa.

Nakita ko namang nawala yung ngiti nila kaya hindi ko napigilang tumawa ulit.

Naagaw ko pa ang pansin nung ibang kumakain dito sa restaurant.

"Beshy! Diba sila Hannah 'yon? Yung sikat na Ballerina?"

"Hala! Oo nga!"

"Ang ganda talaga ni Hannah."

"Ang cute naman ni Mary."

"Shit! Papa Paulo akin kana lang!"

"Pre, ang sexy ni Jessie."

"Ang hot at gwapo ni Bellamy."

Bulungan nila na hindi nakatakas sa ibang tao at nagsi-bulungan na rin.

"Ang lakas kasi ng tawa mo Hannah eh!" Inis na sabi ni Mary.

"Luh? Bat parang kasalanan ko pa? At bakit ba ang init ng ulo mo, may dalaw ka ba?" Pagiiba ko ng usapan, baka kasi sumabog yung bulkan eh.

"Tsk! Itanong mo d'yan sa Bellamy na 'yan!" Sabi niya at nag-cross arms pa.

Uy! Nangangamoy LQ kahit wala namang LABEL.

"Bakit nadamay pa pangalan ko Mary?" Takang tanong ni Bellamy.

"Tanong mo sa babaeng kausap mo kanina!" Sigaw ulit niya.

Oh diba, Sabi ko na eh. Nagseselos pero walang label.

Awit tayo don pre.

Hindi nalang nagsalita si Bellamy para iwas away na rin. Naka-order na rin sila ng pagkain kaya inaantay nalang namin dumating.

"So what's our plan?" Panimulang tanong ni Paulo. 

"As usual, ganon pa din. Partner tayo Paulo tapos si Mary naman at Bellamy ang partner, then si Hannah ang mag-so-solo performance." Paliwanag ni Jessie.

Nagtanguan naman kami.

"Do you guys have a song?" Tanong ko, baka sakaling kung wala pa ay bibigyan ko sila ng pagpipilian.

"Meron na kami Hannah. Ikaw nalang ang wala pa." Sagot ni Mary.

Himala wala na yung init ng ulo niya.

"I have one song. I think bagay siya sa solo na gagawin ko." Sabi ko sa kanya.

"Ano palang concept natin?" Pahabol kong tanong.

"Sexy and hot, para maiba naman." Sagot ni Bellamy.

Hm.. I'm gonna practice the steps that looks sexy and hot.

"About our costume's. Si Madam CJ na daw ang bahala roon." Sabi naman ni Jessie.

Hindi na rin ako nagtanong pa dahil dumating na ang in-order nila. Sakto gutom na gutom na talaga ako.

Hindi na kasi ako nakakain kanina dahil sa pagmamadali. Nakalimutan ko rin sabihin kay manang na aalis ako.

'Di bale, I'll just text her na lang.

Habang kumakain kami ay nakaramdam ako na parang may nakatingin sa amin or should I say, sa akin.

Luminga ako kung saan-saan at hindi naman ako nabigo. Nakita ko siyang nakatayo sa bandang sulok.

Madilim kaya hindi ko na rin makita ang mukha niya at isa pa naka-all black siya. He's also wearing a cap and shades.

Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya bahagya siyang kumaway at ngumiti sa akin.

'Shit ang creepy niya.'

Pabulong kong sabi.

"Sinong creepy Hannah?" Biglang tanong ni Mary na katabi ko lang.

Napatingin ako sa kanya at biglang umiling.

Pag-tingin ko ulit sa kung nasaan yung lalaki ay wala na siya sa pwesto niya.

'Saan naman napunta 'yon? Namamalik-mata lang ba ako?'

Bulong ko ulit.

"A-aray ko naman!" Singhal ko.

Paano ba naman kasi bigla akong binatukan wala naman akong ginagawa.

"Mukha kang timang Hannah! Bulong ka ng bulong, Gaga ka!" Inis na sabi ni Mary sa akin.

"Inaano ba kita? Lagi mo 'kong niaaway! Di kita bati, hmp!" Kunwaring bata akong nagtampo habang naka-pout.

"Oo nga naman Mary lagi mo nalang inaaway yung bunso natin." Sabi naman ni Jessie.

Well 2 years lang naman ang tanda nila sakin. They're all 20 and I'm 18.

Kaya bunso ang tawag nila sakin. Hindi rin ako sanay na tawagin silang ate at kuya, so I just called them by their names.

Actually madalas nila akong tawaging Hannah kaysa sa bunso.

"Mapagpatol kasi 'tong gurang na'to eh." Sabat ni Bellamy.

"Kawawa naman si bunso." Sabay ni Paulo sa trip ni Jessie.

Nakita ko naman na parang na-guilty si Mary sa ginawa niyang pagbatok sakin.

"Hindi ko naman sinasadya. Mukha na kasing baliw si Hannah kakabulong." Depensa niya sabay iwas ng tingin.

At ang tatlo mahinang tumatawa dahil sila ay nagwagi sa kanilang mga kalokohan.

Nagpatuloy naman kami sa pagkain pero, hindi pa rin nawawala sa isip ko yung lalaking nakatanaw sakin mula sa malayo.

"Saan tayo after this?" Paulo suddenly asked.

"Cinema and shopping na rin after because, I heard Madam CJ na we're going to an outing after our performance and after party." Sagot ni Jessie.

"And oh wait.. narinig ko rin na may bigating tao daw ang pupunta sa showcase natin next week." Dagdag ni Mary.

Nagtanguan kami at pumunta ng 4th floor. Andoon kasi ang cinema.

I'm texting manang when I get bumped into someone.

"I'm sorry po." I said while still looking at my phone.

"Be careful, Darling." He said in a cold tone.

Like damn.. ang sexy pakinggan.

Agaran akong nag-angat ng tingin para sana tignan yung nagsalita pero huli na dahil may mahal na siyang iba.

Ay mali. I mean wala na siya sa harapan ko.

Dali-dali naman akong pumunta sa pwesto nila Mary na nakabili na ng ticket.

Inaantay nalang namin na papasukin kami kaya bumili muna kami ng snack's para mamaya sa loob.

2 hours past by at ayos naman kami. The movie was so good and funny. Si Jessie at Bellamy ay hagalpak ng tawa, while Mary and Paulo ay mahinang tumatawa.

While me? Ano pa bang aasahan niyo sakin? Syempre ako pasimuno ng paghagalpak ng tawa.

And now we're doing shopping spree.

Si Mary at Jessie ay dampot ng dampot nang kung ano-ano.

Mayaman naman sila kaya okay lang.

I'm busy looking at necklace section, when something caught my attention.

It was a Butterfly necklace with a crescent moon at the middle.

The butterfly was gold with a little diamond's surrounding on it. The crescent moon was a sapphire.

It was so frickin' beautiful.

I looked at the price. I was so god-damned shocked.

It's fucking 5 million.

Kahit pa sabihin na mayaman kami ay hindi ko kayang mag-aksaya ng ganong kalaking halaga para lang sa isang kwintas.

But it's so beautiful and I can't deny that I want it.

I bit my lower lips and thinking what am I gonna do.

Napa-pout nalang ako at nag-desisyong umalis.

Naglakad na ako para tumingin pa sa ibang stall ng bigla akong tinawag ng saleslady.

"Ma'am, wait lang po." She said.

Kinuha niya yung necklace na tinignan ko kanina at maingat na kinuha sa glass box.

Kumuha din siya ng engrandeng box at nilagay ang kwintas roon.

Pagkalagay niya at agad niya itong nilagay sa paper bag.

Nagmadali naman siyang lumakad papalapit sa akin at ibinigay ang paper bag.

Kumunot naman ang noo ko dahil literal na sa akin niya talaga binibigay.

"Sa-sakin?" Turo ko sa sarili ko.

Tumango naman siya ng nakangiti.

"Hindi ko n-naman binili yan eh." Sabi ko habang nagtataka.

"About po d'yan. May lalaki pong nagsabi na ibigay ito sa inyo." Paliwanag niya.

"Bayad na rin po ito." Dagdag niyang sabi.

No choice naman ako at kinuha ang paper bag saka nagpasalamat.

Tatanungin ko pa sana siya kung nasaan yung lalaking nagbayad nito pero nawala na ito sa paningin ko.

Daheck!!?

Lagi nalang silang nawawala sa tuwing titingin ako! Tao pa ba sila?! Ang bilis mawala eh.

Parang siya! Mabilis nawala yung feelings niya para sa'yo!

Naglakad nalang ako para hanapin yung apat. Hindi naman ako nabigo at nakita sila sa swimwear section.

"Oh andito na pala si bunso." Sabi ni Paulo.

Napatingin naman yung tatlo sakin.

"Saan ka galing Hannah Montana?" Tanong ni Jessie.

"Sa necklace section, tumingin-tingin lang ako. Bakit?" Sagot ko sa kanya.

Lumapit naman siya sakin at binigay ang isang paper bag.

"I bought it for you. May outing kasi tayo kaya naisipan kong bilhin 'yan para sa'yo. I think it fits for you perfectly." Sabi niya at kumapit sa braso ko.

Hinila niya ako palabas kasi yung tatlo nauna ng maglakad.

After ng pag-sha-shopping namin ay hinatid na nila ako pauwi.

I didn't brought my car dahil sa pagmamadali.

"Thank you sa ride! See you again tomorrow sa practice. Ingat kayo sa byahe." Sabi ko habang kumaway-kaway pa.

Kumaway rin sila at nagsimula ng umandar ang sasakyan nila.

Tinanaw ko pa sila hanggang makalayo bago pumasok ng mansion.

Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng mainit na palad.

"What time is it, Hannah? Ganyan ba ang uwi ng matinong babae?!" Galit na sigaw ni Tita Stephanie sa akin.

She's my father's second wife. My Mom died in a car accident that's why my Dad have her to be my mother.

At first humanga ako kay Tita Stephanie because she's so sweet, kind and caring. Sa una lang pala 'yon.

Sinimulan niya akong saktan sa tuwing aalis si Dad para sa out of town work niya.

Hindi 'yon alam ni Dad. Tanging mga kasambahay lang dito sa mansion ang nakakaalam, pati na rin ang anak niyang si Beatriz.

Dalawa silang nananakit sa akin, pero hindi ako makapag-sumbong kay Dad dahil Dad loves Tita Stephanie.

So I keep my mouth shut kahit sumusobra na sila.

Si manang lang ang kakampi ko rito pag wala si Dad.

"I'm sorry Tita. Namasyal po kasi kami ng mga kaibigan ko." Magalang kong sabi sa kanya.

"Ha! Don't listen to her Mommy. She just hangout with guys like her mother did." Sabat ni Beatriz.

Nainis ako sa sinabi so I talked back to her.

"Don't you ever dare to disrespect my mom, Beatriz! Sa ating dalawa ikaw ang nakikipag-hangout sa iba't ibang lalaki!" Singhal ko rito.

Napatabingi ang ulo dahil sa malakas na sampal ni Tita Stephanie.

"Huwag na 'wag mong pagsasalitaan ang anak ko ng ganyan, Hannah!" Sigaw niya sa akin.

"At 'wag niyo ring bastusin kami ng mommy ko! Even if she's dead. Pinakasalan ka lang naman ni Dad! So don't talked to me like that. Ako pa rin ang legal rito, at sampid pa rin kayo!" Sigaw ko ulit at nagmamadaling pumanhik sa taas.

Nakita ko pa ang malungkot na itsura ni manang, nginitian ko lang siya at pumunta sa kwarto ko.

Binaba ko ang mga paper bags sa gilid ng kama ko at nahiga.

'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.

_________________________

Chapter 1 End!

Chapter 2

Chapter 2: "My Ballerina"

Hannah's POV:

Nagising ako dahil sa alarm ko na tumutunog.

I picked up my phone and open it. It's now 7 in the morning.

9 am ang practice namin sa ballet.

Tumayo na ako at inayos ang kama, para less na rin sa gagawin ng mga maid sa mansion.

Pumunta akong bathroom para maligo at makapag-ayos.

I'm now wearing Solid Crop top tee & Cami bodycon dress. I partnered it with white sneakers.

Kinuha ko na rin ang phone, wallet at ang practice bag ko saka lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko nakita ko si manang na naghahanda ng breakfast kasama ang ibang maid.

"Good morning, manang." Bungad ko sa kanya ng tuluyan na akong nakababa.

Napatingin siya sakin at bahagyang ngumiti.

"Euria, iha tara at kumain ka na ng umagahan." Sabi niya habang nagaayos ng mga plato.

Euria is my second name, she used to call me that kahit noon pa. Both of them, manang and mommy called me Euria.

I really missed mommy so much.

Umupo naman ako at kumuha ng eggs, bacon, hotdog and 1 slice of bread.

"Euria, saan pala ang punta mo ngayon anak.?" Manang asked.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko saka nagsalita.

"Practice po manang. We have a showcase next week." I said to her.

Tumango naman ito at nagpatuloy sa pagaayos sa kusina.

Binilisan kong kumain dahil baka ma-late na naman ako at mapagalitan ni Mama Mary.

"Manang, aalis na po ako." Pagpapaalam ko sa kanya.

Tumingin siya sa sakin at pumunta sa gawi ko na may dalang paper bag.

"Baunin mo ito, baka magutom ka mamaya. Pagbutihin mo sa pag-eensayo. Mag-ingat ka byahe." Sabi niya at hinatid pa ako sa labas ng pinto.

Sumakay ako sa black Ferrari na pinahanda ko kanina kay manong Robert.

Pagsakay ko ay nilagay ko yung paper bag at bag ko sa backseat. Binuksan ko yung window at kumaway kay manang na nakangiting nakatingin sa akin.

Nag-drive na ako papunta sa 'Ballet Studio'. Dito kami nagpapractice at rito na rin kami sumikat sa pagiging ballerina.

Pi-nark ko na ang sasakyan at kinuha yung nasa backseat bago lumabas.

Sa tingin ko nandito na rin sila dahil madalas talagang nauuna sila at late ako.

Pagpasok ko palang ay puro bati na ang sumalubong sa akin. Ayoko naman maging masungit kaya binati ko rin sila.

Sumakay ako sa elevator na papuntang 5th floor. Naroon kasi ang practice room namin.

Pagkalabas ko ay bumungad agad ang naka-busangot na mukha ni Jessie.

"Anyare sa'yo Jessie J?" Tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman ito.

"I'm so hungry, Hannah Montana. Di ako nakapag-breakfast kanina kasi akala ko late na ako." Nakangusong sabi niya.

Napatawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Paniguradong pinag-tripan na naman siya nung kapatid niya kaya hindi siya nakakain.

Inabot ko naman sa kanya yung paper bag na pinabaon ni manang sa akin.

"Here, eat this. Pinabaon ni manang sa akin 'yan, kaso busog pa ako sa breakfast kanina kaya sa'yo nalang." Paliwanag ko pa sa kanya.

Kita ko naman na nag-ningning ang mga mata niya sa sinabi ko. Agaran naman niya itong kinuha saka nilabas sa paper bag para makain na niya.

Natawa pa ako sa paraan ng pagkain niya. Mukha kasi talaga siyang PG.

Kaming dalawa pa lang pala rito. Wala pa yung tatlo. Akala ko ba naman nauna na sila at late na naman ako, pero ako pa ang early sa kanila.

Wala pang 10 minutes na kumakain si Jessie ay biglang dumating si Bellamy at Paulo na hingal na hingal.

"Oh? Anyare sa inyo? Para kayong nakipagkarera kay kamatayan." Pabiro kong sabi.

Napatingin naman si Jessie sa kanila at biglang humagalpak ng tawa. Pano ba naman kasi, parang di pa naayos ang pagbobotones nila ng kanilang polo.

Sabay mo na rin ang magulo nilang buhok at ang medyas nilang magkaiba ang kulay.

Napatawa nalang rin ako sa kanilang dalawa.

"Don't laugh at us, Jessie. Baka gusto mong makatikim ng halik?" Nakangising sabi ni Paulo.

Kaya ang kaninang humahagalpak ng tawa na si Jessie ay biglang pinamulahan ang mukha at huminto sa kakatawa.

Oh, tignan mo! Isa pa 'tong dalawang 'to! Wala ring label pero kung maka-ano kala mo magjowa na. Tsk!

"Asan si Mama Mary? Bakit hindi niyo kasama?" Tanong ko sa kanila.

Lumaki naman ang butas ng ilong ni Bellamy at humagalpak ng tawa. Si Paulo naman ay nagpipigil ng tawa.

Aba buang ata 'tong dalawa!

"Gago, Mama Mary ampota! HAHAHAHAH"

"Sorry Lord. Minus 10 na naman ako sa langit."

"I should call her Mama Mary too."

Saba-sabay na komento nilang tatlo. Tignan mo 'tong mga 'to! Mga siraulo kala mo sinaniban ng sampong demonyo.

Ay sabagay, demonyo naman talaga sila hehehe.

Tawa sila ng tawa nang biglang dumating si Mary.

"Oh Mama Mary, bakit late ka?" Takang tanong ko sa kanya.

Nakita kong bigla niya akong sinamaan ng tingin na kala mo ready ng magchop-chop.

Yung tatlo ay tumawa na naman. Kung nakakamatay lang tumawa malamang tegi na 'tong tatlo.

"Aray!" Sigaw ko.

Binatukan na naman kasi ako ni Mary eh.

"Siraulo ka! Anong Mama Mary sinasabi mo?!" Singhal nito sa akin.

Bigla naman akong ngumiti sa kanya sabay takbo sa kinaroroonan nung tatlo.

"Tago niyo 'ko, bilis!" Sabi ko sabay kumapit sa damit ni Paulo at Jessie.

Tumatawa pa rin sila, kaso huli na ang lahat.

Nakatikim din sila ng batok isa-isa mula kay Mary. Natigil sila at ako naman ngayon ang tawa ng tawa.

Epic ng mga mukha nila. LT ampota HAHAHAHA.

"Humanda ka samin Hannah Montana!" Sigaw ni Jessie at hinabol ako.

Takbo kami ng takbo hanggang sa mapagod kami.

Tatakbo sana ako patungo kay Bellamy ng bigla akong nadulas.

'HAHAHAHAHA, ilan nahuli mo Hannah?'

'Pfft! Epic ng itsura mo bunso HAHAHAHA'

'That's your karma for calling me Mama Mary, hmp!

'Bilis naman ng karma mo bunso HAHAHAHA'

Kanya-kanyang sabi nila. Tignan mo 'tong mga 'to! Di man lang ako tulungan. Talagang tinawanan muna ako HUHUHU.

Tinulungan akong tumayo ni Paulo. Sakto naman biglang dumating si Madam CJ.

"Hey mga babies! So uhm.. Mag start na tayo ng practice. Actually tig-one kayo ng room." Paliwanag niya.

"Dito sa room na'to ay si Bellamy at Mary. Sa katabing room ay si Paulo mylabs at Jessie." Dagdag pa niya.

Tumingin naman sakin si Madam CJ.

"Sa 6th floor ka Hannah. Full na kasi ang practice room rito sa 5th floor." Tumango naman ako at sumunod sa kanya dala ang bag ko.

Kumaway pa ako sa apat bago isara ang pinto. Habang nagaabang kami sa elevator ni Madam CJ, biglang may lalaking lumapit sa amin.

Sa unang tingin ko palang aminado na akong gwapo ito kahit balot pa ang mukha niya ng shade at facemask.

Nagulat pa ako ng lumingon ito sa akin. Kaya naman dali-dali akong umiwas ng tingin.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

Nagbukas na ang elevator kaya naman sumakay na kami at pinindot ni Madam CJ ang 6th floor.

7th floor naman ang sa kasabay naming lalaki.

Saglit lang ay bumukas na ulit ang elevator kaya naman lumabas na kaming dalawa ni Madam CJ.

Bago pa man sumara ulit ang pinto ay bigla akong napatingin sa lalaking kasabay namin.

Bahagya pa siyang kumaway sa akin.

'Tanginuh ang creepy niya, parang yung lalaki kahapon.' Bulong ko saka nagpatuloy ng lumakad at inalis na ang tingin sa lalaki.

"Dito ang practice room mo, Hannah. Goodluck!" Sabi ni Madam CJ at nakipag-beso pa sa akin bago umalis.

Pumasok naman ako.

Pagpasok ko ay bigla akong namangha. Ang gaan sa pakiradam nung ambiance ng kwarto.

May window blinds pa, kaya nagmadali naman akong buksan ito at tumambad sa akin ang magandang tanawin.

Natuwa naman ako sa nakita ko at napahawak pa sa glass wall.

Sa sobrang mangha ko ay hindi ko na namalayan na 10 minutes na akong nakatunganga.

Nagmadali naman akong pumunta ng banyo at nagpalit ng 'tutu'.

(Tutu is the skirt worn by the female ballet dancers. Consisting of four or five layers of silk or nylon frills. The skirt is attached to a sleek-fitting bodice.)

Umupo ako sa sahig at sinuot ang 'Pointe shoes'. Nang matapos ko ng suotin ay nag-stretch muna ako saka pinag-isapan ang mga step's na gagawin ko.

After an hour ay nakabisado ko na ang bawat step's, kaya naman kinuha ko ang phone ko at plinay ang music na gagamitin ko.

Nagpatuloy lang ang pagpa-practice hanggang sa mapagod ako at magutom.

Kinuha ko ang phone ko at nag-chat sa gc namin.

Hannah Cutie: Gutom nako! Antayin ko nalang kayo sa baba ha?

Typing pa si Mary at Jessie ng bigla akong nagulat sa kumalabog. Nanggaling ito sa kabilang kwarto.

Kaya nagmadali ako nagpalit ng damit at inayos ang gamit ko.

Baka mumu huhu, ayaw ko doon. Baka makita ko si sadako ng wala sa oras. Kung si Brahms 'yon ay okay lang sakin kahit lapitan niya pa ako, ehe!

Pagkaligpit ko ay nagmamadali akong umalis doon at pumunta ng elevator.

Hindi pa man tuluyang bumubukas ang elevator ng mapansin kong may tumabi sa akin.

Agaran naman akong lumingon at nakita ko yung lalaki kanina na kasabay namin. He doesn't wear his facemask at tanging shades nalang.

'Pota ang creepy talaga!!' Sabi ko sa isip ko at nagmadaling pumasok sa elevator nung bigla itong bumukas.

Sa kasamaang palad kaming dalawa lang ang sakay at wala ng iba!

Rinig ko pa ang mabibigat niyang buntong-hininga sa sobrang tahimik.

"So.. you're a ballerina?" Basag niya sa katahimikan.

"Tsk! Obvious naman nagtatanong pa!" Bulong ko pero mukhang narinig niya ang sinabi dahil bigla siyang natawa ng mahina.

Ang sarap sa ears nung tawa niya- erase! erase! Hindi siya masarap sa pandinig!

"Goodluck on your showcase. I'm Xeon by the way." He said at biglang lumakad palabas ng elevator.

Luh gago 'yon ah?! Di man lang ako inantay magpakilala!

Mga lalaki talaga oh! Pagtapos magpakilala, mangiiwan nalang ng basta!

Lumabas na rin ako at umupo sa may waiting shed. Kinuha ko ang phone ko at minessage sila na nandito na ako sa baba.

Hindi naman katagalan nung makita ko silang naglalakad papunta sa gawi ko. Kaya naman tumayo na ako at sumabay sa kanilang maglakad papuntang labas.

We decide to eat in the restaurant. It's a fancy one, mayayaman kasi itong mga kasama ko kaya nandito kami.

The waitress assist us at the second floor of the restaurant.

Pumunta na kami sa tinuro niyang table at umupo sa soft couch nito.

Hindi pa man kami nakaka-order ng biglang dalawang waiters ang naglapag ng sandamakmak na pagkain sa table namin.

Kaming lima naman ay nagulat. Geez ang speed nila dito infairness!

Tinawag namin yung waitress na nag-assist sa amin kanina.

"Miss, hindi pa po kami nakaka-order. May dumating agad." Sabi ni Jessie sa babae.

"Ni-reserved po 'yan para sa inyo. Fully paid na rin po." Sabi niya ng nakangiti.

"Sino naman ang nagbayad?" Tanong ni Bellamy.

"Yung may ari po nitong restaurant, Sir." Mahinhing sabi niya.

"But why? Hindi naman namin kilala ang owner nito." Pahabol na tanong ni Mary.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Napag-utusan lang po kami." Sagot nung waitress.

Napatango naman kami at nagpasalamat.

Tinignan ko naman ang pagkaing nasa harapan ko. Nagulat ako dahil mga favorite ko ito.

It's carbonara with chicken and mozzarella sticks and my favorite drinks. Blue Lemonade.

Yung apat ay nagsimula ng kumain, mukha gutom na rin sila.

Kakain na sana ako ng may makita akong papel na nakalagay sa ilalim ng plato ko. Kinuha ko naman ito at binasa.

" Eatwell my Ballerina. I'll be there on your showcase next week, see you!"

                          - X

'Yan ang nakalagay sa papel. Nangunot naman ang noo ko dahil sa nabasa ko.

He knows that we're having a showcase next week?

Hindi pa nga inaannouce eh, paanong alam niya?

Tinago ko naman ang papel sa bag ko at sinimulan na ring kumain.

Wala pang 20 minutes ng matapos kami, kaya naman nagpahinga muna kami bago umalis.

"Ang tanga mo kasi, Bellamy! Sinabi ng i-bend mo yung katawan mo pero di mo ginawa! Natamaan ka tuloy ng paa ko!" Nanggagalaiting singhal ni Mary.

"Ako pa may kasalanan? Oo na ako na. Ako naman parati." Emote naman ni Bellamy.

Nagsitawanan lang kami sa bangayan nilang dalawa. Nang makapagpahinga na kami ay tumayo na kami para umalis na sana.

Pero bigla akong kinalabit nung isang bata. She's so cute and innocent looking. How I wish I have siblings.

"Hi baby. Do you need anything?" Nakangiting tanong ko nung magkapantay kami.

Ngumiti lang siya sabay abot ng papel sa akin. Kinuha ko naman ito at itatanong sana kung saan galing kaso bigla nalang siyang tumakbo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad saka binuksan ang papel.

"Mi Amor, my Ballerina. I can't wait to see you again. Take care on the road. I'm always watching you."

                                       -X

Bigla naman akong kinilabutan sa nabasa ko. Anong always watching me?! Nakahithit ba 'to ng shabu?!

Lakas ng amats eh.

'Shit! Who are you?' Bulong ko saka nagmamadaling sumunod sa apat.

__________________________

Chapter 2 done!

Chapter 3

Hannah's POV:

It's now the last day of our practice. Tomorrow is the day of the showcase.

Maaga akong nagising ngayon. It's 6 in the morning kaya naman nag-ayos na ako at naligo.

Balak ko munang dumaan sa café para bumili ng coffee.

I wore a black polo neck cut out waist rouched dress.

And partnered it with white shoes and a black leather sling bag.

I also tied up my wavy hair in a low bun.

Bumaba na ako at nakita ko sila Tita Stephanie at Beatriz na kumakain.

"Euria, kumain kana anak." Pagaaya ni manang sa akin.

"Hindi na po manang. Ayokong sumabay sa mga trash." Sabi ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Narinig ko pa ang bungisngisan ng ibang maid rito. Nakita ko rin ang pamumula ng mukha nung dalawa.

Well.. sinagad nila ang pasensya ko. Kung dati ay ginagalang ko pa sila, ngayon hindi na.

Tumango naman si manang kaya lumabas na ako ng mansion at sumakay na ako sa BMW X5 ko, saka nagmaneho patungo sa favorite café ko.

'The Obelisk Café'
Basa ko sa pangalan ng shop.

Pumasok na ako saka pumuntang counter.

"Hi Ate Hannah! Vanilla Latte pa rin ba?" Tanong ni Macy.

Dahil sa suki na ako sa café na ito ay naging close ko na ang mga staff's at isa na roon si Macy na super close ko.

"Oo hehe, saka isang croissant and one slice of red velvet cake." Sabi ko naman sa kanya sabay bigay ng ATM card ko.

"Upo ka muna Ate. Tawagin nalang kita mamaya." Sabi niya sabay bigay ng croissant at red velvet cake sakin.

Humanap naman ako ng upuan. Marami ring tao ang pumupunta rito dahil talagang masarap ang gawa nila. Dinadayo pa nga ito ng mga malalayong lugar para lang makabili.

Nang makaupo ako ay nilantakan ko agad croissant saka kinuha ang cellphone ko at nagchat sa GC.

Hannah Cutie: Goodmorninggg madapaka's! Saan na kayo?

Jessie Sexy: Kumakain pa ako ng breakfast.

Bellamy Hot: OTW na 'ko. Inaantay ko pa si mommy para magpaalam.

Mary Pretty: Malapit na ako, kasama ko si Kuya Zachary.

Paulo Handsome: Nice, tell to your brother sumama siya sa outing natin.

Hannah Cutie: Yes! Tagal ko na rin di nakikita si Kuya Zachary!

Jessie Sexy: May Girlfriend na ba si Zachary? Pwede mag-apply?

Paulo Handsome: Don't you dare Jessie.

Bellamy Hot: Wews. Possessive 'yan? Wala namang label.

Hannah Cutie: Kayo rin naman ni Mama Mary walang label eh.

Mary Pretty: Hannah!!! Humanda ka sakin mamaya!!!

Jessie Sexy: Yari ka Hannah Montana HAHAHAHA

Bellamy Hot: Nasa GC pala natin si Mama Mary HAHAHAHAHAHA

Bago pa ako makapag-reply ay tinawag na ni Macy ang pangalan ko.

Agaran naman akong tumayo at pumunta sa counter para kuhain ang cup.

Nang maabot ko ang cup ay napapitlag ako ng may humawak rin sa kamay ko.

Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino 'yon.

He's so frickin' handsome! His fluffy brown hair was messy but also placed perfectly.

He's also taller than me and his dark brown eyes was looking directly to me.

He take his hand off and suddenly I snapped out of my thoughts.

"Sorry." Sabi ko at sinubukang ipasa sa kanya ang cup.

He suddenly declines.

"You have it." He said followed with a small smile.

"Thanks." I said and returning the smile.

Bumalik naman ako sa table at napatingin ulit sa lalaki kanina.

He looked at me again before walking away, two bodyguards following him behind.

Tumingin pa ako saglit sa nilabasan nila saka bumalik sa pagkain ko.

Sandali pa ay natapos na ako at kinuha ang hindi pa nangangalahati na coffee.

"Macy, I'm going na. See you again!" Sabi ko at ngumiti.

Nakita ko naman siyang tumango kaya naman lumabas na ako at sumakay sa aking sasakyan.

Nag-drive na ako papuntang building. Nakarating naman ako bago mag 9 am.

Nakita ko silang naguusap sa waiting shed sa loob.

"Eto na pala si Hannah Montana." Sigaw ni Jessie kaya naman napatingin ang iba sa akin.

"Ang ingay mo, Jessie!" Suway ko sa kanya.

Nagulat naman ako ng may biglang yumakap sakin. Pag-tingin ko nakita ko siyang may iba na.

Charot!

Nakita ko si Kuya Zachary na malapad na ngumiti.

Kaya naman niyakap ko rin ito ng mahigpit. Nakiyakap rin si Jessie kaso biglang hinila ni Paulo kaya ang ending nagkayakapan silang dalawa.

"Namiss kita bunso!" Masayang sabi ni Kuya Zachary pagkakalas niya sa yakap.

"Namiss din kita Kuya!" Masiglang sabi ko.

"Ouch!" Daing ko.

Binatukan na naman ako ni Mary.

"Dapat lang 'yan sa'yo! Mama Mary ka pa ha!" Singhal niya sakin.

"Aray ko naman!" Daing niya rin.

Binatukan rin kasi siya ni Kuya Zachary.

"Ikaw gurang kana! Nam-bu-bully ka pa!" Sabi niya sa kapatid at pinitik ang noo.

Ang tatlo ay humahagikgik na naman ng tawa habang si Mary ay masamang nakatingin samin nila Kuya Zachary at nila Jessie.

"Pinagtutulungan niyo 'ko ha! Madaya kayo!" Singhal niya ulit.

"Bellamy, suyuin mo nga 'tong si Mama Mary. Baka kulang lang 'to sa lambing." Sabi ko at hinila pa ito papunta sa harap ni Mary.

Nakita ko naman namula ang mukha ni Mary, gayun din si Bellamy pero ang pinagkaiba ang tenga niya naman ang namumula.

Kaming apat naman ang tumatawa habang nakatingin sa dalawa.

"Omg!! Fafa Zachary! Welcome backkk!!" Sigaw ni Madam CJ at tumakbo sa gawi namin sabay yakap kay Kuya Zachary.

Niyakap rin ito ni Kuya. Kaya kaming lima naman ay nakangiwi sa nakikita namin.

"Paulo samahan mo 'ko! Nasusuka ako." Sabi ni Bellamy at nag-acting na parang nasusuka.

Kaming tatlong babae naman ay napatawa sa sinabi niya.

"OA ha! Kung di ko lang talaga kayo alaga at kung hindi lang kayo kilala ni Fafa Zachary ay baka nasabunutan ko na kayo! Hmp!" Nagmamaktol na sabi ni Madam CJ at nag-walk-out.

Hindi pa rin kami natigil sa pagtawa kaya naman nakatikim kami ng pitik kay Kuya Zachary.

'shit!'

'ouch!'

'aray ko naman!'

'ansaket!'

'fuck, bro!'

Kanya-kanyang sabi namin habang hinihimas ang napitik naming mga noo.

"Ang childish niyo. Hindi rin naman kayo ganyan dati. Lumalaki kayong paurong." Suway niya samin.

"Lumalaki akong pataas, bro. Sila lang yung paurong." Sabat ni Bellamy.

Kaya ang ending binatukan namin siya.

"Aray ko ha! Namumuro na kayo!" Singhal niya na kinatawa namin.

Sumakay na kaming elevator at pumuntang 5th floor. Iisang kwarto na ang gagamitin namin ngayon para mapanood namin ang performance ng bawat isa.

Kasama rin namin si Kuya Zachary. Isa rin siyang ballerino kagaya namin.

Kakauwi niya lang kahapon galing England. Isa rin siyang sikat at magaling na ballerino kaya naman napabilang siya sa makikipag-kompetensya sa England.

But sad to say, he didn't make it.

But we're still proud on him. He still did his best para manalo. Napaka-pursigido niya ngang mag-practice para sa competition eh.

Nakapasok na kami sa practice room at isa-isang nagpalit ng damit.

Naunang magpakita ng performance ay sila Bellamy at Mary.

They look good together and they also have chemistry.

Kung magkakatuluyan 'to malamang isa na ako sa magpapa-party.

Their performance was so good. Napanganga pa nga ako nung dahan-dahang pinadulas ni Bellamy yung kamay niya papunta bewang ni Mary.

Damn! Sana all may partner!!!

Dahil kasama nga namin si Kuya Zachary ay hindi siya satisfied sa performance nila. Kaya naman may dinagdag siyang steps.

At ang masasabi ko lang ay wow! As in WOW!

Tumagal pa ng 2 hours ang pagaayos ni Kuya Zachary ng steps hanggang sa ma-perfect nila ito.

Sumunod naman na nag-perform ay sina Paulo at Jessie.

Jessie was so god-damned sexy! I swear.

Muntik na akong mapatili ng bahagyang humawak si Paulo sa leeg ni Jessie.

Daheck?!! Gusto ko rin maranasan 'yon!!!!

Medyo na-satisfied naman si Kuya pero may binago siya sa mga steps nila.

Isang oras lang ang tinagal nung ma-perfect nila ito. Kaya ako naman ang susunod.

Nag-stretch muna ako saka pumwesto. Kasabay ng tugtog ay siya ring pag-galaw ng katawan ko.

Ilang minuto lang ay natapos na ako. Nagpalakpakan naman ang limang kasama ko.

"Bravo, Hannah!" Puri ni Kuya Zachary sa akin.

"Kung lalaki lang ako baka niligawan na kita sa sobrang sexy mo, Hannah." Singit ni Jessie.

Nakatikim naman siya ng pitik kay Paulo kaya napangiti nalang ako.

"But I want you to replace this step. To this." Sabi niya sabay pakita ng step na babaguhin ko.

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Pinaulit niya 'yon sa akin habang nakatingin siya sa salamin.

He doesn't look satisfied kaya naman pumunta siya sa likuran ko at pinalandas ang kamay niya sa beywang ko.

Iginaya niya patagilid ang beywang ko at itinaas pa ng bahagya ang kamay ko.

Habang nakahawak siya sakin ay bigla kaming nakarinig ng kalabog sa kabilang kwarto.

Napalabas kami ng wala sa oras at tinignan ang kabilang kwarto.

Pagbukas ng pinto at gulong upuan ang nakita namin pero walang tao ni-isa.

Ang weird lang dahil may kumalabog pero walang tao? Ano 'yon, maligno?

Nang wala naman kaming makita ay bumalik ulit kami sa practice room at nagpalit ng damit.

It's now 12:30 on the afternoon. Napagisipan naming mag picnic nalang.

We want a relaxing and cozy place kaya naman sa 'The Garden Ciudad de Victoria' kami nagpunta.

Pagkarating palang namin ay nagsisiunahan na kaming bumaba ng sasakyan. Humanap pa kami ng magandang spot para na rin sa pictorial namin.

Dala naman ni Bellamy, Paulo at Kuya Zachary ang mga pagkaing binili namin.

Pagkalatag namin ay nagkanyang upo na kami saka kumuha ng pagkain.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza at lasagna.

Si Bellamy naman ay nabilaukan pa sa pagmamadaling kumain.

Hinampas naman siya ni Mary sa likod ng pagkalakas-lakas. Hindi tuloy namin maiwasan na magbungisngisan.

Masama naman ang tingin niya kay Mary dahil roon. Habang busy kami sa pagkain may batang lalaki ang nadapa sa harapan ko at biglang umiyak.

Nataranta ako sa pag-iyak nito kaya naman pinuntahan ko ito.

"Hey baby. Are you okay? Where's your parents?" I asked.

Napabaling siya sakin ng tingin saka tumahan sa pag-iyak.

"M-mommy" Sabi niya sakin kaya naman napakunot ang noo ko sa kanya.

"Baby I'm not your Mommy." Sabi ko saka pinunasa ang mumunting luha niya.

Napaiyak ulit ito sa sinabi ko. Wala akong nagawa kung hindi yakapin siya.

"O-okay, I'm your mommy. So stop crying na baby." Napilitan kong sabi saka bumitaw sa yakap.

Unti-unti naman itong tumahan at ang malungkot niyang mukha ay napalitan ng saya.

Bagay na gustong-gusto ko makita sa mga bata. I love kids especially babies they're cute and adorable.

"Where's your daddy?" I asked him again.

Humawak naman siya sa kamay ko at hinatak ako.

Napatingin ako sa lima na masayang nagk-kwentuhan. Mukha namang hindi nila ako napansin kaya naman nagpahatak na ako sa bulinggit na ito.

"My daddy's over there. I think he's now worried about me." He said habang nakatingin sa isang spot malapit sa amin.

Hanep ang batang ito kung, makapag-english wagas. Magkaka-nosebleed ata ako ng wala sa oras. Hays!

Habang naglalakad kami may nakita akong lalaki at may kausap na tatlo pang lalaki. Kahit nakatalikod ay napakakisig pa rin ng pangangatawan nito.

Wari ko'y ang tatlo niyang kausap ay bodyguards, naka-all black kasi at may earpiece pa sa kanilang mga tenga.

Bigla naman tumakbo ang batang hawak ko patungo sa gawi ng mga lalaki.

"Tito Daddy!" Sigaw niya at nagmamadaling tumakbo.

Napatingin naman ang lalaking nakatalikod kanina.

Napaka-gwapo ng mukha as in GWAPO! His pointed nose, heart-shape lips and his cold stares ay nakapukaw ng atensyon ko.

Wait! parang may kamukha siya. Inaalala ko pa ang mukha niya ng bigla itong magsalita.

"Ethan! Where the hell are you from?!" Sigaw niya sa bata. Nakita ko naman napayuko ito dahil sa pagsuway sa kanya.

"Ah mister. 'Wag niyo sanang sigawan ang bata, he's too young for your bullshit words." Walang gana kong singit sa kanya.

"And who the h-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa akin.

Nakita ko pa ang panandaliang gulat sa kanyang mukha pero agad ring napalitan ng walang emosyon.

"Tito Daddy, she's my Mommy." Sabi ni Ethan sa lalaking 'to.

Napatingin naman siya kay Ethan at bahagyang ngumiti.

"Yes she is, and I'm her husband." Biglang sabi niya at ngumisi habang nakatingin sa akin.

Napamaang naman ako sa sinabi niya. Daheck?! Kailan pa ako nagkaroon ng asawa?

"Duh. Probably you aren't my husband. Hindi pa nga ako nakakasal tapos may Asawa na agad ako?" Inis kong sabi sa kanya.

Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi niya na kalaunay ngumisi din.

"Then let's get married, My Ballerina."

__________________________
Chapter 3 done!!