Browse stories

Good Luck Charm

Language: fil

Josh is a happy-go-luck omega who has only known his mother's overprotective love in his 18 years of existence. Now that his mom has remarried, he is suddenly exposed to a world full of perverted alphas, scheming relatives, and fake friends. It was a good thing that he found the cinnamon smelling Atty. Del Mirasol who seems to find his vanilla scent as irresistible as he is. SPG WARNING: R18 Reader discretion is advised. This is borderline YAOI and contains graphic sexual scenes. DO NOT READ if you find this content offensive. TRIGGER WARNING: self-degradation, assault, molestation.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Goodluck Charm Author's Note:

ISANG PAALALA

Ang kuwento po na ito ay para lamang sa mga mambabasa na nasa sapat nang gulang.
Strictly for MATURE readers only, ages 18 and above due to erotic content.

Ito po ay KATHANG ISIP lamang.
I can not stress enough that in the story's genre - the omegaverse theme, and the timeline in the future, ay tanggap na ang mga ganito'ng sitwasyon at uri ng relasyon.
Sa KATHANG ISIP na ito, an omega can get into relationships and even get married as soon as they start their estrus period which is when they hit puberty which starts from 9 years old onward.
This does not, in any way, promote pedophelia, grooming, or child abuse in the real world.
(also take note, 18-19 na po si Josh, they are both willing adults).

Personally, naniniwala ako na hindi tamang magkarelasyon ang mga estudyante during grade school and high school. Importante ang pag-aaral, at `di hamak na mas tatagal pa ang kaalaman na matututunan ninyo sa panahong ito, kumpara sa mga relasyong nagsisimula rito.
Tandaan, ito po ay kathang isip lamang, work of fiction sa mundo ng mga alpha at omega na 'hindi kayang pigilan ang tawag ng laman' tuwing tinatamaan sila ng ‘rut’ dahil sa ‘estrus’.

Please be guided accordingly.

inyo'ng inyo,

- ako

Chapter 2

The Origin of Secondary Genders

Survival of the fittest.
`Yan ang batas ng mundo.
Kaya nang kumalat ang COVID19 noong 20XX ay sadyang maraming tao ang nawala rito. Nang una, ang dahilan ay kapabayaan, dahil dito, mabilis na kumalat ang sakit sa iba't-ibang mga bansa, at huli na nang ideklara ito’ng pandemya.
Pero hindi lang ito ang mitsa nang lahat. Malaking bahagi rin ng mga nagkasakit ay nahawa dahil sa kamangmangan.
Ayaw maniwala ng karamihan na lubhang mapanganib at mabilis makahawa ang naturang sakit, at sa halip ay ipinagpatuloy lang ang kanilang mga kapritso. Dahil dito ay tuluyang kumalat ang virus at nagkaroon ng 'New Normal' sa buong mundo. Ngunit hindi rito nagtapos ang delubyo.
Matapos makapaglabas ang Estados Unidos at European Union ng vaccine para sa COVID19 strain, ay agad naglabasan ang mga tao. Sa sobrang sabik, kinalimutan nila ang lahat ng paalala ng mga dalubhasa, at muling namuhay nang gaya ng dati.
Parties, social gatherings, group sex.
They felt that they were once again, invulnerable.
Until a new strain came out in 20XX and wiped out more than half of what was left of humanity.
It was airborne, was deadlier to women, and most of the grown men who contacted the disease and lived, were rendered impotent due to the high fever that came with it.
Lalong lumiit ang bilang ng mga tao sa mundo, habang ang kalikasan naman ay nabigyang panahon para huminga at maghilom.
Finally, 15 years after 'Darwin's Cleansing', na-eradicate din nang tuluyan ang sakit sa tulong ng naimbentong vaccine ng isang Filipino biologist na mula sa DNA ng isang species ng Moray Eel na immune sa lahat ng uri ng COVID.
Pero na tuto na ang mundo.
Higit sampung taon namuhay nang may takot at wala halos contact ang mga tao, liban sa mga kapamilya at mga kaibigan na kasama nila sa kani-kanilang Quarantine Clusters. Dahil dito ay ayaw na nilang makihalubilo nang basta-basta sa iba, kahit pa kinakailangang magparami muli ang kumunidad.
At paano?
Kung iilan na lang ang mga babae sa mundo, at karamihan sa mga kalalakihan na nagkasakit ay nabaog?
Dahil dito ay naging mahigpit ang mga Clusters sa mga female members ng kanilang community. They were viewed as ‘treasures’ and treated like queens. Kakaunti rin lang sa kalalakihan ang may sex drive, at ang ibang mga lalaking hindi tinamaan ng pandemic ay masyado pang bata para maging sexually active.
Noon nagsimulang lumabas ang mga tao na may ‘Alternate’ o ‘Secondary Genders’.
Young males who reach their adolescence, showed signs of aggression towards other males.
At first, they thought it was only part of puberty.
Until the males started to get pregnant.


The ‘Alternate’ or ‘Secondary Genders’

Ang mga kalalakihan ay nagkakaroon ng pangalawang kasarian o 'Secondary Genders' pagtungtong nila sa puberty.
Maaari ito’ng maging 'alpha', 'beta', o 'omega'.
Ang mga alpha ang nasa tuktok ng tatsulok at kilala sa mas malaki nilang pangangatawan at kakaibang katalinuhan.
Ang mga beta ay mga ordinaryong lalaki na may pangkaraniwang kakayahan.
Ang mga omega naman ay mga kalalakihan na may pisikal na katangian ng mga babae. Mas ‘petite’ ang kanilang pangangatawan, mas mahina kumpara sa mga alpha, at higit sa lahat, ay may kakayahan din sila’ng mabuntis at manganak na tulad ng mga babae.
Ang mga omega ay may ‘heat cycle’. Nagpapakawala sila ng kakaibang amoy o ‘pheromones’ tuwing kabuwanan ng kanilang ‘heat’ o ‘estrus’.
Ang ‘pheromones’ na pinakakawala ng mga omega sa kanilang ‘heat’ ay nakakaapekto sa mga alpha. Maari sila’ng magwala o mag ‘rut’ na mistulang mga hayop na hayok sa laman tuwing nakakaamoy nito.
Dahil dito ay maraming mga omega ang namomolestya. Ito rin ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ng karamihan sa kanila, bagamat malaki ang itinulong ng mga omega sa muling pagbangon ng mundo, lalo na sa pagpaparami ng populasyon ng mga tao.
Sa kasamaang palad, tinatrato sila bilang mga paanakan lamang ng mga mapagmataas na mga alpha, kahit pa halos tatlong dekada na ang nakalipas mula nang lumabas ang unang mga alpha at omega sa mundo.
Kinailangan pang gumawa ng mga batas ang gobyerno para maprotektahan ang karapatan ng mga omega, ngunit hindi sapat ang mga ito. Patuloy pa rin sila’ng nakikipaglaban upang makamit ang pantay na pagtrato para sa lahat ng tao, mapa babae, alpha, beta, o omega man.
Dito nagmumula ang ating kuwento...

Chapter 3

Chapter 1

Sabi ni Mama, pinanganak daw ako’ng swerte, kasi, ipinanganak ako sa year of the Dragon. Full moon pa raw nang gabing `yun, at may dalang white flower in full bloom ang papa ko nang pinuntahan n’ya kami sa ospital.
Pero matapos manganak ni Mama, hindi na raw sila nagkita ni papa, kasi nalaman n’ya na kasal na pala si papa sa iba. Umuwi kami ng probinsiya noon nang hindi nagpaalam sa kan’ya.
“Alam mo ba, napaka-swerte talaga ng baby ko, kung hindi ka pinanganak nang gabing `yon, hindi `ko mabibisto na may asawa pala papa mo! Kung sakali, hanggang ngayon, niloloko n’ya pa rin ako!” madalas ikuwento `yan sa `kin ni Mama nang 5 years old na `ko.
“Bakit po may ibang asawa si papa?” tanong ko minsan nang malaki-laki na ako. ”Bakit ka po niya niligawan kung kasal na siya?”
“Kasi wala raw siya’ng anak sa asawa n’ya,” sagot ni Mama. “Kaya nga napaka-swerte talaga nang ipinanganak kita.”
Sa lahat nga ng bagay, lagi kaming swerte.
Nanghiram si Mama ng kaunting puhunan sa lolo ko sa probinsya at naglako kami ng mga panahi tuwing hapon. Lagi n’ya ko’ng kasama, matapos ang klase ko sa umaga. Ako ang living mannequin n’ya, ako rin ang tagaalok at ang tagasigaw n’ya ng paninda.
Tuwang-tuwa ang mga suki namin dahil ang cute-cute ko raw, mestizo’ng-mestizo, blondie na, blue pa ang mga mata, mana kay papa ko na Australiano. Mapa damit panglalaki o pambabae man, lahat bumabagay sa `kin!
Nang makaipon kami nang konti, naki-hati naman si Mama ng puweto sa kumare n’ya sa palengke, at nang malaki-laki na ang kita namin, bumili naman siya ng dalawa pang high-speed na makina at umupa ng mananahi.
“Kita mo, anak, napaka swerte mo talaga!” lagi n’ya’ng sinasabi sa `kin, “`Di magtatagal, magkaka-fashion line na tayo, at magkakaroon tayo ng mga branches sa buong mundo!” Niyakap n’ya `ko ng mahigpit at pinaghahalikan, “Ikaw talaga ang good luck charm ko!”
Talagang mahal na mahal ako ni Mama, at mahal na mahal ko rin siya. Sa lahat ng bagay, magkasangga kami, sa lahat ng problema, magkasama.
`Di nagtagal, nadagdagan pa ang mga makina namin at mananahi, nakapag-ipon kami ng sapat at nakabalik sa Manila. Nakakuha si Mama ng pwesto sa mall at nagbukas kami ng ’Pilapil Clothes Line’ for young men and women na agad sumikat dahil sa ganda ng mga designs n’ya.
“Ms. Pilapil, ang gaganda talaga ng mga design ninyo!” bukambibig ng mga suki namin, “At napaka pogi pa ng model mo, tisoy na tisoy!”
“Naku, eto ang goodluck charm ko!” pagmamalaki ni Mama na paborito ako’ng kurutin sa pisngi at paghahalikan, “Kung hindi dahil sa kan’ya, `di ako aabot dito ngayon!”
“Alpha po ba ang anak ninyo?”
Ito naman lagi ang tanong nila tuwing nakikita ako.
“Hindi!” sagot ni Mama, “Omega ang anak ko, napaka swerte! Kaya n’yang magbuntis at magluwal ng buhay!”
Tama, isa ako’ng omega.
Hindi ko nga maintindihan, kung bakit `pag sinasabi ni Mama na omega ako, natatahimik ang mga kausap n’ya. Minsan, may nagsabi pa sa `kin na kawawa daw ako sa mga alpha? Ewan ko nga ba kung bakit.
Mababait naman ang mga alpha na kilala ko, tulad ng Kuya Chris ko sa probinsya na lagi ako’ng binibigyan ng candy `pag bumibisita kami sa kanila. Pati na rin si Mr. Esguera na may ari ng apartment namin dati na lagi ako’ng pinapahiram ng bisikleta ng anak n’ya. Mababait rin ang mga nakikilala ko’ng alpha na suppliers ni Mama sa patahian namin.
Wala rin naman ako’ng problema sa pagiging omega ko. Binibilhan ako lagi ni Mama ng mga gamot at sinisigurado na iniinom ko `to nang maayos at sa oras araw-araw. Lagi rin n’ya ako’ng hinahatid at sinusundo sa school ko na pang-omega lang. Ganyan ako kamahal ni Mama kaya alagang-alaga ako sa kan’ya, ako kasi ang goodluck charm n’ya.
Pero, parang nagbago ang lahat mula nang makilala namin si Mr. Diaz noong senior high ako.

“Josh, anak, I want you to meet my soon to be partner, Mr. Diaz, balak n’ya’ng makipag merge sa atin.”
“Merge? Siya po ba ang may-ari ng Diaz Accessories?”
Nabanggit nga ni Mama dati `yung tungkol sa business opportunity na inalok ni Mr. Diaz sa kan’ya.
“Oo, anak,” inakbayan ako ni Mama. “Pero from now on, hindi lang kami magiging basta business partners lang.”
Tumingin siya kay Mr. Diaz na ngumiti at umakbay din sa `kin.
“Josh, gusto mo ba’ng magkaroon ng Daddy?” tanong n’ya.
“Po?” napaisip ako sandali. “Hindi naman po namin kailangan ng Daddy, kaya po namin ni Mama mag-isa. Bakit?” tumingin ako kay Mama. “May nag-aalok po ba?”
Natameme si Mr. Diaz at natawa naman si Mama.
“Ako sana...” bulong ni Mr. Diaz.
”Wow, Mama, may nagkamali?!” biro ko.
”`Oy, ikaw, bata ka, ha? Umayos ka!” pinanlakihan n’ya `ko ng mata.
Kinasal sila three months later.
Engrande! Si Mama pa mismo ang nagdesign ng wedding dress n’ya, pati na rin ng buong entourage! First time ko `yun makita siya’ng ganoon kaganda! Dati kasi, kahit magaganda ang mga tahi n’ya, bihira siya’ng mag-ayos, dahil natural naman ang beauty n’ya.
Napaka saya n’ya talaga noon!
Masaya rin ako, s’yempre, for 18 years, dalawa lang kaming magkasama ni Mama, ngayon, may Daddy na ko, at may dalawa pa’ng bagong Kuya, at sinama pa nila kami sa kanilang mansion!

“Dito ang kuwarto mo. Katabi mo ang kuwarto nina Kuya Edwin at Kuya Edward mo. Pareho na sila’ng nasa college, madalas sila’ng busy, kaya `wag ka’ng mag-iingay masyado,” sabi ng bago ko’ng Daddy na may pagka-strikto. “And since omega ka at pareho’ng alpha ang mga anak ko, kinakailangan na lagi kang umiinom ng gamot mo. Maliwanag ba?”
“Opo Daddy,” tumatango ko’ng sagot.
“Kailangan din may dala ka laging suppressant injection for emergencies,” dagdag pa n’ya.
“Opo Daddy,” sagot ko `uli, nakangiti.
“Now, since marami kaming kailangang ayusin ng mama mo, madalas kaming wala sa bahay,” patuloy n’ya, “you can do whateve you want and go anywhere, basta `wag lang sa kuwarto ng mga Kuya mo, maliwanag ba?”
“Okay po Daddy.”
“`Pag may kailangan ka, tumawag ka lang sa isa sa mga maids, okay?”
“Okay!”
“O, handa ka na ba, dear?” tawag ni Mama na lumabas mula sa room nila. Bihis na bihis s’ya at ang bango-bango pa!
“Handa na, nasabihan ko na rin si Josh tungkol sa house rules.”
“Ok, anak, mag-ingat ka, ha, mula ngayon, si manong Johnny na ang mag d-drive sayo sa school.” Niyakap n’ya `ko nang may panggigigil at hinalikan ng ilang ulit sa mukha.
“Mama, naman! Lipstick mo!”
“`Wag kang aalis nang wala si manong Johnny, ha?” pinunasan n’ya ang mga iniwan n’yang marka.
“Okay po, Mama,” niyakap ko rin siya at hinalikan pabalik, ”Ingat po kayo ni Daddy!” Humalik din ako sa pisngi ng bago ko’ng Daddy bago sila umalis.
”Sige, mauna na kami.”