Browse stories

WOUNDED SOUL

Language: fil

Never in her wildest dreams that someone will actually love her. After that incident with her mom, she thought she will never be loved again. But Chase Winter Smith came , who's always there for her . To support and to be saved by him. Being with Chase was too good to be true . And that was why, her happiness didn't last . She was abandoned again. She's wounded again. Chase didn't let her explain , and just assumed everything . She thought being abandoned by Chase was the worst part. But she was wrong, until she found out her father's SECRET. A secret that wounded her…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

A/N
Kindly let me know po kung may Mali po ako, para maitama ko po ito.
Thank you, enjoy reading.

DISCLAIMER :This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
















Kring....

"OK class dismissed." professor Abigail in math.

"And you Miss Taylor, follow me to the office." napatingin ako sa prof.namin.
Bigla akong kinabahan.

This is the first time na ipinatawag ako.At siguro tungkol ito sa ilang araw akong absent at may na miss akong presentations dahil hindi ako nakapasok sa mismong dapat magpipresent na ako. Naala ko tuloy kung bakit hindi ako nakapasok noong araw na iyon.


Flashback~~~

"Tita kailangan ko po talaga na pumasok mamaya nalang po ako maglilinis "pakiusap ko sa kanya.

" No maglinis ka ng buong bahay at mag luto. Darating ang mga bisita ko mamaya. - Tita mildred.

"Eh Tita importante po talaga na makapasok po ak--"pak"

"Sumasagot kana ngayon ha?" Tumabingi ang mukha ko at napaupo sa sahig sa sobrang lakas ng sampal niya. Napaluha nalang ako dahil wala akong magawa.

"Umayos ka kung ayaw mo na madagdagan iyang pasa mo. Maglinis kana at magluto, wag na wag mong susubukan umalis kundi malilintikan ka talaga sakin." nanggagalaiti niyang sabi bago ako tinalikuran at umalis.

Dahan-dahan akong tumayo, habang hawak ang nasaktang pisngi. At bumalik muna sa aking kwarto at nagbihis dahil nakauniporme na ako. Palabas na dapat ako sana kanina papuntang school ng hinarang niya ako sa pintuan.

At sinabi na wag daw muna pumasok ngayon at dadating ang mga bisita niya. Pagkatapos kung magbihis ay nagsimula na akong maglinis at pagkatapos ay sinimulan ko na din na magluto, 11am na pala.

Siguradong tapos na silang mag report sa class, *sigh*napabuntong hininga nalang ako dahil panigurado na babagsak ako nito. Terror pa naman ang prof.namin na iyon. Pagkatapos kong magluto at pagsilbihan ang mga bisita niya ay paalis na sana ako pabalik sa kusina ng..

"Wala ba kayong maid dito?" Isa sa apat na bisita ni Tita Mildred.

"Naku hindi na kailangan, eh anong silbi niyan, sayang ang ipapasweldo." Sabi ni Tita Mildred habang umiiling - iling pa.

"Mabuti at hindi nagagalit ang asawa mo na pingtatrabaho mo iyang anak niya?" nadidinig ko pa din sila kahit nasa kusina na ako. Sa lakas ba naman ng boses napapaikot nalang ako ng mata.

" Eh wala din naman ng pakialam yun sa batang yan, atsaka next week pa ang uwi noon." tita Mildred.

Gusto ko Sana pumasok kaso naka lock ang gate, ni lock niya yun pagkabukas niya ng gate kanina at papasukin ang kanyang mga bisita. Kaya minabuti ko nalang magpahinga muna sa aking kwarto dito sa maids quarter. At niyakap ang picture ni mommy.


~~~~~

"Ms. Taylor, Ano tutunganga ka nalang diyan?! "dinig kong Sabi ni prof. Abigail Santos na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa kanyang teachers office.


"I'm sorry po prof."paumanhin ko at lumapit na ako.

"Maupo ka Ms. Taylor." inilahad nito ang kamay sa upuan na nasa harap niya. "Alam mo naman na siguro kung bakit ka nandito? "pagpatutloy nito habang ako'y nakayukong nakaupo.

" Yes po prof. " sagot ko habang nakayuko parin. Ayaw ko naman na mag dahilan dahil siguradong mas lalo lang siyang magagalit.

"Hindi ko alam kung iniiwasan mo lang magprisent o ano dahil tatlong araw ka din na hindi pumasok, bakit? You are one of the outstanding student in your class, but you disappointed me." Sabi niya habang umiiling-iling pa.

" I'm sorry po, hindi na po mauulit. Bigyan niyo pa po ako ng isang chance babawi po ako." Sabi ko habang nakikiusap at pinagsiklop ko pa aking kamay.

" Bumawi ka nalang sa susunod na sem Ms.Taylor.You can go now."saad nito

" Prof."tawag ko.
" -out Ms. Taylor"putol niya sa dapat na sasabihin ko.
"Sorry po talaga" sabi ko bago lulugo-lugong lumabas.

" Ouch-" napaupo ako sa sobrang lakas ng pagkakabunggo sakin. Ang sakit ng pwet ko. Tiningala ko kung sino nakabunggo sakin.

"Opps, may tao pala. Akala ko basura, hahaha." Sabi nito at sabay tawa kasama ng mga alagad niya.

"Stephanie ano na naman ang problema mo?" Naiinis na sabi ko habang tumatayo. Ang sakit ng pweet ko.

" Nothing" patawa-tawang sabi nito.
"Let's go girls"aya niya sa tatlong alipores niya.

That girl,nakakagigil talaga ako. Umalis nalang din ako at nagpatuloy sa canteen.

" Girl dito.. " kumakaway na tawag sakin ng bestfriend ko.

Samantha Rodriguez, ang nag-iisa kung kaibigan dito sa campus. Natuwa naman ako at meron ng pagkain na naka prepared sa mesa, gutom na talaga ako. Dahil maaga talaga akong umalis sa bahay pagkatapos kung maghanda ng almusal nila, para hindi na maabutan ni Tita Mildred .

" Wow ang dami namang food nito," Sabi ko habang umuupo na dahil ang dami niyang binili.

"Ano kaba it's just a fried chicken at spaghetti tsaka itong adobong chicken and pork si mommy nagluto niyan pinabaunan niya na ako kanina. "sabi niya habang kumukuha na din ng pagkain.

" Naku pakisabi kay Tita thank you, na miss ko ang luto niya. "Sabi ko habang sumusubo ng ulam.

"Bakit kasi ayaw mong pumunta sa bahay eh, na miss ka din ni mommy noh, palagi ka nga niyang tinatanong sakin. Ang totoo, ikaw ba ang anak
o ako?"nakangusong anito.

" Tsk, hindi ka pa nasanay kay Tita. Na miss lang ako noon, atsaka araw - araw naman kayong nagkikita ah. " natatawang ani ko.

"Eh ikaw kumusta, tatlong araw ka din na di pumasok. Hindi mo pa sinasagot ang tawag ko." nag-aalalang tanong niya.


Alam niya kasi kung anong kalagayan ko sa bahay. We're best friends since we can remember,elementary hanggang ngayon na college na kami. Tatlo kami, ang kaso wala dito ang isa dahil nag migrate na sa Canada Si Elizabeth. Kasama ang pamilya niya.

"Im fine best don't worry. Pasensya na at di ko nasagot ang tawag mo. Tita mildred confiscated my phone."
nakangiwing sagot ko sa kanya.

"May ginawa na naman ba sila sayo?
Anong nangyare, ayos ka lang ba.Naku iyang madrasta mo talaga, ayos kalang ba? " nag - aalalang tanong nito at hinawakan ang kamay ko.

"Ayos lang ako, ano ka ba. Tsaka hindi kana nasanay. She always do that para hindi ako makapagsumbong kay daddy. As if naman maniniwala pa yun sakin." sagot ko habang kumuha ng tissue at nagpunas ng labi.

"Best, bakit kasi nagtitiis ka pa sa kanila, pwede ka naman na tumira sa bahay eh, mas pabor yun sakin kasi pa lagi na tayong magkasama." tuwang - tuwa niyang saad.

"Tsaka, sigurado na matutuwa si mommy noon. Hindi na naman umuuwi sa bahay si kuya Samuel eh. Sa condo na siya umuwi ngayon dahil mas malapit sa company. Kaya make-up your mind na para maayos na natin ang kwarto mo, or better yet. Doon kana lang sa kwarto ko tabi nalang tayo. "kinikilig pa niyang sabi.

" You know that I can't. " Saad ko habang nagliligpit ng pinagkainan namin.

" Yeah, because of your mom. And of course your dad na parang wala ng pakialam sayo simula noong nawala si Tita. "napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya.

I just sigh dahil ganoon na nga ang naging trato sakin ni daddy simula ng mawala si mommy.Parang hindi na ako nag-eexist kahit sa isang bahay lang kami nakatira, because of that accident.

Namuo ang agad ang luha sa aking mga mata.

"I'm sorry, I didn't mean to mention it. Let's go na at magtatime na din." natapos na pala siyang magligpit. Dahil sa pakakatulala ko ay nagpahila nalang ako sa kanya.

"Oh paano ba yan, kita nalang tayo mamaya sa next subject natin." aniya at nagpaalam na.

Magkaiba kami ng kurso kaya sa ibang subject lang kami magkaklase.BS management ang kinuha ko, samantalang si Samantha ay Architecture. Pumasok na ako sa room at mayamaya lang ay dumating na ang prof. At nagsimula ng mag klase.

Sa second subject ay magkasama na Kami ni Samantha, at napapailing nalang ako kapag inirapan niya si Stephanie.

Well kung naitatanong niyo, magkaklase lang naman kami dahil parehas lang naman ang Curse na kinuha namin. Pagkatapos ng klase ay wala ang susunod na prof kaya maaga kami na pinauwi.

"Come on best, let's go to the coffee shop. Maaga pa naman." aniya habang hinihila ako palabas ng room.

"Best sandali, alam mo namang may trabaho pa ako diba?"hinila ko siya kaya napahinto kami.

" Best maaga pa kaya may time ka pa. Tsaka wag kang mag-alala dahil tinawagan ko si Tita Grace noong hindi ka nakapasok. Sinabi ko lang na nagkasakit ka, tsaka doon nalang din tayo mag kape para maihatid na kita. At para hindi kana din mag-alala na malate ka."Mahabang lintanya niya habang hila-hila parin ako.

" Thank you talaga, your the best best friend. "yinakap ko siya nong malapit na kami sa parking.

Medyo madami ang mga student ngayon dahil may mga prof. na nasa meeting,at nakatingin na sila sa amin ngayon. I'm so thankful na nagkaroon ako ng ganito na bestfriend.

" Best ano ka ba. Baka mamaya niyan isipin nila na ako ang nagpapaiyak sayo." habang hinihiwalay niya ako sa kanya.

"Tsaka magtatampo si Elizabeth.
If she heard you say that. Ha. Ha" natatawa niyang sabi kaya pati tuloy ako ay natawa na rin.

"Oo nga 'no, sigurado na magtatampo yun,imagine her pouting while saying, ang" daya - daya niyo "Hahaha. " natatawa ko ding sabi dahil sigurado na magtatampo iyon, matampuhin pa naman iyon.

" Halika nga, para tayong mga baliw dito, tumatawa at umiiyak" hila niya sakin na pailing-iling papunta sa kotse niya.

Yeah, kotse niya. Siya na may kotse, regalo sa kanya iyan ng parents niya noong first year college kami. Para daw may sasakyan pag maglalakwatsa siya, and me nope.

I have nothing,I didn't receive anything, kasi yung kaisa-isa kong pamilya na akala kong mag mamahal at mag-aaruga sakin ay hindi pamilya ang turing sakin ngayon.Naaalala ko naman kung bakit siya ganoon.

"Best you ok, your crying." nag-aalala niyang sabi.

"I'm Ok

,best don't worry." sagot ko at kinapa ang aking pisngi.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko talaga mapigilan na mapaluha kapag naaalala ang nakaraan.

"You sure." paninigurado niya, dahil alam niya kung ano ang pinagdadaanan ko.

Tulad nga ng sinabi ko we're bestfriend since we can remember and that's includes our own story. We have our motto. "NO SECRETS"dahil kahit sino sa aming magkakaibigan ang may problema. Ay agad naming sinusulosyunan hanggat kaya namin.

" You know that I'm always here for you, right? No matter what happens,just tell me ok. "she's assuring me while holding my hand. I know that she will always be there for me.

" Yeah, thank you. You know I'm always grateful to have you as my best friend, you and Elizabeth. "Sabi ko at ngumiti, ngiting ok talaga ako. Kasi mangungulit na naman iyan siya. At kung saan pa mapunta ang usapan namin.

" You should call Elizabeth, siguradong nag-aalala din yun. Ang lakas pa naman ng pandama noon". Sabi niya at binuntunan pa ng tawa.
"Yeah, maybe later I'll do that. - sagot ko.


" We're here, let's go down na." nandito pala kami sa café.


_GLADYJANE /GJ

Chapter 2

Pagkababa namin ay sabay na kami na pumasok sa Café.

" Tine-tine nandito kana pala, nasabi ni ma'am Grace na nagkasakit ka daw. Kumusta na ang 'yong pakiramdam?" tanong na salubong ni Kuya Jomel ang aming security guard dito sa Café.Napangiti naman ako dito.

" Magaling na po ako at maayos na po ang pakiramdam ko. Pasensya na po kung napag-alala ko po kayo. "magaling na sagot ko.

Parang pamilya na din ang turing ko sa mga kasamahan ko dito sa Café. Kasi atleast sila tinatanong kung ayos lang ako samantalang...

Naku erase - erase.

Bumaling ito sa katabi ko.

" Kasama mo pala si ma'am Samantha, kumusta po kayo ma'am? "magalang na tanong niya Kay Sam.

" Eh, si kuya Jomel talaga. "napakamot ito sa ulo niya.

" Sabi ng 'wag niyo na po akong tawagin na ma'am eh, Sam nalang po. Pero ayos lang naman po ako. "nakanguso niya na sagot.


Nagkatinginan kami ni kuya Jomel at pareho kami na napatawa. Nagpaalam na kami at pumasok na kami sa loob.

" Tine nandito kana, magaling kana ba? "si ate Ina.

Lumapit ito sa amin na may dalang tray. Ngumiti ako dito.
Isa sa mga waiter dito sa Cafési ate Ina. Anim kami dito, tatlo kaming waiter, Isa sa cashier si kuya Jomel, si Tita Grace na kapatid ng mommy ni Samantha. Si Tita Grace din ang gumagawa ng mga deserts and pastries.


" Opo ate Ina, magaling na po ako. Pasensya na po at hindi ako nakapasok nitong nakaraan." sagot ko at alanganing ngumiti.

Kinawayan naman ako ng iba pa namin na kasamahan at kumaway din ako.

"Naku, Ano kaba ayos lang 'yun. Ang mahalaga ayos kana." sagot niya bago nagpaalam at nagserve sa ibang customer.

Umupo na din kami, at kami na mismo ang gumawa ng order namin. Madali lang naman gawin ang cappuccino.

Our favorite,si Sam na kumuha ng cookies ako naman naghanda ng drinks. Pagkatapos ay Umupo na muna kami at nag kwentuhan, may oras pa naman ako bago mag-in.Wala daw si tita Grace lumabas muna at may inasikaso.


Actually siya lang ang nagkwekwento, puro tango lang ako. Partimer lang ako dito 1 year na din. Minsan lang maka pasok, lalo na kung hindi ako pinapayagan na umalis ng bahay. At kung minsan tumatakas lang ako at pagkauwi sa bahay kung hindi naka-lock ang gate ay maswerte na ako.


In this Café makikita mo ang karamihan ay studyante, minsan mas marami company employers dahil malapit lang ito sa nagtataasang company building at 10 minutes away sa school kung lalakarin. Minsan kasi nilalakad ko lang ito dahil na rin sa nagtitipid ako.

Hindi naman kami mahirap, we have our own company, lalo na at nag-iisa lang akong anak. At malapit lang iyon dito, mga 5 minutes away. Pero simula noong nangyari ang accidente na iyun, it's feels like nag-iisa nalang ako. Everything changes.


Mabuti nalang nandyan pa din ang best friend ko. Third year college na kami sa Saint Smith University. Nagsumikap ako para sa sarili ko. Pasalamat na nga lang ako at naipagpatuloy ko pa din ang pag-aaral ko. Yun nalang ang hindi kinuha sa akin kaya nagpupursige ako na makapag tapos man lang.


"Hey, are you still listening?" napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa pagpapalo ni Sam sa braso ko. At nakasimangot siya ng mabalingan ko.


"Oo naman, I'm listening your talking about your house miniature project." sagot ko na nakangiti pa, kahit na hindi ko naintindihan ang iba.

Tiningnan niya lang ako flatly na parang hindi naniniwala. Napailing ito.

" Maybe I should go, puntahan ko lang si kuya Samuel. Babalikan kita mamaya, ha" paalam niya at nagbeso sa akin. Malapit lang din naman ang company nila dito.

Ako naman ay niligpit na ang pinagkainan namin at inilagay sa kusina. Nagpunta na ako sa locker room at nagbihis ng uniform nitong Cafe. Simple lang naman ang uniform namin, a baby blue colored blouse at dark colored mini skirt na above the knee.

At may cute na personalize na mini mouse headband. Pagkatapos kung mag-ayos ay lumabas na din ako. And wear my best smile. Pagkalabas ko ay siya din pagpasok ng grupo ni Stephanie. This is the first time na pumunta sila dito na magkakasama.


Actually si Stephanie second time na dito. Noong una ay, sinugod niya lang naman ako dito sa pag-aakalang inaaagaw ko ang boyfriend niya.Buti nalang at nasa labas na ako ng Café noong time na iyon.

Napapailing nalang ako pagnaaalala yun. Gwapo naman iyong captain ng basketball team sa University pero hindi ko lang talaga type. We made eye contact bago sila tuluyang umupo. Nagpatuloy na ako at nagserve sa ibang table medyo marami ang mga customer ngayon dahil hapon na din at uwian.


"Enjoy your food ma'am, sir." at yumukod ako bago umalis at nagpuntang counter.

"Ikaw na ang kumuha ng order nila," nginuso niya ang grupo nila Stephanie. "Kanina pa ako pa balik-balik doon. Hindi naman sila nag-order eh, ang iingay pa. Tingnan mo nga, pinagtitinginan na sila sa lakas ng tawa nila." si ate Carol at medyo naiinis niyang saad.


"Bakit daw po hindi pa sila umoorder?" tanong ko.

Sa tantya ko kasi 5 minutes na sila na nandyan. At medyo pinagtitinginan na nga sila ng ibang customer at mukha ng naiinis na sa kanila. May hawak silang magazine, yun ang pinag-aagawan nila at kung minsan ay titili pa.

Napailing nalang ako nag paalam na ako at lumapit na sa kanila para kunin ang order nila.


" Ahem, excuse me po mga ma'am, baka gusto niyo na pong mag-order" tanong ko at medyo nilakasan ang boses para marinig nila at nakangiti pa. Natigil naman sila at na patingin sakin.

"Oh, look who's here? The infamous stepsister , you work pala here?"tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at sabay tingin kay Stephanie.


" Seffi, nakita mo nga na nakasuot ng uniform nitong Caf'e, tanga lang? "nakangising sagot ng isa nilang kasama.

Inirapan lang naman nito ang kasama. Kahit medyo natatawa ay pinigilan ko nalang.

" Are you laughing at me bitch? "tanong niyang nakatingin sakin.

" Of course not ma'am, I'm just here to get your order. "sagot ko na nakangiti at inirapan lang ako nito.

" Let's just order first guys, so we can continue. "si Staphanie.

At nagtanguan naman ang iba pa nilang mga kasama.Sinigurado ko muna ang order nila bago umalis.
Pagkatapos kung makuha ang order nila ay ibinigay ko na ito kay ate Carol.

" Mabuti naman at umorder na sila. "natatawa niyang sabi.

Nginitian ko lang ito at hinintay ang order para maiserve ko na. Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na ito at inihatid ko na sa table nila Stephanie.


"Here’s your
order ma'am"habang isa - isang nilalapag ang mga order nila.

"Enjoy your food and I'll be right back with your whole cake." yumukod muna ako bago umalis.

Ewan ko kung ako lang ba, pero parang nagkatinginan silang lima bago ako umalis. Kinuha ko na ang buong cake na inorder nila. Yes, whole cake ewan ko lang kung paano nila ito kakaninin, pero si Seffi ang umorder nito. Kaya medyo kinabahan ako. Parang may hindi magandang mangyayari.

"Here’s your whole cake ma'am. " aniko habang nilalapag ang cake.

Ang sarap pa naman nito, it's my favorite strawberry cake. Pagkatapos ko na mailapag ang cake ay paalis na dapat ako ng may nahulog na kutsarita. Kahit kinakabahan ako dahil si Seffi ang nakahulog noon, ay pinulot ko parin ito.

Yumoko ako at pinulot ko na ang kutsarita ng may maramdam akong malamig sa aking ulo. Kaya sa sobrang gulat ko ay bigla akong napatayo at natabig ko ang Frappuccino ni Stephanie.


"Oh my god, my dress. " at nagsisigaw na ito ako naman ay hindi magkaundaga sa pag so-sorry at kumuha na din ng tissue at tumulong sa pag punas ng dress niya.

Napansin ko na nakingisi lang si Seffi na nakatingin sa nangyayari.

"Get your filthy hands off me!" sigaw niya.


"I just bought this dress, and you ruined it!" galit niyang sabi bago pinulot ang cappuccino na mainit pa sa katabi nito at sinaboy sa akin.

Agad namang akong nakaiwas, at si Seffi ang natamaan na nasa likod ko.Nanlaki ang mga mata nito at nagsisigaw ito dahil tumama ito sa dibdib niya. Magpapasalamat na sana ako dahil nakaiwas ako, pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagharap ko kay Stephanie ay ang cake ang sumalubong sa akin.

Nanggigil itong iningudngod sa akin hanggang sa napaupo ako.Wala akong nagawa dahil sa bigla ko. Nagkakagulo na at doon ko narinig ang boses ni Tita Grace. Wala na akong naintindihan sa nangyare, basta naramdaman ko nalang na may nag alis sa akin doon at inilayo sa café.

Sayang iyong cake. Napatingin ako doon sa loob ng cafe. Nagwawala pa rin si Stephanie at pilit naman itong pinipigilan ng dalawa nitong kasamahan. Si Seffi naman ay nakita ko na umiyak, at sinugod din si Stephanie. Sinabunutan niya ito at umawat na ang iba.

Nakakahiya sa mga customer, nakagulo pa kami. At baka mawalan pa ako nito ng trabaho. Saan na ako hahanap ng trabaho na mame-meet iyong scheduled ko sa school. I tried before pero wala akong nahanap.

Kaya masaya ako ng nireto ako ni Sam sa tita Grace niya. And she is my mom best friend too. Nalaman ko iyon ng minsan itong magkwento sa amin ni Sam. Mabait naman si tita Grace, galante pa. Palagi niya akong dinadalaw dati. Nalaman ko lang kay Sam na nagbukas ito ng café at magretiro bilang guro sa mismong school din namin. Pinili nito na magbake na lang na isa sa mga hobby nito.



"That stepsister of yours, nanggigil na talaga ako sa kanya!" napatingin ako kay Sam  na s'yang humihila pala sa'kin.


_GLADYJANE /GJ

Chapter 3

"That stepsister of yours, dumayo pa talaga siya sa Café para manggulo kasama ang mga alagad niya. At ikaw naman bakit hindi ka lumaban, mabuti nga at bumalik pa ako doon kung hindi tutunganga ka nalang doon habang inaapi ka! " mahabang lintanya niya at nakakuyum ang panga sa inis bago naupo sa tabi ko.


Nakarating na pala kami dito sa condo ni Kuya Samuel ng hindi ko namamalayan. Naramdaman ko nalang ang yakap niya kahit nakatagilid ako.At yumogyog ang kanyang balikat. I look at her sideways at ti-nap ang kanyang likod. My best friend, I know she's just worried. And I'm thankful na dumating talaga siya.


" Ayos lang ako, tsaka sanay na ako sa ganito.Huwag ka nang umiyak,mas inaalala ko baka magalit si Tita Grace sakin at masisante pa ako." nalukungkot kong Sabi.

"Ikaw na nga itong nasaktan, trabaho parin ang iniisip mo. Huwag kang mag-alala kilala mo naman si Tita, siya na ang bahala doon. Mag ayos kana, ipapadaan ko nalang ang gamit mo mamaya Kay kuya sa Café. Baka langgamin ka pa diyan." natatawa ng aniya. At itinayo pa ako at tinulak pa pasok sa banyo.

" Kukuha lang ako ng damit, d'yan ka muna. "paalam niya at umalis na.

Hinubad ko muna ang damit ko, mabuti nalang at sa damit ko lang napunta ang cake. Naghilamos na ako at nilabhan ang damit habang hinihintay na bumalik si Sam.

*knock knock*binuksan ko ng konting siwang ang pinto.

" Ito na damit besh oh, magbihis kana. Natxt ko na din si kuya na daanan ang gamit mo at pauwi na din iyon ." abot niya sa akin ng damit.

"Don't worry akin yan, buti nalang pala at may naiwan ako dito na damit." aniya ng makita akong nagtataka kung saan siya kumuha ng damit.

"Salamat Sam, magbihis lang ako." aniko at tumango lang siya sinarado ko na ang pinto at nagbihis. Isinampay ko muna ang damit ko buti may hanger dito.

Lumabas na ako at nakabutang may kausap sa cellphone si Sam

"Yes kuya, iyon nalang thank you." Sabi niya bago ibinaba ang tawag.

Napabaling naman ito sa akin at agad na ngumiti.

"Halika besh manuod muna tayo, pauwi na iyon si kuya nagpa order na din ako ng pagkain natin" yaya niya sakin bago kami naupo sa sopa at binuksan niya ang t. v.

Nanood muna kami habang naghintay na dumating si kuya Samuel. 6 na dumating si kuya Samuel dala na niya ang gamit ko. Nagpasalamat ako sa kanya at hinanda na namin ni Sam ang pagkain na dala ni Kuya Samuel at maliligo daw mo na siya. Paglabas ni Kuya Samuel ay kumain na Kami at uuwi pa si Sam.

Medyo malayo din ang bahay nila Dito. Actually nasa isang village lang kami naktira pero minsan doon siya umuuwi sa kabilang bahay nila with her grandparents. Pagkatapos namin kumain at magligpit ay napagpasyahan na namin na uuwi na at gabi na din.

"Sigurado ka bang uuwi ka na besh, pwede ka naman na matulog dito kasi uuwi din si kuya sa bahay at byernes ngayon. Bukas ka nalang umuwi." nag-a alala niyang Turan.

"Hindi na besh, ok lang ako kaya ko naman, sanay na ako. Papagalitan lang lang naman ako noon, wag ka nang mag-alala." Saad ko kahit hindi parin siya mukhang kumbinsido.

"Sige sabay na tayo, pero kung magbabago ang isip mo, sabihin mo lang ha?" Dagdag niya bago kami bumaba sa parking doon naghihintay na si kuya Samuel. Nauna kasi siya kanina at may dinaan pa sa lobby.

Umalis na kami at habang nasa byahe ay hinahanda ko na aking sarili para sa mangyayari mamaya sa bahay. Hawak lang ni Sam ang aking kamay at pasulyap-sulyap naman si kuya Samuel sa amin.

22 lang si kuya Samuel at masasabi kung gwapo din siya. Nagka-crush nga ako noong unang kita ko palang sa kanya sa bahay nila noong minsan gumawa kami ng project nila Sam at Elizabeth.

Buong byahe ay napag-usapan namin ni Sam kung anong gagawin namin sa break namin sa susunod na buwan. Inaaya niya akong magbeach o kaya naman bisitahin daw namin si Elizabeth sa Canada.

Kahit na alam kong hindi ako papayagan ay nag-oo parin ako sa kanya. Susubukan ko nalang na magpaalam kay daddy. Pero sa nangyari kanina, siguradong na karating na iyon sa kanya. At maudlot pa ang summer break namin.

Sa dami ng pinagpilian namin kung saan kami pupunta ay na karating na kami sa bahay. 5 blocks away lang naman ay kila Sam sa amin. Si Elizabeth naman ay sa kabilang village. Pero kahit na ganoon ay humahanap kami ng paraan dati para magkita-kita. Minsan kami ni Sam ang pumupunta sa bahay nila, at siya naman minsan sa amin.

Bumaba na ako at nagpasalamat at nagpaalam na din. Kumaway pa ako hanggang sa hindi ko na sila makita bago ako pumasok sa loob ng bahay. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan.

"Halika dito, pinahiya mo ako kanina! " si Stephanie sabay hila sa buhok ko at kinaladkad ako papunta ng sala.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo ha,napaso ang balat ni Seffi dahil sayo." sinasabunutan niya ako. Pero hindi ako lumaban, pinabayaan ko lang siya.

"What's happening here?" narinig kong saad ni dad na pababa ng hagdan. "Ano na naman ang ginawa mo Kristine?" tanong nito sa akin.

Bigla nalang akong binitawan ni Stephanie at nasubsob ako sa sahig at tumama ang tagiliran ko sa gilid ng mesa.Tumakbo siya papunta kay dad, kinwento ang ang nangyari kanina, pero binaliktad niya ang kwento na siya ang may sala at ibinaling lang sa akin.

"Nasa ospital po si Seffi dahil sa kagagawan niya, pati po iyong bagong bili kong dress tinapunan niya po ng kape. Nagkwekwentuhan lang naman kami kanina ng lumapit siya sa table namin." umiiyak niyang sumbong kay daddy.Pero sa akin nakatingin at nakangisi.

"You did that Kristine, to your sister. At dinamay mo pa ang kaibigan nito. Wala ka na ba talagang matinong gagawin?" bulyaw nito sa akin kaya napayuko nalang ako.

I want to reason with him, pero alam ko, hindi niya rin lang ako papakinggan.

"D-dad... I-"

"Shut-up walang ka ng ginawa kundi puro kamalasan, get out of here! "ganyan siya kapag gusto kung magpaliwanag pero hindi niya ako binibigyan ng chance. Tiningnan ko siya na naiiyak baka sakali..

" Get out Kristine, baka ano pa ang magawa ko sa iyo. "Saad niya bago inalo si Stephanie, sinabihan ng
na bibilhan nalang siya nito ng maraming dress.

Napayuko akong pumunta sa aking kwarto sinara ang pinto bago ibinagsak ang aking sarili sa kama. Naiiyak na naman ako, pa lagi nalang akong ganito.Kinuha ko ang picture ni mommy na nakalagay sa ilalim ng aking unan at niyakap ito.

"Mommy, I miss you na po." at napahagulgol nalang ako.

"Naku ang baby ko umiiyak na naman. Gusto mo kantahan ka ni mommy?" tumango ako habang nakatingin sa kanya at nakaupo sa tabi ng aking kama.





"Kung darating man ang umaga, na ika'y mag-iisa. Huwag kang matakot, ako'y narito laman sa tabi mo.

Laging nakaantabay, laging nagmamahal sayo."


Hinaplos - haplos niya ang aking buhok habang kumakanta. Ito ang palagi namin na kina kanta, nagdu-duet pa kaming dalawa.Ang sarap talaga pakinggan ang boses ng taong mahal mo.





Nakatulog ako na 'yon ang pinapakinggan. And I really miss my mom so much. Wish she'd be here with me, hugging me amd telling me that everything will be alright.











GLADYJANE /GJ