Browse stories

H A R A Y A (Pain Series #1)

Language: fil

Ashianna did everything for her crush even though he doesn’t like her. She’s the one who court him, who always stalking him and everything that a boy should do to a girl because she’s so obsessed with him. It was her first time feeling that kind of impression towards a man. Even if her friends, Shea and Kiah, always reminding her to not get so obsessed over such thing, she can’t help it but to fall deeper with his ultimate crush. Her reason is that, she’s been captivated by his eyes after meeting him for the first time. Davidus on the other hand, was not agree of seeing her childhood…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

June 10, 2020

NAAALALA mo pa ba?

Ngayon ay araw ng Miyerkules, Hunyo 10, 2020. Ngayong gabi gaganapin ang kauna-unahan kong pagdalo sa tinatawag nilang malaking event na kadalasang ipinagdiriwang ng mga estudyanteng kagaya ko, ang Highschool Night Celebration.

Kasama ko si mama ngayon papunta sa covered court namin, doon kasi napagdesisyunan ng mga SSG officers na magdiwang ng HSC. Suot ko lamang ang aking kulay dilaw na fit na t-shirt at nakamaong pants.

Kahit naman kasali ako sa The Beans, hindi ko pa rin talaga kayang magsuot ng mga bestida. Ang The Beans ay ang lugar para sa isang katulad kong manunulat. Dito namin ipinapasa ang mga articles na ginawa namin. Kami rin ang nagpapaalam sa mga kapwa namin estudyante kung ano na ang mga nagaganap sa loob ng campus. Sports Editor ang position ko roon, ayon din sa napag-usapan namin kanina sa SSG office, kailangan daw na nakabestida kaming lahat.

Hindi ko nagawa ang pangako ko sa kanila. Wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na kami sa court ni mama. Kasalukuyan pa'ring naghahanda ang mga estudyante at naglilibut-libot sa mga perya. Naalala ko nga palang malapit na rin ang fiesta rito sa amin. Pinagmamasdan ko lang sila habang nakasunod ako sa likod ni mama. Nahihiya rin ako sa mga kasama kong officers din dahil ang ilan sa kanila ay nakasuot ng magagandang dress habang ako ay hindi.

Ngumingiti na lamang sila sa'kin kaya mas lalo akong napayuko. Nagtaka naman ako dahil lumampas kami sa court kaya tinanong ko si mama kung saan siya pupunta. Natigilan na lamang ako nang may makitang pamilyar na tao.

Nakaupo siya sa baba ng river gangplank malapit sa kinatatayuan namin ni mama. Railings naman ang nasa likod niya at sa baba namin ay isang ilog. Nakasuot siya ng kulay abong damit at nakaitim na maong pants habang nakayuko at nakatingin sa pula niyang sapatos. Walang pagbabago. Siya pa rin ang lalaking iyon na minsan ko nang hinayaang sakupin ang puso ko.

Pilit ko mang iwasang hindi siya sulyapan ay hindi ko magawa. Para niya akong namagnet, kahit pilitin kong diretso lang ang tingin ko ay hindi ko mapigilang hindi siya titigan.

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib na kanina pa nagwawala. Unti-unti na rin akong nakaramdam ng kaba. Napapikit ako sa inis. Hindi ko na dapat siya sinulyapan. Bakit kahit malayo siya ay kilalang-kilala ko pa rin siya?

Marahil ay tama nga ang sinasabi nila. Kapag kilala mo o mahalaga sayo ang isang tao, kahit gaano pa karami ang mga taong makikita mo sa iisang lugar, makikita at makikilala mo pa rin ang taong iyon na naging parte na ng iyong buhay.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ilang beses ko na bang sinabi ngayong taon na nakamove-on na ako sa kanya? Ilang beses ko na bang niloko ang sarili kong wala na akong nararamdaman sa kanya?

Nagkamali ako.

Hindi pala ganoon kadali ang lahat.

Dahil simula ng mga araw na hindi ko na siya nakikita. Habang tumatagal, akala ko mababawasan ang nararamdaman ko.

Nagkamali ako.

Akala ko magiging masaya ako at makakalimutan ko na siya dahil ginawa niya ang bagay na iyon. Niloloko ko lang pala ang sarili ko. At napatunayan ko ito ngayong gabi.

Habang pinagmamasdan ko siyang nakayuko at nakatingin sa kanyang pulang sapatos. Habang papalapit nang papalapit na kami sa gawi niya. Hindi pa rin naaawat ang puso ko sa pagkabog ng sobrang bilis.

Walang saysay ang lahat ng panloloko ko sa aking sarili.

Nagkamali ako.

Dahil sa halip na makalimutan ko siya ay mas lalo ko lang siyang minahal.

Nagkamali ako.

Dahil akala ko ay wala na akong nararamdaman para sa kanya. Mali na naman ako. Hindi ko akalaing masisira ang mga plano ko. Akala ko ba ay handa na akong makita siyang muli? Na ayos lang sa'kin kahit hindi ko na siya nasisilayan sa bawat sandali?

Limang buwan na ang nakalipas simula nang huli ko siyang makita. Ngunit hanggang ngayon...bakit mahal ko parin siya? At mas lalo ko pang minamahal?

Napahinto na lamang ako at tiningnan siya. Hindi naman siya makagalaw at nanatiling nakatingin sa sapatos niya. Alam ko. Ramdam kong naramdaman niya rin ang presensya ko. Ngunit kagaya ng dati, balewala pa rin ito sa kanya. Hindi siya umangat ng tingin.

Naikuyom ko ang aking palad.

Nasa harapan ko na siya pero wala pa rin siyang balak na gumalaw. Napakagat na lamang ako ng aking labi. Tanggap ko na rin naman hindi ba? Bakit ba napaka assuming ko?

"Ashianna..."

Napatingin naman ako kay mama nang tawagin niya ako. Mabilis akong lumapit sa kanya at pinigilan ang sariling huwag siyang lingunin. Nauna na ulit sa paglakad si mama samantalang ako ay nagdadalawang isip pa kung lilingon ba ako o hindi.

Paano kung sinulyapan niya na pala ako? Edi sayang 'yon! Hindi ko na napigilan ang aking sarili at muli ko siyang sinulyapan. Ganoon na lamang ang pagbagsak ng aking balikat nang makitang wala na siya sa river gangplank.

Simula nang mangyari iyon ay nawalan na ako ng gana sa celebration. Para na akong lantang gulay ng umakyat sa stage para sa panata naming mga officers. Wala na rin akong pakealam kung ako lang ang nakamaong pants sa lahat ng mga kasama ko. Nasa unahan pa man din ako. Tutok na tutok pa sa'kin ang nakakasilaw na ilaw galing sa harapan ko kaya hindi ko na magawang tingnan ang mga taong nakatingin sa'kin o sa amin ngayon.

Natapos ang aming panata kaya napagdesisyunan kong magpahangin muna sandali. Pumunta akong muli sa river gangplank dala ang pag-asang makikita ko siyang muli roon.

Napabusangot na lamang ako ng mukha nang makitang walang katao-tao sa river gangplank. Wala na rin akong kasama ngayon dahil pumunta muna si mama sa mga kumare niya kaya bumalik na lang akong muli sa court.

Habang naglalakad ako pabalik ay pinagmamasdan ko ang mga taong makakabangga ko. Natigilan naman ako nang muli ko siyang makita kasama ang mga kaibigan niya. Napangiti na lamang ako at nag-isip ng plano kung paano niya ako mapansin.

Mas lalo akong napangiti sa aking naisip. Plano kong banggain siya sa braso...sana naman ay magtagumpay ako.

Kaya ang ginawa ko ay nagkunwari akong may tinatype sa aking phone at palihim siyang tinitingnan. Kinakabahan na rin ako dahil baka magalit siya. Papalapit ng papalapit na ako sa gawi nila kaya mas lalo akong kinabahan.

Gagawin ko pa ba?

Natulala na lamang ako sa mga ngiti niya. Nakita ko na naman ang mapuputi niyang ngipin na madalas ko lang nakikita sa kanya.

Parang nagslow motion ang lahat. Hindi ko akalaing ganoon bibilis ang oras. Kung kanina lang ay pinagmamasdan ko ang bawat pagngiti niya, hindi ko na namalayang nasa tapat niya na pala ako.

Bigla na lamang siyang sinadyang itulak ng isa sa mga kasama niya sa akin kaya nagkabanggaan ang aming mga braso at muntik ko na siyang mayakap!

Mabilis akong lumayo sa kanila.

"I-I'm sorry!"wika ko at tumakbo.

Ohmygosh! Hindi ba dapat ako ang babangga sa kanya? Omg! Bakit ang bilis ng kabog ng puso ko?! Bakit hindi ko na naman mapigilan ang pagngiti ko?! At bakit nagtatalon-talon ako?!

Nagmadali akong pumasok sa loob ng court at lumapit sa kaibigan kong si Shea. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari. Hindi rin maawat ang bibig ko at nagtitili pa ako dahil malakas naman ang tunog ng speaker.

"Parang tanga 'to. Hahahha."

Napapikit na lamang ako at napahawak sa aking braso. Kahit mabilis lang na nagkadikit ang aming mga katawan, bakit parang nakuryente ako?

Natigilan naman ako bigla nang may maalala. Napailing na lamang sa akin si Shea at kumuha ng chips na nakalagay sa table namin.

Bakit ba kinikilig pa'rin ako sa kanya? Ngayon ko lang napagtanto.

Ang rupok ko pala.

HINDI ko mapigilan ang kaba ko. Mamaya pa matatapos ang Highschool Night at kanina pa siya nawawala sa paningin ko. Alas diyes na ng gabi. Hindi rin maawat ang pawis na nanggagaling sa aking noo at idagdag pa ang muling paghuhurumintado ng puso ko.

Parang kanina lang na nakikita ko pa siyang pabalik-balik sa simbahan malapit dito sa court namin at sa river gangplank, ngunit hindi ko na siya makita ngayon.

Kinakabahan ako. Ayokong matapos ang araw na ito at bigla na naman siyang maglaho sa paningin ko. Aamin na ako sa kanya kahit wala akong kasiguraduhang gusto niya rin ako. Wala na akong pakealam.

Mula sa river gangplank ay tumakbo na naman ako papunta sa simbahan. Bigla akong napahinto nang matanaw ko siyang naglalakad paalis kasama ang kanyang mga kaibigan.

Hinihingal pa rin ako kaya napahawak ako sa aking dibdib.

Hindi ko pala talaga kaya.

Bigla na lamang bumagsak ang mainit na likido sa aking kamay na nanggagaling sa aking mata. Bigo pa rin akong aminin ang nararamdaman ko sa kanya. Subukan ko mang tumakbo papalapit sa kanya at harangan siya para hindi matuloy ang balak niyang pag-alis, hindi ko na nagawa.

Ganyan ako katanga. Baliw na baliw ako sa kanya pero hindi ko rin naman nasasabi. Hindi dahil ayokong masaktan. Hindi ako iyong tipo ng babaeng palasalita dahil sinusulat ko lamang ang tunay kong nararamdaman. Dahil natatakot ako. Natatakot akong umamin sa kanya ng harapan kahit may posibilidad na hindi niya ito kayang tugunan.

Akma sana akong iiwas ng tingin at muling ihahakbang ang paa pabalik sa court sa pag-aakalang hindi niya ako mapapansin, ngunit nagkamali ako.

Lumingon siya sa gawi ko.

At ang mas ikinagulat ko pa ay napahinto pa siya at tiningnan rin ako. Gusto ko mang itaas ang aking kamay at kumaway sa kanya ngunit hindi ko na rin nagawa dahil tuluyan na akong napaluha.

Tuluyan na akong napaluha dahil kahit alam niyang tinatanaw ko siya habang papaalis, napahinto nga siya at tiningnan ako, hindi pa rin sapat iyon. Lalo niya lang akong sinaktan nang tuluyan na siyang lumakad papunta sa dilim at nawala sa aking paningin.

Sa tingin ko...ito na ang parusa sa akin. Dahil sa madalas ko siyang harayain, siya na rin mismo ang kusang lumalayo sa akin.

ITUTULOY...

Chapter 2

June 04, 2018. First Day of School, Monday....

Dear Diary,

Hello, Diary baby! So, 'eto na nga! First day of school ngayon at kailangan ko nang pumasok sa school, okay? Baka malate pa ako, babushiiii!

Lovelots,
Ashianna kyutt <3


NAPAHINTO ako sa pagsusulat sa aking Diary notebook at muling binasa kung tama na ba ang sinulat ko sa aking Diary. Original ang Diary notebook kong 'to dahil may susi kaya hindi talaga madaling mabasa ng mga chismosa kong kaklase.

Siguro ay okay na 'rin naman itong sinulat ko, 'diba? Dudugtungan ko na lang ulit mamayang hapon at ireport kay baby Diary ko kung anong nangyari sa 'kin ngayong araw.

Nakangiti kong inilagay sa aking bagong bag ang aking baby Diary at pumasok sa aming room.

"Magandang mor--"

Natigilan naman agad ako dahil ibang mukha ang mga nakikita ko. Teka nga? Akala ko ba ay magkaklase kami nina Shea at Kiah?

Hinanap agad ng mata ko ang aking dalawang kaibigan sa aming room ngunit wala talaga. Hindi kaya sinungaling ang Dean na'min? Nakatingin na rin sa 'kin ang lahat ng mga kaklase ko kaya tumabingi ang aking ulo. Mukhang may hindi tama dito eh. Napailing ako.

Inilaharang ko pa ang dalawang braso ko sa pintuan ng room na'min na para bang umaastang siga.

Hindi pamilyar ang mukha ng mga kaklase ko. At bakit ganyan sila makatingin sa 'kin? Kinukunutan nila ako ng noo?

"Nandito ba sina Shea at Kiah?"ngiti ko sa kanila ngunit nagkatinginan naman silang lahat. Ano'ng problema nila sa 'kin?

"Excuse me, Miss?"

Agad naman akong napalingon sa aking likuran at tinanggal ang aking braso sa harap ng pintuan nang biglang sumulpot si Sir.

"Yes, sir?"

"Anong section mo?"

"Grade 9 Aguinaldo po, sir!"

Tumikhim naman siya at nagtawanan naman ang mga kaklase ko kaya ako naman ang takang napatingin sa kanila.

"You have chosen a wrong room, miss Garcia. Grade 9 section Aguinaldo's room is over there."pagnguso niya naman sa kabilang room.

Napakurap na lang ako ng dalawang beses at alangang ngumiti sa kanya.

"Thank you, sir, hehe."kamot-ulong wika ko. Ngumiti naman siya sa 'kin at pumasok na sa akala kong room na'min. Pero bago pa siya tuluyang makipag kamustahan sa mga estudyante niya ay muli ko siyang tinanong.

"Ano'ng room po ito, sir?"

"This is Grade 8 section Faith, Miss Garcia."pagak akong natawa at nakaawang ang labing umalis sa harapan ng pinto ng kanilang room. Agad ko namang binatukan ang sarili ko. Ang gago mo, Ashianna! Nakakahiya ka, self!

"Isang magandang magandang mornings to all!!"

Tuluyan na akong napangiti dahil kaagad kong nakita si Shea sa dulo ng room na'min na nakaupo't nakapangalumbaba. Pinoproblemahan na naman siguro 'to sa bestfriend niyang hindi pa'rin natigil sa panliligaw sa kanya.

Hindi naman ako pinansin ng mga pa-famous kong kaklase kaya si Shea na lang ang guguluhin ko ngayon.

"Good morning, Shea ko!"agad niyang inayos ang salamin niya sa mata at tumango sa akin.

"Ano na naman ang nakain mo at ang ingay mo, ha?"

"Kamote lang naman at nilagang saging ang agahan ko! Kaya busog na busog ako, hahahha! Gusto mo? Kaso inubos ko na pala sa daan."muli akong humalakhak. Inismiran niya naman ako.

"Move over."

Sabay naman kaming napatingin sa babaeng kararating lang na may madilim na awra habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa mga lalaking muntik na niyang makabangga.

Agad akong lumapit kay Shea at naupo sa desk niya. "May red tide na naman yata si Kiah, ano?"

"Mukha nga, lagi naman."napatingin naman ako sa kanya na busy na ngayon sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya. Geez. Ang bookworm ng babaeng 'to. Pati first day ng school 'di pinalagpas.

"Hindi ka na nasanay."muli akong tumingin kay Kiah na papalapit na sa'min ngayon. Ngumunguya na naman ito as usual ng bubble gum sa bibig niya. Ramdam ko namang natigilan si Shea at tumingin sa 'kin.

"Ako lang ba?"

"Ang alin?"ngiti ko sa kanya. Inirapan niya naman ako at muling bumalik sa ginagawa niya. Napanguso naman ako at inagaw ang notebook niya.

"First day of school ngayon. Don't tell me na nag attend ka ng summer class nitong bakasyon at napagpasyahan ng teacher ninyong ngayon ang pasahan?"agad niya naman akong nginiwian.

Tipid naman akong napangiti sa kanya nang makitang sinusulatan niya lang pala ng 'Personal Property Of achuchu' ang notebook niya kaya agad ko itong ibinalik sa desk niya. Bakit ba kasi ngayon niya lang 'yon ginawa? Masyado ba siyang busy?

"Morning."

"Good morning, Kiah babes!"malawak ang ngiti kong bati kay Kiah.

"Shut up and drop that fuckin' babes."

Patalon akong bumaba sa mesa ni Shea kaya marahan itong umugong dahilan kaya nagkamali siya sa pagsulat sa notebook niya. Frustrated niya namang hinipan ang kanyang bangs. Ngumiti lang ako sa kanya at nag peace sign.

Lumapit ako sa katabi niyang si Kiah at inakbayan ito.

"Anong problema na'tin, Kiah babes? Init ng ulo mo ah?"

"Stay away from me, Ashi. Baka sayo pa tumama ang nanginginig kong kamao."

"Talaga? Patingin ng nanginginig?"

"May sako ka ba dyan, Shea?"

"Sintas na lang ng sapatos, Kiah."

Nagkapalitan naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"'Eto na nga! Mananahimik na! Wala kayong pakialam sa 'kin! Hindi niyo na ako love! Ayaw niyo na sa cute!"

Sabay naman silang napairap na dalawa.

"Oh, really? Sino kaya 'yung babae kaninang dahil sa katangahan ay nagkamali ng pinasukang room?"

Napatingin naman kaming dalawa ni Shea kay Kiah. Weh? Bukod pala sa 'kin ay may isa pang nagkamali ng pinasukan? Astig! Hindi ako nag-iisa!

"Really?! My god, Ashi! Ano ba ang pumapasok sa mahangin mong utak at nagiging lutang ka na naman? Ke aga-aga."

"Hoy, Shea! Ano'ng ako, ha? Ano'ng ako? Hindi ako ang tinutukoy niya!"

"Sino ba ang nasa tabi ko?"ngumiwi naman ako sa sinabi ni Kiah.

"Ako malamang, Kiah."inirapan naman nila akong dalawa. Ano na naman ba?

"Ako naman talaga, 'diba? Alangan namang si Shea?"

"Pwede na ba akong makahampas sa pader, Shea?"

"Go on, Kiah. Habang nadagdagan ang edad nyan ay palala ng palala."

"Hindi mo ako pipigilan?"

"Siyempre hindi!"

"Hoy, hoy! Ano yang pinag uusapan niyo, ha? Stop talking about my back!"

Natawa naman silang dalawa at muling napailing.

"Stop talking behind my back kasi 'yon."

"Wala naman siya sa likuran ko, Shea."

"Eh 'di, stop talking behind me?"kunot noong singit ko sa kanilang dalawa.

"Hay nako, Ashi! Naloloka ako sayo."pag-irap naman sa'kin ni Shea kaya napanguso ako.

Nagulat naman ako nang bigla silang tumayong dalawa at dinumog ako ng yakap.

"Namiss ka na'min!"

"Ayieee, wag kang kiligin, huh? Gaga!"napangiti naman ako sa sinabi nilang dalawa ni Kiah. Kaasar talaga ang dalawang 'to! Napanguso na lamang ako at muling napangiti saka sila niyakap pabalik. Ang swerte ko na sa dalawang baliw na 'to. Sabi nga nila, kahit walang jowa basta solid ang friendship niyo ay mas mabuti kaysa sa may jowa ka nga at walang kaibigan, kapag nasaktan ka, wala kang makakapitan. Hindi ko naman nilalahat, ang ilan kasi may ganoon.

Kahit lagi akong out of place sa kanilang dalawa ay natutuwa pa'rin ako dahil mahal pa rin nila ako.

"Cut the dramas."

Sabay naman silang naupo sa kani-kanilang desk na parang walang nangyari. Ganyan sila, mga bipolar.

"Miss Ashianna Aria Garcia?"

Automatic naman kaming tatlo na napatingin sa pinto ng aming room nang biglang may tumawag sa maganda kong pangalan. Makachika 'tong dalawa lakas makaradar. Akala yata nila pangalan nila yung tinawag.

Agad kong tinaas ang aking kanang kamay.

"Yes, teacher?"ngiti ko sa kanya.

"Can I borrow you for a couple of minutes? We, The Beans, are having a session. Sa room ni Mrs. De Vera. Thank you."

Napatango na lang ako kay teacher ay nakangusong binalingan ang dalawa kong kaibigan. Tinaasan naman nila ako ng kilay.

"Nasaan ang room ni Mrs. De Vera?"sabay naman silang napangiwi.

"Dumiretso ka lang pagkalabas mo ng room na 'tin. Tapos, kapag may nakita kang pader, balik ka ulit sa room na 'tin."

"What the hell, Shea?!"

"Eh? Di kita gets? Ano nga ulit yun?"napakamot na lang ako ng ulo. Ba't naman ako babalik sa room? Di naman room ni Mrs. De Vera 'to, eh. Baliw yata si Shea. Lutang na naman.

"Joke lang kasi."

"We're seriously here, Shea."nagpameywang ako sa harapan nilang dalawa. Napansin ko namang nagpipigil sila ng tawa. Ano'ng meron?

"I can't believe that you're still a writer sa lagay mo'ng 'yan."and they both roared a laugh. Okay, ha? Ano na naman ba ang kasalanan ko? Ba't dinamay pa nila pagiging writer ko? How sweet are they?

ITUTULOY...

Chapter 3

"Ehem. Hindi ba't ang room na nasa unahan na'tin ngayon ay ang last room na lang ng left wing? Kakanan ka kapag kapantay mo na ang pintuan ng katabi na'ting room. May makikita kang tatlong rooms naman sa right wing, tama ba?"agad naman akong tumango at tiningnan ang right wing na sinasabi ni Shea. Nasaan ang pakpak? Ano'ng pakpak pinagsasabi niya?

"Yung nasa gitna ng tatlong rooms ang room ni Mrs. De Vera."

"Tapos na ba?"kunot noo kong tanong habang nakatingin sa bintana na'min. May nakikita nga akong tatlong room sa right wing pero wala namang pakpak. Saan kaya nakuha ni Shea 'yun? Naguguluhan naman siyang tumango at inayos ang kanyang salamin.

"Hindi ko pa'rin gets. Anong pakpak ba pinagsasabi mo?"

"Tanga."

"Gaga!"

"Oh! Ano na naman ba?!"

"Hay nako, Kiah. Samahan mo na nga 'yan dun! Nai-stress ako, myghad!"napailing na lamang si Kiah at iginiya ako palabas ng room. Eh! Hindi ko naman kasi talaga gets. Kayo ba? Gets niyo rin ba siya? Pch.

"Sa susunod naman kasi, Ashi. Pag-aralan mo naman ang mga lugar dito sa campus. What's the point of being a writer ng The Beans na'tin kung ang mga pasikut-sikot dito ay hindi mo alam? Come to think of it. Sports Editor ka, for pete's sake!"

"Paano mo naman nalaman na ganyan ang position ko? First day of school pa lang, Kiah. Hindi pa kami nag-e-elect."siniringan niya naman ako at iniwan ako sa tapat ng room ni Mrs. De Vera at bumalik na ulit sa room na'min.

Malapit lang pala 'tong room ni Mrs. De Vera sa room na'min eh! Ba't ang dami pang pa-wing wing ni Shea? Kaasar. Dalawang room lang ang pagitan ng room na'min sa room ni Mrs. De Vera. 'Yun na lang dapat sinabi niya dahil sa gitna ng dalawang room na 'yun ay daan paliko para makapunta sa tatlong rooms. Gets niyo? Ako rin hindi.

Pumasok na muna ako sa loob ng room ni teacher. Dalawa pa lang kaming nandito at naiihi na rin ako kaya pumunta na muna ako sa tapat ng cr nila. Umakyat ako sa isang hagdan doon at pinihit ang door knob pero naka-lock. Oh noes!

Muli ko na namang pinihit ang door knob at nanlaki ang mga mata ko nang hindi na ito naka-lock. Hindi kaya wala lang akong lakas kanina?

Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang biglang may bumukas nito mula sa loob kaya nauntog ang noo ko sa pinto at natumba ako sa malamig na semento.

"Aray!"napasapo na lamang ako sa aking noo at inis na tiningnan ang letseng bumukas ng pinto na 'yon. Bwiset! Hindi man lang nagtanong kung may tao ba o wala! Basta na lang kung magbukas!

"Sinong peste ang—ay shet gwapo." Natutop ko ang aking bibig sa kahihiyan. Napatitig naman ako sa pares ng kulay kape niyang mata. Ba't ang ganda yata ng mga mata niya?

Napahawak na lamang akong bigla sa aking puso. Ohmynoes! Bakit ganito katindi ang pagtibok ng puso ko? Tinalo pa yata nito ang bilis ng takbo ko sa tuwing may contest ng pagtakbo sa school, ah!

Napakurap ako ng dalawang beses at matamang tinitigan ang kanyang mga mata. Huli ko na rin napagtantong nakanganga na pala ako at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa kanya.

Shit lang! Am I making drooling excessively on his front?!

Napangiwi naman akong bigla. Tama ba yung sentence ko? On his front? Mukhang berde naman. Palitan na'tin.

Shit lang! Am I making drooling excessively on his back?!

Napakamot na lamang ako sa ulo. Mukhang maayos namang pakinggan yung nauna. Yun na lang.

Insert—nagtitili at lumulukso sa tuwa ang kanyang heart.

"MS. GARCIA?"

"Ahhh, oo! Tama ka! Yun din nasa isip ko!"natigilan naman ako at napatingin sa harapan kung saan naroon ang aming editor-in-chief. Bahagyang nakaawang ang kanyang labi at mukhang weirdo pa yata yung tingin sa'kin dahil sa mata niyang hindi ko maintindihan kung mapanghusga o gano'n lang talaga ang way ng pagtitig niya.

"Are you with us?"muling tanong nito.

Inilibot ko naman agad ang paningin sa buong room at ngayon ko lang narealize na sikat pala ako. I mean, sa'kin kasi nakatingin lahat ng members ng The Beans, eh. Napatingin naman ako sa kanan ko kung nasaan ang daan papuntang cr. Teka? Ba't nawala si kuyang pogi na may kapeng mga mata?

"A-Ahh, oo. Gano'n nga po."pagbaling kong muli sa editor-in-chief na'min habang kamut-kamot ang ulo ko.

Nasa'n na yun?

Tumango-tango na lamang si Miss editor-in-chief na para bang hindi pa'rin kumbinsido sa sagot ko. Anyway, I don't have pake naman. Muli akong tumingin sa pintuan ng comfort room, sana naman may milagrong magaganap ngayon.

"So, as I was saying. Alam niyo naman sigurong ngayong July ay may gaganapin tayong Nutrition Month, right? Officers of The Beans should also be there, bawal umabsent. Alam niyo na rin naman siguro ang mga positions niyo, right? It was posted in front of the SSG office kaya alam kong nakita niyo na 'yon, well except for the fact na wala kang pakialam. Hindi ba, Miss Garcia?"

Tumango na lamang ako habang hindi pa'rin inaalis ang tingin sa pinto ng cr. Imagination ko lang ba yon? Daydreaming? Hindi eh! It feels like so surreal! Feeling ko, magkakajowa na ako! Charot.

"Eheeemmm."

Napatalon pa ako sa gulat nang bigla akong may narinig na tikhim sa kaliwang tenga ko kaya agad akong napalingon sa kung sinong pesteng unggoy ang nag-distract sa'kin. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Kanina ka pa mini-mentioned ni Miss editor-in-chief, di ka ba aware?"bulong niya. I just shrugged.

"Baka naku-cute-an lang siya sa'kin, h'wag ka ngang mainggit dyan!"

Napapangiwing lumayo naman siya sa'kin at inirapan ako. "Hoy, Bianca! Alam mo yung feeling?"

Naguguluhan naman siyang muling bumaling sa akin.

"Ng alin?"

"Yung feeling na...parang totoo yung daydream mo?"nakangiti kong wika at muling napasulyap sa pintuan ng cr. I heard her tsked. Alam ko nang iniisip ng bruhang yan.

"At pwede ba? Wag kang magpahalatang bored na bored sa talking ko! Just stating the truth I am!"

"Kailan pa naging totoo ang daydream, ha? Ashi? Daydream nga diba? Snap out of it! You're not even joking."seryoso ko naman siyang tinitigan.

"I'm not even joking naman talaga, ah? Hala ka, Bianca! Ako lang 'to, si Ashianna! Hindi ako si even joking! Kaloka ka! Ilang years na ba tayong magkakilala hindi mo pa'rin ako kilala? Famous kaya ako, dzuhh?"

"Excuse me? Pakitaboy naman po ng bubuyog sa tabi ko. Istorbo kasi, eh." Napalingon naman ako sa paligid at hinanap ang bubuyog na sinasabi niya. Hindi kaya imaginary pet lang ni Bianca 'yon? Hindi ko rin siya maintindihan minsan eh. Minsan parang baliw, kinakausap yung sarili. Ilang years na kaming magkakilala hindi man lang alam yung name ko. Katampo lang. Hindi pa'rin siya nagbabago, hayst.

Akma sana akong tatayo dahil nasa unahan pa man din ako kaya kitang kita ang ka-cute-an ko, nang bigla akong mapatingin sa sapatos ko.

Naupo na lang ako ulit at sinipat ito. Gutom na talaga siya, peste naman oh! First day of school ibang sapatos pa nasuot ko! Magkano kaya yung super glue sa canteen? Asar naman, ba't di ko kasi napansin na ibang sapatos pala suot ko? Ang boba mo talaga kahit kailan, Ashianna!

Napakamot na lamang ako sa ulo at hinayaan na lamang na nakanganga ang sapatos ko. Wala naman sigurong may nakapansin, diba?

Muntikan pa akong napalukso sa gulat nang biglang bumukas yung pintuan ng cr. Inirapan ko lang ito at muling tinitigan ang pinakamamahal kong sapatos. Sayang naman. Favorite na rubber shoes ko pa naman ito, hayst.

Hindi sinasadya ay napa-angat ako ng tingin at saktong may dumaang lalaki sa harapan ko kaya napatitig ako rito ng wala sa minuto. Parang nag-slow motion ang lahat. Ngayon ko lang naalala.

Biglang nanlaki ang mga mata ko at automatic ding napanganga ang aking bibig. Shemaayy! Totoo na ba this?!

Napatabon pa ako ng bibig at napasinghap sa pagkagulat dahil ang lalaking dini-daydream ko kanina ay kamukhang kamukha ng lalaking dumaan sa harapan ko ngayon lang! Bigla akong napa-padyak ng malakas nang makita kong nakalabas na siya rito sa room nila.

Muli akong nag-flashback simula nang umangat ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kulay kape rin ang mga mata nito, nakaside-view lang siya pero alam kong ang style ng buhok niya ay into one-side. Ang tangkad niya rin at ang puti, JUSKO!

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib nang makaramdam ako sa unang pagkakataon ng hindi maipaliwanag na feelings. Bigla ko na lamang na-imagine na tinititigan niya ako with his cold coffee eyes. Ohmygod!

Teka? Hindi kaya...crush ko na siya?!

~

Dear Diary,

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. It feels like so surreal. I mean, bakit bigla na lamang ganoon katindi ang tibok ng puso ko simula nang makita ko ang mata niya? Normal lang naman siguro 'yon, 'diba? Wala namang especial sa mga mata niya. Pero bakit ganito, Diary? Baliw na ba ako? May sakit ba ang puso ko? Ohmygosh lang, Diary! Please tell me, what's the meaning of this?!

Lovelots,
Ashiannang nako-confused.

ITUTULOY....

=========

NOT EDITED. HAPPY READING ❤️