Browse stories

A Piece of my Summer

Language: fil

Under her father's claws almost all her life, Klara is a bit lost as college is about to come. But then she unexpectedly met Nikolas whom she grew fond of. This story will take you to the city of Portville as they fell in love and faced the days of summer together.

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Chapter One

 APRIL 1ST OF 2017

 It's about lunchtime, and I'm heading home in direct sunlight. Bitbit ko ang graduation picture na kinuha ko mula sa school. In comparison to my junior high school graduation photo, it's a decent one.

I like how light my makeup was on this one, and my hair was down. Last time, they insisted on bunning my hair, which made my face look chubby, and my makeup was terrible. I looked like a clown. I shuddered at the thought of how bad I looked in that picture.

But having this graduation picture also means I'll be starting college soon. It's not the notion of it that scares me; it's the prospect of taking the course my Dad wants me to take. I've heard enough from college students how hard everything is, and I wonder how harder it might be to study something you have no interest with.

I sighed out of frustration. I wish I knew what I wanted to study or what course I wanted to take. Everyone in my class appears to be looking forward to taking the course they want. Ako na lang ang napag-iiwanan.

My phone rang so I had to stop walking to answer it.

 "Klara, pabalik ka na?" Tanong ni Andrew mula sa kabilang linya.

 "Oo, bakit?"

 "Sige, dalian mo. May favor sana ako."

Ayoko nang marinig kung anong klaseng favor na naman ang kailangan nitong si Andrew. Pero bago ko pa siya mababaan ay siya na mismo ang nagbaba ng linya. Napabuntong hininga nalang ako dahil wala naman akong takas dito. Panigurado inaabangan na ko no'n sa pintuan ko.

 Dinalian ko na ang paglalakad dahil nakakaramdam na rin ako ng hapdi sa balat dahil sa init ng araw. Wala man lang hangin na umiihip na mas nagpapapalala pa rito.

Summer is, without a doubt, just around the corner.

 Pagdating ko sa ikalawang palapag ng apartment na tinitir'han ko ay nakita ko agad si Andrew na naghihinntay sa pinto ko. Just like what I predicted.

 As I approached him, his face lit up.

 "Bakit? Ano 'yon?" Bati ko sa kaniya.

 Kita naman sa mukha niya na hindi niya alam ano ang unang sasabihin. "Klara, nag lunch ka na? Halika libre na kita-"

 "Ano na naman bang kapalit ng suhol na 'to?" Pagputol ko sa sinasabi niya dahil alam ko naman na ang motibo niya.

 At times like this, I wonder how I've managed to stay friends with Andrew for so long.

"Ganito kasi, kailangan ko ng tulong mo."

"Anong tulong?" I asked frowning at him.

"Lilian is currently in the Philippines. She wanted me to go in Manila and stay with her for the meantime."

 Napakurap ako dahil hindi ko naiintindihan kung anong kinalaman ko sa lovelife niya. Hindi ako sumagot at hinayaan lang siyang magsalita.

"Ito na nga, may napangakuan akong kaibigan ko na sasamahan ko siya rito sa Portville. He's here for the first time, so he's unfamiliar with the surroundings. Kailangan niya nang may kasama habang naglilibot siya."

 Mukhang alam ko na kung saan 'to pupunta.

"Madali lang 'yan, Andrew. It's either you cancel your friend or your girlfriend. Kaya mo na 'yan."

 Papasok na sana ako sa loob ng apartment ko pero hinarangan niya ako.
"Hindi pwede! Naka-oo na ako kay Lilian. And that friend I'm talking about, he really has no idea of this place. Please, Klara! Kabisado mo naman pasikot-sikot dito eh."

Kulang nalang ata matanggal ang braso ko kakahila niya. He's always like this when he wants something from me.

 "Ayoko. Ako pa ipapasama mo ro'n, eh 'di ko nga 'yon kilala."

 "Mabait 'yon, Klara. Promise! Sige na, ha? I heard this is all for his project. Sige ka, kapag 'yon bumagsak kasalanan mo pa."

Napabuntong hininga nalang ako. And that's when he knows he won.

 "Yes! Salamat, Klara! You're the best! I'll just send you the details of where you'll meet him and your destinations. Thank you!"

Kulang nalang ang mga kalapati kakapalakpak niya.

 "Teka, ano? Mamaya na agad?!" Sigaw ko nang marealize ang sinabi niya.

 Pero kumaripas nang pababa si Andrew at hindi ko na siya nahabol.

 4 pm sa bus station. Send ko na rin number niya para matawagan mo siya kapag nando'n ka na. Salamat, Klara! The best ka talaga!

I groaned and sat my phone on the table. I'm not sure how Andrew managed to persuade me. This is not the time to think about anything other than college.

 Ang bigat-bigat ng katawan ko. Wala akong ganang maging tour guide. I glanced at the clock and it's almost quarter to 4 pm. Kahit mag-asikaso ako ngayon hindi na ako makakarating sa tamang oras.

 I lay my head down the desk and closed my eyes. Hindi nalang ako pupunta. Bahala na si Andrew.

 'He's here for the first time, so he's unfamiliar with the surroundings.'

 'And that friend I'm talking about, he really has no idea of this place.'

 'I heard this is all for his project. Sige ka, kapag 'yon bumagsak kasalanan mo pa."'

"Aish!" Napatayo ako mula sa pagkakayuko sa desk at dumiretso sa banyo upang maghilamos.

This is irritating. He knows exactly my weakness and he's hitting me right on the spot.

 Hindi na ako naligo at wala na rin akong panahon para do'n. Sapat na 'yong paghihilamos at saglit na pagsisipilyo at binuksan ko na ang closet ko upang mamimili ng damit.

 Pero pagbukas ko nito ay sandali akong napatunganga dahil hindi ko alam kung anong susuotin ko. Casual lang ba? Pants? Dress? Pwede bang mag shorts?

 Napasigaw ako sa frustration nang makitang 3:40 na. Hinding hindi ka na talaga makakaulit sa akin, Andrew.

 Unang nadampot ng kamay ko ang mint green wrapped dress kaya hindi na ako namili at iyon na ang sinuot ko.

 This dress would look good with a doll shoes. Sunod kong binuksan ang closet kong puno ng mga sapatos pero halos mangiyak-ngiyak ako dahil hindi sila nakaayos.

 Bakit ba napakaburara mo sa sapatos, Klara?

Hinalukay ko ito at kinailangan ko pang abutin sa pinakataas ang doll shoes. Nasobrahan ata ang pagkapit ko sa closet dahil muntikan na itong matumba at nalaglag sa akin lahat ng sapatos na nasa taas.

Kumalma ka, Klara. Wala na tayong panahon para mag tantrums.

 Sinuot ko ang sapatos at agad humarap sa salamin para mag-ayos sandali. Pero kahit ang makeup kit ko ay gulo-gulo kaya hinalukay ko para makita ang foundation.

"Nand'yan ka lang pala," ngiti kong saad at dinampot ito, but then it slipped from my grasp and landed on the ground.

 No. No. No. No.
Bakit ka naman nahulog?

 Lumuhod ako upang kunin ang foundation na ngayo'y durog-durog na.

 There's no time to grieve for this. Tumayo ako muli at hinanap ang lipstick pero kahit 'yon ay wala akong makita.

 The girl in the mirror looks like she's about to explode. Para natigilan ako nang makitang sampung minuto nalang bago mag-alas kwatro. Tanging hawi nalang ng buhok ang ayos na nagawa ko at kinuha na ang sling bag upang isuot. Lumabas na ako ng apartment at dali-daling bumaba ng hagdan.

 Nasa unahan pa ang bus station. Hindi naman gano'n kalayo pero sa oras na mayroon ako ay alanganin na. At sa ilang segundo kong nakatayo rito ay wala akong masakyan kahit isa.

 My wristwatch tells me I still have seven minutes before 4 pm. Kung tatakbo ako ay aabot ako sa eksaktong oras. Sandali akong napahinto dahil ang ideya ng pagtakbo sa gan'tong suot at gan'tong kainitan ay hindi napakagandang idea.

 Pero ano pa bang choice ko? I

 started running under the heat of the sun. May mga taong tumitingin na para bang illegal tumakbo ang isang babaeng naka dress. Pilit kong hinihigpitan ang paa ko sa sapatos at baka matanggal. The last thing I want to do right now is embarrass myself even more.

 When I arrived at the bus station, I took my time to catch my breath. I haven't run that much in a long time. Pakiramdam ko ay nag-marathon ako sa sobrang hingal at pawis.

Nang tumingin akong muli sa relo ko ay 3:59 na. Nakahinga ako nang maluwag dahil akala ko kalahating oras akong tumakbo.

 I waited for five minutes pero lahat ng tao na humihinto dito ay sumasakay sa bus. Ang sabi ni Andrew ay magkikita muna kami ng kaibigan niya sa bus station. Pero wala pa siya.

 Agad kumunot ang mukha ko sa inis. It was a struggle just to be here on time pero siya ay late pa. I waited for another 20 minutes at nang wala pang dumadating ay nagsimula na akong maglakad pauwi.

 This is a huge letdown. I'm not here to stand around. My phone rang just as I began to walk. My screen was filled with an unregistered number and I was unsure whether to respond for a moment.

 Sinagot ko ito pero hindi ako nagsalita. "Hello? This is Klara's phone number right?" An unfamiliar voice greeted me.

 "Ako 'yong kaibigan ni Andrew. We're supposed to meet at exactly 4 pm sa bus station but something came up."

 Siya 'yong kaibigan ni Andrew?

 I put the phone call on loudspeaker and read the phone number Andrew had given me. It's the same number.

 "Hello?" Muli niyang saad.

 "Yes, this is Klara. I'm sorry pero sana tinawagan mo muna ako ahead of time to inform me you can't come." Hindi ko na matago sa boses ko ang pagka-inis.

 Tama naman eh. Kung hindi pala siya makakapunta sana nagsabi siya.

 "Yes, I know. I'm sorry for the inconvenience. But, it's not that I can't come."

 His line went silent for a moment, but I can tell he has something to say.

 "The thing is, I think I'm a bit lost."

 His voice sounded embarrassed. I believe he is relieved that he was able to say this only over the phone.

 Napapikit ako sa sinabi niya. How can he be lost? Bata ba siya? Nalayo ko ang phone sa mukha ko to let myself release some stressful sigh.

 "Nasaan ka?" Tanong ko sa pinaka-best na paraan upang maitago ang namumuo kong pagka-irita.

 "I don't know?" He answered.

 Great. Nawawala nga siya 'di ba, Klara? Alangan, hindi niya alam kung nasaan siya.

"Sa paligid mo, what do you see?"

 "Uhm, trees. Grasses. It's look like I'm about to enter a forest."

 What? Sigurado ba siyang nasa Portville pa siya? Baka naman ibang siyudad na ang napuntahan ng lalaking 'to.

 "Why don't you try asking to some by-passers?" I ask as nicely as I can.

 I think it's already a common sense to ask people when you think you're quite lost.

"I see no people here."

 Natigilan ako. Where on earth is he?

"Sinubukan mo na bang bumalik sa nilakaran mo?"

 "Yes, but I think I got more lost because I can't remember the turns I took."

 Prank ba 'to? I can't believe he got lost. This is stressing the crap out of me.

 "Okay, saan ka ba nanggaling? Like before you got lost, where were you?"

 Dapat na ba akong tumawag ng pulis? Hindi rin pamilyar sa akin ang dini-describe niyang lugar.

 "I got a room from an apartment at North Portville. Doon ako galing." This is West Portville. Maliit lang ang North at hindi siya basta-basta mawawala ro'n. Maliban nalang kung-

"Wait, the road is getting familiar. Nakakabalik na ata ako sa nalakaran ko."

 I don't trust him to get out of there on his own if he got lost in the first place.

 "I think I know where you are. Just keep walking back."

 Bumalik ako sa bus station at sumakay papuntang East. Hindi ko na pinababa ang tawag dahil baka kung saan na naman siya mapunta. Pagbaba ko ay pinuntahan ko ang apartment na hindi rin nalalayo mula sa binabaan ko.

 The whole city of Portville is not huge at all at bilang lang sa daliri ang mga apartment dito. For the case of East, this is the only apartment here kaya sigurado ako na dito siya nanggaling. Kung nasa lugar siya na naiisip ko, mukhang magkakaproblema pa kami.

 Lakad takbo lakad takbo ang ginagawa ko. I arrived at the gate of Villa's property. Nakabukas ito at pilit akong tumatanaw sa loob. Like that guy said, the entire place is like an entrance to a forest. Nawala lang sa isip ko ang lugar na 'to dahil hindi ko naman inaakala na makakarating siya rito.

 I was about to ask where he is but then the call ended. I stared on the phone for a while dahil nabablangko na ko. I called him back and he immediately answer.

 "Hello-"

 May biglang humila sa akin dahilan upang mapatakbo ako.

 "Hoy! Bumalik kayo rito!" A guard is chasing us. This is the trouble I had in mind.

 When I looked up, a man I had just seen appeared in front of me. I can clearly see his eyes through his glasses. As we ran, one of his hands gripped my hand.

 A cellphone is in one of his hands. He waved it and my phone number is currently in a call with him.

 On the first day of April, I met this man and we ran under the summer sun.

***

Chapter 2

Chapter Two

 When a random guy just popped out of nowhere, running, and dragged me with him, I am supposed to react, right? But when this guy suddenly appeared and took my hand and ran, I wasn't able to react.

 Siguro dahil may nasa likuran at humahabol sa amin. O siguro dahil mas natuon ako sa mga mata niyang nasa likod ng salamin.

 "Just run. I'll explain later," hindi ko pa mapapansin na parang nawawala na ko sa nangyayari kung hindi pa siya nagsalita. He tightened his grip on my hand as we run faster.

 Saktong may padaan na bus ay agad kaming sumakay dito at magkatabing umupo sa pinaka-malapit na bakanteng upuan na aming nakita. Tinanaw namin mula sa bintana ang humahabol na guard at nang dumaan ang bus sa harapan niya ay parehas kaming napayuko. Muli naming sinilip nang nakalampas na ang bus at mukhang hindi na kami nakita ng guard. Wala s'yang idea kung saan kami napunta. Natanaw kong kamot ulo siyang naglakad pabalik sa tinakbuhan namin kanina.

Pareho kaming nakahinga nang maluwag at doon ko palang nahabol ang aking hininga. Kung alam ko lang na dalawang beses pala akong tatakbo ngayong araw ay sana nag running shoes ako.

"That guard just suddenly chased me," saad niya na bakas pa din sa boses ang pagkahingal.

Hindi ko alam na kaya ko palang tumakbo nang gano'n kabilis. Mas mabilis pa kaysa sa tinakbo ko kanina papuntang bus station. "Because you were trespassing!" Pasinghal kong sagot. Mabuti na lang at walang gaanong tao rito.

Hindi siya nakasagot pero kita sa mukha niyang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.

"That area is a private property! Maswerte ka hindi ka nahuli ng guard kanina. Pwede ka pang makasuhan ng trespassing." Hindi ko mapigilang maisip na paano kung naabutan kami, eh 'di pati ako siguro ay nadamay. Napapikit at napabuntong hininga sa sobrang pagpapasalamat na hindi nangyari 'yon. In my whole 18 years of life, I've never been in trouble.

"Talaga?"
Nasapo ko nalang ang noo ko. This man appears to be older than me, but how can he be this ignorant?

Oo nga pala, bago siya rito.

"Why would the snatcher went that way?" Mahina lang ito na para bang tanong niya sa kanyang sarili pero dahil nga magkatabi kami ay umabot ito sa aking pandinig.

"Snatcher?!" Nabalik niya ang tingin n'ya sakin. Mukhang nagulat siya kaya natakpan ko ang bibig ko. Gano'n ba kalakas ang boses ko?

"A man snatched my camera and he went that way at kaya rin ako napunta ro'n," bakas sa mukha niya ang pagkahiya. Umiwas siya ng tingin at tumingin sa labas ng bintana na katabi niya lang.

Oh, I see. I suddenly want to take back all the bad things I said to him in my mind. "Pero paano naman nai-snatch 'yong camera mo?" Pang-uusisa ko.

Ano ba kasing klaseng pagbitbit ang ginawa niya sa camera? Hindi naman 'yon kasing daling hablutin tulad ng cellphone. Baka naman kasi hindi siya nag-iingat.

Bahagya kong nailing ang aking ulo dahil sa hindi magagandang naiisip nito.

"A child came and briefly distracted me, before an older man abruptly snatched the camera away. The child also ran with him." He said recalling what had happened.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung maawa ba ko o matatangahan sa lalaking 'to. I resist the urge to scold him kase unang-una hindi ko nga siya kilala. It's just that I felt bad for his camera. Sayang. And second, I'm sure he's devastated about that.

"Let's go to the police. I-report natin. " Tatayo na sana ako pero napigilan niya ako.

"That's not necessary. Marami naman ng issues 'yong camera na 'yon dahil matagal na. I only brought that camera today to see if it would do okay. At isa pa, baka maging complicated lang."

Napakunot noo ako sa reaksyon niya na para bang tanggap niya na agad 'yong nangyari. "Pero, kung hindi mo irerepo-"

Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil mukhang hindi ko naman na mababago ang desisyon niya. Ilang segundong katahimikan bago siya bumuntong hininga, tumingin sa akin at ngumiti.

"This is surely not the best way to meet. But, I am Nikolas." Inangat niya ang kanyang kamay upang makipag-kamay pero hindi ko ito tinanggap. Nahihiya niya itong ibinaba nang may ngiti pa rin sa labi.

I don't know why I keep being mean to this poor guy.

Napatingin ako sa bintana at doon ko lang narealize na hindi ako pamilyar sa destinasyon ng bus na ito. Hindi ko na nabasa 'yong signboard dahil natuon 'yong isip ko sa humahabol na guard sa amin.

"Nabasa mo ba 'yong signboard? Saan tayo papunta?" Medyo nagpapanic kong tanong.

"South? South Portville?"

Napikit ko ang mata ko sa sagot niya. I never imagined I'd be this stressed out when I woke up this morning. Kung alam ko lang sana pala nahanda ko ang sarili ko kagabi.

"Is there something wrong?" Tanong ni Nikolas nang makita ang reaksyon ko. Hindi ko siya sinagot at nilibot ang tingin ko sa bus. Nakita ko ang konduktor sa unahan.

"Kuya! Pwede po ba kaming bumaba rito?" Tanong ko at lumingon naman ang konduktor. Lumapit ito sa upuan namin.

"Hindi pwede, Miss. Bago ka lang ba rito? May station kasi ang pagbaba. Sa South pa ang baba nito, hindi pwedeng huminto," pagpapaliwanag niya na mas nagpabigat ng loob ko.

Naglabas na lang ako ng wallet para magbayad pero naunang nag-abot si Nikolas ng pera sa konduktor. Nang tignan ko siya ay nginitian niya lang ako.

Nang makaalis na sa pwesto namin ang konduktor ay muli niya 'kong tinanong kung anong problema. "Nanggaling tayo sa North Portville at isang oras ang byahe papuntang South, " tipid kong saad.

 Mag aalasingko na. Makakarating kami sa South ng alasais. Mula sa South pauwi sa bahay ay aabutin ng kalahating oras pero dahil rush hour baka abutin pa ng isang oras ulit. This city is not the largest, but the number of vehicles on the road adds to the length of the trip. The traffic. Portville is densely populated.

Just thinking about it makes me want to burst. But I simply closed my eyes to calm myself. Hindi naman na nagsalita si Nikolas.



Namulat ko ang aking mata mula sa pagkakaidlip. Nasa bus pa rin ako na sinakyan namin kanina at katabi ko pa rin ang lalaking 'to. Pero pagtingin ko sa kan'ya ay natigilan ako.

Komportable siyang nakasandal sa upuan at natutulog. Agad napansin ng mata ko ang mahaba niyang pilikmata sa likod ng kanyang salamin.

Nasaid ang pasensya ko dahil sa lalaking 'to, pero somehow I can't help but to pity him. Hindi nga naman niya alam ang lugar na ito. His ignorance was quite valid. Sadyang 'yong pasensya ko lang ang hindi.

I found myself staring at him. Nakakahawa ang kapayapaan nang pagtulog niya. He has rimless round glasses na kanina ko pa napapansin. His hair is ruffled but perfectly styled. I'm curious how he manages to sleep so soundly on a bus.

"South Portville na po tayo!" Naagaw ng konduktor ang atensyon ko.

Pagtingin ko sa bintana ay nakahinto na ang bus sa bus station. May mga bumababa na at may mga sumasakay rin. Marahan kong inaalog ang braso ni Nikolas upang gisingin siya. Hindi naman ako nahirapan dahil agad ding nagmulat ang kan'yang mata.

"Bababa na tayo," saad ko. Tumayo na kami at bumaba ng bus.

"Dumidilim na," puna niya sa kalangitan kaya napatingala rin ako dahil nagsisimula nang bumaba ang araw. "Sa North ka diba? Alam mo bang babyahe ka ulit ng isang oras pabalik?" Tanong ko sa kaniya.

Nakangiti lang siyang tumango. What's with this guy and his smile?

"Dito ka na mag-aantay ng bus pabalik. 'Yong bus station pauwi sa amin I think nasa unahan pa kaya iiwan na kita rito," saad ko.

"Is it okay if I walk you there?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko. Dito na nga sya mag aantay, bakit pa siya sasama sa akin?

"Bakit?"

"Gusto ko lang makasigurado na makakasakay ka nang maayos," sagot niya. Bahagya akong natawa. Siya nga ata ang nangangailangan no'n eh.

"Ngumiti ka rin," ngiti niyang saad kaya naideretso ko ang aking labi. "Hindi na. Mas mahaba pa ang babyahihin mo kaysa sa akin. Sumakay ka na."

 Nang may dumating na bus ay hinila ko siya papasok at hinanap ko ang konduktor. "Kuya, pagkababa niyo po sa North pwede pong paturo sa lalaking 'yon iyong direksyon papunta sa nag-iisang apartment building do'n? Bago lang po kase siya dito kaya hindi siya pamilyar." Tumango't ngumiti naman ang konduktor kaya napanatag na 'ko. Pagbalik ko kay Nikolas ay nagtataka siyang nakatingin sa akin.

"What's that?"
"Wala. Maupo ka na d'yan, bababa na 'ko," giniya ko pa siya upang makaupo sa tabi ng bintana bago ako bumaba.

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maaawa sa mukha niya dahil mukha siyang batang iniwan ng nanay mag-isa. Hindi ko na inantay na makaalis ang bus at naglakad na ko patungo sa bus station na sasakyan ko pauwing West Portville. Laking pasasalamat ko na hindi ito gano'n kalayo dahil nagsisimula nang sumakit ang paa ko. Hindi ako sanay sa lakaran.

 Pagkaupo ko sa bench sa bus station habang naghihintay ay tumunog ang cellphone ko. I answered it without looking on my phone screen. "Sorry for the inconveniences today, but it was a pleasure meeting you, Klara." As a bus passed by, Nikolas' voice came through my phone's speakers.

I caught a glimpse of him seated by the window, his phone pressed against his ear. As the bus passed me by, he smiled.

Today, I had the strangest encounter with a guy named Nikolas. But there's something about his smile and his presence that makes me feel completely at ease with him.

 ***

Chapter 3

Chapter Three

 APRIL 4TH OF 2017

"Kung pwede ka lang sabunutan ngayon Andrew, kalbo ka na siguro," pambabanta ko sa magaling kong kaibigan.

 Andrew called right before my alarm rang kaya nagising ako nang mas maaga. Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Alam mo Klara, may benefit din iyon. At least nakatakbo ka, nagalaw galaw rin 'yang taba taba mo d'yan," pang-aasar niya na nagpaupo sa akin sa kama.

 "Ah gano’n. Pagkatapos kitang saluhin ginaganyan mo 'ko?"

Ano pa bang aasahan ko sa lalaking 'to? Magaling lang humingi ng pabor pero pag okay na nakakalimot na. Minsan naitatanong ko rin kung bakit ba kami magkaibigan.

"I'm just joking, Klara. Kumalma ka. Pero anong tingin mo kay pareng Kolas?"

Napakunot noo ako sa sinabi niya. He calls Nikolas pareng Kolas? What a weird name to call him.

"You mean, Nikolas?"

"Oo, sino pa ba? Ang gwapo 'no?"

Napailing ako sa walang kwenta niyang tanong. I found myself pondering about what happened three days ago when I met that guy. My mind replays scenes of him running alongside me, nodding off on the bus, and smiling at me. And I'd be lying if I said he wasn't attractive. Because he is undeniably attractive. At least, that's how I perceive him.

"Hmm, sakto lang," matipid kong sagot. Kilala ko 'tong si Andrew, paniguradong aasirin ako nito.

"Sus, medyo raw. Aminin mo na Klara, ang gwapo 'no?" Bakas na bakas na sa boses niya ang panunukso.

Minsan napapaisip din ako kung lalaki ba 'tong si Andrew. Kasi sa lahat ng mga lalaking inaasar niya sa akin ay mas kinikilig pa siya kaysa sa akin. Pero buti nalang nand'yan si Lilian, kaya alam kong diretso 'tong kaibigan ko.

"Bagay kayo, Klara! Bakit hindi kayo mag-"

"Ibaba ko na! Kung ano-ano nanaman mga pinagsasabi mo d'yan!" bulyaw ko sa kaniya.

Hindi ko na mabilang ilang lalaki ang inasar niya sa akin especially during high school days. But he knows I have no time for that. Hanga naman ako sa kanila ng nobya niya dahil ilang taon na sila kahit long distance.

Naiinggit ba ko?

Siguro no'ng time lang na ginawa ni Lilian 'yong thesis ni Andrew.

"Teka, teka, teka. Magme-meet ulit kayo mamaya. Ite-text ko nalang 'yong location."

"Andrew, umamin ka nga sa akin! Baka naman sineset up mo lang ako rito ha, talagang masasakal kita."

Ngayon pa lang ay nanggigil na 'ko sa kaniya. He is well aware that I have more important things to do than see someone.

"Sira, hindi! Talagang kailangan niya lang nang makakasama sa mga sightseeing places d'yan. Pero kung ide-date mo bakit hindi? Single naman-"

Binaba ko na ang tawag. Hindi ko na maatim ang mga lumalabas sa bunganga niya. Napahiga ako ulit dahil sa stress na dinadala sa akin ni Andrew.

A friend should be a source of comfort rather than a source of stress.

My phone rang, and I assumed it's Andrew tormenting me again, but when I accessed my messages, I discovered it's an unregistered number.

I hope Andrew already informed you about today. See you at 4 pm. And oh btw, good morning. ☕

I frowned with the coffee emoji at the end of the message. I don't drink coffee.

Although the number is quite unfamiliar, it took me no time to figure out it's Nikolas. Hindi ko pa pala nasa-save sa contacts ko ang number niya.

Kaya cinopy ko ang number niya at pumunta sa contacts para i-save ito. I intended to save his full name to make it more formal, but then I realized I have no idea what his last name is. So I continued typing 'Nikolas,' but for some reason I paused for a few moments.

Sa huli ay sinave ko ang contact niya as 'Niko'. I think it suits him well.

I also hope hindi ka na maligaw.

I replied to him pero hindi ko na inantay ang respond niya. Bumuntong hininga ako at tumayo na ng kama. 10 am pa lang naman kaya marami pa akong oras.

I remember how messy my apartment was when I got home that night. Kalat-kalat sa sahig at kama ang mga sapatos na nahulog mula sa taas ng closet. My bed had been left unmade. My dresser was completely disorganized. Pero hindi na 'yon mauulit ngayon dahil may oras na ako para mag-ayos.

After I made my bed, I went to the kitchen to prepare myself some breakfast.


Matapos ang anim na oras ay nakabihis at nakaayos na ako. I decided to wear a baby blue high waist trousers that I partnered up with a plain white shirt. Pinaikli ko 'to sa pamamagitan ng belt para bumagay sa pambaba ko. I opted on a pair of white rubber shoes in case we have to run, which I hope won't be necessary. I bought new foundation the other day and vowed to myself that I would never let it slip off of my hands again.

I was ready to go when someone knocked on my door. Maliit na awang lang ang binukas ko sa pinto sapat upang masilip kung sino ang kumatok. Pero nabuksan ko ito nang buo nang makita kung sino ang nasa labas.

"Dad." I mumbled.

Tinignan niya lang ako at tumuloy na siya sa loob kaya sinara ko na ang pinto.

"Dad, bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka?" Gulat kong tanong. This is the first time he visited since I moved here. Hindi siya sumagot agad at pinagmamasdan ang kabuuan ng maliit kong apartment.

"As far as I can remember I gave you enough money to get yourself a decent place." Naibaba ko ang aking tingin dahil sa sinabi niya. I knew he wouldn't like it here.

"This is the only apartment that is within walking distance of the school. It is practical," sagot ko.

"How disappointing," he uttered insultingly. I lowered my gaze and remained silent.

"How's the college application I've told you to work on?" Tanong niya.

Napayuko ako dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang sagot ko. Lying is not an option because he always knows when I lie.

"Hindi ko pa nasisimulan," saad ko na halos bulong na lang sa lakas. For a while, he remained silent, looking even more dissatisfied.

"You can't miss that school, Klara. Remember that," kalmado niyang saad pero alam kong kaunti na lang ang natitira niyang pasensya para sa bagay na 'to. He's been discussing this school and the college course he wants me to take since last year. But up until now, I'm still undecided.

"Yes, Dad," ang tangi kong naisagot.

He instructed me to get ready because we're going to eat lunch outside, which is one of the most unusual things to happen in recent years. I couldn't say no. Kaya kahit alas-kwatro na at paniguradong inaantay na ako ni Niko ay hindi pa 'ko makaalis. He also keeps calling, but I'm unable to answer. My father despises using phones during meals.

"Mag-iingat kayo," saad ko habang papasok na si Dad sa sasakyan. Tapos na kaming kumain at pauwi na siya. Hindi na siya sumagot at sumara na ang pinto nito. Tinanguan lang ako ng driver at tsaka nagsimulang umalis ang kotse.

Nang makalayo na ito ay agad kong binuksan ang cellphone ko at naka-limang missed calls na si Niko. I called him back but his phone is unreachable.

Nasaan na naman kaya ang lalaking 'to? Sana naman hindi nanaman siya naliligaw.

It's almost 4 pm at mag iisang oras na akong late sa usapan namin. I read the message he sent.

Did something came up today? I guess we have to postpone. Pero habang nag-aantay ako, I took some great pictures of this procession. Kung susundan ko 'to makakarating ako sa simbahan, right?
3:33 PM

With the message, he attached some photos. Mukhang nakita niya ang prusisyon na nagsisimula na ngayon. Napatingin ako sa kalsada dahil maraming tao na ang lumalakad sunod-sunod sa kanya-kanya nilang mga karo na naglalaman ng imahe ni Hesus at ni Mary.

Napansin kong tila ito na ang dulo ng mahabang mga taong naglalakad. Niko sent me a message 17 minutes ago. Kakasimula lang ng prusisyon kaya sigurado ako na kung hahanapin ko siya sa mga tao rito ay makikita ko siya.

Kaya nagsimula na akong tumakbo sa unahan at maingat na hinahanap siya sa gitna ng napakaraming mga tao. Lumipas ang halos dalawampung minuto pero hindi ko siya mahanap. Masyadong mahaba ang linya at marami ang tao.

Kaya sa pagod ay tumigil muna ako sa sidewalk at hinabol ang aking hininga. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi pa rin reachable ang numero niya.

"Where are-"

 Hindi ko na natuloy ang tanong ko sa sarili ko. Dahil pagtingin ko sa unahan ng sidewalk ay nakita ko na siya. His clothes are more casual than mine. That made me hesitate a bit to approach him.

He has a camera in his hand and appears to be intent on filming the entire scene. He's smiling the whole time. What is there to smile for?

Hindi ko siya agad nilapitan dahil mukhang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya. So, for a couple of minutes I low-key followed him hanggang sa makarating na kami sa simbahan.

Pero bago siya makapasok ay may naatrasan siyang nagtitinda ng mga prutas. He was so focused that he barely noticed the vendor behind him. Agad nagsilaglagan ang mga prutas at gumulong na ito papunta sa nilalakaran ng mga taong nasa prusisyon.

Mula sa pwesto ko ay rinig ko kung gaano kalakas ang sigaw ng tindera habang pinapagalitan niya si Niko. While he looks down and remained calm. He numerously bow and apologize pero sadyang ayaw siyang tigilan ng tindera. They are starting to cause a scene. Kaya lumapit na ako.

"Ale, pabili nga po nitong ponkan. Magkano po?" Tanong ko sa tindera habang kunwaring namimili sa mga natirang ponkan sa lagayan niya.

Natigilan naman siya kakasigaw at agad agad akong inasikaso. When Niko saw me, his eyes widened but I pretended not to know him.

"Bilhin ko nalang po pala lahat, ale. Para po makauwi na kayo," ngiti kong saad sa tindera na nagpa-kislap naman ng mata niya.

"Nako, talaga ba iha? Hulog ka ng langit dahil itong batang 'to sinagi ang paninda ko at ang daming natapon. Jusko! Hindi kasi nag-iingat!" muli niyang sigaw na nagpayuko nanaman kay Niko.

"Pasensya na po talaga," he apologized.

"Hayaan n'yo nalang po siyang bayaran 'yong nahulog niya. Para po makauwi na kayo. May pambayad ka naman diba?" Saad ko sa ale at biglang lipat kay Niko.

"Ha? Ah, oo naman. Babayaran ko nalang po. Pasensya na po talaga." He replied.

Pagkaabot sa akin ng tindera ng mga ponkan na nakasupot ay umalis na ako at nauna nang pumasok sa gate ng simbahan. Magkakatabi nang nakahinto ang mga karo rito at pumapasok na sa loob ng simbahan ang mga tao.

Umupo lang ako sa bench na nandito sa labas at maya-maya ay nakita ko na si Niko na pumasok. Mukhang hindi niya ako nakita dahil nandito ako sa gilid kaya dumiretso siyang pumasok sa loob ng simbahan na papuno na sa dami ng tao.

I dialed his number and after a few rings he finally answered it.
"Klara? Nasaan ka?" He asked sounding confused. Rinig ko din sa linya ang boses ng mga tao na nasa loob.

"Lumabas ka d'yan," sagot ko. Agad ko rin siyang nakitang lumabas.
"Nandito ako sa gilid," muli kong saad at tinaas ang cellphone ko.

I couldn't figure out why he had to smile the moment he saw me. Naiintindihan ko pa kung bakit ganon siya makangiti kanina habang nagrerecord siya. Maybe he really loves what he was doing.

But, I don't understand why he has to smile at me the same way he smiled for something he enjoys doing.

I'm only meeting him for the second time, but he's already raised some questions in my mind.

***