Browse stories

When It Started

Language: fil

She ran alone in the dark, and she led herself down the wrong paths. When she gave up, the decisions and realizations hit her. She died on the inside the instant they all left her. A weak Adrastreia Lavina Nieva will have to deal with her own consequences as well as her own inquisitiveness about everything. It will get her into difficulty since she nearly swims alone in the middle of the ocean with the star. But she has no idea that one of the stars represents her bright future. She had no idea she always had him, but when she did, everything started to fall apart. Her faith in someone had…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Prologue

Trust. Trust ourselves.

But don't overtrust because it will lead in a disappointment.

I'm very disappointed in myself right now. I tried everything I could think of. I strived to pleased everyone. Pero ngayon, hindi ko na kaya pang tumanggap ng mga kasinungalingan nila. Hindi ko na kaya pang mag bulag-bulagan.

It lead me into trouble.

The decisions I made is all wrong.

This is my fault. Palagi naman akong mali, kahit saang anggulo tignan, ako lahat ang mali.

"Reia! Huwag mo sabihing 88 lang ang pinaka mataas mo?! Aren't you feel embarassed?!"

"Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo na palaging nasa top at hindi bumabagsak?! Bakit hindi mo magawang magtino at proud ka pa sa mababang grado na 'yan?! Magkasalungat nga kayo ng ate mo! Napakabobo mo!"

We are not the same.

"Palagi ka kasing sumasama sa mga kaibigan mo at nababarkada ka. If you won't stay away from them, I'll confiscate your phone! Huwag ka nang sumasama sa kanila para hindi ka nagagaya! Nakukuha mo 'yang mga ugali mo sa kanila, ano?"

Paulit-ulit ko na lang naririnig ang mga litanya ni Daddy na parang sirang plaka. I already tried my best. I did it but he was blind!

I'm not smart as my sister to get a high grade, why do they have to compare the two of us?

Daddy yelled angrily at me, "Don't whisper there or I'll get you out of here!"

I inhaled deeply till my throat felt tightened. I felt tears welling up in my eyes, but I fought them back since I didn't want to be scolded.

Why they hate me?

I got up from the sofa and sluggishly walked into my room, where tears streamed down my face one after another as I locked the door and ran down to my bed, where I hugged my pillow while crying.

I'm such a disappointment.

Since I graduated from high school, I haven't heard Mommy and Daddy compliment me. They limit me so much now that I'm in senior high, and their cruel remarks sting me so much. Ang hirap matanggap na sa kaniya pa na sa mismong ama ko pa nanggaling ang mga ganoong salita.

Ni hindi ako makapagsalita tuwing nasa harap na nila ako because I'll cry more. Walang lumalabas na salita sa bibig ko dahil tanging iyak na lamang ang nangunguna. It pained me. Iniiyak ko na lang ang lahat nang hindi ine-explain ang side ko.

Si ate, siya lang ang nakakaintindi sa akin.

"Reia? Your ate Manda is here, please open the door, please!" pagmamakaawa ni ate. I didn't open it since my blood was boiling every time I'm seeing her but all she did was understand me.

Mas matanda siya ng isang taon sa akin.

"Reia? Nandito si ate, buksan mo naman parang awa mo na," I stood up, but before opening the door, I clenched my fist and gently opened it, tears streaming down my cheeks after I saw her face.

Even though I despised her, I couldn't help but think she was the only person who knew what I was going through.

Nang makita niya ako ay kaagad niya akong niyakap, sinara niya ang pinto at saka niya ako hinila papalapit sa aking kama.

"I'm sorry about our Dad. Kakausapin ko si Daddy tungkol-"

"You don't need to do that." iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at yumuko.

Kahit anong gawin mo, ikaw pa rin 'yong mas angat.

"Reia, please!" umiling siya. "You've been through to yourself, please rest."  She hugged me, and as soon as I felt the warmth of her embrace, tears poured down my face like a river.

"I'm your ate, I'm always here to understand you, please trust me."

Iyan ang huling linya na sinabi niya matapos kong makatulog.

Trust her. So I did. I trust her.

"Wake up, I cooked your favorite ulam, Caldereta."

Kaagad akong napamulat nang maamoy ang ulam na iyon. Kumurog kurog ang sikmura ko at dali-daling nagtatakbo papuntang bathroom ko at saka naghilamos at pagkatapos ay bumalik ako sa aking kama at kinain ang dala niya.

Hindi ko siya tinitignan dahil ayokong makaramdam ng awkwardness.

"Good Morning," she smiled but I ignored her and kept eating. "After mong maubos iyan ay tawagin mo lang ako, gusto mo pa bang kanin?" she asked.

I shook my head. "Leave, I can take care of myself," she slowly nodded.

"Okay, then... mauuna na ako," tumayo siya at saka dahan-dahang isinara ang pinto ko. Nag-init ang gilid ng mata ko.

She understand me that's why she's doing this.

Inubos ko ang pagkain ko at saka bumaba para ligpitan iyon, kaso lang ay napahinto ako dahil nakita kong mayroong bisita sa baba. Ngunit hindi ko na sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako. Napapikit ako nang tawagin ako ni Daddy.

"Reia? Come here, she's my daughter, I adopt her when she was a child. Inampon namin sa bahay ampunan." biglang sabi ni Daddy, at siyempre hindi na ako nagulat dahil iyan naman ang palaging bukambibig niya.

I just let it go because I was once labeled as an orphan. The fact is, I'm not sure why they always declare I'm an orphan whenever a visitor arrives to the house.

Malamang, kinakahiya niya akong maging anak.

"Wow, she's pretty! I have a son."

Nangunot ang noo ko. Ano ang nais niyang iparating sa akin?

"Uhm, thank you po," ngumiti na lang ako at saka naglakad nang tuloy-tuloy nang hindi sinusulyapan si Daddy. Ayokong tignan ang mata niya, nakakatakot.

When I saw my cousins in the living room, I came to a halt, but my body froze even more when I spotted an unfamiliar man. Ngumiwi ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad dahil hindi naman ako interesado sa lalaki na iyon.

"Reia! May laro kami mamaya, manood ka, ah?" sabi ng pinsan ko.

I shook my head. "Marami pa akong ginagawa, eh." palusot ko.

"Ha? Sembreak na 'tin ah? Paanong marami kang ginagawa?" gulat na tanong niya.

"Marami akong ginagawa basta," iritang sagot ko. Napakakulit. Ang init-init tapos papapuntahin pa niya ako sa court para lang manood ng laro nila. "Basta, ayoko!"

"Next time manood ka! Kapag wala ka ha-hack ko account mo!"

Nag tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papuntang kusina at hindi siya pinansin. sinimulan ko na ang paghuhugas ng plato.

I went to the refrigerator to fetch some water after wiping away the sweat. I panicked as I shut the refrigerator because the unfamiliar boy in front of me appeared surprised.

"Kid! Why are you here?!" gulat na tanong ko habang nagtataas baba ang dibdib.

"Nauuhaw ako." maikling sagot niya at saka inagaw ang baso na hawak ko at doon siya uminom.

"Bakit diyan ka uminom?" nakakunot na noong tanong ko. Hindi niya ako pinansin at saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.

"Arte mo," He abruptly muttered it, then turned around and walked away, leaving me speechless. Because of what he stated, I closed my eyes in irritation.

Ang feeling niya ah? Feel at home lang?

Kumulo na naman ang dugo ko at napapadyak sa inis. Kagabi pa ako pikon na pikon, parang gusto ko nang sumigaw.

Naglakad ako papuntang sala at nakitang nandoon pa sila. Susugod na sana ako ngunit tumunog ang cellphone ko. Alarm lang pala.

Suminghot singhot ako nang makaamoy nang dessert. Graham? My eyes widened as I looked about for the location of the fragrance. I can't live without it because I was conceived with it.

"Amoy graham, nasaan 'yon?" kunot na noong tanong ko. "May binili ka bang graham?"

Itinaas ng pinsan ko ang graham at saka dali-dali naman akong naglakad patungo sa kaniya.

He smirked. "Gusto mo ng graham?" I nodded. "Bili ka." he then laughed. "Just kidding, here."

Binatukan ko siya at saka tumikim sa hawak niya.

"Gusto ko talaga ng graham, masarap kainin graham." sabi ko habang kumakain.

"Who made this?" halos makalahati ko na ang garapon at nang makita ng pinsan ko iyon ay kaagad niya akong binatukan. Tumawa ako para asarin siya. "Taste like a sugar, sweet."

When the man who had been stressing me previously choked and slapped his chest, I was completely taken aback. When he caught me looking at him, he smirked and kept his mouth shut.

"You like graham so much, huh?" he suddenly said.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa pagsubo. Nang matapos kong maubos iyon ay saka ko na sila tinalikuran. Hindi ko naman kakilala ang kasama nila at isa pa, bakit ba feel at home siya? Ni ngayon ko nga lang siya nakita rito.

Ah, siguro siya yung anak nung lalaki kanina. Bata pa nga. Napakabata ng itsura niya. Paniguradong nasa 10th grade pa lang iyon base sa mukha niya.

I continued walking into my room, only to be astonished when my phone buzzed with a Instagram notification.

Graham Ross followed you.

Oh My God! No way!

When I realized who it was, the cellphone I was holding almost fell off my hand. The boy who looked young earlier. Fuck! And what I found when I tracked his account astounded me even more.

Civil Engineering. 20.

He's two years older than me. Fuck life.

But he's just look like a little brother to me!

Chapter 2

"Iniisip mo na naman ba siya?" my cousin chuckled like as if he's teasing me.

I rolled my eyes as I made a face. Simula noong makita ko ang lalaking iyon ay hindi na siya mawala sa utak ko, hindi ko rin alam kung bakit. Basta, matindi pa rin yung inis ko sa kaniya.

"Looks like my little cousin can't get over to Graham." he smirked. This old man always teasing me about that boy.

"What are you thinking?"

Ngumisi siya nang malapad at saka ako pinagtaasan ng kilay. "You like him?" he suddenly asked, out of nowhere.

"Paano mo nasabing gusto ko siya?" gulantang na tanong ko sa kaniya.

Hindi ko maintindihan 'tong isa na ito. Alam kong shipper na siya matagal na pero hindi ko gusto ang mga sinasabi niya ngayon. Baka sabihin pa ng mga kaibigan ko na child abuse ako dahil mukhang bata 'yong lalaking 'yon.

"He's not my type. Looks like a little brother to me." I boredly said.

He grinned. "Bata lang ang mukha niya! Ayaw mo ba sa kaniya? Cute? Aayaw ka pa ba?" nang-aasar na aniya.

That man isn't bad, but he's not my type. My expectations are high, and I am well aware of my type. I prefer mature men.

"Tss, he's just a baby face but he's matured." umiling iling pa siya. "Alam kong ganoon ang mga tipo mo pero matured na iyon. Mukhang bata nga lang iyong mukha."

Kahit na ba. Hindi ko pa rin papatulan at isa pa, mas matanda pa iyon sa akin. Mas matanda pa nga rin kay ate Manda 'yon, eh. Si ate Manda ay 19 years old lang. Mas matanda pa rin iyong lalaki ng isang taon sa kaniya. Dalawang taon naman ang pagitan namin.

At isa pa, hindi ko pa rin makakalimutan na sinabihan ako nang maarte ng lalaki na iyon, I know and am aware of my behaviors, but does he have to be straightforward in our mansion?

He has no respect at me at all. Pero buti na lamang at hindi ko na siya nakikita. Buti naman.

The sembreak days are ended because class starts tomorrow. I had a good time during the school break. It's only that I can't get that kid grin out of my head.

"Daddy niya ba 'yong kasama niya noon?" kuryusong tanong ko.

"Hindi, Reia. Mommy niya 'yon." he sarcastically said as he stand up and leaving me with my wide open mouth.

Napano iyon?

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ibinagsak ang katawan sa kama. Peaceful life. Sana walang sumira.

I'm scared of getting hurt. As a consequence, I try to avoid falling for someone since I know I'll just cry in the end. Even the smallest things make me cry. I'll always be the one who has to bear the brunt of the pain and struggle. Alam na alam ko, advance ako mag-isip. At isa pa, crush pa nga lang ay halos ikagiba ng mundo ko, magka-boyfriend pa kaya?

Ang hirap kaya lalo na kapag overthinker. Pakiramdam ko o iniisip ko na may iba siya kahit wala naman. Wait, why do I keep thinking about this? Reia, start focusing on yourself. If you're afraid of commitment, don't explore it at first. Then consider it when you find the right one for you.

Pero sino nga ba ang para sa akin?

Umiling iling ako at nagpagulong gulong sa kama. Bakit ko ba 'to iniisip?

At dahil wala akong magawa, in-open ko ang instagram ko at saka siya inistalk. Binuksan ko pati ang mga highlight niya. Ang kauna-unahang nakalagay do'n ay 'yong nasa Tagaytay sila ng family niya, pangalawa ay iyong reunion nila.

Pinindot ko ang may nakalagay na "Grey." At napanganga nang makita ang mukha niya. Para siyang nerd! May salamin kasi siyang suot at lahat ng nakalagay sa highlight na iyon ay naka salamin siya. Hindi ngumingiti at seryoso lang na nakatingin sa camera.

Tss. Bakit ko nga ba siya iniistalk, eh, wala naman akong pakialam sa kaniya.

I looked through his old pictures and scowled when I noticed that everything he was posting was from the restaurant. Foods that are high in concentration. Ang yaman naman nito.

Tss. Binack ko at saka binalikan ang profile niya. Famous.

@greyhamballs.

Civil Engineering. 20.

0 post. 70K followers. 0 following.

Alam ko na kung bakit. Model kasi 'yong ate niya, siguro naging famous siya dahil sa ate niya.

greyhamballs: hey?

My mouth dropped when I saw his message.

adrasteialn: what?!

greyhamballs: how r u?

adrasteialn: fine. wyd?

greyhamballs: nothing. just thinking u. U kept visiting me in my mind huh?

adrasteialn: banat ba 'yan?

greyhamballs: no im serious. Are u flirting with me? looks like u cant get over because of me, why did you like me?

Ha? Anong pinagsasabi nito? Ni hindi ko nga siya hinaharot. Utak talangka yata ito, eh. Nasaan ang harot sa message ko at pakihanap nga. Nagsisimula na naman siyang painitin ang ulo ko.

greyhamballs: seen?

greyhamballs: hey, u still there?

greyhamballs: where's eden btw

adrasteialn: who's that? i dont even know who is he.

greyhamballs: ur cousin. Aeden.

Nanlumo ako sa gulat nang malaman kung sino iyon. Mahal naman siguro sila ng mama nila para gawing ganoon ang name nila 'no?

adrasteialn: lmao.

seen.

Hindi na siya nag message sa akin. Binack ko at tinurn-off ko dahil wala na rin naman akong gagawin pa.

Ano naman kaya ang naisipan niya at nasabi niyang nilalandi ko siya? Siguro kahit sa simpleng chat lang sa kaniya ay nilalagyan na niya kaagad ng meaning.

How assuming.

Furthermore, I didn't like him, why would I flirt with him? Am I losing consciousness? That is something I would never do. Never. My classmates and friends may even accuse me. Embarrassing.

At malamang sa malamang baka isipin nila na nagbago na ang taste ko sa lalaki at naging bata na ang target ko. Baka magulat na lang sila bigla kapag nalaman nila ang edad nung lalaki na iyon. Pero bakit ko ba na naman iniisip ito, eh, wala nga akong pakialam sa lalaking iyon!

The speed of time additional in lockstep with the darkness of the sky. This ends the time. Monday.

I felt scared as soon as I stepped in front of our room's door, and my stomach felt like it was twisting. They were all silent when I walked in. I felt like I'm the Angel sent from above.

I sluggishly sat down on my chair, I scanned the whole room as I looked at them with my sleepy eyes. Bakit ba nag-iba ang mood nilang lahat at nanahimik?

Napangiwi ako sa naisip. Hindi kaya mayroon akong hindi nalalaman na alam nila?

"May gusto ka ba ro'n sa bata na iyon?!" bungad na tanong nila sa akin. Kusang nanlaki ang mata ko sa narinig at halos panlamigan ng kamay.

Anong s-sinasabi nila?! Kid?

"Oo nga. I'm so curious about it. I just recently saw it on facebook. About your post, is that really you?" Nangunot ang noo ko at napaisip.

Kailan pa ako nag facebook? Ni wala nga akong account doon dahil denelete ko. Ang toxic na kasi, at isa pa, wala naman akong gagawin sa facebook ko kaya denelete ko na lang.

"You have a crush on him? Pft, bata na pala ang mga tipo mo ngayon?" nanlamig ako nang tumawa silang lahat.

"Sana sinabi mo noong una pa lang para nireto na kita sa kapatid kong elementary!" biro ng kaklase ko.

"What are you saying, guys? I don't even have a facebook account!"

"Weh? Neknek mo! Wag mo kaming gamitan ng reason mo, ah? Wala namang masama kung magkagusto sa bata. Ayaw mo no'n, support ka namin?" ngumisi sila isa-isa.

Hindi ko napansin na nanginginig na pala ang kamay ko at namamawis na. May poser ako?

"Hindi ako iyon! I promise, I don't have facebook! I already deleted my account last last month, promise! I can prove it to y'all. I have a proof."

"Huwag na, support ka na lang namin. Yieee! Bata na pala ang gusto mo, ah?"

I shook my head. "Sino ba ang tinutukoy niyo? Wala akong alam sa sinasabi niyo, ah?"

"Sino na ba iyon? Iyong kapatid ng model, teh! Iyong junior high school yata? Oo! Iyon 'yon!"

"Sus! Ayos lang iyan! May boyfriend din akong junior high school!"

I shook my head once again. "Don't compare me to you, I'm not a pedophile."

Hindi ko na sila pinansin, tumayo at at kumaripas nang takbo palabas ng room. Kung sinusuwerte nga naman ay nakasalubong ko pa ang kaibigan ko. I snatched her behind the building and dragged her in.

Humingal hingal pa muna ako bago siya harapin. Nang tignan ko siya ay masama ang tingin niya sa akin at saka niya marahas na hinila ang kamay niyang hawak ko.

"Seriously, what's with you today?!"

I gritted my teeth as I stared at her with dangerous eyes.

"May poser ako, just check who is it!"

Nagtaas lang siya ng kilay at huminga ng malalim.

"Sus, I saw the post already. Gayang gaya ng poser pati typings mo, ah?" nakakunot na noong sagot niya.

"Umamin ka nga, ikaw 'yon 'no?!" nanlaki ang mata niya at itinuro niya pa ang sarili niya.

She chuckled sarcastically. "Me?! Why would I ruin my best friend for nothing?" napapikit ako at yumuko.

Sino naman kaya iyon at sinusubukan ang kakayahan ko.

Wala naman akong ibang kaibigan maliban sa babaeng ito, eh. Siya lang ang nakakaalam ng typings ko. Pero naalala ko, 'yong typings ko noon at typings ko dati ay magkaiba!

"What kind of my typings? Old or new?"

"Old."

Napaupo ako at napakamot sa ulo. Sino naman kaya ang kaibigan ko noon na may alam ng typings ko? I'm a changed person now, for pete's sake.

"Can I see the post?" I asked. She nodded. She then let me to see the post.

"A threads about my crush. He's good at singing. Can play a basktetball. Can draw. Can swim. Cute. He had a brace back then. Famous and shy. He is Grey, civil engineering."

I also saw her other post that gave me headache.

#FeelingInLove

Kung ang kulay ng abo ay gray, bakit ang sarap mo Grey?

980 reacts and 1k shares

Ngumiwi ako at saka tinignan lahat ng mga post niya. Nakakanginig ng kalamnan dahil ang lalaswa pa noong iba!

"Want nudes? Add/pm me."

Damn. My reputation. I'm the daughter of the president. President in our country. Now, I'm dead. My daddy is super strict at me. Once he saw the post, I'm dead.

I also doubled-checked my instagram account to see the messages of my friends and some unfamiliar account.

@qwerty: wow yummy

@oli: sarap mo naman, when kaya makakaisa?

I blocked them all as I sighed nervously.

I'm super dead.

"No way." namuo ang luha sa mga mata ko nang tumunog ang cellphone ko at mabasa ang message ni daddy.

Daddy: come home, let's talk about your post.

Hindi ito ang inaasahan kong bungad ng araw ko. Ito na naman. Mapapagalitan na naman ako. Kakatapos lang noong isang linggo tapos ngayon na naman ulit. Ano na lamang ang sasabihin ni Daddy? Expected ko na.

"You're dead." nakita ko siyang nakatingin sa cellphone ko. "I'll hack the account, don't worry babe..." she hugged me.

Hindi kaya'y si ate Manda ang may gawa nito? Siya lang naman ang nakakita na may interaction kami ni Grey noong bumisita sila ng Daddy niya. Mga pinsan ko? Pero hindi naman siguro nila iyon gagawin dahil kilalang kilala nila si Daddy.

I'm sure, si Ate Manda ito. The plastic one.

Padabog akong naglakad pabalik sa room at nakita kong tumatawa na naman sila. Hindi ko na sila pinansin at pinabayaan ko na lang silang asarin ako.

Hinintay ko matapos ang oras para makauwi at makausap si daddy. Kaya lang, hindi pa bumubukas ang bibig ko at nakatanggap na ako ng isang malutong na sampal.

"You're just flirting on socmed?! Pokpok! Haliparot at kaladkarin! I can't with your scandals! Nakakahiya ka, pati reputasyon ko nasisira sa 'yo!"

"Just stay away with your friends. Reia, anak... hindi maganda ang nag po-post ng mga malalaswang ganoon!"

Why would I avoid my friend when in fact, you are the one who's bad?

I'm so sick of this.

"D-Daddy, I-I don't have account on f-facebook oka-"

"Hindi iyan ang gusto kong marinig ko na sagot mo. Just admit it, kinakalat mo ang mga malalaswang imahe mo?!" sigaw niya habang bahagyang sinampal sa mukha ko ang cellphone niya at ipakita sa akin ang post. "Hiyang hiya ako sa 'yo!"

Pakiramdam ko ay may nagbabara sa lalamunan ko.

"Daddy, can you please hear my-" he cut me off.

Tumawa siya. "Bakit ko naman pakikinggan ang walang kwenta mong alibi?!"

"Daddy!"

"Hindi ako natutuwa sa mga pinag gagawa mong malandi k-"

"Daddy!" I screamed as I grieved. "Can you please listen to my explanation before making judgements? Hindi po ako akin account iyon at poser ko lang po!"

Sumingkot ako at nagpatuloy sa pagsasalita kahit nahihirapan. "W-Why would I avoid my friends? They have nothing to do with it. At oo, hindi po ako pokpok o kaladkarin!" I shook my head over and over again while crying. "You are the worst father I have ever known."

But then, he slapped me so hard. Napaupo ako sa sahig at naramdaman ang dugo sa aking labi. He is the worst.

"I wish I have a good father. I wish you're not my father."

Chapter 3

Chapter 2: Matured man

I can't face all of them because of the embarassment. But then, I realized, this isn't my fault at all. The one who posted it should be the one who suffer the most. 

It's not a huge deal to them, but it's a major deal for me. My parents are really strict with me. They don't want me to have a partner or allow me to have one because they want to be able to choose who I'm going to date in the near future. In a nutshell, they were controlling me.

I couldn't get it out of my head. I'm ashamed of myself for speaking those remarks to my father. What I said to him seemed to make him feel hurt. Nevertheless, I am unable to reverse it. Because I'm a bad person, it's as if I have to face all of my consequences.

I was hurt but I kept it and when I'm alone, I cried.

I need to avoid him, I'm so embarassed to face him. Even my classmates. They were cruel.

To make decisions, I must first think about them. My "what ifs" make me tremble. What if it doesn't work out in the end? What if, if I make the decisions I'm planning, I'll be hurting myself more?

But I need to endure it all. I need to move on and smile.

My smile widened when I saw my classmates. They were staring at me while grinning. I get it. They are teasing me, again. So I let them be.

"How was it? He's pretty cute. Sanaol na lang talaga nakabingwit ng cutie na boy."

"I was so shocked when I saw his age. He's way older than us! Tang ina, na-scam ako ng mukha niya!"

Tumawa sila at saka umiling-iling. What are they thinking? Hindi ko na lang sila pinansin at gumawa ako ng sariling mundo para hindi na maisip ang pinag-uusapan nila.

"Pero totoo ngang ikaw iyon, Reia? It seemed you isn't it." sabi ng Pres namin.

I simply rolled my eyes and rested my arm on the chair's top. That person is my poser, just like what I said yesterday. "Finally, someone said the right words." malamig na sabi ko. Tumango-tango naman sila at parang naliwanagan na sa sinabi ko.

She nodded. "I think she's saying the truth. But I'm so curious about this one. Wala ka talagang nararamdaman sa kaniya? Like ang guwapo niya, baby face-"

I inhaled harshly. "Hep!" I stopped her. "I don't have time to like someone. My father will kill me."

I'm still quite guilty. I'll try to persuade him later, but first, I'll make the move. I'm going to apologize. I'm feel bad.

How can I be feel guilty when I just hurt him at once while he hurts me twice, not even twice but a hundred times and he still pretend like nothings happened.

I shouldn't say that. I think I'm wrong from being protected by myself.

I sighed. He is my father, I should respect him.

"Who wouldn't like him?! Ikaw lang yata. Sa sobrang taas ba ng pride mo ay hindi mo maamin?"

"If I were you, ginawa ko na siyang boyfriend ko dahil ang guwapo niya."

I gritted my teeth. "Sige, ikaw na lang ang mag ako!" I said, irritated.

They laughed. "Pero malapit 'yong cafeteria natin sa campus nila. Anong gagawin mo kung makita mo siya?"

Obviously, hindi ako lalabas. Bahala na ako kapag nagutom ako. Pipigilan ko na lang siguro, wala namang masama kung magtiis. Ngayon lang naman 'to.

"I'm able to withstand my hunger."

"Okay bahala ka, ikaw din naman ang magugutom, hindi kami. And about your nudes..." mabilis akong umiling.

"Trust me, hindi ako 'yon..." tumango na lang sila at nanahimik.

"Pero... bakit naman ganoon kalaswa..."

"Hindi ako 'yon, basta!"

Umalis sila sa harapan ko at saka bumalik na sa kaniya-kaniya nilang mga puwesto dahil magsisimula na ang klase namin.

Wala pa sa kalahating oras ay nakaramdam na kaagad ako ng gutom. Damn! Bakit ba kapag iniisip kong nagugutom ay nagkakatotoong nagugutom ako?! Nakakainis.

Sana pala nagdala na lang ako ng tinapay kanina na nakalagay sa ref. Sana kinuha ko na lang. Ayoko namang lumabas dahil sa oras na lumabas ako ay baka maraming tumawa sa akin dahil sa post at sabihan ako ng mga masasakit na salita.

Hindi naman kasi ako iyon, eh! Bakit kailangan kong magdusa sa post na iyon. At isa pa, bakit ba ako naduduwag, eh, hindi naman ako ang may gawa no'n.

Tama. Dapat hindi ako naduduwag dahil hindi naman tagalaga ako iyon. Kapag lumabas ako, hindi ako maduduwag.

Ano kaya kung isipin ko na langgam lang sila na pakalat kalat? Dami kasing sinasabi mga chismosa.

Nang dumating na ang oras ng recess ay kaagad ako pinanlamigan ng kamay. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Don't be coward. Gutom ka, unahin mo ang bituka mo kaysa sa kabang nararamdaman mo, Reia.

I will avoid those colleges' because I can't face them. Malamang sa malamang, may nalalaman na sila. Si Grey ba naman ang nasama sa issue, malamang famous 'yan. Maraming may kakilala riyan.

When I saw Dayalyn in the corridor, she was walking alone with two books in her hands. I dashed over to her and placed my hand on her shoulder.

"Help me to buy foods," I smiled awkward.

"Huh? Oh, sige..." maikling sagot niya at nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad papuntang cafeteria na malapit sa campus ng mga colleges.

Magkatabi lang kasi ang cafeteria ng college at ng senior high pati na rin ang campus ng junior high. Medyo malawak ang university na ito dahil pinagtulong-tulungan ng mga mayor, gobyerno ang pagpapagawa nito noon.

Kabilang na doon si Daddy at dahil dito kami nakatira, malaki ang pananagutan ni Daddy lalo na rito sa university. Buti nga at maayos ang mga ginagawa niya sa labas ng bahay ngunit pagdating sa loob ng bahay ay parang ibang tao siya.

I am well-versed in the matter of corruption, but I am well aware that Daddy is not one of them. When it comes to his profession, he strives with everything and thinks well. In situations where the president is in charge and has an optimistic perspective, it is vital. Hindi naman siya mananalo at magiging Presidente kung hindi niya na-hook ang taong bayan dahil sa galing niya sa pangungumpaniya.

Corruption, dirty play, and rational thinking are all part of politics, but there are certain exceptions. You must carefully consider every decision you make, and if you don't, they will abuse you and drag you down.

Ganoon karumi sa politika.

"What were you thinking?" pinikit ng kaibigan ko ang noo ko at biglang bumalik sa reyalidad at napansin kong kanina pa pala ako nakatulala na nakatayo at nakapila rito. Hindi ko napansing pumila ako rito.

Nang sabihin ko na ang order ko ay naghintay pa ako nang bahagya at saka ko kinuha nang makayari sila. Lalakad na sana ako papunta sa lamesa nang makasalubong ko si Grey na naglalakad mag-isa.

Nakasuot ng polo na puti habang tanggal ang dalawang butones sa itaas at mayroong suot na salamin. Seryoso siyang naglalakad at para bang ikamamatay niya kapag ngumiti siya.

He now appears to have reached a point of maturity. His brows are dense and his lashes are lengthy and thick. Also, I observed that his complexion was incredibly pale and his eyes were a shade of brown that looked like coffee. As soon as his flawless jaw clenched, everybody would fall in love with him. Kakaiba ang dating, nakamamatay.

And the nicest part was that his lips were heart-shaped as well as red as a rose. His brown hair is likewise quite natural. Wala siyang lahi at pilipinong pilipino ang mukha niya ngunit bawat galaw niya ay sobrang expensive, maingat at magaan lang siyang gumalaw.

He stopped walking as he saw me. After that, he grinned flirtly at me. Naglakad siya papalapit sa akin kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung tatakbo ba o magtatago ngunit wala akong choice kung hindi harapin siya para na rin makausap tungkol sa issue.

Pero anong gagawin ko? Ang awkward na tuloy! Ang sabi ko pa sa sarili ko ay iiwasan ko siya ngunit hindi ko magawa dahil nahinto ako kakatitig sa mukha niya.

Nang huminto siya sa harapan ko ay saktong inangat ko ang paningin ko sa kaniya. Hanggang balikat niya lang kasi ko pero hindi ko iyon gaanong napansin noong nasa bahay siya kasama ng kaniyang Daddy.

Pero ngayong nag-iba ang mukha niya ay hindi ako makapagsalita ng maayos. Come on, Reia. Calm down yourself. He is just Grey. There's nothing special with him. Ignore him right away.

"Hey," napapikit ako nang marinig ko ang boses niyang nakakaloko. "Reia, It's been a week. How are you, lady?"

I don't know what to do anymore. I only want to vanish because of him. Some people are staring at me and him like they're teasing and shipping us. Why they don't accuse him from being a pedophile? Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon! But I remember, I'm at a legal age now.

But he is still old.

"Get out of my way, I'm begging you." I gritted my teeth. He laughed sarcastically.

"Is this your own place? Why are you being a silly girl, huh?"

I pouted. "Get lost." I ignored him but he held my wrist when I turned my back.

"I won't. Let's eat together."

"Ayoko nga! Bakit ka naman sasabay sa akin? Hindi naman kita ka-close 'no! Ano ka, pinagpalang lubos?" litanya ko.

Bahagya siyang natawa. "Nevermind. I'll just order my food, wait for me here."

Tumayo siya at saka naglakad at pumuwesto sa pila ngunit ang mga babae ay pinilahan niya kaya ang nangyari ay pinauna siya ng mga babae kaya kaagad siya naka-order.

Kinawayan ko si Dayalyn na hinahanap ako at kaagad naman siyang naglakad papalapit sa akin. "Bakit bigla kang nawala? Saan ka nanggaling?!"

"Wala, kumain ka na."

Habang ngumunguya ako ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa ilang mga estudyante dahil hindi ko nakakayanan ang paraan ng kanilang mga titig.

"Hindi ba siya iyong may nudes? Nakita mo na ba? Check mo, nag post si Qwerty sa dump account niya. Nandoon 'yon..." mahinang bulong nila na naririnig ko naman.

Hindi ko na lang pinansin dahil bakit ko papansinin? Hindi naman sa akin iyon at hindi ko na kasalanan na kumalat 'yong nudes na sinasabi nila.

Hindi naman ako iyong mandidiri sa sarili ko kung hindi 'yong nag post na mulala na 'yon.

Natigil lang ako sa pagnguya nang makita si Grey na nakatayo sa gilid ko, may hawak na pagkain. Nakangiti siya sa akin habang nakatingin.

Seryoso? Dito talaga siya kakain kasama namin? Hindi ba siya nahihiya na ma-issue kami? Wala ba siyang pakialam sa reputation niya?

"Hindi ako hinintay," maikling wika niya at saka umupo sa tabi ko. "I told you to wait but it's okay. Can I eat here with you?" he suddenly asked.

Nag-isip ako ng isasagot ko ngunit pinangunahan ako ng kaibigan ko.

"Sure, you can eat with her, gusto mo ako na umalis at mag adjust sa inyong dalawa? Sabihin mo lang, I'm willingly offer my best friend for you." the idiot smirked at me.

'You'll stay here, Dayalyn," I said, furrowing my brows as she smiled at me. "I don't want to be involved in an issue with him."

"Biro lang. Hindi naman kita ibebenta sa kaniya. Alam mo ba Grey na napakabait nitong kaibigan ko at halos lahat ng mga-"

"Shut up! Just eat!"

"Of what?" Grey confusedly asked. "Of what?" ulit pa niya.

"Ano, wala! Ang sinasabi ko lang naman ay dapat tularan ang kaibigan ko dahil napakabuti niyang tao."

"Oh, mabuti pala siyang tao?" he sexily laughed. I feel so irritated right now.

"Duh! Anong tingin mo sa akin? Sindikato?!"

"Hindi naman."

"Hindi pala, manahimik ka na lang nga!" irita kong untag.

Dami-raming nakatingin sa amin, hindi tuloy ako makagalaw ng maayos.

"She's kind." bigla namang sabi ni Dyl.

"That's good, then..." tumango-tango pa siya at uminom. "But you really like me?" nasamid ako nang bigla niya iyong tinanong.

What a fucking straight forward. I'm eating!

"Of course not!" I said. "Why would I? You are not my type-"

"What's your type, then?"

"A matured man who knows how to limit theirselves."

Napahinto siya sa pagkain niya at saka ako nginusuan.

"Sorry, I don't have limitations. I can do whatever I want and I'm a matured man."

"Who ask?" I said with full of arrogance.

"Just saying."

This old man really stressing me out. Bakit naman niya iyon sasabihin, eh, hindi ko naman tinanong at bakit wala siyang limitasyon?

"I need to go now, my class will starts and I'm damn late. Bye." Hindi ko siya pinansin at hinayaan lang na umalis. "By the way, check your notification."

I looked for my phone and grabbed it as quickly as I could, but my head was spinning at the same time.

greyhamballs: ang ganda mo.