Browse stories

I Hate You But I Love You

Language: fil

Winter was a simple student who got a scholarship to the famous school. She met the four men she hated. They also became his friends over time. During the few months of his stay many things happened. What will her life be like in this school? Will he be happy?

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

Mayaman kami to the point na kaya ko nang bilihin ang buhay—

“Win? Tulungan mo naman yung pinsan mo na magbuhat ng mga gamit! Hindi tayo mayaman! Wala tayong kasambahay!”

Okay. Sabi ko nga mahirap lang kami. Ano ba to si mama binuking pa ako.

“Opo, mama!”

Nagrenta kasi si mama ng bagong bahay na matitirhan, pano, 'yung may-ari kasi ng bahay na tinitirahan namin dati pinalayas kami. Isang buwan pa lang naman kaming hindi nagbayad. Ang sarap nga'ng tadyakan 'yung mukha niyang napakapangit, eh kaso matanda na kaya ,'wag na lang. Baka matodas, eh!

“Hoy, babae ano 'yang dala mo?”tanong ng masungit kong pinsan.

Tiningnan ko naman ang dala ko.
“Hindi mo 'to alam? Walis tambo kaya!”

“Hayst! Alam ko ang akin lang, sa dami ng gamit 'yan talaga ang dala mo?!” 'di makapaniwalang tanong nya

“Maglilinis ako, eh,” dahilan ko.

“Huwag kang madaya! Ang dami ko ng nabuhat, oh! Mamili ka, 'yung mabigat!” inis na sigaw niya. Makasigaw amputek!

“Oo na! Sige na! Ang lakas ng boses mo kaya ang laki ng bunganga mo, eh!”inis rin na sigaw ko saka ibinato sa kaniya 'yung tambo. Umilag kaagad siya saka ako sinamaan ng tingin.

“Bwisit ka!” sigaw niya saka akmang lalapit sa akin pero tumakbo agad ako palabas.
HAHAHAH!

Ako si Winter Mallime, at...

Naninirahan ako sa magulong mundo...

Chapter 2

Winter's POV

Dali dali akong pumasok sa kwarto ni Claire, pinsan ko, para sabihin ang napakagandang balita.

“PINSANNNNNNNNNNN!!!!”sigaw ko pagkapasok at halos mahulog naman siya sa kinauupuan niya. Naglalaptop pala.

“Ano ba yan?! Nakakagulat ka!!”

“Alam mo ba—”

“Hindi ko pa alam,”bored na sabi niya.

“Kaya nga sasabihin ko, eh,”sabi ko. Inirapan niya lang ako ang sungit talaga!“Naaalala mo ba 'yung nag-exam ako para sa scholarship?”

“Oo, 'nung nakaraang linggo.”

“Wooh! Nakapasa ako!”masayang sabi ko pero napawi agad ang ngiti ko nu'ng nakita kong parang nalungkot siya, “Bakit?Sabi ko naman kasi sayo na try mo rin, eh. Alam ko naman na papasa ka rin.”

“Hindi. Mas okay na sa akin na sa public lang. Nakakahiya kay tita.”

“Ano ka ba? Hindi 'yan! Love na love ka rin kaya ni mama.”

“Kahit na. Alam mo naman na hindi tayo mayaman, eh. Sige na, labas kana. May ginagawa ako. Siya nga pala, congrats,”tuloy tuloy niyang sabi saka nginitian ako at bumalik na sa pag t-type sa laptop, nag o-online sell kasi sya.

Lumabas na lang ako. Kahit lagi kaming nag-aaway ni pinsan mahal ko naman 'yan eh. Naaawa nga ako sa kanya. Nu'ng nakaraang dalawang taon kasi namatay si tita, mama niya. Pagkatapos nu'n iniwan na siya sa amin ng papa niya at hindi na nagpakita pa. Anak lang daw siya sa labas eh. Balita ko nga may kapatid daw siyang lalaki isang taon lang ang tanda sa kaniya. Masungit daw at hindi siya tanggap bilang kapatid.

Hayss... Si mama naman pinalayas ng magulang ni papa kasi hindi siya tanggap dahil mahirap lang. Naiwan daw doon 'yung kuya ko. No'ng pinalayas si mama hindi niya alam na buntis na siya sa akin kaya mag-isa lang siyang nag-alaga sa akin. Bakit kaya ganu'n ang mayayaman?

“Oh, anak? Bakit ganiyan ang mukha mo?” nagulat naman ako sa biglang nagsalita. Si mama pala.

“Ma.”

“May problema kaba?”sabi niya habang inaayos ang mga pinamili.

“Ah... kasi ma, nakakuha ako ng scholarship.”

“Ganu'n ba? Congrats, anak. Pero bakit malungkot ka?”sabi ni mama na inilalagay na sa ref 'yung karne.

“Si Claire, ma. P'wede bang sa school ko na rin siya?” tanong ko

“Pero private 'yun 'di ba? Saka ayaw naman niya. 'Wag na natin'g pilitin.”

"Sabagay,"sabi ko na lang saka tumalikod na.

Ay! Bumili kaya si mama ng napkin? Ubos na kasi 'yung akin, eh. Di pa ako tapos.
Bumalik ako sa kusina.

“Ma, bumili ka po ng napkin?”

“Hindi pa, eh.”

"Sige po. Bibili na lang ako,"sabi ko saka lumabas na.

Malapit lang naman ang convenience store, eh. Kaya di na ako mahihirapan saka hapon pa naman. Nasa kabilang kalsada kasi 'yung store kaya kailangan ko pa'ng tumawid.

Habang tumatawid ako biglang nahulog 'yung pera kaya pinulot ko. Paglingon ko nanlaki bigla 'yung mata ko dahil malapit na 'yung sasakyan.

Napatakip ako ng mukha saka pumikit. Ayoko pang mamatay!

Lumipas na ang ilang minuto pero walang tumama sa akin. Yes! Buhay pa ako. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay sa mukha ko saka dumilat. Bumaladra sa paningin ko ang isang napakagwapong lalaki.

“Miss, are you okay?” tanong niya. Englishero si Koya!

“Nasaktan ka ba? You want me to bring you to the hospital?”

Ay, OA naman. Tiningnan ko 'yung kotse niya.

“Hindi. Ang layo kaya ng kotse mo sa akin, oh,”sabi ko na itinuro pa.

“Yeah, I'm sorry.”

“Hala! Okay lang ako rin naman may kasalan eh. Huminto kasi ako bigla sa gitna ng kalsada.”

“Okay, I have to go. Nasa gitna pa rin  tayo, eh. Saka may mahalaga akong pupuntahan. Pasensiya na ulit,”sabi niya. Ang g'wapo na nga, ang bait pa. Tumango na lang ako saka naglakad na kaso—

“Miss, ano palang pangalan mo?”bigla niyang tanong kaya napalingon ako.

Sinisigawan na nga ako nu'ng mga driver, eh. Huminto daw kasi ako bigla. Sorry naman!

“WINTER!” sigaw ko saka tuluyan nang tumakbo papasok ng store. Naintindihan niya naman siguro, 'no?

*

Nasa bookstore ako ngayon. Naakit kasi ako ng itsura nitong store. Mahilig kasi akong magbasa. Pagpasok ko ang daming libro.

Malamang bookstore, eh!

Hmmm... ano kaya magandang basahin?

Sa History books ako pumunta.
Eto kaya?
Kukunin ko na sana nang biglang may  dumampot. Tiningnan ko siya.

“Hoy! Ako ang nauna!”inis na sigaw ko sa kaniya. Pero tiningnan niya lang ako. Shetty! Bakit ang g'wapo? Kaso emotionless siya.

Tinalikuran na niya ko. Naghanap na  lang ako nu'ng kapareho nun kaso wala na, eh.
Iba na nga lang. Kainis mukhang maganda pa naman 'yun. Pagkatapos kong mamili pumunta na ako sa counter. Yiiee! Buti na lang ako ang nauna. Ilalapag ko na sana 'yung mga napili ko nu'ng may naunang maglapag. Pagtingin ko...

“Ikaw na naman?!”iniinis 'ata ako nitong lalaking to, eh. Hindi niya ako pinansin, “Kanina kapa, ah!”Hindi pa rin niya ako pinansin hanggang sa maibalot ang mga libro niya. Tumalikod na siya nu'ng may mapansin ako.

“Hindi ka nagbayad!”sigaw ko sa kaniya,“Miss, hindi naman nagbayad 'yun ah?”

“Okay lang po yun, Ma'am,”nakangiting sabi ni ate.

“Anong okay po du'n? Malulugi kayo niyan, ang dami pa naman na kinuha no'n,” sabi ko. Ang mamahal pa naman ng libro dito. Saka unfair naman porket g'wapo!

“Hindi po kailangan ni sir magbayad. Sila naman po ang may-ari nito, eh,” sabi naman nya na ikinahiya ko. Huhuhu!Nakakahiya talaga ang tanga! Dapat kasi 'di na lang ako umimik, eh.

“Ah, ganu'n po ba? Hehe,”sabi ko na lang saka nagpabalot at nagbayad na.

Jusko! Sana hindi ko na  makita 'yung g'wapong 'yun. Nakakahiya! Punyeta.

*

Naglalakad na ako ngayon pauwi. Mas feel ko kasi saka hindi naman ako madaling mapagod. Malakas 'to!
Ang gaganda ng mga bahay, i mean mansion na nadadaanan ko. Ang lalaki pa.

Patuloy lang ako sa pagtingin tingin habang naglalakad nu'ng may nakabangga ako. Nahulog 'yung mga libro.

“Ano ba yan! Ang tanga!” sabi niya kaya napatingin ako. G'wapo rin! Ano ba 'yan!Puro gwapo nakikita ko. Ang swerte ko naman kaso ano nga'ng sabi niya? Ako tanga?!

“Hindi ako tanga!” inis na sigaw ko. Tumingin naman siya sa akin. Ang hot nya, pawis na pawis.

“Tsk!”sabi niya saka umupo akala ko naman tutulungan niya ako sa pagpupulot 'yun pala yung cellphone niya lang.

Tumayo na ako nung matapos na ako.
“Salamat, ha?”sarkastikong sabi ko. Pero hindi siya umimik. Sinusuri niya ang phone niya.

“Look what you did! Sinira mo ang phone ko!”singhal niya.

“Eh, 'di bumili ka! Halata naman na mayaman ka, eh!”

“Hindi 'to mahuhulog kung hindi mo ako nabunggo.”

“Eh, bakit ka ba kasi tumatakbo, ha?!” inis na tanong ko. Ako pa kasi sisisihin.

“It's none of your business, stupid!” sabi niya saka ako binunggo sa braso at nilampasan. Muntik pa akong matumba.

G*go!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Puro g'wapo ang mga nakita ko kaso mga  tukmol naman!

*

Unang araw na naman ng pasukan!
Grabe hindi ako makapaniwala na sa private na ako ngayon! It was a dream came true!

“Win? Gising kana ba?”sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.

“Opo, ma!”

“Maligo kana at mag-almusal,”sabi niya. Di na ako sumagot at lumabas na. Nakita ko naman si Claire na nakaupo kumakain. Nakauniform na siya. Sa dati pa rin namin na school siya papasok.

“Good moring, pinsan!”nakangiting bati ko.

“Walang good sa morning,”boring na sabi niya.

“Ang aga aga ang sungit mo.”

“Kumain kana lang,” 'yun nga, kumain na lang ako.

*

Antaeus Academy.

“Ang sosyal ng name ng school,”bulong ko sa sarili ko. Ang laki laki pa!

Pero, paano ba 'yan? 'Di ko kabisado ang loob nito. Nilibot ko naman ang paningin ko. Napansin ko 'yung lalaking nakatalikod malapit sa akin tapos may headset na nakapatong sa batok niya at naka bonnet. Oh 'di ba? Nadescribe ko na ang outfit niya. Pero parang familiar siya.

Lumapit na lang ako saka siya kinalabit.
“Pwede ba—”hindi ko naituloy 'yung sasabihin ko kasi humarap siya na ikinalaki ng mata ko,“Ah, Ikaw pala 'yan. Sorry nga—”ay, bastos! Nagsasalita pa nga, tumalikod na agad at tuloy tuloy na lumakad. Siya 'yung nasigawan ko kahapon sa bookstore. Napakasuplado niya. Magtatanong lang naman, eh. Sarap dyumbagin!

So, ano na mangyayari sa akin dito?Masyadong malawak ang school na 'to!
Naglakad na lang ako. Nasa hallway na ako ngayon. Puro rooms nakikita ko.

Malamang school, eh!

Saan ba room ko dito? Hindi ko mahanap.
Wala naman akong mapagtanungan kasi feeling ko hindi ako papansinin ng mga student dito. Kung makatingin nga sila sa akin para bang hindi ako katanggap tanggap dito.

Mayayaman talaga!

Naglakad lakad na lang ulit ako nang may mabunggo ako. Lagi na lang!

“Sh*t!”

“Sorry!” Nabuhos sa damit niya 'yung hawak niyang shake, chocolate pa,“Sorry tala—Ikaw?!” gulat na sigaw ko.Tumingin rin siya sa akin

“Oh, the stupid girl.”

“Hindi ako stupid,” depensa ko.

“Hindi? Eh, nabunggo mo na naman ako,” inis na sabi niya

“Nagkabungguan hindi nabunggo,”pagtatama ko.

“Hindi ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo!”

“At ikaw nakatingin ganu'n? Ang kapal mo rin, eh, 'no?!"”

“Ako pa ang makapal?Eh, kung pabayadan ko kaya sayo 'yung phone ko na nasira mo, ha?!” ,galit na sigaw niya kaya napatingin sa amin 'yung ibang student. Ang sama ng tingin nila samin—ay sakin pala.

“Hindi ko kasalan 'yun!”

“Kev!” Napatingin kami sa sumigaw. Si pogi na muntik ng makabunggo sa akin. Dito siya nag-aaral?!

“Nandiyan ka pala?” sabi naman nu'ng isang nasa likod niya.

“Sino 'yang kausap—Winter?!” wahh!!Kilala pa niya ko.

“H-Hello!” naiilang na bati ko na itinaas pa ng bahagya 'yung isa kong kamay.

“You know each other?”gulat na tanong nitong nakabunggo ko.

“Siya 'yung sinasabi ko na babaeng muntik ko ng mabangga,” masayang sabi niya.

“Siya 'yun?”di makapaniwalang sabi naman nitong nabunggo ko na natatawa pa,“You said, she's pretty?”tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

“Yeah, look at her she's pretty dude,” natatawa namang sabi nitong mabait

“She's cute,”sabat naman nu'ng nasa likuran nya kaya napatingin ako. Kinindatan niya ako. Psh, mukhang babaero

“Wow! As in, wow! Anong nangyari sa taste niyo?!” 'di pa rin makapaniwalang tanong nitong nakabunggo ko.

“Sinasabi mo bang pangit ako?!”inis na tanong ko sa kaniya.

“Obviously,”natatawang sabi niya.

“Anong akala mo naman sa itsura mo g'wapo?!”

“Of course, the whole campus knows that,” pagmamalaki pa niya.

“Napakayabang!”

“Wait nga! Ano bang issue niyo?”tanong nu'ng kumindat sakin.

“Siya 'ung sinasabi ko na nakasira ng phone ko. And now, nabunggo na naman ako,”sabi nitong mayabang.

“Hindi ko naman sinasadya 'yun, eh,”sabi ko.

“Tanga ka kasi,” sabi ni mayabang

“Hindi nga ako tanga!” inis na sigaw ko.

“Okay, okay. So, pareho naman kayong walang kasalan kasi nagkabungguan lang kayo. Kaya magbati na kayo. Apologize, ganu'n,” sabi ni mabait.

“I won't.”

“Ayoko.”

“Never.”

“Masyado siyang nayabang para patawarin.”

“Why should Iapologize to that stupid girl?”

“Aba't—”

“What the hell is going on here?”may biglang nagsalita kaya napatingin kami. Lah! Siya 'yung suplado! Tang*na!Nagsasalita pala 'to?

“Si Kev, nakikipag-away sa babae,”natatawang pagsusumbong nitong kumindat sa akin kaya napatingin sakin si suplado.

“Tss,” ‘yun lang ang masasabi ng suplado na to? Tss?

“Because she's stupid,” sabi ni mayabang na Kev pala ang name.

“Hindi nga ako—”

“Stop wasting your time to that idiot and clumsy girl. Let's go,”sabi ni suplado na lalong kinainis ko. Mga walanghiya!Magsasalita na sana ako nu'ng maglakad na sila palayo. Tinanggal ko na lang 'yung isa kong sapatos.

“Bwisit ka!” sigaw ko saka ko ibinato sa suplado na 'un. Sapul ang ulo niyang may bonnet. Huminto naman siya kaya napahinto rin 'yung tatlo saka nagtatakang napatingin sa kaniya. Tumingin sa akin si suplado. Wala pa rin emosyon ang mukha niya. Pinulot niya 'yung sapatos ko saka inabot du'n sa mabait tapos may sinabi saka sila nagpatuloy sa paglalakad. Pero 'yung mabait lumapit sa akin dala dala ang sapatos ko.

“Ah, sapatos mo,”sabi niya saka inabot. Kinuha ko naman kaagad.

“Salamat."

“Next time 'wag mo na siyang babatuhin."

“Bakit naman?"

"Secret."

“Eh? Anong sinabi niya sayo?”

“It's nothing,” nakangiting sabi niya na napakamot sa batok. Ang cute niya saka ang bait.

“Sige,”sabi ko na lang.Naglakad naman na sya palayo saka kumaway at sumigaw...

“Bye, stupid!” tang*na.

Okay, binabawi ko na ang sinabing kong mabait siya! Tukmol din pala ang g*go!
Maglalakad na sana ako nu'ng may magsalita sa likod ko.

“Hey?”napatingin ako sa kaniya.

Omo? Bakit ang ganda mo?!

“H-Hello,” natitibo na ba ako?

“Are you okay? Nakita ko 'yung pakikipag-usap mo sa apat kanina,”sabi niya habang papalapit sa akin.

“Ang yayabang kasi,” sabi ko na ikinatawa niya. Bakit naman?

“Can you come with me in the cafeteria?I know transferre ka,”nakangiting sabi niya. Ang bait naman.

“S-Sige.”

-to be continued...

Chapter 3

Winter's POV

“So, they insulted you, huh?” natatawang tanong ni Jasmine. Ang ganda ng pangalan 'no? Parang siya. Yiee!

“Oo. Lalo na si Mr. Suplado. Tsk!Nakakainis!” inis na sabi ko. Ikinuwento ko sa kaniya 'yung nangyari habang kumakain kami ng nilibre nya! Oo, libre niya! 'Di na ko tumanggi 'no. Choosy pa ba ko? Eh, ang mamahal ng pagkain dito.

“His name is Nixon.”

“Ah, Nixon suplado. 'Yung sunod naman na kinaiinisan ko ay si Kev sungit!”

“Hahaha, he's my cousin,”sabi niya na ikinagulat ko.

“Weh? Pinsan mo talaga 'yun?!”tanong ko. Feeling ko sobrang laki ng mata ko ngayon.

“Why? Ganu'n na ba ako ka pangit para hindi maging kamag-anak ang napakagwapong tulad niya?”may lungkot na tanong niya. Hala! Wala naman akong sinabi, eh.

“H-Hindi! Hindi sa ganu'n... Ano kasi... Magkaiba kayo ng ugali. Mabait ka kasi,” paliwanag ko na ikinaliwanag ng mukha niya.

“Really? I'm kind?”masayang tanong niya

“Oo naman.”

“Well, to be honest... hindi ako mabait.”

“Mabait ka,” pilit ko. Totoo naman kasi.

“Hmm... we'll see,” nakangiwing sabi niya

“Eh, sino naman 'yung mukhang babaero? Nakakainis din 'yung pakindat kindat nu'n,”pagkasabi ko nu'n biglang sumama 'yung mukha niya

May nasabi ba akong masama?

“Thomas. Babaero talaga 'yun, so don't go near him,” nakangiting sabi niya pero seryoso. Tumango na lang ako.

“Eh, yung mabait? Sino 'yun? Nakakainis din 'yun.”

“Yeah, he's kind. Charlie Jay pangalan niya.”

“Cj ang palayaw?”tanong ko pa.

“Yes.”

Biglang nag-bell kaya nagkatinginan kami.
Nakakagulat naman 'yung bell!

“Your... grade and section?”tanong niya sa akin pagkatayo namin.

“4-A kaso 'di ko alam 'yong room, eh.”

“Let's go,” aya niya saka kami naglakad.

“Classmate tayo?”tanong ko.

“Yeah,”nakangiting sagot niya. Ang ganda niya talaga!

Habang naglalakad kami napapansin ko 'yong mga student na ang sasama ng tingin sa'kin. Inaano ko ba sila?!

“'Wag mo na lang silang pansinin,” bulong sakin ni Jasmine tapos sinaklay niya pa 'yung braso niya sa braso ko.

“Bakit ang sama nilang makatingin?”bulong ko rin.

“Inggit sila sayo.”

“Ano naman kaiinggitan nila sakin?”

“Kasi your with me.”

Tumango na lang ako.
Papunta na kami sa 2nd Floor.
Huminto kami sa tapat ng room. Busy 'yung mga nasa loob kaya hindi kami napansin. Lalo na 'yung mga babae busy sa kakapapansin sa apat na tukmol na hindi ko akalain na kaklase ko pala!

Mukhang napansin kami nu'ng Thomas babaero kaya napatingin siya kay Jasmine na nakangiti. Tapos nu'ng sa akin nanlaki bigla 'yung mata niya.

“The cutie girl is here!”sigaw niya na napatayo pa kaya lahat napatingin sa amin. Pati na rin 'yung tatlo pang tukmol.

“Sorry, Win. I forgot to tell you na classmate natin sila,”paumanhin sa'kin ni Jasmine.

“Ayos lang,” sabi ko na lang. Lumakad na kami papalapit.

“Hi, Winter!”bati sa'kin nu'ng Charlie pero hindi ko siya pinansin. Tukmol din kasi!

“Ay,attitude siya, p're,”bulong niya do'n sa Thomas pero rinig naman. Tumawa lang 'yung isa.

“Pati ba naman dito sinusundan mo ako?”inis na sabi naman nitong si Kevin.

“For your information, hindi kita sinusundan at hinding hindi kita susundan!”inis rin na sabi ko. Ang kapal kasi ng mukha.

“Tsk! Sinungaling! Halata naman na sinusundan mo ako, eh!”sigaw niya

“Ul*l! Kahit sa panaginip hindi ko gagawin 'yun!” sigaw ko sa kaniya. Hindi naman siya agad umimik saka napatingin du'n kay Nixon na walang pakialam. Nakaupo lang siya tapos nagbabasa

"Narinig kaya nya?"

"Hahah lagot siya ngayon."

"Ang lakas kasi ng loob."

Nakarinig naman ako ng bulong bulungan.

“'Couz, wag mo na nga siyang awayin,”saway ni Jasmine kay Kev.

“Psh,”sabi na lang nu'ng Kev saka naupo na.

Nag-siupuan naman na lahat pati kami ni Jasmine. Nakaupo kami sa harapan ng nitong apat na tukmol. Ako 'yung nasa tabi ng bintana katulad ni suplado tapos katabi ko si Jasmine.

“Jas, napansin ko lang bakit dalawa lang tayong nakaupo sa linya na 'to?”tanong ko. Alangan naman kasi 'di ba? Ano 'yun, wala siyang ibang katabi?

“Ah... wala pa kasi 'yung friend ko nasa states pa. Yung isa naman, ahmm... patay na,”biglang lumungkot yu'ng mukha niya.

“Pasensiya na.”

“It's okay,” nakangiti niyang sabi pero halata pa rin na malungkot. Nahiya tuloy ako bigla.

Nixon's POV

I'm with my friends. After class dito na agad kami dumiretso sa bahay nila Kev. Honestly, I don't want to come pero dahil mapilit sila and I know na hindi naman sila titigil kaya sumama na lang ako. Siyempre dala ko ang libro na paborito ko.

“What do you think?” asked Kev to Cj.

“'Wag niyo akong idamay diyan,” relpied Cj immediately. Kanina pa sila nag-uusap about that 'clumsy girl'. Kevin wants to punish her for annoying him. They are wasting their time to that kind of woman.

“Bakit ba kasi ayaw mong sumali? May gusto ka ba sa babaeng tanga na 'yun?” Kev asked him.

Ang ingay nila.

“W-Wala, ah!” Cj defended himself. I looked at him.

“You like her,” I said so they looked at me. Binaba ko na rin 'yung libro ko. Hindi ako makapagbasa ng maayos. They're too loud.

“Hindi nga!” Cj said defensively.

“If you don't like her, then join us!”Kev offered him and smirked.

“Oo na! Sasali na. Bwisit!”Cj said. Pumunta na siya sa pwesto ni Tom saka niya binatukan.

“Aray, ah!”Tom said saka hinimas 'yung ulo niya.

“'Yong pinapahanap na ni Kev sa 'yo?”Cj asked him irittated. They're searching information about the stupid girl.

“Ano bang ginagawa mo Tom?” Kev also asked him.

“Seeking information. Ano ba kayo?”Tom chuckled while looking at his laptop. Lumapit na rin si Kev tapos nakitingin sa laptop. Binatukan rin siya.

And know... I'm curious what he saw.

“Aray!”

“Umayos ka nga! Kaya pala di ka umiimik dahil nanonood ka ng porn!” what the heck?!

“Parang hindi kayo nanood nu'n, ah?!”Tom teased.

Ang ingay talaga nila!

“Tsk. Hanapin mo na 'yung pinapahanap ko!” Kev command.

“Kanina ko pa kaya 'yun nahanap,” Tom said.

“Kanina pa?! Bakit hindi mo sinabi?” Cj asked Tom, irritated.

“Busy kayo, eh!” Tom explained.

“Sus! Nasarapan ka lang kasing manood ng po—”

“Can i see the information?” I cutted him off. Hindi sila matatapos sa pagtatalo.
Nagtinginan naman sila saka lumapit sakin.

Winter Anne Mallime
Age: 14
Birthday: March 16, 2006
Hobby: Playing volleyball
Height: 170 cm
Blood type: O
Elementary graduate with a Valedictorian Award

“Ang bata pa pala niya?” Cj asked himself.

“Anong bata? Matanda kana kasi, kaya mo 'yan nasasabi,” Kev chuckled.

“And look at her height. She's tall,” Tom commented.

“Hahaha, nasasabi mo rin 'yan kasi pandak ka!” Kev said and laughed.

“Tang*na mo! Puro ka na lang 'nasasabi mo yan kasi' Manahimik ka na lang!” Tom said, pissed off.

“Oo nga. Manahimik ka na lang,” Cj also said.

“Pinagtulungan pa ko. Magsama nga kayong parehong pangit!" He said irritated and looked at me, smirking.

“Wala ka na naman imik,ah? Sali kana!Pagtripan natin 'yung tangang 'yun!”He offered me.

“I'm not interested,” I said.

“As always,”Tom said while laughing but I ignored him.

“'Wag niyo na kasing yayain. Mandadamay pa kayo, eh,”Cj suddenly said. Yeah, he's right. 'Wag na nila akong idamay diyan. Sayang lang ang oras ko.

“You're too much inlove with your books, right?” Kev asked me and smirked.

“What do you mean?” I raised a brow.

“Diyan ka lang kasi may interes,eh,”He said and laugh so hard together with Tom and Cj. I stand up and glared at them.

I raised my middle finger and say,
“Idiots.”

Winter's POV

Second Day of school.

Naglalakad na ako sa hallway nu'ng mapansin kong lahat sila nakatingin sa 'kin. As usual, masasama pa rin ang tingin pero kakaiba ngayon. Para bang natutuwa sila. Naglakad na lang ulit ako nu'ng biglang may maghagis ng itlog sa mismong mukha ko.

Tang*na ang lagkit!

"Wahahaha!"

"Bagay lang sa kaniya 'yan!"

"Ang yabang kasi!"

Putang*na niyong lahat!

Habang pinupunasan ko 'yung mukha ko inilibot ko naman 'yung paningin ko para hanapin 'yung bumato.

“Mga buwisit,” bulong ko saka ulit naglakad no'ng may maghagis naman ng kamatis sa may balikat ko naman tumama. Nagtawanan ulit sila.

Pinunasan ko na lang ulit ng panyo kong may itlog ang braso ko. Nakakainis! Ang dumi ko na.

Hindi pa ako nakakalakad may naghagis naman. This time mansanas naman halos mahilo ako sa sakit. Sa likod ng ulo ko tumama!

“Mga demonyo! Sino may gawa no'n?!”galit na sigaw ko sa kanilang lahat pero tinawanan lang nila ako. 'Pag nalaman ko talaga kung sino ang may gawa nu'n masasapak ko.

May lumapit sa akin na lalaki at nag-abot naman sa akin ng panyo.

“Salamat,”sabi ko. Pero bago ko pa man makuha itinapal niya na ito sa mukha ko.

Lintik! May arina!

Lalong nagtawanan ang mga estudyante.

“Win?!”Sigaw ng kung sino kaya napalingon ako. Si Jasmine nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin.

“Tigilan niyo nga ang ginagawa niyo!”galit na sigaw niya kaya tumahimik naman na 'yung mga nagsisitawa at nagsialisan na.

“Are you okay? Gusto mo ipaguidance natin 'yung gumawa nito?”nag-aalalang tanong ni Jasmine

“'Wag na. Meron ka pa bang extrang uniform? Pahiram naman.”

“Meron. Sa locker ko,”sabi niya saka kami naglakad.

Malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito sasapakin ko siya ng bonggang bongga!

“Here,”sabi ni Jasmine saka iniabot sa akin 'yung uniform niya.

“Salamat,”sabi ko saka dumiretso na sa cr.
Pagkatapos kong magbihis pumunta na kami sa room.

“Miss Diaz and Miss... Mallime. You're 20 minutes late,”striktong sabi ng adviser namin pagkatapat namin sa pintuan.

“I'm sorry Ma'am. Ako po talaga ang late, nadamay lang si Winter,”tumango lang si Ma'am saka kami hinayaang pumasok. Pagkaupo namin tinanong ko agad siya.

“Uy, bakit mo 'yun sinabi?”bulong ko sa kaniya

“It's okay,” nakangiting sagot niya.

“Malelate na lang mandadamay pa,” pagpaparinig ng isang tukmol na nagngangalang Kevin na nasa likuran namin. Inis ko naman siyang nilingon.

“Hindi ko naman sinasadya 'yun, eh,”inis na sabi ko pero mahina lang. Baka kasi mapagalitan ako ni Ma'am.

“'Wag ka ng makialam, 'couz. It's my choice,”mataray na sabi ni Jasmine.

“Tsk! 'Wag ka kasing didikit diyan. Baka mahawa ka sa katangahan niyan, eh,”sabi ni Kevin

“Tang*na mo talaga,”mahinang mura ko sa kaniya.

“Luh, nagmura na naman,”sabi nu'ng Thomas

“Don't mind them,”sabi sa akin ni Jasmine kaya tumingin na na lang ako sa harapan.

“Ililista na ba natin Nix?”narinig kong tanong ni Kev sungit pero hindi sumagot si Nixon suplado.

“Huy, Wag mo nang ilista hindi pa naman niya alam ang rule natin, eh,”sabi naman nu'ng Charlie .

“Ikaw ba tinatanong ko?” inis na tanong ni Kevin.

“Are you guys going to fight?”tanong naman nung thomas.

Ang ingay nila!

Tumingin naman ako kay Jasmine. Mukhang hindi naman siya naiistorbo sa ingay sa likod. Focus pa rin siya sa pakikinig, eh.

“Go, put her name on the list,”narinig ko naman na sabi nung Nixon. Minsan lang talaga siya magsalita.

“Naks, paktay ka ngayon Winter,”natatawang sabi ni Kevin kaya inis akong lumingon sa kanila. Pagtingin ko busy sila sa pagtingin du'n sa notebook na pinagsusulatan ni sungit. Maliban kay Nixon na nakatingin sa labas.

“Ako ba pinauusapan niyo?”tanong ko sa tatlo. Tumingin naman sila.

“Yes,”nakangising pag-amin ni Kevin.

“At bakit naman ako?”mataray na tanong ko.

“It's... none of your business,”sabi niya saka sabay silang tumawa ng mahina nu'ng Thomas. Sinamaan ko sila ng tingin.

“Pasensiya na,”sabi nung Charlie sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Isa ka pa, eh,” sabi ko sa kaniya. Napakamot lang siya sa batok niya.

“Bakit niyo nga ako pinag-uusapan?”tanong ko sa kanila.

“Kasi cute ka,”sabi no'ng Thomas sabay kindat sa akin.

“Kadiri ka,” sabi ko.

“Wow ah! Ikaw na nga sinabihan ng cute,” sabi naman niya. Hindi ko siya pinansin.

“Hoy! Bakit nga?!” inis na tanong ko kay Kevin. Hindi na kasi umiimik.

“Is there something wrong, Miss Mallime?”masungit na tanong ni Ma'am kaya nagugulat akong napatingin sa kaniya. Napalakas yata 'yung pagkasabi ko.

“Ah... wala po. Sorry po,”nakayukong sabi ko. Hindi naman na si Ma'am sumagot. Nagpatuloy na lang siya sa pag- di-discuss.

“What's that?” takhang tanong sa akin ni Jasmine. Mukhang hindi niya napansin na nakikipagtalo ako dito sa mga tukmol. Busy kasi siya sa pakikinig kay Ma'am.

“'Yung mga tukmol kasi,”sabi ko na itinuro pa sila. Pero tumawa lang 'yung Kevin saka Thomas.

“Tanga na naman kasi,” tumatawang sabi nya saka sila nag-apir nung Thomas.

Mga leche!

“Kev, stop bothering Winter,” inis na sabi ni Jasmine sa pinsan niyang tukmol.

“'Wag mo ngang kampihan yang tanga na 'yan.”

“Ano ba! Hindi nga ako tanga!”inis na sabi ko na natapatayo pa.

“Miss Mallime! Get out of my class!”sigaw sa 'kin ni Ma'am na nanlilisik ang mata.

“Sorry po ulit,”sabi ko saka tumayo at kinuha ang bag.

“Look what you did Kevin!”inis na sabi ni Jasmine kay Kevin.

“Siya ang sumigaw hindi ako,”dahilan naman ni Kevin.

“Kev naman kasi, tigilan mo na si Winter,”sabi ni Charlie

“Sige, labas na ko,”sabi ko na lang saka naglakad. Pero bago pa man ako makalabas narinig kong nagsalita yung isa pang tukmol.

“She deserve it. She's too loud.”

Bwisit na Nixon 'yan!

-to be continued...