Book of Fate
Language: fil
/0/27057/coverbig.jpg?v=461b5bf4d1544e38a5d6ce2be2d252a4)
Mawawala ang isang libro at makukuha ito ng babaeng mahilig magsulat. Mahiwaga ang libro dahil ito ang libro ng tadhana para sa kapalaran ng dalawang tao. Ang nakasulat sa libro ay nangyayari sa totoong tao at mundo. Dalawang kwento ang mangyayari. Ang isa ay nakatadhana na talagang magkita ngunit nagkaroon ng problema, at ang isa ay isang high school story na may matagal nang crush sa kanyang school batch mate. Sa kwento sa libro, magkakaroon ng kaguluhan sa bawat tadhana ng mga ito. At sa huli, magkakaroon ba talaga ng magandang wakas ang dalawang kwento o isang kwento ang…
Available chapters
Chapter 1
Pangarap na parang ka'y dali lang makuha o matupad na akala mo lahat instant na pag nagustuhan mo ay mayroon ka na agad. Na parang isang hiling na hindi mo alam kung magiging totoo ba o sadyang pinapaniwala mo na lang ang sarili mo sa mga bagay o pangyayari na wala kang kasiguraduhan kung mayroon nga ba.
Katulad ni Alexa isang babaeng pangarap maging isang writer ng isang publishing book pero wala pang natatapos na isang istorya uumpisahan pero walang gitna at wakas kumbaga sa isang drawing na naumpisahan pero hindi na kayang tapusin upang makita ang resulta sa huli kung maganda ba o hindi ang pagkakagawa.
Si Alexa ,ay 26 na ang edad nagtapos naman siya ng kursong Hotel and Restaurant Management, pero pagsusulat talaga ang gusto, pero mukhang hindi naaayon sa gusto niya ang takbo ng tadhana dahil kung mayroon man siyang natapos na isang libro ay hindi naman tinatanggap dahil hindi maganda ang daloy ng istorya. Kaya laging bigo sa tuwing umuuwi siya.
" Oh! Hindi na naman nakapasa yang istorya mo no?" tanong ng kaibigan niyang si Lexie.
Malungkot na tumango lang siya sa kaibigan." Sinabi ko naman kasi sayo magtrabaho ka na lang kaysa pinag-aaksayahan mo ng panahon 'yang mga libro mo, at least pag nagtrabaho ka kumikita ka, e diyan wala lagi ka na lang umuuwi ng gabi dahil lang sa paghahanap ng tatanggap diyan," mahabang sermon nito kay Alexa.
" Alam mo naman na kahit may natapos akong kurso ay pagsusulat talaga ang gusto ko," sagot niya sa nanghihinang boses.
" Suportado naman kita kung saan ka masaya pero ang sa akin lang naman magpahinga ka naman halos araw-araw kang laman ng kalye at gabi pang umuuwi."
" Oo na hindi mo na ko lalabas ng bahay mayroon pa naman akong pending na isang istorya wala pa sa kalahati 'yon magsusulat na lang ako," nakangiti ng sagot niya.
Iiling-iling na lang ang kaibigan sa pagbabago ng mood nito na kanina ay parang nalugi, ngayon kung makangiti ay parang wala lang.
" Kumain na nga tayo anong oras na." Aya sa kanya nito.
" Sige sunod ako magpapalit lang ako ng damit." At pumasok na ng kwarto niya.
Pumasok si Alexa sa kwarto niya at ang unang makikita ay ang mga kalat na papel sa higaan at sahig, lahat ng gamit nitong pirasong papel sa paggawa ng plot ng story niya ay nagkalat.
Tamad niyang pinatong ang manuscript niyang dala at nahiga." Isang araw na naman ang lumipas at isang istorya ko na naman ang hindi natanggap." Pumikit ito sandali at ilang minuto sa gano'n na posisyon.
Si Alexa ay ulila na sa mga magulang simula ng elementary pa siya. Ang tanging sumusuporta lang sa kanya ngayon ay ang kanyang Tita sa ibang bansa nagtatrabaho. Ito ang kapatid ng nanay niya, simula ng mamatay ang mga magulang niya ay ito na ang nagbibigay ng pang-gastos niya kahit na ngayon na may kakayahan na siyang magtrabaho ay nakasuporta pa rin ito. Nakapagtapos naman siya at puwede na rin siya makahanap ng trabaho na tiyak na makukuha siya kaagad dahil siya ay graduated ng Hotel and Restaurant Management, at nag Major in Culinary Arts, pero hindi niya binalak dahil ang gusto niya ay maging writer ng isang libro maging isang kilalang Author na ang istorya ay mag-iiwan ng tatatak sa kanilang puso sa lahat ng magbabasa nito.
Isang mabait na tao si Alexa kahit pa madalas ay laging mainit ang ulo ng kanyang kaibigan na si Lexie dahil halos inaabot siya ng gabi sa daan. Alam naman niya na delikado pag gabi pero pangarap niya kasi, kaya kahit abutin pa siya ng gabi sa daan ay ayos lang basta umuwi lang na may ngiti sa mga labi, pero lagi naman itong umuuwi na bagsak ang balikat dahil sa hindi na naman tanggap ang mga ginagawa nitong istorya.
Siya yung tipong maraming eksena sa istorya hanggang sa kalagitnaan pero pag nalalapit na ang katapusan ay wala siyang maisip na scene para sa istorya niya, kaya naman iiwanan niya ito at magsisimula ulit ng panibago dahil ibang istorya naman ang pumapasok sa utak niya. In short sa umpisa lang siya magaling pero hindi na niya mapanindigan hanggang sa huli. Mayroon naman siyang natapos katulad ng hawak na papel na inuwi niya rin dahil hindi nagandahan ang editor o kaya hindi masyadong papatok sa mga readers ang plot ng story niya. No choice kaya inuwi na niya muli ito at gumawa na lang ulit ng bago.
Bumangon na si Alexa at lumabas ng kwarto at tumuloy sa kusina, nadatnan niya si Lexie na naghahanda na ng pagkain nila." Umupo ka na," sambit ni Lexie.
Umupo si Alexa at nagsimula ng kumain." Siya nga pala Alexa baka gusto mong mag-apply kung saan ako nagtatrabaho, hiring sila ngayon."
" Pag-iisipan ko muna siguro."
" Sige, sabihan mo na lang ako kung interesado ka."
Tumango lang si Alexa at nagpatuloy ng kumain pagkatapos ay hinugasan na niya ang pinggan bago pumasok sa kwarto niya at magsimula ulit bumuo ng istorya na kanyang isusulat.
Habang nakatulala sa kawalan si Alexa at nag-iisip ng kanyang plot ay napaisip siya." Ang isang istorya ay parang buhay rin ng tao minsan, noong panahon na isinilang at nagkaisip ay parang kay dali lang ng bawat araw na parating walang problema, pero habang lumalaki at nagkakaedad ay doon na nagpaparamdam ang hirap, doon ka na rin makakaramdam ng pagod, tinatamad sa bagay na gustong-gusto mong gawin noong umpisa pa lang pero sa bandang kalagitnaan ay nawalan na ng gana, pero naisip ko sinimulan ko na, meron na akong nasimulan bakit hindi ko pa tapusin hanggang dulo para worth it naman ang paghihirap ko noong nag-uumpisa pa lang ako." Bumuntong-hininga siya.
" Ang makatapos at matanggap lang na kahit hindi na siguro sikat na publishing book ang mga istorya ko ay sobrang saya na ng puso ko." Malungkot siyang tumingin sa manuscript na hindi natanggap." Pero ang tanong kelan kaya 'yon."
Iniling na lang ni Alexa ang ulo niya para maalis ang mga iniisip niya para makapag-umpisa na ulit siyang magsulat. Nang gabi rin nga na 'yon ay nagsimula ulit magsulat ni Alexa ng kanyang panibagong istorya na iaaply ulit.

Chapter 2
Samantala sa isang gubat na puro puno lang ang makikita at mga dahon na tuyot sa lupa. May isang maliit na bahay na gawa sa kahoy ang naroon. Aakalain mong isang tao lang ang kasya rito ngunit sa pagpasok mo sa loob ay isang mahiwagang bahay pala ito.
Pagpasok sa loob ay makikita mo ang mga librong mukhang ilang taon na ang tanda ang mga lampara na may mga alikabok na at tila may usok sa loob na may mga mahika.
May isang matandang lalaki ang nakaupo sa isang lumang upuan at isang lamesa." Lucas nasaan ka na naman na bata ka!" sigaw nito.
May isang batang palapit sa kanya ngunit hindi paglakad ang gamit kung hindi paglutang sa ere." Bakit po lolo Victor?"
" Ano na naman ang ginagawa mo at kanina ka pa wala rito?"
" Nando'n lang po ako sa isang cabinet na puno ng libro at nagbabasa." Sabay turo sa dulo ng mga lagayan ng mga libro." May kailangan po ba kayo?"
" Kuhanin mo nga iyong mahiwagang libro ko sa aking kwarto."
Lumipad patungo sa kwarto si Lucas at isang libro na luma ang dala niya pabalik." Ito na po." Inabot niya ito at nanatili pa ring nakalutang.
Tiningnan ito ni Victor." 'Di ba sinabi ko na huwag mong madalas gamitin ang kapangyarihan mo na 'yan, baka mamaya may mga taong maligaw sa gubat at makita ka!"
Dismayadong bumaba na sa pagka-kalutang si Lucas." Puwede ka ng bumalik sa ginagawa mo kanina, dahil hindi ako puwedeng istorbohin sa aking pagsulat dahil nakatakda ng mangyari ito."
" Masusunod po." Lumakad na paalis si Lucas at naiwan si Victor na nagsuot na ng kanyang salamin sa mata at hinawakan na ang kanyang panulat na ang hawakan ay isang balahibo na kulay puti.
" Kay tagal mo itong hinintay sa wakas pinakinggan na ang hiling mo na matagpuan na siya, Jack." Nagsimula na itong magsulat sa lumang libro.
Si Victor ay isang alagad ng isang nakatataas na siyang nagdidikta ng lahat. Magbibigay ito ng mensahe sa bawat mangyayari at si Victor naman ang magsusulat sa mahiwagang libro upang mangyari ito kahit saan pang mundo ka naroon. Ang libro ng tadhana, once na maisulat ang lahat ng pangyayari sa libro ay nagaganap na, hindi simpleng pagsulat lamang dahil meron rin itong mga pangyayari na hindi muna pagtatagpuin ang dalawa , may mga hindi muna magandang mangyayari minsan bago sila pagtagpuin.
Sa oras na iyon ay ang pangalan na Jack ang mapagbibigyan ang hiling, ilang taon ng nakakalipas at nagkataon pang si Jack at ang babae nitong kay tagal nang hinahanap ang mabibigyan na ng kasagutan at itinadhana sa isa't-isa.
Ilang oras nang nagsusulat si Victor at paubos na rin ang kanyang tinta na nakalagay sa isang maliit na bote. Nahinto siya sa kalagitnaan ng pagsulat." Siguro sa ibang araw ko na lang ito itutuloy may panahon pa naman ako para tapusin ito." Isinarado na niya ang libro at nilagay lang sa gilid ng lamesa kasama ang kanyang salamin.
Sa bawat salita na isinulat sa libro ay kusang maglalaho at sa oras na nawala ito ay ibig sabihin ay nagaganap na ito sa mga tao na kasama ang pangalan sa libro.
Samantala halos dalawang oras lang ang tulog ni Alexa dahil sa pagsusulat kaya naman ang eyebag niya ay nangingitim na at buhok na hindi pa nasusuklay ng lumabas siya ng kwarto at pumunta ng kusina.
Ng oras na 'yon ay nagkakape si Lexie at ng nagawi ang paningin niya kay Alexa ay muntik ng mapaso dahil sa itsura nito." Ano ka ba naman!" sambit ni Lexie.
" Bakit?" tamad na tanong ni Alexa.
" Anong bakit! Hindi ka ba natulog at ganyan ang itsura mo?"
Hinawakan niya ang kanyang mukha at buhok." Natulog naman."
" Ang sabihin mo malapit ng mag-umaga ng natulog ka. Tingnan mo 'yang sarili mo kahit ang suklay ay hindi na kayang ayusin 'yang buhok mo!"
Ipinatong ni Alexa ang kanyang siko sa lamesa at pinatong ang pisngi." Kasi naman wala akong maisip na isulat, sa kakaisip kung ano ang isusulat ko ay hindi ko namalayan ang oras."
" Ang tanong meron ka bang naisulat kahit isang chapter man lang?"
Ngumiti ito at umiling." Hay naku Alexa sinasabi ko na sayo trabaho na lang ang pagpuyatan mo at least doon kumikita ka na, hindi katulad ng ginagawa mo na puyat lang ang nakukuha at posibleng magkasakit pa."
Maliit lang na ngumiti siya kay Lexie." O siya una na ko baka ma-late pa ako sa trabaho, kumain ka baka mamaya magkulong ka na naman sa kwarto at makalimutan na kumain." Kinuha na nito ang kanyang bag at tuluyan ng umalis.
Pagkatapos kumain at linisin ang kanyang kwarto ay umalis siya ng bahay at pumunta sa isang pasyalan para ma-relax ang isip niya. Napunta si Alexa sa isang open place na may katabing ilog at mga upuan sa gilid ng mga puno.
Umupo siya rito at pumikit para sumagap ng sariwang hangin, pero habang nakapikit siya ay may isang tinig sa gawing likuran niya na mukhang may kausap.
" Bakit napatawag ka?" sambit ng boses lalaki sa likuran ni Alexa.
Kahit pa nakapikit si Alexa ang tenga naman niya ay na sa taong may kausap sa likuran niya.
" Sigurado ka ba diyan, sige papunta na ko!" Sa boses na mukhang may balitang maganda itong natanggap.
Pakiramdam ni Alexa ay mukhang umalis na ito kaya naman dumilat na siya at lumingon sa likod niya pero ang nakita na lang niya sa lalaki ay ang likod nito habang naglalakad palayo.
" Ganda ng build ng katawan niya, pogi siguro 'to kung nakita ko 'yong mukha niya." Hanggang sa mawala na ito sa paningin niya kaya bumaling na ulit siya sa ilog.
Tinuon na lang niya ang pansin sa pag-iisip ng mga scene niya sa bago niyang istorya pero aaminin niya na tinamaan siya ng writer's block kaya kahit anong imagination sa isip niya ay wala siyang mabuo kahit isa." Anong klaseng inspiration ang kailangan ko para lang makagawa ng magandang istorya," nasambit niya ng malakas at narinig ito ng katabi niya sa upuan na hindi niya namalayan na umupo dahil lumilipad ang isip niya.
" Magandang araw sayo, mukhang may problema ka ata napansin ko na tila kay lalim ng iniisip mo?"
Napalingon si Alexa rito at isang matandang lalaki ang nakita niya." Pasensya na ho kung malakas ang boses ko." Sabay ngiti na may bahid ng pagkapahiya.
" Walang problema sa akin, pero ano ba ang iyong problema?"
Bumuntong-hininga si Alexa at sinabi ang iniisip niya kahit pa hindi naman niya ito lubusan na kilala." Ano po kasi Lolo, isa po kasi akong writer na nagsusulat base sa imagination ko pero lately po kasi wala pong pumapasok sa utak ko kaya nandito ako ngayon para ipahinga ang isip ko pero mukhang hindi rin po naging effective."
Tumango-tango ito at humarap sa ilog." Alam mo kasi ang pangyayari na gusto mong makamit ay hindi agad ibinibigay, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo sa oras na ito. Parang sa isang istorya dapat ka munang mag-isip ng ilang beses bago mo pa ito simulan at hindi sa lahat ng oras at araw ay nararamdaman mo ito katulad ngayon sabi mo nga walang pumapasok sa isip mo kaya ka nandito, ngunit hindi mo ba alam ang lahat ng naging successful na manunulat ay hindi dahil gusto lang nilang maging sikat na Author ng isang libro."
" Ano po dapat ang gawin kung ganon?"
" Nagsusulat ka dahil hindi lang sa iyong imagination kung hindi dahil ginamit mo rin ang iyong puso upang ang lahat ng magbabasa nito ay maramdaman kung ano ang naramdaman nang writer ng libro habang sinusulat niya ito. Pansin mo hindi lahat ng writer sa buong mundo ay naging successful kahit pa marami na silang libro. Alam mo ba kung bakit?"
Umiling lang si Alexa bilang sagot." Dahil sumulat lang sila para sa kanilang sarili, bilib sila dahil kaya nilang magsulat ng ganong ka dami na kwento o libro at sabihin na natin na ang ganda ng pamagat ng story nila pero ang tanong rito pati rin ba ang kwento sa likod ng pamagat niya. Kaya ikaw maaari kang makagawa ng magandang libro pero hindi mo naman obligasyon na gumawa agad-agad dahil 'yon ang gusto mo. May tamang panahon at oras para do'n mas mainam sigurong sabihin na trust the process." Pagkatapos ay ngumiti ito kay Alexa.
" Kung ganun po naniniwala po kayong kaya kong makagawa ng isang libro na mamahalin ng magbabasa nito?"
" Oo naman pero hindi lang ito ang gamitin mo." Sabay turo sa sintido." Isama mo na rin pati ang puso mo."
Ngumiti si Alexa dito dahil parang nawala ang sakit ng ulo niya sa pag-iisip kanina." Maraming salamat po lolo, kahit paano ay gumaan ang loob ko sa sinabi niyo."
" Walang anuman, pero bago ako umalis iiwan ko sayo ang isang kasabihan. Hindi lahat ng nakasulat sa libro ay mangyayari rin sa totoong mundo kaya sa lahat ng magbabasa ng iyong kwento ay panatilihin lang nila ito sa imagination nila dahil hindi ito mangyayari sa kasalukuyan kahit 'yon ang tadhana na gusto nila na mangyari sa kanila katulad ng na sa libro. Hindi sila ang magdidikta sa kanilang sariling tadhana." Tumayo na ito." Aalis na ako, mag-ingat ka sa iyong pag-uwi!" At lumakad na ito paalis.
" Ang galing naman ni lolo, nagbabasa ba siya ng mga libro?" tanong sa kanyang sarili pero ilang minuto lang ay tumayo na rin ito at naglakad paalis sa lugar na iyon.

Chapter 3
Dumaan ang isang buwan at muli na namang nakatapos ng isang istorya si Alexa, at ngayong araw ay muli siyang pupunta sa publishing house upang iapply ang libro niya.
Nakangiti siyang lumabas ng bahay, tiningnan niya ang manuscript niyang dala saka ito naglakad patungo sa sakayan ng jeep. Isang oras ang naging biyahe at sa wakas ay nakarating na rin siya.
Bumaba siya sa tapat ng isang building at tiningnan ito." Sana matanggap na 'to ngayon." Makikita sa mukha ni Alexa na gustong-gusto na niya na this time ay maging successful na ang story niya.
Lumakad na siya at pumasok sa loob naghintay ng ilang oras bago umupo sa harap ng isang babae. Ibinigay niya ang hawak niyang folder na naglalaman ng mga papel ng kanyang istorya. Sinuri ito ng babae at binasa ang plot, characters, setting, genre at ang ilang chapters ng story niya. Habang ang mga kamay ni Alexa ay magkawahak dahil sa sobrang kabado siya sa magiging resulta, hindi kasi makikitaan ng kasiyahan ang mukha ng babae. Ang mga mata lang nito ang gumagalaw habang binabasa ang story niya.
Isinarado na ng babae ang folder at ibinigay muli kay Alexa." I'm sorry miss, not accepted." Seryoso nitong sambit.
" Pero ma'am hindi po ba maganda ang pagkakasulat ko, puwede ko naman po siyang baguhin!"
Bumuntong-hininga ito." Actually ang way mo ng pagsulat ay maganda ,pero sad to say common na ang story mo kaya hindi ko na maaaring tanggapin. This time our company ay naghahanap ng something na may imfact like a twist in the story, not a normal one even in a romance genre. Sa sobrang daming libro ngayon halos same na ang mga kwento nila katulad ng iyo, kaya naman kung gusto mo na ma-publish ang story mo ay kailangan gumawa ka ng kakaiba like mag-add ka ng twist para ma-excite ang mga readers mo but for now hindi ko matatanggap ang story mo, you also free to go back here to apply again. Thank you!"
Hindi na sumagot pa si Alexa at malungkot na umalis na lang ito sa building na 'yon dahil inasahan talaga niya na kahit paano itong bago niyang story ay matanggap na, pero bigo na naman siya at uuwi na namang bagsak ang mga balikat.
Kaysa umuwi kaagad si Alexa ay nagpunta na lang muna siya sa isang mall para mapawi naman ang lungkot niya ngayon.
Samantala si Lucas ang batang kasama ni Victor sa mahiwagang bahay ay pumapasok sa isang eskwelahan. Ito ay nagpapanggap bilang isang normal na tao at hindi pinapakita ang mga kaya niyang gawin katulad ng pag lutang sa ere. Ngayon ay kailangan niya na muling pumasok at mukhang may hinahanap ito.
" Nasaan na ba 'yon? Late na ko!" Naghahanap ito sa paligid ng mga shelf ng libro ngunit hindi niya makita ang hinahanap niya.
Napagawi ang paningin niya sa table ng kanyang lolo at nakita na niya ang hinahanap niya. Isang libro na gamit niya sa eskwelahan ngunit sa pagmamadali ay hindi niya napansin na iba ang nadampot niyang libro at hindi ang libro niya sa eskwelahan.
Lumabas si Victor sa kwarto niya at muling pumunta sa kanyang table para muling magsulat sa mahiwagang libro pero sa pag-upo niya at pagbaling ng kanyang mata kung saan niya ito itinabi ay ibang libro ang nakita niya.
Kumunot ang noo nito." Sandali! Nasaan na ang mahiwagang libro, bakit ibang libro ang narito sa aking lamesa?" Hinanap ito ni Victor sa paligid ng lamesa maging sa mga drawer nito pero wala siyang nakita.
" Saan na napunta 'yon ang pagkakatanda ko dito ko lang 'yon inilagay pero bakit wala rito at ibang libro ang narito." Ilang beses na niyang hinanap pero hindi niya pa rin nakita kaya naman huminto na lang ito at naupo muli." Tatanungin ko na lang si Lucas mamaya baka nakita niya."
Samantala si Alexa ay inaliw ang sarili sa pagtingin sa mga batang naglalaro sa palaruan sa loob ng mall." Buti pa sila masaya lang at walang pinagdadaanan katulad ko." Ngumiti siya sa isang batang lalaki dahil cute itong kumakaway sa kanya at ang tingin niya ay na sa 2 years old pa lang ito.
Nalibang ng nalibang si Alexa sa mall at hindi niya namalayan gabi na at mukhang uulan pa kaya naman bago pa umulan ay sumakay na siya ng jeep at bumiyahe.
Habang si Lucas ay pauwi na rin ay naisipan muna niyang pumunta sa isang simbahan kahit ito ay sarado na. Nakasanayan na ito ni Lucas dahil sa labas ng simbahan ay tahimik pag gabi, umupo siya sa isang upuan sa labas ng simbahan at may silong naman pero nang kukunin na niya ang libro sa loob ng bag niya ay biglang may tumatawag sa mahiwagang salamin na parang compact mirror. Sa hindi sinasadya nabitawan niya ito pero hindi sa mismong bag niya bumagsak kung hindi sa upuan.
Binuksan niya ang compact mirror at lumabas ang mukha ni Victor rito." Anong oras na Lucas hindi ka pa umuuwi."
" Pasensya na lolo, napadaan lang ako dito sa simbahan."
" Umuwi ka na ngayon may kailangan lang akong itanong sayo."
" Sige po lolo." Nawala na sa salamin si Victor at bumalik ulit ito sa babasagin na salamin at makikita ang repleksyon ng mukha ni Lucas.
Biglang nagsimula ng pumatak ang ulan kaya hindi na napansin ni Lucas ang libro na nahulog sa upuan at dahil nga nag-uumpisa ng lumakas ito ay tumakbo ito paalis at habang tumatakbo siya ay lalo pang lumakas ang ulan. Sa oras na liliko na ito sa isang eskinita ay makakasalubong niya si Alexa na tumatakbo rin, bumagal ang takbo nilang dalawa ng halos magdikit ang kanilang mga balat. Nakalagpas na sila sa isa't-isa at si Alexa ay napilitan na huminto sa labas ng simbahan dahil lumakas na ng todo ang ulan.
" Wrong timing rin ang ulan ngayon, nakikiramay ba siya sa kalungkutan ko ngayon," sambit ni Alexa habang pinupunasan ng panyo ang mga nabasang bahagi ng katawan niya.
Ilang minuto na pero hindi pa rin tumitila ang ulan kaya naupo na siya sa katabi niyang upuan pero habang hinihintay niyang tumila ang ulan ay napansin niya ang isang libro na katabi niya.
" Libro?" nagtataka niyang sambit.
Kinuha niya ito at sinuri." Ang ganda naman nito kahit luma na." Binuksan niya ang libro at nagulat siya dahil walang nakasulat rito." Pero bakit walang nakasulat? Ang luma na niya pero bakit blanko ang mga pages."
Tiningnan niya pa ang lahat ng pahina pero wala talagang nakasulat." Sayang naman 'to puwede ko pang magamit, pero baka balikan ng may-ari." Sa kakaisip kung kukunin ba niya ang libro ay sa huli ay nakapagdecide na siya na kunin na lang dahil mukhang hindi na ito babalikan ng may-ari dahil gabi na." Sorry sa kung sino man ang may-ari nito, dahil kung hindi ko naman siya dadalhin pa uwi ay baka itapon lang ng naglilinis ng simbahan." Niyakap na niya ito at tumingin sa kalangitan dahil tuluyan ng tumila ang ulan at tuluyan na siyang makakauwi sa kanyang bahay.