Browse stories

Deal with the President

Language: fil

After consecutive pains and tragedies, she has to face the reality of life. She has to stand up, continue living and recover fast. Peace, she's been longing for it, her whole life. Yena Castille practiced the life of pure coldness and despair. She's an excellently flawless person as her existence was horribly adored, delighted and raised very well by people around her. Until guilt, liability, regrets and cruelty around her, she just put herself in a prison, her emotions were jailed, she will never get out of it. Until a person came, the one who could beat her, the only person that…

Available chapters

  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3

Chapter 1

"Narinig ko, dumating na daw yung sweldo natin," pag-kausap sa akin ni Reim na nasa counter habang nagpupunas ako ng mesa.

I was still a high school student back then, fourth year highschool na ako sa pasukan. Like those parents who want their child to have a promising future, they enrolled me in Meridian High. Nakapasa ako sa scholarship program nila doon. It was a smooth road, my grades were maintained well.

Dahil bakasyon pa rin, nag-summer job ako para sa dalawang buwan bilang panghanda sa nalalapit na pasukan. Meridian High isn't an ordinary school, mas mahal pa sa pagkatao ko ang scholarship doon. Kung pwede nga lang na huwag nang mag-aral at magtrabaho nalang.

What's the point of ambition when you can't even sustain yourself and your mother's needs? Hindi ba?

"Titignan ko mamaya," maikling sagot ko.

"Ano ba naman yan, Yena. Wala na bang ihahaba pa yan?" reklamo pa niya. Papalubog na araw at wala halos customer sa restaurant.

Nakibit-balikat ako. "Wala naman na akong ibang dapat sabihin. "

Nagkibit balikat nalang din siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. She just can't work quietly. Muli kong siyang tinignan at nahuli siyang nakangisi. I frowned.

"Believe talaga ako sayong bata ka. 'Diba mahirap yung entrance exam sa Meridian high? Paano ka nakapasa sa scholarship nila?"

Hindi na ako sumagot sa pagpuri niya dahil hindi ko naman alam ang isasagot. Tumingin ako sa wrist watch ko. "It's already 6:00 pm, aalis na ako," pag-iiba ko ng usapan.

"Sige, ingat!"

Pagka-labas ay dumiretso na ako sa malapit na bangko para kunin ang sweldo ko. Agad kong nilagay sa shoulder bag ko ang pera, medyo malaki ang sinuweldo ko ngayon dahil laging akong nagho-whole day.

"Aww!" Napasigaw ako nang bigla akong matalisod. Oh! Yung sintas ko lang pala. Bobo.

Tumingin muna ako sa paligid at tinignan kung may nakakita. Wala naman, dahan dahan akong lumuhod at inayos ang sintas ng sapatos ko.

"Hoy! Yung bag ko!" sumigaw uli ako nang may isang lalaking naka-gray na jacket na humablot sa shoulder bag ko. It's not a jacket but a hoodie. My mood suddenly freaked out from being lifeless, I worked for a month just to get that.

Unbelievable!

Hinabol ko siya nang mabilis hanggang sa makarating kami sa kabilang kalye. Maraming tao dahil nandito ang mga bilihan sa bayan. I sighed, pumikit ako nang mariin at napakagat sa labi. Hindi man lang naawa?

"HOY!" sigaw ko uli hanggang sa hindi ko na siya nakita dahil sa sobrang dami ng tao.

Lumingon-lingon ako sa mga tao. Napakagat ako sa ibabang labi ng makita yung lalaking naka-hoodie na kulay gray, mukhang normal na tao lang siyang naglalakad. My gaze became darker and darker. Who do you think you are?

Agad ko siyang nilapitan at nakipag siksikan sa mga nakapila sa isang bilihan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinuntok ko na sa mukha yung tao na iyon. Mabilis kong pinagpag ang nasaktan na kamao at may nakita pa na dugo roon.

"Arouch!"

"Give it back." Kinuwelyuhan ko siya, my stabbing gaze stilled on him with my lips slightly pursed. "Thief, I said give it back!"

"Magnanakaw?"

"Hindi, snatcher."

"Snatcher?" Kumunot yung noo ng lalaki sabay pagtaas ng kilay niya. Pinahiran niya ang dugo sa labi niya at saglit na umubo, mabilis kong nilihis ang mukha na natalsikan pa ng laway niya.

"Ehe!"

"Sorry, sorry!" he apologized. "Saglit lang, nagkamali ka yata." He showed me his bright smile, na medyo nangiwi dahil nasugatan ko yung gilid ng labi niya.

Lumuwag ang hawak ko sa kwelyo niya. Hinigpitan ko uli, hindi ako pwedeng magkamali, about 6ft tall, crumpled hair and plain gray hoodie, siya talaga 'yon...

"Anong gulo to, ha!" Natigilan ako nang may sumigaw, saka ko na lang napagtanto na napapalibutan na pala kami ng maraming tao.

Tinignan kami pareho ng pulis. "Sa presinto nalang kayo mag-usap."





"Eh, paano mo naman nasabing siya nga ang nang-snatch ng bag niyo?" tanong sa akin ng police.

Nanatiling walang emosyon ang mukha ko. "He's 6ft tall, naka-gray hoodie, pants and black sneakers, 'yon ang natatandaan ko. It's exactly the same," sagot ko.

Tumingin naman siya sa lalaking kaharap ko. "Totoo ba yung sinasabi niya?" Hindi naman siguro aamin yung magnanakaw na nagnakaw nga siya.

"Your memory doesn't seem to be wrong." Tumingin sa akin yung lalaki nakapatong pa sa ulo ang hoodie habang nakapamulsa sa jeans. Parang tanga na ginagalawgaw niya ang mga binti, ngumisi siya. Hindi ko alam kung talagang mahilig siyang ngumiti o talagang gusto lang mang-asar. "Pero hindi talaga ako yung taong nagnakaw ng bag mo po."

Napa-irap ako nang pasikreto. Malay ko ba kung may kasabwat siya at pinasa niya doon. Paano na yung bag ko? Isang buwan na sweldo ko iyon. I can't believe this...

"Lim?" Napatingin ako sa isa pang pulis na pumasok, napalingon naman ako sa lalaking tinawag niya.

"Kuya Christian, kamusta?" parang bata na sagot naman ng lalaking nakaupo sa tapat ko. Magkakilala sila?

"Anong meron?"

"Wala po, napagbintangan akong nag-snatch ng bag." Nakibit-balikat yung Lim. Tss.

"Ah miss, ako nga pala si PO2 Christian Bautista." Nakipag-kamay siya sa akin at marahan na nanlaki ang mga mata ko.

"Singer ka?"

The police man chuckled. "Hindi. Kilala ko kasi itong si Lim, guitarista siya ng simbahan namin. Hindi naman yan marunong magnakaw, hiya. Sinabi niya naman na hindi siya 'yon," malumanay na sinabi nito.

"But we could help you out. We'll check the CCTV footage."

"Eh miss, ano ba yung nakalagay sa bag mo? Don't worry, Iche-check pa naman namin yung CCTV sa lugar."

"My monthly income." Napabuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin. Nakatingin lang sa akin ang lalaking katapat ko, muli ko siyang tinignan at saglit na inirapan. He chuckled because of amusement.

"Nahuli na yung snatcher," singit ng isang pulis. "Nabundol siya ng kotse. Aaahahaha!" dugtong pa nito.

I frowned. "Ha?"

"Ito ba yung bag mo, kapatid?" Tumango ako nang makita yung bag ko na hawak niya. "Nasa kabilang kwarto yung snatcher, menor de edad pa, eh."

Hinyaan ko na iyon at dumiretso na sa labas ng police station. Natigilan ako nang mahagip ng paningin ko iyong lalaking napagbintangan ko. Nakaupo siya sa bench kaya nilapitan ko siya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa strap ng bag ko nang makalapit sa harap niya na nakayuko.

Tumikhim ako at tumingin sa paligid. "I may have great memories, my instincts were weak," pag-amin ko.

Nag-angat siya ng tingin at mabilis na napangisi. "Ayos lang. Go home, gabi na."

Hindi ako sumagot at hinalungkat sa bag ko. Inilabas ko room ang maliit na band-aid at tahimik na iniabot sa kanya.

Ngumuso siya. "Saan mo nakuha yan?"

"Sa bag ko," tipid kong sagot. "Get this, help yourself."

"Kanina halos magrap ka na nang nangangatuwiran ka."

Marami pa siyang dinaldal, mabilis kong inilabas ang maliit na alcohol sa bag at nilagyan ng kaunti ang kamay ko, marahan ko itong sinampal sa kanya. Agad siyang napangiwi.

"Arouch!"

Hindi na ako sumagot. These things are always in my bag. Wala si mama para gamutin ang sugat ko kaya lagi silang nasa bag. Yung mga braso ko puro gasgas halos.

"But you look cute," singit niya kaya tinignan ko siya nang masama.

Tumayo na ako at muling sinukbit ang bag. I stared at him. "I already cured your scar and I apologize for what happened. I'll go now."

"Let's meet each other again. Through God's will, I think."

Natigilan ako sa paglalakad at bahagyang kumabog ang dibdib. Huwag po. Ayoko.

Chapter 2

Umuwi na ako ng bahay. I can't believe I wasted almost an hour inside the police station just to chase a snatcher and have a silent war with a guy who didn't even do it. Huminto muna ako sa labas ng gate at inayos ang box ng cake na dala. I only bought a small one, kaming dalawa lang naman ang nasa bahay.

The cool air of the night lightly stroked my face, bahagyang hinangin ang buhok ko at nag-isip muna bago pumasok. Today is... I think it is her birthday today. I wonder what I would say to greet her at least, I've been a daughter with an attitude back then.

Ilang segundo pa ay pumasok na ako sa bahay. Tahimik sa loob at nakapatay pa ang mga ilaw. She's usually cooking at this period of time. Tinignan ko ang paligid at dahan-dahang nilapag sa mesa ang hawak.

"Ma!" tawag ko pero walang sumagot. Ginabi ba si mama?

Pumunta ako sa kwarto pati na rin sa kusina pero wala naman siya doon. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Wala akong alam kung nasaan siya dahil mahigpit kong bilin na huwag siyang magpapagabi sa trabaho. I shouldn't be nervous, baka may pinuntahan lang siya. Kapit-bahay, nasa kapitbahay siya.

Kumatok ako sa gate ng kapitbahay upang mag-baka sakali. I hesitated to say a word as the neighbor opened it. "Bakit, Yena?"

"Si mama po..." Napakagat ako sa ibabang labi at nag-isip kung paano siyang tatanungin.

"Yena, kanina may nagpunta dito na ambulansya, itinakbo yata sa ospital ang mama mo. Kani-kanina lang din."

"P-Po?" Humigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagmadaling umalis papunta sa hospital na sinabi niya. Mabilis ang bawat kabog ng dibdib ko kahit nasa byahe pa lang. She looks okay this morning, malakas naman siya at nakangiti nang magpaalam ako. What happened?

Nang makarating ay tumakbo na ako at nagtanong sa nurse. The nurse was too slow that I didn't had the patience to wait and rushed to the emergency room. Natigilan ako sa nadatnan doon at halos manlumo.

Bumagal ang bawat hakbang ko, unti-unti akong nakaramdam ng hirap sa paghinga. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at kumikirot iyon habang nakatulala ako sa direksyon niya.

Mama?

She's lying there, on the stretcher. Unti-unti nang nagsisialisan ang mga taong nakapalibot sa kanya at kasalukuyan siyang tinatanggalan ng mga aparato sa katawan. Hindi ako nakagalaw at halos tumigil ang paghinga. Straight lines, the strange yet disturbing noise from that apparatus. She's gone. My mother is gone.

What happened?

Nakarinig ako ng pagtangis sa tabi ko. I realized that it was my aunt, my mother's older sister. Nagulat siya nang makita ako pero agad na napalitan ng galit ang mga mata niya. Sinimulan niya akong duruin at sigawan sa harap ng maraming tao. I only stood there silently, absorbing everything in my minds without knowing that it broke my heart, again.

"Sakit daw sa puso. May sakit sa puso ang mama mo, Yena. Hindi mo alam?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Nasaan ka?! Ni tinitignan mo man lang ba siya kahit saglit? Hindi ka ba nagtatanong kung may problema, habang-buhay na lang bang malamig ang pakikitungo sa magulang mo?! Iyan ang problema sayo, sarili mo nalang ang iniisip mo."

Walang emosyon akong tumingin sa kanya. "H-Hindi ko po alam," mahina kong sabi at hindi ko na alam kung ano ang idudugtong doon.

Parang tumigil ang mundo. What happened- why did this happened? Parang kanina lang ay masaya siyang nagpaalam sa akin bago ako pumasok ng trabaho, sumagot man ako o hindi siya pansinin. And now she's gone, my only parent was gone...

Who would cook for me? Pati ba naman siya ay nawala sa akin, siya na lang ang meron sa akin, eh. Siya na lang ang natira sa akin pero pati siya ay umalis nang walang paalam. Paano na ako? Paano akong magpapatuloy nang ganito? Hindi ko alam, hindi ko kaya.

"Ngayong patay na siya. Sige Yena, may magagawa ka pa ba?!" sigaw ni tita sa akin. "Ano bang aasahan ko sayo? Puro ka aral, wala ka nang pakialam sa mga nasa paligid mo. Aanuhin namin yang talino mo, ha?! Ngayon wala nang natira sayo, kasalanan mo yan!"

"Ignorante ka, sa lahat ng mga anak, paranh ikaw na ang pinakamalala. Hindi ko na alam..." Mas napaiyak ito.

Tahimik lang ako at hindi magawang yumuko kahit kanina ko pa gusto. Everything happens really fast. I deserve this, I'm so irresponsible, na kahit ang sariling ina ko ay hindi ko man lang napansin na may sakit. I should have known so I could help her with the useless money I made through part-time jobs.

Wala akong maramdaman, namanhid ang buong sistema ko. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko matanggap. I just lost the three of them by managing to continue this life. Ibinagsak ni tita ang kamay sa balikat ko at tinalikuran ako habang umiiyak.

I'm responsible for this.

Lumunok ako at pumikit nang mariin. I sighed several times and stopped myself from shedding even a single tear.

"Your mother, she has an aortic aneurysm. She must have been feeling unwell for a long time without saying anything," pag-kausap ng isang babaeng doctor sa akin. Napatingin ako sa tita kong nasa isang sulok at humahagulgol nang malakas.

"It's a deadly disease, pero kung naagapan sana..."

Akmang tatapikin ng doctor ang balikat ko ngunit hindi nito itinuloy nang makita ang blangkong ekspresyon sa mukha ko, napansin ko ang pag-aalangan niya at saglit na pagkatakot. Tuluyan niya na itong inatras.

"Don't blame yourself. Walang may gusto ng nangyari," pahabol nito at umalis sa harapan ko.

Napabuga ako ng hangin dahil sa matinding pagkadismaya sa sarili. Ang bigat sa dibdib, ang hirap huminga. Yes, I don't deserve a family but they don't deserve to end like this.

Lumapit ako kay mama at tumitig sa kanya. Hindi tinuloy ng isang staff ang pagtakip ng puting tela nang makitang nakatingin ako roon, hindi ko siya pinansin. Tinignan ko ang walang buhay na katawan ni mama. I want to believe that I finally lost my pride and I was watching her as she sleeps peacefully, para akong nananalamin, I just look like her, but my face was not peaceful as her.

Nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko siya malapitan nang husto, kahit gusto ko siyang hagkan nang mahigpit at umiyak sa kanyang balikat.

Mama...

Doon ibinurol si mama kila tita. Hindi na ako naghasik magtanong kung bakit hindi na lang sa bahay namin. Wala akong ibang narinig kundi ang paratang at paninisi nila sa akin doon. Nanatili akong tahimik at nakayuko lang. I could resist them, I'm patient enough. I accepted everything with all my might. The thing I can't accept, the sudden death of my mother.

You're in pain all this time, bakit hindi ka naman nagsasabi?

Magdamag akong nakatayo sa tabi ng kabaong ni mama at nakatingin lang sa kanya. Ang ibang kamag-anak ko sa likod ay tahimik na umiiyak, hindi katulad ko na walang mailabas na luha. I feel useless, worthless. All I have was coarseness. Anong karapatan ko na tumangis? Wala, wala akong karapatan.

"Yenyen."

Nagulat ako nang niyakap ako ni Tan, pinsan ko na kaedad ko rin. Sa mga oras na ito, siya lang ang nakaiintindi sa akin kahit alam kong hindi ako kainti-intindi, kahit hindi ako dapat yakapin at lapitan man lang para mapagaan ang loob. Lumunok ako habang nakapulupot ang mga braso niya sa akin. Please...

"Everything will be fine. Hindi ka okay, ako rin, ganoon talaga," he whispered, naramdaman ko ang mahinang pag-pat ng palad niya sa likod. I can't cry here.

Hinarap niya ako at nagtipid ng ngiti, kita ko ang pamumugto ng mata niya. "Yena...'' muli niyang tawag sa akin. "Are you really okay?"

"Mmm," maikli kong sagot.

Hindi siya nagsalita at muli akong niyakap nang mahigpit, marahang pina-pat ang aking likod. Maye gyera pa rin sa aking dibdib at hindi ko ito magawang pakalmahin.

"Pasensya na," bulong ko at napaos na nang tuluyan ang boses.

Hindi ko siya magawang yakapin pabalik. Walang emosyon kong tinignan si mama, I feel useless. I can't believe this, I didn't even got the chance to save her. She's just enduring the pain all this time, how stupid of me.

How will I able to live this way? I have no one, people loathed me because of what happened and I'm mad at myself too. Sinisisi ko ang sarili sa nangyari dahil ako ang talagang dapat sisihin. I should have watched over my mother, observed if something's wrong and asked her if everything was fine.

Wala naman ginawang masama si mama, mabuting tao siya, nagta-trabaho kahit pagod na para mapagtapos lang ako. Bakit nagkaroon siya ng ganitong anak? Bakit hindi na lang bunsong anak ang nawala?

My mother... she doesn't deserve to end up like this. How could I take care of her when she got old? How will I be able to prove her that I'll be a responsible child to her? How will I be able, without her?

I was responsible for this, I beg you, please forgive me.

Chapter 3

Taas noo at walang gana akong naglakad sa mataong hallway ng building. Hindi ko pinansin ang mga taong hindi naiiwasang ibaling ang tingin sa akin. Maayos kong isinukbit ang bag sa isang balikat at natigilan sa isang babaeng tumatakbo papalapit. I sighed secretly.

Masayang lumapit si Dannilane sa akin. "Hello, Yena! Saan ka nagpunta noong bakasyon?"

"Trabaho."

"Oo nga pala, you're a working student. Even if you work to sustain your studies, it doesn't even affect your reputation. Sabagay, maganda ka kasi, eh"

Hindi ako sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad, marami ang naglalakad sa hallway at karamihan ay kasalungat ng direksyon na papunta sa amin. As I grow up, people around me became the least of my concern. Kaya nawala na rin ang atensyon ko sa sarili kong magulang. I can't believe this...

Kahit nakapasok na sa room ay kinukulit niya pa rin ako, I took a straight walk to the unoccupied seat at the side. She even sat beside me, hindi na ako nagreklamo. I closed my eyes and freely rested my head on my chair.

"She's always sleeping, porket first honor at maganda lang, eh. Edi, matulog ka lang dyan. I'll talk to someone else."

Nakaramdam ako nang marahan na paggalaw ng katabi kong upuan, ibig sabihin ay umalis na siya upang maghanap ng ibang makakausap. Good.

Ipinahinga ko ang sarili ko at ilang beses na bumuntong-hininga sa kalagitnaan ng pagkakapikit. It's the first day of our class as grade 10 students. Yet, I don't even know what I am doing here. Bakit ba ako narito? Why did I wake up early just to go here?

"Yena, come back to this world. Natatanaw ko na si ma'am."

"She must be really tired. Sana ay hindi ka na lang pumasok."

Mabagal akong dumilat at ibinaling ang tingin sa harapan. Tumayo ang adviser namin sa harapan at bumati. Pumipikit-pikit pa rin ako kaya pinipigilan ko iyon nang mabuti. Matutulog ako sa library mamayang tanghali, sana ay walang ipapagawa sa akin ang mga teacher.

"Limuel Reyes, he's an STE student from his former school, a student with high honor. We'll look forward to you in the near future. Class, please welcome your new classmate."

Napako ang tingin ko sa harap, sa lalaking inosenteng nakatayo sa tabi ng adviser namin. Inayos niya ang bag na nakasabit sa magkabilang balikat at ngumisi. He's that guy, the one I got mistaken from a snatcher. What is he doing here?

Mas lumawak ang ngisi niya nang mahagip ako ng paningin. Natigilan ako at pinilit na ibaling sa ibang bagay ang atensyon pero hindi ko magawa. His smile became tender, like a kindergarten student. He made an inaudible motion that I can't understand, I wonder what he's saying.

"Dito ka nag-aaral?"

"Idiot," I whispered. Natawa siya at parang naintindihan ang bulong ko.

Napuno ng ingay ang buong room dahil sa kanya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at bumalik sa pagkakapikit. He'll be my classmate today onwards, it's nice, really nice. I don't like nice person.

"Ang gwapo, he's definitely my type," my seatmate whispered, sumingit sa kanya ang nakaupo sa likuran namin.

"Oo nga, ang gwapo. I think, we're quite fitted for each other. Maliit na babae ako, matangkad siya. What an ideal couple!"

"Classy girls must be his type. Shut up, you duckling!"

"Wala munang discussion sa ngayon. We'll start the class officers election now, para hindi na natin isipin. Anyone, class president."

Tinitigan ko ang upuan sa harap ko hanggang tumayo siya sa harap non. His lips were parted and his every gaze depicts innocence. Nag-angat ako ng tingin at nahuli siyang nakatingin sa akin. "Is this occupied?"

"No! It's not occupied, pwedeng-pwede kang umupo. Pwede rin kayong mag-palit ni Yena, masyado kang matangkad diyan." Si Dannilane na katabi ko na ang naunang sumagot, tumingin ako sa kanya at kinindatan niya pa ako. I hate this.

"Kaya nga. Baka hindi niya makita yung white board," malumanay na pagkakasabi nito at sang-ayon sa katabi ko.

Nag-iwas ako ng tingin at pabatong inilagay ang bag sa upuan na nasa harap ko. "Just sit here, then," kalmadong sabi ko. Umapak ako sa desk ng upuan upang mag-shortcut papunta sa upuan niya dapat. I'm too tired to walk in u-turn just to switch seats with him.

"Oh, baka mahulog ka," nag-aalala na sabi niya, he's frail.

"Tapos na kayo?" tanong ng adviser namin sa amin, si Dannilane na ulit ang sumagot. "Okay, should we proceed with the nomination? President!"

"I nominate... Yena Castille po, ma'am."

Pagkatapos noon ay wala nang nagtaas, it's a part of their plan. Sa buong school year ay puro ako ang class president. It's a huge responsibility, ikaw ang aako kahit ayaw mo, ikaw ang gagawa kahit ayaw mo.

"Si Yena lang ba?" tanong ng adviser namin. Tumingin siya sa paligid. "How about our transferee? Lim, gusto mo bang subukan?"

The two of us ended up as nominees for the class president. Pareho kaming pinatayo sa harap, tahimik lang ako at hinintay ang magiging desisyon nila. The whole class was still fascinated by his presence. I think they'll vote him.

"Excuse me..." Biglang may tumawag sa adviser namin mula sa pinto kaya nilabas niya iyon.

"Huy!" Marahan akong kinalabit ng katabi ko kaya nilingon ko siya. "Kilala mo ako."

"You're Limuel Reyes, an STE student of your former school," I answered nonchalantly as what our teacher exactly said a while ago. Muli ko siyang tinignan, hindi pa rin gumagaling ang sugat sa gilid ng labi niya dahil ilang araw pa lang iyon. I wonder how our classmate didn't even think that he's a bad student because of that wound.

"Kulang ka ba sa tulog?"

"It's none of your business."

Natigilan siya, nakangiti pa rin. "Are you tired from being the class president here? I'll replace you if you want."

Hindi ako sumagot. I often receive additional grades as a class president, that position will help me gain more grades to maintain my top ranking.

"Okay class! Yena, explain why suited to be the class president. Pasensya na at biglaan, ha."

Tumikhim ako saglit, hindi ko alam. "Every responsibility of the section was owed, organizations were all in control, liabilities were fully accepted, I managed everything well. Is there any reason not to choose me for the position?"

Tumingin ako sa katabi kong nakangisi, nginingiti-ngiti mo d'yan?

"Please, let us be considerate and take care of her well." Muli itong tumingin sa akin. "Working three years as your class president must be tiring for her. We should at least let her rest for the last year and let her focus and give her time for herself. Sana iboto niyo ako, I'm not doing this just for myself."

I scoffed. Sinasabi ko na nga ba...

Agad akong narindi sa sigawan nila. He ended up as our class president helplessly, I'm the vice president. He'll receive the incentive of being a class president, I just lost over him, that should be me.

"Saglit, Yena. May party mamaya sa bahay, wag mong sabihin na di ka pupunta?"

"I won't answer"

No one in school knows about what happened in my mother. Wala rin akong gana na sabihin sa kung sino man. It's none of their business, it's the least of their concern. Nabuhay ako dito nang walang nakakakilala sa akin at mas mabuti na rin 'yon. I'm a walking useless, honestly.

"Ehhhh, Yena naman eh!!" Umalis na ako at hindi siya pinansin.

Binuksan ko ang locker ko at nilagay ang ibang gamit ko roon. This long day hasn't been able to done, maglilinis pa ako ng library at may night shift pa ako.

Padabog kong isinarado ang locker hanggang sa napagtanto ang presensya ni Lim na nakasandal sa katabing locker, nakaharap siya sa akin habang ang kanang balikat ay nakasandal sa locker. I almost get startled, unbelievable.

"What is it?" panimula ko. Hindi siya sumagot at may kinuha sa wallet niya, tinignan ko iyon at nakitang ang staff pass ko pala iyon.

"You have this..."

"Naiwan mo sa police station," sagot niya.

Tumango lang ako at inabot iyon mula sa kanya. "Mmm." Saglit kong tinitigan ang staff pass at inilipat ang atensyon ng mga mata sa kanya. "I'll go," pabulong na sabi ko at akmang aalis.

"Wait, Yena!" tawag niya kaya napatingin ako sa kanya, he placed his hands in his pocket. "You do believe in destiny, aren't you."

"I don't believe in destiny, I believe in coincidence by plain and literal mean." Tumalikod na ako at naglakad palayo.

This guy is really something...





Kahit hindi na kailangan, ipinagpatuloy ko ang buhay ko at pag-aaral. I don't have any plan for now, hindi ko pa alam. I couldn't barely eat, studying in daytime and going home from work late at night.

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang kumikinang na lagoon ng Meridian high, I inhaled the midnight breeze without any stress and burden. Alas dose na ng madaling araw at kakatapos lang ng night shift ko. I'm a young working student, I started in my second year of high school. Normal naman na sa mga katulad ko ang magtrabaho para mabuhay.

Dumating ang araw ng first grading announcement. I'm always confident, I always claim that as every announcement like this happens, I'll be on top. The conviction I'm relying on seems to be losing.

"Lim is doing good as our class president," panimula ni Dannilane.

"Agree ako, 'te! He's as good as Yena when it comes to organization and discipline, also in representing the class," Thea added, tumingin ito sa akin. "But we prefer human beings than a robot." At sabay silang nagtawanan ni Dannilane.

Hindi ko na sila pinansin at nag-focus sa with honors, hanggang sa ia-announce na ang with highest honors. Sinabi ng teacher namin na dalawa daw, it's obviously Lim, tapos ako.

"Second honor, Yena Castille." All I heard was some shocked reactions and gasps. Nag-palakpakan lang sila ng tumayo ako sa kinauupuan ko. I'm not shocked anymore, I know this will happen based on my calculations, hinihintay ko nalang ang talagang sasabihin ng adviser namin.

I don't really know but that suddenly annoyed me. We met in a strange way but I ended up losing over him. Ngayon ay medyo naiirita na ako sa kanya at hindi ko alam. Of course, he's my first rival. Siya lang ang unang kumalaban sa akin at nanalo.

Mabuti nalang at wala akong trabaho ngayon sa library, minabuti ko munang tumambay muna sa rooftop para mag-isip ng kaunti. Inisip ko kung paano ko ba matataasan yung tao na 'yon. What made him that intelligent? He looks like an idiot.

Kailangan na ako ang maging pinaka-una sa huli. Baka mabigla ako, kinukuha na pala ang scholarship ko na ang school na ang mismong nagbigay. Inisip ko rin na kung wala na akong pag-asa na matalo siya, mag-iipon na ako ngayon.

Hinilot ko ang kanang sintido ko habang patuloy na nag-iisip. This is stressing me out.

Nagulat ako nang may bahagyang humila sa nakatali kong buhok na parang kinakalabit ako. Isinandal ni Lim ang siko niya sa concrete na riles ng rooftop at humarap sa akin. He showed his annoying tender smile.

"You look depressed about the results," puna niya. Dumiretsyo ako sa pagtayo at tumingin sa kanya. "Pasensya na, ha? Hindi ko sinasadya."

"Depressed and disappointed are two different things."

Tumawa siya. "Are you disappointed?" tanong niya. "Sa resulta o sa sarili mo?"

"That's..." Huminga ako nang malalim. "None of your business."

Nanatili ang ngiti sa labi niya. "I'm sensing something, like the urge for competition between us," he said. "Akala ko ikaw rin yung magiging rank one. Don't think about it, decimal points lang naman pagitan natin."

"I may be the most competitive person you'll know." I stared at him, with my blank expression. "But I'll regain my first honor position at the end... I'm quite confident," I ended. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at umalis sa harapan niya.





"Yena!" Napatalon ako sa biglang pagtawag sa akin ni Reim sa kasama ko sa trabaho. "Nakatulala ka na naman. Ano bang nangyari?"

"Masama lang ang pakiramdam ko," simple kong sagot.

"You're not really in shape today. Sige na, mag-out ka na. Ako na bahala, maglilinis na lang naman."

"I'm fine." Ipinagpatuloy ko ang pagma-mop ng sahig.

Kailangan kong mag-ipon kaya kailangan kong ayusin ang trabaho ko. Kung pwede ay dagdagan ko ang oras ng pagtatrabaho. I never really thought that Grade 10 will be this hard for me.

Dumating ang second grading at si Lim pa rin ang first honor. I became extra competitive, inuunahan ko siya sa recitation at mga requirements. Dumadating ang oras na parang gusto ko nalang sumuko pero kapag nakikita ko ang ngisi niya ay parang umiinit ang dugo ko. He obviously didn't mean to annoy me, ugali niya lang na madalas na ngumiti at nababanas ako. I'll win over him, I'll win no matter what.

"Wow! Noong nakaraang linggo ko lang sinabi 'yang individual research at next week pa ang deadline, Miss Castille," sinabi ng teacher ko.

"Can I submit it now?" tanong ko at inilapag ang research paper sa desk niya.

He looks offended. "Are you sure of this?"

"Why can't you take a look," I requested. Pinanood ko siya habang iniiscan ang research paper ko.

''Ikaw ang unang mag-defense. You're really amazing, Miss Castille! Go back to your class, it will start soon," puri niya sa akin, hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon at nagpaalam na.

"Yena, hindi ko na talaga kaya, this requirements we're killing me!" reklamo ni Dannilane habang nagtitipa sa laptop.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng handouts na walang katapusan, I remembered every details on it. Napatingin ako sa kabuuan ng classroom, ang ingay nila. Hindi ba pwedeng gumawa sila ng requirements nang tahimik?

Pinili kong sa library muna manatili ngayon, kaya lang pagtapak ko sa loob ay si Lim ang nakita ko. Agad akong nairita pero hindi ko pinahalata. Kumibit-balikat nalang ako at umupo sa upuan na nasa harapan niya.

Napatingin siya sa akin mula sa pagkakayuko. "Giving up?"

I look at him. "Do I look like giving up?" I thought that the competition wasn't that serious.

"You know I have been the first for two consecutive quarters, kung ako pa rin sa third grading, you know it will be risky to change."

"I really like you." Iyon ang tanging lumabas sa labi ko. "I like you the most as my competitor. I would prefer you than other else as my rival."

Saglit siyang natigilan at nakaawang ang bibig. Ngumuso siya. "Bakit? Kasi boring silang kalaban? Because there's no thrill. Alam mo na ikaw pa rin ang mananalo sa huli," he said.

"Mmm." Tumango ako. Nagtaka ako dahil sa makahulugang titig niya sa akin. "Do I look bad?"

"You're making yourself bad." Umiling siya habang nakangisi. "That's cute."

Ipinagpatuloy niya ang sinasagutan niya at ako naman ay tumingin muna ng ilang segundo sa kanya. What is he saying? What is cute? Paano naging cute 'yon?

Muli kong ibinaling ang tingin sa makapal na libro na hawak ko. Masyadong naging busy ang lahat ngayong linggo, halatang masyadong maraming requirements, quizzes, at may periodical exam pa. Ako naman, kaysa umupo at mag-review nalang pag-uwi ay kinailangan ko pang mag-ayos ng library at mag-night shift sa isang restaurant.

"I see you're really working hard, Yena," bati sa akin ni Dannilane. "But Limuel Reyes, you won't gonna beat him this time."

All this time, I thought I'm the only one who could stand out. He came out of the blue, dramatically, hindi ko naman inaalala ang katanyagan, papuri, and the valedictorian title itself. But I do have a scholarship, the only silver lining I'm holding on.

I look at him. He was talking with one of our classmates. He's got that look, always smiling brightly to the person he's talking to.

"Pero may plano kang mag-NSE?" biglang tanong ni Dannilane.

"Siguro, kung makapasa," maikling sagot ko.

"Would you take a scholarship?"

"Kung makakapasa."

"I know Lim would enter too, remember kuya niya ay valedictorian ng NSE noon. And if that's the case, kayo na naman ang magkaribal." Tinaasan niya ako ng isang kilay.

Rivals. He's my only rival but he's the hardest. Siya na ang nangunguna sa dalawang magkasunod na quarter. Kung mawawala na talaga ako sa first honor, babawiin ang scholarship para sa taon na ito.

I can't fail my mother, I can't fail my whole family. This is the only thing I could do for them. Should I tell him about my scholarship rules? No, I'm not weak, there's no way I'm asking him for help.

Should I just......give up?